Chapter Two

Note: This is 3rd pov

Keyller Rafe Hayes Tagalog

Chapter Alpha

Maliwanag pa ang araw nang makalapag ang sinasakyang eroplano ni Keyller sa Belfast International airport sa Ireland na ipinagpasalamat niya dahil malaya niyang mapagmamasdan ang lugar na dati ay pinamumunuan ng kanyang pamilya. Magkahalong galit at saya ang nararamdaman niya. Hindi man aminin ng binata pero sabik na siyang makita ang lupang sinilangan kahit pa magdudulot iyon ng sakit dahil sa pagbabalik ng mga masasakit na alaala.

Halos mag-iisang dekada na ang nakakalipas nang huli niyang masilayan ang lupang kinatitirikan ng dati nilang palasyo. Dahil sa loob ng sampung taon na iyon ay hindi niya kayang makita ang palasyo na tinitirhan na nang iba. Lalo na ng mga taong pumatay sa pamilya niya.

Mahigpit na naikuyom ni Keyller ang palad upang pigilan ang galit. Kailangan niyang maghunos-dili at kontrolin ang sarili na huwag magpadaig sa emosyon kung hindi ay masisira ang plano niyang halos isang dekada niyang pinagplanuhan.

Wala sa plano ni Keyller ang dumaan sa palasyo, sa Earl, dahil ang balak niya ay dumiretso sa kumpanya ni Aoife, ang matronang tumutulong pinansiyal kay Keyller. May mahalaga raw itong sasabihin. Ngunit ayaw niyang malaman nito na nandito na siya sa Ireland kaya napaaga ang biyahe niya mula sa Italy, sa kampo ni Maverick, dahil kakatapos lamang ng kanyang misyon doon.

Keyller was together with Ciaran for his last mission and that guy had just killed his uncle who had raised him since he was a child. Pero alam ni Keyller ang dahilan kung bakit nagawa iyon ni Ciaran Rodriguez.

Dahil walang dalang bagahe bukod sa isang lumang backpack ay diretso nang lumabas si Keyller mula sa arrival area hanggang sa taxi stand. Nagkasalubong ang kilay ng binata nang makita ang mahabang pila ng mga pasahero na nag-aabang ng taxi. This time around it should not be crowded. Pebrero pa lang kaya off season dahil sa sobrang lamig pa ng panahon at hindi akma na mag-sightseeing para sa mga pupuntang turista. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka ni Keyller kung bakit hindi lang crowded ang airport ay masiyado pang mahigpit ang seguridad.

Is there something going on?

Marami ang pasahero pero dahil marami rin ang taxi na nakapila ay hindi naghintay nang matagal si Keyller. When it was his turn, he didn't dilly dally and jumped in the car with rush movements. Matapos sabihin sa driver ang destinasyon ay sumandal siya sa backseat na hindi nag-abalang ikabit ang seatbelt at tahimik na pumikit. Ramdam niya ang pagod sa sunod-sunod na biyahe at halos walang pahinga. Nagpapasalamat na lang siya at walang ibinigay si boss Trace sa kanya na taong ipapatay o kahit si Morelli. Mondragon contacted him earlier before his flight pero ang transaksyon nito sa droga na ide-deliver niya ay sa susunod na linggo pa mangyayari.

Naghintay siya ng ilang sandali at nang tumatakbo na ang sasakyan sa highway ay saka binasag ni Keyller ang katahimikan upang tanungin ang driver.

"An bhfuil rud éigin ar siúl?" kaswal na tanong ni Keyller. Nais niyang malaman kung ano'ng nangyayari at bakit mukhang mahigpit ang seguridad hindi lang sa mga turista kundi pati na rin sa mga lokal.

Habang nasa biyahe, kahit pagod ay hindi maiwasang magmasid sa paligid ni Keyller. Nostalgic feelings crept their way until they reached his inside and gnawed him. How he missed this place so much! Walang gaanong nagbago. Ang mga lumang building na pamilyar sa dating Earl ay naroon pa rin. Ang mga pasyalan na dati niyang pinupuntahan ay naroroon pa rin. It was renovated but the original shape was still there.

Nagpapasalamat si Keyller dahil hindi iyon nagbago at pakiramdam niya ay siya pa rin ang nakatira sa palasyo. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga taong sanhi kung bakit naitakwil siya sa sariling bayan.

"Corónú na cuntair nua, a dhuine uasail," sagot ng driver. Sinulyapan siya nito sa pamamagitan ng rear view mirror pero patuloy pa rin sa pagpapatakbo ng taxi sa kaparehong bilis.

Keyller was brought back to his reverie when his ear picked up the driver's answer. Napataas ang sulok ng kanyang labi at ngumisi nang nakakaloko dahil sa narinig na bagong kontessa na kukuranahan.

"A new countess, huh?" hindi makapaniwalang bulong niya. Simula nang umalis ng Ireland at namuhay sa iba't ibang bansa ay wala na siyang gaanong balita tungkol sa mga namumuno sa palasyo. Nakapokus ang plano niya sa paghahanap ng suspek sa pagpatay sa pamilya niya at ang kanyang magiging bagong negosyo kung sakaling ipamana na sa kanya ni Matandang Aoife ang mga kumpanya nito.

