Eleven: Enchanted

I'll spend forever wondering
if you knew I was
enchanted to meet you

- Enchanted

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

Tahimik lang kaming kumakain ng niluto ni Kendric na sinigang.

"So anong gagawin natin bukas?"

"Ewan. Lilibot?" Tanong ko pabalik habang humihigop ng sabaw. "Infairness ang sarap ng luto mo."

Ngumisi siya. "Siyempre. Kasing sara-"

"Shut up you freak."

Nagpout siya. Hala nakakaawa... pero siyempre hindi ko ulit ipapahalata. Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Anyway, thank you sa pag ayos ng kwarto ko." Napasinghap siya. "Kaso nga lang, bakit hinalukay mo pa yung bag ko ng picture frames?"

Alam kong kaya hindi siya sang-ayon sa pagaayos ng picture frames ay dahil may picture sila doon ni Celine. Pero okay lang naman ako eh, hindi ako masyadong naapektuhan. Sa tingin ko, I became matured since the day Kendric started talking to me.

"Oh, ano ngayon? Ang ganda nga ng mga nakita ko dun eh." Pagsasabi ko ng totoo but he doesn't look convinced. "Mabuti pala sinama mo sa mga dinala mo yung dinner date natin kasama ang family natin. Ayaw mo yun? Natulungan mo pa akong alalahanin na may parents pa pala ako."

He sighed. "Kahit naman malayo sa'yo ang parents mo, nandito parin naman sila mom at dad."

Sinundan ko ang sinabi niya. "At kahit naman malayo rin ang loob mo sa parents mo, nandito rin sila mom at dad para sa'yo."

Sabay kaming napahalakhak because of the bitter truth. Kasi naman, kung ituring ng parents ko si Kendric parang ito ang tunay nilang anak. Kahit siguro manghingi si Kendric ng ginto sa kanila, gagawa sila ng paraan para makahanap ng ganun. At kung alagaan naman ako ng parents ni Kendric, parang ako naman ang unica ija nila. Kahit ano kasing hilingin ko sa kanila, ginagawa nila. Tulad nalang ng bakasyong ito.

"Ang sarap sa feeling ng may kapatid ano?" Nakangiting sabi niya. Tumango ako. Kahit naman unggoy at cheetah ang tawagan namin ni kuya, mahal na mahal ko parin siya.

"Kuya thought me what it feels to have a family beside me."

"And ate thought me how to appreciate things around me." Tiningnan niya ako. "Example, ikaw."

Tumaas ang kilay ko. "Ako?"

"U-huh." Patango tango niyang sagot. Liningon niya ang bintana. "She told me that I should learn the meaning of every single thing or person around me, lalo na ang mga tao. Huwag na huwag ko raw kalilimutan na ang isang tao ay hindi dumadating ng walang dahilan."

"May point siya do'n." Liningon ko na rin ang malaking bintana sa gilid lang namin. Kitang kita ko ang pagbagsak ng snow mula sa labas. Gabi na, siguradong doble pa ang lamig ngayon sa labas ng bahay kumpara dito sa loob.

"Now tell me, what is your purpose in my life?"

Napaisip ako. Ano nga ba ang kwenta ko sa buhay ni Kendric? Kung totoo ngang ang pagdating ng isang tao ay may dahilan, ano naman kaya ang dahilan na yun? Ako, sino ako sa buhay niya? Bakit nangyari lahat ng ito at bakit nandito ako ngayon sa ibang bansa, kasama siya?

"Ang alam ko lang, each person who comes brings a lesson."

Nasagot ko ang tanong niya, at pakiramdam ko ay tama ang sagot kong yo'n. Based on my experiences, lahat ng taong nasa buhay ko ngayon, lalo na ang mga importante, nakikita ko kung ano ang naituturo nila sakin.

My friends and kuya thought me that I'm not alone.

Ate Dristine came to my life and was gone. Gaya nalang ng itinuro niya kay Kendric, she also thought me how to appreciate everyone around me. Kasi hindi lahat ng tao, nandiyan sa tabi mo forever.

Celine thought me that I'm still a person, I am not a God who can get anything I want anytime. Oo aaminin ko na kahit bitch ang tingin ko sa kanya, may naituro parin ang gagang yun sa buhay ko.

