Sixteen: Celebration (3)
Hold on I promise it gets brighter
When it rains, I'll hold you even tighter
I won't go another day without you
- Without You
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Kendric
6:00 p.m.
*Phone rings*
"Hmm.."
Walang magulo masarap tulog ko.
*Phone rings*
Puta naman.
*Phone rings*
Isa nalang talaga susunugin ko yang teleponong yan.
*Phone rings*
That's it!
I picked up the phone and answered without reading the caller's ID.
"Tangina ano ba??"
[Oh sige magmurahan tayo game ako.]
Napabalikwas ako kasabay ng pagkawala ng antok nang marinig ang boses ni Lianna.
"Ay hindi sorry po ma'am— este Lianna. Sorry..."
Kinusot kusot ko ang kaliwang mata ko habang binabasa ang oras sa bedside table. 6:01 pm.
[Tsk. Bakit ka ba nagsusungit?]
6:01 pm.
Uminit bigla ang ulo ko. Umupo ako sa gilid ng higaan at nakasimangot na sumagot. Hindi ko na nakontrol ang pagiiba ng boses.
"Gabi na ah? Nasaan ka?"
Hindi siya sumagot.
"Parang walang nangyaring gulo dati ano? Bakit hindi ka pa umuuwi? Ano ba, Lianna? Gusto mo bang mapahamak na naman?"
[Ano? Ano bang pinagsasabi mo?]
Ginulo ko ang buhok ko dala ng frustration. Nakatulog nga ako pero pagkagising naman siya agad yung naalala ko. Hahanapin ko palang siya pero tumawag na nga agad siya sakin. Pero bakit ba late siyang umuwi? Nakakainis lang eh.
"Ano bang ginagawa mo? Umuwi ka na! Paano kung may mangyari na naman sayo?"
[Teka lang. Bakit ka ba nagagalit? Kanina ka pa ah? Tiyaka ano ba nasa safe na lugar ako. At kasama ko si Flint.] Pati siya naiirita na rin base sa boses niya.
"Umuwi ka na." Diniin ko ang bawat salitang sinabi ko. Huwag na kasi sabing makulit! Mas lalo lang akong nag aalala. At bakit ba mas takot pa ako para sa kanya? Yung katapangan niya talaga lagpas hanggang kalawakan. Nakakainis!
She laughed sarcastically. [ Oh my god. Can't you just wait? Ito na oh paparating na kami diyan. Hindi mo kasi ako pinagsasalita eh!]
Nawala ang pagkunot ng noo ko.
"Pauwi ka na?"
Bumuntong hininga muna siya bago ituloy ang sinasabi niya, sa pagkakataong ito ay nawala na ang inis niyang boses.
[Kaya kita tinawagan kasi gusto kong tanungin kung nagbihis ka na ba? Kaso hindi ko na itatanong dahil malakas ang pakiramdam kong you are not yet ready.] I bit my lip. [Tama ba?]
I sighed in defeat at aminado na rin sa naging kasalanan ko. "Oo na. Sorry. Nakatulog kasi ako."
[Magready ka na may pupuntahan tayo. Kakain tayo sa labas.]
"Saan ba kasi yan? Oras na oh. 'Di ka pa ba nagsawa kakalabas? Bakit aalis na naman tayo?"
Nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng mahina sa kabilang linya.
[Para ka namang bata. Sigina Kendric huwag ka nang makulit at magbihis ka na okay?]
Mangangatwiran pa dapat ako eh. But her soft voice and laugh overpowered me. I don't know why but in the end I just smiled to myself. Bandang huli napapayag na rin niya akong magbihis.
[Okay, see you!] Masigla niyang pamamaalam at in-end na ang call.
Tinitigan ko lang ang phone pagkababa ko nito mula sa tenga ko. "Pfft. cute." Pa-iling iling kong bulong at tumayo sa kama.
Nagsimula na akong mag ayos at dahil nga paparating na si Lianna ay binilisan ko ang pagkilos. Mamaya masigawan na naman niya ako, naka ilang away na ba kami ngayong araw na 'to? Ayoko nang madagdagan pa at masyado na akong maraming kamalasang nakuha ngayon mismong birthday ko.
Nang okay na ang lahat ay bumaba na ako at naghintay sa garden. Paglabas pa lang ay bumungad na sakin ang katahimikan at ang dilim. Yung mga lamppost sa gilid at mga ilaw sa loob ng bahay lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Umupo ako sa bench at nag cellphone muna para libangin ang sarili ko.
I surfed on the internet at binasa ang ibang birthday messages sakin ng mga tao mula sa iba't ibang sites. Hindi ko naman sila kayang replyan lahat dahil sobrang dami talaga nila. Yung kaninang 5,000 dumoble na. Hindi ko na alam kung paano magpapasalamat.
Nagsimula akong magtype sa facebook at nagpost ng status.
[Thank you sa lahat ng nag greet! Pasensya na hindi ko kayo mareplyan ang dami niyo kasi talaga hahaha. Pero anyway thanks ulit!]
Pagkaraan ng ilang segundo ay may naglike at comment na agad. Tapos may sumunod, tapos sunod sunod na sila. Tsk. Ang gwapo ko talaga!
Nag scroll down ako para basahin ang iba sa mga ito. Ang daming babaeng kinikilig. May mga lalaki namang nag greet ulit. Kasama yung mga ka-team ko sa basketball at pati yung iba pang varsity. Pero may ilang comments na napukaw ang atensyon ko.
[Jane: Excuse me naghihintay ng reply sa'yo ang kaibigan namin.]
[Olivia: Boi alam naming peymus ka at aatakihin kami dito ng fangirls mo pero nakakainis pa rin ha. Hinihintay ka ni Celine.]
Napanganga ako. Putcha ano 'to? At bakit dito nila ako kinakausap tungkol diyan?
Sila yung mga kaibigan ni Celine. Nakakausap ko sila palagi dahil kay Celine at okay naman kami. Pero mukhang galit yata sila sakin ngayon.
