Twenty-Six: She's Back

Sometimes I feel like giving up
But I just can't
It isn't in my blood

- In my blood

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

Tatlong araw. Tatlong araw na ang nakalipas mula ng magsimula kami sa pagplano tungkol sa project. Everything's going... fine I guess? I can't exactly say that everything's well and I can't say that it's not either. Hindi ganun kadali. Lalo na at nasa foreign country kami, mahirap makipag communicate sa kung sino sino para makahanap ng mga kailangan namin. Mabuti nalang at nandito rin si Janine para tumulong.



Speaking of Janine, inimbitahan niya kami sa bahay nila. Doon kami magdidinner. We all agreed going there but as of now, focus lang muna kami tungkol sa project.



"Final na ito ha?" Tanong ko nang maibalik na sakin ang folder na naglalaman ng pictures and details about sa napili naming venue. Nakaupo kami ngayon sa mesa ng kusina at pinagpapasahan namin ang folder para makita ng bawat isa. They all nodded in response habang tutok pa rin sa laptops nila.



Liningon ko si Hyen at Kath na magkatabi at nakatitig sa screen ng laptop na ginagamit nilang dalawa. Kausap nila ngayon through email ang interior designer na nahanap nila and they're waiting for her to answer back.



"Ito na!" Kath spoke and the two began reading the message. Lahat kami ay nakatitig lang sa kanilang dalawa habang hinihintay silang magsalita. Until finally, unti-unti silang ngumiti.



"We got her." Hyen smiled.



"Ang galing ko talaga!" Pagmamalaki ni Kath saka pinalakpakan ang kanyang sarili. Hyen shot her a glare.



Napailing iling nalang ako at inilipat na ang aking paningin sa listahan at chineck ang box para sa interior designer. Next is... catering.



"Janine." Liningon ko siya at tiningnan ang listahan niya ng catering services. Katabi ko siya sa right side.



"A total of five catering services po ang nahanap ko." Panimula niya saka pinaliwanag lahat. May pagkakaiba ang bawat catering service na pinakita niya. May hindi nagseserve ng wine, may nagseserve ng foreign food, may nagbibigay ng libreng desserts basta maabot ang said amount of price para sa main course and all. Yung isa naman...



"This one, may promo ngayon ang catering service na ito as a celebration for their 10th year anniversary. Pag ang total expenses natin ay umabot sa eighty thousand, you will be invited in the biggest hotel and resort dito po sa France. Bonjour Cities."



"May ganun?" Gulat na tanong ni Vino at tumango tango naman si Janine. "Ilang tao ang invited?"



"Fifteen po."



Nagkatinginan kaming magkakaibigan. "Kukunin ba natin?" Nagaalangan na tanong ni Kendric. Nanahimik kaming lahat. Alam ko ang lugar na sinasabi ni Janine. Sikat na sikat yun dito. Kaso nga lang...



"Is it worthy enough?" Tanong ni Mia. "Kamusta yung reviews about sa pagkain nila?"



"Isa po sila sa pinakasikat na catering services dito sa France but not everyone can afford their price. Hindi po sila basta basta at I can say na oo, worth it ito." She smiled. "So, you choose...?"



Nagkatinginan ulit kaming lahat saka nagusap at nagpaliwanagan hanggang sa magdecide kaming kunin nalang yun. Bigla akong na excite. So does it mean, pagkatapos ng party na magaganap, magbabakasyon kami doon? Sa resort na yun?



Wow. May biglaang party yata na paparating...

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Kasalukuyan akong nakadapa sa higaan at nagsesearch about sa resort na yun. Bonjour Cities. I don't exactly know why this is the name of the hotel pero dahil yata yun sa laki ng kabuuan nito, na nagmukha na itong isang city. Nakita ko ang pictures sa internet and saw so much in the resort. May mga food stalls, resto and bar na nakawesto malapit sa may dagat. Tapos sa isang parte naman ng resort ay kung nasaan ang hotels.



Mula sa baba ay may maliit na daan paakyat sa may cliff kung saan nakapwesto ang hotels. Pero may hagdan din na gawa sa bato para sa mga gustong maglakad lakad. Malamang yung paakyat na daan ay para sa mga golf carts. Their hotels aren't like the typical ones na buildings ang itsura. Tabi tabi ang bawat kwarto. At hindi lang basta kwarto ang isang hotel room kundi parang isang maliit na bahay. I must say, pang upper class nga talaga ang lugar na 'to. Hindi basta basta. Ang ganda din ng hotel rooms. May balcony ito at jacuzzi. Take note, overlooking ang balcony sa buong resort dahil nga nasa mataas na lugar ito.



