Eight: His Girl

So close your eyes
Escape this town for a little while

-Love story

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

"Lianna, okay na lahat. Everything is set." Nakangiting balita sakin ni uncle na sumilip sa kwarto ko. Tinanguan ko lamang siya at tumingin na ulit sa bintana habang nakaupo sa swivel chair.

What he meant to everything is about Celine, Kendric and I's flight, our resthouse in Paris at kung anu-ano pa. Hindi na rin namin kailangang ipagpaalam ang sarili namin sa school dahil excused na kami agad, ang may ari ba naman ay ang parents naming dalawa, so I see no problem to prioritize.

About Celine, hindi ko na pinatuloy ang pagbili sa shop nila na source of income ng buong pamilya niya. Ewan ko ba, maybe because of the overwhelming joy I felt na hanggang ngayon ay hindi pa ako makarecover, ay parang gusto ko biglang bumait kahit konti manlang. The funny part is when I tried to be a good girl in front of my karibal. As in, sakanya pa talaga. Pero ang mas hindi ko maintindihan ay yung wala talaga akong balak bawiin yung utos ko na huwag nang bilhin yung shop nila.

I'm starting to think if this is what happiness from love can do. Am I inlove?

Napairap ako. Ghad how could I ask that? Ang corny! Nakakadiri! Ew! Yuck! Ugh-

Haay.

Pero... bakit tuwing maaalala ko lahat ng nangyari sumasaya na ulit ako? Parang ibang Lianna Xanders yung nagpapakita, hindi ako ito. Hindi ako masayahing tao, hindi ako napapangiti ng basta basta, lahat ng ngiti ko ay may kakambal na kasamaan, para bang nasa dugo ko na ang pagiging negative. Like I was meant to frown for my whole life.

Sabi nila love can change a person. Is this what they mean?

Ang hirap ng walang karamay pagdating sa mga ganitong bagay. Siguro kay Kath ko nalang ulit ibubuhos gaya ng dati. She knows my weak point and I know hers, she knows what my sigh means and I can read her easily through her eyes. Siya ang pangalawang taong kilalang kilala ko pagkatapos ni kuya.

Kahapon ko pa pinaayos yung pagpapaatras sa pagbili ng shop nila Celine at sigurado akong natanggap na rin niya ang balitang iyon agad. Sigurado rin akong ininform na niya si Kendric tungkol doon.

Pero hindi ko yun ginawa para ipakitang okay na rin ako sakanya, di por que nagkakausap na kami ng maayos ni Kendric ay okay na rin kami ni Celine. There's still anger inside me kahit marinig ko lang ang pangalan niya, but at some reason parang ayoko munang palakihin ang galit na iyon sa ngayon. At some point I felt like I'm not in my usual mood who always cause a collision, who uses her time to bring problems to others.

Sa totoo lang, simula noong gabing iyon, sa pagtulog ko ang gaan ng pakiramdam ko, sa paggising ko nakangiti ako, at minsan napapailing pa ako dahil matatapat ako bigla sa salamin at makikitang nakangiti ako, I'm doing my best not to smile but I kept on failing. Sobrang saya ko. Ang alam ko lang, nakasama ko siya, nakaramdam ako ng concern, nakakuha ako ng atensyon mula sa isa sa mga taong matagal ko nang hinihingan nito. My mom and dad, hindi pa. I forgot the last time I laughed with them, the four of us. Kendric, he never did any gestures not until the accident, after that he completely changed.

Ang mga may pakielam lang sakin dati ay ang apat kong mga kaibigan at si kuya, but now may dumagdag na isa. At laking pasalamat kong si Kendric iyon, ang lalaking palihim kong minamahal.

Someone suddenly knocked on the door.

"Come in." I answered at narinig ko ang pagbukas ng pinto, nanatili lang akong nakaupo at nakaharap sa bintana.

Akala ko si Kath dahil narinig ko itong patalon na umupo sa higaan at siya lang ang gumagawa noon. So I turned my swivel chair around in a childish way pero halos mahulog na ako sa upuan pagharap ko sa kama.

"What the...!"

Bakit nandito 'to?! Nakita ba niya? Nakita niya?! Sana hindi!

