Thirty: Confrontations
Cuz' you know I'd walk
A thousand miles
If I could just see you
Tonight
- A thousand miles
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
"Lianna's not an easy girl pagdating sa mga kaaway niya. You're lucky." Sabi ni Mia saka sila nagtawanan. Janine just smiled sheepishly habang ako naman ay umirap nalang.
Pinaguusapan namin kung paano kami nagkakilala ni Janine dito sa France at kung paano namin siya kinuha as an assistant. Mas nagiging close na nga kami sa kanya ngayon although medyo nahihiya pa siya.
Today marks our fourth day here in Bonjour Cities at kasalakuyan kaming naglilibot sa mataong part ng resort. Maraming bars and restaurants sa gilid just a few distance away from the shore. Marami ring nakahiga sa tabing dagat para mag star gazing. Meron din namang mga naglalakad lakad tulad namin.
"Hiyang hiya nga ako noon ate eh. Kaya nung sinabi nilang kukunin nila ako as an assistant talagang 'di ako makapaniwala."
"So kamusta naman sila ni Kendric? Parang friends lang ba? Naglalandian? Ano?" Sunod-sunod na tanong ni Kath. Nanlaki ang mga mata ko at saka napahigop ng hangin sa sobrang hiya. I'm still not that used to them talking about me and Kendric.
"Sweet sila." Masayang sagot ni Janine.
"Sweet naman pala eyyy!" Pagbunggo ni Jodie sa balikat ko kasabay ng pag high five nilang lahat. Aba talagang pinagtutulungan niyo ako ah!
"Mas sweet kayo ni Vino." I smirked at agad naman siyang natahimik. All our eyes got fixed on her.
"Hoy kaaway natin sila! Pero tama, ang cute niyo kahapon." Ani Phiara. Saka niya kinwento kay Janine ang nangyari since she looks confused. Oo nga pala wala siya kagabi.
"Nahuli ko kasi yung titig niya girls. Grabe. Lagkit ng tingin eh."
"May something noh?" Sagot ni Mia kay Kath saka sila nag high five ulit. Jodie let out a deep sigh.
"I didn't mean to romanticize that scene though."
"We never said it was you. Its him. Duhhh. Nakita nga kasi namin. Kinilig siya." Mia said as she whispered the last sentence, emphasizing Vino's actions. Nahuli ko rin yung titig na yun eh. Nakakakilig siya and oo para talagang may meaning, Kendric also saw it. Pero para sakin dapat hindi masyadong binibigyan ng pansin yung ganun. Kasi may mga taong akala mo may ibig sabihin yung pagtitig sayo pero umaasa ka lang pala.
"Yun na lang ang pagtuonan niyo ng pansin." Pagiiba ni Jodie sa topic at saka tinuro ang isang tent na malapit sa kinatatayuan namin. A purple tent which has a weird vibe. I narrowed my eyes at that tent at sakto ay may lumabas na dalawang babae mula dito.
"Do you believe her?" Rinig kong tanong nung isa habang nagkibit balikat ang kasama niya bilang sagot.
The six of us looked at each other. Then we all nodded at once, signaling our approval of going inside.
Hinawi ko ang malambot na cloth ng tent para makapasok. Medyo madilim sa loob at ang tanging nagbibigay lang ng ilaw sa paligid ay ang lampara sa gilid ng isang babaeng naka upo sa gitna. There are cards in front of her, a crystal ball, and some pocket sized books.
Weird. Malamang manghuhula ito.
"Um..." Janine hesitated to go near her. Nauna na akong umupo sa harap ng table at saka nagsisunod ang iba. The lady gave us a warm smile.
"Kamusta, mga magagandang dalaga." Bati niya na dahilan ng pagkagulat namin.
"Ayos lang po." Nakangiting sagot ni Jodie. "Pilipino po pala kayo."
"Pwera sa pamilyang kasama kong nakatira dito, minsan minsan lang ako makakita ng mga kababayan. Nakakatuwa. Mabuti't naparaan kayo."
"Natiyempuhan lang po namin. Ano po pala ang ginagawa niyo? Fortune telling?"
Tumango ang babae kay Mia. "I can see the future. Marami na rin akong predictions na nagkatotoo. Ayon mismo sa aking ibang nahulaan na dati. Gusto niyo bang masubukan?"
Tumango silang lahat bilang sagot saka naglabas ng sari-sariling pera. I just stayed still on my seat, hindi ako interesado sa ginagawa niya.
Everyone paid the fortune teller except for me, Mia and Kath.
