Chapter Seventeen
Chapter Seventeen
Three days since that incident happened. I'm still here, I keep on ignoring Mike's call. Sa loob ng tatlong araw na 'yon ay nagkakahiyaan pa kaming dalawa ni Anglo. I really don't know what to do anymore. Basta ang alam ko, I like Anglo.
Sumilip ako nang bahagya sa pintuan ng kwarto ko upang tignan kung nagluluto na si Anglo. He told me yesterday that he won't come at Mang Lito's house to work, gusto niya raw makasama ako.
I smiled. Maging ako ay iniiwasan siya dahil nahihiya ako sa inakto ko nung nakaraan.
I initiated the kiss!
I'm such a flirt!
Nang hindi ko makita si Anglo ay lumabas na ako ng kwarto. Wala si Lily dahil nasa eskwelahan ito samantalang si Tita Mirriam naman ay namamalengke. Si Tito Noel naman ay nandoon pa rin sa kwarto niya, I want to bring him to the hospital. Kahit tinatanggihan ako ni Anglo sa alok ko ay tingin kong kailangan nila 'yon.
Anyways, I scanned the whole place and I can hear some noises outside their house. Lumabas ako upang tignan kung ano 'yon and I saw Anglo talking to Henry.
Dumako ang tingin sa akin ni Anglo bago tumingin muli kay Henry. Tingin ko ay nagpaalam na si Anglo rito dahil umalis na ito. Anglo walked towards me then he stopped when he's only few inches away from me, "Gising ka na pala. Tara, pinagluto kita."
Pumunta siya sa kusina kaya naman sinundan ko siya. Umupo ako sa isang upuan at pinanood siyang maglagay ng mga pinggan sa harap ko. There's hotdog, egg, rice, and bread on the table. I don't know what to eat kaya pinili kong kainin iyong lahat. I looked at him then I saw him looking intently at me. I raised my eyebrow, "May dumi ba ako sa mukha?"
"Wala. Nagtataka lang ako ba't mo ako nagustuhan."
"What do you mean?"
"You see, mahirap lang—"
Pabagsak kong ibinaba ang kutsara ko sa narinig ko kaya hindi niya na naituloy ang sasabihin niya. Yeah, this is wrong. I'm engage but here I am, messing with someone. Masama kong tinitigan si Anglo dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba rito, lagi nalang minamaliit ang sarili niya.
"Stop saying that, okay? I like you. Stop saying nonsense things."
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi dahil sa sinabi ko. Hinawi niya ang buhok niya habang titig na titig ako sa kaniya.
"Ba't ka nakatitig diyan?"
"You look good doing that."
Pansin kong namula siya sa sinabi ko kaya natawa ako. May mga soft side talaga ang mga lalaki, hindi lang nila pinapahalata minsan.
Mabilis kong inubos ang pagkain ko dahil sabi niya sa akin ay may pupuntahan daw kaming lugar. Hindi niya sinabi sa akin kung saan kaya hindi na rin ako nagtanong. Nagmadali akong maligo 'cause first of all, I'll consider this as our first date.
I'll forget about, Zach. This time, I'll only think of Anglo.
I don't care if this is wrong. I like Anglo to the point that I'm willing to stay here instead of going home.
I looked at myself in front of the mirror. I tried doing my makeup but I keep on messing up, "The hell? Lagi ko namang ginagawa 'to, ah."
It looks like I'm nervous, of course I am! Hindi ko alam kung saan kami pupunta at kung ano ang nandoon. Should I wear pambahay kaya or no? Ba't kase hindi niya sinabi sa akin kung saan!?
I picked a purple above the knee dress and white sandals to pair it. Kung saan man kami pupunta, siguro ayos na 'to? Naglagay din ako ng dalawang clip sa magkabila kong buhok. Err, these clip are from Lily. Hindi ko pa rin pala naisasauli sa kaniya at gagamitin ko pa sa kalandian ko.
Gosh, this is not me!
I took a deep breath before smiling in front of the mirror, "I hope this turns well."
NAKAHALUKIPKIP ako habang nakatayo sa labas ng bahay nila. Nagpaalam sa akin si Anglo na dadaan daw muna siya kay Mang Lito upang kunin ang sweldo niya. Thirty minutes na akong nakatayo rito pero wala pa rin siya! Dumating na si Tita Mirriam sa pagbebenta ng bananaque pero wala pa rin siya!
