Nine: Welcome To Paris
When the waves are flooding
the shore and I can't
Find my way home anymore
that's when I, I... I look at you
-When I look at you
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
"Hoy cheetah!"
"Ano nanaman?? Panira ng mood 'to eh!"
"Ang pasaway! Wala manlang akong kaalam alam dito!"
"Ah talaga wala? So di mo alam ginagawa mo ngayon dito?"
"Huwag mo nga kong pilosopohin!"
"Realtalk tawag dun! Unggoy na 'to."
"Sa gwapo kong 'to? Pero sumagot ka nga ng maayos! Bakit wala akong alam dito?"
"Gusto mong malaman kung bakit? Nung nasa bahay ako at nagpapagaling nasaan ka??"
"Uh... Naki overnight stay?"
"Yun ang dahilan kung bakit ganyan ka ngayon. Ako pa magr-reach out? Ako pa mag a-adjust? Kasalanan ko pa?? Don't me nga."
Sasagot na sana si kuya pero pinandilatan ko siya ng mata. "Eh kung isumbat ko kaya sayo na wala ka noong nagkasakit ako? Tapos saka mo sabihing kuya kita!" Sa sobrang bwisit ko itinaas ko ang dalawang kamay ko sa harap mismo ng mukha ni kuya at gigil na pinabilog ang mga ito sabay "Aaargghh!!!!"
Inirapan ko siya at tumalikod saka humalukipkip. Bwisit na 'to! Ang ganda ganda ng gising ko dahil excited na ako sa flight namin ngayon tapos eepal epal itong kuto na ito.
Sino ba kasi nagsabing maki-overnight siya sa ibang bahay? Wala siyang karapatang isumbat sakin na wala siyang alam na aalis ako ng tatlong buwan dahil siya yung unang lumayas! May pasabi sabi pa ng sorry daw at kailangan umalis ulit tapos mangangapit bahay na pala. Aba! Bakit daw hindi ako nagpapaalam sakanya eh siya daw yung kuya ko at babae pa ko. Bugbugan nalang kami kung gusto niya.
Hmp!
Nandito na kami sa airport at naghihintay nalang na matawag kami at makasakay na. Nandito si kuya, yung apat kong kaibigan at yung mga kaibigan ni Kendric. Unfortunately, nandito rin si Celine. Hindi nalang namin siya pinapansin. Basta ang tamang magagawa ko lang ay ang iwasan siya para kay Kendric. So that wala nang mangyaring gulo bago kami umalis dito.
"Calling all passengers going to Paris France flight 2125, please now proceed to the plane. Again, calling all passengers going to Paris France flight 2125, please now proceed to the plane. Thank you."
Hinarap kami ni Kendric.
"Paalis na tayo. Magaaway parin ba kayong dalawa diyan?"
Nagkatinginan naman kami ni kuya.
"HMP!" Sabay naming tugon at nag iwas. Napatawa si Kendric.
"Three months kayong magkakahiwalay, imbis na maayos kayong magpaalam sa isa't isa nagkakagulo pa kayo."
Napalingon naman ako kay Kendric sa sinabi niyang iyon at may nakita akong ikinalungkot ko. I saw defeat in his eyes, nakangiti siya pero nakikita kong iba ang sinasabi ng mata niya.
Natahimik ako.
--
"Nandito ka na naman?" Tanong ko pero hindi manlang siya sumagot. Nakayuko lang siya at nakatayo sa harap ng pinto sa kuwarto ko.
"Hey.." Tawag ko ulit.
This time tinaas na niya ang mukha niya at binigyan ako ng tingin. And I knew there was something wrong with that look.
Marahan ko siyang hinila at pinaupo sa swivel chair. Hinarap ko ito sa akin at umupo naman ako sa kama.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
One second, two seconds, three, four.... Walang umimik.
Kinabahan ako bigla. Bakit-bakit humihikbi siya? Is he crying?
Wala sa sarili akong nagpanic at nanlaki ang mata. Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap ito sa akin, tears streamed down to his face.
Oh my.
Sa sobrang pagkalito at hindi na alam ang gagawin, niyakap ko nalang siya. He buried his face on my neck at doon patuloy na umiyak.
Never pa akong nataranta ng ganito. Ang lakas ng tibok ng puso ko hindi dahil sa saya o sa kilig kundi dahil sa takot. I don't know if I'm just overreacting pero nakaka trauma ang makita siyang umiyak. Gusto ko siyang patahanin agad agad. Parang pati ako naiiyak na rin kahit wala pa naman akong alam sa nangyari.
"Lianna..." Nabasag ang boses niya.