"Simulan natin sa'yo." Turo niya kay Janine. She just sat very still on her seat habang tinititigan siya ng malalim. It's weird, I thought iiikot ikot niya ang kanyang kamay sa crystal ball o kaya gagamitin ang mga cards sa harap niya. Pero hindi, nakatitig lang siya kay Janine na para bang may binabasa ito sa isip niya.
"Ikaw ay nagbabalak na pumasok sa kolehiyo, tama ba?" She asked which surprised me and Janine. Paano niya nalaman yun?
"Maganda ang nakikita ko. Huwag kang mag alala, madali ka lamang makakahanap ng mga kaibigan, tahimik at maayos ka ring makakapag tapos." Tuloy niya. Janine smiled and murmured a thank you, deeply satisfied by what she said.
Sunod naman niyang hinarap si Jodie. 'Di katulad ng kay Janine, pagtingin na pagtingin ng babae sa kanya ay agad na siyang nagsalita.
"Interesado siya sayo." Nakangiting sabi ng babae. "Nandito rin siya sa Bonjour Cities, tama ba?"
My eyes almost popped out of its sockets as I turned to Jodie. Hindi na napigilan ng iba at pinalo palo na nila siya.
"Vino Herson??" Ani Kath pero nagkibit balikat lang ang babae sabay ngiti. Nagtilian kami kahit wala naman siyang sinabing sagot.
"Ngunit..."
We all got silent at once. Sabay sabay namin siyang hinarap at hinintay na magsalita.
"Kailangan mong mag ingat. Magkakaroon ng matinding away dahil sa'yo. Ang payo ko lang, ay sundin mo kung sino ang sinisigaw ng puso mo."
Sunod naman ay si Phiara.
"Magmamahal ka ng lubos, anak." Seryosong panimula nito sa kanya. "And in the process of loving that person... makakalimutan mong pahalagahan ang sarili mo."
Phiara seemed to be taken aback by what the lady said. Kahit ako ay nagulat rin. Phiara isn't usually the type to take relationships seriously but will it really happen? It sounds like a very big deal, especially it is Phiara we're talking about.
"Bawat desisyon na pipiliin mo ay may kaakibat na epekto. And each decision has different outcomes, so be careful in choosing what you want to do."
She smiled at Phiara. Then turned her head to my direction and just stared quietly.
"Ay, hindi po ako magpapahula." Pilit na ngiti kong sabi.
"Naiintindihan ko. Hindi kita pipilitin, anak. Pero gusto ko lang sabihin na masyadong malakas ang aura mo at malinaw na malinaw sa akin kung ano ang nababasa ko sayo. Sobrang laki rin ng posibilidad na magkatotoo ito. Ayaw mo ba talaga?"
I didn't say a word and looked at my friends. Lahat sila ay binibigyan ako ng tingin na para bang sinasabing subukan ko na. So I decided to try. Wala namang mangyayaring masama kung susubok ako. I took some money from my wallet and handed it to her.
I sat straight on my seat and faced her samantalang ang mga kasama ko naman ay tahimik ring naghintay na magsalita ang babae. She gave me a sad smile.
Hindi maganda ang kutob ko dito.
"Mahal ka niya." Panimula niya.
Sino? Is she talking about...
No. No way. I don't think it is him. Pero... may iba pa ba dapat?
"Ngunit hindi ito magiging sapat bilang isang rason ng inyong pagsasama."
This time, I turned to my friends and everyone gave me a worried look. Shit. If this is really about him... then damn. Magkakahiwalay rin ba kami pagdating ng panahon?
Will it be because of Celine?
"Darating ang araw na magugulo kayo. At may isa sa inyo na mang iiwan, at pipiliin na lumayo. Hindi lamang sa isang tao, kung 'di sa lahat ng nasa paligid niya."
Nanlaki ang mga mata ko. Lalayo??
My hands balled into a fist as I sat frozen on my place. Pasimple akong yumuko at pilit na huminga ng malalim. The thought burdens me. It hurts me. I couldn't stand it. Ang hirap isiping may ganung mangyayari sa aming dalawa in the future.
Some predictions doesn't come true, right? May chance ba na isa ito sa mga yun? Pero... kakasabi niya pa lang kanina. Sa nakikita niya, malaki ang posibilidad na magkatotoo ang kung ano man ang nababasa niya sa akin ngayon. And she also mentioned that some of her customers before told her themselves how her predictions about them came true.
Kendric...
Is this about you?
What should we do now?
Bakit naman hindi magiging sapat na rason ang pagmamahal natin sa isa't isa? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Kailan ba ako magiging masaya? Kailan ba kita makakasama nang walang inaalalang masama?