"Pfft. Nakita ko yun!" Natatawa tawa niyang sabi. Sabi ko nga nakita niya.

-___-

"Tinaas mo pa yung dalawa mong paa at kamay saka umikot paharap sakin. Hahaha parang bata! Hahahahaha!"

What the fuck! Wait duh malamang makikita niya kasi nasa likod ko lang siya pero hindi ko inexpect na dadating siya bigla! I thought it was Katherine! Kaya ko hinayaan yung sarili kong magmukhang bata kasi akala ko si-

"Arrrgh!" Sigaw ko sabay takip ko sa mukha gamit ang dalawa kong kamay.

Itong kupal naman na ito halos mamatay na kakatawa. Hala sige! Mamilipit ka sana! Joke lang.

"Yah!" Di ko na nakontrol ang pagsigaw at dahil dun sumakit bigla ang ulo ko. Napahawak ako dito at napangiwi.

"Uy! Ayos ka lang ba? Hahaha- masakit parin ba?"

Tumayo siya at akmang hahawakan ang ulo ko pero pinalo ko agad yung kamay niya.

"Alam mo, tumawa ka muna. Letse."

Napairap ako. Nakakainis, mabawi nga yung sinabi ko kanina. Grr.

Di ko talaga tanggap ito, how on earth did it happen? Bakit sa lahat ng papasok at makakakita ng ginawa ko siya pa? At bakit naman kasi ako nagpakabata? Bwisit naman oh.

"Joke lang nakakunot nanaman yang noo mo. Oh sige, kunwari nalang wala akong nakita." Nakangiti niyang sabi.

"Bakit ba kasi bigla bigla kang pumapasok ng kwarto ha? Di ka manlang nagsalita."

Napakamot siya sa ulo. "Sorry naman, tiyaka kumatok naman ako ah."

I crossed my arms. "Tch." Ugh nakakainis! Nakakahiya talaga! Sa harap ng mga kaibigan at kay kuya ko lang yun ginagawa eh. Hindi ako nagpapakachildish sa harap ng ibang tao at mas lalong hindi kay Kendric!

"Teka nga, bakit ka ba nandito? Ang aga aga nangangapitbahay ka."

He cleared his throat.

"Ano... Um... May nalaman kasi ako kahapon. Nandito ako para sana mag thank you."

Napataas ang kilay ko. "Thank you saan?"

Kahapon lang nagsosorry siya, tapos ngayon naman thank you? Ano na bang nangyari sa mundo at parang outdated ako?

"Thank you doon sa... Yung ano... Uh, yung sa pagbawi mo sa..."

Pagbawi saan? May ginawa ba ako? Parang wala naman akong matand- wait... Pagbawi?

"Sa pagbili ng shop nila Celine?" I asked straightforwardly. Natahimik siya at ang awkward ng tingin niya samantalang ako walang maramdaman na kahit anong emosyon sa katawan ko.

"Hmm...yun nga."

I looked away.

"Pwede ka naman magtext nalang. Nag effort ka pang pumunta."

Natahimik kaming dalawa. Kung kanina ang saya saya ng atmosphere ngayon nakakasakal na bigla.

"Ano pang kailangan mo?" Hindi ko maiwasang manlamig.

"Galit ka?"

Hindi ako sumagot.

"I'm sorry. Gusto ko lang talaga magpasalamat. Pasensya na rin kung naoffend kita."

I listened to every word he's saying until I let out a sigh.

"Can I be honest with you?" I asked and finally stared back at him. He nodded immediately.

"Natatakot ako."

Natigilan siya, ramdam ko rin ang pagkagulat niya. Hindi niya siguro inasahang lalabas ang mga ganoong salita sa bibig ko at sasabihin ng diretso.

"You love her." I continued. "You love her and that itself is a strong weapon against me. At wala akong laban doon."

He ran his fingers through his hair and looked down the ground na parang namomroblema rin.

"But you said we'll try right?" Pagpapatuloy ko.

Bigla siyang napatingin sakin.

"I'll do my part." Pagpapatuloy ko. "If trying to work things between us means I have to sacrifice... Sure. Hindi kita ip-pressure na kalimutan si Celine. After all, you love her."

