Twenty-Three: Briz

Gumaganda ang paligid
Kung bawat tao ay puno ng pag-ibig
Napapawi ang pighati
Masilayan lang ang iyong ngiti

- Pag-ibig

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Celine

"HOY MISS! NASISIRAAN KA NA BA?! HUWAG KANG TATALON!"






Napaawang ang bibig ko sabay kunot noo. Ako ba ang kausap no'n?






Liningon ko ang kaliwa ko kung saan nanggagaling ang boses ng isang lalaki. Tumatakbo siya habang kumakaway sa akin at bago pa ako makapagsalita ay nakalapit at nahila na niya ang kamay ko. Napatili ako dahil sa pagkabigla pero buti nalang, nasalo niya ako.






"Tatalon ka? Nababaliw ka na ba?!" Pasigaw niyang tanong.






Ilang segundo akong natulala.






Nanlaki ang mga mata ko ng marealize na buhat niya pala ako. Kumalas ako sa pagkakahawak niya at tinulak siya palayo. Ano bang problema niya? At tiyaka ano daw? Ako? nababaliw?






"Sinong nagsabing tatalon ako?"






"Nakatayo ka sa gilid ng tulay. Kung hindi ka tatalon edi ano? Nagpapahangin?"






Itinikom ko nalang ang bibig ko at ibinaling ang tingin ko sa harap.






"Nagpapahangin." Ulit ko para sabihing tama ang sinabi niya. Hindi pumasok sa isip ko ang pagpapakamatay ngayong araw na ito. Dati, oo. Pero hindi ngayon kasi kailangan ako ng pamilya ko.






Kaya kong maging matatag para sa mga nangangailangan sakin. Kahit pa ako mismo ay iniwan na ng taong pinanghuhugutan ko ng lakas. Kaya hindi ako magpapakamatay. Wala pa akong balak sumuko.






Kamusta kaya siya doon? Masaya kaya siya?






Kahit minsan lang, naaalala niya pa kaya ako?






May lugar pa ba ako sa puso niya?






"Kaysa nagmumukmok ka diyan, gusto mo kumain nalang muna tayo? My treat."






"Ayos lang. Hindi pa ako–"






Naputol ang sinasabi ko dahil sa malakas na pagtunog ng tiyan ko. Grabe, ang gandang timing naman!






"...Tara?" Natatawa niyang tanong ulit. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya ng maigi. Bakit naman ako sasama? Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan niya eh. Tiyaka, paano kung kidnapin ako nito?






"I'm Briz. Nice to meet you. At huwag kang mag alala, hindi ako masamang tao."






O...kay? Paano niya nasagot ang nasa isip ko?






"So, tara?" Aya niya ulit. And this time, tumango nalang ako. Hindi pa rin ako ganun kakampante sa kanya pero bahala na. Hindi naman siya mukhang killer.






Sabay kaming naglakad papunta sa direction ng mga kainan at nang makahanap na kami ng napili namin ay halos maglaway ako. Ang swerte ko naman, makakakain pa pala ako ng maayos ngayon.






Tahimik lang kaming nakaupo pagkatapos kumuha ng order. Sa second floor ng restaurant kasi kami pumwesto at open space dito. Tahimik at malamig yung hangin.






"Alam mo ba, totoong may mga multo sa tulay na yun." Pagbasag niya sa katahimikan.






Tumaas ang kilay ko. "Paano ka naman nakakasiguro?"






"Meron nga." Ulit niya. "Baka makita mo pa ang ate ko dun."






"Ate mo?"






"She ended her life there." Nakangiti niyang sabi sabay tingin sa akin. Nakangiti siya pero kitang kita ko yung lungkot sa mga mata niya. "Kaya nung nakita kong nakatayo ka kanina sa gilid ng tulay, I panicked."






"I-I'm sorry..." Sagot ko na halos bulong nalang. Kaya pala ganon ang reaction niya kanina. Kaya pala parang desperado siyang ilayo ako sa tulay na 'yon. "I didn't mean to scare you."






"Kahit sino naman kasi matatakot sa ginagawa mo eh. Tumayo ba naman sa gilid ng tulay? Baliw."






Nagpantig ang tenga ko sa huling sinabi niya. "Wow ha? Makabaliw 'to."






Pero bakit kaya yun ginawa ng ate niya? Gusto ko sanang magtanong pero nagdadalawang isip ako. Baka kasi ayaw niyang pag usapan namin. Pero pwede ring naghihintay siya ng taong pwede niyang paglabasan ng sama ng loob. Paano ba 'to?






"Bakit... niya ginawa yun? Pero kung ayaw mong pag usapan okay l-"






"Sabay sabay na problema." Bumuntong hininga siya bago magpatuloy. "She was first of all, heartbroken that time by his ex of eight freaking years. Fiance na niya yung lalaki pero nagloko lang. Ang nagpadagdag pa sa hinanakit niya ay yung best friend niya. Kasi kung mamalasin nga naman, pinagpalit ng gago si ate para sa sarili niyang best friend. Tuwang tuwa naman yung isa."






