Chapter Fifteen

Chapter Fifteen

Nakatulala ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Iniwan ko si Anglo nang sabihin niya iyon sa akin. Sinabi ko nalang na baka kailangan na ako ni Tita Mirriam para magluto nong bananaque na ibebenta niya kay Henry.

I sighed. Why the hell did I left him a while ago?

Naguguluhan ako. Bakit ko ba nararamdaman 'to? Anglo's the one who helped me when things go upside down... siguro dahil lang doon kaya ko ito nararamdaman?

When he told me about that, parang niyanig ang mundo ko. Hindi ko alam kung bakit eh hindi ko naman gusto si Anglo. I'll never like him. He's not my type. Gusto ko rin yung lalaking kaya kaming buhayin nang magiging anak ko and I think, Anglo can't even do that. Kahit sabihin nating masipag siya, it's not enough.

I shook my head. Bakit ko ba iniisip na magkakaroon kami ng pamilyang dalawa?

Gosh, Savitri!

This is so dangerous.

Naalala ko 'yung Louise na 'yon. Maganda naman siya pero sabi sa akin ni Anglo ay sinabi nito sa kaniya na mas gusto nito si Henry. Henry who? Iyong kapatid ba ni Bella?

Maybe... Siya lang naman ang kilala kong Henry sa lugar na 'to.

I decided to sleep and forget what happened earlier.




"SAVITRI, gising na! Kakain na tayo."

Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong yumuyugyog sa akin. I saw Anglo's face that's why I immediately stood up. Halata sa mukha niya ang gulat nang gawin ko iyon pero kalaunan ay tumawa, "Anong ginagawa mo? Para kang nakakita ng multo?"

Hindi ko nalang siya pinansin at nilagpasan siya papuntang kusina. Nadatnan kong kumakain na si Lily at wala si Tita Mirriam. Siguro ay nasa kwarto ni Tito Noel para pakainin. Umupo ako sa usual place ko at sinamaan ko ng tingin si Anglo nang tumabi siya sa akin.

He raised his eyebrow at me, "Oh? Bawal ba akong umupo rito?"

Inirapan ko nalang siya at kumain na. I will order a stove today for Tita Mirriam, naaawa kase ako sa kaniya kapag nagluluto siya sa ulingan. I can't even imagine my Mom doing it kung nasa ganitong sitwasyon din kami.

Buti nga at hindi ako nawawalan ng allowance sa atm ko. Siguro nilalagyan pa rin iyon ni Mom kahit na wala ako sa bahay. That only matters to them. Money.

Tinuloy ko na ang pagkain ko. Tulala ako habang sumusubo ng kanin at nang may naramdaman akong parang nakatitig sa akin ay nag-angat ako ng ulo. I looked at Anglo and he's looking at me too. Nakakunot pa ang noo niya habang sumusubo ng pagkain habang nakatingin sa akin, "What's your problem?"

"Wala lang. Ang ganda mo pala."

Halata sa mukha ko ang gulat nang sabihin niya iyon pero hindi ko na pinahalata dahil baka may masabi na naman siya. Tumikhim ako bago nagsalita, "T-Thanks?"

He just smirked from what I said then he suddenly stood up when he saw his Mother. Kinuha niya sa kamay ni Tita Mirriam ang hawak nitong pinggan at pitsel bago dumiretso sa kusina. Tinignan ko ang kabuuan ng bahay nila. Halos kasing laki lang 'to nang maid's quarter namin.

Ang saya-saya nila kahit ganitong buhay ang mayroon sila. Alam kong hindi sapat yung pagtitinda nila ng bananaque atsaka ang pagtrabaho ni Anglo sa lahat ng gastusin nila. Kailangan pa ni Tito Noel ng gamot every week.

"Hindi ka pa tapos, Avi?"

I shifted my glance at Anglo when he called me 'Avi'. It's so special to me, ni walang nagsubok na tawagin akong ganoon dahil hindi rin naman pumasok sa isip ko na magandang nickname ang Avi. But now that Anglo's calling me that, it makes me feel so special.

"Eh, right."

Kinuha ko ang pinggan ni Lily nang tapos na siyang kumain bago dumiretso kay Anglo. Hinugasan niya ang pinggan naming lahat habang ako ay nakatitig lang sa kaniya.

Saglit siyang lumingon sa akin at pinagpatuloy na ang ginagawa niya, "May sasabihin ka ba?"

"Uh, pwede mo ba akong—"

"Anglo, ako na riyan at nandito na si Bella."

Dumako ang tingin ko kay Tita Mirriam nang sabihin niya 'yon. Nandito si Bella? Anong ginagawa nang babaeng 'yon dito? I know that this house isn't mine pero I still hate her! I don't wanna see her.

