One: Pain Never Chooses
Oh I'm inlove with you, and you will never know.
- Leave your lover
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
"Shopping tayo mamaya?"
"No. I cannot go."
"Whaaat? Whyyy??" Jodie threw a tantrum. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room ko. Hinarap ko sila para magpaalam.
"We have a date tonight. Sige, see you later."
Hindi na sila nagulat at tumango nalang. Hindi rin naman kasi bago ang ganun dahil kung arranged kayo ng isang tao, gagawa at gagawa talaga ng paraan ang parents niyo para magka quality time kayo. His parents planned this and I don't want to let them down.
The professor came in our room and started the class. Nang matapos ito ay dumiretso ako agad sa locker room at kinuha ang P.E. uniform ko. My next class is bow and arrow.
"Hi Lianna!" Bati sakin nung isang babae. I smiled at her but I don't think I know her. Kung sa bagay, lahat ng tao dito nginingitian ako tuwing nakakasalubong ako so there's nothing new.
Naghintay ako bago magka available cubicle. Nagbukas ang pinto ng isa and to my surprise, it was Celine. Nakita niya ako at napapitlag.
"What class will you attend?" Tanong ko para makasiguro dahil naka PE rin siya. Baka kasi mamaya volleyball pala siya or iba pang sports.
"B-bow and arrow."
My eyebrows raised. "So, you're my classmate." I gave her a head to toe look then walked past her, pumasok ako sa cubicle at agad na nagbihis saka nag ponytail.
Naglakad na ako papuntang bow and arrow room. While I'm on my way nakita ko si Kendric at Celine na magkasabay na naglalakad, mukhang hindi lang si Celine ang kaklase ko kundi pati na rin ang soon to be fiancé ko.
Mas binilisan ko ang paglalakad para unahan sila. Knowing them, imposibleng hindi nila ako mapansin.
Pagpasok ko sa room ay dumiretso ako sa isang slot at kumuha ng bow and arrows. I stretched my arms for a while then began aiming the target.
"Nandito ka pala." It was Kendric's voice. Nanatili akong tahimik until I let go of the bow. Shoot at the center. Liningon ko na siya at iniba ang topic.
"You should go later." I simply said. At the corner of my eyes I saw his face turn sour. The fact that Celine is beside him and she could hear everything.
"Your parents has a good taste in choosing the place for our date." Pinakawalan ko ulit ang isang arrow at liningon nanaman sila. Parehas na silang nakatitig sa akin ngayon. Si Celine, naguguluhan habang si Kendric parang leon na ngangapain ako sa mga titig niya.
"Lianna, stop. Not here."
I have a better idea.
"Why don't we perform a small competition? Tutal naman nakakaboring kung ganito lang tayo buong magdamag diba?" I smiled at hinarap ang iba pang estudyante.
"Guys! Wanna watch us? We'll have a game." Tawag ko at agad naman silang nagsilapitan especially the girls.
"We will shoot five arrows straight at the center. Pag may isang pumalya, talo." I explained as I look straight into his eyes.
"Celine kasali ka ba?" Tanong nung isang babae kay Celine.
"Uh hin-"
"Yes kasama siya. The two of you versus me." I smirked and faced the target board.
Hinarap na rin nila ang board at nagsalita si Kendric habang diretso lang ang tingin. Nasa likod namin ang mga nanonood. Watch closely, people.
"If I win?" He asked.
"I will not bother you with her until our engagement day."
"And if I lose?"
"If you lose?" Tumigil ako at parang nag isip. "You'll bring Celine at our engagement party."
Nanlaki ang mata niya pero ngumiti lamang ako. "Great right?"
"Kasali ako sa laro kaya may karapatan akong humindi." Naiinis niyang tugon.
"Please. I can still do it even without this game. I may invite her if I like."
"No I want my own rule. If I win, she will not be brought in the engagement party."
"Fine." I shrugged. "Then I will change mine too. If I win, she will be at our wedding."
"What the fuck?"
"If I were you I'd concentrate." Napahinga na lang siya ng malalim at nagwarm up.
