Thirteen: Worth
I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
and out of all these things I've done
I think I love you better now.
- Lego House
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Kendric
Hahaha! Nagseselos si ma girl!
"Wuy. Tama na bati na tayo pleeaase?"
"Pakain kaya kita sa leon? Ang ingay mo sinabing tumahimik ka eh!"
"Weh? Kaya mong gawin yun?"
"Oo! Tse!" Sigaw niya at humalukipkip.
I have a better idea. Mainis nga muna. Ang cute niya mainis eh. Yung inis na nagmumuryot, yung nakakunot yung noo, yung parang bata?
"Bakit ka muna nagkakaganyan?" Nakangisi kong tanong sa kanya pero nagpatuloy lang siya sa pananahimik at nakasimangot na nakatitig sa view. Oo tapos na kaming kumain at nasa loob na rin ng sasakyan si Flint. Sabi ko sa kanya mauna na siya at aayusin ko lang yung 'issue' sa aming dalawa ni Lianna.
"Yung??"
"Yan. Nagmumuryot. Meron ka?"
"Wah! Perv!"
Napahalakhak ulit ako at nagpamulsa. Ngiting ngiti na ko dito dahil ang laughtrip talaga siyang inisin. "Hindi? Edi ano? Wait dahil ba saan?"
Dahil ba sa pagkausap ko sa babae?
Oo alam kong naging clingy yun masyado kanina kahit na first time palang naming magkakilala. Nag hi kasi sakin at nagtanong kung alam ko daw ba kung saan makakakita sa France ng magandang park. Eh saktong sakto napunta kami ni Lianna sa park kahapon kaya yun yung sinuggest ko sa kanya. Hindi ko naman alam na may hidden agenda pala.
Nakakausap naman kasi siya ng maayos kaya medyo nagkakwentuhan kami at yun ang naging dahilan nung pagpalo palo niya sa braso ko. Nung una wala lang sakin kasi marami naman talagang babaeng nanghahampas kapag natatawa sila. Yung tipong sadista? Kaya okay lang sakin kaso nga lang nung nag thank you siya bigla niyang sinabayan ng yakap at para sakin wala lang yun.
Kaso nga lang bigla niyang tinanong yung number ko. At doon ko na nakumpirmang type nga niya ko. Iba talaga pag gwapo.
Tapos doon dumating si Lianna. At boom, paglingon ko sa kanya oa na kung oa pero naimagine kong may dragon sa likod niya na handang handa na akong kainin. Haha! Actually nung tiningnan niya yung babae mas natakot ako. Hindi na para sakin kundi para doon sa babaeng tinaasan ng kilay si Lianna. Nung nagsalita na si Lianna at nangbara bara na siya, alam ko nang gutom siya. Haha joke. Alam ko nang nagseselos siya.
Kaso ito siya ngayon, nagpapakipot.
Sinabi ko na ngang isa siyang special someone eh. Dapat marealize na agad niyang mas pipiliin ko siya kaysa doon sa babae.
"Bakit ka ba nang iintriga? Kaano ano mo ba si tito boy?"
See? Defensive.
"Nagtatanong lang. Kasi nagtaka lang ako kung bakit galit na galit ka kanina habang kausap ko yung mestisang babae."
At umirap siya. Yung irap ng mata na parang lalabas na yung mga mata niya. Pikon na 'to.
"Duh?" Hinarap niya ako at nagpamewang. "Hindi ako nabibwisit ngayon dahil dun sa kausap mo! Naiinis lang ako dun sa pagkaing dala mo! Inuna mo pa kasi yung pag chichics bago maghatid ng pagkain! Sana ako nalang nag order!"
Tumaas ang kilay ko. "Bakit ang defensive mo?"
Napanganga siya at tinaas ang isang kamay sa dibdib na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko... Kahit totoo naman yung sinabi ko sa kanya. "Ako? Defensive? Hah! Excuse me, hindi ako defensive. Nag e-explain lang ako!"
"Sabi mo eh." Kibit balikat kong sagot.
"Why do you sound like you are not convinced?"
"Gutom lang pala ang problema mo eh bakit pati yung babae tinarayan mo?"
Pinagliitan niya ako ng mata. "Pinagtatanggol mo ba siya?"
Ngumisi ako. "Paano kung sabihin kong oo?"