Shit. Mageempake na ba ako?



Bless our parents. Kung hindi nila kami binigyan ng project hindi namin mahahanap ito. Afford naman namin pero mas masarap pa rin talaga ang libre. And I don't think we'll bother going there if ever nakita namin yan kasi... ang layo. Kailangan naming sumakay ng eroplano. Grabe. Adventure nga talaga ito.



"Hoy babae!" Bungad ni Kath sa pinto. Sunod sunod na pumasok ang mga kaibigan ko. "Free buffet ang breakfast and lunch doon! Tara na!"



"Really?" Diba kadalasan sa mga hotel breakfast lang ang free buffet? Waah! Gusto ko na talagang pumunta.



"Kamusta na pala yung invitation letters? Okay na ba?" Tanong ko. As if on cue, may kumatok bigla sa pinto at saka sumilip.



"Hi." Mahinang bati ni Kendric na halatang na-intimidate nang makita ang mga kaibigan ko.



"Hello why?"



"Nakatanggap ako ng tawag, yung invitation letters daw tapos nang gawin. Idedeliver nalang. Wala na ba kayong ipapadagdag sa listahan ng bibigyan? Sure na yun?"



"Yep." I gave a thumbs up and he just nodded. "Hey may ipapakita pala ako."



Lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ko. Umupo na rin ako. Iniharap ko ang cellphone sa kanya.



"Ito na yun. Bonjour Cities. Ang ganda tol. Promise."



Kinuha niya ang phone ko saka nagscroll. Nakatitig lang ako sa kanya at hinintay ang magiging reaksyon niya. Everything in there is seriously amazing and I'm sure he will love it too. Nakaka excite talaga!



"Wow. Magkasama ba tayo sa iisang kwarto?" Natatawang sambit niya. Nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya sa balikat.



"Of course not." Asik ko. "Ang pervert mo naman!"



"Wow ah? Sino kaya dito yung–"



"Yung ano?"



"Yung tumititig sa abs!"



Nag act ako na parang Kris Aquino na nagulat. "How dare you I never did that!"



"Ows?"



"Ang ilusyonada mo Dric. Wala ka non." Joke. Actually hindi ko alam kung meron siya o wala. Meron nga ba?



"Sigurado kang wala? Baka gusto mong makita." Pagmamayabang niya. He suddenly smirked at me and brushed his hair using his fingers... then winked. I was caught off guard.



At dahil nga sa tuluyan na akong namental block, umirap nalang ako saka tumingin sa ibang direksyon. Not now. Wala sa lugar ang pagpapaka model niya.



Linapag niya ang phone sa tabi ko at nagulat ako ng bigla niyang guluhin ang buhok ko."Sige na may gagawin pa ako." He smiled then stood up. Pinanood ko siyang tahimik na maglakad papalayo at bago umalis ay nagwave muna kami sa isa't isa.



Pagsara ni Kendric ng pinto ay dinampot ko ulit ang phone at excited na humarap sa mga kaibigan ko. I scrolled down and viewed more images about Bonjour Cities dala ng sobrang tuwa.



"Alam niyo yung pakiramdam ng nagbirthday na bata tapos nakatanggap ng maraming regalo? Ganito yung feeling na yun eh! This is jackpot!" I cried out loud. Nakakita naman ako ng iba't ibang images ng pagkain na sineserve dito at lalo akong natuwa. "Kath I'm sure you'll love this! Foodtrip tayo!"



"May coffee shop doon sa bandang cliff at may zipline din! Tapos omg pakinggan niyo 'to." I demanded and began reading what I saw on the phone. "Bonjour Cities is a great view for watching the sunrise and sunset. Just by sitting at your balcony or walking by the seashore, you can already achieve the view you are looking for." Mas lalong lumaki ang ngiti ko.



"May spa! Guys dapat magspa tayo ng sabay sabay ha. Ischedule niyo na yan. Hindi pwedeng makaalis tayo sa Bonjour Cities ng hindi nasusubukan yun. Um ano pa ba?" Naghanap at nagbasa basa pa ako tungkol sa lugar na ito at kada may makita akong mga nakaka interesadong bagay ay binabanggit ko agad ito sa kanila. Halos mawalan na ako ng hininga habang tuloy tuloy na nagbabasa at nagpapaliwanag sa kanila hanggang sa maubusan ako ng sasabihin. Sobrang laki ng ngiti ko ng salubungin ko ang mga mata nila pero dahan dahan ring nawala ito dahil sa nakita.