And last but not the least, Kendric. He thought me how to love.

Narinig ko ang pagkaluskos ng mga plato, at nakita kong nililigpit na pala niya ang mga ito.

"Magbihis ka. Aalis tayo."

Nacurious ako sa ngiti niya at di napigilang magtanong. "Saan naman tayo pupunta?"

"Libot tayo sa daan. We're not in the Philippines, mukhang mas lively ang paligid dito tuwing gabi. Why don't we try?"

Kumunot ang noo ko. "Really? Are you sure?"

Tumango siya bilang sagot. "Oo naman. Isa pa, kasama mo ako kaya safe ka. Walang makakalapit na lalaki sa mga sexy-ng katulad mo."

Napatayo ako at halos mahagis sa kanya ang kutsarang hawak ko. Pasalamat siya at agad akong naka recover sa joke niya kundi baka guluhin ko lahat ng inayos ko kanina. Nyetang dagang 'to.

"Joke lang!" Natatawa pa niyang sabi at naka form ng x ang mga braso niya sa ere habang nakabilog naman ang mga kamay niya, para siyang kumakanta ng pusong bato. Kunwari shield. Pwe!

"Lumayas ka nga sa harapan ko Kendric." Bwisit kong utos at sumunod naman siya. Natatawa siyang umakyat sa taas at nagkulong sa kwarto niya.

Haay. Siya lang pala magpapaingay sa buhay ko. For the nth time sasabihin ko ulit ito, napakagulo niya! Para siyang batang may worm sa pwet.

Nagsimula na akong maghugas ng plato. Siguro mga sampung minuto akong nasa harap nitong lababo. Sorry naman, hindi kasi ako sanay maghugas. Buti nalang tinuruan ako nung yaya namin sa bahay dati kung paano ang tamang paghugas ng plato, at sa tingin ko naman nagawa ko ito ng tama.

Nung tapos na ako sa paghugas, umakyat ako agad at nagshower. Tapos nagbihis na rin ako ng damit na sigurado akong hindi ako giginawin.

"Tara?" Aya sakin ni Kendric ng pagbuksan niya ko ng pinto. Paglabas namin ng gate, naghihintay na si Flint.

"Good evening ma'am, sir." Magalang na bati niya. Tinanong niya rin kami kung saan ang una naming gustong puntahan at napagdesisyunan naming i-tour nalang niya kami.

Una niya kaming dinala sa isang malaking park. Pagbaba namin ay sinalubong kami ng mga puno na binabalutan ng puting christmas lights. May fountain rin sa gitna ng park, nag iiba iba ang kulay nito at sumasayaw sayaw pa.

"Wow." Ang tangi kong nasabi habang pinagmamasdan ang paligid. Gabi na pero ang saya ng lugar na ito, may mga bata, couples, mga matatanda at meron ring mga nagbabike.

"This is the grand park." Simula ni Flint. "As you can see, the place is solemn yet lively because of the decorations around. And do you see that fountain? It was said to grant wishes."

Wishes?

Naglakad kaming tatlo patungo roon. Kaya pala napapansin kong may ibang nakapalibot dito at parang pinagmamasdan nila ito ng maayos habang may malalim na iniisip. Ang iba naman ay pumipikit pa. Siguro dahil may hinihiling sila.

"Why don't you try, ma'am and sir?" Aya niya. Ngumiti lang ako at tinitigan ang makulay at sumasayaw na fountain. Liningon ko si Kendric at nakitang nakapikit na siya.

Ano kaya ang hiling niya?

Binalingan ko ulit ang fountain at ngayon ay nagkorteng heart ang dalawa sa maliliit na fountain habang sumasayaw naman ang iba pang mga nasa gilid. Napangiti ako at pinikit na ang mga mata.

Help me find who I really am in his life... and I wish I would be someone special who has my own place in his heart.

I opened my eyes and saw him staring at me.

I do wish I have a special meaning in his life.

Inaya niya akong maglakad lakad sa park. Si Flint naman ay naupo lang sa bench habang hinihintay kami.

"Anong hiling mo?" Tanong niya pero umiling lang ako.