I grinned after seeing her expression. Nanlaki ang butas ng ilong niya at halatang tuluyan na siyang nabad trip based sa itsura niya ngayon.
"Edi kayo na!" Sigaw niya sakin sabay flip hair at walk out. Naiwan akong tawang tawa at habang naglalakad palayo ay narinig ko pa siyang bumubulong bulong. "Di niya try mag apply na bodyguard nung babae?"
Pfft!
Sumakay na ako ng sasakyan at natagpuan si Lianna na tahimik na nakatingin sa labas. Nagsimula nang magdrive si Flint. Nanahimik nalang din ako habang nasa biyahe kasi pakiramdam ko malulunok ako ng katabi ko anytime once nagsimula ulit akong inisin o kausapin siya.
Sa kalagitnaan ng kalsada naalala ko kailangan ko nga palang bumili ng bagong relo. Nabasag kasi yung gamit ko at hanggang ngayon hindi pa ako nakakabili.
Sinabi ko kay Flint na pumunta muna kami sa magandang bilihan ng mga relo. Bumaba kami ni Lianna. Pinilit ko siyang sumama at gusto ko siya yung pumili para sakin.
"Bakit ba kasi nasira yang relo mo?" Nakairap niyang tanong.
"Nabasag ko eh." Nagpout ako pero diretso lang ang tingin niya.
Nagtuloy tuloy na kami papasok sa shop. Tumingin agad ako ng mga relo habang tahimik na nakasunod sakin si Lianna.
No offense pero hindi ganun kaganda yung mga design. Wala akong nagustuhan sa isa sa mga nakadisplay. Kaya dumiretso kami sa counter saglit at nagtanong. May tatlong babae na nakatayo at mukhang pilipino yung isa sa kanila. Siya ang nilapitan ko.
"Miss ano yung pinakamaganda niyong design ng relo?"
Ngiting ngiti na sumagot yung babae. "Wait sir. Maghahanap po kami ng mga magagandang designs para sa inyo." Sagot niya at inutusan yung iba nilang mga kasamang lalaki na maghanap. Pumasok sa storage room yung mga lalaki at hinarap naman ako ng babae. Ngiting ngiti parin siya.
"Pilipino ka rin po pala, sir."
Tumango nalang ako at ngumiti. "Oo. Nagbakasyon lang dito saglit."
"Really sir? So ano pong masasabi niyo sa France?"
"Okay naman. Marami na kaming magandang napuntahan."
Hindi ako komportableng nakipag usap sa kanya. Eh kasi naman nandito lang sa tabi si Lianna tapos ang issue niya is may kadaldalan akong babae kanina.
"Kami? Sino pong mga kasama niyo sir?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Uhh..." Pumihit ako sa right side at nakita si Lianna na walang pakielam sa mundo at naka crossed arms. Ready na yata siyang pumatay ng baboy ramo.
Kakalabitin ko na sana siya but on second thought, huwag na lang. Humarap nalang uli ako sa babae at tahimik na tinuro si Lianna at bumulong. "Siya."
Saktong sakto dumating yung mga relo. May limang naka box na inilahad sa harap ko. "Oh here you go sir."
Tiningnan ko isa isa. Pinilit kong maghanap ng magandang design pero hindi ganito ang mga tipo ko. Maganda naman kaso malayo kasi sa ganito yung mga binibili kong design. I decided to go on my last resort.
Tinusok ko ang gilid ng braso ni Lianna gamit ang hintuturo ko. She glanced at me in a boring way.
"...Patulong." Nag aalangan kong sagot. Akala ko hindi siya papayag pero agad rin namang bumaba ang tingin niya sa mga relo. Siguro mga limang segundo lang ang nakalipas at may opinyon na siya agad.
"It's too simple." Tumango ako. Hindi lang pala ako kundi pati siya.
"Ay, maam. Try niyo naman po sanang tingnan ng maayos." Suggestion nung babae sa kanya. Pero binigyan lang siya ni Lianna ng malamig na tingin.
"I know what I'm saying. Kulang sa class ang designs niyo."
Sa tingin ko medyo nairita ang babae sa kanya. Lalaban pa yata siya. Halatang hindi niya alam kung sino ang kausap niya. I pursed my lips together.
"Sorry, ma'am? But I think that's rude."
Tumikhim si Lianna. "Sorry, cheap watch seller? I don't think telling the truth sounds rude, don't you think?"
Hala ka. Galit na ang reyna. Mali.