I smiled at him. I just wish that it didn't turn to be a sad smile.

He smiled back at agad na yumuko ulit. I just knew this'll be hard for him.

"Are you hurt?" I asked.

Again, I saw him get surprised.

"Just tell me if you are. I'm giving you a chance to turn back."

Nanlaki ang mata niya. He's clouded with confusion, that's what I see.

"What?"

Gusto ko ang three months vacation na yun. Sobra pa sa sobra. Halos sumabog na nga ang puso ko sa sobrang saya at excitement eh, pero gaya nga ng sabi ko, I don't want to force him. If he wants to force himself then I don't. Ayoko na nung nagpapaparty ako sa sobrang saya habang siya nalulunod sa kalungkutan. Dati lang yun, noong mga araw na bulag pa ang puso ko at puro kasamaan lang ang alam kong gawin, na puro pagpapahirap lang.

I'm willing to let this happiness of mine go and let him find his own.

"Who knows.. maybe you suddenly changed your mind. Malay mo kulang ka lang sa tulog noong isang araw kaya mo nasabi ang mga bagay na iyon, malay mo naawa ka lang sa kalagayan ko. Siguro wala ka lang sa sarili. So I'm giving you a chance to turn back. If you wanted to go then I'll set you free-"

"No!" Sigaw niya. "I'm in my right mind. Lianna, huwag kang mag isip ng ganyan. I said I'll try my best at hindi ko pinagsisisihan ang pangako na binitiwan ko sayo." Ngayon ako na ang nagulat ng bigla niyang hawakan ang dalawa kong kamay at kinulong niya ito sa sarili niyang mga kamay. Then he looked straight into my eyes.

"Lianna, please believe me."

Before I knew it, a tear escaped from my eye. He cupped my cheek and wiped it for me.

Hindi pa kami nagsisimula pero ang dami nang problemang dumarating.

"What do I have to do? How will I know where to start?"

He smiled and answered...

"We will lead each other... Aalis muna tayo sa realidad. Tayong dalawa muna ngayon, Lianna."

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Kendric

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng bisitahin ko si Lianna at magpasalamat tungkol sa pagpapaatras niya sa pagbili ng shop nila Celine. At ito ako ngayon, nagaayos ng sarili. Bakit? Dahil napagdesisyunan ko nang sabihin kay Celine ang lahat, ipapaliwanag ko at sana magawa niyang makinig. Naisip ko lang kasi na unfair para sakanya kung hanggang ngayon ay wala parin siyang alam sa mga nangyayari. Especially the fact na siya ang pinaka maaapektuhan dito.

Until now, I hate the fact that I have to leave her. Pero gaya nga ng sinabi ko, wala akong pinagsisisihan, I'm ready and willing to give Lianna a chance.

Lulang lula kasi ako sa katotohanan mula ng isampal sakin ni Kath ang lahat ng tinatago ni Lianna na pagmamahal para sakin. Iyon ang isa sa mga oras sa buhay ko na hindi ko malilimutan, masyado na kasi akong nagpaniwala sa nakikita ko na isa lang siyang babaeng puro yaman at kapangyarihan ang gusto sa mundo. Na isa siyang taong parang walang kaluluwa sa sobrang sama.

But I ended up being wrong.

And I want to give her a chance as a payback for every word I accused on her. For every, bad and negative phrases. Nakita ko ang nagtatagong Lianna kahit sa loob palang ng ilang araw na nagkaayos kami. Ibang iba siya sa kung ano ang ipinapakita niya sa harap ng maraming tao. And I'm not being assuming but I think it was because of me, because of our new relationship, and I hope it continues.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin for the last time at lumabas na ng bahay.

Kinakabahan ako, kahit ilang araw na ang nakalipas at kahit ilang beses ko nang pinag isipan ang sasabihin ko kay Celine ay kumakabog parin ng malakas ang dibdib ko tuwing maaalala ko ito.

Nagdrive na ako papunta kay Celine. Nang matanaw ko na ang apartment niya ay mas naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. I fvcking don't want to see her cry but... I don't think there's any other choice but to tell her the truth. Kung ako lang ang masusunod, hindi ko na ito gagawin but I needed to be fair to her and I should explain everything to her. Hindi na ako puwedeng magsayang pa ng oras, today's tuesday at sa sabado na ang alis namin papuntang Paris.

