Twelve: Special Girl

Cause you're too sexy beautiful
Everybody wants a taste, thats why
I still get jealous

- Jealous

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

Naalimpungatan ako dahil sa boses ng isang lalaki. Bahagya akong nagbukas ng mga mata at bumungad si Kendric na naka indian seat sa sahig habang nagce-cellphone dito sa tabi mismo ng kama ko.

Omg. Nakakahiya naman, nakadapa kasi ako at nakaharap pa ang mukha ko sa direksyon niya. 'Di naman siguro niya ko pinicturan habang tulog ako 'no? Pero sa tingin ko imposible yun.

Nakakapagtaka kung bakit umagang umaga pa lang nakadikit na siya sakin. Pero kahit na gusto ko nang bumangon, magkukunwari nalang muna akong tulog pa rin. Kumakanta kasi siya at gusto kong mapakinggan ang boses niya. Pumikit ako at hinanda ang aking eardrums sa tinig niya.

"In the jungle, the mighty jungle the lion sleeps tonight... In the jungle, the quiet jungle the lion sleeps toniiiight.... Awemoweh awemoweh awemoweh awemoweh.."

Kumunot ang noo ko. Themesong ng lion king?

Tingin ko sira na ang araw ko.

Bahagya akong nagbukas ng mata. Bakit ganyan? Habang kumakanta naman siya mukha naman siyang seryoso habang nakatingin sa cellphone. Para lang siyang isang normal at seryosong lalaki. Kaso hindi yata nakikisama yung bibig niya. Or baka yung utak niya ang hindi nakikisama sa itsura niya? Sa totoo lang kasi, ang cool niya pag tinitigan pero siguraduhin mo lang na hindi siya magsasalita. Pag kasi kinausap ka na niya, feeling mo agad kaharap mo si simsimi sa sobrang kagaguhan.

Example, ako. Proud na sana akong makitang tumabi siya sakin bago pa man ako gumising kaso nga lang nakakabagot nung bigla siyang kuman-

"In the jungle, the mighty jungle the lion sleeps toniiight. In the jungle, the quiet jungle the lion sleeps toniiight"

What the? Kuhang kuha niya pa yung tono!

Maswerte ba akong tumabi siya sa akin at hinintay akong magising? Or malas ako dahil ito na ang pinaka nakakabwisit na alarm clock sa planetang earth?

But don't get me wrong, I still find it cute. :)

Walang aangal. Cute siya. Okay?

Bigla nalang niyang tinaas ang phone niya at nakaselfie mode na ang camera nito. Balak niya pa palang mag picture kasama ako dahil akala niya nasa dreamland pa ang utak ko. Huli ka ngayon! Haha!

"Smiiiile!" Ngumiti siya saka ko sinabayan ng peace sign. Nagulat siya dahil sa bigla kong pagpose samantalang naiwan akong tumatawa. Pero tinuloy na rin niya ang pagpicture. Natural lang ang ngiti niya, yung hindi labas ang ipin. Ang gwapo niya tuloy.

"Kanina ka pa gising?" Tanong niya saka tumingin sakin. Shit ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Hmm." Tinatamad kong sagot.

"Ay. Edi narinig mo rin yung kinakanta ko?"

Humagikgik ako sa reaksyon niya. Gulat na gulat eh. "Oo." Sagot ko. "Bakit ka ba nandito?"

"Hinihintay kitang gumising eh. Mag breakfast tayo sa labas." Nakangiti niyang sabi at tumayo sa dulo ng kama ko saka ako hinila bigla sa kamay patayo. Pero ako naman itong si lalamya lamya, para akong lantang gulay habang hawak hawak niya ang kamay ko. Todo hila pa siya sakin.

"Aray aray aray!"

"Tara na! Tayo na diyan!"

Napairap ako ng mga mata habang buhat niya pa rin ang bigat ko. Sino ba talagang nag aya ng bakasyon na ito? Ako o siya? I just realized that he's ten times more active than me.

