Twenty-Seven: Truth Unfold

Now it's just too late
And we can't go back
I'm sorry I can't be perfect

- Perfect

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛


Lianna


I stood completely frozen in my place. Buhay nga talaga siya. Buhay si ate Dristine. Pero kahit na nakatayo siya ngayon sa harap naming lahat at kahit na nakita siya ng bawat isang tao na nandito, there's still a part of me who doesn't want to believe what's before my eyes. Because that's impossible. We were there. We were there at her funeral.






Teka, bakit parang may mali?






Muli akong napatingin kay ate Dristine. That's right! Sarado ang kabaong mula noong unang araw ng lamay hanggang sa libing. Dahil hindi namin nahanap ang katawan niya. Sumabog ang sinasakyan nilang dalawa ni kuya Crest matapos nitong mahulog sa bangin. Kuya Crest survived then disappeared. We thought ate Dristine is dead but... no. Habang pinaglalamayan namin siya, walang sinuman ang nakakuha ng tyansa na masilip ang kabaong. Everyone came and left without seeing a body, without seeing her for the last time lying in her coffin. All this time we thought its because her body burned with the car. But it's because she survived and escaped.






Kung buhay siya at biglang nawala si kuya Crest dati, then does it mean... they lived together secretly?






I snapped out of my thoughts when I heard footsteps from the kitchen. Napalingon kaming lahat kung saan nanggaling ang tunog at ng akala ko ay tapos na ang oras ng sorpresa, nagkamali ako. Dahil mas ikinagulat ko ang sumunod na nangyari.






Ang paglabas ni kuya Zian mula sa kusina.






I felt my heart beating faster and for a moment I thought I was going crazy. What the heck is happening here? Why is he with her? Why are they together?






Natigilan si kuya ng makita kami at halos manlisik ang mga mata ko ng magtama ang paningin namin. Para akong mawawalan ng hininga sa pwesto ko habang pinipilit na magpakatatag sa kabila ng lahat ng nakita ko ngayon.






How? Why? Bakit sa lahat ng tao ikaw pa? Bakit kailangan ikaw pa?






How long have you been hiding this from me?






The deafening silence engulfed the whole room and no one dared to break it. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at sigurado akong hindi ako nag iisang ganun ang nararamdaman. I don't know what's going on in their minds and what they exactly feel right now but all I know is that I'm confused, I'm sad, I'm upset. Because we never expected all of these but it happened. And I don't think it's good at all.






Natauhan ang lahat ng dire-diretsong naglakad si Kendric palabas ng bahay. Tinawag ng iba ang pangalan niya at tumalikod ako agad para sundan siya ng may biglang humila sa kamay ko.






"Let me explain."






"You really should." Nagngingitngit na sagot ko kay kuya saka kinalas ang pagkakahawak niya sa akin. "But not now."






As much as I wanted them to explain themselves, hindi ko sila kayang harapin ngayon. Yes I want to know what's going on and what clearly happened for the past years, pero hindi ganun kadaling harapin ang isang bagay na hindi mo ginustong dumating sa buhay mo. Paano ko matatanggap na pagkatapos ng matagal na panahong inakala naming wala na si ate Dristine, malalaman naming niloko lang pala kami? Paano ko matatanggap na sa tagal ng panahon naming magkakasama, malalaman kong matagal na palang alam ni kuya na buhay si ate Dristine at tinago niya sa amin ito?






Tumalikod ako at bumuntong hininga. "Umuwi na tayo." Nanghihina kong sabi. Nagsimula na akong maglakad papalayo at sumunod naman agad ang iba.






"Mommy, daddy!"






I stopped. Who is that?






Muli akong humarap sa kanila at nagulat ng makita ang isang batang lalaki na nagtatago sa likod ni kuya Zian. Tinitigan ko lamang siya. Parang kumirot ang puso ko. How come he said the word mommy and daddy?






I gave kuya Zian a questioning look. You have a son?






Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sobrang sakit na makita ang lahat ng ito, pero ng malaman ko na may anak na pala si kuya, na may pamangkin na pala ako, parang nawala lahat ng galit ko. Pero sa kabila no'n, hindi ko alam kung dapat bang maging masaya ako para sa kanila. Kasi sobrang gulo. Gulong gulo na ako.






"Huh?"






