Fifteen: Celebration (2)
Trying not to breathe 1, 2, 3
Trying not to freak when you look at me
Try to make a move but I freeze
You don't have a clue what you do to me
- Shy
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Kendric
[Sender: Celine
Happy birthday]
I was left dumbfounded. Nanatili akong nakatitig sa phone ko hanggang sa marealize ko na hindi na pala ako humihinga.
I lied down on the bed. Naaamoy ko talaga si Lianna. Buti nalang pala wala siya dito ngayon. Ano nalang ang sasabihin niya pag nakita niya akong nandito?
Pero nagtext si Celine. Nag greet siya. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?
I picked up my phone and started typing.
Thank you :)
Delete.
Thanks. Musta na?
Delete.
Salamat sa pag alala.
Delete.
Taena 'di ko alam sasabihin ko.
Sigh.
I stopped typing and just stared on her message, reading it over and over.
At hindi ko sinasadyang maalala lahat noong mga panahong kami pa. I can't help but to flashback everything in my mind. Yung kaming dalawa ang laging magkasama, I kiss her forehead, she hugs me tightly. Naalala ko rin yung time na laging may Lianna na sumisira ng moment naming dalawa ni Celine.
I scoffed as I realized na nagkabali-baliktad na ang mundo ngayon. Si Lianna na ang kasama ko araw araw, siya na din ang hinahanap ko. Samantalang si Celine na ang bigla biglang nagpapakita.
I just kept on staring at Celine's name on my phone.
I may sound rude or whatever but yes, I suddenly missed her-too. But I badly wanted to know who I wanted more. Sino ba ang mas gusto kong makasama ngayong araw na ito? Si Celine? O si Lianna?
Kinilabutan ako sa sunod kong nakita.
Lianna's contact ID popped up right before my eyes.
[Lianna calling]
Naramdaman ko ang minsanang malakas na pagtibok ng puso ko. Tangina saktong sakto sa timing eh.
Napatulala rin ako saglit bago marealize na matatapos na ang call. I picked it up immediately.
[Wow ang tagal sumagot ha? Ano bang ginagawa mo?]
Ayan na naman siya sa masungit niyang tono. Hay. :<
"Uhh... Nakahiga." Sa kwarto mo.
[Don't do anything stupid. Babalik rin ako. Have you treated your wounds already?]
Ah shit. Nakalimutan ko pala! Tangina kapag sinabi kong nakalimutan ko baka masermonan na naman ako nito. Ayoko nang masermonan sa kanya nakakatakot!
"Ah oo. Kani-kanina lang masakit nga eh-
[Treat your wounds right now. Gusto mo bang magkapeklat yan?]
"Teka sabi ko tapos na." Napakurap kurap kong sagot. Yung tono niya kasi parang nagsasabing hindi siya naniniwala sakin.
[Huwag kang magsinungaling. Kilala kita kaya don't even try lying.]
I gulped. Ang galing.
"O-opo. A-anong oras ka pala uuwi?" Hindi ko kasi alam kung bakit pero gusto na kitang pauwiin dito ngayon. Nakayakap na nga ako sa isang unan mo eh.
[Ewan. Mga six siguro ng gabi.]
Namilog ang mata ko. "SIX?! ANG TAGAL!"
[Aray. BAKIT KA SUMISIGAW?!]
Nailayo ko ang phone sa tenga ko.
"S-sorry." Pfft.
[Ah basta! Huwag ka nang magtanong! Five thirty to six o'clock ako makakarating sa bahay at siguraduhin mong nakaayos ka na!]
"Ha? Para saan?"
Aalis kami? Wow sobrang energetic naman ni Lianna ngayon. Anong meron?
[Lalabas tayo. May nakita akong magandang restaurant at doon tayo kakain ng hapunan.]
Wala sa sarili akong napangiti. "Okay! Ingat bye mwah!"
Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.
[A-ano?]
"Ingat bye miss you!" At in-end ko na ang call.
I happily sighed and lied down, facing the ceiling.
Aalis kami~ aalis ka-
I stopped when I realized something. Teka, anong sinabi ko kanina? Tama ba ang naiisip ko?
Ingat bye mwah! Ingat bye miss you!
Kusang nanlaki ang mga mata ko at napatayo sa higaan saka nagtatalon.