"Oh Hija, wala pa rin ba si Anglo? Saan ba kayo pupunta at nakaayos ka?" I looked from behind and I saw Tita Mirriam. Pilit akong ngumiti at nag-iisip kung anong magandang palusot ang sasabihin ko.
Hindi ko naman pwedeng sabihing magde-date kami ng anak niya!
Think, Savitri! Think, think, think!
"Uhm, m-magpapasama lang po ako sa Mall. Hehehe." I diverted my eyes from her for me not to stutter again if she'll ask me again.
Huhuhu, sorry sa pag sinungaling, Lord.
And besides, siguro ito na siguro ang magandang time para ibili si Tita Mirriam ng kalan at refrigerator.
"Oh siya sige, mag-iingat kayong dalawa, ha?" I just nodded from what Tita Mirriam said and said thank you. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakita ko si Lily na tumatakbo papunta sa akin.
May kasama siyang isang batang babae at sa palagay ko ay kalaro niya ito. Tumigil siya sa harap ko at tiningala ako, "A-Ate Sasa! Ate Sasa! Punta ka raw po sa bahay ni Mang Lito sabi ni Kuya." nautal pa siya sa pagsalita dahil sa pagtakbo nila kanina.
"Ganoon ba? Sige, salamat Lily."
Tumakbo na ulit si Lily palayo sa akin habang kasama ang kaibigan niya. Nagsimula na akong maglakad at napahinto ako nang may naisip ako.
Saan ba nakatira 'yong Mang Lito na 'yon?
"Argh! I hate you, Anglo!"
Nakapasok na ako sa subdivision na pinuntahan namin nang pumunta kami kay Bella. Halos lahat ng taong nadaraan ko ay nakatingin sa akin kaya hindi ko mapigilang mapakunot noo.
Ako ba talaga ang tinititigan nila?
Kung makatingin kase sila ay parang hinuhusgahan na nila ang pagkatao ko. Same with Anglo before!
Kanino ba ako dapat magtanong kung taga saan si Mang Lito?
"Yo, Avi!"
"Ay palaka!"
Napapitlag ako nang may umakbay sa akin at nakita ko si Henry na tumatawa habang nakangiti sa akin, "Ang gwapo kong palaka, Avi."
Taka ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya at mabilis na umalis sa pagkakayakap niya sa akin, "Get off me nga! Kadiri ka!" Pinunasan ko ang damit ko dahil basang-basa siya ng pawis nang umakbay siya sa'kin. May hawak pa na bola sa kaliwa niyang kamay.
Nag-basketball ata.
"Arte mo naman. Saan ka ba pupunta?"
Oh, shoot! Pwede ko siyang tanungin!
"Oo nga pala, Anglo told me to go at Mang Lito's house. Saan ba 'yon?"
"Tara, samahan kita. Doon ka lang pala pupunta tapos ganiyan damit mo?"
Tinignan niya ang damit ko at naunang maglakad sa akin. My forehead creased, what's wrong with my outfit? Ba't kase sinabi sa akin ni Anglo na magde-date kami tapos doon niya ako papapuntahin?!
Kainis, kainis!
Sumunod na lamang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang gate. May mga buhangin at hollow blocks sa labas so I therefore conclude that this gate belongs to Mang Lito. Pero ang sabi sa akin ni Anglo ay kukunin niya lamang ang sweldo niya?
Lumingon ako kay Henry at nakita ko siyang nakatingin sa akin, "What are you looking at?"
"Sayang. Girlfriend ka pala ni Jelo," kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"Wala, katok ka nalang diyan. For sure nandiyan naman si Jelo."
He tapped my shoulder before he said goodbye. Tumango lamang ako sa kaniya at nagpasalamat sa pagsama sa akin papunta rito. Tumingkayad ako upang makita kung ano ang nasa loob ng gate pero hindi ko makita dahil masyado iyong mataas.
"Hello! Tao po! Hello!"
I keep on saying those words until someone open the door for me. I saw Anglo and he's wearing his usual attire while carrying a shovel. Pinunasan niya ang kaniyang pawis gamit ang bimpo na nasa leeg niya and I swear to God, he's so hot while doing that!
Gosh, Savitri!
Pati ba naman pag punas ng pawis?
"Pasensiya ka na, ha? Tumulong lang ako saglit para madagdagan yung kikitain ko."
"It's okay. Ayos na ba?"