"Kasali nga pala siya." Habol ko, pointing at Celine. "Then let's do it like this, kapag nanalo kayong dalawa, she'll not be invited sa lahat. Kapag naman isa lang ang nanalo sainyo, she'll only attend the engagement party." Liningon ako ni Kendric with a confused look.
"If I win... She'll be at the engagement party..." I raised my right eyebrow and smiled. "And the wedding."
"Fine." Walang gana niyang pagpayag at padabog na kinuha ang bow niya. Tahimik na sumunod si Celine.
"Get ready in three!" Sigaw ng isang lalaki at sumunod na sa pagcount down ang iba pa.
"Two!"
"One!"
Natahimik na ang lahat pagkatapos noon. Una akong nagpakawala.
It hit the center. "Woohoooo!" Sigaw ng lahat. Sumunod si Kendric, he also did it. At nang si Celine na, halatang nagcoconcentrate siya. Pinakawalan niya ang arrow and I won't lie, she just did a good job.
Nagpalakpakan ang lahat. "Round two!"
This time nauna si Celine at natamaan niya ulit ang gitna. Sumunod si Kendric, it took seconds before he let go of the arrow. Tinitigan ko ang mga mata niya na halatang seryoso sa deal.
It somehow hurts.
Hindi ko ikakaila iyon, I'm also a person.
Di ko namalayang ako na pala, nawala ang lungkot ko at napalitan ito ng inis. Hinarap ko ang target at agad na pinatama ang arrow doon. Nagulat ang lahat dahil natamaan ko parin ang gitna kahit hindi ako nanigurado.
Hindi naman ako magaaya kung alam kong matatalo ako.
Sa pangatlong round, nauna si Kendric at wala paring pinagbago.
Pinauna ko si Celine. Tinitigan ko ang mukha niya pati na rin ang arrow na hawak niya. She let go of the arrow and..
"She lost." I stated at si Kendric naman ay hindi makapaniwala.
She just made herself fall into the bait. How stupid.
It was my turn. Bago ako tumira nagsalita muna ako. "Bandang huli, tayo parin ang magkatapat." Pinakawalan ko ang arrow. It hit the center again.
"I will win, Lianna." Humablot ulit siya ng isa pang arrow. "Watch me."
"Round four!"
"Woohoo go Kendric!!"
"Go Lianna!! Kaya niyo yan!"
"Omg omg owemjiiii!!!"
Oh. Now I'm having a one on one contest with my love. Sounds interesting.
Pinakawalan niya ang arrow at tumama ito sa gitna. I made an o shape with my lips para inisin siya, dahil nakita ko nga na determinado siyang manalo. Pwes kung ganun, mas determinado ako.
Pinakawalan ko rin yung akin ng walang kahirap hirap. Mas lumakas ang sigawan dahil isang round nalang ang natitira.
"Goodluck." I said with a straight face.
Nauna ako, pinakawalan ko ang arrow at tumama ito sa gitna.
Then Kendric...
He also did it.
"Hala tie?"
"Grabee isang round paaa!"
"One more bonus round!" Sigaw nung iba. Tiningnan ko naman si Kendric na mukhang kinakabahan na.
"Sabay kayo!" Suggestion ng mga nanonood. Gusto nila sabay kaming tumira para sa last round.
"Isa pa daw." Si Celine naman ang liningon ko. "Magcheer ka naman, Celine." Pang iinis ko na ikinatahimik ng lahat. That's right, get drowned by my sarcasm girl.
"Tapusin na natin ito." Ani Kendric at pumwesto pero bago siya tumira ay binaba niya muna ang kamay niya na hawak ang bow and arrow. To my surprise, he smirked at me.
"Pag nanalo ako at papupuntahin natin siya sa engagement, ipapakita ko sa lahat kung sino sa inyong dalawa ang mahal ko."
Napatunganga ako saglit. Ano raw ang sabi niya? Does he mean... He'll dump me in front of the whole Xanders and Milan company?
"Are you saying you're going to-"
"In that way, everyone will remember that even though I'll be married with you, you aren't the person I love."
Ouch.
