Chapter Fourteen
Chapter Fourteen
I decided to ignore Anglo for the past few days. It's been three days since that incident happened and like him, he's ignoring me too. The audacity of him to ignore me when in fact that Bella was the one who started it.
Parang ako pa tuloy ang nagmukhang masama. Hindi ko alam kung mayroon ba silang past relationship kaya ganoon umakto 'yung babaeng 'yon? Hindi ko naman aagawin sa kaniya si Anglo.
Anglo's not even my type!
Oo, aaminin kong gwapo si Anglo pero hindi siya ang tipo ko. Malayong-malayo siya kay Zach at Adhar. Malayo. Sobrang laki ng pinagkaiba nila.
Tuwing kakain din ay hindi ako sumasabay sa kanila. Tanging si Lily ang nagdadala ng pagkain ko o si Tita Miriam. I don't want them to worry about me but I don't want to see Anglo. Sa sinabi niya kase ay parang ako pa ang may kasalanan. Na ako ang nanabunot.
Duh, even though I hate her guts I wouldn't do that.
Napalingon ako sa pinto nang may narinig akong kumakatok doon. Hindi ko 'yon pinansin dahil baka si Anglo lang 'yon at hihingi ng tawad sa akin. Duh! As if, Savitri.
Iniling ko ang ulo ko at tumayo bago dumiretso sa pintuan. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang mukha ni Tita Miriam na nakangiti habang si Lily ay may hawak na stick sa kaniyang kamay.
"Ano po 'yon?"
"Dalawang araw ka ng nakakulong sa kwarto mo, Hija. Halika at tulungan mo nalang kaming magluto ni Lily."
Tinignan ko ang higaan kong magulo bago lumingon ulit kay Tita Miriam, "Sige po, sunod nalang ako."
Mabilis kong niligpit ang unan at kumot ko bago dumiretso ng kusina. Napansin kong wala ang tsinelas ni Anglo sa tapat ng kaniyang kwarto kaya napairap na lamang ako. He's probably at work. I don't care, bahala siya sa buhay niya.
"Hugasan mo muna ang kamay mo, Hija, bago mo balatan ang saging."
"Opo."
Mabilis akong naghugas ng kamay at akmang uupo na ako sa upuan nang may narinig kaming kumakatok. Tumayo ako at nagpresintang buksan iyon dahil nagluluto na si Tita Miriam habang si Lily naman ay abala sa paglagay ng saging sa stick. Pinunas ko muna ang kamay ko sa damit ko bago binuksan ang pintuan.
"Jelo– Oh, you're the cute girl!"
Pinangliitan ko ng mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. I think it's Henry. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa bago siya tinaasan ng kilay, "What are you doing here?"
"May bibilhin–"
"Henry Hijo, nandito ka na pala. Halika at pumasok ka."
Tinitigan ko si Tita Miriam na naglalakad na ngayon papunta sa direksiyon namin. Mabilis akong umalis sa harapan ni Henry bago bumalik sa upuan ko kanina. I started to peel the banana then gives it to Lily afterwards. Siya kase ang naglalagay ng mga saging sa stick at marami na siyang nagagawa.
Nilingon ko muna sila Henry bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. As much as possible, I don't want to talk to him. Kapatid siya ni Bella. Kapatid ng babaeng may saltik sa ulo.
Nakalapit na siya sa harapan namin at tinignan ko siya saglit. Umupo siya sa harap ko at ramdam kong nakangiti siya habang nakatitig sa akin.
I feel so uncomfortable that's why I looked at him intently, "What's your problem?"
"Anong pangalan mo?"
Kinunutan ko siya ng noo at balak hindi sagutin pero biglang nagsalita si Lily, "Siya po si ate Sa–"
"Avi. I'm Avi."
He was about to say something when we heard Anglo's voice. I rolled my eyes, nandito na ang bwisit. Kaasar. Naaasar ako sa presensiya niya. Isipin palang na mas kinampihan niya pa yung Bella na 'yon ay nagagalit ang mga dugo ko sa katawan.