Naagaw muli ng bata ang atensyon ko ng umalis siya sa likod ni kuya at naglakad papalapit sa akin. He stood right in front of me and stared.






"D-Do you... know her Ivan?" Tanong ni kuya sa bata.






Ivan? Why does that name sounded so familiar? Even his face does.






Lumuhod ako para mapantayan ang height ng batang lalaki. Pilit kong inalala kung sino siya, pilit kong inalala kung saan ko na narinig ang pangalan niya dati. Then my gaze landed on the necklace he's wearing. I gasped. I know this one!


--





"All the other necklaces have stocks. But that one necklace you're holding right now, that is only one. That design is only one. You cannot find any other necklace like that anywhere."






"Oh? Bata anong ginagawa mo dito? Nasaan mga magulang mo?"






"Hi. What's your name? I'm Lianna, and I can give you chocolate or ice cream. Do you want one?"






"Do you like this? Okay. This is yours now."






"Bye baby Ivan!"





"Baby Ivan?" Bulong ko. Biglang ngumiti ang bata at puno ng sigla na niyakap ako. Pumulupot ang dalawang braso niya sa leeg ko and for a moment, I finally managed to smile despite of our condition right now. I remember him. Siya yung batang lumapit sa amin ni Kendric noon dahil nawawala siya. Binigay ko sa kanya ang necklace ko dahil doon lang nakatuon ang pansin niya habang kausap ko siya. I also remember the lady who found him with us. She seemed like his nanny. But it's not Janine. It's not her mom either. Isang foreigner ang kausap ko noon, mukhang taga dito talaga.






Kumalas si Ivan mula sa pagkakayakap sa akin saka hinila ang kamay ko papalapit kila kuya. Labag man sa loob ko ang ginagawa niya ay wala na rin akong nagawa kundi sumunod. Ayoko namang maisip niya na ayoko siyang samahan.






Tumigil kami sa harap ni kuya. Tinuro ni Ivan ang kwintas niya. "Sh-she gave me this." Seryoso pero cute niyang sabi kay kuya at kay ate Dristine.






Lumipat ang paningin ko kay kuya. Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Ivan kung titingnan ang ngiti niya. May halong tuwa at pagkagulat. He knelt down and ruffled Ivan's hair.






"Really? She's your aunt, Ivan."






"The beautiful girl beside you in your picture?"






Napakurap ako. Anong sinabi niya?






Tumango si kuya. Tumalon talon naman si Ivan sa tuwa at napapalakpak pa. Napangiti nalang ulit ako habang pinapanood siya. So he knows who I am.






"I want to play with her!"






Kuya just smiled at Ivan and held his hands. "They have to leave for now."






Nawala ang sigla ng bata at malungkot na tiningnan ako. Then he walked towards me and asked. "Will you visit us again?"






Ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot sa kanya. "Of course I will."






"Okay. Bye!" He waved his hands and hugged my waist. Ginulo ko naman ang buhok niya at niyakap ulit siya pabalik. I'm sorry Ivan, I want to gladly stay by your side right now so we can play together, but I can't. Hindi ako makahinga sa lugar na ito. Nararamdaman ko ang galit sa loob ko at bago pa ako makapagbitiw ng kung anu-anong salita, lalayo nalang muna ako.






Tuluyan na kaming lumabas ng bahay nila Janine at dumiretso sa sasakyan. Kendric is not in the car na ikinasimangot ko. Where did he go then?






Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. I almost cursed at him when he told me that he walked his way back home. Sabi ko tumigil siya sa kung nasaan man siya ngayon para masundo namin siya but he pleaded for us not to bother him for now. Gusto niya daw munang mapag isa.






[Don't worry. I'll be back home safely.]






"Fine." Sabi ko. Wala na akong magagawa kung yan ang gusto niya. Isa pa, he do need some time to think alone. "Just... huwag magpapakatanga okay?"






Natawa siya sa sinabi ko even though I'm serious with my words. [I will.]






Agad akong tiningnan ng iba pagkatapos ng tawag. "He said he'll be fine." I reassured them.






"Sorry po." Napalingon kami kay Janine. Yumuko siya at halata ang pagkahiya sa mukha niya. "Hindi ko alam na ganun pala ang mangyayari–"






"Hey," I smiled at her as soon as we met eyes. "This isn't your fault. At isa pa, mas gusto ko nang nangyari ito."






