Thirty-Two: Those Words He Said
You should've know that word
bout what you did with her
Would get back to me
And I should've been there
in the back of your mind
I shouldn't be asking myself why
- Should've said no
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
Pumasok si Kendric ng kwarto at tumabi sakin. Kinuha ko agad ang remote para masimulan na namin ang movie.
"Sana ganito lagi." Pagbasag niya sa katahimikan sabay hawak sa kamay ko. We intertwined our hands together with a smile.
"Oo naman." I answered.
I want this one to last. Kahit ito lang. Gusto ko kamay niya ang hinahawakan ko, labi niya ang nahahalikan ko, mata niya ang tinititigan ko. Hindi yung sa iba, kundi yung kanya lang.
Bonjour cities seemed like heaven because of these countless memories we encountered. I don't want it to end kahit pa umalis na kami dito, o kahit pa bumalik na kami ng pinas at makaharap ang mga pwedeng magpagulo sa aming dalawa.
Sana... sana ako lagi ang pipiliin mo.
My thoughts were distracted from his soft giggles because of the movie. Ngumiti na lang din ako at sabay kaming nanood hanggang sa matapos ang palabas.
He turned the TV off at nag side view paharap sakin. Parehas kasi kaming nakadapa habang nanonood kanina. I stayed on my place and raised an eyebrow.
He rested his head on his palm. "Ba't ang ganda mo?"
My eyebrow slowly went down. Anong meron?
"Sus. Ganyan talaga. Nagulat ka pa?" I playfully rolled my eyes and flipped my hair.
"Ang mga magaganda dapat mapagbigay."
"Mapagbigay?"
"Pahingi nga ng kiss dyan."
Wow. Smooth. Natawa naman ako don.
Without a second thought ay lumapit ako at hinalikan siya. Kaso nagulat yata siya dahil biglaan ko yon ginawa. His eyes widened a bit.
"Ang mga magaganda, mapagbigay." Ulit ko at saka kumindat. He suddenly reached for my head and ruffled my hair. Aish nagsuklay pa ako bago pumunta dito tapos guguluhin niya lang. Tss.
"Can't you sleep here tonight?"
"Hmm, we need to ask kuya first."
"Tch. Dapat pumayag na siya. Kailangan na natin... magpractice."
Practice??
"Whaaaat?!" Sagot ko sabay tulak sa noo niya pero tinignan niya lang ako na parang nagtataka. Trying his best to control his laughter.
"Hala? Magpractice na matulog ng magkasama! Anong gusto mo? Mag asawa tayo tapos magkahiwalay tayo ng kwarto?"
"Reasons!"
"Psh. Ikaw kasi kung anu-ano iniisip eh."
"Yan. Magsasabi ka ng mga lines na may double meaning saka mo ko sisisihin sa huli. Why am I even surprised?"
He pinched my nose. "Walang double meaning! Kakaiba ka lang talaga magisip. Ikaw ha. Lianna Xanders my foot. Green minded naman."
"Why don't you shut up and take a bath Kendric Milan? I'm not staying here until amoy tao ka na ulit."
Hinampas hampas ko siya ng unan hanggang sa mapilitan siyang tumayo.
"Okay, okay. Wait for me." Ngumisi siya sabay kindat. "I'll come back looking fresh enough for you."
Oh my gosh. Playboy mode on.
Kumuha saglit ng damit si Kendric at dumietso sa banyo. As soon as I'm all alone, I immediately left the room and ran towards mine.
Oo, magpapaganda ako.
Nagsuklay ako, applied a light shade of liptint and sprayed cologne all over my body. Naligo na ako bago pa kami manood ng movie kanina, pero siyempre mas mabuti nang magretouch bago mag cuddle hehe.
Mabilis lang akong natapos kaya nakabalik agad ako ng kwarto niya. He's still not finished taking a bath so I stayed on the bed while busying myself with my phone. Tamang facebook at messenger lang.
A message popped up in my notifications. Nagchat si Jodie sa gc naming lima.
[Jodie: Ako lang ba yung nabbother sa mga hula sa atin...?]
Tinitigan ko lamang ang phone ko at kumurap. Then I began typing.
[Wasn't really bothered 'til you mentioned it so...]
Napataas ako ng kilay ng magseen agad ang tatlo. Aba kumpleto yata kaming lahat ngayon sa gc, anong meron? There you go, nagtuloy tuloy na ang paguusap namin.
