Chapter Five

Chapter Five

Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng lugar. Pagkatapos akong ayusan ni Queny ay dumiretso agad kami sa sasakyan nila Mike.

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Bakit parang biglaan naman ata?

Hindi nila sinabi sa akin na ngayon pala ang uwi nila. I'm not prepared. Alam ko ay sa next month pa pero it turns out na ngayon na pala. Ang antok ko kanina ay nawala nang sabihin iyon ni Tita Mira.

"Relax. You looked tense."

Nilingon ko si Mike na katabi ko ngayon. I sighed. Hindi pa kasi talaga ako handa. Gusto ko rin naman sila makita pero feel ko may masama na naman silang masasabi tungkol sa akin. I saw Queny sleeping beside him, I sighed for the second time. Gusto ko rin matulog.

"Alam mo bang uuwi sila mom?"

"Nah. Nagulat na lang ako nang yayain ako ni mom dito then she told me to bring Queny as well."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa paligid at halatang-halata ang kadiliman dahil alas tres na ng madaling araw ngayon. Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang ang welcome party?

Why now?

I don't know why they didn't tell me that they're going home now. Nakakatampo lang. Ako ang anak nila pero mas nauna pang nalaman iyon ni Tita Mira.

Maraming kotse ang nasa likod namin na tila ba parade sa hating gabi. Sa tingin ko, utos na naman ito nila mom. Na bantayan kami.

Agad kaming bumaba nang makarating kami sa isang bahay. Ito ang isang resthouse namin sa Cavite. Matagal ko na itong hindi napuntahan kaya hindi ko na alam ang pasikot-sikot dito sa bahay na 'to.

Nakita ko pang inalalayan ni Mike si Queny pababa ng sasakyan. I looked at my phone. Wala pa ring text galing kay Zach.

I immediately type a message for him.

To: Zachy

Hey? Are you still up? We're here in Cavite, ngayon na pala ang uwi nila Dad. Punta ka later?

Itinago ko na ang cellphone ko nang marinig kong nagsalita si Tita Mira sa gilid ko, "Let's go?" We all nod.

Ang akala ko ay wala kaming madadatnang media dahil madaling araw na pero nang buksan namin ang gate ay nagkalat ang mga ito sa garden namin. Nabaling ang atensiyon nila sa amin at sunod-sunod silang naglapitan.

Mike is blocking me from them and even Queny, kung pinoprotektahan sila ng mga guards namin laban sa media, ako ang mas may kailangan non dahil hindi namin alam kung meron na palang sniper sa gilid o kung saan man.

"Ma'am Savitri, ano pong masasabi niyo sa biglaang pag-uwi ng magulang mo?"

"Meron po ba silang sinabi sa inyo na minasama niyo at hindi sinabi sa media?"

I stopped from walking when I heard that. Nilingon naman ako ni Mike at kinunutan ako ng noo. Iniling ko na lang ang ulo ko bago nagsimulang maglakad papunta sa venue.

Anong sinasabi nilang sinabi sa akin nila mom na minasama ko? And who are they para sabihin ko ang lahat nang nangyayari sa pamilya ko?

Gosh, this is the reason why I hate media. They're getting on my nerves. Gusto nila makuha ang singkong impormasyon pa tungkol sa akin.

Lumalakas ang pintig ng puso ko habang umaakyat kami nila Tita Mira sa hagdan. Nandiyan na sila. Once buksan ang pinto ay makikita ko na ang mga magulang ko.

Two of our guards placed their hand on the doorknob. Bumilang pa sila bago buksan ang pintuan at nakita kong mas marami pang tao sa loob.

Wow.

I didn't expect this.

Ang daming tao. Sobrang dami. Ano bang meron at bakit ganito? Alas tres na pero marami pa ring bisita. Ibig sabihin, alam nila na ngayon ang uwi ng magulang ko at ako lang ang may hindi alam non?

Ironic.

"Savitri."

Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong nakangiti sa akin si mommy habang nasa likuran niya si daddy. Hindi ako magalaw. Parang naka-glue ang mga paa ko sa sahig. Kahit na pag ngiti ay hindi ko magawa.

"Sav, hug your mom."

My mother extended her hand as if she's expecting me to hug her. I looked around. Maraming media. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at mabilis siyang niyakap, "I miss you, mom."

Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko kaya napapikit ako. This is what I like before. She's always caressing my hair whenever I can't sleep. Kumalas ako sa pagyayakapan namin ni mom bago dumako kay dad. He's smiling.

"I miss you too, dad."

"How are you princess?"

"Kinda nice. Why you didn't tell me that you're coming home?"

Nagkatingin pa silang dalawa bago ngumiti. My mother placed her hands on my waist at iginiya niya ako papuntang unahan. Everyone's attention are on us. Ito ang pinakaayaw ko. I hate attention. As much as I want to leave right now, hindi pwede.

Magagalit na naman sila sa akin.

"Thank you for coming tonight. I really appreciate it. Enjoy yourselves and please, just think that this is your house too." She smiled to the guests bago bumaling ulit ng tingin sa akin.

"Let's go, Savitri?"

Tumango na  lang ako sa sinabi ni mom bago ako sumunod sa kaniya. Nasa likuran kami at hindi ko na masyadong naririnig ang ingay mula sa loob. Tinitigan ko siya. Mas lalo siyang gumanda at nagmukhang bata. Kung titignan ay parang magkapatid lang kaming dalawa.

"Mom, ba't hindi niyo sinabi sa akin na ngayon na ang uwi niyo?"

"Because we wanted to surprise you. Don't you want it?"

Bahagya akong umiling dahil sa naging sagot niya, "At least tell me so that I will be prepared. I don't have any gifts-"

"Shhh. Sweetheart, you know that we don't want gifts. You know what we want."

Tumango lang ako sa sinabi ni mom. Wala akong magagawa sa gusto nila. They want me to be part of a company in publishing. Katulad ng kay Zach. Ayoko non. Hindi iyon ang gusto ko. I want business that's why I studied entrepreneurship.

"Hindi ba pwedeng sa India na lang ako, mom? 'Di ba isang taon na lang naman ang hihintayin ko to--"

"No! Listen Savitri, you can only manage Savi 'pag may napasukan ka ng ibang trabaho. I want that Bluere Publishing Company. Try that one before I'll let you handle Savi."

Napakuyom ako ng kamay dahil sa sinabi ni mom. I looked at my father pero wala siyang ginagawa at tanging tango lang ang ibinigay sa akin nito na tila ba sinasabing 'wag kong suwayin si mom.

"I don't want that, mom. Hindi ko kailanman ginusto ang maging part ng publishing company. We already discuss about this-"

"We want the best for you, Savitri."

Ito ang pinakaayaw ko. Lagi nila akong kinokontra. I left them without saying any word. Gosh, I hate them.


NAGISING ang dalaga nang pasado alas nuwebe na ng gabi. Tanghali na sila nakauwi galing sa welcome party para sa mga magulang niya at dahil sa sobrang kaantukan ay hindi agad ito nagising ng maaga.

Bumaba si Savitri sa kanilang hagdan at natagpuan niya ang magulang niyang kumakain na sa hapag. Nang mapansin ng mga ito na nasa harapan siya ay tsaka lamang nito inalis sa mata ang kanilang binabasa.

"It's already night, Savitri. Wala ka bang disiplina sa oras at ngayon ka lang nagising?"

Napakagat siya ng kaniyang labi.

Naiinis siya dahil alam niya sa sarili niyang hindi siya mali. Napuyat siya dahil sa biglaang welcome party nito para sa kanilang sarili. Ni hindi man lang inisip kung inaantok o may ginagawa siya nang mga oras na 'yon.