Lumingon muna siya sa loob at tingin ko ay nagpaalam muna siya sa mga katrabaho niya. Hinagisan siya ng isang sando ng kasama niya na agad niya namang sinalo, "Teka lang, palit ako."
"Sure."
Napanganga ako nang hubarin niya ang suot niyang t-shirt sa harap ko. I wandered my eyes at his body. Napakurap pa ako ng ilang beses upang tignan kung namamalikmata lang ako sa nakikita ko.
He has the abs!
May abs ang boyfriend ko!
"Tara na?"
I didn't realize that he's done changing his clothes. I can feel that my face heated up. Napansin niya kaya ang pamumula ko? Hindi ako nakasagot sa tanong niya at namalayan ko nalang na hinawakan niya ang kamay ko bago nagsimulang maglakad.
Feel ko, mas namumula ang mukha ko ngayon. Hindi ako sanay sa ganito, ang hawakan ng lalaki ang kamay ko habang nasa labas kami. I tried doing it with Zach but he told me that it's inappropriate. Nahiya ako sa kaniya non kaya hindi ko na inulit.
But now, knowing Anglo did the first move makes my heart flutter.
Tumigil kami sa paglalakad kaya tinignan ko siya. Nakaharap ako sa kaniya ngayon habang siya ay nakatitig lamang sa mga mata ko. I suddenly felt conscious about my face, "H-Hey. Ba't tayo tumigil—"
"I forgot to tell you that you're beautiful. Lalo na sa suot mo ngayon,"
he smiled at me before holding my hand again and he decided to continue walking.
Ayokong kiligin sa harap niya kaya kinagat ko na lamang ang labi ko upang hindi ako makatili.
He's definitely driving me crazy.
Nang makarating kami sa subdivision halos lahat ng tao ay binabati siya kaya napapatigil kami sa paglalakad at pinapakilala niya ako katulad na lamang ngayon, "Si Avi, girlfriend ko."
Maraming kumakantiyaw sa kaniya kesyo ang ganda raw ng girlfriend niya. Duh, of course! This is Savitri Khan!
Malapit na kami sa bahay nila at nakita ko si Bella kasama si Henry habang bumibili ng ihaw sa tapat ng arko. Nagawi ang tingin sa amin ni Bella at pansin kong dumako ang mata niya sa kamay naming magkahawak.
Ayan, mainggit ka!
"Yo!"
Tumango lamang si Anglo kay Henry nang batiin siya nito. Akmang lalagpasan na namin silang dalawa nang humarang si Bella sa daraanan namin. I was about to talk to her when Anglo spoke, "May kailangan ka, Bella?"
"Akala ko aalis na siya. D-Don't tell me totoong kayo na?"
Kumunot ang noo ko dahil sa naging tanong niya. Does it even matter if we're in a relationship already? Atsaka, ano bang pake niya?
"Excuse me, I think you doesn't have the rights to ask that."
Nagawi ang tingin sa akin ni Bella at sinamaan niya ako ng tingin, "Hoy, dayo ka lang dito kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako nang ganiyan. And besides, I helped you before at ito pa ang igaganti mo sa akin? Humingi rin ako ng tulong sa'yo na paglapitin mo kami ni Anglo and you said yes and worst of all you told me that he's not your type. Are you joking right now?"
Natutop ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Totoo kasing sinabi kong hindi ko magugustuhan si Anglo but that's already in the past! Does she like to mess things up?
"Stop it already, Bella. Sorry, Jelo. Sorry, Avi. Uuwi na kami," hinigit ni Henry si Bella pero nagpumiglas ito sa pagkakahawak niya at susugurin ako. I closed my eyes waiting for her to hurt me but I felt nothing.
Binuksan ko ang mata ko at nakita kong hawak-hawak ni Anglo ang kamay ni Bella na ngayon ay nasa ere, "Bella, tama na. Ilang beses ko na sa'yong sinabi na hindi kita magugustuhan. Wala. Wala kang pag-asa dahil kapatid lang ang turing ko sa'yo atsaka 'wag kang makialam sa buhay ko. Please Bella, grow up. Nakakahiya ka."
Tinapik ni Anglo ang balikat ni Henry at hinila niya na ako palayo sa dalawa. Nilingon ko muna sila at nakita kong yakap-yakap ni Henry si Bella. I looked at Anglo and I can see from his face that he's really mad.
Really mad.
I smiled. It feels so great when your boyfriend is protecting you.
Buti nga sa Bella na 'yon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top