Twenty: News From Ph

This gravity
Is pulling you towards me

- This Gravity

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Third Person

Minsan, akala natin ay magiging maayos na ang lahat, pero may mas malala pa palang gulo na paparating.

Marahang kumatok ang assistant sa pinto ng opisina ni President Milan. He entered the room, holding some folders with him.

"President." Tawag ng assistant sabay lapag ng mga hawak niya. "Everything's going smoothly except for some things."

Nagpantig ang tenga ng presidente at napakunot noo. He motioned for the man to continue.

Binuksan ng assistant ang folder at inilahad ang ilang litrato. The President scanned every picture, kitang kita ang pagkainis sa itsura pa lang niya.

"Those were taken yesterday around four to five thirty in the afternoon."

President Milan sighed sharply. "I thought, I have lessoned her enough. I guess I was wrong."

Mukhang hindi pa siya natuto. Kailangan pa ba niya ng mas maraming pagpapahirap? She was lucky before when Lianna Xanders decided to stop her plan from making her suffer.

Kung ganoon, ako ang magtutuloy ng hindi itinuloy ni Lianna.

"Contact Vind Clothing Line company's assistant and ask for the list of Lianna's previous plans for that girl. And once you got it, do everything that is written there."

"Yes, Mr. President."

Nag bow ang assistant at lumabas na ng opisina. He contacted Vind Clothing Line company's assistant right away and followed the president's orders.

Mrs. Milan entered the office and glanced at the president. 

"What happened? I just saw Mr. Dizon walk out from here."

"He brought news. Tungkol sa babaeng iyon." President Milan answered and got up from his chair. Umupo ang dalawa sa couch na magkaharap lang.

"You mean...?" Mataray na tanong niya. Tahimik na tumango ang lalaki at inayos ang necktie dahil sa pagkairita.

"Nakita siyang kasama ang nag iisang anak ni Mr. Herson at ang panganay ni Mr. Carell."

Nanlaki ang mata ni Mrs. Milan. "Vino and Wayne??"

"Yes."

"So what will we do?"

President Milan cleared his throat. "I'm going to... continue what Lianna stopped before."

Napangisi ang lalaki.

Be sure to not end up begging to us. You asked for this. Hindi mo na nga dinidikitan ang anak ko, pero nilalapitan mo ang mga kaibigan niya. I don't want... any connections between you and my son anymore, Celine Torres.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Kendric

Kasalukuyan akong nagpapahinga ngayon sa kwarto. Wala kaming ginawa buong araw, nag stay lang kami sa bahay. Kaya ito ako ngayon, flat sa higaan. Kasi naman, nakakapagod yung pinuntahan namin kahapon. Tapos sobrang hyper ni Lianna. Nakisabay pa si Janine.

Tsk. Parang kailan lang noong nagbabarahan sila sa watch shop tapos ngayon, sabay na silang naglalakad at ako yung nahuhuli sa likod, nagmumukha tuloy akong bodyguard nila.

Ang gulo ng mga babae. Tapos sabay pa nila akong inaaway. Gustong gusto akong binabara ni Lianna tapos kakampihan siya ni Janine.

"Teka nasaan ba sila?" 

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Ang tahimik dito sa loob, umalis kaya sila? Or tulog na? Pero five pm palang naman. Ano nanamang trip yung naisip ng dalawang iyon—

Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig na mga hiyawan. Is that them? Bakit may naririnig akong tubig?

What? No way. Anong oras na. Sana mali ang hinala ko...

Tumakbo ako papunta sa swimming pool area ng mansion. Napakamot nalang ako ng ulo ng makita silang dalawa na naglalaro sa tubig. 

"Hindi ako makakita!"

"HAHAHA talo ka ate!"

"Lagot ka sakin!"

"AAAAHH!"

They're really swimming in the pool at this time of the day. Alam kong spring na pero malamig pa rin ang panahon. Kapag nagkataong sabay silang nagkasakit ako pa ang mag aalaga niyan.

Napatingin sa direction ko si Lianna at ngumiti ng pagkalaki laki. Nag wave pa nga.

Lumapit ako sa pool.

"Anong oras na?" Seryoso kong tanong pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ikaw nasa loob ng bahay bakit sakin mo tinatanong?" 

Potek hindi naman yun yung gusto kong iparating.

"Bakit ba? Tiyaka nakasimangot ka, may problema ba?" 

"Ikaw."