[Kath: MGA GAGA OO NGA HAHAHAHA NALOKA AKO PARA SA INYO
Mia: same here
Phiara: oh my god shut up bish
Me: ay natamaan yung magmamahal ng lubos HAHAHA
Phiara: ang mahalaga 'di ako lalayo sa lahat HAHAHAHA
Jodie: uwuuuu ang ingay natin tonight ah
Me: true
Kath: oy si Jodie magkakajowa na maghanda na kayo
Mia: sana all...
Me: but seriously speaking, medyo nakaka kaba nga yung mga sinabi sa atin
Mia: yeah it seemed like you're all gonna go through some changes. Lahat kasi ng sinabi niya ay parang hindi niyo naman magagawa
Kath: bahala kayo dyan basta ako hindi nagpahula grr]
I sighed and locked my phone for a while. Nakatingala na lamang ako sa ceiling ngayon. Tahimik na inaalala ang mga katagang sinabi sa amin ng manghuhula.
Ikaw. Ikaw ang gagawa ng lahat ng iyon.
She is convinced that I'll leave Kendric and I'll leave everyone. Masyado nang maganda ang buhay ko para ipagpalit pa 'to sa iba. So why would I?
I scoffed at that thought.
Darating ang araw na magkakagulo kayo.
About that one, I don't know if I should feel scared or not. Magulo na sa una palang. May igugulo pa ba ang lahat ng 'yon?
Sabi nila masakit daw magmahal. Kailangan daw matuto kang tumaya, magtiwala. Kahit pa gaano ka katakot sa pwedeng mangyari. I guess I chose to love, still. Even after all those things I've heard.
Pero bakit ganito?
'Di ba parang ang sama sama naman ng tadhana kung sisirain niya lang ng ganon ang katapangan ko?
'Di ba parang ang sama sama naman kung pagbitaw lang rin pala ang kahahantungan ng pagkapit ko sa mahal ko?
Kendric's phone began ringing at noon ko lang narealize na katabi ko lang pala 'to. Kinuha ko ito at tinignan ang call ID ng tumatawag. Pero hindi ko naman sasaguti-
For a moment my mind went blank as soon as I read the caller ID. Napaupo ako.
Celine Torres...
H-huh? What does she want? Why...
Why is she calling Kendric in the middle of the night?
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bigla na lang nanginig ang kamay ko at maging ang puso ko ay bumilis ang pagtibok. I went completely frozen. Anong kailangan niya? Bakit siya tumatawag at bakit sa lahat ng tao na pwede niyang tawagan...
I gulped. Hindi. Baka nangungulit lang ito. Baka namimilit lang siyang kausapin si Kendric but he's declining her calls and now she's trying again.
I don't know...
Humugot ako ng malalim na hininga at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Bigla akong nakaramdam ng inis, a familiar feeling. It brings back those memories of before, nung mga panahong sila pa at ako itong habol ng habol.
So this is what it is to feel threatened.
Sinagot ko ang tawag sa kabila ng kaba.
[Babe!]
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. I don't know if that's just my imagination or not pero wala na akong pakialam doon. Babe? How dare she.
Gusto kong sumigaw sa inis. Gusto kong tanungin si Kendric tungkol dito pero walang lumalabas sa bibig ko. I was too shocked to even process this reality in my head.
[I love you.]
I held my breath back kasabay ng pagbuntong hininga ni Celine sa kabilang linya.
Ex ka na... bakit nag I-I love you ka pa?
Puta. Ex ka na pero bakit nagpaparamdam ka pa? Tapos na kayo pero bakit tumatawag ka pa? Anong parte ng kalandian mo pa ba ang hindi mo naipakita at hanggang ngayon naghahabol ka?
Akala ko wala nang mas sasakit pa sa narinig ko pero hindi. Mas masakit pa pala yung mga susunod niyang sasabihin.
[Nag I love you too ka sakin diba? Wala lang, gusto ko lang ulitin. I love you!]
Celine's unusual drunk tone stating those words she said echoed in my head. Lasing siya. She's drunk, Kendric is clueless and I'm losing my mind.
Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko, my vision became blurry. It was already a bit late when I realized that I am crying. Ang bigat sa pakiramdam, gusto kong manakit pero wala akong lakas para magsalita manlang. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Kanina lang she called me beautiful and now I found out na nag I-I love you pa rin siya sa ex niya?
