Seventeen: The Second Meeting
You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
-Crazier
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
I woke up because of the coldness of the gentle morning air. Pakiramdam ko ang ginaw ginaw ngayon at hindi ko alam kung bakit. I looked around with my blurry sight. Nasa loob ako ng isang tent. Huh?
I sat straight at kinusot kusot ang mata ko.
Oo nga pala, birthday kahapon ni Kendric.
Natigil ako sa pag galaw ng mag flashback bigla ang nangyari kahapon. I suddenly felt my heart beating faster.
Yesterday. We kissed yesterday. Our first kiss.
--
He kissed me gently. Ang lambot ng labi niya.
What the hell is he... doing?
Napapikit ako. I felt my knees got weak at nakaramdam din ako ng pagkawala ng hininga.
I don't know what to do, natataranta ako. Tatlong bagay lang ang sigurado akong nararamdaman ko ngayon. Kaba, saya, and his soft lips kissing mine.
Nagulat pa ako nang magsimulang gumalaw ang labi niya.
And for a moment, I thought there was no one else in this world but the two of us. Pakiramdam ko, sa amin ang oras. Sa aming dalawa lang.
Our kiss lasted longer than I expected.
--
Shit.
I get goosebumps every time I remember what happened last night.
Kasi naman... first kiss ko yun.
Bumagsak ulit ako sa comforter at nagpagulong gulong habang yakap yakap ang isang maliit na unan.
Kendric took my first kiss~~
My stomach felt butterflies every time I repeat that line in my head.
May first kiss na ako! At si Kendric ang nakakuha!
Sheeeet!
I stopped moving around at umupo ng maayos dahil sa mga yapak na narinig ko at para itong papalapit sakin. I quickly fixed the strands of my hair.
At tama naman ako.
Umupo si Kendric sa entrance ng tent. He shot me a sweet smile.
I stayed still.
Imbis na mag good morning sa kanya, tanungin kung kakain na ba at kung anu-ano pa, iba ang pumasok sa isip ko.
I saw the image of the both of us kissing.
Ito na naman yung kakaibang pakiramdam na bumabalot sakin. Lalo na't magkatitigan lang kami ngayon, walang nagsasalita.
AAH!
What should I say??
"Ehem." He cleared his throat at dahil doon ay bumalik ang isip ko sa realidad. I glanced at him for just a second at umiwas. Pero napatingin ulit ako sa kanya dahil sa napansin ko. Namumula ang tenga niya. I mean, it's too obvious, namumula talaga ang tenga niya. Anong nangyari?
"K-kain na?" Nauutal niyang tanong. "Gutom ka na ba?"
I slowly nodded.
Sa totoo lang hindi ko na maintindihan ang mga kinikilos ko.
Okay naman kami kagabi. Okay naman kami pagkatapos ng... ng kiss. Nakakain pa rin kami ng maayos, ang dami nga niyang tanong eh, parang walang nangyari kung makapagsalita. Paano daw ako naghanda, sino daw tumulong sakin, paano ako nakahanap ng ganito kagandang forest, bakit daw ang galing galing kong mag surprise at iba pang maraming tanong.
Pero as expected, medyo awkward pa rin. Gets niyo? Naguusap kami, nagtatawanan, at parang normal pa din naman kaso kapag bigla naming maaalala yung nangyari, parehas kaming matatahimik.
Siyempre, sino ba ang mag aakalang gagawin namin iyon. Eh parang kahapon lang yung mga panahong hindi kami mapagsama sa iisang lamesa. Hindi kami mapag usap ng maayos. Yung mga ganung bagay? Tapos bigla, kiss? Shet kahit isda magugulat.
"Hey."
"Ha? Ah oo tatayo na wait lang." Natataranta kong saad at parang batang gumapang papalabas. Nang makalabas na ako ay tumayo ako at pinagpag ang sarili.
"Pfft." Tiningnan ko si Kendric nang marinig ko ang tawa niya. Agad niyang tinakpan ang bibig niya at umiling sakin. "Don't mind me."
Umiwas nalang ako ng tingin at nagdirediretso sa lamesa. I sat on the chair at walang imik na nagsalok ng pagkain sa plato. Gutom talaga ako ngayon, wala na muna akong pakielam sa mundo, kakain muna ako.
Umupo sa harap ko si Kendric at dumekwatro. Saka ko napansin ang hawak niyang... woah, gitara?
"Where did you get that?" I asked with food in my mouth.
"Nagpabili ako kay Flint, walang magawa eh. Ang ganda diba?" Nakangiti niyang tanong habang hinahaplos haplos yung gitara. I nodded. Maganda naman talaga, shiny black ang kulay nito at halatang mamahalin. "Limited edition lang daw ito. Sabi ni Flint ito yung pinaka maganda sa shop."