Mas lalong nagalit ang reyna. Bwahaha- sandali puta bakit ba ako nakatayo lang dito? Diba dapat inaawat ko na sila?
"How about you sir? Since kayo naman ang bibili." Tapos tiningnan niya si Lianna. "At mukha namang kayo ang mas may alam sa totoong meaning ng class kesa sa iba diyan."
Nakita kong gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Lianna. Ngayon ko nalang ulit nakita ito, yung evil smile niya. Halatang pinagtatawanan na niya ang babae sa isip niya.
"Um..." Panimula ko at pinagmasdan muli ang mga relo. "I don't think so too. Sorry, hindi ko type."
Umikot na naman ang mata nung babae. Masama pala ang ugali niya, akala ko mabait. "Oh come on, sir. Baka naman kinakampihan niyo lang yang kasama niyo?"
Isang malaking pagkakamali ito. Kita niyo? Nilalabanan niya ang customers.
"Eh bakit hindi mo matanggap yung opinyon namin? Customers mo kami diba? Do you know respect?" Nilingon ko si Lianna. Nanlilisik na ang mga mata niya at hindi na rin siya nakangiti. Sobrang seryoso na ng boses niya at medyo tumaas na rin ang tono nito. "How did you get hired if you don't even know the basic rules in treating a customer?"
Okay lang sakin. Mali rin naman yung babae eh.
"You're judging our shop!" Sigaw din nung babae. Damn.
Humakbang si Lianna. Ang glass na pinaglalagyan ng mga nakadisplay na relo nalang ang naghihiwalay sa dalawang babae. Nakuha na rin ang atensyon ng ibang mga nagtatrabaho at pinapanood silang dalawa.
"I'll give you the judgement you're looking for."
Nakita ko sa expression ng babae na napalitan ng kaba ang expresyon niya. Hindi na siya nakasagot kay Lianna at parang napako na sa kinatatayuan niya.
Umatras si Lianna at humalukipkip. She stared at the three girls in front of us carefully. "Where is your manager?"
Binuka ng isang babaeng foreigner ang kanyang bibig. Halatang nag aalangan siyang magsalita. "M-ma'am..." Tinaasan siya ng kilay ni Lianna.
"Ma'am she's not here-"
"What's going on?"
Lumingon kaming lahat sa babaeng nagsalita. Sa itsura niya ay mukha siyang nasa early forties. Nakasalamin ito at desenteng damit. Linapitan niya kami.
"How may I help you, ma'am and sir?" Nakangiti niyang tanong. Sasagot na sana ako pero inunahan ako nung babaeng nakaaway ni Lianna.
"Nothing ma'am... Th-they're just looking for designs."
Hindi ko alam kung bakit pero sinungitan siya ng manager. "I'm not talking to you." Napatikom tuloy ang bibig niya. Saka kami binalingan ulit ng tingin nung manager. Hindi na rin nagsayang ng oras si Lianna at gaya ng lagi ay dineretsa niya agad ang issue.
"I would like to report to you about what happened between us and this rude lady here."
Kumunot ang noo ng manager. "Okay, ma'am."
Lianna asked me to tell the whole story na madali ko namang nagawa. Ngayon ay tahimik na nakayuko na yung babae.
"We sincerely apologize ma'am." Simula ng babae at nagsona sa harap naming dalawa. Sinisigurado daw niyang pagsasabihan niya yung babae at aayusin daw niya ang shop. Tahimik lang kaming nakinig. Sus naman, gusto ko lang bumili ng relo ang dami pang nangyari. Yun kasing babae eh nagsisimula ng away. Pero isa rin itong si Lianna sumaktong mainit ang ulo kaya ayan tuloy.
"What's your name again, ma'am?"
Sandaling tumigil ang paghinga ko.
Oops. Showtime.
Sa puntong ito ay sabay kaming napangisi ni Lianna. Inilahad ni Lianna ang kanyang kamay sa manager. "Lianna Xanders. Lianna Calvine Xanders."
Namilog ang mata ng lahat ng nakikinig sa usapan nila. Napakurap kurap naman ang manager. Hindi niya alam kung paano aabutin ang kamay ni Lianna. Pero bandang huli ay inabot niya rin ito agad na may malaking ngiti.
"Calvine Xanders?" Ulit ng babae.
"Yes." Tipid na sagot ni Lianna.