Everyone stared at me with questioning looks. I just sighed. "Kuya Zian has been hiding me this for years. At least simula ngayon, hindi na ako magmumukhang tanga at magmumukhang pinagloloko."






Kaya pala lagi nalang siyang wala sa bahay at kung mawala siya ay two to three weeks ang pinaka matagal. Lagi niyang sinasabi na may outing silang magkakaibigan. O kaya naman ay inutusan siya nila mom na tumulong about business matters. I just shrugged his absence off because all along I thought he was busy. Pero lumilipad pala siya sa France para kay ate Dristine?






I wasn't angry because he's with her. I was angry because he chose to hide it from me–from us. From Kendric. Karapatan niyang malaman na buhay ang ate niya. He suffered from her loss for years, kaya naiintindihan ko kung ganun nalang ang reaction niya kanina pagkatapos silang makita.






There was silence on our way home, pati na rin ng makarating kami sa mansyon. Janine cooked for our lunch dahil nga hindi natuloy ang plano naming kumain sa bahay nila ng tanghalian. Habang naghihintay na mahanda ang pagkain, narinig ko ang pagbukas ng gate so I quickly took a glimpse outside the window. Nakarating na si Kendric after thirty minutes of me waiting here in my room. Hindi ako nagbalak bumaba at salubungin siya, I know he's not in the mood to talk. Alam ko na sa lahat ng tao na nakakita ng nangyari kanina, siya ang pinaka naapektuhan.






Lumipas ang tanghalian at dumating ang gabi na para bang walang tao sa buong mansyon. Ewan ko lang sa iba, pero ako, nagkulong lang ako sa kwarto pagkatapos. I fixed myself and was about to sleep nang mabulabog kami ng biglaang pagtunog ng makina ng sasakyan. Sumilip ako sa bintana at nakita ang pagalis ni Kendric. He left alone.






I immediately dressed up and made my way outside at nagulat ako ng magsilabasan rin ang iba. Nagkatanginan kaming lahat.






"I thought I was the only one who heard the car." Ani Wayne.






"Let's go." Sabi naman ni Vino. Agad kaming nagsilabasan including Janine. Sumakay kami ng taxi at sinabi ni Janine ang kanilang address.






"Sigurado akong wala na sila sa bahay ngayon."






Napahilamos ako ng mukha. Sana nga tama si Janine, siguro naman wala na sila doon dahil hindi naman yun ang bahay nila. But I hope... I just hope hindi niya malaman kung saan nga talaga sila nakatira. Not now, we don't know what he can do.






Nakarating kami ng bahay nila Janine at saktong nakita namin na lumabas si Kendric sa bahay nila at sumakay ulit ng sasakyan. We stopped at their gate ng makaalis siya. Dalawa lang kami ni Janine na bumaba ng sasakyan at sumalubong sa amin ang mama niya.






"Sundan niyo siya! Pupuntahan niya sila sir!"






"Mama bakit niyo sinabi?" Naiinis na tanong ni Janine sa kanya.






"Pasensya na. Pinilit niya ako at nagmakaawa siya sakin. Sumunod kayo dahil hindi tayo sigurado kung ano ang binabalak niya ngayon!"






My heart started beating faster at agad kaming sumakay para sundan si Kendric.






What are you gonna do Kendric? What is your plan? Please don't mess up.






"Hindi siya sumasagot." Dismayadong sabi ni Hyen. Napapikit nalang ako. Sana wala siyang gawing masama. There must be a reason why they did this to us. Alam ko. I know there's a deeper reason why they chose to hide everything. Pero si Kendric, baka hindi na niya maisip ang lahat ng yun ngayon.






You promised you won't do anything stupid. But what are you doing now? You're being an idiot.






"Kuya, doon po sa tabi ng sasakyang yun." Turo ko sa sasakyan ni Kendric na ngayon ay nakaparada na sa tapat ng isang malaking puting bahay. Hindi na namin nakuha ang sukli dahil sa kamamadaling bumaba.






Bukas ang gate kaya mabilis kaming nakapasok. I panicked after hearing Kendric's voice from afar as we enter the house.






"Tangina!"






"Kendric! Tama na please!"