"Secret dapat yun. Baka hindi matuloy."

Tumawa nalang siya at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Inikot namin ang buong paligid at di nagtagal ay tumuloy na kami sa susunod na pupuntahan.

Ang sunod naming destination ay ang night street daw dito. Sa tingin ko, maraming pagkain doon. At hindi naman ako nagkamali, marami nga.

"Doon tayo!" Masigla kong sigaw at itinuro ang isang babaeng nagtitinda ng street food. Bumili kami sandali ng makakain at inumin para hindi kami ma-bored. Nagpatuloy naman kami agad sa paglalakad ng makuha na namin ang pagkain.

Narating namin ang isang tindahan ng necklaces. Ang ganda ng design ng bawat isa sa mga ito. Sa sobrang pagkamangha ay napatigil ako saglit sa paglalakad at tumitig lang dito.

"Mahilig ka ba sa necklaces?" Tumango ako. Addiction ko ang necklaces.

Naagaw ang atensyon ko sa isang necklace na may maliit na shooting star. Kulay silver ito. Linapitan ko ang pwesto kung saan nakasabit ang necklace at hinawakan.

"I think I want to buy it."

"Okay. Bilhin mo na."

Saktong may lumapit sa aming babae, mukhang siya ang nagtitinda dito "Do you want to buy it madam?"

"I think so." Di ko na mapigilang mapangiti. Sobrang mahilig ako sa mga necklace. Hindi ko alam kung bakit pero naa-amaze ako sa mga ganito.

"Let me tell you a secret." Liningon namin ang babae dahil sa sinabi niya. "All the other necklaces have stocks. But that one necklace you're holding right now, that is only one. That design is only one. You cannot find any other necklace like that anywhere."

"Anywhere?" I asked.

"Yes madam. We have lots of branches of this store. Inside and outside the country."

Malaki pala ang necklace shop na ito. Akala ko isang maliit na store lang sila.

"How did you know this is only one?"

"I make the designs." She answered.

"Really? Your designs are beautiful." Wala sa sarili kong nasabi. Hindi ako masyadong nakaka appreciate ng mga bagay pero agad akong nagalingan sa talent niya sa pagdesign ng necklace. Ganun ko siguro kahilig ang mga ito.

"Are you going to buy it, madam?"

"Yes, I will." Nakangiti kong sagot. Kinuha niya ito at binigay sakin. Inabot ko naman sa kanya ang bayad at saka sinuot yung kwintas.

"Thank you!" Masigla kong sabi at binigyan niya ako ng isang friendly na ngiti. "Congratulations, madam."

Muli ay tinitigan ko ang ngayon ay suot ko nang kwintas. Kumikinang kinang pa ito.

"Bagay mo." Ani Kendric na nakapamulsa

Sasagot na sana ako kaso naagaw ang atensyon namin ng isang batang lumapit sa kinatatayuan namin at hinila hila ang dulo ng damit ni Kendric. Lalaki siya at namumula na ang mukha niya kakaiyak.

"Oh? Bata anong ginagawa mo dito? Nasaan mga magulang mo?" Agad na tanong ni Kendric. Tiningnan lang siya ng bata at umiyak ulit, sumilip pa ang nagiisa niyang ipin sa baba dahil sa pagiyak. Agad akong nakaramdam ng awa at umupo sa harap nung bata.

"Hi. What's your name?" Nakangiti kong tanong sa kanya pero hindi niya ako sinagot. "I'm Lianna, and I can give you chocolate or ice cream. Do you want one?"

Sandaling tumigil ang bata sa paghikbi at pinunasan ang luha niya gamit ang braso. Liningon niya ako at tumango tango siya bilang sagot. Narealize ko na ang gwapo niya palang baby. Namumula mula ang cheeks niya na may pagka chubby pero hindi sobra, manipis ang labi niya at ang ganda pa ng mata, bilog na bilog ito.

"Come on I will buy you ice cream." Alam kong winter season ngayon at masyadong malamig ang panahon pero mukhang gusto talaga nung baby ng ice cream. Kawawa naman.

