Seven: Lost

Take my hand
let's see where we
wake up tomorrow

- Lost stars

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

"What?" I tried keeping myself calm pero sa totoo lang... Lahat ng ito unexpected, lahat ng ito hindi ko inasahan, no, never. But how? Kendric... Kendric is the last person to say yes sa lahat ng mga bagay na gusto kong gawin. Pero ngayon... How did it happen that he's accepting my plan?

Kung tutuusin ginawa ko ang planong ito para sirain sila ni Celine. Dahil naisip ko na kung magkakalayo sila at mawawalan sila ng connection, isama mo pa yung pagpapahirap ko kay Celine, kung mangyayari lahat ng iyon ay magbabago ang pakikitungo nila sa isa't isa at malaki ang chance na mauwi sila sa break up. All of that might happen but why is he saying yes to this?

"I already decided. Hindi mo na ako kailangang piliti—"

"Why?" I cut him. Hindi ko talaga ma-explain ang nararamdaman ko ngayon, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko at naguguluhan na rin ako sa inaasta niya. It just made him mysterious ten times more than how he was before. Hindi kaya... Nag away sila?

"Why?" Ulit niya sa tanong ko. Tumayo siya at hinawakan ang railings habang tinatanaw ang view. "I just thought about giving it a chance."

Giving what? He will give chance to who? Me?

"Sigurado ako marami nang tanong ang bumabalot dyan sa utak mo ngayon. I'm willing to answer everything, Lianna. But not now."

Umikot siya at tinitigan ako, then he started walking towards me. "I just thought about... Giving it a try. Kasi, wala naman sigurong mawawala diba? Except for my girl." He laughed slightly.

"Nagpapaawa ka ba?" Sobrang naguguluhan kong tanong. That's not sarcasm anymore, it's already confusion.

He stood in front of me. "No." Paninigurado niya. "May sinasabi sila na... Love is about taking risks, na kung gusto mong sumaya, kailangan mo munang sumugal. Para maitatak natin sa utak nating hindi lahat ay pwede nating makuha. Love is about taking risks, but if it doesn't work out, then siguro hindi para sayo ang isang bagay na iyon. Kahit pa pinaghirapan mo ito."

The light of the shining moon helped me see his sweet smile, at inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko.

"Let's do those things. Let's try taking risks, let's try to show our best towards each other. Maybe... Just maybe, pagdating sa huli maging worth it lahat."

I don't know what to do. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang naghihintay na abutin ko ito, bakit bandang huli, ako ang naguguluhan? Bakit bandang huli, ako yung nawawala? Bakit parang ako na ngayon ang natatakot?

He said we'll try. We, hindi lang ako kundi kaming dalawa. At nangangako siyang gagawin niya ang lahat, he's giving me his word that he'll try to do his best.

I bit my lip from nervousness. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan, but my hand slowly made it's way to his.

Taking risks. Going on with the flow, doing what you think is right, ready to get hurt, and of course, one who will take risks should not regret anything at the end. Is that what taking risks means?

I held his hand saka ko siya tiningnan. He just smiled at me. Isang ngiting hindi ko maipaliwanag, sincere pero... para rin siyang nasasaktan. What hurt me is when I saw his eyes in pain, but what touched me is when he didn't say a thing at parang wala siyang pinagsisihan sa lahat ng sinabi niya kanina. Na parang handa siyang pansamantalang kalimutan ang babaeng pinakamamahal niya para sakin.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Why?" I asked him again.

"I said I'll answer that. But soon enough." He answered.

Kahit magulo, sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon.

"Kendric... Are you sure about this?" I asked again.

He nodded.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nararamdaman ko ang kakaibang saya ngayon. Saya na kahit kailan never ko pang naramdaman. Nababaliw na yata ako dahil parang gusto ko nang magtumbling sa sobrang tuwa. First time ko ring maramdaman na parang sasabog na ang puso ko, na parang ginanahan akong mabuhay.