Pabagsak na linapag ko ang phone sa mini table dito sa harap ko and pursed my lips together. Sumandal ako sa bench at nagbuga ng hangin.
Kung hindi ako nagkakamali, isang gulo ang magaganap dahil sa comments nilang yan. Why? First they want me to talk to Celine. Na ayaw ng ibang estudyante dahil hindi nila gusto si Celine para sakin. And second, maraming mahilig mang away sa academy namin. Sigurado ako hindi ito palalampasin. Oo, ganyan kaliit na bagay, pinapalaki nila.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay napatingin ako sa phone at hinablot ito ng sunod sunod na tunog ang narinig ko galing dito.
Fuck. Sinasabi na nga ba.
[Lorraine: Can't you both just shut up?! He doesn't need to reply they fucking broke up already! Shit.]
[Jen: Listen bitches, kasama na ni Kendric ngayon ang taong mas deserve niya. Go away shoo!]
[Shan: Right. And they have this kakaibang chemistry na hindi katulad nung sila pa ng bestfriend niyo. Duh gising gising na.]
[Olivia: Lol hindi sila magkasama ngayon dahil gusto ni Kendric. Pinilit lang siya!]
[Shan: Oh my god how dare you say that to the queen bee? Wala ka talagang manners?!]
[Jane: Tangina eh sa pinilit lang siya eh! Pakielamera kasi yang queen bee niyo! Mga gago.]
Kumunot ang noo ko sa huli kong nabasa dahil hindi ko gusto ang sinabi ni Jane. Wala siyang alam sa kwento pero tinatawag niyang pakielamera si Lianna. Ano bang problema niya?
Pero masama rin ang loob ko sa nabasa kong reply ni Lorraine. Bakit kailangan niya pang ipangalandakang nag break kami ni Celine?
Fuck. Pakiramdam ko mali na nagpost pa ako.
Tiningnan ko ulit yung comment box at nakita yung pangalan ni Wayne at Hyen.
[Wayne: Tama na ladies. Nakakahiya sa nagpost.]
[Hyen: Huwag kayo dito magkakalat.]
Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin kong doon na nagtapos ang usapan ng mga babaeng yun. Ang dami rin nga palang likes nung comments nung dalawa. Buti nalang maaasahan ko sila.
Suko na ako. Ayoko nang mag social media. Tingnan niyo nga wala pang sampung minutong nag facebook ako nagkagulo na naman agad. Ano nalang kaya ang mangyayari kila Olivia at Jane sa academy bukas? Iniisip ko palang yung mga estudyante doon naiimagine ko na agad yung mga pumapatay nilang tingin tuwing may sumusubok sumira sa amin ni Lianna. And definitely si Celine ang unang unang aatakihin kahit wala naman siya sa nangyari ngayon.
Puta. Nadamay pa si Celine.
"Hay buhay." Nanghihina at medyo inis kong bulong. I collapsed on my seat at tinatamad na naghanap ng music sa phone ko. Magpapakanta nalang ako.
I scrolled and found a song that I think nakaka relate ako ngayon. I clicked it and started listening while closing my eyes para makapagpahinga ako saglit habang nakikinig. Paris by chainsmokers ang napili ko.
I don't know if it's fair but I thought 'How could I let you fall by yourself while I'm wasted with someone else'"
Nagpatuloy ang kanta habang komportable akong naka sandal.
Tama naman diba? Nakakarelate talaga ako sa kantang 'to. We were right now in Paris. And I don't know if it is fair for her to stay with me even though I'm not yet fully recovered from Celine. I'm still wasted with someone else.
Aminado ako. Naaapektuhan pa rin ako kay Celine. Mahal na mahal ko kasi siya at hindi madaling kalimutan ang isang relasyong matagal mo nang inalagaan. Itinanim ko sa utak at puso kong hinding hindi kami magkakahiwalay. Sabi ko siya ang pakakasalan ko. Sabi ko siya ang ihaharap ko sa altar. Na tatalunin naming dalawa ang lahat ng haharang sa daan namin. Na siya lang palagi. Pero bandang huli napunta din sa wala. Natapos lang din kami.
At ngayong tapos na, tapos na. I need to move on. Kasi tapos na.
Then biglang may dumating na bago. Si Lianna. Kumbaga dumating ang bagong siya. Ang bagong siya na hindi ko naman inakalang magbibigay pala sakin ng kakaibang saya. If you'll ask me kung ano ang pinaka gusto kong nangyari sa aming dalawa ay nang magkalapit na ang loob namin at kinaya na naming maging casual sa isa't isa na parang normal na magkaibigan lang.
Pero may nagpagulo sa isip ko habang kasama ko siya.
Yung kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Nawawala siya, nagpapanic ako. Nagkakalapit kaming dalawa, kinakabahan ako. At siya... siya ang nag iisang babaeng pinakitaan ko ng totoong ako. Makulit ako sa harap niya, pinapakita ko sa kanya kapag gusto kong tumawa ng tumawa na parang baliw.
Oo, siya ang una. If you're asking how, simple lang ang sagot ko.
Yes I do love Celine. At ang tagal na naming magkasama. Nagkukulitan kami, nagtatawanan. Pero kasi may part pa rin sakin hanggang ngayon na hindi ko maipakita sa kanya.
Yung ganito. Yung para akong bata kung gumalaw. Hindi naman kasi ako ganito sa harap niya. Kahit na may mga ugali akong hindi ko pinapakita sa iba at siya lang ang nakakaalam, my childishness is an exception. Natatakot kasi ako.
Natatakot ako na baka kapag nakita niyang ang kulit kulit ko pala masyado, isipin niya I am not mature enough. O kaya ma-turn off siya sakin.
My child-like attitude is that one thing in me that she never knew.
Kaya nga ganun ganun nalang ang gulat ko ng marealize na naipakita ko agad ang side kong iyon kay Lianna ng walang kahirap hirap. And she accepts me even with that kind of attitude. I'm a bad guy, but I still kinda act like a little boy sometimes.