Natikom ang bibig ko at nanatili lang na nakatingin sa kanya dahil sa gulat. How could someone throw a relationship of eight years and have the guts to cheat? Grabe, anong klaseng mindset kaya yun? Ganyan ba talaga kapag nilapitan na ng temptation? Nakakalimutan mo ang mga mas importanteng bagay?






"Sumunod na problema ang trabaho niya. Dahil nga sa break up na bumagabag sa kanya, nawalan na din siya ng focus sa trabaho. Nabigla ang lahat dahil dati, parati siyang magaling. Kilalang kilala siya as the best employee tapos bigla hindi na siya pumapasok. O kung papasok siya wala din siyang ginagawa. Dahil don, nawalan siya ng trabaho."






"Nahila ng break up ang buong buhay niya pababa." Sabi ko at tumango si Briz.






"Sinubukan niyang maghanap ng ibang trabaho pero parang nakikipaglaro ang tadhana. Palagi siyang hindi natatanggap. Hindi namin alam kung may problema ba siya sa pagsagot sa interviews, o kung sinasadya lang ng mga kumpanya na hindi siya tanggapin. At nadepress siya dahil do'n. At yun ang mga dahilan kung bakit siya nagpakamatay."






Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tinaas ko nalang ang kamay ko at hinaplos ang braso niya. Binigyan niya lang ako ng isang malungkot na ngiti.






"One month ago lang ng mangyari yun pero makakalimutan ko din yun. Salamat sa pakikinig."






"You're welcome." Nakangiti kong sagot. Alam ko yung pakiramdam ng nahihirapan kaya ngayong nakikita ko yun sa iba, ang kaya ko lang gawin ay makinig at kung pwede, pagaanin ang loob nila. Kasi kakaiba ang pakiramdam kapag tinamaan ka ng lungkot, kapag tinamaan ka ng loneliness. Masakit. Sobrang sakit.






Nagpakamatay ang ate niya dahil sa depression, at lahat ng yun ay nagsimula sa isang heartbreak.






I understand the hurt she carried in her heart. Kaya hindi ko din makwestion kung bakit niya ginawa yun.






Sumandal na ako ulit sa upuan at inilihis ang paningin sa malayo. Bigla kasing nagtubig ang mga mata ko. Nakakainis. Naalala ko na naman siya. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kasi ako nalang ang nasasaktan eh.






Si Kendric. Siya yung tipo ng tao na 'first to fall, first to go'. Siya ang unang nagkagusto, pero siya rin ang unang nang iwan.






Ayokong naaalala ang simula ng lahat. Kung paano niya ako napansin, kung paano niya ako nilapitan at niligawan. Ayoko na sana siyang maalala.






Because I recall those happy times only to remember that it has now ended. Everything about him already ended.






Kaya ayoko na sana siyang maalala. Kasi masakit lang.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

"Thank you."






"Dito ka nalang ba? Alam mo ayos lang na ihatid kita sa bahay niyo mismo, promise, hindi ako masamang tao." Ani Briz sabay taas ng kanyang kanang kamay. Natatawa nalang akong umiling.






"Okay na dito. At tiyaka, hindi naman kita pinaghihinalaan kaya huwag ka nang mag alala diyan."






"Sige. Ingat ka sa paglalakad." Liningon niya ang dadaanan ko. "Mukhang madilim diyan ah."






"Okay na ako. Thanks ulit."






"Wala yun."






Tatalikod na sana ako ng ilahad niya bigla ang kanyang kamay sa harap ko.






"Para saan yan?" Tanong ko habang nakatitig sa kamay niya.






"Wala, magpapakilala lang ako ulit ng maayos." Ngiting aso niyang sabi. Wow, introduction na naman? Pfft.






Inabot ko nalang ito at nakipag shake hands sa kanya, para matapos na din ang kwento. Ngumiti siya at pinisil ang kamay ko. "Ako si Briz Mavryl. Nice meeting you..."






"Celine Torres." Pagtapos ko sa sinasabi niya. "Thank you sa pagsama sa akin ngayon. Pati na rin sa libreng hapunan."






Nagtawanan kami pagkatapos 'magpakilala' daw. Pero bigla siyang napadiretso ng tayo at kumalas sa kamay ko. "Teka lang pala. Pahiram ng phone."






"Ha? Sige." Binigay ko sa kanya ang phone ko at dali dali naman siyang naghanap ng kung ano man yun. Anong kailangan niya diyan?






Tahimik lang akong naghintay hanggang sa ibalik na niya ito sakin. "Okay na. Uwi ka na, ingat."






"Sabi ko nga. Thank you for today Briz. Mag iingat ka rin." Nagsimula na akong maglakad palayo at alam kong nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya mula pa kanina. Kaya ng malayo na talaga ako sa kanya, lumingon ulit ako at nagwave bago tuluyang umalis.






