Chapter Eighteen
Chapter Eighteen
"Halika na dali!"
"Can you please wait?! Baka makita ako ni Tita Miriam!"
Nakakainis si Anglo. Kanina pa ako pinipilit na umalis na raw kaming dalawa pero hindi nga pwede dahil nasa harap naming dalawa si Tita Miriam at Lily! Tanging pag bulong nalang ang nagagawa naming dalawa dahil ayaw naming malaman nila ang pinag-uusapan namin.
Wait.
I don't know, it's been a month since I decided to stay here. Simula rin no'n ay hindi ko tinangkang buksan ang phone ko. Siguro ay tinatadtad na ako ni Mike ng tawag.
Come to think of it, why does my parents not finding me?
Hinahanap pa ba nila kung sino ang nagnakaw sa amin? Mas mahalaga pa ba 'yon kaysa sa'kin? I shook my head, bahala sila. Masaya naman ako rito kumpara kapag nasa Mansiyon ako.
"Ma, alis po muna kami ni Savitri. Samahan ko lang sa palengke."
Mabilis akong hinigit ni Anglo patayo kaya nanlaki ang mata ko. I looked at Tita Mirriam and I can see the confuse look on her face, "G-Ganoon ba? Mag-iingat kayong dalawa, ha?"
Tumango lang si Anglo sa sinabi ni Anglo at hinila na ako palabas ng bahay nila. I really don't know kung bakit niya ako hinihila ngayon. We don't have plans today, saan niya kaya ako dadalhin?
"Anglo, where are we going?"
Saglit siyang lumingon sa akin at ngumiti, "Basta."
I rolled my eyes from what he said. Ayaw pang sabihin sa akin, eh, malalaman ko rin naman mamaya kung saan niya ako dadalhin. Nagpatangay nalang ako sa kaniya kesa tanungin pa siya kung saan kami pupunta.
I looked at our hands. I smiled, he's holding my hand since we left their house at ni isang segundo ay hindi niya iyon binibitawan. Tumigil kami sa isang fast food chain at taka ko siyang tinignan nang bitawan niya ang kamay ko, "What are we doing here?"
"Kakain?"
"We just ate a while ago, Anglo!"
"Edi kakain ulit?"
He left me dumbfounded then he went in the fast food chain. Sinundan ko na lamang siya at nakita ko siyang umakyat sa second floor. There are some girl who are looking at him kaya hindi ko mapigilang ikunot ang noo ko sa mga naririnig ko.
"Siya yung lalaki sa liga, 'di ba?"
"Oo, te! Nalaman kong ex siya ni Louise."
"Seryoso?!"
Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Sikat ba 'yung Louise na 'yon dito at bakit siya kilala nitong mga babaeng 'to? Napalingon sa akin yung tatlong babaeng nag-uusap, inirapan ko lang sila at sinundan na paakyat si Anglo. I saw him sitting near the window. Kumaway pa ito sa akin. Hindi naman ako bulag for Pete's sake!
Padabog akong umupo sa harapan niya at tumingin sa malayo, "Anong problema mo?"
"I heard some girls talking about you, bakit nila kilala 'yung Louise na 'yon? Marami bang may alam na naging kayo?!"
If someone would hear me ranting about that girl Louise, they would assume that I am an overthinker kind of girlfriend!
Eh, ano naman?
Ayoko nong mga naririnig ko that's why I have the rights to ask Anglo about something that I wanna know the answer!
"Oo?"
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya, "And why? Siguro sobrang proud mo na siya ang girlfriend mo kaya pinapangalandakan mo 'yon—"
"Anak siya ng barangay captain dito, Avi, kaya maraming may alam na ako 'yung boyfriend niya noon."
Umawang ang aking labi dahil sa narinig ko.
Kaya ba sila kilala noong mga babae kanina sa first floor ay dahil doon?
Yumuko ako dahil nahihiya ako kay Anglo. Kung anu-ano pa ang sinabi ko sa kaniya. My gosh, Savitri! Bakit ba hindi ko muna pinag-iisipan ang mga pinagsasasabi ko?!
I was about to open my mouth to say sorry to him when he immediately hold my hand. Nag-angat ako ng tingin dahil sa ginawa niya, "Of course, proud ako na girlfriend ko siya noon but that's all in the past, Savitri. Hanggang doon nalang 'yon at kung iniisip mo na mahal ko pa siya, no. 'Wag mong isipin 'yon dahil matagal na kaming wala, okay?"
I pouted by hearing those from him. I'm jealous kase parang maraming tao ang may alam nong love story nilang dalawa. Ganoon din naman kami ni Zach before but they only knew about our relationship because of family's surname. I never remember Zach being proud of me.
Bakit ngayon ko lang 'yon naisip?
