Twenty-Four: Visit
Wishing that I'll be
The one that you'll touch and see
I'll give my love that can't explain
We will be running in the rain
And I will hold your hand
- Midnight sky
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
Nagising ako dahil sa mga hiyawan mula sa labas, hiyawan ng mga lalaki. What the hell is that? Did Kendric bring someone here? Hindi ako aware na may mga kaibigan na pala siya dito, at ang galing pang mangbulabog ha!
Okay. Rule number one: Never disturb me from my sleep bitches.
I sighed and frustratingly ran my fingers through my hair. Tumayo ako at naiiritang nag ayos ng sarili. Pagkatapos ay dumiretso ako sa baba at naglakad papunta sa garden kung saan mismo nanggagaling ang ingay, doon sa may bandang gate. Humanda kayong lahat sa akin. Six am? Naghihiyawan kayo ngayong six am?? Mga taga call center yata yung mga 'to eh porque hindi natutulog nangdadamay ng iba? At ngayon pa talaga kung kelan balak kong matulog at humilata sa kama buong magdamag dahil nga ayokong makita si Kendric? Ngayon pa??
Nakita ko silang nakatalikod mula sa akin at busy na naguusap, si Kendric lang ang nakaharap dito sa direction ko pero hindi niya ako napansin. Tumigil ako sa mismong likod nila saka nag crossed arms. Di ko din maiwasang magtaas ng kilay. Mga pilipino naman pala sila.
"Excuse me, kailangan ba talagang ganyan kalakas ang boses pag naguusap kayo?"
Natahimik silang lahat. Si Kendric naman ay napatingin sa akin na gulat. Anong tinitingin tingin nito? Tss.
Inirapan ko siya at hinintay na humarap sakin yung apat na lalaki. And when they did, napalitan ng gulat ang kaninang nakakunot kong mukha.
"Why are you he–"
"SURPRISE!"
Napatili ako sabay takip ng tenga. Agad kong tiningnan ang mga umakbay sakin dahilan para mas lalong lumakas ang sigaw ko. Shit! Totoo ba? Phiara, Kath, Mia and Jodie! Why are they here?!
"OMG! GIRLS, BAKIT DI NIYO SINABI?" Tumatalon talon na kaming lima at nagyakapan sa sobrang tuwa. Wala na din akong pakialam sa posture at gulo gulo kong buhok. Nandito ang mga kaibigan ko at yun ang importante. Uwaaah!
"Namiss ka namin bruha!!"
"Ako din!"
"Chaka ka parin teh! Shet!"
"Oh my gosh hindi ka ba nastress dito? Namiss kita grabe!"
Nagsigawan ulit kami ng sabay sabay at nag group hug for the second time. Grabe. Unexpected reunion to! Iba talaga mag surprise ang mga kaibigan ko–
"Excuse me. Kailangan ba talagang ganyan kalakas ang boses pag naguusap kayo?"
Natahimik kaming lahat at nilingon ang mga lalaki. Si Wayne ang nagsalita. Pinanliitan ko siya ng mata. Bumuka na ang bibig ko para sana sumagot pero inunahan ako ni Phiara.
"Kasi nagsasaya kami dito. Obviously?"
Kath snorted at pilit na pinigil ang tawa. Tinapik ko nalang ang braso ni Phiara para sabihing pumasok nalang kami sa loob. "Let's go inside. Mas maayos doon."
"Sorry." Nakangiting sabi ni Jodie. Naglakad na kaming lahat at bago pa makalayo ay dinugtungan ni Jodie ang sinabi niya. "Baka pag nasusurprise sila tahimik lang kaya hindi sanay."
"Baka bawal ma excite." Dagdag pa ni Mia. Kunwari kami lang yung naguusap pero halatang pinariringgan nila yung mga lalaki. Ano bang nangyari sakanila? Sa pagkakaalam ko naman kasi, kami lang ni Kendric ang magkaaway. At sa pagkakaalam ko, ako lang ang kinaiinisan ng mga kaibigan ni Kendric at hindi ang mga kaibigan ko, same with us. Pero bakit kung magparinigan sila parang may feud na nagaganap?