I am who I am whenever she's beside me.
Nag next na ang kanta nung matapos ang Paris ng chainsmokers. Bahagya akong napangiti nang marinig ang sumunod.
I Like Me Better. Yeah right.
"To be young and in love in New York City
To not know who I am but still know that I'm good long as you're here with me"
To not know who I am but still know that I'm good long as you're here with me. I smiled as I repeat this line in my head. I enjoyed the song until I reached its chorus.
Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng gate sa kalagitnaan ng kanta. Hindi ko binuksan ang mga mata ko at ginawa ang mahinang pag head bang para sabayan ang beat.
"I don't know what it is but I got that feeling
Waking up in this bed next to you swear the room
Yeah, it got no ceiling
If we lay, let the day just pass us by
I might get to too much talking
I might have to tell you something"
Ilang segundo ang nakalipas at naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa ulo ko.
She's here.
Hindi ko ito pinansin at nanatiling nakapikit. Naiimagine ko na siyang nakasimangot ngayon. Haha!
Tinawag niya ang pangalan ko. "Kendric Milan!"
I finally opened my eyes and silently stared deeply at her.
"Damn,
I like me better when I'm with you
I like me better when I'm with you
I knew from the first time, I'd stay for a long time 'cause
I like me better when
I like me better when I'm with you"
Sakto.
I smiled sweetly at this girl who stood frozen in her place. Isang ngiting nagsasabing 'para sa'yo ang kantang iyon.'
I stood up and stopped the song. I inserted my phone in my pocket at liningon siya. "Tara?" Nagpamulsa ako at nagsimulang maglakad palayo.
Nakailang hakbang na ako pero napansin kong wala akong naririnig na sumusunod sakin. Umikot ako at nakitang hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto niya. I sighed and just watched. Maya-maya ay marahan niyang hinilamos ang kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay as she took a very deep breath.
Bakit para siyang kinakabahan?
Lianna
Bigla na naman akong inatake ng kaba pagkatapos kong makipagtitigan sa kanya. Bakit kasi siya ganun? Ang seryoso ng tingin niya sakin, dinagdagan niya pa ng isang magandang ngiti.
Oh my god I think I'm dying.
Ito na kasi yun eh. Ready na yung surprise! Pupunta nalang kami doon tapos makikita na niya yung hinanda ko.
May konting pagkain at may cake rin doon para sa kanya. Pinalibutan namin yung paligid ng gold christmas lights na isinabit namin sa puno. Yun lang. Tiyaka pala may campfire sa gitna kasi medyo malamig yung panahon. Tapos inassemble namin ni Flint yung malaking tent na giveaway para sa mga mag s-stay sa forest na yun.
I took a deep breath again. Kaya ko ito. Sana magustuhan niya.
Naramdaman ko ang biglaang paghawak sakin sa wrist ko. Liningon ko kung sino ang may ari nung kamay at nakita si Kendric na seryosong nakatingin sakin. But then his expression suddenly changed, he gave me a wide grin at marahan akong hinila palabas ng gate. Pinauna niya akong sumakay nang makaabot kami sa sasakyan.
Tahimik lang sa loob ng daan. Walang nagsasalita. Pati si Kendric tahimik lang at hindi ko alam kung bakit.
I hugged myself while staring outside the window. Kinakabahan talaga ako kahit anong gawin at isipin ko. I am even getting goosebumps every time I remember I made a surprise for him and we're now on our way for him to finally see it.
"Where are we heading to?" Biglang tanong ni Kendric.
"U-uh... Sa r-restaurant. Nakalimutan ko yung pangalan eh pero alam ni Flint kung saan."
Binalingan niya si Flint. "Is it good there?"
"Yes sir. Wait and see, it's a very beautiful place." Sagot niya sabay tingin sakin mula sa rear mirror.
Fudge what will I say? I know he won't stop asking me.
Ah alam ko na. Matutulog nalang ako kunwari.
Sumandal ako at ginilid ang ulo ko saka pumikit. Yes. Hindi na niya ako guguluhin.
Nagulat ako ng may humawak sa braso ko at marahan akong hinila. Napatingin ako kay Kendric sa gulat but the next thing I know he already layed my head on his shoulder.
Smooth.
Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako. "Huwag ka nang umangal. Sigurado akong pagod ka kaya hayaan mo na munang nakasandal ka sakin."
I released my breath that has been held for seconds. I cleared my throat at tumango tango na lang.
Bitch I'm staying here forever.
Pinikit ko na ang mga mata ko. Laying on his shoulder is too comfortable that I almost drifted to sleep immediately.
Hindi naman ako literal na tulog. Yung parang nakapikit lang pero half awake pa rin ako. At nararamdaman ko ngayon ang paglaro ni Kendric sa buhok ko. Tuwing didikit ang kamay niya sa ulo ko ay parang kuryenteng kumikiliti sakin.
Shit. Why is he even doing this?
After a couple of minutes I felt him stop caressing my head at kinuha ang tumunog niyang cellphone. May tumatawag.
"Hello?" Panimula niya.
Dahil malapit lang ako kay Kendric ay narinig ko din ang boses nung kausap niya sa kabilang linya. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko si Vino yun.
[Tol pinagtutulungan ng mga tao dito yung grupo nila. Nandito kami sa academy ngayon.]
Ha? Sinong grupo?
"Sino?" Tanong ni Kendric. Nagulat ako ng sabihin ni Vino na si Celine daw, grupo daw ni Celine. Ibig sabihin, sila Olivia, Jane, Abigail and Celine?
Huwag silang nagloloko ng ganyan. It's just one am in the Philippines right now kaya paanong nasa school sila?
"What? Vino anong oras na diyan?" Tanong ni Kendric na puno rin ng pagkagulo.
[Yes I know it's too early. one am palang dito ngayon. Pero nagkaroon ng call sa academy ang mga students. Tangina sagad. Pinapunta nila sila Celine ngayong madaling araw para lang i-bully dahil sa pakikipagsagutan ni Jane at Olivia! Maraming nakatanggap ng balita kaya maraming nandito ngayon sa court.]