"Thank you." Nakangiti kong tugon.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Kendric

"ANO???"

Napasimangot si Hyen at binaba ang headphones niya. Tinigil ni Vino at Zack ang pagp-ps3 at napaupo naman ang katabi kong si Wayne. Nanatili lang akong nakahiga.

Nakatambay kami dito sa private room ko, hindi pa oras ng kanya kanya naming mga klase kaya nagpahinga muna kami. Hindi ko makakasabay si Celine ngayong buong araw kasi marami raw siyang gagawin.

"Man are you dead serious?" Tanong ulit ni Wayne.

I sighed. "Nangyari na. Wala nang bawian."

Nangako na ako kay Lianna. Sinabi ko nang payag ako sa three month vacation. Naaalala ko nanaman yung mukha niya nang nagsink in na sakanya ang sinabi ko, para siyang nabuhayan. Grabe, hindi ko lang pinahalata pero nagulat talaga ako sa itsura niya, sanay ako doon sa Lianna'ng nakapoker face lagi at puro negativity ang mapapansin mo kahit sa unang tingin mo palang sakanya, but last night— kakaiba talaga. Hindi ko na nga naitago ang pagngiti ko dahil sa itsura niyang yun eh.

"Sandali lang pare ha. Ano bang nangyayari—" tumigil saglit si Zack at binigyan ako ng curious na tingin. "Nag away kayo ni Celine noh? Galit ka? Kaya gusto mo siyang layuan? Tapos gagamitin mo yung inalok ni Lianna sayo na three month vacation sa France para makalayo kay Celine? Tama?" Tanong niya sabay turo sakin.

Agad akong umupo at hinead shot siya ng unan na katabi ko. "Tanga. Walang tama sa mga sinabi mo tol."

Siraulo, kami pa talaga ni Celine mag aaway? Kung mag away man kami ngayon eh bakit katabi ko sila ngayon? Dapat sinusundan ko na si Celine at sinusuyo siya.

Napakamot si Zack sa ulo. "Hindi ba? Oh edi ano?"

"Basta." Kibit balikat kong sagot at bumalik na sa pagkakahiga.

"Bro you can't say that." Ani Vino. "Kaibigan mo kami diba? Magkwento ka naman. Except nalang kung rated spg ba at hindi mo pwedeng ipagkala—"

"Gago siraulo tarantado!" Napaupo nanaman ako. Nagtawanan lang sila.

"Okay dude, chill. Nagbibiro lang ako hahaha."

"But what really happened?" Singit ni Hyen sa amin.

"Oo nga pare. Seryosong usapan na." Tanong naman ni Wayne. "I mean... Ikaw? Pumayag sa gusto ni Lianna? Nang hindi pinilit? As in mag isa kang pumayag? Take note si Lianna yun ha. The girl you hated the most at ang dakilang tagasira sa lovelife mo. Sige nga, kung hindi kayo nag away ni Celine at hindi mo gustong lumayo sakanya eh ano?"

Nanahimik lang ako. Hindi ko kasi alam kung puwede ba akong magsalita, kung pwede ko bang ipagsabi. Respeto nalang sa feelings ni Lianna, kaya medyo nag aalinlangan akong sabihin sakanila ang totoo kong rason. Na nalaman kong mahal niya pala ako. Na kaya pumayag ako ay dahil... yun nga... Gusto kong bigyan siya ng chance, kahit isa lang. Hindi ko alam kung sapat bang rason yun o tama bang gawin ko yun pero determinado akong bigyan siya ng pagkakataon.

"Kasi..."

"Kasi?"

Pero kaibigan ko naman itong mga 'to eh. Kahit may mga sapak sa ulo yang mga yan, mapagkakatiwalaan parin naman sila. Siguro ayos lang naman kahit sabihin ko.

"Kasi nalaman ko na... Nalaman ko na..."

"Nalaman mo na ano?"