Bumaba ako ng kotse at kumatok. Wala pang limang minuto ay bumukas na ang pinto at bumungad siya sa harap ko na halatang gulat.

"Kendric?? Bakit nandito ka?"

Magtatanong palang sana ako kung bakit gulat na gulat siyang andito ako nang mapansin ko bigla yung suot niya. Nakapajama pa siya.

"Hahahaha!"

Di ko na napigilang tumawa. Anong oras na ah, 10 am na pero nakapantulog parin siya. Pero oks lang kasi cute parin naman siya :)

"Psh. Wag ka ngang tumawa. Kainis naman eh." Nagpout siya. "Di ka manlang nag sabing darating ka pala. Halika pasok ka sa loob."

"Maganda ka parin naman babe." Paglalambing ko. Mas lumaki ang ngiti ko nung nagblush siya. Ang cute!

I will miss these moments.

"Wala ka pa bang mga klase?"

"Mamaya pa naman, kaya di muna ako pumasok agad. Teka ano nga palang dahilan at bumisita ka ulit dito?"

Natahimik ako.

Nandito ako ngayon dahil kailangan ko nang ipaalam sayo na iiwan muna kita. Na aalis muna ako, na nagdesisyon akong samahan muna si Lianna, nandito ako para ipaalam sayong magkakalayo muna tayo.

"Kendric?"

Tumayo ako.

This is it.

"Anong problema?" Lumapit siya at hinawakan ang dalawa kong kamay. I carressed her cheeks.

Hinila niya ako papuntang kusina at umupo kami, magkaharap kami ngayon at muli niyang hinawakan ang kamay ko.

"I knew you were up to something. I'm just waiting for you to say it yourself. Whatever it is, I'm ready." Sabi niya. "Is there anything you wanted to explain, babe?"

Napayuko ako at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Then I looked back again directly on her eyes.

"Yes. Pero sana... Intindihin mo ako. Please listen to me, okay lang kung magalit ka pero sana bago mo gawin yun ay makinig ka muna sa lahat ng explanation ko."

"Of course." She gave me a weak smile. Mahal na mahal ko ito, mahal na mahal.

"It started with Lianna's accident." Paninimula ko. "I rushed her to the clinic with Kath. Tapos habang naghihintay ako sa labas ng clinic ay sumulpot bigla si Kath sa harap ko at inamin sakin lahat. Mahal ako ni Lianna, Celine. Matagal na, bago pa kita makilala. And I'm not aware of that."

Halatang nagulat rin si Celine. And yes, nauna kong nakilala si Lianna kaysa kay Celine dahil matagal nang magkaibigan ang both families namin pero ever since talaga hindi kami ganoon kaclose. Kaya nga ganoon nalang kalaki ang galit ni Lianna kay Celine dahil kahit mas matagal ko siyang nakasama pero unang kilala ko palang kay Celine ay niligawan ko agad siya. At soon to be fiancée ko na si Lianna noon.

"Then it hits me. I asked myself if it'll be bad to try giving her a chance kasi... Nacucurious ako. Kung totoo ba ang lahat, at para mapatunayan lahat ng yun... Gumawa ako ng isang desisyon."

I saw a glimpse of fear in her eyes at para siyang nanghina. Ramdam ko iyon nang biglang lumuwang ang pagkakahawak niya sakin.

"Are you breaking up with me?" Nabasag ang boses niya.

"No."

"Then what?"

"Celine nandito ako para magpaalam."

Nanatili lang siyang tahimik at nakatitig sakin. Ang hirap nito. Ayaw na ayaw ko sa lahat na nasasaktan siya pero ito ako ngayon, nagpapaalam sakanya na iiwan ko muna siya para sa ibang babae.

"Magpaalam saan?"

This is really it. There's no turning back anymore, masaktan na kung masaktan but this is the best that I can do.

"I'll be gone for three months. To France."

Napabitaw na siya sa kamay ko at halatang gulong gulo sa nangyayari.

"W-with... Lianna?"

I slowly nodded.

"With Lianna."

ווווווווווווווווווו×

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top