Masaya naman pala siyang kasama. Noong una kasi medyo naiinis ako sa kanya dahil sa panggugulo niya sakin at pagtawag sakin ng baliw. Pero malamang, nagpanic yun nung makita akong nakatayo sa gilid ng tulay.






Ang dami din naming napag usapan kanina. Isa na doon si Kendric at si Lianna.






Nagsimula yun ng tanungin niya ako kung may boyfriend ako.


--

"May bf ka ba?"






"...Wala."






"Why?"






Ilang segundo pa ang nakalipas bago ako makasagot sa kanya. "We broke up."






"Ah, pasensya na."






"Okay lang. Kailangan ko nga yun eh. Kailangan kong ipaalala sa sarili ko na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin, wala na."






"So, mahal mo pa?"






Tuwing may nagtatanong sa akin niyan, oo lagi ang sagot ko. At hanggang ngayon, kahit labag sa kalooban ko, oo pa rin.






"Oo naman. Sobrang mahal ko pa."






Bakit ko pa sasabihing hindi kung alam ko rin naman sa sarili kong mahal ko pa siya? Darating din naman ang araw na mawawala ang sakit na 'to. Nirerealize ko pa lang namang wala na siya. I'll forget him, step by step.

--

Darating din ang araw na makakalimutan ko si Kendric.






Sana.

Briz


"Aba, aba! Ginabi ka yata ng uwi. Saan ka galing, ha?"






"May inasikaso lang ako." Pumasok na ako ng boarding house namin at dumiretso sa kwarto ko. Apat kaming magkakaibigan na nakatira sa iisang bahay at may sari-sariling kwarto.






"Babae ba?"






Bwisit na Carlo. Sundan ba naman ako hanggang sa kwarto?






"Matutulog na ako, bukas na yan." Hinila ko siya at tinulak hanggang makarating siya sa labas saka ko isinara ang pinto. Sa wakas tumahimik din ang paligid.






Lumipat ang tingin ko sa phone kong nasa higaan ng umilaw ito. Pagbukas ko, nagulat ako ng makitang si Celine pala ang nag message.






[Thank you ulit. Goodnight :) ]






Agad naman akong nagreply at sinabing nakarating na ako ng bahay. Isesend ko na sana ng biglang may umagaw ng phone ko.






"Carlo!" Lumayo siya sakin at nagsimulang magtype. "Akin na yan! Hoy!"






"Sent!" Sabi niya at hinagis pabalik sakin ang phone ko. Kumindat pa ang loko. "Thank me later pare."






Thank me later? Ano daw? Bumaba ang tingin ko sa phone at tiningnan kung ano ang sinabi niya sa text.






Kita tayo bukas? Libre kita ng sine.






What the.






"GAGO KA KARLO ANONG–"






*ting*






[Pwede rin. Kaso maghahanap pa ako ng trabaho.]






Oo nga pala. Nasabi niya sakin yun kanina habang kumakain kami. Kung manonood pala kami ng sine, ano namang papanoorin namin? Gago kasi 'tong si Carlo eh, dinadamay pa ko sa mga trip niya.






Samahan ko kaya siya bukas? Wala naman sigurong masama dun diba? Tutulungan ko siyang maghanap ng trabaho, itetreat ko ng kung anu-ano kapag nagutom kami. Wala din naman akong gagawin bukas.






Samahan na muna kita. Ayos lang ba?






Agad din naman siyang nagreply at sinabing sige daw, samahan ko siya. Pagkatapos nun ay parehas na kaming nagpaalam na matutulog na.






Paghiga ko sa kama, naalala ko ang nangyari kanina. Kung paano ako natakot ng makita kong may nakatayo sa gilid ng tulay na yun. Kung paano tumulo yung luha ko habang tumatakbo papunta kay Celine para hilain siya pababa. Naalala ko kasi sa kanya ang ate ko, at ang bigat sa pakiramdam no'n. Kasi ganun na ganun din ang setup ng kung paano siya tumalon.






Nakita ko si ate mula sa malayo habang lutang lang siya at diretso ang tingin. Hindi maganda ang kutob ko kaya agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Sinigaw ko ang pangalan niya. Pero masyadong mabilis ang lahat, nawala nalang siya sa isang iglap. Nakita ko kung paano siya nagpahulog at nilamon ng tubig.






Humingi ako ng tulong pero wala na talaga. Kinabukasan, nakita nalang ang bangkay niyang palutang lutang sa ilog na yun.






Kaya nung nagkwentuhan kami ni Celine at sinabi niya sakin ang mga problema niya, naramdaman ko nalang yun bigla. Naramdaman ko na parang gusto ko siyang tulungan.






Naramdaman ko nalang na parang gusto kong manatili sa tabi niya para ipaalam na may taong sasalo sa kanya tuwing masasaktan siya.

ווווווווווווווווווו×

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top