Two: The Girl With A Heart

I moved, far away, from you
And I want to, see you here
beside me dear
When things aren't clear

- Sunburn

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Kendric

Nandito ako ngayon sa office ni dad dito sa mansion, I think he has something important to tell me.




"Yes dad?"




"We will have a dinner later with the Xanders. Dress up well."




What?? No!




Tangina naman oh! May date kami ni Celine ngayon! Hindi pwede!




"Dad I don't think I can-"




"Why? You have a car, you have a driver, you have decent clothes to wear. Why can you not go? Give me a specific reason."




Napakagat ako ng labi ko. Andito nanaman kami, gumagawa ulit siya ng paraan para umamin ako tungkol sa aming dalawa ni Celine. Hinihintay niya lang naman akong umamin para makapagsimula na siyang pahirapan ang relasyon namin eh. Pati na rin si Lianna, nagaabang nalang si dad ng message galing sakanya.




I sighed heavily. Wala akong pwedeng gawin dito.




"Nothing." Sagot ko nalang. "I'll go now." Pagpapaalam ko at lumabas ng bahay.




Sa tingin ba niya papayag akong hindi matuloy ang date namin?




Tatakas ako mamaya. Bahala na kung masampal nanaman ako, mabugbog ulit ako. Basta hindi ko paninindigan ang pagpapakasal sa babaeng yun. Si Celine lang, wala nang iba.




*Phone rings*




Binasa ko ang caller ID habang naglalakad papuntang kwarto




Ikaw ang may dahilan ng lahat ng ito.




I picked up the phone at walang ganang sumagot.




"Hello."




[Knowing you, may plano ka nang tumakas mamaya.]




"Hindi ko din ba pwedeng sabihing may dysmenorrhea ako?" Pangiinis ko sakanya and I can imagine her rolling her eyes.




[Anyway, wala akong time makipag asaran sayo.]




"Then why did you call?" I heard her laugh a bit. Nawala ang ngiti ko at napatigil sa paglalakad, why do I have a bad feeling about this.




"What the hell did you do now?" Kapag naman may kinalaman dito si Celine- shit!




[Uh, nothing much.. I just called to tell that your special date is cancelled.]




"You cancelled it??"




What the fuck Lianna! Today is our monthsary and you-!




[You can say it that way.]




Napatahimik ako sa sobrang inis. Isa lang ang paraang ginawa niya para hindi matuloy ang date namin ngayon. Pero kung ano man ang iniisip ko sana mali ako. Tinawagan niya si Celine at sinabi ang tungkol sa family dinner ngayon. Sa tingin ko, yun nga ang ginawa niya because knowing her, she attacks someone directly.




Sigurado ako malungkot nanaman si Celine niyan. Tangina, si Celine umiiyak sa mismong monthsary namin.



"Anong klaseng puso ba ang meron ka? Bato?"

I asked out of nowhere like it's some kind of a fact. Ganyan naman siya eh, she does everything the way she wants to.




Ngunit wala akong narinig na tugon. Tahimik na sa kabilang linya.




"Hello?"




[Kendric, I already said what I have to say. I'm hanging up now.]




Huli niyang sabi at binaba na ang telepono. Tinitigan ko ang cellphone ko.




Why were you like this? Why do you love to see everyone around you suffering? Bakit ang saya saya mo kapag nakikita mo kaming nalulungkot?




Sa itsura palang niya, halatang gusto niya lang ako dahil marangya akong tao. Yung babaeng yun? Matututong magmahal? Seryoso sa kasal namin at magiging mabuting asawa? Haha. Don't joke around.




Pumasok na ako ng kwarto at humiga. Haay, ang hirap naman maging gwapo. Tsk pucha talaga!




Kinuha ko ulit ang phone ko at binuksan, nakita ko ang wallpaper, selfie namin ni Celine.




Tatawagan ko nalang muna siya.




[Hi! This is Celine! Please leave a message after the tone. Thank you!]




She's not answering. Hindi ko na sinubukan pang tumawag dahil pinatay niya ang phone niya, galit siya. Fuck that Lianna! What the hell does she want? Tangina punong puno na ako pero hindi ko lang siya ginagantihan dahil alam ko ang kaya niyang gawin. Bullshit!