"Oo na! Sandali nga lang." Tumayo ako at nag inat. Agad naman siyang naglakad palabas ng kwarto.

"Mas malamig na ngayon sa labas. Kapalan mo damit mo ah? Hihintayin kita sa salas." He says before closing the door.

Oh ha! Ano kayo ngayon? May Kendric Milan nang naghihintay sakin! Nganga si Celine Torres sa Paris beauty ko.

Hindi ko pinahalatang sumaya ako dahil sa sinabi niya. Nagpatuloy lang ako sa pag stretch. Haah! Napagod ako kagabi! But yesterday was seriously my best day!

Naglakad ako papunta sa walk in closet at tinitigan sa harap ng salamin ang bagong biling necklace na suot ko pa rin. Kalahati ng Eiffel tower. Oo aaminin ko, kinikilig ako pag naaalala ko na suot ni Kendric ang isa pang kalahati nito. Na kapag pinagdikit ay mabubuo ang Eiffel tower. Nakita ko kasi kanina ang necklace sa leeg niya. Seryoso nga siya, hindi niya yun tinanggal.

This is a small yet a great gift for me. This. This is my first gift from him.

And it took seconds before I realize that I was smiling to myself. Agad na naglaho ang ngiti ko.

Para na akong endorser ng toothpaste kakangiti.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

"Saan ba kasi tayo mag aagahan?" Panglimang tanong ko na kay Kendric. Pero isa lang din lagi ang sinasagot niya sakin.

"Basta." Natatawa niyang tipid na sagot. Ano bang nakakatawa? Eh sa nanggigigil na ako at wala akong kaalam alam kung saan yung punta namin. Sumakto pang gutom na ako kaya tatlong tumbling nalang mawawala na talaga ako sa mood.

Kainis! Agahan lang may pasuspense pa!

"Where are we heading to?" Si Flint naman ang tinanong ko. Sinilip ko siya sa rear mirror at tumaas ang dalawa niyang kilay tiyaka may malokong ngiti. "I'm sorry. But sir Kendric ordered me not to say anything." Napanguso ako. Nakakainis talaga!

"Wag ka ngang gumanyan." Liningon ko si Kendric. Sinalubong ko ang nakakunot niyang kilay at mga matang pinagmamasdan ako. Para siyang batang nagmumuryot. "Para kang bata."

Huh. Speaking of. Akala niya naman siya hindi.

Siyempre dapat makaganti ako 'no. Tumaas ang gilid ng itaas kong labi. "Tsh. Wag ka ngang gumanyan. Para kang bata."

Umirap ako at tumingin nalang muli sa bintana.

Pag nga naman bigla ka nalang mapapatanga at marerealize mo na yung mga nangyayari sa present ay malayong malayo sa kung ano ang inexpect mo sa past. May mga naririnig akong kwento ng mga brokenhearted at karamihan sa kanila ay mga umasa. Hindi daw nangyari kung ano yung iniisip nilang mangyayari, sobrang layo daw sa in-expect nila. Ibig sabihin ba no'n maswerte ako? Kasi ako, matagal ko nang tinanggap na habang buhay nang magagalit sakin si Kendric. Alam kong ilang beses ko nang nasabi ito pero hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala. Ang bagal ko mag move o- teka I feel uncomfortable. Parang may nakatingin sakin?

Hindi naman sa feeler ako pero para lang sigurado, liningon ko si Kendric. At confirmed! Hindi nga ako feeler!

"What?"

But instead of answering, he suddenly pinched my cheek. Light lang ang pagkakahawak niya pero doon ako nadistract sa kamay niya.

Ang lambot. Tapos parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya patungo sa buo kong katawan.

Ay jusko. Pwede ka palang maground sa sasakyan?

Wait. Wala namang sasakyang nang-g-ground ah?

Or dahil lang yun sa hawak ni Kendric? Kaano ano niya yung nagimbento sa kuryente? May lahi silang saksakan?