"Hmm?" Mahinahon kong sagot. I want to show that I'm ready to listen to him attentively. "Tell me, what is it?"
I tried to be strong even though hearing him cry makes me weak.
"Lianna... She broke up with me."
I just hope I successfully did it even after hearing those words.
What? But why?
Kung ako parin ang dating Lianna, sobrang tuwa ko na sana. Pero ang sakit makitang nasasaktan siya. But what hurts me more is when I see him face to face crying for another girl. But...
I know he's hurt and he needs someone, and I'm here. Kahit na masakit rin sa part ko. Parang nadudurog ang puso ko ngayon pero ang kaso lang, hindi ko alam kung dahil ba yun sa pag iyak ni Kendric o ang makitang umiiyak siya dahil sa ibang babae. Or both.
Bumalik ako sa aking sarili when kuya suddenly pinched both of my cheeks.
"Sige... Kahit nagtatampo ako sayo, papansinin na kita. I will miss you bunso!" Sabi niya habang patuloy na pinipisil ang pisngi ko.
"Ako nga dapat nagtatampo eh. Bahala na! Pero sige kuya kong unggoy, enjoy your life without me haha!"
"Hoy. Para namang mawawala ka na talaga. Tatlong buwan lang hoy!" Liningon niya si Kendric at inangasan. "Kendric! Ingatan mo kapatid ko ha. Utos yan. Kahit magkaibigan tayo pag may nangyari dito lagot ka sakin."
Tinanguan siya ni Kendric at ngumiti sabay salute. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Lumapit agad ako kay kuya at niyakap siya ng mahigpit na ikinagulat niya.
"Wah! May cheetah!" Pangiinis niya at ginulo ang buhok ko at kiniss ako sa ulo. Buti nalang may kuya ako, paano nalang kung mag isa ko lang? Edi wala na talaga akong kasangga. Yung parents ko kasi, oa pa sa oa mag trabaho.
Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sakanya at kinuha ang mga bagahe ko. Nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko. Ganun rin si Kendric.
"Byeee! Mamimiss ka namin!" -Jodie
"Ingat gurl. Stay pretty, mamimiss kita!" -Mia
"Bye Lili! We love you so muuch!" Tapos bumulong si Phiara. "Congrats rin pala." Nagtawanan nalang kami, makapagsalita para namang ikakasal na ako.
Lumapit ako kay Kath at inayos niya ang damit ko. We smiled at each other.
"Ingat ka doon. Mamimiss ko ang best friend ko! Haha! I love you!"
Mamimiss ko rin itong gagang ito. Paano ako mabubuhay ng wala sila?
Lumapit ako at niyakap siya. While I was hugging her, just a few distance from us I saw something amusing. Saktong pagkayakap ko kay Kath ay nakita ko si Kendric at Celine na nagyakapan rin. Ang higpit ng yakap nila sa isa't isa.... It's obvious that they're longing for each other already.
Ouch.
"Lianna?" Medyo nagulat ako sa tawag ni Kath at tinanggal ko na ang yakap ko. "What happened?"
"S-sorry... Mamimiss lang talaga kita." Sagot ko pero hindi parin natatanggal ang tingin ko sa dalawa.
She chuckled. "I know you will miss me too. Pero alam kong hindi yan ang dahilan kung bakit ganyan ang itsura mo ngayon." Sinundan niya naman ang tingin ko at tinuro sila Kendric ng makita niya sila. "Yun ba?"
Ngayon ay pinapahid na ni Kendric ang luha ni Celine. I just stared. Naiinis ako. Pero hindi ko alam kung bakit imbis na magwala ako ngayon gaya ng dati kong ginagawa ay nakatayo lang ako dito, tahimik na pinagmamasdan sila.
After a few seconds of gazing at their sweetness ay linipat ko na ang tingin ko kay Kath.
"I don't want this day to be ruined just because of this." I smiled. "Let's not mind them. Bye ulit Kath. Skype nalang tayo."
"Okay..." She then held my hand. "Lianna, if anything goes wrong while you're with him, just call me.Clear?"
I nodded and hugged her for the last time.
I'm a strong independent woman pero mamimiss ko parin ang mga taong iiwan ko ngayon kahit na nga ba tatlong buwan lang yun. Kapalit ng pagalis ko dito ay ang pagsama sakin ni Kendric papuntang France. Pwede na.
"Umm Lianna.." Rinig kong tawag sakin ni Kendric. Humiwalay na ako kay Kath. "Let's go?"
Kinuha ko na ang bagahe ko. Tiningnan ko lahat sila isa isa then my eyes landed on Celine, ang lungkot niya. Agad rin siyang umiwas ng tingin sakin kaya naman tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad palayo kasabay si Kendric.