I checked the time and it's already 3 pm. Six o'clock ang dinner with the Xanders and my dinner date with Celine is at six as well. I'm stuck. I only have to choose one at siyempre hindi dapat pinagiisipan yun.




Tumayo ako at naghanda. I should fetch Celine. Kailangan naming maayos ang problemang ito bago kami pumunta sa restaurant kung saan kami magdidinner date. Hindi na ako mag aattend sa appointment with Xanders, that's not important at all.




Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa sasakyan then I started the engine and beeped at the guard. Habang hinihintay ko ang pagbukas ng gate ay inayos ko muna ang buhok ko.




I sighed heavily. What should I say when I get to her place? Practice muna mga tol.




"Hooo, okay. Ehem. Um.. Celine, sorry sa nangyari kanina, pwede bang bigyan mo ako ng isa pang chance para-" ayoko yun ang pangit! Parang ang takaw ko sa chances, isa pa!




"Celine, pasensya na kung nagulo ang monthsary natin, halika bawi ako sayo- what the fuck??" Anong klase yun? Last nalang! Mag english ba dapat ako?




"Celine Torres, sorry for upsetting you, forgive me- Ano ba yan para naman akong nagdadasal!" Bwisit!




Teka bakit hindi pa bukas yung gate?




Bumaba ako at lumapit sa guard namin.




"Bakit ang tagal buksan niyang gate?"




Nakayuko siyang sumagot na ipinagtaka ko. "Sorry po sir Kendric, ayon po kay Mr. Milan huwag daw po namin kayong payagang lumabas hangga't hindi kasama ang buong pamilya niyo."




Napatingala nalang ako sa inis. Putangina! Gago ba sila?? Ano ako five years old?




Nakaramdam ako ng nakaharang sa likod ko at dali daling lumingon, may dalawang nakaitim na lalaking binabantayan ako, kahit nasa harap ko lang sila diretso parin ang tingin nila. Kayang kaya kong patumbahin itong mga ito kung hindi lang nila yan ginagawa dahil sa trabaho eh.




Napailing na lang ako at iniwan silang nakatayo doon, iniwan ko na rin yung sasakyang nakabukas at bumalik sa kwarto. Puta wala akong takas dito, mukhang palalampasin ko nalang yung araw na ito at bukas nalang ako babawi.




Wala akong magagawa.

Lianna

[Anong klaseng puso ba ang meron ka? Bato?]




Unti unting nawala ang ngiti ko.




Hindi bato ang puso ko. Hindi ko yan ginagawa dahil gusto ko lang, oo lumuluwag ang pakiramdam ko tuwing napaghihiwalay ko kayo ni Celine, kasi ang hirap tanggapin na pag kasama mo siya, masaya ka sakanya, mas lalo akong nalalayo.




I'm not that cold hearted because my heart still has one last thing to hold on. Your fading existence and attention.




[Hello?]




I came back to reality as I heard his voice. Inayos ko ang boses ko, yung tunog matapang.




"Kendric, I already said what I have to say. I'm hanging up now."




Wala pang limang segundo ay pinatay ko na ang call.




Ang bigat.




I need someone right now.




I dialed Kath.




[Hello?]




"Kath let's go to a club later at eight pm. Please?"




[O-okay... Ako na ang pipili kung saan?]




"Sure. Basta yung maganda ha."




[Okay, let's talk about it later.]




"Sure. Bye na, may dinner pa kami with Milan family."




[Ha? Eh paano yun?]




"I'll leave nalang pagkatapos kong kumain tapos diretso na ako sa place. Text mo sakin ha?"




[Oh sige, ingat!]




I ended the call and sighed. Kailangan ko na munang magready para naman magmukha akong presentable sa harap nila tita and tito.




Alam na ng mga kaibigan ko na hindi ako alcoholic. Kaya ngayong nagaaya ako sa bar, gets na ni Kath. Pero ngayon nalang ulit ako nag ayang uminom ha, matagal na rin nung last na nalasing ako and I swear to god I thought my mind's gonna blow up. Aish!