"Hay nako. You know what girls? I am not going back to the Philippines with them. Bahala kayo kung susunod kayo sa gusto ng parents natin na dapat sabay sabay din tayong babalik doon but me? I WILL NEVER, EVER. EVER–"
"SSH! Magtigil ka nga Phiara! Isa lang ang private plane natin at walang pwedeng humiwalay! Teh maraming kidnappers. Ayoko pang mamatay!" Saway ni Kath at pabagsak na umupo sa couch. Nagsiupo na rin kaming lahat at kumuha ng baso ng juice na hinanda ni Janine sa center table.
"Bitch I don't care!" Nakairap na sigaw ni Phiara. Ano ba kasi talagang nangyari?
"Hey, what happened between you and them on your way here? Seriously?" Parang yung sama ng loob nila kay Wayne eh mas masaklap pa kesa sa sama ng loob ko kay Celine.
"Girl, hindi ko alam kung paano nagsimula yung mga bangayan nila so don't ask me." Ani Mia.
"Siyempre! Busy ka kayang makipag away kay Hyen! Sigaw ulit ni Phiara.
"Yes because he's a jerk! I'm watching asia's next top model on my phone at siyempre may times na mapapa react ako. Then suddenly he's accusing me as the noisiest passenger sa ating lahat at bumaba na daw ako ng plane! Argh!"
Oh. So hindi lang pala si Wayne ang kaaway nila kundi... silang lahat? Mabuti pala at nakarating pa sila ng buhay dito. Para kasing konting konti nalang sasabog na yung buong bahay dahil sa init ng ulo ng mga kaibigan ko. Anyway, where are they? Bakit hindi sila papasukin ni Kendric dito?
"Guys wait lang ha." I excused myself at dumiretso sa pinto. Bubuksan ko palang sana ang screen door ng marinig ko na ang boses ng mga lalaki, naglalakad sila at papasok na pala sa loob.
"She surely is looking for a job right now." Dinig kong sabi ni Zack.
"Pero mga pre, bakit ba talaga kasi kayo nandito?" Tanong ni Kendric at sinagot ito ni Wayne.
"Dahil nga nakita kami ni Vino na kasama ni Celine. Tinapon kami dito para daw magtanda kami. Kasi dapat daw marealize naming hindi dapat kami sumasama sa mga 'katulad' ni Celine." He emphasized the word 'katulad' saka siya nag sigh. "Pre, sigurado ka bang hindi si L–"
"Ano ba?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat kay Kendric. Ramdam ko din hanggang dito ang biglaang tensyon na naramdaman ng mga kaibigan niya. Napatigil silang lahat sa paglalakad at tumitig lang kay Kendric.
"Wala siyang kinalaman dito okay? Wala. Kaya pwede ba huwag niyo siyang pagbintangan?" Frustrated niyang sabi. Akala ko magagalit o sasagot pabalik sila Wayne pero iba ang naging reaksiyon nila.
"Pinagtatanggol? Wow. Anong meron?" Nakangising tanong ni Vino. Maging ako nagulat. Hindi ko inexpect na sasabihin niya yun. Ibig sabihin ba niyan, nagsisisi na siya sa pamimintang niya sakin?
Hay whatever. Babalik na nga lang ako sa sala. Baka kung ano pa marinig ko dito.
"Saan ka galing?" Tanong ni Jodie. Umiling lang ako at bumalik na sa aking upuan. "Gaano kayo katagal dito?" Pag iiba ko ng topic.
"Guess what... one month!" Napanganga ako sa sagot ni Jodie. For the third time, nagsigawan na naman kami. Pero hinawakan ko sila ng mahigpit at nagtanong. "What about them?"
At isa isa silang parang mga naupos na kandila. Just in time, dumating ang lima at nagtatakang pinanood kami.
"May namatay?" Tanong ni Vino.
Bumuntong hininga si Mia. "They'll stay too."
Kaya naman pala ang sama bigla ng loob nila. Why do they hate the boys too much? Bakit ganun? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Dati, nakakapag usap pa naman ng maayos yung mga kaibigan ko at ang mga kaibigan ni Kendric. Kami ni Kendric ang palaging magkaaway. Tapos ngayong okay na kami, sila naman ang magaaway away? Ano ba? Bisita ba kayo o bwisita? Bwisita ata eh.