What the freaking hell? Are they really... doing that?
"Ano?!" Sigaw ni Kendric at medyo napagalaw siya ng konti. Hinawakan niya yung ulo ko para ayusin ang pagkakahiga ko kasi akala niya yata talaga ay nakatulog na ako sa balikat niya. Pabulong siyang nagpatuloy sa pananalita. "Bakit pumunta sila?"
[Ikaw naman parang hindi mo alam patakaran sa school eh. Siyempre baka mamaya mas malala yung gagawin ng ibang students sa kanilang apat kapag hindi sila pumunta, natakot siguro. Kami rin narinig namin yung trip ng mga bullies dito kaya napapunta kami ng wala sa oras. Pero tol paano na?]
Totoo nga. Pero paanong— anong nangyari? Paanong nagsimula yan? Si Olivia at Jane nakipagsagutan? Kanino at saan tiyaka kailan? Wala naman akong nabalitaan.
"What the heck." Kendric cussed silently. "I knew it. Hindi niyo ba makontrol? Kayang kaya niyo nang apat yan sumusunod naman sila sa inyo eh. Pati yung mga kaibigan ni Lianna."
[Eh bro yun nga ang problema. Hindi nila pinipigilan. Nanonood sila ngayon.]
"Ano? Nanonood?" Naguguluhang tanong ni Kendric.
[Binubuhusan ng tubig, binabato ng kung anu-ano at sinisigawan. Anong gagawin namin?]
Kusang dumilat ang mga mata ko. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
"Tell them to stop right n—"
Bago pa matapos ni Kendric ang sinasabi niya ay inagaw ko na ang phone mula sa kanya. I sat straight on my seat. "Hello Vino?"
[Huh? Lianna? Ikaw ba yan?]
"Yes it's me. What's happening?" Takang taka kong tanong. I heard him groan out of frustration.
[Itanong mo nalang kay Kendric kung paano nagsimula yung gulong 'to. Pero ang masasabi ko lang sa ngayon, mukhang nag e-enjoy na yung mga taong pahirapan sila... sila ano... s-sila Celine.]
Napapikit ako. "Okay, wait a minute. Kakausapin ko lang si Kendric pero huwag mong papatayin itong call. And please find my friends immediately and give them straight this damn phone." Linayo ko ang phone mula sa tenga at liningon si Kendric. "What happened?"
"Akala ko tulog ka." Ani Kendric at yumuko na parang may malalim na iniisip, then after a few seconds he finally looked back. "I don't know how to tell you this..." He said with a hint of hesitation on his face and in his voice. I nodded to tell him that it's okay. Bandang huli ay kinuha niya din ang phone niya at parang may hinahanap. Then he showed me a message.
"Basahin mo." Ani Kendric. I read it and the message said happy birthday.
Si Celine ang nagsend.
"K-kailan yan?" Kinabahan ko biglang tanong.
Kinabahan ako dahil sa nalaman kong bigla palang nagparamdam ang isang Celine Torres kay Kendric. Nagparamdam sa kanya yung taong minahal niya ng sobra dati... at hindi ko alam kung dati lang ba. His feelings for her wasn't a joke and it is the only thing which scares me to death.
"Kanina." Tahimik niyang sagot.
"Bakit wala kang reply?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot sa halip ay hinarap niya ulit sakin yung phone niya. Sa facebook naman ito ngayon. I read everything and was completely shocked.
"Ginawa nila yan??" 'Di ko maiwasang magulat sa mga pinagsasabi ni Olivia at Jane at pati na rin sa pakikipag away nila sa ibang students. Actually kasi, ang buong grupo nila Celine ay isa sa mga estudyanteng mabababa sa Leone Academy. Kumbaga sila ang utusan, hindi pinapansin, out of place o kumbaga mga estudyanteng hindi tinatrato ng maayos ng kapwa nila estudyante. Dahil ang Leone Academy ay isang paaralang hindi biro ang mga binabayarang pera. And we had this kind of different quality na hindi makikita sa ibang paaralan. In short, may unspoken rule na mga mayayamang students lang ang pwedeng mag aral dito.
Kaya ganun ganun nalang kung tapak tapakan sila Celine. Wala kasi silang mga laban. Nakapasok lang si Jane at Abigail ng Leone Academy dahil canteen staff ang parents nilang dalawa doon. Nakapasok naman si Olivia dahil lang sa pagpapaaral sa kanya ng orphanage na sumusustento sa kanya, yes she is an orphan. Matalino daw kasi siya kaya nagdesisyon silang ipasok siya sa school na ito para hindi masayang ang magandang kinabukasan daw niya. At si Celine? Dahil dating teacher ang lolo niya dito. So that's it. That's their reasons.
At hindi magiging sapat ang mga rasong iyon para makuha nila ang loob ng mga estudyante. Dahil pera lang ang katapat ng lahat.
[Lianna? Hello?] Narinig ko si Mia mula sa kabilang linya. Itinapat ko sa tenga ko ang phone at binulyawan siya.
"What the hell are you guys doing?!"
[What 'what are we doing'? Pinapanood silang pinapahirapan cause they deserve this? Pabibo kasi eh. At tiyaka don't be angry at us! Labas kami sa gulong yan]
"Can you please just stop blabbering and help the guys to stop that idiotic nonsense? Do it right now!"
[Okay fooiiine! Pero teka nga, bakit parang ayaw mo na yatang pinapahirapan si Celine ngayon? Bagong buhay na ba? Hahaha!]
Wala naman talaga sana akong pakielam sa babaeng yun eh kaso kung titingnan si Kendric ngayon halatang sobra siyang nag aalala. Hahayaan ko ba namang mangyari iyon ngayong araw ng birthday niya?
"Basta just stop them. Kayo na ang bahala sa kung anong gusto niyong gawin sa mga pasimuno ng gulong yan pero huwag kayong makikipag patayan."