Mga mukhang may halong pagtataka. Walang kupas. Wala nang iba pang emosyon ang makikita sa mga mukha nila kundi yun lang. Confused.



Napatikom ako ng bibig ng marealize na ako lang pala ang nagsasalita mula pa kanina. Hindi ko napansing wala nang nagresponse sa akin dahil sa sobrang excitement na masabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Pero bakit? Para silang mga naparalyze na tuod. May nagawa ba ako?



Gusto ko sanang magtanong kung napano sila kaso pati ako hindi rin agad nakapagsalita. It was a four against one staring contest. And the way they stared at me, para bang pinagmamasdan nila ako ng maigi. Gustong gusto kong magkaroon ng mind reading abilities para malaman kung ano ang tumatakbo sa mga isip nila because I swear, nakaka intimidate silang lahat ngayon. Kung hindi ko sila mga kaibigan, malamang napagbintangan ko na silang nagpaplano kung paano ako mapagkakaisahan.



"Now I get it." Pagbasag ni Mia sa katahimikan. "Why she suddenly changed."



"True. Akala ko ako lang ang nakapansin." Sagot naman ni Jodie. "Matagal na akong nagtataka kung bakit nag iba bigla ang ugali niya."



Kath nodded. "Mas nakakausap na natin siya guys. Akala ko nga nung una nabaliw na eh." Naguguluhan akong napataas ng kilay dahil sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya? "Mas ngumingiti na siya ngayon."



Tuluyan nang napakunot ang noo ko. The hell are they talking about??



"Mas mahaba na ang pasensiya niya." Phiara added with a grin. "Dati, siya palagi ang simula ng isang issue. Pero ngayon, siya na mismo ang nagsabi na matuto tayong mag adjust para sa isa't isa. Hindi na siya tipid magsalita. Mas may buhay na rin ang expression ng mukha niya kumpara sa dati."



Sabay sabay nila akong nilingon. Then they smiled sheepishly. Di ko maiwasang mapa poker face.



"I don't get anything you said."



"You have so much to explain miss." Nakangising sabi ni Jodie. "Paano ka nabago ni Kendric?"

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Kasalukuyan akong nagd-double check ng laman ng aking shoulder bag bago umalis. Naghahanda na rin ang iba at si Flint ay naghihintay na sa loob ng sasakyan. Nang matapos ay agad akong lumabas at bumaba papuntang sala, nandoon na pala silang lahat.



"Let's go?" Tanong ni Kendric sa amin at nagsitanguan naman kami. Sabay sabay kaming naglakad at sumakay. Medyo nahuli lang ako dahil nilock ko pa ang pinto at gate.



Tahimik lang ang lahat buong biyahe. Ang boses lang ni Janine na nagtuturo ng daan papunta sa bahay nila ang bumabasag sa katahimikan. Hindi ko alam kung bakit nananahimik ang mga lalaki pero alam ko ang dahilan kung bakit walang imik ang mga kaibigan ko. Pagkatapos ba naman ng lahat ng napag kwentuhan namin kanina, nagbago bigla ang tingin nila kay Kendric. Medyo naging maingat na din sila around him dahil sa paninibago.



"Ganun na pala ang mga nangyari sainyo??"



"Bale parang kayo pero hindi kayo?"



"Ang close niyo na nga agad?"



"Baka naman sa pilipinas palang nagustuhan ka na niya. Kahit nung sila pa ni Celine."


"So mga ilang beses na kayong nagkiss?"



"Shet wala akong inexpect na ganito hinayupak ka."



"Pota may lablayp na siya?!"



"Luveeeet!"



Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga nang marinig sa isip ko ang boses nilang apat na sinasabi ang lahat ng yan.



Hindi ko sinabi kung paano kami nagsimula ni Kendric. Hindi ko sinabing siya mismo ang pumayag na pumunta kami dito at simula noon ay mas nagkakilala kami. Ang mga kinwento ko lang ay yung mga ginawa namin dito sa France. Kung saan kami nagpupunta. Kung paano ko siya sinorpresa noong birthday niya at marami pang iba. Yun palang ang mga kinwento ko pero grabe na agad ang reaction nila. Siguro nga, ibang iba na kami ni Kendric sa dati. Minsan parang gusto kong pumalit sa pwesto ng isa sa mga kaibigan ko para maramdaman ang excitement na nararamdaman nila. Para kasi silang mga batang nakuha yung pangarap nilang regalo sa sobrang saya kanina.



Kinagat ko na agad ang labi ko bago pa man ako tuluyang mapangiti. No way Lianna. Katabi mo si Kendric. Don't make him think you're a dumbass daydreamer who suddenly smiles out of nowhere. Yuck.