Anglo stood up then he leaned towards me. I closed my eyes when I felt his lips on my forehead, "Dinala kita rito kase gusto kitang ilibre. You know, hindi pa kita kayang ilibre sa mga mamahalin na restaurant kaya dito kita dinala. I'm sorry, ito lang kase kaya ko sa ngayon. Promise, I'll treat you better next time." he smiled at me after saying those words.
I couldn't help it that's why I let my tears fall from eyes, "I'm so thankful that I have you now in my life."
ILANG araw na ang lumipas at ganoon pa rin ang relasyon naming dalawa ni Anglo. We tried to hide our relationship from his parents as long as we can but I think this is the time that our secret will be no longer secret.
Anglo is in my room and I'm currently arranging my clothes. Niyayaya ko siyang umalis ngayon pero sinabi niya sa akin na kailangan niyang umalis kasama si Henry dahil ipapasok daw siya nito sa isang trabaho. I asked him if kasama nila si Bella at buti nalang hindi.
Baka sumama pa ako sa kanila ng wala sa oras dahil sa babaeng 'yon!
"Avi, aalis na ako."
Nakaharap siya ngayon sa salamin ng kwarto ko nang sabihin niya 'yon. Binitawan ko ang damit ko at naglakad palapit sa kaniya. I hugged him from behind and I sniff his t-shirt, "Ang bango mo."
Humarap siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko ng dalawa niyang kamay. He leaned towards me and I gladly accept his lips onto mine. I placed my hand on his shoulder then I felt his hands roaming around my back.
Naglakad ako palapit sa kama ko nang hindi pinuputol ang halik naming dalawa. I'm now laying on my bed and I can see the lust in his eyes. I pull Anglo's shirt off and I don't know when it happened but Anglo's now on top of me. He keeps on kissing me and I am responding with equal force.
Anglo's about to undress me when someone shouted, "Jusmiyo, anong ginagawa niyong dalawa?!"
Mabilis kong itinulak si Anglo sa ibabaw ko at nakita ko si Tita Miriam na nakatingin sa aming dalawa ngayon, "Anglo, mag-usap tayo!" Tinalikuran kami nito at napabuntong hininga nalang ako. I looked at Anglo at kumunot ang noo ko nang makita ko siyang tumatawa.
"Hey, what's so funny? Nahuli tayo ng mama at may gana ka pang tumawa?!"
Nilingon niya ako at mabilis akong hinalikan sa labi. Nagpaalam siya sa aking susundan si Tita Miriam dahil baka kung ano pa raw ang magawa nito gayong tumatagal siya lalo sa kwarto ko.
I sighed. Oh my gosh! I'm so malandi!
Bakit kasi hindi ni-lock ni Anglo yung pintuan ko?!
Tanghaling tapat mag-sesex kayo.
Ramdam kong namula ang pisngi ko sa naisip ko. Oo nga pala at alas dos ngayon ng hapon. Ano bang pumasok sa isip ko at tinugon ko nang ganon ang halik ni Anglo?
"My gosh! Nakakahiya sa nanay niya!"
Thirty minutes ang nakalipas nang bumalik si Anglo sa kwarto ko at sinabing gusto akong kausapin ni Tita Mirriam. My hands are shaking when I reached the door of Tita Miriam and Tito Noel's room. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ang pintuan pero binuksan ko pa rin 'yon. Tumambad sa akin ang nakatalikod na pigura ni Tita Miriam habang si Tito Noel naman ay nakangiti sa akin.
"Pasok ka, ma'am Savitri."
"Savitri nalang po."
Maingat kong isinarado ang pintuan at nakayukong humarap sa kanila. I noticed that Tita Miriam stood up that's why I decided to close my eyes. This act of mine is so childish pero kasi, nahihiya talaga ako!
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Savitri. Ayoko nong nakita ko sa kwarto mo. Nakausap ko na si Anglo tungkol dito at sinabi nito sa'king may relasyon kayong dalawa, totoo ba 'yon? Dahil kung hindi at pinagsamantalahan ka ni Anglo ay hindi ko 'yon palalagpasin."
Hinawakan ko ang kamay ko dahil hindi ko mapigilang manginig, "We're in a relationship po."
"Tignan mo ako, hija," dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dahil sa sinabi niya. Nakita kong matalim ang tingin sa akin ni Tita Mirriam kaya napanguso ako, "Wala akong problema sa relasyon niyong dalawa, Savitri. Ang ayoko lang ay alam kong may nobyo ka, 'di ba? Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang mo kapag nalaman nilang kay Anglo ka pumunta noong mga panahong umalis ka sa inyo? Hindi pa maayos ang pangalan ng asawa ko sa magulang mo, Savitri, kaya mag-iingat kayong dalawa. Pag-usapan niyong mabuti ang tungkol sa bagay na 'yan dahil ayoko ulit masaktan ang anak ko dahil sa isang babae."
Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako ngayong araw. I can't forget what Tita Miriam told me yesterday. Totoo naman ang lahat ng sinabi niya pero hindi ko mapigilang mapaisip.
Our relationship is illegal. Hindi talaga magandang tignan dahil may fiancé ako. But I knew already that Zach is cheating on me.
I don't know what to think anymore.
"Ayos ka lang? 'Wag mo ng isipin yung sinabi ni mama. Gala nalang tayo."
I pouted when I heard Anglo's voice behind me. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako patalikod kaya pumikit ako upang damahin lalo ang yakap niya. I feel so safe whenever Anglo's around me. Katulad na lamang ngayon, na-sstress ako dahil sa sinabi sa akin ng nanay niya pero isang yakap niya lang ay nakalimutan ko agad ang tungkol sa bagay na 'yon.
Ganoon talaga siguro kapag in love ang isang tao 'no?
Mabilis akong nagbihis dahil niyaya ako ni Anglo na mag-Mall daw kami at isasama si Lily upang hindi na raw kami pag-isipan nang masama ni Tita Miriam.
Isinuot ko ang maong kong short at isang long sleeve na hanggang hita ko ang haba. Tinuck-in ko ang kaliwang parte ng damit sa short upang maganda iyong tignan. I pair it with a two inches sandal.
Lumabas ako ng kwarto ko at naabutan kong nakabihis na si Lily at Anglo. Umalis agad kami nang nakapagpaalam na si Anglo sa nanay niya. Hawak ko si Lily sa kaliwa nitong kamay habang si Anglo ay sa kanan.
We look like a family right now.
Family.
I want to build a family with Anglo.
Sumakay lang kami ng jeep at mabilis kaming nakarating sa Mall. Buhat-buhat ni Anglo si Lily at ako ay nasa likod nilang dalawa. I looked at Anglo from head to toe. He's wearing a plain white polo shirt pairing it with a khaki pants. Ang suot niyang sapatos ay hiniram niya lang kay Mike kaya balak ko siyang bilhan kapag ako lang mag-isa ang mamamasyal dito.
He looks so attractive with his clothes. Kahit simple lang 'yon ay ang lakas ng dating sa akin. May ilang babae rin ang napapalingon sa kanila at hindi nakaligtas sa tenga ko ang bulungan nila.
"Ang gwapo nung lalaki, sayang at may anak na ata."
"Kaya nga, eh. Pero ang bata niyang tignan kung anak niya talaga 'yon."
Napairap ako dahil sa narinig ko. Totoong gwapo si Anglo, kung hindi mo nga siya kilala ay mapagkakamalan mong mayaman siya dahil sa kutis niya. Kahit na babad siya sa araw dahil sa trabaho niya kila Mang Lito ay hindi siya umiitim nang sobra.
He looks neat too. Sobrang maayos siya sa sarili niya. Kaya hindi na ako nagtataka na patay na patay sa kaniya si Bella.
Lol.
We eat first before going to the appliances section. I want to buy a stove and refrigerator for Tita Miriam. Ayoko na kasi siyang makitang nahihirapan sa pagluluto ng bananaque sa ulingan.
"Seriously Avi, hindi na kailangan 'to."
"But I want to. This is the only thing that I can do for your mother." I looked at him at kitang-kita sa mukha niya ang inis dahil sa sinabi ko. Hindi ko na lamang 'yon pinansin.
Nang matapos kaming mamili ay ibinigay namin ang address ng bahay nila Anglo upang dalhin nalang 'yon doon at ako ang magbabayad ng gasolina nila.
It's quite impressive since hindi ako nauubusan ng pera sa dalawang atm ko. Siguro ay nilalagyan pa rin 'yon ni Mommy kahit wala ako sa Mansiyon.
"Kuya, gusto ko ng barbie—"
"Hindi pwede, Lily. Hindi pa sahod ni Kuya."
Nakita kong ngumuso si Lily dahil sa sinabi ni Anglo, "Ibibili kita, Lily."
"Talaga, ate Sasa? Yehey!"
Nagtatalon si Lily nang sinabi niya 'yon kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Lumingon ako kay Anglo at halata sa mukha niya ang galit kaya natawa ako.
"Babayaran kita sa sweldo ko, Avi. Sobrang dami na ng—"
"It's okay, Anglo. Really."
I smiled at him then I gave him a peck on his lips. We continued walking while holding his hand at hawak ko si Lily sa kaliwa kong kamay. We were about to reach Toy Kingdom when I heard someone called my name.
"Savitri?"
I turned my back and I saw Mike together with his three bodyguards behind him.
"M-Mike..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top