Prologue
I bet she's beautiful
that girl he talks about
And she's got everything that I
have to live without
-Teardrops on my guitar
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
"You're late." I exclaimed as I enter the car. Wala na akong klase at pauwi na rin. And it's pissing me off dahil paglabas ko, the car wasn't here immediately.
"Sorry po, Ms. Lianna. H-hindi na po mauulit." Sagot naman ng driver namin.
"Next time I want you to be on time."
"Opo. Pasensya na po ulit."
I ignored him and sat quietly, staring at the window.
"Where's my parents?" Tanong ko pagkaraan ng ilang minuto.
"Nakalipad na po sila papuntang New York."
Ano nga bang bago? Hindi naman talaga sila nagpapaalam kahit isang taon silang mawala sa bahay. It's just me and my kuya who lives in our mansion kasama na ang mga katulong. Sigurado ako magpapaparty nanaman mamaya si kuya dahil wala sila mom.
"Ilang araw silang mawawala?"
"Two months po."
Two months? Long enough.
"Good." Walang tao sa bahay. When was the last time we had an outing anyway? When I was twelve?
Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang lalaki na papasok sa sasakyan niya.
It's Kendric Milan. My soon to be fiancé.
But he's not alone. Kasama nanaman niya yung babaeng yun.
Celine Torres.
"Follow that car." Turo ko sa sasakyan ni Kendric na ngayon ay paalis na rin. "Huwag kang magpapahalata."
"Yes po ma'am."
I rolled my eyes and crossed my arms.
Lagi nalang siya yung nakikita ni Kendric. Pinagtatanggol niya yung babaeng yun sa lahat ng bagay. Well just in case if that girl doesn't know, Kendric and I will soon be engaged. Kung ako sakanya lumayo layo na siya dahil kapag naging official na ang engagement naming dalawa, may karapatan na akong ipagtabuyan si Celine.
Just wait girl, just wait.
Nakarating rin kami sa iba't ibang daan hanggang sa tumigil ang sasakyan.
"Ma'am, pumasok po sa flower garden yung sinusundan natin. Magbabayad na rin po ba ako?" Mukhang magdedate sila. Mahal ang bayad sa garden na iyan because of rare flowers blooming there but it looks like walang pake si Kendric basta maaliw niya yang basura niya. But that's pollution, right?
"Sure." I answered. Nang makapasok na kami ay hinanap ko agad kung nasaan ang sasakyan niya, nagpark siya at bumaba sila. Nang makalayo na silang dalawa sa amin ay inutusan ko ang driver na itabi ang sasakyan ko sa sasakyan ni Kendric.
"Wait here." I told him and got off the car.
Kung sa bagay wala naman akong gagawin ngayon, susundan ko nalang sila. What's better, follow them or interrupt their sweet date?
Maybe I'll just interrupt them. After all, nasa akin ang huling halakhak. This relationship is illegal and I can stop it anytime I want. Magbitaw lang ako ng isang salita sa parents ni Kendric ay ipapatapon siya sa ibang bansa at papahirapan naman si Celine. But of course I'm not in favor of getting Kendric out of sight. That's why I wasn't saying a thing.
I stopped when I finally found them sitting on a bench at nakapatong ang braso ni Kendric sa balikat ng babaeng yun. Wow, a rare scene of a rich man having skinship with a trash. How dare he.
Nanlaki ang mata ko sa susunod na ginawa ni Kendric, he kissed Celine's forehead! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dali daling lumapit papunta sakanila dala ng aking inis. Do you both think I will just let this go?
I stood in front of them and crossed my arms. Tinitigan ko si Kendric at itinaas ang kilay ko dahil sa pagkagulat sa mukha niya.
"L-lianna..."
Inilipat ko naman ang tingin ko kay Celine na ngayon ay nakayuko. Nahihiya ba siya? Natatakot? Takot pala siyang masira ang buhay niya then why the hell does she keep on hanging out with Kendric?!