"Are you ready?" Pagbasag niya sa katahimikan nang medyo makalayo na kami.
"I am." Tipid kong sagot. "But I guess you're not."
Hindi ko naman sinasadyang matarayan siya pero parang nagulat siya sa sinabi kong iyon.
"Huwag kang magalala, hindi masama ang loob ko." Sabi ko habang diretso parin ang tingin sa daan. "I'm just telling you a fact."
"Hindi. Ready ako, okay naman ako ah."
Tumigil ako sa paglalakad at ganun din siya. Huminga ako ng malalim saka siya hinarap. Tinitigan ko siya ng maigi.
"Hindi yan ang mata ng ready sa isang bagay."
Liningon ko naman sila kuya na ngayon ay malayo na sa amin. "We're both not ready for this, you know."
Naaninag ko ang pagwave ng mga kamay nila kaya nakangiting nagwave rin kami pabalik sakanila. Everyone bid us a last goodbye except for Celine.
"Lahat naman tayo hindi ready eh." Binaba ko na ang kamay ko. "I saw how you hugged each other. Are you really gonna leave her for me, Kendric?"
Liningon ako ni Kendric na gulat. "What do you mean?"
"Go back if you want to. Go back to her if you want to."
He stood silent, hindi niya alam ang isasagot niya. Nagtitigan lang kaming dalawa at kahit nalulunod na ako sa mga mata niya ay pinilit kong maging matatag para ipakitang seryoso ako sa sinabi ko.
Pinilit kong maging matatag kahit ang sagot na hindi ko gusto ay ang nakita ko sa mga mata niya.
Nakakatawang binibigyan ko siya ng chance ngayon para makalayo eh samantalang nabuo ang bakasyon na ito dahil gusto ko silang maghiwalay. Sa totoo lang, para na akong tanga.
Halatang nakikipaglaban na siya sa sarili niya.
"Calling all passengers going to Paris France flight 2125, the plane will be leaving for the next ten minutes. Please proceed."
Kumabog bigla ng malakas ang puso ko nang marinig ang call na iyon.
And before I knew it, he grabbed my luggage.
"Let's go." Nakangiti niyang sabi at nauna nang maglakad.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
"Hey, wake up~" Nakarinig ako ng boses na nagpagising sakin at narealize na nakatulog pala ako sa balikat ni Kendric. Agad na nawala ang antok ko at dali daling itinaas ang ulo.
"Good morning! Nandito na tayo." Saktong pagkasabi noon ni Kendric ay nagsalita ang pilot. Nagready naman kami agad at di nagtagal ay naglanding na ang eroplano. Isa lang ang nasa isip ko ngayon.
We're officially here in France.
Hindi rin madali ang naging byahe namin. Masyado kasing matagal.
Napalunok ako ng tumigil na ang eroplano. Ayaw magproseso ng utak ko na ito na. Solong solo ko na si Kendric. Yung matagal ko nang palihim na pinapangarap.
Nagsitayuan na ang mga tao at bumaba. Noong konti nalang ang nasa loob ay doon palang kami tumayo para hindi hassle. Ayoko namang salubungin yung France ng stressed.
Nakalabas na kami ng eroplano at namangha sa sumalubong sa amin.
"Wow." Di ko na napigilan. Sobrang iba sa pakiramdam na salubungin ang France habang may snow.
"Hi Paris France." Rinig kong bati ni Kendric mula sa likod ko. His warm breath that reached the back of my neck sent me shivers.
Narealize ko nalang na ilang minuto na pala akong na-istatwa sa kinatatayuan ko kaya dali dali akong nauna sa pagbaba, hindi naman ako nahirapan dahil nga isang bag lang ang dala ko at nagprisinta na si Kendric na dalhin yung iba.
Dumiretso kami sa airport at kinuha yung mga maleta namin at nung okay na ay sumakay kami sa sasakyang naghihintay sa amin.
Sobrang ganda sa labas. Hindi na bago sa akin ang mang-ibang bansa at makakita ng snow. Kaya nga nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit iba ang impact sakin ng paligid ko ngayon. Dati ay wala talaga akong pakialam sa iba at nakatuon lang ang atensyon ko sa sarili ko at sa mga dapat kong gawin.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay na tutuluyan namin. Binuksan ko ang gate at binaba na ni Kendric at nung driver ang lahat ng gamit namin.
"Welcome ma'am and sir. Enjoy your stay in France. I am Flint and I will be your driver." Bati nung lalaki sa amin gamit ang slang niya na english.