"Tsk tsk tsk." Napatingin kaming lahat kay Zack na umiiling iling. "Wag kayong masyadong oa. Look, kung ayaw niyo kaming kasama, mas ayaw namin kayo okay?"
"No one asked for your opinion so who cares?" Sagot sa kanya ni Mia.
"You do. Kasi kung wala kayong pake eh bakit apektado kayo? Diba?" Sagot pabalik ni Vino.
"You really think everyone cares about you? You're wrong boys. Kaya pwede ba?" Tumayo si Phiara at nag hand gesture na parang tinataboy sila palayo. "Shoo."
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah?" Napatayo na kaming mga babae nung tuluyan nang lumapit si Wayne kay Phiara. Hindi ko alam kung susugurin niya ba si Phiara para saktan o ano pero humarang nalang kami agad. Ganun din ang mga lalaki.
"Ano? Susuntukin mo ko? Suntukan?? Game! May balak ka pang manakit ng babae!" Ulit ulit ko nang tinawag ang pangalan ni Phiara para patigilin siya pero tuloy pa rin siya sa paninigaw kay Wayne. Si Kendric din kanina pa inaawat si Wayne pero tulad ko, wala siyang magawa. Shit! Ano ba yan!
Gosh! Kung ganito lang din pala sila kagulo then bumalik nalang sila sa pinas!
"STOP IT!"
Natahimik sa loob ng buong mansion. Huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy. "Guys, one month tayong magkakasama dito. Baka naman gusto niyong mag adjust. Why are you suddenly acting so immature?"
Kung kanina halos magka world war three na, ngayon ay para na silang mga asong napagalitan. Dumapo ang tingin ko kay Kendric na tahimik lang na nakatayo sa gilid.
"H-Ha?"
"Say something."
"Ah. Okay... Ano..." Lalong kumunot ang noo ko habang hinihintay siyang tapusin ang sinasabi niya. "Hindi na tayo mga bata. Ayusin niyo ang ugali niyo."
Yun lang? Wala na? Okay fine.
"Tara sa taas, all of you. Para makapili na kayo ng kwarto niyo– no. Ako na pala ang pipili. Baka pati yon pag awayan niyo pa." Nakairap kong sabi at naglakad paakyat. Kinuha naman nila ang sarili nilang mga maleta at bags saka sumunod. Ang gandang panimula. Hindi ko alam kung masaya pa ba akong nandito sila o hindi na eh.
Pag akyat namin ay tinuro ko ang mga kwarto nila. Hindi na din sila umangal at sumunod nalang. Mabuti naman. Kailangan ko munang bumalik sa kwarto para ituloy ang tulog ko. I mean, wala sana akong balak na matulog ulit pero pagkatapos ng nangyari, parang mas lalo akong tinamad gumalaw. They're staying here for one month. Hindi naman siguro sila magaaway na parang mga bata for that one whole month diba? Nope. No no no. I cannot handle them. Along with Kendric? NO!
At gaya nga ng sinabi ko, bumalik ako ng kwarto at natulog ulit. Janine is likely to cook breakfast at eight. Madami pa akong natitirang oras.
Kendric
Napahilamos ako ng mukha sabay higa sa kama. Tarantadong mga to, dadagdag pa sila sa problema ko. Hindi ko na nga alam kung paano lalapitan si Lianna tapos gagawa pa sila ng gulo. Hindi ko na alam kung masaya pa akong nandito sila eh.
"Ano nanaman?" Frustrated kong sagot sa call ni Hyen.
[Wag ka ngang magalit sakin. Tahimik lang ako kanina ah.]
"Sorry." I sighed. "Bakit ka tumawag?"
[Palayasin mo dito sila Mia at Phiara.]
Gulat akong napaupo. "What?? Why would I do that?"
[Do me a favor Kendric. Sobrang ingay ng dalawang yun. Alam mo namang ayoko sa lahat ay ang maingay na paligid.]
"I am not going to do that. Palalayasin ko yung mga kaibigan ni Lianna? No. Lalo lang lalala ang away nami–"
[Then I'm gonna do it myself.]