"Mahiya ka naman sa pamilya mo. Kung ayaw mo silang mamatay sa gutom matuto kang dumistansya sa mga bagay na hindi para sayo." Bato ko sa nakayukong si Celine.
"W-why are you here?" Tanong ni Kendric at tumayo.
"How about you? Why are you here with this cheap?"
"Stop it, Lianna."
Napangisi ako sa tapang na meron siya. Gusto kong pumalakpak, pero baka kapag pinakawalan ko ang mga kamay ko ay maglanding ang mga ito sa mukha ni Celine. I'm not much of a sadista, mas gusto kong nananakit gamit ang mga salita. Para naman mas ramdam nila.
Tinitigan ko si Kendric. "Tandaan mo ito... As long as I'm living, there's always a reason to destroy this relationship."
Natahimik silang dalawa, siguro dahil sa takot. Takot na kapag sinabi ko ito sa dad niya, hindi lang siya ang mahihirapan kundi pati si Celine. At kaya takot sila sa akin dahil ako lang ang may lakas ng loob na magsalita kasi yung ibang estudyante sa Leone Academy ay ayaw nang masali sa gulo. In short ako lang ang katapat ni Kendric.
Kendric knows that we're soon to be engaged. But he acts like he doesn't.
"You heard what I said." I smiled sweetly at Celine.
I left them speechless at nagtuloy tuloy pabalik sa sasakyan.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
6:30 p.m.
"Anong mas bagay ko? This or this?"
Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ni kuya at nagtatanong kung ano ang dapat kong isuot para sa party two hours from now.
"Wala." He answered then laughed. Naka high ba yan? Can someone hit him for me?
"Joke lang! Nakasimangot ka nanaman kaya ka nagmumukhang matanda eh!" Bawi niya at tumayo sa kama. "It both suits you but I'll go with this." He picked the peach, above the knee dress with an elegant neat style. "Ingatan mo nga yang sarili mo! Hindi ba pwedeng magkatulong na damit ka nalang para hindi ka na nasisilipan?"
"Duh kuya? Thank you for suggesting but no. And hey, walang mang babastos sa akin. You're here remember?" I winked playfully at him at ginulo niya ang buhok ko.
"Oh sige! Magpaganda ka na! Kung may igaganda ka pa."
Tumakbo siya agad palayo. Binato ko sakanya ang tsinelas ko pero nakaiwas naman siya agad at halos magswimming pa sa sahig. I rolled my eyes and slammed the door shut. That gorilla!
I entered my room and took another bath. Dalawa o tatlong beses akong naliligo sa isang araw para hindi ako mangamoy or anything.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakarinig ako ng tugtog mula sa baba, mukhang nagsimula nang magpakanta ang dj.
I applied some light make up, mamahalin ang mukha ko kaya hindi dapat basta bastang pinapahiran ng kung ano anong kolorete kaya hindi ako araw araw nagmemake up. Tuwing may parties and stuffs lang. Why? Duh cause my beauty is natural. I don't need make ups at all.
*phone rings*
Huh? Who would that be?
I picked up the phone and answered the call.
"Hello?"
[Lianna! I'm attending the party!]
It was Phiara, one of my bestfriends.
"Okay, how about Katherine?"
[Don't worry, pupunta kaming lima diyan.]
"Really?! Even Mia? Pinayagan siya ng parents niya?" I squealed in excitement, this will be fun! Since si Mia hindi pinapalabas ng bahay dahil overprotective ang parents niya.
[Yep!]
"Okay then! See ya!" Pinatay ko na ang call at tinapos ang pag aayos ko. I stared at the mirror to make sure maayos na ang itsura ko.
How could he not like this girl?
I shook my head and breathed. Bumaba na ako at nadatnan ang mga schoolmates namin na nandito na at yung iba kumukuha ng pagkain, nakaupo sa tables, mga nagdadaldalan.