"Na mahal niya ako." Tiningnan ko sila ng isa isa. Nanlaki ang mata ni Hyen at napanganga si Vino at Zack, si Wayne napatayo na.

"Ha??" Sabay sabay nilang sigaw.

Tsk. Mag e-explain na nga lang ako ng maayos.

Nagsimula na akong magkwento. Simula sa naaksidente si Lianna, noong sinampal ako ni Kath at sinabi sakin ang lahat tungkol sa feelings ni Lianna para sakin, hanggang doon sa makapagdesisyon akong subukang bigyan siya ng chance na makasama ako.

"That's it. That's the whole story. Do you get it? I mean... After all, three months lang naman yun. Hindi naman siguro yun ganun... Katagal."

Wala silang sinagot at tumunganga lang.

I cleared my throat. Masyado naman atang tumahimik..

"Dric..." Tawag ni Hyen sakin. "Paano si Celine?"

Natahimik ulit ang paligid.

Hindi ko rin alam. Hindi ko pa alam kung kailan ko sasabihin sakanya, Kung paano ko sasabihin, kung paano ipapaliwanag.

"Oo nga, anong gagawin mo sakanya? Sabihin na nating sa paningin mo mabilis lang ang three months... Pero paano naman si Celine? Paano kung mangulila siya sayo, kung iba yung maisip niya?" Ani Vino. "Paano kung sabihin mo sakanya ang tungkol dito at iba ang magiging intindi niya? You know she's too afraid of Lianna being able to get you from her. Tapos sasabihin mong you'll go to France with Lianna for three months?"

"Pare, tama si Vino. Maraming pwedeng mangyari, sa isang araw nga lang ang daming eksenang lumilitaw, tatlong buwan pa kaya?" Pagsang ayon ni Wayne.

"Hindi naman sa nanghihimasok kami ha... Pero pagisipan mo muna Dric. Sigurado ka na ba?" Tanong ni Vino.

"Oo." Walang paligoy-ligoy kong sagot. "Magtiwala lang kayo, akong bahala." Nginitian ko sila.

Pumalakpak si Zack. "Okay, sabi mo eh. Suportado kami jan, lagi naman." Sabi niya at nagsalute pa. "Alam niyo, nasabi na ni Dric lahat pero hindi parin ako makapaniwala. Imagine isang Lianna Xanders, mahal ka? May alam ba yun tungkol sa mga ganoong bagay?"

"Tungkol pala jan, huwag na huwag niyong ipagkakalat yan sa kahit na sino. Okay?" Nagsitanguan sila. "Si Lianna mismo hindi alam ang dahilan kung bakit bigla akong pumayag sa vacation to Paris na yun. Kayo ang unang nakaalam."

"Sure." Paninigurado ni Hyen.

"And one more thing..."

Hindi ko pwedeng kalimutan yung nag iisang mahal ko. Hindi pwedeng pabayaan ko siya at hindi ko hahayaang may mangyaring masama sakanya. "Pakibantayan si Celine, for me."

"Yun lang ba? Oo naman." Sagot ni Zack at nakipag apir sa tatlo. "Madali lang yan. Ang problemahin mo nalang eh kung paano mo ipapaliwanag ng maayos kay Celine lahat ng ito."

Tama siya, kailangan ko nang maghanda. Medyo masakit para sakin yun. Yung malalayo ako sakanya, she's my life. I can't breathe without her, na parang may kulang, that's what I feel every time na magkalayo kami, or worse tuwing nag aaway kami. Kaya nga gumagawa ako lagi ng paraan para magkabati kami agad pag may mga ganoong pangyayari kasi hindi ko talaga kaya na magkagalit kami. But look at me now, I'm searching for the right words to tell her na iiwan ko muna siya... Para kay Lianna.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

*dingdong*

Bumukas ang pintuan ng apartment ni Celine at nginitian ko siya, isang pilit at kinakabahan na ngiti.

"Hello." Bati niya. "Pasok ka."