"Ako? Anong ginawa ko sa'yo? Lumalangoy lang kami ni Janine ah."

"Yun nga eh!"

"Ano? Edi mag swimming ka din." Hinila niya si Janine palayo sa kinatatayuan ko at saka sila sabay na pumunta sa kabilang banda ng pool.

I can't believe Lianna's acting like a child today. Nag mukha pa akong naiinggit ngayon?

"Umahon na kayo. Magkakasakit kayo niyan eh." 

"No." Sigaw pabalik ni Lianna at nagtago sa ilalim ng tubig. Si Janine naman tinawanan lang ako.

"Kuya kailangan mo ng tulong?"

"Definitely." 

"Okay. Yieee!" 

Saktong pagkaahon ni Lianna ay nilapitan agad siya ni Janine. "Ate ahon na daw. Baka magalit boyfriend mo niyan."

"Boyfriend?" Sabay naming sagot ni Lianna.

"Joke. Pero seryoso tara na, magagalit si kuya Kendric." Ngumisi siya. "Nagaalala siya baka daw magkasakit ka."

"Wala akong sinabing ganyan!" Bulyaw ko.

Humahagikgik na hinila hila ni Janine si Lianna palabas ng swimming pool habang yung isa sumimangot nalang. Nasaan na yung ngiti niya kanina sakin? Ang bilis talaga magbago ng mood niya.

"Ayoko pa eh."

Hinila ulit siya ni Janine. "Halika na ate!"

"5 minutes."

That 5 minutes will surely take forever.

Naglakad ako palapit sakanila. Si Lianna nakaupo sa hagdanan ng pool.

"Hala ka ate ayan na."

"Kendric!" 

So gusto niya pala sapilitan? Sige bahala siya diyan. 

"Omg!" Nagtatalon si Janine at niyakap ang sarili niya. Tinawag ko siya. "Janine! Baka madulas ka! Ano ba mangyari sa inyong dalawa?"

"Opo kuya! Omg talaga hi ate!" Todo ngiti niyang tawag kay Lianna na ngayon ay tahimik nalang. Binuhat ko na siya para mas madali.

Naglakad na kami papasok. I can hear Lianna murmuring the phrases like 'gusto ko pa mag swimming', 'nakakainis si Kendric' at 'mamaya babalik ako.'

Nakaabot kami sa kwarto niya at agad akong pumasok sa loob. Pumunta na rin si Janine sa kwarto niya. Nakangiti pa siyang nag bye sa amin.

Dumiretso ako sa banyo at inilapag siya sa bathtub. I threw her a glance.

"Gabi na, okay?" 

Hindi niya ako sinagot. A few moments later her face suddenly lit up. What now?

She opened the water tap at kinuha ang liquid soap. She has this wide grin on her face right now. Mabilis na napuno ng tubig ang bathtub at todo bula na ito dahil sa kakabuhos niya ng bubble bath soap.

Linaro laro niya ang tubig na parang iyon lang ang nakikita niya ngayon, parang lang akong hangin sa harap niya.

Nakakapanibagong makita ang side niyang 'to.

Umupo ako sa sahig at tinitigan siya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. 

"Galit ka?" Tanong ko. She didn't answer.

"Lianna." 

"Hey, talk to me."

"Nope." 

I sighed.

Ito na naman siya sa masungit niyang ugali. Okay fine, sanay na ako dito. I can bear with it.

"Anong problema?" Tanong ko.

"Wala lang, nakaka adik yung pool." 

I pursed my lips together. "May iba pang araw." 

"Yeah. Okay na tayo, I get your point."

All of a sudden she just smiled widely and I blinked in silence. Ganun lang? Hindi na mainit ang ulo niya?

"Yung totoo Lili, lakas ng mood swing natin ngayon ah. Lasing ka noh?"

It was now her turn to get shocked and looked at me as if I said something crazy. "Ano? Hindi nga ako uminom." 

Anong hindi umiinom? Sinungaling.

"A-Ah hindi ba? Sorry naman." 

Nanahimik nalang ako sa tabi habang busy pa din siyang nagbababad sa tubig. Hayaan ko nalang, baka sinumpong lang siya at na hyper.

 Napabalikwas ako ng talsikan ako ni Lianna ng konting tubig. "Tch 'di nakikinig."

"Ha? Ano ulit yon?" 