Napansin kong nakadikit lang ang mga mata niya sa isang bagay sakin. Sinundan ko ang tingin niya at nalamang ang necklace ko pala ang tinititigan niya. Nakangiti ko itong hinawakan at pinakita.

"Do you like this?" Tanong ko at tumango tango na naman siya. "Okay. This is yours now." Tinanggal ko ang necklace at sinuot ito sa kanya. Pilit niya itong tinitingnan habang nakasuot ito sa kanya saka niya hinawakan. Finally, nakita na namin ang ngiti niya. Ang cute! Nasaan na ba ang mga magulang niya at baka mamaya makidnap ko siya.

"Ivan?" May tumawag na babae sa baby at lahat kami ay napatingin sa nagsalita. Lumapit agad siya sa amin na may halong pag aalala ang mukha, tumakbo papunta sa kanya ang bata at niyakap siya nito sa hita. Niyakap niya ito pabalik at binuhat. "Ivan! You scared me! Thank God you're back!" Tiningnan niya kaming tatlo. "Thank you, ma'am and sir."

Nginitian lang namin siya. Kumalas sa pagkakayakap si Ivan sa kanya at nilingon kaming tatlo. Napansin agad ng babae ang suot niyang kwintas. "Oh. Where did you get this?" Tanong ng babae. Gamit ang maliit na hintuturo, tinuro ako ni Ivan para sabihing ako ang nagbigay noon sa kanya. "He said he wants it." Nakangiti kong sabi.

"No, it's okay. Please take it back." Suggestion nung babae pero umiling lang ako. "He can take it. It's fine."

"No, ma'am. This is an expensive necklace we can't just get it from someone else."

"No. He didn't get it. I gave it to him and it's fine." Nakangiti kong sabi sa kanya. Bandang huli ay wala na rin siyang sinabi at nag thank you nalang sa amin.

"Let's go, Ivan. It's already late, we should be home by now." Iniharap ng babae sa amin si Ivan at sinabing mag bye siya sa amin. Nag wave nga ito at hindi ko na napigilang matawa dahil sa ka-cute-an niya.

"Bye baby Ivan!" Masigla kong pamamaalam. At pagkatapos ay umalis na nga sila.

Bumuntong hininga ako. A special necklace ended up to an innocent little boy. I think it'll be fine with him.

"Let's go?" Tanong sakin ni Kendric. Tumango nalang ako at umalis na. Nagpaalam na rin kami sa nagtitinda nung mga necklace.

Sumakay kami ng sasakyan at sinabi ni Flint na mag gagabi na. Ipupunta niya raw muna kami sa isa pang lugar bago ihatid pauwi.

Puro puno ang nadaanan namin at madilim ang paligid. Hindi pa naman napupuno ng snow ang kalsada kaya hindi masyadong madulas ang sasakyan. Nakakapagtaka dahil parang nasa liblib na lugar yata kami.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Kendric pero nagkibit balikat lang siya. Hindi manlang siya kinakabahan eh parang ang layo na ng lugar kung nasaan kami ngayon. May ganitong part pala ng France?

Nagtataka man at naguguluhan, hinayaan ko nalang si Flint na magdrive at hindi na inalala pa kung saan kami papunta. Hindi naman siya mukhang kriminal at tiyaka nandyan naman si Kendric.

Pero nawala lahat ng pagtataka ko ng marating namin ang aming destinasyon. Agad akong bumaba at linibot ang paningin sa paligid.

((Now playing: Enchanted by Taylor Swift))

Nasa grassland kami. Isang malawak na grassland. May konting snow ang tip ng bawat damo at sobrang tahimik. Tinanaw ko ang malayo pero bandang huli, ang napansin ko ay ang mga bituin sa langit.

Isa lang ang masasabi ko, sobrang ganda dito. Para itong yung mga nasa palabas.

Habang yakap yakap ang sarili, tumingala ako at pinagmasdan ang maliliit na ilaw sa kalawakan.

"Ang ganda dito." Ani Kendric na tinabihan ako.

"Oo nga. Mas maganda pa sa mga pinuntahan natin kanina. Ganito pala ang pakiramdam ng nakakalaya."

"Kung may gusto kang isigaw, anong sasabihin mo?" Tanong niya. Nacurious ako pero dahil wala pa akong naiisip, pinauna ko muna siya "Ikaw ba?"