Nababaliw na yata ako..

"Hahaha!"

Tumingin ako sa kanya at nakita siyang tumatawa habang patuloy na kinukurot ang pisngi ko. Nang marealize ko ang ginagawa niya sakin ay agad kong pinalo ang kamay niya.

"Pakurot kurot ka pa ng pisngi diyan tigilan mo nga ako. Bida bida eh."

Pero hindi naman talaga dahil masakit yung kurot niya kundi dahil may bigla akong naramdamang kakaiba.

My pakening pak sinabi na nga ba magugunaw na yung mundo! At dahil yun sa puso ko. Ang bilis ng tibok. Naririnig na yata sa buong sasakyan kung posible mang mangyari yun.

Binalik ko ulit ang paningin ko sa bintana habang tinatampal tampal yung pisngi kong kinurot niya.

"Wag ka ngang gumanyan sabi eh." Liningon ko siya. "Mukha kang bata. Gusto mong makurot ulit yang pisngi mo?"

It took seconds before I realized what he said. Teka, bakit ba napapadalas ang pagnguso ko kapag 'di ako komportable? Dati umiirap yung mga mata ko na parang iikot yung buong munda sa sobrang pagirap ko ng mata. Pero ngayon... Oo nga para akong bata.

"Tse!" Sigaw ko. "Sabihin mo muna kung saan tayo kakain!"

"We're here." Masiglang sabi ni Flint na nagpalingon sakin sa bintana. Nawala ang kunot ng noo ko ng makita kung nasaan kami.

"Woah."

Para akong batang nagkakandarapang bumaba ng sasakyan at iniwan sila sa loob. Tumakbo at humawak ako sa railings kung saan tanaw ang view ng pinaghalong city at highlands. Mas lalong gumanda ang view sa preskong amoy ng hangin na dumampi sa pisngi ko. Hindi rin masyadong maingay dito sa labas dahil nasa loob ng cafe ang mga taong kumakain. Yep, cafe itong pinuntahan namin. Dahil sa snow, kalahati sa view ay natatakpan ng yelo at mula rin dito sa kinatatayuan ko ay makikita ang pagbagsak ng snow sa baba.

Tinaas ko ang kaliwang palad ko para makakuha ng snow. Habang naglalaro ay may mga yapak akong narinig na papalapit sakin.

"Maganda ba?"

Nakangiti ko siyang tinanguan. "Ang ganda!"

He let out a laugh. "I know."

Humarap ako sa entrance ng cafe. "Mason's Cafe." Basa ko. "Bakit pala dito mo naisip pumunta?"

"Sabi ni Flint maganda raw dito. At isa sa mga sikat na cafe sa France ang Mason's Cafe dahil sa magandang pwesto. Tama naman diba?"

"Yes it is."

Tinanaw ko ulit ang view. Pang ilang labas ko na ba 'to kasama si Kendric? Pang ilang beses na ba akong nagandahan sa lahat ng nangyari kasama siya? Pang ilang beses na ba niya akong pinasaya?

Hindi ko alam. Ang alam ko lang, masaya akong kasama siya. At ang hiling ko lang, sana hindi na 'to matapos pa.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

"Doon sa labas ha?" Turo ko bago iwan si Kendric sa counter. Dumiretso na kami ni Flint sa labas na part ng cafe kung saan kitang kita ang view. Umupo kami sa isang bakanteng pwesto.

"Can I ask you, ma'am?" Bungad ni Flint pagkaraan ng ilang minutong tahimik na pag upo namin. Tumango ako.

"What is your relationship with sir Milan?"

Natigilan ako. Nakakagulat. Hindi dahil tinanong yun sakin ng isang taong hindi ko masyadong ka-close kundi dahil hindi ko rin alam ang sagot.

"It's okay if you don't want to answer. I'm just curious." Ngumiti siya at liningon ang tanawin. "It's just that... he acts differently whenever he's with you."