Masakit yun. Masakit marinig ang mga katagang iyon. Lalong lalo na kung galing mismo ang mga ganoong salita sa taong mahal mo. Kahit ikaw pa ang pinakamalakas na tao sa mundo at sinabi yun sayo ng taong mahal mo... Masakit parin.
Nawalan ako ng gana ituloy ang laro. Mukhang napansin iyon ni Kendric dahil ngumisi siya at pumwesto.
Sa tingin niya palalampasin ko ito? Hahayaan kong magmukha akong talo at siya yung makakalamang? Then he's definitely wrong.
"Celine." Tawag ko.
"You heard the deal kaya alam mo na ang gagawin mo. Nakita mo na rin naman na seryoso si Kendric sa larong ito diba? Don't let him down." I scoffed.
"Kendric Milan, you will show everyone who you love?" Linapitan ko siya. Malapit na malapit para siguradong maririnig niya ang sasabihin ko. I crossed my arms and smirked.
"Then I'm also going to show everyone what I can do."
Sa itsura palang ng mukha niya ay halatang nakuha ko ang takot niya. Just in case you don't know, ako, ako at ako ang pinapakinggan ng lahat. Even his parents. Ako at hindi siya na sarili nilang anak. Ako.
It's what power can do.
"Count to three!" Utos ko sa mga estudyante. Nagsimula naman silang magbilang. Watch me, both of you.
Panoorin niyo kung paano magalit ang isang Lianna Xanders.
"Three!"
You'll show everyone who you love? Then you think you're going to succeed?
"Two!"
No Kendric. Ako. Ako ang panalo hanggang sa huli.
"One!"
We both let go of the arrow.
"WOAAH!"
"Omo!"
"Hala!!"
"Oh, shit!"
Padabog na binitawan ni Kendric ang bow niya.
I can't control myself but to smile evilly.
I won.
I can't help but to smirk. Then I placed my bow down carefully then I looked up to him with my triumphant look.
"My job here is done. Ang bilis lang ng oras, but the time's worth it." I let out a small laugh as I pick up my bag.
"I'll go first."
Simula sa unang paghakbang hanggang sa makalabas ako ng bow and arrow room ay naririnig ko ang malakas na hiyawan at pagpalakpak ng mga estudyante.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
"You did what??" Sigaw ni Kath sa akin.
"Yep. Earlier at PE class."
"Grabe! Ibang klase ka! Alam mo kung ako si Celine ililibing ko na ang sarili ko dahil sa hiya." Sabi naman ni Mia.
"Well sana yun rin ang nasa isip niya." Nakita ko na ang sasakyan ko kaya agad na akong nagpaalam. "Bye guys! I should get ready for our sweet date." I winked at them then got in the car.
Nang makarating na ako sa bahay, dumiretso ako agad sa kwarto at naligo.
To be honest, I'm actually not feeling okay right now.
I dipped in the tub with bubbles and let myself relax by leaning back. Bumaba pa ako lalo sa pagkakaupo kaya ang ilong at mata ko lang ang wala sa tubig.
For a few seconds my mind went blank while there's stillness in the water. Tahimik, hindi nahihirapan, hindi nasasaktan.
"Pag nanalo ako at papupuntahin natin siya sa engagement, ipapakita ko sa lahat kung sino sa inyong dalawa ang mahal ko."
Damn.
I closed my eyes and thought that my eyes got in the water since it suddenly felt wet.
Pero luha pala iyon.
Wait, am I crying??
No, Lianna! You can't cry!
Dali dali kong pinunas ang mukha ko. Paulit ulit kong pinadaan ang kamay ko sa mga mata ko pero bandang huli, mas lalo lang lumakas ang agos ng luha ko.
Hindi ko na rin pinigilan, I just bit my lower lip.
Alam kong hindi ko pwedeng diktahan ang puso niya. Alam kong hindi ko siya pwedeng utusan na ako na lang ang mahalin niya. Alam kong kahit patayin ko pa si Celine, hindi mapupunta sa akin ang pagmamahal niya. Alam kong wala akong magagawa, alam kong hindi pwede.
"Lianna! Get out of there!" Sa lakas ng katok at matalim na boses palang ng kuya ko alam kong galit siya.