"What's your problem, mom? Hindi ako magigising ng ganitong oras if hindi madaling araw ang welcome party niyo."

Halata sa mata ng kaniyang magulang ang gulat nang sabihin niya iyon. Tumayo ang kaniyang ama sa hapag at dinuro siya, "Can't you be happy that we're here already? This is what you want, Savitri. Gusto mo laging nasayo ang atensiyon namin ng mama mo!"

"Really? I want a normal life, dad! This is not what I want. Kung hindi na lang sana kayo umuwi ay sana maayos ang tulog ko at hindi ngayong oras ako nagising. Konting pag-unawa lang dad, respect me too if you want me to respect the both of you!" Nagmartsa siya paalis at iniwang nakanganga ang kaniyang mga magulang.

"Savitri! Come back here!"

Ipinagsawalang bahala lamang ng dalaga ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang ama. She knows that she's getting on his nerves. Yeah, right, 'yon naman talaga ang gusto niya una palang dahil hindi siya nito mabigyan ng tamang oras para makasama.

She knows that this attitude of her is so selfish, alam naman niyang para sa magandang kinabukasan niya ang ginagawa ng kaniyang ama't ina.

"I don't want to sleep on the bed of full money."

Iyan lagi ang tinatatak niya sa kaniyang utak. Wala siyang pake sa pera ng mga magulang niya, gusto niya ang kalinga nito. She's been embracing her parents money since then, gusto niya nang bago. Bagong aura. Bagong ambiance. Bagong lugar. Bagong makakasalamuha.

Sawang-sawa na siya sa kataga ng kaniyang ina na lagi nitong binibitawan tuwing may ginagawa siyang mali, "Savitri! You're a Khan! You should learn proper discipline!"

Napapangiwi na lamang siya tuwing maririnig ito. Yeah, she's a Khan. Ginusto niya bang maging Khan? She wants a normal life where she can spend her extra time with her parents. Shopping, eating outside and such! Hindi iyong kinukulong siya ng mga ito sa loob ng kaniyang kwarto!

Tuwing uuwi ang kaniyang mga magulang galing trabaho or business trips, lagi nalang napapansin nito ang mga mali niyang ginagawa. Ni hindi man lang siya nagagawang kumustahin kung maayos lang ba ang naging takbo ng araw niya?

Lumabas siya ng kanilang Mansiyon at akmang pipigilan siya ng kanilang mga guwardiya nang itutok niya ang hawak niyang baril sa sentido nito, "Move or I'll kill you."

"K-kase ma'am... baka-"

"I said move!"

Tumabi naman ito at binigyang laya siya para makalabas ng kanilang malaking gate. She sighed heavily. Parang nakamit niya ang kaniyang kalayaan nang sandaling makawala siya sa loob ng kanilang Mansiyon.

Alas-diyes na ng gabi pero patuloy pa rin siya sa paglalakad. Alam naman niyang walang magtatangka sa kaniya dahil panigurado niya ay pinasundan siya ng kaniyang ama.

"Aish!"

She threw away the gun that she was holding. Actually nope, it's not a gun. It's a pellet gun but still gun? Wait, what?

May paparating na van na sasalubong sa kaniya. Hindi niya masyadong maaninag dahil nasisilaw siya sa liwanag na nakikita niya. Iignorahin niya na sana ito pero nanlaki ang mata niya nang tumigil ito sa mismong kinatatayuan niya at lumabas ang isang lalaking nakamaskara.

"Hey! Hmpppp!"

Pilit siyang kumakawala sa mga bisig nito pero masyado siyang nahumaling sa mabango nitong pabango kaya hindi niya namalayang nawalan siya ng malay.

The guy easily place her at the backseat. Sandaling sumulyap ang lalaki sa kaniya bago binuhay ang makina ng van na gamit niya. He smirked, "Impyerno ipaparanas ko sa'yo. Katulad ng ipinaranas ng mga magulang mo sa Tatay ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top