Tumaas ang dalawa kong kilay nung hindi ko siya nagets.

"The last time I became his driver, he's not a lively person. Not until I became his driver again which is now. And I noticed him change."

I motioned him to stop. "Change? How?"

I suddenly became interested to what he's talking about. Nakaka curious malaman kung ano ang ibig sabihin ng 'change' daw na napansin ni Flint kay Kendric.

"Before, he is too serious. And he never talked to me in a casual way not like how he used to do these days."

"What are you trying to say?"

"I saw him change since the day he's with you."

Napatulala ako at pakiramdam ko nawala ang poise ko sa katawan. Kendric changed because of me? Kalokohan ba 'to?

"Maybe he doesn't have someone else to chat with before."

"He has friends in the car with him."

Tapos hindi niya kinakausap masyado? Baliw ba siya?

"Oh and one more thing. You're the only girl who made him smile the whole time you're around."

What?

Kapag kasi pumupunta si Kendric sa ibang bansa para asikasuhin ang business nila temporarily, hindi maiiwasang may mga makausap na business men and women rin tulad niya. Ah alam ko na.

"Maybe it's because we're in an outing together. Business and personal matters aren't the same, right?"

Tumango tango siya. "Maybe?"

I let out a small laugh. "You sound like you're saying that he changed to a better person and it is because of my presence."

"That's exactly what I'm saying."

And for the nth time, natulala ulit ako. Naramdaman ko rin ang sandaling pagtigil ng tibok ng puso ko.

"That's why I'm asking what's your relationship with him, madame. He acts like you're his girlfriend."

"I'm not." Mabilis kong pag tanggi. "He has one before."

"Hmm. Celine Torres?"

Kumunot ang noo ko. "How did you...?"

"Well, he's my boss. I should know some basic information about him and I knew about his girlfriend."

I pursed my lips together and sat straight on my seat. "So? What do you think about them?"

"Sir never talked about the girl whenever we're together."

Ano? Posible ba yun? Si Kendric hindi ikukwento si Celine kay Flint? But he loves her so much and obviously he kept on bragging about their relationship then why wouldn't he? Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Una, pinipilit ako ng kausap ko at sinasabing nagbago daw si Kendric simula ng makasama niya ko. Pangalawa, si Celine naman? What on earth is really happening?

"As in... Never?" I asked at idiniin pa ang salitang never. Pero iling lang ulit ang sagot na nakuha ko.

"Okay fine." Nagpasya na akong magrecover sa nalaman ko. Joke. "But anyway, that girl is his girlfriend. And the way you see the both of us? That's nothing compared to the both of them in the Philippines."

"If you say so."

Doon nagtapos ang magulo naming pag uusap. Actually, Flint is just two years older than our age pero dahil nga boss niya kami at driver namin siya, we have to act formally to each other. Siguro hindi niya masabi lahat ng opinyon at gusto niyang sabihin sakin dahil nga sa ganoong sitwasyon, pero baka sa loob niya ay naiintindihan niya ang lahat ng mga nangyayari na maging ako mismo hindi ko makuha.

Hindi ko rin naman masasabing nagiilusyon lang siya nung sinabi niyang nagbago si Kendric dahil sakin kasi hindi ko naman alam yung dating Kendric. Ang alam ko lang yung Kendric na nakilala at nakakasama ko na ngayon. But if what he said was real, anong klaseng pagbabago yung nakita niya? Tiyaka hindi ko rin talaga makuha yung point kung bakit magbabago si Kendric dahil lang sa nakasama niya ko. I mean, sino ba ako sa buhay niya diba?

"What's taking him so long?" I exclaimed and glanced inside the cafe. At ayun pala yung nag order ng pagkain namin. Nakikipag single-ready-to-mingle sa isang amerikana.

"Aba." Nakuha ko rin ang atensyon ni Flint at liningon si Kendric sa loob. "We're both starving here and look what he's doing." Nagtatawanan pa sila nung babae at hinampas hampas pa siya nito sa braso. "He didn't even bother to atleast give us our meal first before chatting with a girl? Ay ang saya."