I didn't answer.
"Yah!" Sigaw niya ulit.
"Get yourself out of-"
"Leave me alone." Sagot ko gamit ang normal kong boses. I know that he already knew I'm crying. I don't know how... Maybe because he's my kuya.
I finished taking a bath then wore my bathrobe. Lumabas ako at nakita ko si kuya na nakacrossed arms habang nakatingin sa bintana. Umupo ako sa kama habang nanatiling nakayuko.
"Do you think you can go on the date with that face?" Malamig niyang tugon.
No.
I plastered a smile at patalon akong tumayo.
"I'm fine! Ano ba yang sinasabi mo kuya?" Patay malisya kong sagot. He sighed and walked towards me. He hugged me, making my face bury on his chest. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"I'm sorry.." bulong niya habang patuloy akong humihikbi. Umiling iling ako para sabihing hindi niya iyon kasalanan.
"I'll call Kendric and cancel the date. I'm not gonna let you see that jerk tonight."
I just nodded. Mukhang tama siya, hindi ko makakayang makita si Kendric ngayon.
Not now, I'm hurt.
"Put on your night clothes and go to bed. Sweetdreams." He kissed my head then smiled before he left the room.
Naiwan akong nakatayo. Ang swerte ko naman, buti nalang may kuya ako.
Nagpalit na ako ng pantulog at humiga.
Matulog ka na bunso, huwag mong hahayaang matalo ka ng sakit. You deserve so much more.
Yan ang isa sa mga salitang binitawan sa akin ni kuya dati, noong mga panahong kagaya ng gabing ito, kapag bumibigay ang katapangan ko at nalulunod nalang sa pag iyak.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Maaga akong pumasok at wala pang tao dito sa university. Tahimik lang akong nakaupo at nakikinig ng music para magpalipas ng oras.
Crossed arm and legs akong nakaupo rito. Kung titingnan ko ang aking sarili sa malayo, masasabi kong isa akong mataray na seventeen year old na nakatulala habang naka earphones.
Kagabi. Umiyak ako kagabi. I cried and I cannot accept that fact. Si kuya, siya yung diary ko at ako ang diary niya. Siguro nang makauwi ako ng bahay ay napansin niya ang lungkot ko, or baka pinagusapan sa buong university ang naging laban namin ni Kendric kaya narinig niya ito. I don't know. O kaya naman baka isa siya sa mga nanonood sa amin kahapon.
May kamay na humarang sa mukha ko kaya napapitlag at inis na lumingon ako sa may ari nung kamay na iyon. Pero agad nawala ang simangot ko nang malaman kung sino ito.
Bumalik ako sa dati kong pagkakaupo.
"You're ruining the silence." I stated habang diretso lang ang tingin.
"I'm not saying anything tiyaka paano nagka silence eh nakikinig ka ng music. Bawal bang tumabi?"
Duh. "Of course. Do I look like I want someone to sit beside me?" Iniinis niya ba ako? Hindi manlang siya mahiyang natalo ko siya kahapon?
I pressed the pause button of my earphones para tumigil ang kanta. It was a moment of deep silence. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapansin niya pa rin ako kahit na ako mismo ang kaaway niya. Nababaliw na ba siya?
Yung mamahaling mukha na ito, iniyakan ka ulit kagabi, Kendric Milan.
"Why did you not come yesterday?"
Cause I cried, you bastard.
"I had my dysmenorrhea." Pagsisinungaling ko.
Hindi siya sumagot at iyon nalang ang tinanggap kong tugon mula sakanya. Siguro kung si Celine yung nagsabi noon, agad siyang mag aalala. Tatanungin niya kung okay na ba siya, papagalitan niya kasi pumasok pa eh nagkasakit na nga, papaulanan siya ng lahat ng gusto at kailangan niya. But I'm not Celine Torres.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo.
"Where are you going?" Tanong niya.
"Somewhere else." Yung malayo sayo. "Don't you dare follow me."
Utos ko at tinuloy na ang paglalakad.
Oo nakaramdam ako ng sakit kagabi. Pero hindi dahil sa dysmenorrhea. Dahil sayo.
ווווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top