Nakita ko ang pagtingin sakin ni Kendric kaya liningon ko rin siya. His eyes are almost pleading for something pero hindi ako sigurado kung ano yun. He avoided his gaze and glanced outside the window habang paulit ulit na pinapadaan ang kamay sa buhok niya.
[Okay! Bye—
"Wait!" Wala sa sarili kong naisigaw. Napatingin si Kendric sakin. We are now both staring at each other. Lumunok ako.
I think I know why he looks uncomfortable.
"W-we want to make sure... na tumigil na sila." Nag aalinlangan kong sabi. Sa tingin ko kasi yun ang gustong gawin ni Kendric pero hindi niya lang masabi sakin. Gusto niyang siya mismo ang makaalam na okay na sila Celine. Na hindi na siya pinagkakaisahan. "Gumawa ka ng paraan para makasiguro kami."
[What? Why?]
"Just stop them immediately!" Sigaw ko sabay iwas ng tingin. What the hell. I'm doing a favor for the girl I hate just for the guy I love. When will we get over this stage?
[Nasabihan ko na si Vino.] Panimula ni Mia. I clicked the speaker button para parehas naming marinig. [Papunta na silang apat sa pwesto nila Celine sa gitna ng court ngayon. Sandali lang.]
Naghintay lang kami ng ilang segundo at nagsalita na ulit si Mia. Pansin rin naming dalawa ang biglang paglaho ng ingay sa paligid ni Mia mula sa kabilang linya.
[Sandali lang. Tinatakot nila yung mga estudyante. Umalis na yung iba pero yung iba ayaw pa rin magpaawat. Wait susunod na kami, I think they are not enough kasi nakikita kami ng mga taong nanonood lang dito. Akala siguro nung mga bullies kampi kami sa kanila.]
"Hindi ba?" Sarkastiko kong tanong at natawa lang siya. [Oo. Kanina.]
Sa tingin ko naglalakad na sila ngayon. [Nandito sila Phiara sa likod ko kausapin mo muna. Heyy Phiara hawakan mo 'tong phone nandyan si Lianna.]
[Heyyy!] Sigaw niya sa telepono.
"Hey." Bati ko rin.
[Ano ba Kath ako muna! Lumayo ka nga—]
[Hi bestiee~~] Boses naman ito ni Kath ngayon. Anubayan napakagulo nila. Tinanggal ko muna ang pagkakaloud speaker ng phone. Tinapat ko ang phone sa tenga ko at ang unang una kong narinig ay ang pag aaway ng mga kaibigan ko.
[Huuuy ano ba Jodie! Leche ka muntik nang mahulog itong phone ni Vino sige manulak ka pa!!] - Kath
[Wah soorry! Pero okay lang mayaman naman siya. Pahiram muna kasi kakausapin ko si Lianna!] - Jodie
"Kayong dalawa nga diyan magsi-ayos kayo para kayong mga bata. Ano nang nangyayari?" Inis kong tanong sa kanila.
[Ah hehehe. Actually tahimik na buong court ngayon at kami nalang ang magulo dito pero hindi naman kami napapansin kasi may eksenang nagaganap.] - Kath
"Ha? Anong eksena na naman?"
[Yung iba kasi ayaw talaga magpapigil eh. Nakikipagsagutan sila Vino dun sa gitna oh.] - Kath
Ni-loud speaker ko na ulit yung phone. "Pakausap ako sa isa sa boys."
[Okay wait. Actually katabi na namin sila ngayon. Ito si Hyen gusto ka makausap.] Ani Kath at maya maya lang ay narinig ko na ang boses ni Hyen. Parang galit ito.
[Lianna? Where's Kendric?]
"Sige naririnig ka naming dalawa ngayon magsalita ka na."
[Okay.] He sighed. [Kendric, ayaw tumigil ng ibang students kasi akala nila walang kaso kay Lianna ang ginagawa nila. Hello, naririnig niyo ba akong dalawa? Si Jane inalalayan na ng iba niyang classmates after getting hit on the back of her head with a basketball. This is chaos, seriously.]
"What? Hinimatay siya?" Gulat na tanong ni Kendric.
[Unfortunately, yes. But don't worry wala nang malalang nangyari doon sa tatlo. Nadumihan lang sila at nagalusan but that's it.]
I closed my eyes out of anger. "Hyen." I called out.
[Yeah?]
"List the names of those fucking lunatics and punish them with one month community service. Lahat ng nangbato at nanakit sa apat na yun. Madami sila, right?"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang bulungan ng mga tao sa paligid. I heard some words right.
Hala nagmura siya. Humanda kayo bullies.
Oh my gosh what should happen next?
[Yep. Almost half of this school's population.] Sagot ni Hyen sakin.
"Great. Gusto ko yung tipong hindi na magtatrabaho ang staffs every break time ng batch natin. Tuwing break time, hindi sila kakain o magwawalwal. I. Want them. Working. And serving. For all of you out there. Kahit anong trabaho ang piliin nila wala akong pakielam. Kahit mag away away pa sila. Just make them work for the whole academy every free time. Sa canteen, sa banyo, sa grounds, sa hallways. Lahat. Ang maiiwan lang na nagtatrabaho ay ang security guards. Is that clear?"
[Narinig niyo yun?] Tanong ni Hyen at sa tingin ko para iyon sa mga kasama nila ngayon sa court. [Sure, Lianna. Should we do it right now? Yun lang ba?]
"And make sure wala nang gugulo sa apat na babaeng yun. Kung sino man ang magbalak, kick out ang katapat nila. Tell 'em that."
Natawa si Hyen at narinig ko rin ang hagikgikan nila Wayne. [Nice one. Narinig na nila.] Ani Hyen at tumawa ulit. Mukhang naka loud speaker din siya ngayon.
Flint suddenly spoke out of nowhere.
"Lianna. We're already here."
Bahagyang nanlaki ang mata ko at napatingin sa labas ng bintana. Kumabog ng malakas ang puso ko.
Don't tell me... That we're actually here??