"Nice choice." I commented.
Nanahimik lang kaming dalawa, focus kasi ako sa pagkain. Then out of a sudden he started to strum.
What the heck. Kendric knows how to play guitar?!
"What day is it
and in what month
this clock never seemed so alive."
And sing?? All along I thought hindi siya marunong kumanta! Magmula nung kinanta niya yung theme song ng lion king hindi na ako umasa pang maganda ang boses niya. But right now?
God.
"I can't keep up and I can't back down
I've been losing, so much time."
I looked at him as he starts singing the chorus.
"Cause it's you and me and all of the people
with nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you."
I can't keep my eyes off of you daw pero tingnan niyo siya ngayon, hindi manlang ako tingnan. Sino bang kinakantahan niya? Yung hangin?
Kung sa bagay, wala naman siyang sinabing para sakin yung kantang yun.
"Ayos ba?" Nakangiti niyang tanong. I just nodded silently and continued eating. Narinig ko siyang may binulong ulit habang nakayuko at nagkakamot ng ulo.
"May sinasabi ka?"
"Ha?" Tiningnan niya ako na may halong pagtataka. But in the end he just shook his head. "Ah wala. Hehe."
Okay? Weird.
"Marunong ka pala mag gitara?" Pag-iiba ko ng topic sabay subo. He grinned widely at tumango tango.
"Oo naman. Matagal na akong nag gi-gitara. Hindi ba halata?"
"Hinarana mo na ba siya?"
"Ha?"
"Have you ever played the guitar to sing for her?"
"Who?"
"Celine."
Nawala ang ngiti sa mukha niya. Why? What did I do?
He just stared at me blankly. I don't know why. Nag-iba ang expresyon niya nang banggitin ko ang pangalang Celine.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa paligid bago siya bumuntong hininga at ginulo ang buhok niya na para bang frustrated siyang tao.
"Anong nangyari sa'yo?" Naguguluhan kong tanong.
"Stop mentioning her."
Huh?
Okay ang gulo niya. I never expected for him to ask me that. Bakit ganyan ang itsura niya? Parang hindi siya masayang marinig ang pangalan niya. It's not like gusto kong makitang masaya siya tuwing nababanggit ang pangalang Celine pero... nakakapanibago lang. Or ako lang ang nag iisip ng ganito?
"What?" I asked again.
"Stop mentioning her."
Napakurap ako ng mapansin ang medyo galit niyang itsura. Seryosong seryoso siyang nakatitig, diretso sa mata ko.
"What?" Kumunot ang noo ko. "Why-
"Huwag kang magtatanong ng kung ano-ano tungkol sa kanya. Huwag mo siyang isasama sa topics na pinag uusapan natin. Huwag mo siyang isipin habang nandito tayo sa France. Huwag mong alalahanin ang tungkol sa amin."
My heart skipped a beat. "Why?"
Sorry kung makulit ako. Hindi ko lang talaga... makuha kung bakit.
He sighed sharply again. Ngayon ko lang siya nakitang magalit. I mean, una ko siyang nakitang magalit noong mga panahong magkaaway kami, pangalawa noong nakipagbugbugan siya sa gangsters, pangatlo noong inuutusan na niya akong umuwi, at pang-apat ngayon. Malayo siya sa makulit at hyper na Kendric na araw-araw kong nakakasama.
But if before I always knew the reasons why he gets angry, right now I don't.
I do not understand... how Celine, suddenly became... someone he doesn't want to remember.
"Lianna."
"Lianna tingnan mo ako."
I snapped out of my thoughts and immediately looked at him. My eyebrows raised na parang nagtatanong.
"Why did I do that yesterday?"
D-did what?
Kung hindi ako nagkakamali, is he talking about the kiss?
"Why did I kissed you?"
Nanlaki ang mata ko.
What the fuck?
Lumipat ang paningin ko sa tenga niya at mas dumoble ang gulat ko ng makitang namumula ito. Namumula ang tenga niya at nagtatagis ang bagang niya. Para siyang galit na ewan... Pero hindi na niya ako tinitingnan. Nakatitig na siya ngayon sa lupa.
"A-aba!" Sigaw ko sa kanya. "Malay ko sa'yo! B-bakit sakin mo tinatanong? Ako ba ang kumokontrol sa isip mo?!"
Paano niya natatanong yan sa akin? Ano ba ang kiss na iyon para sa kanya? Joke?
"I already know the reason why."
Tinitigan niya ulit ako and I swear he is ten times more serious right now.
He knew the reason why? Ibig ba niyang sabihin, may dahilan nga siya kung bakit niya ginawa iyon kagabi? And if he does have a reason, is it valid enough for him to steal my first kiss?
