Twenty-Eight: Bonjour Cities
Why don't you tell me
where it hurts, my baby
And I'll do my best
to make it better
- Tell me where it hurts
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
[Congratulations Lianna. I knew you'd do well.]
"Thank you, mom."
Pagkatapos naming magusap ni mom ay pinatay ko na ang phone saka naglakad pabalik ng salas.
"Let's go?"
"Hm." Simpleng tango ni Kendric at saka sila nagsitayuan. Kinuha namin ang sari-sarili naming gamit at lumabas ng bahay. Today's the day of our departure going to Bonjour Cities.
Our project was a success. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng maganap ang party at kahit na halos magpanic at halos magkanda letse letse ang lahat the day before the said event, maayos pa rin naming napatakbo ang party nung gabing iyon. Maraming pumuntang guests, walang invited na hindi umattend and we're surprised when everyone was impressed with what we had done.
Two days before the event, everything was a complete mess. Kendric had a mental breakdown kahit na nagkaayos na sila ni ate Dristine. He still cannot process in his mind all that had happened- until now. Alam kong hindi pa siya ganun ka okay. Nagbago si Kendric, hindi ko alam kung palagi na siyang magiging ganito o temporary lang dulot ng breakdown niya. He became more silent and doesn't talk a lot anymore. May mga oras na magkasama kaming dalawa pero hindi rin siya iimik hangga't hindi ako nagsasalita.
Napilitan siyang magkunwari noong araw ng party dahil hindi naman kami pwedeng humarap sa guests ng may lukot na mukha. Ewan ko ba, sumabay pa lahat ng mga nangyaring yun eh halata namang kailangan naming magfocus para sa upcoming event. Buti nalang talaga hindi namin napabayaan ang lahat.
Tahimik lang sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa airport. Pero nang makaupo na kami sa isang tabi habang hinihintay ang flight namin, nagsimula na kaming magdaldalan.
This trip is for fifteen people. So kaming sampu, si ate Dristine, kuya and Ivan tapos si Janine with her mom.
Nagsama sama kaming lima at nagplano ng kung anu-ano para sa trip.
"Sigurado ba kayong two weeks?" Nagtatakang tanong ni Kath.
"Yas. We'll totally enjoy it." Sagot naman ni Mia. We will be staying in Bonjour Cities for two weeks long and for me, sobrang sulit na yun. I'm looking forward to what will happen there and I hope there's a lot of good memories. Lalo na at kumpleto kami. Kahit naman siguro hindi pa kami completely na nagkaayos, there will still be a room for fun.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
"Woah!" Manghang mangha na sabi ni Zack nang makalabas kami sa lobby. After three hours, finally nakarating na rin kami. Nagtatalon sa tuwa si Ivan na sinasabayan ni Jodie at hinila naman agad ni Mia si Kath para magpicture. Ganun din si ate Dristine at kuya. Zack, along with Wayne and Vino ran towards the open sea. Naiwan kaming apat ni Phiara, Hyen and Kendric na nakatayo habang naghihintay ng golf cart.
"Lianna~" Tawag ni Phiara saka inalog alog ang braso ko kung saan nakakapit siya na parang tarsier. "Makakarami yata ako ng shot nyan!"
Sabay sabay kaming tatlo na napatingin sa kanya.
Girl what.
"Lasinggera ka pala." Hyen casually said and looked away. Phiara's smile disappeared.
"Well I'm not boring like you so," She shrugged and Hyen snapped his head to her. Oh please, hindi pa nga nagsisimula, may bangayan na naman?
Sasagot pa sana si Hyen kaso dumating na ang golf cart. Phiara yelled the girls' names annoyingly and told everyone to ride the cart. Dahil hindi kami kasya sa isa, tatlo ang dumating para sunduin kami.
Kung sa iba, mas maganda ang itsura ng lugar sa picture kaysa sa totoong buhay, hindi ang Bonjour Cities. Everything is even better once you're here. The view is aesthetically beautiful. Para kang pumasok sa isang magandang painting.
"Wow~" I blurted. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kendric kaya napatingin ako sa kanya.
"I couldn't believe a place like this exists." I smiled back at him and turned to face the scenery once again. Pasimple kong kinuha ang kamay niya and while staring down at his hand, I spoke. "I hope you could heal yourself here."
Nakarating kami sa hotel area at agad kaming namili ng mga ka-room mate namin. Nagsama si Jodie and Mia, si Phiara and Kath, Vino and Hyen, Wayne and Zack, Janine and her mom of course, ako at si ate Dristine, kuya and Kendric. Si Ivan pilit na sumama sa papa niya so tatlo niyan sila sa isang kwarto.