I looked at Anglo, "Bakit siya nandito?"

"Ah, magpapasama sa palengke. Atsaka sabi niya nga pala sorry. Hindi ko alam kung bakit kayo nag-away pero hayaan mo nalang."

Tinapik niya ako sa braso ko at nagpunas muna ng kamay bago lumabas ng bahay nila. I chose to go in my room.

I was about to ask him if he's free to go with me to buy stove for his mother. And I think, the answer to my question is so obvious.

He's not free.

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko alam pero parang nagseselos ako, wala akong karapatan. In fact, Anglo's not even my real boyfriend and worst I have a fiancé. Kahit na alam kong niloloko ako ni Zach ay kailangan muna naming mag-usap tungkol sa bagay na 'yon.

I shouldn't feel this. Hindi 'to pwede.

I know that I don't like Anglo but what's this? Why am I feeling this? Mabuti sa akin si Anglo pati sa pamilya and he's attractive because of that. May pake siya sa mga taong nasa paligid niya at 'yon siguro ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

I decided to check my cellphone and when I opened it, there's a lot of messages that pops on my screen.

Minabuti kong tignan muna ang mga mensahe ni Mike bago tignan ang kay Zach at Mom.

From: Mike

Where the hell did you go? Zach told me that you're nowhere to be found!

From: Mike

Reply asap!

From: Mike

I'll surely make you pay once I see you. Kidding. Come back home.

I smiled from the last message. He's just so sweet when it comes to me. Kumusta na kaya sila ni Queny? Buti pa sila masaya at maayos habang ako ganito. I'm torn between hating Zach and liking Anglo.

Iniling ko ang ulo ko.

No! No!

Hindi ko gusto si Anglo! Stop immediately, Savitri!

"Oh my gosh."

Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hindi ko gusto si Anglo! Eh ano naman kung sasamahan niya si Bella sa palengke?

And why the hell he's with her? Atsaka sinabi niya lang naman sa aking kanina na hayaan ko nalang yung babaeng 'yon? The nerve! Hindi ko siya gustong saktan pero I want to see her suffering!

I chose to open next my Mom's message. My smile immediately fades away when I read it.

From: Mom

Baby, where are you? Please, go home. Mommy miss you.

From: Mom

I'm so sorry for all the things I've done to you, Savitri. I just want the best for you. I'm not getting any younger anymore.

From: Mom.

I love you, Savy. I'll let you handle 'Savi' once you come back.

Napahawak ako sa bibig ko nang mabasa ko 'yon. Totoo kaya? Kapag umuwi ako ngayon sa bahay ay makakapunta na agad ako sa India para mag-manage nang Savi?

"Gosh! Thank you, Lord!"

Tumalon-talon ako sa kwarto ko habang hawak-hawak ang cellphone ko. My mom's message was last week. Dapat pala ay matagal ko ng binuksan ang phone ko!

I immediately went to my cabinet and get all my things. Inisa-isa ko ng ibinalik iyon sa maleta ko habang nakangiti pa rin. Gosh, makikita ko na si Bruno ko. How I miss my baby.

Oh—

What about them?

What about Lily? Tita Mirriam? Tito Noel and Anglo?

Siguro ay mas mabuti pang umalis na nga talaga ako rito para mapigilan ko yung bagay na dapat kong pigilan. I don't want to like Anglo. Kahit na alam ko sa sarili ko na gusto ko siya ay hindi pwede.

There's a bitch named Bella and there's a cheater named Zach.

I should deal with Zach first.

Our relationship was so perfecf. Ni wala ngang nagtangkang paghiwalayin kami sa loob ng six years tapos ngayon I found out that he's messing with someone. That girl Ysa. I don't know her but one thing is for sure, she definitely knew me.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Tita Mirriam na may hawak nang mga bago naming damit galing sa sampayan. Mabilis akong tumayo para kunin 'yon, "Hindi niyo na ho sana kinuha, Tita. I can do it naman po, eh."

Tumango lang ito sa akin pero dumako ang mata nito sa kama ko. Taka niya akong tinitigan, "Aalis ka na?"

Iginiya ko si Tita Mirriam papasok ng kwarto ko bago iyon sinarado, "I received a message from my Mom and she's telling me to come back home. Don't worry po, I'll surely talk to them about Tito Noel's condition atsaka 'yung totoong nangyari. I'll tell them all about that."

Halata sa mukha niya ang saya nang sabihin ko iyon. I immediately hugged Tita Mirriam when I saw a tear in her eye, "Salamat nang marami, Savitri. Kapag kailangan mo ng tulong bukas ang bahay namin para sa'yo, ha?"

I just nodded from what she said and I also told her about the stove. Siguro ay magpapasama na lamang ako kay Mike na bumili sa Mall at dito ipapahatid. They also need a refrigerator kase minsan yung iba nilang pagkain na hindi nauubos ay napapanis lang.