"Calvine and Xanders? Isn't that the surnames of the owners of Vind clothing line company?"
"She's the daughter?"
"I-I think so?"
"Are you saying that the daughter of the biggest clothing line company in the world is here?"
"I...think so?"
Nagsitigil ang mga tao sa pagbubulungan ng tapunan sila ng tingin ni Lianna. Umayos sila ng tayo.
The manager cleared her throat. Binalingan niya ako. "How about you, sir?"
"Kendric Ford Milan." Nilahad ko ang aking kamay at muli, nagulat na naman ang mga tao.
"What? I knew that name. He's the son of Illian hotels' owner."
"No way."
"Finally!" A girl shrieked in a low voice. "This shop will be famous!"
"Wait, what are they?"
"I heard they've been dating but no legal engagement yet."
Yep. That's right. No legal engagement. Pero are we dating?
Nakita kong humarap si Lianna sa babaeng nakaaway niya kani-kanina lang. Tinitigan niya ang babaeng ngayon ay hindi na alam kung paano gagalaw. Nakayuko lang siya at naka intertwine ang mga kamay.
Nilahad ni Lianna ang kanyang kamay. "Lianna Xanders. It's very nice meeting you, miss..."
"J-j-janine. Janine B-Baclas..."
Dahan dahang tinaas nung Janine ang kanyang kamay para tanggapin ang pakikipag shake hands ni Lianna. Pero pustahan tayo hindi yan tatanggapin ni Lianna.
At tama naman ako. Nung abot kamay na sana ni Janine ang kamay ni Lianna, binawi naman ni Lianna ang kamay niya. Nakita ko ang sobrang pagkahiya ng babae.
Bad girl.
"That's our brand, I see." Napansin ko kung saan nakatitig si Lianna, yun pala ay ang suot na damit nung babae. Vind ang tatak nito. Pag nga naman nagkataon. "So you're pretty rich? But I guess you didn't wear your proper uniform?"
Mas lalong napayuko ang babae. Sasagot na sana siya pero inunahan siya nung manager.
"I'm sorry. She does everything the way she wants to."
Ngumisi si Lianna. "That's very shameful."
Ehem. Ang sakit no'n. Pero sa tingin ko masyado na kaming napapatagal dito. Kailangan na naming umalis, our business here is done. Sa totoo lang wala naman kaming magandang napala.
Hinawakan ko ang braso ni Lianna at agad naman niya akong tinaasan ng kilay. "Let's go?"
Hindi niya ako sinagot but instead, she gave Janine one last look at tumalikod saka naglakad palayo. Rinig na rinig sa buong shop ang heels niya.
Sumunod nalang din ako agad. Wala na akong balak magpaalam dahil sa totoo lang, na pissed off rin ako sa service ng lugar na 'to. Lianna and I both came from a family who runs a business. That kind of attitude towards the customers is obviously, hindi maganda. Nakakainis yung pagsusungit sa amin ng babaeng yun. Lalo na yung pinangunahan niya akong kinakampihan ko lang daw si Lianna kaya ko sinasabing hindi maganda ang mga relo nila. Eh hindi naman talaga eh. But in the other way round, sure, kakampihan ko si Lianna.
"Psst." Tawag ko sa kanya ng makalabas na kami.
"Oh?" Woah sumagot na siya!
"Ang galing mo kanina." Nag smile pa ko ha. Pero tumango lang siya. Tss akala ko okay na kami. Mahirap pala siyang paamuhin ano? Linapitan ko siya.
"Hindi mo parin ba ako papansinin?"
Imbis na sagutin niya ako ay napalingon siya sa gilid at biglang umaliwalas ang mukha niya. Sinundan ko ang tingin niya pero wala akong nakita. Pumihit siya papunta sa isang direksyon at mabilis na naglakad. Anong meron?
"Lianna!" Tawag ko pero hindi niya ako pinansin. Ano ba kasi yun? Anong ginagawa niya? Nag w-walk out?
"Psst!"
Ang layo na ng narating namin. Naiwan na rin yung sasakyan at si Flint doon sa parking lot. Ano ba kasing meron? Medyo malayo na si Lianna sa kinaroroonan ko at bigla siyang lumiko sa isang street. Tumakbo ako para abutan siya kaso nga lang napatigil ako sa paglalakad sa sunod kong nakita.
Isang mahaba at masikip na kalsada na mukhang abandonado. Medyo madilim dito.