Tangina Kendric. Mahal mo pa?
[Um... h-hello?]
"Celine."
Sa kabila ng panghihina ay sinubukan ko pa ring magmukhang matapang. Sinubukan ko pa ring maging isang Lianna na kinakatakutan niya kahit durog na ako sa loob.
She hung up. I unconsciously dropped the phone the moment she ended the call at yumuko lang.
Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto, yakap ang sarili habang parang multo na naglalakad sa hallway. I bit my lip to prevent myself from crying at this very moment dahil sobrang sakit na. No words are enough to express the pain and disappointment I'm feeling right now.
Kanina lang ang saya saya kong pinapakinggan yung mga bola niya tapos ngayon kinekwestyon ko na ang worth ko bilang isang babae.
Bumagal ang paglalakad ko nang makitang malapit na sa ako sa kwarto ni Jodie at Mia. I tried reaching for the door using my sweaty and shaking hand. Konting konti nalang at hindi ko na mapipigilan ang paghikbi at tuloy tuloy na pag iyak. Halos mawalan ako ng hininga para lang labanan ang lahat ng 'yon.
But my knees desperately begged for my body to take a rest, so I sat down on the carpeted floor. My elbows rested on the top of my knees as I just let my head collapse on my hands. Sa oras na 'to ay hindi ko na cinontrol ang pag iyak ko at hinayaan nalang ang sarili kong magmukhang wasted sa hallway ng isang kilalang hotel sa Paris.
Shit.
Nag I love you too ka sakin diba?
"Kailan?" I whispered in between my heavy breaths. "Kailan Kendric? Bakit? Shit. Bakit, anong mali ko anong... anong kulang ko? Please..."
Ang sakit sakit isipin na pagkatapos pala ng lahat ng pinagsamahan namin hindi pa rin siya nakaka move on sa ex niya.
Mahal niya lang ba ako dahil hindi niya makuha yung totoong gusto niya?
Was I only an option? The last option?
Kinabog ko ang pinto nila Jodie at wala pang ilang segundo ang nakakalipas ay bumukas na ito agad.
"Lili!" Jodie panicked and grabbed my arms to force me to stand up.
"Anong nangyari sa'yo?" Mia was hysterical.
Nang nakatayo na ako ay unti-unti akong kumalma. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso ng dalawa kong kaibigan at pumikit.
Sobrang biglaan ng lahat.
Mahal na mahal ko siya. Pero sa ngayon ayoko muna siyang makita. Gusto kong lumayo kasi kahit saan ako tumingin ngayon naaalala ko ang nangyari. Halos mawalan na ako ng hininga kakahikbi, pero baka kahit sa huling hininga ko ay boses ni Celine ang maririnig ko.
Mahal niya rin.... daw... ako. Pero baka mas matimbang yung dati niya.
Kahit konting panahon lang, sana ay malayo muna ako sa kanilang lahat. Lalo na sa kanya.
Ito na siguro yon. Baka ito na ang sinasabi nung babae tungkol sakin.
"Gusto ko nang umalis dito... t-tulungan niyo ko."
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
2:11 am
I opened my eyes because of this uncomfortable feeling inside me. Hindi ako makatulog kahit na anong gawin ko. Kanina ko pa pinagiisipang ituloy ang balak ko and it won't let me sleep in peace until I do it.
Sabi nila Jodie at Mia, pag isipan ko raw muna ng maigi. Baka kasi mamaya magsisi akong bigla ko nalang iwan ang lugar na 'to.
Kinwento ko sa kanila ang nangyari kanina and I asked them not to let Kendric know that we already found out what he and Celine did. Pagkaraan ng ilang minuto kong pagstay dito sa kwarto nila mula ng makarating ako ay dumating si Kendric at tinanong kung nandito daw ba ako. They told him na pumunta ako dito kasi may importanteng sasabihin si Mia. He even asked if he could atleast say good night pero sabi nila nakatulog na ako.
I got up and walked towards the mirror.
Ngayon nalang ulit namugto ang mga mata ko ng ganito kalala.
Aalis na ba ako dito nang hindi nagpapaalam sa kahit na sino? Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko pang makita siya.
Nag ayos ako at tahimik na lumabas ng kwarto. Buti nalang at binalik na ni Kendric ang phone ko kanina nung pumunta siya dito.
Now I can do whatever I want.
וווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top