Sayang naman kung itatapon lang.

Nagpatuloy na ako sa pag-aayos ng gamit ko. Okay na kay Tita Mirriam na aalis ako, ang problema ko nalang ay kung paano sasabihin kay Anglo.

Besides, madali lang naman sigurong sabihin iyon kay Anglo dahil alam ko namang wala lang ako sa kaniya. Na tinulungan niya ako dahil kailangan nila ng tulong ko.

"Gosh, Savitri. You're really in danger right now."

Nang matapos akong ayusin ang gamit ko ay humiga ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame. I'll miss this family. Ganito ang nararamdaman ko tuwing kinakausap ako ni Aling Lorna. I feel so safe.

Napabangon ako sa pagkakahiga ko nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. I saw Anglo's scanning the room at nang napunta sa akin ang mata niya ay bigla siyang lumapit papunta sa akin.

"Hey, what's wrong?"

"Totoo bang aalis ka na?"

Kumunot ang noo ko dahil sa naging tanong niya. Halata sa mukha niya ang pag-alala at takot and I don't know why. May nangyari kayang masama sa kaniya pagbalik niya rito?

Umupo ulit ako sa kama ko bago siya nilingon, "Yes. Don't worry, 'yung napag-usapan natin ay gagawin ko pa rin. Thank you for all the things that you've done to me. I appreciate it—"

"Bakit galit ka sa akin kanina?"

I looked at him intently. Halata ba ako masyado kanina? Pero hindi naman ako galit dahil nalaman kong si Louise pala ang ex niya na kumausap sa akin sa court. Hindi ko alam, nadismaya lang ako sa sinabi niya pero hindi ako galit.

"I'm not angry—"

"You are. Kaya ganoon nalang ang itsura mo nang tumabi ako sa'yo kanina sa lamesa."

Napapansin niya pala lahat ng ginagawa kong pagsusungit sa kaniya kanina. Pero sana ay hindi niya na iyon binigyan pa ng kahulugan! We're okay na nga na aalis na ako ngayon para matuloy na ang love story nila ni Louise o ni Bella!

Bakit pa niya kailangang tanungin ako nang ganito?!

"I said I'm not angry, Anglo. Aalis ako nang umaga bukas, can we stop fighting over some petty things?"

He looked at me like he's disappointed with my answer. Ano bang gusto niyang sabihin ko sa kaniya? Na gusto ko siya? Hell no!

I wouldn't do that!

Mamatay nalang ako, 'di ko 'yon sasabihin sa kaniya.

"Hindi ako naniniwala, Savitri —"

"Then don't, my gosh! Let me sleep, Anglo!"

"Sagutin mo nga kase muna ako!"

Nagulat ako nang tumaas ang kaniyang boses. Bakit siya nagkakaganito? Ano bang gusto niyang mangyari? It's not like he likes me too, right? Or... does it?

Never ko nakita ang ganitong side niya. Lagi lang siyang kalmado o di kaya ay tumatawa sa walang kwentang dahilan. He's so serious now. Na para bang isang mali ko lang na salita ay pupunahin niya na.

Napahawak ako sa sentido ko at mas piniling humiga nalang sa kama ko. Nagtalukbong ako ng kumot bago nagsalita, "Let's talk tomorrow, alright? Sleep na ako."

Akmang pipikit na ako nang maramdaman kong nawala ang kumot ko sa katawan ko. I looked at Anglo and I saw that he's fuming mad. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at dinuro siya, "What's your problem?! I told you that I'm not angry bakit mo ba pinipilit, ha? Aalis na ako rito bukas at gagawin ang gusto mong mangyari dahil 'yon ang napag-usapan natin, 'di ba? Stop being childish, Anglo, and let me sleep!"

Huminahon ang itsura niya nang sabihin ko iyon. Hawak-hawak niya rin ang kamay kong hinampas ko sa kaniya ngayon, "Bakit ka galit—"

"Because I'm disappointed with what you said to me. Iyon ang narinig kong dahilan pero hindi 'yon ang gusto kong marinig dahil gusto kita! Oo na, gusto kita kahit saglit lang tayo magkasama. Could you please stop asking me about that thing again?! Ang akala ko ay magiging kaibigan ko 'yung Louise na 'yon dahil siya lang ang kumausap sa'kin na ibang babae na mabait nang makarating ako rito but it turns out that she's your ex that's why I started to hate her! And now that you knew already, pwede na ba akong matulog—"

I was taken aback when I felt his soft lips onto mine. I closed my eyes and started to feel it. His lips were warm and soft. They parted slightly, letting my tongue to slip inside.

"Gusto rin kita, Savitri."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top