I took a bath and fixed myself for the occasion. Kahit papaano naman naeexcite parin akong makita si Kendric sa dinner. I'm so sure that he won't be able to get away from his parents, mahiya naman siya. Si Celine nga galit na sakanya.




Ha. Ha. Ha.




Anong klaseng puso nga ba ang meron ako? Sakim? Cold? Makasarili? Martir.




Smile, don't let them feel you're hurt, even if something's dragging you down, chin up to avoid being drowned. Maraming hangin, bawat tibok ng puso dapat hindi sinasayang, may labi ka para ngumiti. Lianna, you don't have a bad heart but don't let yourself be too good to others. And I shouldn't care if everyone thinks I'm evil, as long as I knew that I'm not.




Even if my one and only love does think that I am.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

6:00 p.m.




"Good evening, Mr. And Mrs. Milan, It's nice to meet you again." Bati ng uncle namin na assistant manager rin ni mom at dad. Nandito na kami sa restaurant and I just saw Kendric.




"Good evening, please take a seat." Tita Kerstine answered in a decent way. Umupo na kaming tatlo nila kuya. Magkaharap si tito Zandric and my uncle, magkatabi kami ni Kendric at magkatabi si tita and kuya.




I smiled at the three of them, especially to my fiancé.




Huwag kang masyadong mailang, aalis naman ako agad. Hindi ko rin feel makita iyang pagmumukha mo ngayon.




Yan ang bulong ko sa isip ko habang nakikipagtitigan sa kanya. Umiwas siya at uminom ng tubig kaya napairap nalang ako, busy mag usap about business si tito Zandric and uncle Jerome, habang nakikipagkwentuhan naman si kuya kay tita Kerstine.




Naisip ko lang, why aren't we talking? Kami ang stars dito sa dinner na ito. Hindi ba? Hinarap ko agad si Kendric at nagsalita.




"So? How's your day?"




"Well, nothing special." Oh, I expected that answer already.




"Ay oo nga pala, nasira kasi yung date mo."




I saw his hand turn into a fist kaya napataas ako ng kilay. Mukhang inis na inis nga siya.




Sorry not sorry, maganda ang kilay ko ngayon kaya hindi ko pwedeng palampasin ang lahat ng pwede kong tarayan.




"Don't worry, may next time pa naman." I added. "And I will not interfere." Tinaas ko ang kamay ko at nagform ng number two sa mga daliri ko. "Dalawa. I ruined your dates for two times already. I should go take some rest first."




Finally he looked back at me, but with disbelief in his eyes.




"What do you mean? Take some rest? Hindi ka pa tapos, ganun?"




Hmm, ano nga ba dapat ang sagot ko? I pretended to think about it at first kahit alam ko naman na talaga ang sagot. I nodded repeatedly para inisin siya. Napapikit na siya at huminga ng malalim. Guess who's getting me on his nerves right now...




"Lianna please..." He closed tightly his eyes and opened it again. "Just let me go."




Let him what?




Did I heard that right? He's asking me to let him go? Of course not.




I tilted my head at umiling. "Sorry, Kendric." I smiled sweetly at him sabay sabing, "But you are mine."




Gusto ko lang siyang inisin, ipagdidiinan kong akin siya. Hindi ako obssessed kundi nasa mood lang talaga para ipagmalaki ang mga kakayahan ko. Kahit anong gawin nila ni Celine, gusto kong ipamukha sakanya na kaya ko siyang kunin kahit anong oras kung gugustuhin ko lang.




We were interrupted by the food that was now currently being served. Pagkahain ng mga ito ay agad kaming nagsimula.




"Lianna, dear. How's school?" Tanong ni tita Kerstine sabay subo. Ngumiti ako at nagsimulang magkwento.




"I'm fine po tita. Lagi ko ngang nakakasalubong si Kendric eh."




Lumingon agad si tito at sinabing, "Nakakasalubong lang? Were you not hanging around together?"




Napansin ko ang konting pagkagulat sa mukha ni Kendric pero tinignan ko lang siya habang sumasagot.




"Not really tito, he hangs out with his friends most of the time." He hangs out with Celine everytime.




