Chapter One

Chapter One

Tinitigan kong mabuti ang mukha ni Zach habang nakahiga siya sa mga hita ko. He's my boyfriend since college pero ngayon ay fiancé ko na siya. He proposed to me last month at 'yon na siguro ang pinakamasayang alaalang matatatak ko sa isipan ko. My parents aren't against with him, they want Zach to marry me as soon as possible pero mas gusto ko munang magtrabaho.

Six years na kami and still counting. I can't imagine living without Zach beside me. Siya ang naging kasangga ko tuwing wala sila Mom at Dad. Hindi ko nga alam na kaya ko palang mabuhay ng tatlo o apat na beses sa isang buwan ko lang nakikita ang mga magulang ko.

Kinaya ko because Zach was always there for me. Hindi niya ako hinahayaang mag-isa sa tuwing nalulungkot ako. Nakatapos na ako ng pag-aaral kaya hinihintay ko na lang na sila Dad na hayaan akong i-handle ang isa naming negosyo sa India.

"I really love your eyes, Sav. Masyado siyang mapungay. Halatang may lahi."

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Zach. I'm half Indian that's why, kaya hindi ako masyadong maputi katulad ni Mom. Halos kay Dad ko minana lahat ng traits ko. Ang pagiging tan ng kulay niya, his deep hazel eyes, those dimples, and even my hair.

My hair is a bit curly at the end kaya tuwang-tuwa ako tuwing pinipilit ni Zach na iunat iyon.

"Hindi pa ba uuwi sila Tita?" I looked at him when he said those words. Ang alam ko ay this month ang uwi nila pero tingin ko ay matatagalan pa.

"I'm not sure, Zach. They told me that uuwi sila this month but I guess they're facing problems there," Tumango-tango lang siya sa sinabi ko at umupo na rin katabi ko. He's looking intently into my eyes. Bababa ang mga mata niya sa labi ko at babalik ulit sa mata ko.

I smirked while looking at him, "You wanna kiss me?"

Ginulo niya ang buhok niya at isinubsob ang mukha sa dibdib ko. Ganito siya lagi. He always want me to babied him. Ganoon naman siguro ang mga lalaki 'di ba? Gusto nila na lagi silang bine-baby.

My life is a bit messy right now. Alam kong once na umuwi ang mga magulang ko rito ay sari-saring sermon na naman ang matatanggap ko sa kanila. I don't know why they are like that. Lahat ng ginagawa ko sa paningin nila ay mali. I even graduated being a salutatorian in our University last last year pero tingin ko ay hindi pa sila naging proud doon.

Si Zach lang ang kasama kong nag-celebrate that time at masaya rin naman ako na siya ang kasama ko. I'm not happy when my parents are around but I miss them 'pag wala sila rito.

Weird.

"You wanna hang out, Sav?"

"Hmm, no. Uuwi ka na ba?"

Zach is looking at his phone kaya napatingin din ako roon. Agad niyang itinago ito nang maramdaman niyang nakatitig ako at ngumiti lamang sa akin. He pinched my hands at inamoy niya ang suot kong damit, "Yep. Mama's calling. I need to be there as soon as possible when she calls, right?" I just nod from what he said at tumayo.

"Alright. Hatid kita." Tumayo na siya at ibinigay niya sa akin ang kamay niya na mabilis ko namang tinanggap.

"Text me when you get home."

"As always, Sav." Hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako. Iginiya niya ako palabas ng kwarto ko at naglakad na kami papuntang hagdan. Nakasalubong pa namin ang ilang maids at binabati kami nito. Zach is the one who's responding to them.

I'm really lucky to have him... I swear to God, no matter what happen, hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sino.

When we reached our gate, ang dalawang guard namin ay binuksan iyon para makadaan ang sasakyan ni Zach. He faced me and he cupped my face which is the reason why I frowned, "Hey, stop frowning, magkikita naman tayo next week."

"That's matagal."

He chuckled kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ginulo niya lang ang buhok ko na mas lalong nakapagpairita sa akin, "We'll see each other next week, okay? I need to take care of Lorry, right?"

Right.

Lorry is her younger sister. She's just 10 years old and according to her doctor, she has a weak immune system kaya kailangang laging may bantay si Lorry dahil pasaway siya. She tends to play to her tablet all day na kahit si Tita Malou ay hindi siya mapigil sa paglaro.

Whenever I'm at their house naman, Lorry is playing with me that's why merong chance si Tita Malou na kunin yung tablet to shut it down.

"You'll go here or I'll go to your house? What do you prefer?"

"Hmm..." He looked down then after that he suddenly kissed me on my lips, "I'll go here. I'll bring foods so don't order anymore, got it?"

Tumango lang ako sa kaniya at pumasok na siya sa kotse niya. He even waved at me and I mouthed him I love you, "I love you too, Sav. See you next week."