"Hi Lianna!"
"Wow, you look great!"
"Hey princess!"
"Woah the dress suits you! Pinaghandaan mo noh?"
Iyan ang mga narinig ko habang hinahanap ko sila Phiara. Ang tagal naman dumating, si kuya nalang nga muna!
Nakita ko naman siya agad na papalapit sakin. "Hi bunso! Ang pangit mo!"
Talagang-! Grr!
"The last time I checked I wasn't a mirror. At wow ha may nagsasalita palang gorilla?" I rolled my eyes na ikinatawa niya naman agad.
"Ako gorilla? Eh ikaw cheetah."
"Meh? Are you blind?" Ayan nanaman kami sa walang hangganang inisan.
"Hi Zian!" May isang lalaking lumapit at binati si kuya. Paglingon namin, si Kendric pala. Nawala bigla ang ngiti niya while I immediately formed a big smile and greeted him like a loyal friend.
"Hey Kendric!" Tawag ko na parang ako yung binati niya kanina. He just smiled a little but it's super obvious that he's trying to avoid my presence.
Napalingon ako sa isang gilid at sakto nandoon sila Phiara. Nagpaalam ako kay kuya bago umalis. "Gotta go."
Habang papalapit ako kila Phiara, nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakaupo lang sa table at nanonood sa mga tao.
I walked towards her and she was taken aback when she saw me.
"Celine Torres." I spoke. "Why are you not doing anything? You should go have fun! After all, this is my house."
Binuka niya ang kanyang bibig na parang may gustong sabihin pero sinara niya ulit ito. Pero bandang huli nagsalita na rin siya. "O-okay l-lang ak-"
"Where's your boyfriend?" I suddenly cut her off at nanlaki naman ang mata niya.
"H-ha? Lianna what are you-"
"That's bad." I crossed my arms. "Alam naman ng buong campus ang relasyon ninyo kaya dapat hindi ka na nahihiya. Lagi nalang bang kailangan pinagtatanggol ka?"
Well I was just stating a fact.
"I think I'll just g-"
"Suit yourself. Maraming pagkain, bilisan mong kumuha." I smiled at tinuro ang long table na puno ng iba't ibang pagkain. "Baka maagawan ka pa."
"Bye." Hindi ko maiwasan ang matawa habang papalapit sa mga kaibigan ko. I love the feeling everytime she doesn't have anything to say. Just like what I've said, nasa akin ang huling halakhak.
"Hey girls!" Tawag ko sakanila. Nagsilapitan naman kami at nagyakapan, beso beso is not our thing cause I think it's kinda plastic. Di naman kami plastic.
"Buti pinakawalan ka?" I joked at Mia who was in a gorgeous black dress. Nagtawanan kami sa sinabi ko.
"Jodie! Bebe gurl!" Tawag ko naman kay Jodie, siya ang pinaka childish sa amin. She wears a purple dress while her hair was in a waterfall braid.
"Uhm, Lianna..." Katherine called. "May-"
"Oo ayun oh." I cut her off and pointed at the foods at the distance. Yep, siya ang pinakamatakaw sa aming lima. Everything is food for her.
"HAHAHAHHAHA gutom nanaman siya!!" Sigaw ni Phiara. The loudest in our group. And when I say loudest, as in 'loud'.
"Bago kayo tumawa kumain na tayo!" Kath headed towards the table at kumuha ng plate. Habang namimili ay bigla akong tinapik ni Mia.
"Where's your fiance?" She asked.
"Huwag masyadong excited. Darating rin tayo diyan." I smirked. "And anyway, maybe he's flirting with that Celine."
"Ew." She spat.
"I know right."
"Lianna, masarap ba ito?" Turo ni Jodie sa cookies.
"Definitely, it's limited edition from I think U.K? England? Basta masarap promise."
"Okay then." She picked three and continued examining other foods.