"Lianna!" Sigaw ko nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko.
Lianna
Nasaan na ba yun? Gusto kong makita! Nakaka-excite! Nawala bigla yung init ng ulo ko.
Sa loob ng street na pinasok ko ay may isa na namang daan na papuntang kaliwa at doon lumipad yung butterfly. Lumiko rin ako para sundan siya. Napakunot ang noo ko.
Nasaan na yun? Bakit biglang nawala?
Hinanap hanap ko ito sa paligid at nagbaka sakaling makikita ko pa. Nasaan na ba kasi yun bakit biglang nawala? Nandito lang siya kanina eh. Ang bilis namang lumipad ng butterfly na yu-
"Ehem." Napabalikwas ako sa boses na narinig at umikot. Wala sa sarili akong napaatras.
"Hey~" Tawag nung isang black american na mukhang gangster. Teka bakit ang dami nila? Anim silang lahat at mukhang mga basagulero pa.
Pinituhan ako ng isa at binigyan ako ng pilyong tingin mula ulo hanggang paa.
Tumingin ako sa likod ko at nanlumo sa nakita. Pader.
Dead end.
Hinarap ko ulit yung mga lalaki na palapit na ng palapit sa akin.
Lalaban nalang ako.
"What's your name?"
"Are you lost?"
"Yeah, we can accompany you."
Nasa harap ko na ang isa at nginisian niya ako. "Wanna come with us?"
Shit. Am I being cornered?
I gulped and watched them getting closer. I really am being cornered.
Tinaas niya ang kanyang isang kamay at balak sanang hawakan ang pisngi ko but I quickly grabbed his wrist.
"Woah, easy beautiful." Hindi parin natatanggal ang ngisi sa labi niya.
"She's tough." Komento ng isa pang lalaki. At bago pa may magawang mali ulit itong nasa harap ko ngayon ay tinuhod ko na siya. Nahulog siya sa floor sa lakas ng ginawa ko.
Nagulat ang lima niya pang kasama pero kinabahan ako ng sabay sabay na nila akong pinuntahan.
Naabutan ako ng isa at hinila ako pero tinuhod ko rin siya sa tagiliran at sinuntok sa mukha. Lumapit rin yung isa and shit, he pinned me against the wall. Ang higpit ng hawak niya sa dalawa kong kamay. Tinuhod ko na din siya sa pagkalalaki niya para makatakas.
Tatakbo na sana ako kaso hinarangan ulit nila ako. Galit na ang mga mukha nila na nakatingin sakin.
"S-stop!" I shouted. Sinubukan kong maging matapang. Kaya ko sana silang labanan kaso ang dami kasi nila masyado eh. Nag aral lang ako ng konti sa self defense pero hindi ko master. Ano ba itong gulong napasok ko? "I... I will call the police!"
Hindi na talaga gumagana. Ang lakas na ng tibok ng puso ko at nagsimula nang manginig at mamawis ang mga kamay ko. Ayoko pang mamatay.
Hindi pwede. Hindi pwedeng may mangyari sa aking masama. Ngayon pa? Ngayon pa na magkalapit na kami? Ngayon pa na sumasaya na ako sa buhay ko? Ngayon kung kailan nagsisimula na akong gustuhin ang araw-araw na pag gising sa umaga? I can't die now. I want to live long for someone. I wanna live long for him. I wanna live long with him.
Pero wala na. Wala na akong takas dahil nakalapit na sila. Niyakap ko nalang ang sarili ko at pumikit. Tapos naisip ko siya bigla. Hindi ko nalang namalayan... Tumulo na pala ang luha ko. I was trembling because of this overwhelming fear but I really don't know what to do.
Hey. I need you.
Narinig ko ang halakhakan nila. Nakakatakot. Ganito pala ang pakiramdam kapag napapalibutan ka ng masasamang loob.
Nangingilabot kong hinintay ang pag abot nila sa akin habang hindi ko maiwasang magtanong sa sarili kung paano ako mamamatay ngayon. At habang nakatayo ako dito ay naramdaman kong parang may kakaibang nangyayari sa paligid. Teka, bakit ang tagal naman nila akong malapitan?
Kumabog ng malakas ang puso ko sa sunod na narinig.
Dahil kung hindi ako nagkakamali, isa iyong suntok. Parang may nagsusuntukan. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tulalang nanood.
Kendric...