"We'llswim again tomorrow." Tanong niya at binigyan ako ng isang friendly na ngiti. Pinagdikit niya pa yung dalawa niyang kamay. "Okay?"

"Depende. Okay?" 

"Okay! Sana maganda ang panahon bukas." she clasped her hands together and closed her eyes.

"Ano yan?"

"I'm praying. Ayan oh. Nakapikit pa nga ako eh."

"Ah nagdadasal ka pala." 

Umirap siya. "Tse." 

Pinanood ko siyang lumubog sa tubig. Hindi talaga ako makapaniwalang umaakto ng ganyan si Lianna ngayon. Hindi naman daw siya lasing, wala din akong nakitang kahit anong alcoholic drinks kanina sa pool area. Wala din naman siyang sakit. Mukha pa rin siyang tao. Anong meron?

Mata at ilong na lang niya ang naka ahon sa tubig ngayon. She saw me staring at her. Nakita ko ang pagngiti ng mga mata niya, at paulit ulit din niyang itinaas baba ang dalawa niyang kilay. para siyang nakikipaglaro.

I chuckled at her weird actions. Natawa rin siya at umupo ng maayos saka ako tahimik na tinitigan. What now?

"I'm hungry." She exclaimed and giggled.

She giggled. Tangina cute.

Ginulo gulo ko ang buhok ko at umiwas ng tingin. "Magluto na ako ng hapunan?"

"Yes please, thank you." 

I need to get out of here. I was surprised with that softness. Never knew this side of her beforr. Hyper Lianna is quite dangerous for me. She's unpredictable...

...and I like it.

Tumayo na ako at akmang paalis na nang magtanong siya.

"Bakit namumula yung tenga mo?"

What?

Tinuro ko ang sarili ko at tumango tango siya.

Ako? Namumula? Isa lang ang ibig sabihin niyan. Aalis na ako. Goodbye.

"Mainit. Sige magluluto na ako. Wag kang magbabad diyan ha at... at magbihis ka agad."

Mabilis akong lumabas ng banyo. Pagtapak na pagtapak ko sa labas ng kwarto ay huminga ako ng malalim.

"Kuya, ayos ka lang?" Tumingin ako sa gilid ko at nakita si Janine na kakatapos lang magpalit.

Tumango nalang ako bilang sagot kasi yung itsura rin niya parang konti nalang magpapanic na siya. Ano na ba kasing itsura ko ngayon?

"O-Oo ayos lang. Ano.. magluluto lang ako. M-Magpahinga ka muna."

"Sa tingin ko ikaw ang mas dapat magpahinga. Ako na po ang magluluto, tatawagin ko na lang kayo."

"S-Sigurado ka?"

"Yep."

At dahil mapilit din si Janine, hinayaan ko na lang siya. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko at humarap sa salamin. Pagkatapos makita ang itsura ko, sa tingin ko kuha ko na kung bakit alalang alala ang dalawa kong kasama sa akin.

From my ears to my neck. Namumula.

Humiga ako at parang tangang tumunganga sa ceiling.

Si Lianna ang may kasalanan nito. Ano na ba ang nangyayari sa akin?

Napansin ko lang din kasi na napapadalas na yung mga ganito. May epekto sakin yung presence niya. Katulad ng nangyari kahapon sa simbahan.

Actually, Janine's right. Habang naglalakad si Lianna papalapit sa amin, napaisip ako no'n.

That she'll make a beautiful bride.

Sigh. Whatever Kendric. Go back to your senses.

Napaupo ako ng tumunog ang cellphone ko. I reached for it and read the caller ID.

Artistahing Wayne calling...

Obviously, hindi ako ang gumawa ng name contact na yan kundi siya. Matagal nang ganyan ang pangalan niya sa contacts ko.

"Yeah?" Bungad ko.

Akala ko wala na namang kwenta ang sasabihin niya dahil may pagka parehas sila ni Zack ng ugali pero nagtaka ako sa tinanong niya sa akin.

[Bro. Nag away kayo ni Lianna?]

"What? No. Why?"

[Dric makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko...]

Bigla akong kinabahan. Wayne is not this type of person. Mukhang importante ang sasabihin niya ngayon.

"Ano?"

[Wala na yung shop nila Celine. Binili daw.]

Binili...?

[Pero ang ipinagtataka ko lang, hindi sila Lianna ang bumili.]

"Ha? Edi sino?"

[Kayo. Illian Hotels Company.]

וווווווווווווווווו

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top