I'm a bit worried for Kendric and kuya. Hindi pa kasi sila nagusap simula nung gabing yun. I could tell na nagkaka ilangan pa rin sila.
Pagpasok namin ni ate Dristine sa kwarto ay agad nagyaya si Ivan na magswimming so ate Dristine immediately helped him to get dressed. Tapos na silang dalawa na magpalit ng swimming attire when I saw the necklace I gave Ivan.
"Gaano niya kadalas isuot yan ate?" Curious kong tanong.
"Everyday. Ayaw niyang tinatanggal yan. If we tried to do so, magtatantrums siya." She smiled. "Nung gabing inuwi siya sa amin ng kakilala naming foreigner sa bahay, nakita nalang naming suot niya yan. He even told stories about the girl who gave him the necklace."
He did? Akala ko nakalimutan na niya ako agad. Ang cute naman.
"Let's go!" Excited na sigaw ni Ivan at hinila si ate Dristine palabas. Inaya ako ni ate na sumama sa kanila pero sabi ko magaayos na muna ako ng gamit. It's two hours until lunch time, magpapahinga muna ako.
Nagsimula na akong magayos ng gamit sa kwarto at nang matapos ay inayos ko din ang gamit nila ate para hindi na dagdag abala sa kanila. I'm sure sa pagaalaga palang nila kay Ivan stressful na. Inilagay ko ang mga damit sa cabinet at ang mga necessities namin sa bathroom. Nang matapos ako ay diretso higa ako sa napili kong kama. Hindi na ako natulog kasi malamang hindi ako magigising agad so I just waited for lunch time to come. Pagdating ng twelve ay nagmeet up kami sa labas.
Hinatid kami ng golf cart sa isang malaking restaurant na malapit sa beach. Two-story building ito at malawak rin sa loob. Bumungad si ate at Ivan na nakakuha na pala ng pwesto para sa aming lahat.
"Gutom na ko 'wag na kayong magpabebe diyan." Ani Kath at hinila agad ako sa area kung nasaan ang mga pagkain saka sila nagsi-sunod. Bwisit na 'to nakakita lang ng malalamon tinawag na kaming pabebe.
After getting our own food, kumain na kami agad. Nakakapagod rin sa biyahe eh, nakakagutom.
"Anong gagawin natin pagkatapos nito?" Tanong ni kuya sa lahat.
"Libot!"
"Foodtrip ulit!"
"Pahinga nalang muna."
"Campfire tayo mamayang gabi."
Sumang-ayon kami sa suggestion ni Vino– campfire. Pagkatapos kumain ay naglakad lakad kami para makita ang paligid at nang mapagod ay bumalik na muna kami sa kwarto except for Janine and her mom. Dumating ang gabi at nagsimula na ang mga lalaki na gumawa ng apoy sa tabing dagat habang kami namang mga babae ay nag iihaw.
"JIANNA KATHERINE REINIER!"
Tumakbo palayo si Kath dala-dala ang dalawang stick ng bagong ihaw na barbecue. Napabuntong hininga nalang ako. Ang bilis talaga ng kamay ng babaeng yun kapag pagkain ang kaharap.
"Sisipot ba yun dito?" Jodie asked as she stood by my side and began helping me grill.
"Ewan." I answered. "He isolated himself."
"How about you? How do you feel? Naproseso mo na ba ang lahat?"
Natahimik ako. Ano nga ba ang totoong nararamdaman ko ngayon? Para sa akin, ayos na ako sa mga nangyari pero yun nga ba talaga ang totoo? O baka naman lumipas nalang sa isip ko ang lahat dahil sa sobrang busy.
"I think I'm halfway there." I smiled at her. Napalingon kami sa mga lalaking lumapit sa pwesto namin na ipinagtaka namin.
"Kami na dyan." Ani Wayne. Napataas ako ng kilay. They want to do our task?
"Anong meron?" Tanong ni Phiara sa amin but we just shrugged it off at umalis na agad sa harapan nila. Hindi pa rin kami masyadong nag uusap usap at hangga't maaari, lumalayo kami sa kanila. Napag usapan na naming magkakaibigan yun, para mas madali, lalayo nalang kami agad. Para kasing sa simpleng pagdidikit dikit lang naming sampu nagkakagulo eh.
Imbis na pumunta sa harap ng campfire ay naglakad ako palayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Phiara.