I started talking while jumping. Na nagresulta sa putol putol na sentence dahil nga sa pagbounce ko sa higaan.
"Puta.. sinabi ko yun?" Tumigil ako sa pagtalon at ginulo gulo ang buhok ko. "Bobo! Bakit? Aish nakakahiya ka!"
"Ay tangina mo rin." Sigaw ko nang tumunog ang laptop. Umupo ako at tiningnan kung ano ang nangyayari. Tumatawag na pala sila sa akin.
I answered the call at sunod sunod na bati ang binigay nung apat na ugok sakin.
[UWAAH HABADUUU! Kapangit pangit mo at PANGIT KA NA FOREVER!] -Wayne
"Oy utol happy birthday ang tanda mo na!" -Vino
[Haiiiiiii! Happy birthday fafa!] -Zack
[Happy birthday bro. Enjoy your day.] -Hyen
"Salamat mga pre kahit hindi ako sigurado kung greetings ba yang mga sinabi niyo."
[Kasama ako?] Tinanguan ko si Hyen. [Ha? Bakit?]
"Tsk. Sige nga, paano ako mag e-enjoy kung wala naman-
[Yung baby mo? Oo nga nasaan na ba kasi yun 'di pa ba tapos mamalengke?]
Nagtawanan yung tatlo sa sinabi ni Zack. Gago ba sila? Mamalengke?
"Oh sige. Bye na." Sabi ko at akmang papatayin na ang tawag pero sabay sabay silang nagsisigaw.
[Zack kasi eh. Baby daw niya si Lianna? Siraulo.] Ani Vino.
[Bakit? Totoo naman ah. Kanina nung nagbiro ako na baby niya si Lianna hindi man nga siya nag react.]
[Weeh? Totoo? Motion lotion no violent reaction?] 'Di makapaniwalang tanong ni Wayne sabay tingin sakin. Nakisama rin yung tatlo.
"Mga gago talaga kayo. Birthday greeting ba yang ginagawa niyo ngayon o showbiz interview? Papatayin ko na talaga 'to bye."
[Oyoyoy hindi na! Next topic nalang uhm... Kamusta na diyan?]
Kinamot ko ang likod ng ulo ko saka nag isip. "Masaya. Enjoy. Except ngayon."
Sabay sabay naman sila nag make face na parang mga nagulat. Naiintindihan ko sila at sinabayan ko nalang ito ng tawa. Sino nga ba namang mag aakalang sasaya ako dito eh si Lianna ang kasama ko? The girl I hated the most- before.
Just before.
[Teka pre. Bakit ganyan yang paligid mo?] Nagtatakang tanong ni Hyen.
Bigla namang nanlaki ang mata ko. Pero hindi ko alam ang isasagot. Puta oo nga pala nandito ako sa kwarto niya!
"H-ha? A-ah kasi... Kasi..."
[Bakla ka na?] -Zack
[Nagbago na taste mo?] -Vino
Sasagot na sana ako sa kanila pero halos tumalon na ako papuntang mars when I suddenly heard a girl's shriek.
I looked up to the door and...
Fuck. No fucking way.
"SINONG NAGSABING PWEDE MONG PAGTAMBAYAN ANG KWARTO KO?!!"
Di alintanang naka on pa ang video call, I was left frozen on my place. Habang nagpapanic namang nagsireact ang tatlong ugok sa kabilang linya. Si Hyen nakikinig lang. Siya din ang unang nakapagsalita sa kanilang lahat.
[Nandiyan si Lianna?] Kalmado niyang tanong. I gulped and nodded slowly. Pero nakadikit pa rin ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa harap ko ngayon at handa na akong sipain palabas ng mansiong ito.
"B-b-bakit ka n-nandito?"
Pinamewangan niya rin ako at tinuro itong kama. "Ako dapat ang nagtatanong niyan! ANONG GINAGAWA MO DIYAN??! Trespasser ka talaga Milan!"
Bago pa mahuli ang lahat ay tumayo na ako at pumunta sa kabilang gilid ng higaan. Lumapit din siya sa higaan niya. Parehas na kaming nakatayo ngayon at magkatapat, ang higaan nalang ang naghihiwalay sa aming dalawa.