"Lianna, let's go?"
I woke up from my thoughts and saw everyone already standing. Tapos na pala ang panghuhula niya, hindi ko na namalayan.
I stood up and subconsciously began walking away. Pero bago pa man kami tuluyang makaalis ay tumigil ako sa paglalakad.
She didn't mention the most important part. And that's exactly what I wanted to know.
Hinarap ko ulit ang babae at inabutan siya ng pera. Marahan ko itong nilapag sa mesa as my friends just watched me from behind.
"Gusto ko pong malaman kung sino yung aalis, yung mang iiwan, yung lalayo."
I let out a relieved sigh after talking. Ito ang gusto kong malaman. Malakas ang kutob kong si Kendric ang gagawa nito dahil sigurado ako sa sarili ko na hinding hindi ko siya magagawang iwan. At hindi ko rin siya magagawang layuan.
And run away from my friends and my whole life? No. Definitely not me.
Para sakin, si Kendric ang taong gagawa no'n between the two of us. Lalo na at hindi naman kasing laki ng pagmamahal niya sakin ang pagmamahal ko sa kanya, if ever he loves me. Para sakin, siya ang gagawa nito. Pero mas gugustuhin ko nang magtanong ulit sa babae para mas sigurado. Especially the fact that she's the one who saw this future.
"Ikaw. Ikaw ang gagawa ng lahat ng iyon."
Kendric
Tahimik kong tinanaw ang dagat. Lianna's nowhere to be found and my friends are taking a rest in their own rooms so I just decided to hang out by myself.
Bumuntong hininga ako. Sa totoo lang, madami pa ring bumabagabag sa isip ko hanggang ngayon. Naproseso ko na sa isip ko ang lahat ng nangyari tungkol kay ate Dristine at kuya Zian. Pero hindi pa doon nagtatapos ang problema. Paano yung mga nasa pinas? Paano sila mom and dad? I don't think they will let this go easily. Maaaring maging masaya sila kapag nalaman nila 'to pero pwede ring magalit sila kay ate for disappearing. At kay kuya Zian who knew about this all along.
It's going to be fucking tough once we head back home. Babalik ang lahat sa dati. Babalik kami sa pag aaral and there we will see familiar faces. Nandoon lahat ang mga taong nakakakilala sa amin, ang mga taong gumagawa ng issues tungkol sa amin.
We will see everyone again and they will see us again, along with people whom no one ever expected to show up. Ate Dristine.
And as for me... makikita ko ulit siya.
Celine Torres.
I'm just wondering if she's doing fine. Lalo na at nalaman ko ang nangyari tungkol sa shop nila na kaisa isang source nila ng pera.
Ang sakin lang kasi, tapos na ang relasyon namin kaya dapat hindi na nila pinakikielaman pa si Celine. But why did they do that?
Sigh.
Linabas ko ang phone mula sa bulsa ko. Wala ring mangyayari kung hindi ako magtatanong.
I contacted my dad na agad namang sumagot.
[Kendric, my son. What's the matter?]
"Dad," I pursed my lips. "What did you do to Celine?"
Hindi ko alam kung tama ba na magtanong ako sa kanila dahil baka mamaya ma misunderstood nila ako. Kaso wala naman akong ibang kilala na may alam about this matter.
[I need to teach her a lesson. Ngayon kung wala na tayong ibang pag uusapan pa, I have to go.]
"You're not even gonna ask kung kamusta na ako?"
[But you didn't call me for that. You called because of Celine. And one more thing, I'm busy.]
Nagpakawala ako ng mahinang pagtawa. I just couldn't believe him. He really is my dad. Someone who doesn't give a fuck to his son.
[And don't bother asking your mom about this. She's with me right now.]
[Kendric! Take care of yourself! Enjoy~ ipakamusta mo na rin ako kay Lianna!] Mom spoke enthusiastically which made me laugh a bit. She's way better than dad.
"Yes mom, take care." Natatawa kong sagot. Pagkaraan lamang ng ilang segundo ay pinatay na ni dad ang tawag ng wala manlang paalam. Iba talaga.
I stared at my phone and scrolled through my messages. Tumigil ako sa pangalan ni Celine to click her contact ID.
I guess I have no choice then...
Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan ito habang pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung tama bang tawagan ko siya ngayon, Lianna would surely not like it. But I'm curious why they did Celine dirty when in fact everything about us is already over. And they should make sure that they did this because of a valuable reason. Or else, hindi ko ito papabayaan ng ganun ganun lang.