Siya ba talaga yan? Talaga bang nakikipagbugbugan siya para mailigtas ako?
Tuloy tuloy parin ang pagkabog ng dibdib ko. Tahimik lang akong nanood sa kanila. Si Kendric? Nananalo siya. Nananalo siya laban sa lima. Pero sandali lang, baka sakali lang na kailangan niya ng tulong.
Lumingon lingon sa paligid at swerte dahil may nakita akong mahabang kahoy. Kahit nanlalambot ay tumakbo ako papunta rito at kinuha ito saka ako tumakbo palapit sa isang lalaking nakatalikod. Hinampas ko siya sa likod at nahimatay siya bigla.
Nakawala ang isang maliit na ngiti sa labi ko sa kabila ng takot.
Hinanap ko ulit si Kendric at nakita ko siyang may dalawa pang kaaway na natira. Yung iba kasi nawalan na ng malay.
Lumapit ulit ako sa kanila at malakas na hinampas ang kahoy sa ulo nung isang lalaki na agad ring napahiga sa sahig. Pero nakatunog yung kasama niyang lalaki at linipat ang atensyon sakin. Linapitan niya ako pero hinila ni Kendric ang kanyang balikat kaya napaharap ulit ito sa kanya. Binugbog niya ito ng tuloy tuloy hanggang sa pumutok ang labi niya at dumugo. Bandang huli ay hinang hina na siyang napaupo sa sahig.
Tapos na. Natalo namin sila. Hinihingal kaming tumigil sa pag galaw. Pakiramdam ko nanlalambot na ang mga tuhod ko at mapapahiga na rin ako. Kusa ko nang nabitawan ang kahoy at bumagsak ito sa sahig na bumasag ng katahimikan sa paligid. Hinang hina kong tiningnan si Kendric at nakita ang nakamamatay niyang titig doon sa lalaking nakaupo.
Lalapitan pa sana siya ni Kendric pero mabilis ko ding hinarangan ang daan niya. I clutched his shirt tightly with my bare fist, motioning him to stop.
"Tama na tama na. Tapos na, umalis na tayo dito." Magkaharap na kami ngayon.
Napapikit ako. Unti unti akong nawalan ng enerhiya at napayuko nalang.
Naiinis ako sa sarili ko. Nasaktan kasi siya- ulit. Nasaktan na naman siya dahil sa akin.
Ang kulit kulit ko kasi. Nahirapan na naman siya ng dahil sa akin. Hindi na ako natuto.
Sobrang tahimik na ngayon pero nararamdaman ko ang tensyon sa buong lugar. Pati na rin ang tensyon na bumabalot kay Kendric ngayon. I sighed. Then sighed. And sighed again. Took another deep breath. But ended up sighing again. Uminit ang sulok ng mga mata ko at... tumulo ang luha ko. Hindi ko na napigilan. My knees trembled.
I suddenly felt his arms wrapped around me tightly. Agad na nawala ang takot ko as I felt safety and comfort pero napalitan din ito ng bumabagabag na konsensya at sakit. How can he still accept me after what just happened?
Goodness sake. We're only two. Lima sila! Paano namin nagawang talunin sila? Si Kendric? Okay lang ba siya? Nagalusan ba siya? Dumugo ba ang labi niya, nasuntok ba siya? Oo. I can't imagine him being hurt. But oh well, he got hurt right now because of me.
Hindi pa rin kumakalma si Kendric. Tumingala ako at nakita siyang masamang nakatingin sa lalaking nakaupo. Yung huli niyang binugbog na nanghina na ng sobra. Ngayon ko nalang ulit nakita ang side niyang ito, yung nagagalit. Pero this is the first time I saw something worse in him. Nakakatakot ang itsura niya, parang handa na siyang patayin yung lalaki.
Tinuro niya ang lalaki habang nagtatagis ang bagang niya. "Don't come any closer... To her."
Kumalabog ang puso ko kasabay ng sarcastic na pagtawa ng lalaki. Kendric tried getting near him again but I hugged him immediately.
"Please... Let's... Let's just get out of here." I buried my face on his chest. Takot na takot na talaga ako. "Umalis n-nalang tayo. Ayoko na dito."
Mas hinigpitan niya ang pagyakap sakin at hinaplos haplos ang likod ko. Hindi nagtagal ay nakarinig kami ng mga yapak galing sa malayo. Sabay naming liningon ang direksyon kung saan nanggagaling ang tunog at nakitang may mga pulis na dumating. Agad nilang tinutukan ng baril yung lalaking natirang gising sa kanilang lahat.