Mga tarantadong unggoy! Hindi pa in-end ang video chat at ang saya saya nilang pinapanood kaming dalawa ngayon! Naghahagikgikan pa ang mga gurang na 'to!
In just a second Lianna suddenly grabbed a pillow at tumungtong sa higaan.
At nagsimulang hampas hampasin ako.
"Tresspasser! Ng! Ibang! Kwarto! Yuck! Omg! Ano na namang ginawa mo dito habang wala ako?? Baka hinalungkat mo na naman ang mga damit ko! Baliw ka talaga! Shiz Kendric!"
"AYOKO NA AAAAAH!" Sigaw ko at pilit na hinaharangan ang mukha ko mula sa unang pinampapalo niya sakin. "Wala akong ginawa maniwala ka! Sandali lang sandali makinig kaa! Aray ko!"
"Anong wala?? Ha anong wala?? Ayan oh kitang kita nakasalampak ka sa kama ko wala ka bang sariling kwarto buset ka!!"
"Isa tumigil ka na!" Pagbabanta ko. Masakit na ah!
"Anong tumigil? No! You deserve this! Argh!"
"Dalawa!" Pag nainis ako baka makalimutan kong si Lianna Xanders itong kaharap ko!
"Tse! Tse tse tse tseee!"
"Tatlo!"
"Ah nananakot ka na ngayon?? Halika dito bubugbugin kita-"
I finally made up my own choice.
I suddenly wrapped my arm around her waist and pulled her close to me right after she climbed down the bed para sana lapitan ako. At dahil sa biglaang paghawak ko sa kanya ay na off balance kaming dalawa
Pareho kaming bumagsak sa higaan. My right arm was tightly around her waist while the other was supporting her head. Kahit higaan ang babagsakan namin, siyempre kailangan kong siguraduhing hindi siya masasaktan.
Akala niya sisigawan ko siya dahil sa pagbabanta ko kanina 'no?
She grasped my shoulder tightly at yung isa niya pang kamay ay nasa likod ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa.
Sa wakas. Napatigil ko din siya.
Pigil hininga. Walang gagalaw.
[Uh-oh. Umm naalala ko may gagawin pa ko... Bye guys!] -Wayne
[Uh... Gotta go too! Natatae ako eh. Sige ingats.] -Vino
[Bye.] -Hyen
[Halaka! Bye na rin!] Huling nagpaalam si Zack. Tapos bumulong pa siya. [Enjoyy~]
At sunod sunod na pagputol ng tawag ang umalingawngaw sa paligid.
But we just stayed like that.
I can see that she's too damn confused- and at the same time... She has beautiful eyes. Ang ganda niya lalo na sa malapitan.
Sa tingin ko, kukunin ko na ang pagkakataong ito para mapagmasdan ko siya ng maayos at mas matagal.
Ramdam ko rin ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan na ewan. Basta hindi ako mapakali pero hindi ako makagalaw- ano daw?? Ito na nga bang sinasabi ko...
Pero tangina ang ganda ganda niya.
Nakakamangha kasing pagmasdan yung mukha ni Lianna dahil hindi siya kagaya ng ibang babae na todo kolorete sa mukha. Katulad ngayon, simpleng eyeliner lang ang gamit niya, ni hindi man nga siya nag blush-on o kung anu-ano pa. She just highlights her features and that's it. Matagal ko nang napansin iyon mula sa kanya. Natural ang ganda niya. Tuwing lumalabas kami, o kaya nasa loob lang ng bahay. Hindi ko alam kung napapansin ni Lianna yun pero kapag may chance ako, tinititigan ko siya.
Damn I'm getting addicted with her presence.
Lumunok siya at nanlalaki ang mga matang tinitigan ako.
" A-anong ginagawa mo?"
I stayed silent. Huwag ka munang magulo.
"Kendric... Stand...up."
"Kendric STAND-"
"Ssh."
Sumunod naman siya sakin at hindi rin kumibo. Ganito lang ang posisyon naming dalawa. Ilang segundo ang lumipas at nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Halatang kabadong kabado siya pero alam na alam ko ang nararamdaman niya kasi yun din ang nararamdaman ko ngayon eh. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.