No... way... No. Way!
Hindi pa ako ready! Masyado akong nadala dito sa nangyari at hindi ko na namalayang nakarating na pala kami. And now we're here, isa lang ang ibig sabihin nito.
Makikita na niya ang surprise ko para sa kanya.
"O-okay. Hyen? Hyen you still there?"
[Still here.]
"P-paalis na kami. Ito si Kendric kausapin mo."
Binalik ko na kay Kendric ang phone niya at inayos ang sarili ko. Lumabas ako agad ng sasakyan at pinagmasdan ang lalakaran namin. Walang masyadong sasakyan at konti lang ang mga lamp post kaya parang nasa liblib kami na lugar. Kung bigla ka nalang mapapadpad dito, matatakot ka. Pero inexplain sa akin ni Flint na kasama daw iyon sa venue. Para hindi mag e-expect yung mga pupunta na may magandang forest pala sa kabila ng kadiliman dito.
Bahagya akong napatalon nang isara ni Kendric ang pinto ng kotse. Nagsimula na kaming maglakad at dahil nauna si Kendric sakin ay ginamit itong pagkakataon ni Flint. Binaba niya ang bintana at binigyan ako ng thumbs up.
I responded with a half smile. Pumihit ako paharap at lumapit kay Kendric. Bumusina na si Flint at pinanood namin siyang makalayo.
"Did he just called you by your name?"
"U-huh. Okay lang naman sakin." Sagot ko habang diretso lang ang tingin. Pagkatapos noon ay bigla na lamang tumahimik habang bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ko.
Sa sobrang kaba ko ay wala sa sarili akong napakapit sa pulso ni Kendric. I heard him chuckle. Tiningnan ko siya.
"Bakit ba tayo nandito? Ang dilim dilim. Nasaan yung restaurant?"
I pursed my lips together. Binuka ko ang bibig ko para sana may masabi pero sinara ko din ito agad nang walang lumabas na salita.
Shit I'm too nervous for this. Paano kung hindi niya magustuhan?
"Bakit ganyan ang itsura mo? Natatakot ka ba?" He asked. Oh yes I really am. Kung alam mo lang na sobrang kabado na ako ngayon. Huwag mo na palang alamin. Oh my god how should I do this?
Tiningnan ko ulit ang daan sa harap namin. Kung paiiralin ko ang kaba ko, walang mangyayari. Ito yung surprise Lianna. Ang isipin mo, you are now on your way to present Kendric something he wasn't expecting. Look, kaya mo yan. Pinaghandaan mo yan, so magiging successful yan.
I can do this.
Humugot ako ng malalim na hininga. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya at hinila siya. Nagsimula na kaming maglakad.
"Hey. Where are we going?"
Hindi ko siya pinansin at diretso pa rin ang tingin sa daan.
You can do this.
Huwag kang kakabahan.
Nabigla ako ng hilain niya ang kamay ko. Dahilan para mapaharap at mapakapit ako sa shirt niya. Tumingala ako at nakita siyang nakatitig sakin.
"You're acting weird." Natatawa niyang sabi. "Saan ba kasi tayo—"
"Sumunod ka nalang!" I gasped and covered my mouth after realizing I literally shouted at him. Nagulat rin siya at saka ngumuso. What the—?!
"Huwag ka magulo kainis naman eh." Komento ko at lumayo sa kanya. I sighed at hinila na ulit siya. We continued walking in this dark, peaceful street of Paris. Malamig na hangin at simoy ng spring ang sumasabay sa bawat yapak naming dalawa.
"Okay fine. I'll keep quiet. Basta sagutin mo lang itong nag iisang tanong ko. Saan tayo papunta?"
My shoulders collapsed as I stopped walking at saka ako umirap. Ugh ang kulit kulit niya talaga kahit kailan!
Pero tingin ko, hindi talaga siya titigil hangga't 'di ko sabihin.
"Sa gubat." Tamad kong sabi.
"S-SA GUBAT??"
I flinched because of his shout. Pucha konti nalang talaga mag b-back out na ko eh!
"SSHH!" Saway ko.
"ANONG GAGAWIN NATIN DOON??"
I kept silent at nagpatuloy sa paghila sa kanya. Pero napatigil ulit ako ng marealize kung ano ang ibig niyang sabihin. Shit sana mali ako ng iniisip.
I turned to his direction. Napakurap ako ng makitang yakapin niya ang sarili niya.
"Wait lang! Magpakasal muna tayo!"
A-ano daw? K-kami magpapakasal?
"H-ha?" I stuttered.
"Bakit ganyan agad? Tiyaka... Tiyaka bakit sa gubat pa? Pwede namang sa five star hotel nalang. Excited ka na ba talaga? Gusto mo na? Sigurado ka ba? Kung sigurado ka na sige tara na. Tutal matagal na rin akong ready hindi ko lang magawa gawa."
My face right now?
Nganga. Literal.
Anong sinabi niya? Five star hotel? Ikasal? Ready? Matagal na siyang ready?
Dahan dahan ko siyang tinalikuran.
Para akong baliw na nakatunganga dito. Umakyat ang dalawa kong kamay sa ulo ko at kumapit ng mahigpit sa buhok ko.
I feel like... I feel like I'm losing my confidence. My innocence. My sense. I feel like I'm going crazy any minute now.
"AAAHHH!" Sigaw ko at iniwan siya. Tumakbo ako papunta sa gubat. Pumasok ako doon. Ngayon ay nandito na ako sa gitna ng pathway ng forest na 'to. I chased my breath and stared towards the end of this pathway. Sa dulo na yun, kapag lumiko ka, doon mo makikita ang kanina ko pa pinaghandaan.
Naglaho ang inis ko kay Kendric at napalitan na naman ng kaba.
But how dare he tell me that? Ano bang akala niya, pagsasamantalahan ko siya? Gusto ko siya, oo. Maganda ang katawan niya, oo. Gwapo siya, oo. Pero hindi ibig sabihin nun papayag na ako agad. I'm not a lunatic! Baka yung lalaking yun ang gumagawa ng ganung bagay. Fuckboy ba si Kendric?
Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig ako ng mga yapak. Then I heard his voice calling my name.
"Lianna?"
Mabilis pa sa alas kwatro akong nakapagtago sa pinaka malapit na puno.
"Lianna huwag ka na magtago nakita kita dito ka pumunta."
Sinilip ko siya. Medyo malayo pa siya sakin. Konti nalang, kailangan niya pang mas lumapit.
"Hey? Teka 'di naman kaya tumakbo siya sa gitna ng mga punong 'to? Aish stupid." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Who is he calling stupid??
"Puta naman. Mamaya may mangyari na naman sa kanya. Tangina gustong gusto niya akong pinag aalala."
Nag aalala? He's worried about me?
"Lianna!"
Finally!
Nalampasan na niya ang punong pinagtataguan ko ngayon. I walked slowly towards him at hinila ang shirt niya. Bahagya siyang nagulat at liningon ako.
"Huh? Oh there you a—
Bago pa siya matapos sa pagsasalita ay pinatalikod ko ulit siya sakin. Hinila ko ang balikat niya para bumaba siya ng konti. Then that's when I started covering his eyes with the hankerchief I took from my pocket.
Ang totoong plano ay sabay kaming pupunta dito sa pathway. At saka ko siya pipiringan sa mata. Pero dahil iniwan ko siya kanina at nauna akong dumating dito, ginawa ko nalang ding surprise ang biglaang pagtakip sa mga mata niya.
"Yo. What are you trying to do?" Pilyo niyang tanong sakin at tinawanan ako.
"Just walk straight. Aalalayan kita. And oh by the way I'm not doing what you think I am trying to do."
"Tch. Talaga lang ha."
Oo naman duh? Mukha ba akong serial killer? Or rapist? Ew.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang hawak hawak ko naman ang balikat niya mula sa likod. He suddenly tripped over.
"Oy! Akala ko ba aalalayan mo ko?" Puno ng takot niyang sigaw. I ended up laughing hard. Pumunta ako sa harap niya at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
"Okay I'm sorry!" Natatawa ko pa ring sabi at hinila na ulit siya. "Here you go, hawakan mo ang kamay ko."
Ngayon ay magkaharap na kami. Paatras akong naglalakad habang sinasabi sa kanya ang tamang direksyon.
"Diretso lang. Walang bato dito. Walang ba—"
"Aray ko puta." Hindi ko na naman napigilang tumawa but at the same time I felt guilt. "Ayusin mo pare!" Sigaw niya at hinigpitan ang pagkakahawak sakin.
"Sige tol diretso lang." Pilyo ko ring sagot at sabay kaming tumawa.
Tiningnan ko ang nasa gilid ko at nakita ang surprise ko para sa kanya. I smiled widely.
Here we go. We are finally here Kendric Milan. One of the moments I never knew would exist. I never expected for me to give you a surprise. But now, we are here.
"Toool malapit na!" I squealed at tumalon talon kasi hindi ko na talaga makontrol ang saya ko. Pumihit ako sa kabilang side para makaliko kaming dalawa. Mabilis naman siyang nakasunod sakin.
"Ano ba kasi 'to pare?" Tanong niya na parang curious na curious. Pero natatawa rin siya.
Lumapit pa kami ng konti at... Boom! Nandito na nga kami. Sa harap ng surpresang hinanda ko para sa kanya.
"We're here!"
"Pwede ko na bang tanggalin?" Nakangiti niyang tanong.
"Wait lang."
Tumakbo ako papunta sa table at kinuha ang cake. I removed it out of its box at sinindihan ang kandila nito. I stopped for a while before grabbing the cake.
Nakikiliti ang bituka ko sa sobrang kaba. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Nakakatakot but at the same time nakaka excite. Phew. I can do this.
Nung sigurado nang okay na ako ay bumalik agad ako sa harapan ni Kendric.
I took many deep breaths. Madiin akong pumikit at nag wish na sana... Sana magustuhan niya.
"Okay. Go."
Third Person
Sobrang naguguluhan na si Kendric sa nangyayari. First, ibinaba sila sa isang madilim at walang taong lugar. Second, pumasok sila sa loob ng gubat. And third, may patakip takip pa ng mata na ginawa si Lianna para sa kanya. Paulit ulit na tinatanong ni Kendric sa kanyang sarili kung ano ba talaga ang meron at kung bakit sila napunta sa ganitong klaseng lugar.
Kahit balot ang kanyang isip ng pagtataka, nagpatuloy pa rin siya sa pagtanggal ng piring sa kanyang mga mata.
He felt his heart skipped a beat after recognizing what's in front of him right now.
Mga pagkain. Campfire. Christmas lights na nakasabit sa mga puno, a big tent... at may isang Lianna Xanders na nakatayo sa harapan niya ngayon, may hawak na cake.
He read the message on the cake.
Happy 19th birthday Kendric Milan!
He gulped.
No. This can't be real.
What the heck is this? A surprise?
Tangina. All this time I thought she didn't even remember but... she did.
"Happy birthday!" She giggled. "Now make a wish."
Hindi pa din nakapagsalita si Kendric dahil sa biglaang pagblanko ng isip niya sa sobrang gulat. Tahimik nalang niyang sinunod ang sinabi ni Lianna. He closed his eyes and can't help but to smile.
She keeps on making me feel extra special...
I wish she stays forever.
He opened his eyes and the first thing he saw was this girl's charming and sweet smile. Baliktad sa nakasanayan niyang mataray at malditang Lianna, he sees her eyes with full of love and happiness.
Yeah. I'm happy too. He thought to himself.
She suddenly smirked. In just a second nalagyan na niya ng icing sa ilong si Kendric.
"Aish!" Komento nito at tinanggal ang icing.
Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. I don't know how to react.
Tawa ng tawa si Lianna habang siya naman ay napakamot nalang ng ulo. Pinagmasdan at inikot niya ang paningin sa paligid.