Ay grabe oh may papalo palo pa. At talagang sa gitna pa ng cafe? Di ba sila nahihiya sa ibang tao? I-video ko nalang sila para maging viral sila sa internet tutal mukha namang desidido silang ipakita sa buong France yang love story nila. Ay ayun oh isa pang palo, di nalang sila magkurutan? Kapag ako tumayo dito at sumali sa paluan game nila ayus ayusin lang ng dalawang 'to ha.

Punyeta talaga bang di sila titigil? Pag ako nalipasan ng gutom bibilhin ko itong buong cafe!

Naghintay pa ko ng ilang minuto at umasang marerealize niyang may dalawang taong naghihintay sa pagkaing dala niya. Pero mukhang matigas bungo nito ah.

"What?" Tanong ko nang mapansin si Flint na binibigyan ako ng malokong tingin. Umiwas nalang siya agad at umiling.

Tiningnan ko ulit yung dalawa sa loob. Aba! Nag haloween na nag pasko na nag new year pa hindi pa rin sila tapos? Dang it!

Then the girl suddenly hugged her.

"Okay that's it."

Tumayo ako at nagmartsa papasok sa cafe. Kukunin ko lang naman yung tray na hawak ni Kendric eh. Wala akong ibang gagawin, hindi ako mangaaway, hindi ako magsusungit. Hindi ko ilalabas ang bitchy side ko kasi wala namang dahilan para gawin ko yun. Kukunin ko lang yung pagkain para makalamon na kami ni Flint.

"Ehem."

I crossed my arms at diretso lang ang tingin. Hindi ko tiningnan si Kendric. Wala ako sa mood.

"Ay Lianna.." Nagulat siya? Wew?

"Sana bago ka makipagchikahan binigay mo muna yung pagkain namin. Gutom na kami oh."

Tinuro niya ang babae at binuka ang bibig na parang hindi sigurado sa sasabihin. "S-sorry. Ano kasi... Uh, may kausap lang ako sagli-"

"Alam ko. Di ako bulag."

Tinikom niya ang bibig niya at nagtransform bigla into maamong aso na parang napagalitan ng amo.

"Are you his uhm.. sister?"

Ayoko sa lahat yung nakikisingit singit sa usapan eh pero wala namang kwenta yung sasabihin.

"Pag sinagot kita may mapapala ako?"

Kumunot ang noo ng babae. "Sorry, what?"

Hindi ko na siya pinansin because I don't give a damn about her and I don't like her cause I don't know why. Instead, hinarap ko na ulit si Kendric na medyo bumilog pa ang mata ng makita ulit ako.

"Let's go."

Kinuha ko mula sa kanya ang tray at tumalikod. Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay narinig ko nanaman yung babae na nagsalita.

"Hey. Do you mind if we hang out together?"

Ilang segundo muna ang nakalipas bago sumagot si Kendric. "Uhm.. maybe?"

Maybe maybe mo mukha mo umuwi ka ng pilipinas ngayon din!

"I just want to be clear.. is she your sister?"

Napairap ako. Napaka pakielamera.

"Oh, no she isn't."

Hindi talaga. Mukha ba kaming magkapatid? Tss.

"Then what?" Naiintrigang tanong nung babae. Humigpit ang hawak ko sa tray. Sino nga ba ako para kay Kendric?

He let out a small laugh and chuckled.

"She is ... my special girl."

What?

Naramdaman ko bigla ang paglambot ng mga tuhod ko. Pakiramdam ko yung tray ang buhay ko na kapag binitawan ko eh susunod na ang buo kong katawan sa pagbagsak. Nanlalambot ako. Did you hear that? I'm- I'm someone special!

"So no." Dugtong pa ni Kendric. "I'm sorry, I can't hang out with you."

ווווווווווווווווווו×

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top