Tinanggal ko ang sapatos ko at pumasok na sa apartment niya. Hindi naman ako masyadong naninibago kasi pumupunta punta ako dito.

Napagdesisyunan kong dito nalang kami sa bahay niya mag usap. Kaysa naman yung lalabas pa kami, eh hindi ko naman alam kung anong pwedeng mangyari pagkatapos ng sasabihin ko. Kaya tinawagan ko na siya kanina at nagpaalam na pupuntahan ko siya dito, at kahit marami siyang schoolworks pumayag parin siya.

"Kamusta kanina? Sobrang busy mo ba?" I asked her at umupo sa sofa.

"Oo, sobra. Nakakapagod nga eh, ang daming ginagawa ngayon. Yung mga projects, tapos may research pa kami. Then next week thesis ko naman."

Natahimik ako. Ang dami niya palang gagawin. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasabihin ko na ba sakanya ito ngayon. Baka kasi maapektuhan ang grades niya.

"Kumain ka na?" Tanong niya sakin at naglakad papuntang kusina.

"Kumain na ako. Ano..." Tumigil ako saglit sa pagsasalita. "Um... Pumunta ako dito kasi... May— may gusto akong ipaalam sayo."

Medyo kumunot ang noo niya at linapitan ako. Umupo siya sa tabi ko dito sa sofa at nanatiling nakatingin sakin. Kilala niya talaga ako cause I knew that she already sensed something wrong going on here. I sighed.

"Ano yun?" Mahinahon lang yung boses niya.

Should I tell her already? Ito na ba ang tamang tiyempo? Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang malungkot siya, or worse mastress siya. Kung sasabihin ko sakanya ngayon ito, baka hindi niya kayanin at pwede rin siyang bumagsak sa grades niya. Hindi ko kakayaning makitang malungkot si Celine. Ayoko, hindi ko kaya.

"I just want to tell you that..."

"Tagal namaaaan." Pang iinis niya kaya napangiti ako. I will miss this side of hers.

"That I miss you." I missed you, I miss you and I will miss you. So much. So much na kahit iniisip ko palang na malalayo ako sayo ay hindi ko na kakayanin. Iniisip ko palang, pakiramdam ko may nawala bigla na parte sakin.

Medyo nagulat naman siya dahil doon pero agad ring napalitan ng ngiti. Yan, yang ngiting yan, it will make me miss her more. Indeed three months is too long.

Niyakap ko nalang siya at mahinang napatawa dahil sa pamumula ng mukha niya. She hugged me too and pat my back.

"Naglalambing? Anong meron?" Natatawa niyang tanong.

"Wala naman."

Hindi na muna. Huwag ngayon, ayoko siyang ma-frustrate, kahit nandyan yung apat kong kaibigan na aalalay sakanya pag nawala ako ng pansamantala, sigurado akong malulungkot at malulungkot parin siya. Maybe I'll just tell her once she's finished to do all of her tasks.

"Aba, uy chancing na yan ha. Tagal naman po ng yakap mo."

"Tch. Kinilig ka naman— aray!" Nakatanggap ako ng isang malakas na batok. Siya lang nakakagawa sakin ng ganito ha, at natatawa pa ako.

"Oo nga pala may sasabihin rin ako sayo." Nakangiti parin niyang sabi.

"Hmm?"

"Tumawag sakin kanina lang yung personal assistant ng mommy mo."

Nawala ang ngiti ko, pero ang ipinagtataka ko pa ay kung bakit mukha namang masaya si Celine. "A-anong sabi? Pinagsalitaan ka nanaman ba nila? Did they give you a threat? Inutusan ka nanaman ba niyang layuan ak—"

"Hindi na bibilhin yung shop namin."

A-ano daw?

"Pinapasabi nung assistant ng mom mo... Na inatras na ng Xanders company ang pagbili sa shop namin dahil huwag na daw sabi ni... Lianna."

וווווווווווווווווו×

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top