"Thank you, Flint." Bati ko pabalik. Nagpaalam na siya agad at umalis na. Pagkasarang pagkasara niya ng higanteng gate ay bigla akong nakaramdam ng kaba.
Wala na, wala nang ibang tao dito.
Pinagmasdan ko ang paligid. Sa labas palang ng bahay ay makikita mo na ang napakalawak na garden at mga bench. Meron ring fountain sa gitna at may ilang lamppost sa gilid. Pero lahat ng ito ay nalalagyan ng konting snow.
"Phew.. tara?" Giniginaw kong tanong sakanya. Dumiretso na agad kami sa loob at sumalubong ang tahimik at madilim na bahay. Malaki ang salas tapos engrande rin yung hagdanan paakyat. Binuksan ko agad ang ilaw at dumiretso sa fireplace saka ako nagsindi ng apoy. Umupo ako sa harap nito sandali at nagpahinga.
Ang galing. Nagkatotoo na nga talaga ang hiling ko. Ang masolo siya, ang makausap siya. Ang magkasama kami ng hindi nag aaway. Yung walang pilitang nagaganap. Walang ibang tao, walang Celine. Ako lang, kami lang. Sobrang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito at akala ko hindi na darating pa. This vacation is something someone known as a perfect girl like me wished to have. I get what I want but this wish is a difficult one. Pero ito ako ngayon, kasama siya.
Tumabi siya sa akin sa tapat ng fireplace.
"Kamusta?" Tanong niya.
"Huh?"
"Ano ang nararamdaman mo ngayon? Masaya? Malungkot? Pagod?"
Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Oo, pagod. Pagod pero masaya parin naman. Tiyaka oo, malungkot rin."
"Why?"
"Kasi nakakapagod naman talaga sa biyahe. Kaya pagod. Masaya kasi nasa bakasyon ako ngayon. Tapos malungkot kasi namimiss ko yung mga naiwan ko sa pilipinas."
He chuckled which made me look at him. "Hahaha parehas lang tayo. Tara libutin natin yung buong bahay?" Tumayo siya at tumayo na rin ako. Napalingon lingon siya sa paligid. "Paano ba yan? Wala pala tayong ibang kasama dito."
"Oo nga. Tayo rin pala maglilinis, magluluto at kung anu-ano pa. Hahaha keri ko naman siguro." Kahit tingin ko hindi.
Hinihintay ko ang susunod na sasabihin ni Kendric pero nakakapagtakang nanahimik siya bigla. Liningon ko siya at..... Shit.
Nagulat ako ng unti-unting lumapit si Kendric sa kinatatayuan ko. Nag iba ang mga tingin niya. Naging mapungay ang mga mata nito at parang tinititigan ang kaluluwa ko. Papalapit siya ng papalapit habang ako ay paatras naman ng paatras. Then suddenly..
Shit. Pader na ito.
Napakurap ako dahil sa biglaang pagkulong niya sakin gamit ang kanang kamay niya. Seryoso ang kanyang mukha na nakatitig lang sakin.
Anong kagagahan ba kasi ito? May nagawa o nasabi ba akong masama? Ang sabi ko lang naman maglilinis kami ng bahay kasi walang yaya dito. May masama ba doon? Ayaw niya bang tumulong? Edi huwag na, ako nalang magtatrabaho. Puwede niya naman sabihin ng maayos hindi yung ganito eh. Nakakaputa na yung mga kinikilos niya ah!
Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng bigla siyang ngumisi. Maya maya pa'y dahan dahan siyang lumapit sa tenga ko.
"Ang sinasabi ko, tayong dalawa lang dito." His warm breath and cold voice mixed together sent me shivers and extreme heartbeat that I've never felt before.
"What if... I wasn't the guy who you think I am?"
Mas dumoble ang kaba ko sa sunod niyang ginawa. Marahan niyang tinanggal ang itaas na butones ng shirt niya.
Shit shit shit pakshit.
For the first time in my life na kabahan ako ngayon lang ako hindi nakaisip ng sasabihin para maitago ang kaba ko. For the first time in my life ngayon lang ako nablackmail.
"What if I'm secretly a badass jerk?" Ngumisi nanaman siya at napapitlag ako ng marahas niyang ibalik ang kamay niya sa pader para muling ipangharang sa akin. Kita na rin nga pala yung dibdib niya.
What the hell?!
"What will you do now, Lianna? I can do anything I want to do right now if I'm just willing to do so." Maangas na tumaas ang dalawa niyang kilay at nagtanong sakin. He's somehow hot.
"What are you gonna do to save yourself?"
ווווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top