Pinindot ko na ang call button at hinintay na sagutin niya ako. Halos makalimutan ko nang huminga nang marinig ko siyang magsalita mula sa kabilang linya.
[...H-Hello?]
Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung paano.
[Kendric? I-Is that you?]
Kumurap kurap ako. Fuck I should get myself together.
"Celine." I cleared my throat. "I just want to ask something. If... I-f you don't mind."
Puta bakit ba ako kinakabahan? Mali 'to eh. Hindi ko na dapat nararamdaman 'to. I feel too awkward.
[Go ahead.] Mahinahon niyang sagot. Sandali akong natahimik. Nanibago lang ako sa boses niya. Kasi dati, araw araw ko yang naririnig. Then suddenly, no more contacts, nothing. Nasanay na akong wala siya tapos biglaan ko nalang siyang makakausap ngayon.
It's the same, calming voice.
"Nabalitaan ko na kasi yung nangyari sa shop niyo. May I ask the reason why my parents did that?"
Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya bago sumagot. [I was seen with Wayne and Vino. Nagpapasama lang sila sakin no'n and it's okay for me. Pero may nagmamasid na pala. At inisip nila na dumidikit ako sa mga kaibigan mo dahil... d -dahil... sayo.]
"And you didn't explain yourself?"
[I tried. You know me. Kung kaya kong kausapin ang isang tao gagawin ko. Kaso they kicked me out even before I could speak.]
Napakagat nalang ako ng labi sa inis habang pinapakinggan ang paliwanag niya. They ruined her life just because of that?? Minsan talaga hindi na ako natutuwa sa mga galawan ng magulang ko.
I'm not saying this as Celine's ex boyfriend but as someone who knew her family. Mababait sila. At hindi nila deserve ang mapahirapan ng ganito dahil lang wala silang kalaban laban sa pamilya ko, o sa pamilya ni Lianna.
"I have to do something." I blurted out.
[I can figure this out on my own. Salamat nalang.]
"But it's my parents' fault I should at least make up for i-"
[Kendric,] She cut me off. [Ginagawa ko na ang lahat para makalimutan ka. Kung gusto mong tumulong, ito ang hihilingin ko sayo. Pabayaan mo na ako. Someone else might find out kapag tinulungan mo ko. At pag nangyari yun, sigurado akong she won't let it go easily.]
Tinikom ko nalang ang bibig ko. She's talking about Lianna. She's right. Lianna won't let this go easily.
"Then I have to make it clear to her that I'm not doing this for love."
Hindi siya nagsalita.
"I simply just want to help you out, Celine. No need to misunderstand."
Tama naman diba? Walang ibig sabihin ang kagustuhan kong tumulong sa kanya. Hindi ko gustong tumulong dahil may nararamdaman pa rin ako para sa kanya.
I shook my head. Wala, Kendric. You don't love her anymore. Wake up!
[Sige, bye.]
Without waiting for me to speak binabaan na niya ako ng tawag. Tinanaw ko na lang ang dagat sa harap ko habang hinahawakan ng mahigpit ang phone.
It's Lianna. Not Celine. It's Lianna. Not Celine!
Napahilamos ako ng mukha dahil sa sobrang pagkagulo. Am I really questioning myself who I really love just now?
Parang mas lalo lang dumagdag yung mga iniisip ko imbis na mabawasan eh. Talking to her made me ask a thousand questions.
Pagkatapos ng bawat oras at araw na kasama ko si Lianna, I fell for her. Iba na ang pagtingin ko sa kanya. Ito yung klase ng pagtingin na hindi ko inakalang mararamdaman ko para sa kanya. Before we got here I thought it's going to be impossible to barely get along with her. But little by little we're getting closer hanggang sa nakilala ko ang tinatago niyang ugali. The vulnerable, better, soft side. And I fell for it.
Sigurado ako sa nararamdaman ko sa kanya not until this day.
When I talked to my ex again.
"Ehem."
Napakurap ako sabay lingon sa likod. Kuya Zian is standing behind me. May dalang dalawang can ng beer.
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti saka pinagpag ang buhangin sa tabi ko para sabihing umupo siya doon. Agad naman siyang sumunod at binigay sakin ang dala niya.
"Ayos ka lang?" He broke the silence.
"Kailan tayo huling nag usap?" Natatawa kong tanong.
"Uh, the day after your birthday."
"No I mean in person."
"Ah. Sa airport."
Nagsimula na akong uminom. "Who would've known we'll meet again like that?"