Si Aoife ang gagamitin niya upang yumaman muli. Hindi sapat ang kita niya sa Foedus at kay Morelli upang tuluyang mabawi ang palasyo. He needed assistance outside Foedus that could give him tons of money. Bukod sa protection na nakukuha niya sa Foedus ay kailangan niya rin ng koneksyon. Pati mga magiging tauhan na tutulong sa kanya. Kailangan niya ring hanapin ang mga dating supporter ng kanyang magulang. Kailangan niya ang tulong ng mga ito sa pagbawi ng palasyo.

Ang alam na dahilan ni Keyller kung bakit siya pinatawag ni Aoife ay ipapamana na nito sa kanya ang kumpanya nito. Ang hindi niya lang alam ay kung ano ang magiging kapalit. Giving something this big always comes fishy. Alam niyang may kapalit ang pagiging instant millionaire niya. Kung matatali man siya sa matrona ay sisiguraduhin niyang matutupad ang lahat ng gusto niya.

Nakilala ni Keyller si Aoife noong nagtatrabaho siya sa club sa Italy bilang isang gigolo. Kakapasok pa lang niya noon sa Foedus at dahil baguhan pa lang siya ay wala pa siya gaanong misyon kaya't mahina ang pasok ng pera sa kanya. Dahil presko siya at ubod ng gandang lalaki, samahan pa ng maskuladong pangangatawan ay agad siyang natipohan ni Aoife. Pikit-matang pinatulan ito ni Keyller dahil alam niyang mayaman. Kahit nandidiri siya at kahit sumisilakbo sa galit ang dibdib sa tuwing nakikita ito, nilunok niya ang pride. Kailangan pa niya ang matrona dahil kailangan niya ang pera nito.

Matanda na si Aoife. Fifty years old, and she has a daughter. Halos ka-edad lang ni Keyller. Ang lalong nagpapaigting ng galit niya ay sa tuwing pumupunta siya sa bahay ni Aoife at nagtatalik sila nito kasama ang anak nito. Keyller felt disgusted that he just wanted to shove his dick into the mother and daughter's mouth until they choked and died. Pero pinipigilan niya lang ang pandidiri dahil kailangan pa niya ang mga ito.

"Are you a tourist, Sir?"

Naalimpungatan si Keyller mula sa pagbabalik-tanaw nang magsalita ang driver. Sa pagkakataong ito ay nagsalita ito ng Englis marahil ay alam nitong isa siyang turista at kinakain lang ng kuryusidad kaya napatanong kung ano ang nangyayari.

Nagpakawala siya nang mahinang tawa at humawak sa upuan ng driver at passenger seat saka dumukwang upang makalapit siya sa driver. He said, "Bring me to the palace. I am actually a distant acquaintance of the new Countess and here for the ceremony. It had been so long since we last saw each other. I wanted to give them a pleasant surprise."

Biglang napaapak sa preno ang driver nang marinig ang sinabi ni Keyller. Halos hindi ito makapaniwala na ang isang katulad niya ay nakakalapit sa bagong kontesa.

Dahil sa biglang paghinto ng kotse ay muntikang mapasubsob sa dashboard ang mukha ni Keyller ngunit dahil mabilis ang reflexes niya ay agad niyang naibalanse ang sarili. He fieryly glared at the driver like a dagger.

"Can't you drive properly? Why did you suddenly stop? Couldn't believe that I am the royal family's acquaintance?" Malamig ang boses niya na may halong pagbabanta na nagtanong. Bumalik siya sa pagkakasandal sa upuan at ipinatong ang mga paa sa likod ng passenger seat. "Bring me to the palace, now."

Bahagya namang nagulat ang driver dahil sa biglang pag-iba ng timbre ng boses ni Keyller. Agad naman nitong sinimulan muli ang pagmamaneho habang ang kamay ay bahagyang nanginginig at halatang-halata na natatakot sa galit na nakabadha sa mukha niya.

"Ah, no, sir! I just couldn't believe that the introverted countess had an acquaintance from outside. Besides, she's the only child of the former Earl and she's close with no one."

Ibinaba ni Keyller ang mga paa at dahil sa narinig ay tuluyang napukaw ang atensyon niya. Nakataas ang isang kilay na kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot na khaki jeans bago muling nagtanong sa driver. Wala siyang alam kung ano ang tunay na pagkatao ng Contessa at ayaw niyang mabuko ng driver ang kasinungalingan niya. He then proceeded to his pretensions.

"She was not like that the last time we met. Why did she change so much?" Tumatak sa isipan ni Keyller ang dating Earl na sinasabi ng driver. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang taong pasimuno ng katraiduran sa dati niyang palasyo. Sana ay hindi mabasa nang driver ang kasinungalingan niya.

Tumango-tango ang driver pero nagpatuloy pa rin sa pagmamaneho. Bahagya nnag naging relax ang mga kamay nito hanggang sa marating nila ang labas ng palasyo na siyang puwedeng tapakan ng ordinaryong tao katulad niya.

Nang huminto ang sinasakyang taxi ay inabutan ni Keyller ng bayad ang driver kasama na ang tip saka mabilis na bumaba bitbit ang kanyang . When he inhaled the air of his old palace, every memory rushed back like a raging tornado. Masakit man o masayang alaala ay nagsipagbalikan habang nakatitig siya sa engrandeng palasyo.

Maraming guwardiya na nakabantay sa labas at halos lahat ay may nakasukbit na baril. Keyller needs to trade well kung ayaw niyang mabaril nang wala sa oras. Gaano man katindi ang galit niyang kinikimkim ay kailangan niya iyong pigilan para maisakatuparan ang plano,ang paibigin ang bagong Contessa bago ito patayin!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top