Linapitan kami ng isang pulis. "I'm lieutenant South. Are you hurt? We'll contact the ambulance for you."
Agad na tumango si Kendric at nagtanong. Humiwalay na rin ako sa kanya. "Who called you? How did you know we're the victims here?"
Oo nga noh? Paano nila nasigurong kami ang biktima eh kami ang natirang nakatayo at limang lalaki ang walang malay ngayon at sobrang nabugbog pa yung isa?
"We've been searching them for hours because of running away from jail. Luckily, somebody saw what happened here a few minutes ago and reported to us immediately."
So they're prisoners?
"I hope this does not happen again." I gazed at Kendric because of the toughness in his voice. Akala ko okay na siya pero nandoon parin yung nagagalit niyang tingin. "They almost took advantage of her."
Humingi ng sorry yung pulis. Pinagmasdan ko ang buong paligid at nakitang nakaposas na ang limang lalaki. Nginisian pa ako ng isa ng mapadaan siya sa harap namin kaya agad siyang sinipa sa tiyan ni Kendric. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya pero pagkatapos noon ay kusa na din naman siyang tumigil.
Nagpaalam na ang mga pulis sa amin at dinecline na rin namin ang ambulansya dahil parehas naming gusto nalang umuwi sa bahay. Ngayon ay dalawa nalang kaming nakatayo sa gitna ng abandonadong lugar na ito. Oo, abandonado ang area na ito. Hindi ko nga lang napansin kanina dahil busy ako sa paghahanap nung butterfly. Liningon ko si Kendric.
((Now playing: While You Were Sleeping by Brother Su and SeO))
I pursed my lips and looked down the ground dahil sa malalim na titig sa akin ni Kendric habang nakapamewang. Para akong batang naghihintay na pagalitan ng nanay niya.
I heard him sigh. "Lianna."
Hindi ako gumalaw.
"Lianna look at me." This time tumingala na ako para tingnan siya. Kung titingnan ako ngayon mula sa malayo, tingin ko namumula na ang mukha ko.
"Sorry." I whispered at yumuko na naman. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang magkabila kong braso dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya.
"Why did you come here?"
Ayoko yang tanong na yan. Huwag yan. Magmumukha akong tanga.
"Lianna? Hey answer m-
"Butterfly." Sa sagot kong yun ay kumunot ang noo niya.
"Butterfly?"
Tumango ako. Hindi ko maatim isipin na ganun lang kababa ang dahilan kung bakit nangyari ito sa amin ngayon. Kung bakit kami napunta dito ngayon. "P-paglabas natin sa shop kanina... Nakakita ako ng paru-paro. Kaya sinundan ko."
Mapakla siyang natawa na parang hindi makapaniwala. He also has a hint of irritation in his tone. "And why on earth would you do that?"
Umiwas ako ng tingin. "K-kasi... Kasi sabi nila...
"Ano? Come on tell me." Bigla siyang naging malumanay. I held my breath until I let go a sigh. Sasabihin ko nalang. Bahala na. "Kasi sabi nila kapag daw nasa isang lugar ka na first time mo lang nakapunta at nakakita ka ng butterfly sundan mo daw yun. Kasi dadalhin ka daw niya sa isang magandang lugar."
I bit my lower lip at dahan dahang tumingala. Gusto kong makita ang reaksyon niya. Nagtama ang mga tingin namin at nakita ko siyang...
..nakanganga.
I gulped. Sa sobrang hindi na alam ang irereact, nagsmile nalang ako sa kanya na kita pa ang ipin. Yung ngiti na yung bibig lang ang nakangiti, hindi kasama ang mata. In short, pilit.
Napakurap ako ng marinig ang tawa niya. Ako naman ngayon ang naguluhan. Sumimangot ako habang siya ay tuluyan nang napahalakhak. Napapayuko na nga siya eh, parang sumasakit na yung tiyan niya kakatawa. Mabilaukan sana siya.
I rolled my eyes. Kagigil.
"Are you damn serious lady?" Natatawa parin niyang saad. "Ang galing hahaha! Para kang bata!" Then he chuckled.
Tuluyan na akong napapikit. Sarap niyang sakalin. Kainis.