"Ako?" Ngumiti siya at tinanaw ang buong grassland. "Gusto kong isigaw na SANA PWEDE PANG MAGING KAMI!"

Napatakip ako ng tenga. Hindi ba naman nagsasabing sisigaw pala siya? "Aray! Pero sino? Maging kayo? Ni Celine ba?"

Umiling siya at liningon ako. "Hindi siya. Ibang babae." He gave me a sweet smile and it just melted me inside. "What about you? Anong gusto mong sabihin?"

Ako naman ngayon ang tumanaw sa space at inisip ang sasabihin ko.

Ah. Alam ko na.

"SANA... SANA MAGING KAMI!"

Tinawanan ako ni Kendric. I gave him a questioning look.

"I didn't expect that." Natatawa parin niyang sabi. "At oo. Malay mo, maging kayo."

Ako naman ngayon ang ngumisi. "Kilala mo ba kung sino?"

I saw him stare for a while. Saka siya nag smile at umiling para sabihing hindi.

Natahimik kami saglit. Ang ganda ng pagbagsak ng maliliit na snow sa paligid habang kumikinang naman sa liwanag ang mga bituin. Isama mo na yung sobrang tahimik pa dito. Para kaming wala sa earth.

Isama mo pa yung kasama ko si Kendric dito.

"Hey." Tawag niya sakin at hinarap ako. Hinarap ko rin siya, ngayon ay magkatapat na kami. "I want to give you this."

Mula sa kamay niyang kanina pa nasa bulsa ng jacket niya ay inilabas niya ang isang silver necklace. Meron itong kalahating katawan ng Eiffel tower.

Kumurap kurap ako. The next thing I know, lumapit na siya at ginilid ang buhok ko. Isinuot niya sakin ang kwintas.

Lumayo siya at nakangiti akong pinagmasdan. Tiningnan ko rin ang necklace na nakasuot na sakin ngayon, ang ganda. "Kailan mo nabili ito?"

"Kanina. Habang nakikipag usap ka kay Ivan."

Natawa ako sa napansin ko. "Ang ganda. Pero nasaan yung kalahati?"

I looked up to him and saw another piece of necklace on his hand. "Here." Tiningnan ko ang necklace. Ang galing, kalahati rin ng Eiffel tower yan!

Naguguluhan man, sinuot ko rin ito sa kanya. Kinuha ko yun mula sa kamay niya at natatawa naman siyang yumuko ng konti para hindi ako mahirapan.

"Done!"

Tumayo siya ng maayos at tiningnan ang necklace. "Puta. Nakakabakla magsuot ng ganito."

"Hahaha! Pwede mo namang tanggalin eh."

Umiling siya. "'Di ko tatanggalin 'to."

"Of all things you bought a couple necklace. Okay ka lang ba?" Tanong ko dahil tingin ko, hindi siya okay. Bumili ba naman ng couple necklace? Siya pa yata mas nagf-feeling na kami kaysa ako na may gusto sa kanya.

"Oo naman. Do you like it?" Ayan na naman yung nakakalusaw niyang ngiti.

I love it. So much. I think this is the best day of my life, or one of the best days of my life. Ang hirap paniwalaan ng lahat ng nangyayari ngayon. It's all too good to be true. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya. Sino ba naman ang mag aakalang mangyayari lahat ng 'to?

⭐⭐

I was enchanted to meet you

Please don't be in love with someone else

Please don't have somebody waiting on you

Please don't be in love with someone else

Please don't have somebody waiting on you

⭐⭐

Tumango ako at ngumiti.

"I do."

Sabay naming liningon ang nasa harap namin at tinitigan ang paligid. This is the best trip of my life. A surreal vacation with him in this surreal place.

⭐⭐

This night is sparkling, don't you let it go

I'm wonderstruck, blushing all the way home

I'll spend forever, wondering if you knew

This night is flawless, don't you let it go

I'm wonderstruck, dancing around all alone

I'll spend forever wondering if you knew

I was enchanted to meet you

⭐⭐

Corny mang sabihin pero... This moment is enchanted.

ווווווווווווווווווו×

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top