"L-look..." She called. "I-if you wanted to lie down. P-p-pwede bang sa tabi ko n-nalang?" She gulped before continuing. "Kasi hindi ako komportable.... A-ano kasi..." Hindi na niya naituloy ang sinabi niya pero sa halip ay tumingin sa baba.
She pursed her lips together and looked away. Then she carefully tapped my arm.
Uminit ang mukha ko nang marealize kung ano ang sinasabi niya.
Fuck!
I cursed at dali-daling lumayo mula sa kanya. She sat on the bed and placed her hand on her forehead at pumikit. Pansin ko ang biglaang pamumula ng pisngi niya. By any chance... is she... blushing?
"S-sorry.." I stuttered. "Hindi ko naman alam."
She just nodded continuously without opening her eyes. "Labas ka muna please?" Pakiusap niya. Tumango nalang ako kahit hindi niya nakita and stormed out of her room in just a second. Pagkasara ko ng kwarto niya, doon palang ako nakapagpakawala ng hininga.
Pumasok ako agad ng kwarto ko at tumalon sa kama. Sinabunutan ko na naman ang sarili ko dala ng frustration.
Puta ano ba kasi ang nangyari??!
"Arggh!"
Hindi kasi ako yun eh! Hindi eh. Kahit kailan hindi pa ako naistatwa ng ganun dahil lang sa isang babae. Marami. Maraming akong ginawa kanina na parang hindi ako yung kumokontrol sa sarili ko. Simula doon sa para akong tangang sinisigaw yung pangalan niya hanggang doon sa pumasok ako ng kwarto niya dahil sa- sa pagkamiss ko sa kanya! Pati na din doon sa hindi ko alam ang gagawin ko dahil sobrang magkalapit na kami at wala nang ibang makita ang atensyon ko kundi yung malakas na tibok ng puso ko at ang distansiya naming dalawa. Hindi ako lahat yun eh. Hindi ganun ang typical na Kendric Milan dahil ang totoong Kendric Milan ay sanay na sa mga babae. Wala lang sakin yun! I do skinships with girls I don't even know! Except doon sa spg. Pero tangina yung kanina kakaiba talaga eh!
Nakakalito. Nakakalito kasi unang beses nangyari sakin lahat ito. Una. Kumbaga kay Celine... hindi ko naramdaman lahat ng ito. Oo may spark kaming naramdaman sa isa't isa. Kinakabahan din ako tuwing katabi ko siya. Pero iba pa rin itong ngayon- sobra.
Ano nang gagawin ko? Nag aalala pamandin ako ngayon kasi feeling ko nabastos ko siya. Pero Lianna hindi! Huwag niya sanang isiping chumachansing ako sa kanya kasi hindi.
Pero Kendric ang tanga mo. Nabastos mo talaga siya kanina!
Napatalon ako ng may kumatok sa pinto at dahil sa sobrang pagkataranta ay agad akong tumakbo at binuksan ang pintuan. Parehas kaming nagulat ni Lianna sa isa't isa.
"A-anong nangyari sayo?" Nagtataka niyang tanong habang pinagmamasdan ang mukha ko. "Ang... Ang gulo ng buhok mo."
"Eh ikaw? Bakit ka namumula?" Tanong ko rin imbis na sagutin ang tanong niya. She immediately looked away at napangiti ako ng mas lalong nangulay ang pisngi niya.
Tangina.
"A-ano..." Panimula niya habang nakaiwas pa rin ng tingin sakin. "Alis na ako."
"Agad agad?" Puno ng pagtataka kong sabi. "Kararating mo lang ah?"
"Hindi kasi... kasi may kinuha ako. May nakalimutan ako. K-kaya yun." Kinamot niya ang gilid ng ulo niya gamit ang hintuturo. Saka niya ako binigyan ng isang pilit na ngiti. "S-so paano? Una na ko bye."
Tumalikod na siya at akmang maglalakad pero hinawakan ko agad ang balikat niya. Napalingon siya sakin. "Diba may pupuntahan tayo?"
"Ah oo. Mamaya pa yun. Susunduin ka namin ni Flint." Tuluyan na siyang naglakad palayo.
"Sorry." Pahabol ko bago pa siya makababa ng hagdan. "S-sorry doon sa.. sa kanina." Tsk paano ko ba sasabihin 'to?
Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago siya umikot paharap sakin. Akala ko magagalit siya or bibigyan niya ako ng blankong reaction pero hindi. Nag pout siya bigla, yung pout na naiinis, pero yung naiinis na hindi seryoso ang itsura niya. Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang pagiiba ng expression niya.
"Tsk! Kasi naman eh. Bakit ka ba nasa kwarto ko?? Ikaw Kendric nakakatakot ka na ha baka mamaya may balak ka na diyan!"
"Hala hindi!" Depensa ko. "Ano lang naman.. kasi ano.."
"Ano nga? Bakit ka nasa kwarto ko? Ano ba? Wala na bang ibang pwedeng tambayan sa mansiong 'to?"
Tumahimik ako.
Namiss kasi kita. Yun. Yun yung dahilan. Pero paano ko naman sasabihin sa'yo? Mamaya mailang ka pa sakin. Mamaya hindi mo pa ako kausapin. 'Lianna namiss kita kaya ako nasa kwarto mo. Gusto kitang makita agad kasi iniwan mo akong mag isa dito sa bahay. At hindi ko alam kung bakit pero hinahanap kita agad.'
Hindi naman kasi ganun kadali.
I came back to my senses because of her voice. "Aish. Bahala ka nga diyan. Nasasayang yung oras. Una na ako." Pagpapaalam niya at bago pa ako makapagsalita ay bumaba na siya ng hagdan. I just listened to the sound of the door being shut.
I sighed. Hindi niya pala talaga naalala ang birthday ko. Akala ko lalabas kami para kumain mamaya dahil naalala niyang birthday ko pero mukha namang wala siyang alam. Tapos galit pa yata siya sakin.
Nagkibit balikat nalang ako at pumasok ng kwarto niya. At- oo humiga ulit ako doon sa kama niya. Hayaan ko nalang. Nahuli na rin niya ako eh. Papanindigan ko nalang.
Walang gana kong binuksan ang laptop ko at wow, isang ring galing sa skype agad ang bumungad sakin.
I answered the call at nagpakita ang pagmumukha nung apat na ugok. Nagtataka si Vino habang ang laki naman ng ngiti ni Wayne. Si Hyen gulat na gulat yung itsura tapos si Zack parang ang saya saya.
[Ang bilis naman ng session niyo?] -Vino
[Kamusta? Enjoy ba? Kaya pala pangbabae yung kwarto eh! Kay baby pala. HAHAHA!] -Wayne
[Ginawa niyo nga??] -Hyen
[Sheet 'di ka na virgiiin!] -Zack
Gumulong gulong pa si Zack sa higaan at nawala sa screen. Tapos biglang may malakas na impact kaming narinig sa floor. Ano yun?
[🎶'Di na siya virgiiiin wootwoot 🎶 welcome to the club ooooh yeaa-
I pressed the end button.
*Toot*toot*toot*
Napapikit ako. Hinatak ko yung isang unan at nagpagulong gulong sa kama habang nakatakip yung unan sa mukha ko.
"Ah puta this day really screwed up!"
"Tangina anong klase kang tao Kendric pakamatay ka na!!"
Unang una hindi naalala ng mga importanteng tao yung kaarawan ko. Pangalawa iniwan niya akong mag isa. Pangatlo nag text yung girlfrie- ex ko na si Celine. Pang apat bigla ko siyang namiss dahil doon. Ang kaso namimiss ko rin si Lianna at the same time! Panglima nagalit sakin si Lianna. Pang anim at pinakamasaklap sa lahat!! Shit nabastos ko siya! Pinagkamalan pa niya akong may binabalak na masama sa kanya!
May isa pa pala. Yung mga epal na kaibigan ko nakita yung kagaguhang ginawa ko kanina. Baka akalain nila may balak talaga ako. Tingnan niyo nga oh akala pa nila ginawa namin yung ano... Yung ano-! Basta yun!
Nagring ulit ang laptop pero agad ko itong sinara. Ayoko na muna silang kausapin at sigurado wala na namang kwenta ng mas doble pa yung mga sasabihin nila.
"Aish." I growled.
Putcha. Itutulog ko nalang 'to. Para atleast kahit paano makakalimutan ko ng panandalian yung mga katangahang nangyari sakin ngayong araw na ito.
Happy birthday to me. No one even remembered.
וווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top