Pinaandar niya na ang sasakyan niya habang ako ay nakatingin lang sa papalayong ito. I sighed. Things are back to normal again. Mag-isa ako sa bahay, well not totally pero feeling ko ako lang mag-isa kase di ko naman close ang ilang maids namin.

Nang hindi ko na makita ang sasakyan ni Zach ay papasok na sana ako pero merong nagbato ng bato sa gilid ko. I looked around and I saw someone behind the tree, "Who's that?"

I tried to look at his face pero masyadong madilim sa kinakatayuan niya. I just shrugged my shoulders at pumasok na sa gate namin. I let our guards to close it at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung ilang beses na ako nagbuntong hininga. I'm so sad whenever Zach is leaving our house, siya lang kase ang nakakausap ko and I don't have any friends here. My childhood friend is in India and I don't know her whereabouts.

"Ma'am Savitri, nandito na po ang pagkain niyo."

"Mamaya nalang, 'Ya."

"Pero magagalit po sa akin ang parents niyo."

Isinara ko ang librong binabasa ko at pumunta sa pintuan ng kwarto ko. I saw one of our maids holding a tray of foods. Kinuha ko iyon sa kamay niya bago ngumiti, "Thank you po."

Agad ko ring ni-lock ang pintuan ko nang makalayo ang maid namin. I placed the tray on my table at tinuloy ang naudlot kong pagbabasa kanina. I don't know but I'm into crimes. I mean, gusto ko yung mga istoryang tungkol sa crimes kesa sa mga love story.

Halos lahat kase ng love story, cliche na.

My eyes diverted to my phone when it rang. Kinuha ko iyon sa gilid ko at nakita ko ang message ni Zach.

From: Zachy

Just got home, Savy. Sleep ka na, i love you.

I smiled. His simple text can light up my mood. Siya lang talaga ang sa tingin kong may kayang gawin iyon sa akin.

I have a boyfriend before when I'm staying at India, he's half Indian too kaya naging magaan ang loob ko sa kaniya. He's sweet, mabait sakin, and lahat-lahat binibigay niya pero magkaiba sila ni Zach. Ibang-iba sila ni Zach.

Akala ko si Adhar na talaga ang para sa akin. He's my boyfriend when I was in highschool but things aren't the same anymore kaya nakipaghiwalay ako sa kaniya. I thought siya ang makakasama ko habang buhay but it looks like, si Zach ang nararapat para ron.

To: Zachy

Alright, Zachy. Take care of Lorry. I love you too.

Pinatay ko agad ang cellphone ko pagkatapos ko iyong i-send kay Zach. Tinanggal ko rin ang suot kong eyeglasses bago nag-inat ng katawan. It's been an hour pala since I read that book and until now hindi pa ako kumakain.

Zach would be mad if I wouldn't eat kaya mabilis kong kinuha ang tray sa table ko at tinitigan ang pagkain. It's a roast beef at meron ding maliit na cookies sa gilid. I get it, lahat ng maids namin ay gustong makipag-close sa akin but I don't want to. Hindi naman sa nagiging suplada ako pero mas mabuti na sigurong ganito ang trato ko sa kanila.

Kumain agad ako pagkatapos ay nilagay ko ang natira sa tray. Usually, 'pag kasama ko si Zach nauubos ko ang pagkain na kinakain ko but when he's not around, hindi ko siya kayang ubusin. Zach is giving me a comfortable vibes when I'm with him.

Lumabas ako ng kwarto ko habang dala-dala ang tray. Ayoko namang hintayin pa si Aling Lorna na kunin ang tray sa loob ng kwarto ko, may kusa naman ako 'pag kaya ko, I'm not spoiled like the other girls.

I placed the tray on the sink. Nang hindi ko maramdaman ang antok ay dumiretso ako sa likod ng bahay namin. I saw my dog in the cage and when he saw me, he immediately wags his tail.

"Hi, Bruno!"

Binuksan ko ang pintuan ng kulungan niya at mabilis naman siyang tumalon papunta sa akin. He licked my face that's why I frowned, "Stop it, Bruno. Haha."

Ibinaba ko rin siya agad nang hindi siya tumitigil sa pagdila sa akin. I looked around the place and I saw a shadow behind the tree. Parang ito rin siguro ang lalaking nakita ko kanina?

"Who's there?"

Bruno started to bark kaya pinatahimik ko ito. Lumapit ako ng bahagya sa bakod namin at napapitlag ako nang may humagis sa akin.

It's a paper.

Binalik ko ang tingin ko sa lalaking nagbato sa akin nito pero wala na siya. My forehead creased. What is he doing here? Strict ang mga guards sa lugar na ito pero bakit nila hinayaang may makapasok dito?

I picked up the paper at meron itong bato sa loob, pang pabigat. Inayos ko ang papel at hindi mawala ang kunot sa noo ko nang mabasa ko ito.

Magtago ka na. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo 'pag nakuha kita.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top