Nakarating kami sa bakuran nila at nakita ko kung paano sinuntok ni Kendric si kuya sa pisngi. Napasigaw ako.






"Kuya! Kendric!"






"Bakit hindi mo sinabi??" Galit na bulyaw niya saka siya humarap kay ate. "Ikaw? Ate kita diba? Why do you have to fake your death??"






"Buntis ako noon!"






Napatigil ako sa pagtakbo. Ano?






Buntis siya? K-Kailan? Anak nila ni kuya? Si Ivan na ba ang dinadala niya noong mga panahong yon? Pero hindi. Masyado pang bata si Ivan.






"Si Crest ang ama." Pagpapatuloy ni ate Dristine. "But he didn't know until the accident."






"What happened?" Tanong ni Kendric.






"Ako lang ang nakakaalam nung una. Kaya nang mangyari ang aksidente, labag man sa loob ko ay tumakbo ako palayo at iniwan siya because I have to save myself, may dinadala akong bata sa tiyan ko. I thought he died after the car exploded but no. After he recovered we lived together for a while until I finally told him about the baby. Nalaman ko rin na pinaglamayan niyo na ako, na akala niyo patay na ako.






We have a baby. But Kendric, you know too damn well how our parents hated Crest. Kaya napagdesisyunan kong magtago nalang kami. Akala ko okay siya doon. Akala ko kahit papaano ay magagawa naming mamuhay ng masaya kahit pa nagtatago kami... but he left."






Kendric's hands balled into a fist. Kahit ako ay nakaramdam ng galit. Why did he do that? I saw with my own eyes how they love each other before.






"Doon ko nalaman na pera lang pala ang habol niya sakin. I got depressed. Of course, I was left alone. And do you know what's the worst part of this story? It's not missing you, it's not being left alone, it's not getting depressed. It was the baby." Nagsimulang tumulo ang luha sa mata ni ate kasabay ng pagngiti niya ng mapait. "Namatay ang anak ko. Ang sakit sakit no'n. Kasi handa naman akong alagaan siya kahit mag isa ko lang. Handa naman akong buhayin siya kahit gago yung ama niya. Pero binawi siya sakin."






"Dristine." Tawag ni kuya at tinabihan si ate. Wala na siyang pake sa dugong tumutulo mula sa pumutok niyang labi at hinagod na lang ang likod ni ate.






"Alam niyo ba, napagdesisyunan ko nang magpakamatay. Pero nakakatawa kasi imbis na masagasaan ako noon, hindi natuloy. Because it was Zian who was driving the car, he found me. Pinilit niya akong bumalik sa inyo pero sabihin mo nga, paano ko magagawa yun? Anong mukha ang ihaharap ko sa inyo? Nabuntis ako, iniwan, nalaglag ang kauna-unahang anak ko. Ayoko. Ayokong magpakita sa inyong lahat, hiyang hiya ako sa mga tao at kahit sa sarili ko."






"You should've atleast told me." Sagot ni Kendric. "Kahit ako lang ate, kahit sana sakin lang."






"You will lie to everyone for me?"






"Yes."






"I don't want that." Napabuntong hininga si ate. "Mahihirapan ka lang. At isa pa, inaya ako ni Zian na tumira nalang dito sa France kaya pumayag ako. Malayo yun sa inyo, walang makakaalam dito. Yun ang inakala ko but hey, fate do really has its own way."






"Fate? So you mean, kung hindi dahil sa tadhanang yan, wala ka talagang balak na magpakita sa amin?"






"Of course I wanted to see you again. But I didn't know it was today."






Lumapit si ate Dristine kay Kendric at saka pinunasan ang luha niya. He just stood there frozen. Para siyang isang batang nawala at umiiyak lang sa isang tabi. I watched them slowly hug each other. Then he buried his face on ate Dristine's neck at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Lalo na ng magsimula siyang humikbi ng tahimik at magtaas baba ang balikat niya.






I didn't know what to say. Nandoon pa rin yung sakit but at the same time para akong nabunutan ng tinik. Up until now, everything that happened feels surreal. Pakiramdam ko panaginip lang ito. It's hard to make yourself believe that someone whom you thought had already died is suddenly back in your life.






"Sana mapatawad mo si ate. I'm so sorry."

וווווווווווווווווו×

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top