"What? Hyen! Teka pare–" Shit! Binabaan niya ako ng phone!
Mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo at tumakbo palabas ng kwarto. Tangina. Sa lahat ng pwedeng dumagdag sa gulo si Hyen pa talaga? Sabi niya kanina huwag daw akong magalit kasi tahimik lang naman siya pero ngayon- argh! Umagang umaga mga sakit sa ulo yung mga to. Bumalik na nga lang sila sa pinas!
Akala ko kaya ko pang agapan ang balak gawin ni Hyen dahil sobrang bilis na ng takbo ko palapit sa kwarto nila Mia. Pero pagkarating ko doon, nakita ko nalang silang tatlo na nag aaway.
"Ang kapal ng mukha mo ah! Ano ikaw ba ang may ari ng mansyon??" Sigaw ni Mia.
"See? You're too loud! Both of you!"
"Because you're annoying us! Magagalit ba kami ng ganito kung hindi mo kami pinapalayas ng ganyan? Okay ka lang? Hello? Wala kang karapatan!" Sagot ni Phiara. Lumapit na ako at hinila ang braso ni Hyen. Tumingin siya sakin saka ako hinila at pinaharap sa dalawa.
"Tell them to get out of this place." Kalmado niyang utos. I frustratingly sighed at hinilamos ang mukha ko. Saka ko sinalubong ang matatalim na tingin nila Mia at Phiara.
Ano bang dapat kong gawin sa inyo?
Tinitigan ko lang silang dalawa. Hindi ako makapag decide kung ano ang dapat gawin. Kaibigan ko yung naguutos sakin pero kaibigan naman ni Lianna yung involved. At isa pa, hindi naman sapat na rason ang palayasin sila Mia at Phiara dahil lang maingay sila.
"Seriously?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Teka, yung boses na yun...
"Liannaaaa!" Sigaw ng dalawang babae at tumakbo palapit kay Lianna na nasa likod lang namin. Nakarinig ako ng footsteps na para bang papalapit sa akin. At hibdi nga ako nagkakamali, si Lianna yun. Tumayo siya sa harap ko saka nag crossed arms habang kunot na kunot ang noo niya. Nagalit ba siya? Teka wala akong kinalaman dito.
"Why did you not say anything? Sana manlang humindi ka kay Hyen." Dumapo ang kanyang tingin kay Hyen. "And you, what kind of immaturity is that? Palalayasin mo sila dahil lang naiingayan ka?"
"So? It annoys me."
"You're annoying too. Pinaalis ba kita?"
Natahimik nalang kaming dalawa. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang nakikinig na pala ang iba pa sa amin.
"True. Kami pa nga yung layo ng layo sa inyo eh." Rinig kong bulong ni Jodie.
"Kung ayaw niyo kami just pretend we're invisible. Wala kayong karapatang magreklamo at mas lalong wala kayong karapatang magpalayas kasi wala din naman tayong ibang mapupuntahan kundi itong mansyon lang." Lianna sighed.
Tahimik siyang naglakad pabalik sa kwarto niya. Ganun din ang mga kaibigan niya. Agad kong hinabol si Lianna at tinawag ang pangalan niya. Gusto ko sanang magsorry pero parang umatras ang dila ko ng bigla siyang humarap sakin at galit akong tinitigan.
"Tell them to stop making my friends feel like they're not wanted here. Minsan lang tayong makalayo sa bahay natin na araw araw tayong sinasakal. Alam mo yan. Kaya sana kahit dito man lang mabigyan tayong lahat ng chance to feel free. Talk to them."
I felt a lump in my throat. Tumango nalang ako. "Sorry."
Ayoko pa sana siyang umalis kaso tumalikod agad siya at dumiretso sa kwarto niya. Napatingala nalang ako at bumuntong hininga. Shit. Sabi ko nga, lalong lalala ang init ng ulo niya sakin.
Humarap ako sa mga kaibigan ko. Inosente lang silang nakatingin sa akin.
"Bakit?" Sabay sabay nilang tanong.
Halos mag usok ang ilong ko sa sobrang bwisit.
"Mga tarantado!"
וווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top