Nagulat ako nang maramdamang may humawak sa kamay ko at in-intertwine ito sa sarili niyang kamay. Liningon ko ang kamay namin ni Kendric saka ko siya pinanlakihan ng mata. Mas lalo akong nanlumo ng sumandal siya sa balikat ko at nakangiting pumikit kasabay ng pagpapakawala niya ng hininga. What the hell. 



I want to shout 'don't make a scene here' right at his ears but I was caught off guard. I was just frozen on my place. Putcha. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react.



Napapitlag ako ng umubo bigla si Zack na nakaupo sa likod namin mismo. Umiwas ako ng tingin. Kanina pa pala ako nakatitig kay Kendric. Malamang nahuli nila ako. Shit double kill na 'to.



I gulped. Relax. 'Wag magpahalatang kinakabahan. I'm not like this. I know myself too well and I know how good I am at staying composed kahit gaano pa ako naaapektuhan sa isang sitwasyon. Gawin mo lang ang nakasanayan mo. Phew.



After a couple of minutes, nagawa ko ring pakalmahin ang sarili ko. I just let him stay like that, pati na rin ang mga kamay namin. Thank god. Hindi ko talaga pwedeng ipakita na nagulat at kinilig ako dahil sigurado akong nasa amin ang atensyon ng mga kaibigan namin ngayon. Bakit naman kasi itong si Kendric hindi manlang nagpaalam muna. Malamang magugulat talaga ako. Tss.



Ewan ko kung nakatulog ba talaga siya pero hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa bahay nila Janine. I tapped his forehead lightly at naalimpungatan din naman siya agad. Nakatulog nga.



Flint parked the car in front of Janine's house and we immediately fixed ourselves. Liningon kami ni Janine.



"Ate Lianna, kuya Kendric, matagal na kayong gustong makita ni mama. Pero hindi niya po alam na bibisitahin natin siya ngayon." Nakangiting sabi niya. Gulat din akong napangiti.



"Ganun ba? Sige tara na, para ma-meet din namin siya." Medyo inaantok na sagot ni Kendric. Bumaba na kaming lahat ng sasakyan at hinintay si Janine na mabuksan ang gate nila. Kasama na ni Kendric ang mga kaibigan niya at nagulat ako ng biglang batukan ng apat na lalaki si Kendric saka nagpalakpakan. Alam ko na yata kung ano ang pinaguusapa–



"What the! Ow! Phiara stop it!" Aray bakit niya ako kinukurot sa tagiliran? Masakit ah!



"Ang landeeee!" Singhal ni Jodie at nag thumbs up naman ang iba. I just rolled my eyes but at the back of my mind, sobrang laki na ng ngiti ko. Actually, not only at the back of my mind. Literal na pala akong napangiti. 



"Nginingiti mo diyan? Halika na nga lande!" Bulyaw ni Kath sakin at hinila ako sa braso. 



Sinundan namin si Janine papunta sa loob ng bahay nila at nagsipasok. Walang tao sa sala nila.



"Mama?" Tawag ni Janine.



Nakarinig kami ng mga yapak papunta sa amin at sumalubong ang isang matandang babae. Malamang ito na ang mama ni Janine.



"A-Anak bakit hindi mo sinabing pupunta k-kayo...?"



Kumunot ang noo ko. May mali ba sa amin? Bakit parang gulat na gulat siya? 



Seconds passed and everyone was silent because of her reaction. Nagtaka na din si Janine kaya siya na ang nagpakilala sa amin. "Sila miss Lianna and sir Kendric po ang kasama ko 'ma. Pati na rin ang mga kaibigan nila. Inimbitahan ko sila saglit dito sa bahay para kumai–"



"May bisita ka po mama?" 



Mula sa kusina ay may lumabas na isa pang babae na mukhang mas matanda lang sa amin ng konti. Pero parang nanuyo ang lalamunan ko nang makita ko ang mukha niya. Hindi lang siya basta kung sino sino...



Kilala ko siya.



I know this person too damn well... and I know that she's dead.



She's freaking dead. I was there at her funeral! But why... how?



Sa kabila ng matinding panghihina ay nagawa kong lingunin si Kendric na ngayo'y sobrang putla na ng mukha. Para siyang nakakita ng multo. Para kaming mga nakakita ng multo.



Nanlambot ang mga tuhod ko ng makita kung paano kumawala ang luha sa mata niya. He's... crying.



"Ate Dristine..."

וווווווווווווווווו×

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top