"That's why I'm asking you. Sa tingin mo, bakit? Why do you think I've done that?"
I kept silent and tried searching for answers in my mind.
Napalunok ako. My hand balled into a fist.
I can't breathe steadily because of that one idea na pumasok sa isip ko. That one possible reason.
I opened my mouth and started talking. Pero hindi ko na naiwasan ang kaba. Nauutal utal akong sinagot siya.
"I-isa lang ang... ang naiisip kong rason kung bakit... h-hinahalikan ng lalaki ang b-babae."
He nodded.
"Tell me."
I pursed my lips together. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito. Hindi naman kasi ako sigurado. Baka kasi mamaya mali pala. Ako lang pala ang mag-isang gumagawa ng kwento.
"K-kasi..."
"Kasi?"
Phew. Fine. Bahala na ang mga punong nakapalibot sa amin ngayon. Tutal din naman makulit siya, sasabihin ko nalang kung ano ang naiisip ko.
"Kasi playboy siya." Tuloy tuloy kong sabi. Saka ko siya tiningnan.
Napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita ang expresyon niya.
He looked like he's pissed off.
"H-hala." Natataranta kong saad at tumayo para lapitan siya. "Hindi ko naman nilalahat. W-wala naman akong sinabing playboy ka. A-ano lang... Ano..."
Hindi pa rin natatanggal ang seryosong tingin niya sakin.
I gulped and can't do anything else but to stand still sa sobrang konsensya at takot. I just intertwined my fingers and stood in front of him silently at todo yuko saka pikit.
Hindi ko naman intensyong sabihing playboy siya! Pero kasi, ano pa ba ang ibang pwedeng dahilan kung bakit niya ako hahalikan?
Ilang segundo na ang nakalipas at wala akong narinig na anumang kaluskos.
I opened my right eye para silipin ang nasa harap ko. Pero wala nang tao. Nakapatong nalang ang gitara sa bakante nang upuan.
I looked around. Nasaan siy-
"OH MY!" I flinched. "KENDRIC! KENDRIC IBABA MO AKO! PUT ME DOWN NOW- AAAAHHH!"
Hindi ko na napigilan ang pagsigaw ng sobrang lakas. He carried me bridal style at saka siya nagsimulang umikot ikot.
"WHAT THE FREAKING HEEEEEELL!!" I shut my eyes close dahil pakiramdam ko talaga ay bibitawan at ihahagis niya ako palayo anytime. Kinapitan ko ang shirt niya.
"Sorry na! Sorry hindi ko sinasabing playboy kaaaaa!"
"HAHAHAAHHA!"
"WAAH AYOKO PANG MAMATAAAY!"
"You'll be fine! Haha! Just enjoy the ride!"
"How can I- AAAAHHH!"
Ilang segundo siyang nagpaikot-ikot at tumigil lang ng mapagod na ang mga paa niya. Tawa siya ng tawa habang buhat buhat ako while here I am not daring to open my eyes even just a bit. Tinago ko ang mukha ko. Pakiramdam ko kakasakay ko lang sa roller coaster. I was not ready!
Hindi ako nagsalita. Nakakainis! Tinakot niya ako ng sobra!
I stayed still. I can feel his breath touching my face kahit na nga ba tinatago ko na ang mukha ko sa dibdib niya. Nakakainis! Nakakainis talaga! Ang galing galing niya kasing mang asar eh! ARGH!
"Hey." He called between his laugh.
"Hey." Tawag niya ulit sakin at inalog-alog ako. What the hell?!
"Stop it." Inis kong bulong habang nakapikit pa rin.
"Sige okay lang kahit nakapikit ka, just listen to me." Nagulat ako ng higpitan niya ang pagkakabuhat sakin na para bang niyayakap na niya ako. Ginagawa ba niya akong bata?
"I'm not a playboy. I mean... oo dati playboy ako. I go to bars and flirt with random girls I don't even know. Pero dati lang yun, bago siya dumating sa buhay ko."
Ano ang gusto niyang iparating? Na nagbago siya dahil kay Celine?
"You must have gotten the wrong idea. Hindi ko pinapamukha sa'yo na nagbago ako dahil sa kanya okay? Pero kung katotohanan lang naman ang paguusapan natin, oo, nagbago talaga ako simula nang seryosohin ko siya. Siya at ang relasyon namin."
He paused then sighed.
"What I'm trying to say is... I don't play with girls anymore."
Sa tingin ko, naiintindihan ko naman siya kahit papaano. Kasi nakita ko din naman talaga. I knew who Kendric was before and after seeing Celine. Kahit medyo masakit, sige aaminin ko. Napatino nga talaga niya si Kendric.