"Kendric." Tipid kong sagot at tuluyan nang umalis saka sumakay ng golf cart at nagpahatid pabalik sa villas. Pagdating ko sa kwarto nila Kendric, kumatok ako agad sabay hinga ng malalim.
The door opened at bumungad si Kendric na walang buhay ang expression, pero nagulat siya ng makita ako. I looked at him from head to toe and realized na kagagaling niya lang sa jacuzzi.
I entered the room and walked past him without uttering a word. Dumiretso ako sa balcony at inilublob ang paa ko sa jacuzzi matapos na hugasan ito sa shower sa gilid. Kendric swiftly made his way back to the waters again. Sumandal siya sa wall ng jacuzzi sa tabi ko.
I caressed his hair. Poor Kendric, how I wish na sana pwede mo nalang ipasa sakin ang sakit na nararamdaman mo ngayon. I've never seen you this sad and lonely before. I've never seen you this vulnerable before. Parang hindi ikaw yung kilala kong Kendric. Haay, paano ba 'to?
"Kamusta?" Is all I managed to say.
"It's... not working." Halos pabulong niyang sagot sabay iling. "I thought staying in this jacuzzi and staring at the view will help me but no. Parang na-suffocate lang ako."
"But what exactly is your problem?" Tanong ko na ikinatahimik niya. "Galit ka ba? Naiinis ka ba? Hindi mo ba matanggap na lahat ng pinaniwalaan mo for the past years ay kasinungalingan lang?"
"I don't exactly know. I'm just sad. Siguro kasi... siguro kasi naaalala ko noong mga panahong namimiss ko si ate and yet I can't do anything about it. Or maybe because all these time na nakakausap ko si Zian, may tinatago pala siya sa akin. I'm getting angry at myself because I couldn't accept the fact that..."
I frowned when he stopped talking and sighed.
"...that I'm holding grudges at them."
Nagulat ako sa sinabi niya. Grudges? I thought he's already okay, akala ko kaya lang siya nagkakaganito ay dahil naguguluhan pa siya. Hindi ko alam na nagagalit na pala siya sa sarili niya dahil hindi niya matanggap na may sama ng loob siya sa kanila.
Is he forcing himself to think that he's fine with everything then?
"I'm sorry..." Bulong niya. That's when I pulled him closer and gestured him to face me. I gave him a look.
"Hey," Tawag ko sabay ngiti. "Hindi mo kailangang mag sorry sa kahit kanino man sa amin, naintindihan mo? Getting angry is normal, holding grudges is common for everyone, feeling disappointed is not a sin..."
Tinitigan niya lang ako at nanatiling walang imik.
"You're actually doing great." I blurted out.
"H-How?"
"Compare yourself from the Lianna you knew before. Dahil galit ako, gumagawa ako ng gulo. Sinasaktan ko ang iba para lang mapunan yung galit ko. And I don't even care about other people's feelings. But you, you're doing your best to make yourself better, Kendric. And that itself is more than enough."
It's funny to think that the guy whom I've almost ruined is now in front of me while I'm here, reflecting about my actions towards him before all of this. Ako palagi ang dahilan ng pagka irita niya dati, ako ang pinaka kinaiinisan niya and I hated him for hating me and I hated myself because he hated me. And I hated him... because he loved another girl. My life's been full of hate before but now it all turned upside down.
Maybe my friends were right after all. Kendric Milan changed me.
At ngayon, nandito ako sa tabi niya para tulungan siya. I was the person who almost broke him into pieces before, but now, I'm here beside him to make up for all those mistakes. I should help him lift himself back up.
"I see that you're trying to cheer me but..." He stopped talking and looked down.
"But what I'm saying is not enough?" Nakangiti kong tanong. Gulat siyang tumingin sakin at halata ang pag aalala sa mukha niya.
"That's not what I mean–"
"It's because I'm not the one whom you held grudges to." I cut him off. Napatikom siya ng bibig and gave me a what do you mean look.
"Naghihintay sila sa baba. Trust me, they will make you forget all your problems. It's your friends Kendric, along with your sister, kuya, and your nephew. Our sweet Ivan na nakita na pala natin dati. Fate has its own way, 'wag kang agad nawawalan ng pag asa."
Me being there beside him will make him feel better but it won't heal him completely. And just like I said, what I want to do is help him stand back up. Tutulong lang ako, pero sa kanya pa rin nakasalalay ang mga mangyayari sa sarili niyang buhay. And he can only do that once he face the right people he has to talk to. And that would be ate Dristine and kuya Zian.
"Magtiwala ka lang sa kanila. They were just once lost, not gone."
וווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top