"Let's go?" Tanong ko nang makakuha na kami ng mga pagkain. Umupo kami sa isang table at nagsimulang kumain.
"You know why, minsan ang hirap rin ng mayaman noh?" Ani Kath.
"Why? May problema ba?" I asked as I shove a spoonful of soup in my mouth.
"Hindi ko gusto yung soon to be fiancé ko, I love someone else. But I don't think I can do anything about it."
Natahimik kami. Especially ako, I imagined myself being with Kendric. He was with me yet he loves someone else.
"Wow! You love someone? You never told us about it!" Pag iiba ni Phiara ng topic to enlighten up the mood.
"Oo nga! Who is it??" Mia squealed. I noticed something different then that was when I realized Jodie wasn't here.
"Where's Jodie?" I asked immediately.
"Oo nga noh?"
"Wait is that- Diana?" We turned our heads to where Phiara is pointing at. Nandoon nga siya! Kasama yung dalawa niyang alipores at- Jodie?
Tumayo kami at lumapit kung nasaan sila, pati yung iba pang tao lumapit na rin. They're having an argument.
"Lumapit lapit ka at ininsulto ako then you're saying that I'm insecure?" Ani Jodie. Saktong sakto may napadaan na waiter kaya tinawag ko ito, humingi ako ng isang glass ng wine, then we continued listening.
"Ako? Insecure sayo? Wala ka nga sa kalingkingan ko eh!" Sagot naman ni Diana. She's one of the girls in the school who had the guts to fight whoever she wants. I'm an exception.
"Wala talaga ako sa kalingkingan mo dahil mas mataas ako sayo."
"Ooohhh!!" Sigaw nung mga lalaki. Natawa na rin ako, great job Jodie! Childish siya pero pagdating sa awayan, forget about it.
Halata namang naiinis na si Diana. Sa sobrang saya ko hindi ko na napigilan ang bibig ko.
"Wala ka pala eh." I scoffed. Nagtawanan naman ang iba, siyempre, kampi ang mga tao sa kung sino ang mas may kapangyarihan. Ako yun. Kaming dalawa ni Jodie.
Nakita ko si Celine out of the blue, nakatayo siya just a few distance from me, nanonood rin pala. Nasa likod niya si Kendric. Medyo uminit ang ulo ko pero hindi ko iyon pinahalata.
"Alam mo Diana, pipiliin mo yung babanggain mo. Bukod sa iyang ganda mo eh retokada, nagkukulang ka rin sa common sense. Pati ba utak mo pinaplastic surgery mo?" Sabi nanaman ni Jodie. Nagsigawan nanaman ang mga tao at mas lalong lumawak ang ngisi ko.
"Gurl." Kath called Jodie at napailing iling with a huge grin.
"Ang taas ng tingin mo sa sarili mo ha! Akala mo ku-"
"May karapatan ako dahil mas mataas nga naman talaga ako kaysa sayo." Jodie laughed. "Shut up ka nalang kasi."
"OOOOOHHHHHH!!!"
Napapalakpak na ako. This is great.
I have an idea!
"Miss, puwedeng makisingit?" Pabirong tawag ko kay Jodie at masaya siyang tumango.
Linapitan ko si Diana at hinarap siya na ikinatahimik ng lahat. Then I looked at her from head to toe.
Everyone gasped to what I did next.
Dahan dahan ko lang naman siyang pinaliguan ng wine. Dumaloy ito hanggang sa mukha niya at nabasa rin ang damit niya.
"Oh my god! Her make up smudged so badly!" Sigaw nung isang babae.
I looked at her straight in the eyes. "This is my house. You don't have the right to ruin my party." I lessoned her. "And avoiding me won't save your life. You also gotta learn how to respect my friends."
Before I walk out of the scene, I turned my head towards Celine and Kendric.
Have you watched carefully? I want to address this rudeness for the both of you.
וווווווווווווווווו
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top