"I know." Sagot niya at uminom na rin. Aaminin ko, medyo kinakabahan ako ngayong kaharap ko siya. I've known him for years and he's typically one of my friends. Pero takte. Kuya pa rin siya ni Lili.
Lili. Naalala ko yung nickname niyang yun. I made that for her. Sinabi kong tatawagin ko na siya gamit ang pangalang yun pero 'di ko naman napanindigan. I should do it starting today.
Hindi ko na napigilang ngumiti kaya kinagat ko nalang ang ibabang labi ko. Baka mamaya isipin pa ni kuya Zian nasiraan na ako ng ulo.
Humugot ako ng malalim na hininga.
"Thank you."
I saw in my peripheral vision how confused he looked as he faced me. Pinanatili ko lang na diretso ang tingin ko.
"I was angry at you for hiding my own sister from me, looking at me straight in the eyes everytime we meet as if you don't have any secrets. Pero kung iisipin, ginawa mo ang lahat ng 'yon para sa kapakanan niya."
I heard him chuckle. Ngayon ay hinarap ko na rin siya saka nginitian. "Ano? Masyado ka nang proud sa sarili mo nyan?"
"Oo naman." Sagot niya. "I have a perfect wife. I have a perfect son. I have a perfect... soon to be brother in law."
I was taken aback. Brother in law?
"So yeah. I feel proud." He nodded enthusiastically and raised his beer in front of me. Tahimik kong itinungga ang inumin ko sa inumin niya dahil na rin sa halu-halong emosyon.
Wala lang. Nakakatuwa kasi sa pakiramdam na i-welcome ng pamilya ng taong gusto mo. Buti nalang pala at naging kaibigan ko na si kuya Zian kahit pa noong magkaaway palang kami ni Lili.
"You're already my brother in law though." Natatawa kong sambit. "But I'm not your brother in law. Yet."
"Yet." Ulit niya na may halong pang iinis sa tono. Tumango tango ako bilang sagot. Yup. Not yet. But it will happen. Soon.
"Pfft. May pagkakaiba ba yun?"
"Ewan ko din."
Mabilis naming naubos ang beer namin at napagkasunduang umulit pa. Ako na ang nagprisintang bumili at naiwan siya saglit sa tabing dagat. Nang makabalik ako sa pwesto namin ay masaya lang kaming nagkwentuhan.
Bigla nalang nawala yung mga hinanakit ko sa kanila ni ate Dristine. Bumalik na ang dating gaan ng loob ko while hanging out with him. Parang dati, chill lang.
We talked about a lot of things. Mostly about catching up to stories we have missed. Marami siyang nakwento tungkol kay ate Dristine at Ivan. He boasted that Ivan's first word is papa. He also boasted that Ivan idolizes him. Pati na rin ang pagkapit ni Ivan sa kanya most of the time. So basically he told me that he is their son's favorite.
Masaya din siyang nagkwento ng tungkol sa kanilang dalawa ni ate Dristine. Hindi niya daw inexpect lahat ng yun. Sinasabi niya na hindi daw katulad ni ate yung ibang babaeng nakilala niya and he thinks she's amazing kaya nagustuhan niya si ate. Mas lalo pa daw siyang na-amaze nung nakita niya kung paano nagpakatatag si ate kahit pa napaka daming problemang nangyari sa kanya.
He told me the hardships and how they fought together.
And then it's my turn to speak. Maingat akong nagkwento tungkol sa amin ni Lianna kasi ramdam na ramdam ko talaga yung talim ng mga titig niya. Kung kanina ako ang binubulyawan siya tuwing umaamin siya na inaaway at minsan ay napapaiyak niya si ate, now it's the other way around.
Halos magdadalawang oras na kaming nakatambay dito nang mapagdesisyunan na naming matulog. I stood up and was about to walk away when I saw him not moving. Tahimik lang siyang nakatitig sa dagat, halatang malalim ang iniisip. Lasing na ba siya?
"Tara na?" Tawag ko.
"Kendric,"
He sighed and fixed his gaze at me. Hinintay ko siyang magsalita without speaking another word.
"Don't ever leave Lianna. Kahit pa magkagulo ang lahat. Kahit pa may mga mangyari na 'di inaasahan. Don't leave her. Okay?"
Don't leave her...
Hindi ba... tinatanong ko palang ang sarili ko kanina kung sino ba talaga ang mahal ko?
Paano kung si Celine pa rin pala? What will happen to Lianna?
Will we go back to how everything was before?
No. No it won't.
I smiled at him sincerely and nodded.
Kahit anong mangyari. Kahit na ano pang mangyari...
"I will never leave her alone."
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top