"Teka, anong kulay ba ng paru-paro na yan ha?"
Napaisip ako. "B-b...black." I can't help but to stutter nang marealize na itim nga ang paru-paro kanina. Aish! Pero teka, totoo ba kasi yun? Porque itim yung butterfly ibig sabihin agad malas?
Kinagat niya ang ibabang labi dahil sa pagpigil na naman sa pagtawa. Nasa bulsa niya ang kanyang isang kamay at ang isa naman ay ginamit niya sa pag gulo sa buhok ko.
"Kaya naman pala eh. Hahaha!"
I can't help but to pout. Hindi ko alam kung saan ako naiinis. Dahil sa kahihiyang ginawa ko o dahil sa pag gulo niya sa buhok ko. Arrrgh!
Ilang segundo ang nakalipas at mabilis rin siyang naka get over sa pagiging masiyahin niya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. He sighed.
"Lianna, don't do that again, okay?"
Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya'y nakita ko kung gaano karaming sugat ang inabot niya galing sa pakikipag away kanina. Guilt suddenly attacked me again. Tahimik akong tumango tango at napayuko nalang.
"Paano kung wala ako kanina? Kung isa hanggang tatlong lalaki lang yung nandoon kanina ayos lang sana kasi sigurado madedepensahan mo pa ang sarili mo sa kanila. Kaso ang dami nila eh. Paano kung napahamak ka?"
Tama siya. Hay. Ako ba talaga si Lianna Xanders? Bakit ba ang careless ko bigla? Nadala lang naman kasi ako sa paniniwala nung iba na pag may first time kang pinuntahan na lugar at nakakita ka ng buttefly, dadalhin ka ng butterfly sa isang magandang lugar kapag sinundan mo siya. Bakit naman kasi dito pa? Nasaang parte ng lugar na 'to ang maganda? Malas talaga yang itim na yan.
"Talk to me. Hindi ako galit." He suddenly touched my chin gently and made me look at him. "Nag aalala lang ako."
Sandali kaming natahimik.
At hindi ko din alam kung bakit pero nagsimulang tumulo ang luha ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at hinampas siya sa dibdib.
"Nakakainis." Panimula ko. "Para kasi akong bata. Ang careless careless ko. Tingnan mo. Nasaktan ka pa. Nabugbog ka pa. Kailangan pa natin maranasan yung ganito ngayon kung kailan naman dapat ine-enjoy lang natin yung oras. Ang gulo gulo ko kasi." Pabulong ko nalang na nabigkas ang huling sinabi ko dahil nagsimula na akong humikbi.
Niyakap niya ako. "No. Don't say that. Wala namang may gusto na ito yung dadatnan natin. Wag ka nang umiyak, please? Hindi ako nasaktan. Nasugatan lang ako pero gwapo pa din ako."
Susubukan niya pang magjoke eh hindi naman effective!
"Natakot ako kanina. S-sabi ko... hindi nila ako pwedeng makuha. Marami pa akong gustong g-gawin. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa akin lalo na't nagsisimula na akong m-makita kung gaano pala kasarap mabuhay ng masaya. Kaso h-hindi ko na alam kung paano makakatakas sa kanila kanina. Akala ko hindi mo na ako sinundan. Akala ko hinayaan mo nalang ako. I thought you already l-left me on my o-
"Sshh." Tumikom ang bibig ko sa pagpapatahan niya. "Ito ang tandaan mo. I'm not going to leave you alone. Okay?"
Bumitaw kami sa pagkakayakap at hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Sa totoo lang hiyang-hiya na ako sa itsura ko dahil sigurado namumula na ang mukha ko ng todo niyan.
"Lianna. You should remember this from me."
Tahimik kaming nagtitigan. Ang ganda ng dark brown eyes niya na parang kinakausap ka kahit wala pa naman talaga siyang sinasabi. I don't know how it happened but the longer I stare at him, mas gumagaan ng gumagaan ang pakiramdam ko. Nawala ang takot na kanina ko pa iniiyak. Napakurap ako ng higpitan niya ang paghawak sa mga kamay ko.
"Remember this." He repeated. "Lianna, there's no reason for me to leave you... you are worth keeping for. Lianna, hindi kita iiwang mag isa."
He gently caressed my hair.
"I will never leave you. Get it?"
Napakagat ako sa ibabang labi ko at mahinang tumango. I whispered to answer. "I get it."
ווווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top