"Avi, kumain ka na ba?"
Inilapag niya ang dala niyang plastic sa lamesa at ramdam kong nakatingin silang dalawa sa akin.
Avi.
I don't know what's in his mind that day to tell everyone that my name is Avi. Ayos lang naman, galing sa pangalan ko. But no one dares to call me that. No one.
I chose to ignore him then I continue to peel the banana. Naramdaman ko nalang na umalis sila sa harap ko kaya napabuntong hininga ako, "Magkaaway po kayo ni Kuya, ate Sasa?"
I faced Lily who's now looking at me, "No, Lily. Uh, naglalaro lang kami." Ngumiti ako nang hilaw kay Lily dahil sa sinabi ko. Seriously, Savitri? Naglalaro? Naglalaro ng ano? Naglalaro ng hindi magpapansin tapos kung sino unang mapansin ay siya ang talo?
Oh, well.
Anglo talked to me earlier. Such a loser.
I looked at them and I saw that Anglo return the shoe. Medyo malayo sila sa amin pero rinig ko ang usapan nilang dalawa.
"Girlfriend mo? Last time na kita natin wala naman ah? Saan galing 'yan?"
"Matagal na kami atsaka umuwi ka nga. Baka hinahanap ka na ni Bella."
Sus. That girl again. I want to hurt her too but I can't and I wouldn't. Isipin palang na may nanakit sa akin physically ay tiyak na magwawala ang pinsan ko. Knowing Mike, he's so protective to me.
Hinatid ni Anglo si Henry sa pintuan at isinara agad iyon. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya that's why I decided to raised my eyebrow. Hindi niya pwedeng malamang nakatingin ako sa kaniya intentionally!
"Lika rito, Savitri. Mag-usap tayo."
I chose to ignore him again. Kunyare ay busy ako sa pagbalat ng saging pero sa totoo lang ay hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. Ano bang dapat naming pag-usapan? 'Yung mali kong hindi ko naman mali?
"Savitri–"
Pabagsak kong ibinaba ang saging sa pinggan at tumayo. He looked amuse when I did that but eventually turned his back on me and started walking. Tinignan ko si Tita Miriam at Lily na ngayon ay nakatingin sa akin. I just mouthed them 'sorry' then I decided to follow Anglo.
Nakarating ako sa likod ng bahay nila at nakita ko siyang naka talikod sa akin. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay humarap siya sa akin at ngumiti, "Sorry nga pala. Hindi ko intensiyong saktan ka–"
"You already did."
"Oo nga. 'Di ko nga sinasadya. Mali ka rin, Savitri. 'Wag mo na patulan yung mga ganoong tao dahil nagmumukha ka lang na mababa. Just ignore her."
Kusang umangat ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ako? Nagmukhang mababa dahil pinatulan ko si Bella? Ni hindi nga ako nakaganti! Ang daya! That's so absurd!
"'Wag mo ng balaking gantihan."
Mas umangat pa ang kilay ko dahil doon. Kung titignan ay parang nababasa niya ang nasa utak ko. Ano siya, may lahing mind reader? I rolled my eyes then I crossed my arms.
"I'm sorry pero 'wag mo na ring ulitin 'yon. Layuan mo na siya. Ikaw na ang lumayo."
I looked at him and he's looking directly in my eye. I sighed, "I'm sorry din. Hindi ko naman siya nasaktan, siya ang nanakit sa akin. And look, I have so many bruises nga!"
Pinakita ko sa kaniya ang mukha kong may bahid ng kalmot ng babaeng 'yon pati ang braso ko. I pouted in front of him and he just chuckled by what I did. Ginulo niya ang buhok ko pagkaraan ay kinuha ang kamay ko at nagsimulang maglakad.
Taka ko siyang tinitigan habang nakaturo sa bahay nila, "Hey, I'm helping your mother! Let me go!"
"Shh. Babalik din tayo agad. Nandoon naman si Lily."
Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam ko namang hindi ako mananalo sa kaniya in terms of this. Masyadong malakas sa akin si Anglo 'no! I stared at his broad shoulders while he's still holding my hand. I looked at our hands and I couldn't stop smiling.
I shook my head.
Why the hell am I smiling?!
"Hoy, saan mo ba ako dadalhin? You can let go of my hands na, Jelo!"
Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa paghatak sa akin. Nilibot ko ang paningin ko sa lugar na dinadaanan namin ngayon. I know na sa province sila Anglo kaya hindi na ako nagtatakang ganito ang nadadaanan namin. Puro halaman at mga puno.
Huminto kami sa isang pader at may nakita akong hagdan sa gilid papunta sa itaas. Umakyat na agad don si Anglo and I just stared at him doing it. Nang makarating siya sa taas ay taka niya akong tinitigan sa baba, "Anong ginagawa mo riyan? Halika rito!"
Napairap ako dahil sa sinabi niya pero sinunod ko pa rin siya. I'm not into this that why I decided to take a step slowly. Medyo mataas ang hagdan kaya takot ako.
He stared at me for a moment and then reluctantly extended his hand. I quickly accepted his hand and my eyes widened because he pulled me with one hand, "Oh my gosh! Oh my gosh! What have you done?! You didn't think that I might fall?!"
He burst out laughing while looking at me. I couldn't stop myself so I hit him hard on his chest continuously. He suddenly caught my hand and looked into my eyes, "'Di ka naman nahulog, 'di ba? Atsaka, sasaluhin naman kita."
Mabilis niyang binitawan ang kamay ko at lumayo sa akin ng bahagya. I caught my breath while he turned his back to me. Anong nangyari? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
This isn't a good idea.
I looked around the whole place and couldn't stop being amaze. A few houses surrounded by trees are visible. Taka kong tinuro ang isang bahay nang makita iyon ng mata ko, "Hey! Iyon ang bahay niyo!"
I felt his body behind me but I chose to ignore it. I'm busy appreciating the whole place. Ang ganda! Sobrang ganda and nakaka-relax yung ambiance ng lugar.
"Why are we here? Madalas ka ba rito? Ang ganda rito!"
I closed my eyes and felt the wind hitting my skin. Mas maganda siguro kung nagdala kami ng pagkain dito at dinala si Lily. Hindi naman pwedeng isama si Tita Miriam dahil nagbabantay ito kay Tito Noel. I'm planning to help them about Tito Noel's condition. He should undergo imaging test such as CT-Scan. Nasabi kase sa akin ni Anglo na ang spinal cord at binti ng tatay niya ang napuruhan.
I think it must be so hard for Tito Noel. Isipin pa lang na hindi ako makakalakad ay nakakakungkot na. How much more kapag naranasan ko na 'yon, 'di ba?
"Ngayon nalang ulit ako nakabalik dito."
I looked at Anglo when he said that. I don't want to ask anymore cause I know that there's a deep reason why he stop going here.
Umupo ako sa lupa at masayang tinignan ang tanawin. I offered my hand to Anglo para tumabi siya sa akin nang magsalita siya, "Nakilala mo na si Louise, 'di ba?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at pilit inaalala kung saan ko nga ba narinig ang pangalang 'yon, "'Yong babaeng kinausap ka sa court."
"Uh yes, I remembered her. Why?"
Umupo siya sa tabi ko kaya bahagya akong umusog. I decided to look at the view again when he's still not talking. Malapit na maghapon kaya medyo tumitirik na ang araw. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nilingon si Anglo, "Tara na. Ang init na! Atsaka tutulungan ko pa si Tita magluto."
Isipin pa lang na tuturuan ako ni Tita Miriam magluto ay natutuwa na ako. I looked at him while smiling, "Halika na! Magpapaturo pa ako–"
He interrupted what I was about to say and looked at me intently, "She's my ex girlfriend. Dito ko siya nakilala at dito rin kami naghiwalay. Malapit na kami mag-isang taon nang sinabi niya sa aking si Henry talaga ang gusto niya."
My smile immediately fades away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top