Hindi ko talaga inexpect ito.
How did she do all of this? I mean... alam kong mahal niya ako. Pero hindi ko talaga inasahang gagawin niya ang ganito kalaking bagay para sakin. I really thought she knows nothing... but all along... fuck I'm getting crazy.
"Hey. Why are you not saying anything?" Lianna asked at sinilip ang nakayukong si Kendric. He stared at her.
He knows to himself that he wants to thank her so much and tell her how much he appreciated it but... he also knew his emotions couldn't be described by words. Hindi niya alam kung paano sasabihin. Kung paano sasabihin na sobrang pinasaya siya ni Lianna. Madaldal si Kendric pero hindi naman siya magaling sa pagsabi ng totoo niyang nararamdaman.
"What? Why?" Seryosong tanong ni Lianna but he didn't answer. He just kept staring at her. Silently.
"Y-you did not like it? Don't you?" Mapapansin ang biglang pag iiba ng boses ni Lianna. Halatang bigla siyang kinabahan. Nawala rin ang ngiti sa mukha niya.
Si Kendric naman ay nataranta.
"N-no." Tahimik niyang saad.
"It's okay." Mabilis na sagot ni Lianna at ngumiti— isang pilit na ngiti. "Hindi mo kailangang magpanggap kung hindi mo nagustuhan. Wala naman 'to eh trip trip ko lang. Haha! Kain na tayo?" Tinalikuran siya ni Lianna at nagsimula nang maglakad palayo. Linapag niya ang cake sa table.
Bago pa mahuli ang lahat ay linapitan at hinila na ni Kendric ang babae paharap sa kanya. He hugged her. He hugged her tightly to the point na narinig na ni Lianna ang malakas at mabilis na tibok ng puso ni Kendric. At dahil doon ay mas dumoble ang gulat niya.
Idinikit pa lalo ni Kendric ang kanyang mukha sa itaas na parte ng ulo ni Lianna. He smelled her sweet scented hair, at mas hinigpitan lalo ang pagyakap sa kanya.
((Now playing: Without You by Moira Dela Torre and Aj Rafael))
"K-Kendric what are—"
"Please hug me back." Pakiusap ni Kendric. "Just... just hug me back and don't say anything."
Kumunot ang noo ni Lianna. Ngayon ay siya naman ang naguluhan. But slowly, her arms lifted until finally, she hugged him back too. Kendric let out a laugh.
"Ang saya ko." He whispered. Kasabay ng paghampas ng mga dahon at tahimik na ihip ng hangin sa paligid.
"You... you made me happy. You made me too happy Lianna." He caressed her hair gently. "I like this surprise— no. I love it. I appreciated it. I'm sorry I didn't say a word to you. Kasi... hindi ko talaga alam kung ano ang irereact ko."
Nagustuhan ko, sobra. God knows. He knows how happy I am tonight.
"Akala ko kanina hindi mo talaga naalala. My parents didn't remember. And I was hoping since morning na kahit ikaw manlang sana... kahit ikaw lang ang makaalala sapat na. But you didn't. Well I thought you didn't. I fucking thought that I'm all alone. Then this suddenly showed up."
A tear escaped from his eye. Hindi na niya napigilan ang halu-halong emosyong nararamdaman ng puso niya ngayon.
"God I am too blessed to have you."
Ang dalagang kayakap niya ngayon na kanina pa nananahimik ay hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari. She closed her eyes after hearing all those words, she buried her face on his chest. She let her tears fall silently.
"Thank you." Bulong nito sa lalaki. Kendric caressed her hair once again at muling hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"No." He insisted. "Thank you. Thank you for coming into my life. Thank you for making me feel all this."
Humikbi si Lianna at tiningala si Kendric.
"Make you feel what?" She asked.
Kendric stared deeply at her. Deeply and silently. He shot her a smile. His sweet smile na minsan lamang kung ipakita niya.
"All this." He answered, remembering the feelings he had right now. Feelings na sigurado na siyang hindi na para sa isang pangkaraniwang kaibigan lang.
How fast can a person fall in love? I don't know if it's too early or just in time. Pero para sa akin, hindi na tayo katulad ng dati. Hindi na lang isang kaibigan ang tingin ko sa'yo.
I realized...
I realized who you are for me.
I realized who I am with you.
I'm totally different whenever I'm with you.
I am someone, better.
You are someone special to my life. You're existence...
"All what?" She asked again.
"Everything. Everything I never knew I would feel."
"And what is that?" Pangungulit ni Lianna kasi hindi niya talaga makuha ang sinasabi ni Kendric. Hinilamos ni Kendric ang mukha ni Lianna at pinayuko nalang ulit.
"You make me feel better all the time." Bulong niya sa babae saka ito niyakap ulit.
Hindi umimik si Lianna.
I make him feel what? Better?
"Bakit Kendric? Sino na ba ako ngayon para sa'yo?" Hindi niya tiningnan si Kendric. She just kept on burying her face on his chest at nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay. Getting nervous on what he will answer.
Kendric sighed. Hindi siya handa para dito.
I told you, you make me feel better.
Kendric made up his mind. Ngayong sigurado na siya sa nararamdaman niya, at dahil alam niyang hindi na siya nagloloko nalang, at dahil alam na rin niyang hindi na lang isang biro ang nararamdaman niya ngayon, he finally made up his mind.
Lumayo siya kay Lianna. Tinitigan niya ito.
He touched her chin gently at bahagyang pinatingala si Lianna. He smiled as he saw her cheeks flush red.
I'm doing it now.
He stared at her beautiful eyes. Then slowly, his lips came closer to hers.
Lianna didn't make a single move. She just stood frozen.
Anong gagawin niya? Why is he getting too close?
Kendric closed his eyes. Closer, and closer to her touch.
They were just an inch apart right now.
Nararamdaman na nila ang mainit na hininga ng isa't isa. They both shivered because of this.
And finally...
Kendric kissed Lianna.
ווווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top