Akala niya yata magsusumbong ako kasi pasimple siyang nagpakawala ng hininga na parang nakatakas siya sa gulo. Duh, siyempre dapat ako na muna ang manggugulo sakanila noh, next time nalang sila tito cause I'm still enjoying the game.




"Sooner or later I hope you two will be able to get along with each other, you need it for your relationship." Ani tita Kerstine. Ngumiti nalang muli ako, medyo nabobored na ako at gusto ko nang umalis dito.




Saktong sakto naman ay tumunog ang phone ko, I picked it up and saw Kath's name.




[Downtown Club. I'm already here.]
Hindi na ako nagreply at binilisan ang pagkain habang patuloy paring nakikipagusap kila tita. As soon as I'm done, ready na sana akong mag excuse pero nagsalita si Kendric.




"I'll go now."




The table was filled with silence, alam naman naming lahat kung bakit ayaw na niyang magstay. Kaya siguro kanina pa siya nananahimik dahil pinagiisipan niya na ito kanina pa. Hindi lang pala ako ang aalis sa dinner na ito eh, pag nga naman ang ganda ng timing oh.




"You're walking out." Galit na boses ni tito. "Sa tingin mo papayagan kita?"




Bago pa mahuli ang lahat ay mas magandang sumingit na ako.




"Uhm tito, sorry to interrupt but... We have a date po kasi."




Napatitig silang lahat sa akin na puno ng pagtataka.




"Remember our date yesterday that was postponed? Napag usapan na po naming itutuloy namin ngayon." Bago pa sila magtanong ay tumayo na ako.




"R-really?" Amazed na sabi ni tita Kerstine. "Well, go on. That's great!" Sabi niya at napatayo na rin saka sabay kaming tinulak tulak. Sumunod nalang kami hanggang sa makasakay kami sa elevator. Umandar ang elevator pababa sa parking lot.




Sorry tita, I lied.




There was complete silence as we waited for the elevator to open. Even when we reached the parking lot and walked, walang umimik. Tumigil siya bigla sa paglalakad kaya tumigil rin ako. Tahimik kaming nakatayo pero hindi nakatingin sa isa't isa, galit siya.




Sigurado akong gusto niya akong sumbatan pero hindi niya alam kung sa paanong paraan. Gusto niya akong paulanan ng napakaraming tanong dahil akala niya yata I made that story to ruin his plan with Celine again just like how I do all the time.




I pulled myself together and started walking away from him, wala man akong narinig na tunog galing sakanya pero nakaramdam ako na parang nagtaka siya sa pang iiwan ko.




I got in my car just a few distance from him then started the engine at walang palingon lingong umandar. Nadaanan ko siya as I kept my sight straight on the way but at the corner of my eyes he was still looking at me with a puzzled expression. Hanggang sa nakita ko nalang ang repleksyon niya sa rear mirror, he was already running to get near my car.




"Wait!" I read his mouth shouting that word.




Pumreno ako at binaba ang bintana sa passenger seat at agad naman siyang sumilip dito. I stared at him in a very bored way. "Hm?"




"Where are you going? I thought we're having a..."




Can't he just understand that leaving him means I don't wanna see him? Ugh baka pag nainis ako hindi na ako iinom at bubugbugin ko nalang siya.




"Date?" I asked, obviously irritated.




"Um, y-yeah?" Sa tono palang niya at pagkamot niya ng ulo ay halatang naguguluhan na talaga siya. Cause this was the first time I'll run away from him, the normal me would've dragged him immediately at an expensive restaurant and start the date.




Saglit akong yumuko at nag isip ng isasagot. Nang makaisip na ako ay tinitigan ko ulit siya.




"Do you want to?"




Please say yes.




But I was only answered by the heartbreaking silence. Which means no.




"If you weren't so stupid then makukuha mo kung bakit ako gumawa ng storya. I wanted to go." I looked at him for the last time before I drive.




"Go away. Do whatever you want. Puntahan mo si Celine. I don't effin' care."




I started to move over. At pagkasarang pagkasara ng bintana ay naramdaman ko ang luha sa mata ko papunta sa pisngi ko.

ווווווווווווווווווו×

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top