Ang tanong ko lang, ano na nga ba talaga si Kendric ngayon? Ngayong wala na sila ng babaeng naglipat sa kanya sa tamang direksyon.
Ako ang sumunod pagkatapos na pagkatapos ni Celine. The question is, how can I be so sure that he's not back to his old self right now just because he is not with the girl who taught him good things. In short, how can I be so sure that he is not playing with me? That he is not taking that kiss as a simple joke?
"Do you know what I mean by that?" He repeated.
No.
Pakiramdam ko nakatitig na siya sakin ngayon. Kahit nakapikit pa rin ay umiling nalang ako para sabihing hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating.
Marahan niya akong ibinaba. As soon as I set foot on the ground, agad ko siyang tinitigan. Mata sa mata.
"What do you mean by that?"
Because honestly, I'm already close to dying because of curiosity. Why did he kiss me?
He gazed at me in a serious manner as he spoke out his thoughts.
"I'm not playing with you, Lianna. That's what I mean."
Naramdaman ko na naman ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
He is not playing with me? Then what could be the other reason for him to kiss me? If he wasn't playing...
No. Don't tell me...
Napakurap kurap ako. Kung ano man ang iniisip ko ngayon, ayokong maniwala doon. Iniisip ko palang, dumodoble na agad ang bilis ng tibok ng puso ko.
I was kind of thinking if by any chance... does he have feelings for me?
But that's impossible.
Magkaibigan na kami, close na kami, hindi na kami tulad ng dati na parating ilag sa isa't isa. Matagal ko na siyang gustong mapasa akin, matagal ko nang hinihiling iyon. God knows how bad I wanted for him to be mine and for me to be his. Kaya nga nandito kami ngayon eh, kaya nga magkaharap kami ngayon.
Pero ngayon palang nandito na, I realized it wasn't that easy to recognize it completely.
If I sum up everything and try remembering all the things that happened between us, ang laki pala ng biglaang pagkakaiba.
Magsasalita palang dapat ako ng biglang tumunog ang phone niya.
Puta naman. Panira. Sino ba yan?
Nakita ko din ang pagsimangot ni Kendric bago kunin ang phone. Inis niyang binasa ang contact ID, nawala bigla yung kunot ng noo niya.
Kendric answered the call. "Hello? Bakit napatawag ka?"
"Ah si Lianna ba? Okay lang kami dito. Di'ba sabi ko naman sa'yo hindi ko siya pababayaan?" Tumawa si Kendric. Lemme guess, is it... kuya?
"Yep I'm with her now. Sandali lang." Liningon niya ako at inabot ang phone. "Kuya Zian mo."
Dali-dali kong hinablot ang phone mula sa kanya. "Hallooooooo!!!!"
Aksidente akong napatingin kay Kendric at nakita ko siyang napangiti ng bahagya. Okay bear with me. I'm really like this around kuya.
[Anong halloo halloo ka diyan? Ano nang nangyari? Okay ka lang ba? Pinaiyak ka na naman ba niya? Gusto mo na bang umuwi?]
"Seriously?" I cussed sabay kunot noo. Pagkatapos kong mag greet sa kanya na puno ng energy ganyan sasabihin niya sakin? Well kung sa bagay, hindi ko siya masisisi kasi hindi ko naman siya ina-update tungkol sa status namin ni Kendric.
[Ano?] Tanong niya na parang hindi na makapaghintay ng sagot.
"Okay lang ako, okay?" I assured him. I glanced at Kendric na ngayo'y nakapamulsang nakatayo while playing with his tongue at nakatingin sa malayo. And I swear I won't try staring at that tongue.
I waved in front of his face at tinuro ang tent para sabihing doon muna ako mag s-stay. He just nodded.
[Sigurado ka? Nako Lianna kahit inuulit ulit sakin ni Kendric na iingatan ka niya hindi pa din ako kampante.]
"Bakit ba ganyan ka magsalita ngayon? Kapatid ba kita o ancestor?" I reached the tent and I immediately got inside. Nakadapa habang yakap yakap ang isang unan akong nakipag usap sa kanya.
[Ako ang gwapo mong kapatid na minalas kasi nagkaroon siya ng isang cheetah na bunso.]
"Wow ang kapal. Baka ako yung magandang babaeng nagkaroon ng isang gorillang kuya? Ew."
[Libre mangarap. Hahaha!]
"Libre magpatay ng phone. Bye!"
[Teka cheetah! Ay Lianna pala! Oo tama. Yun nga.]
I rolled my eyes. "Bakit ka ba kasi biglang napatawag?" Kasi kung tumawag ka lang para bwisitin at sirain ang umaga ko, pwes humanda ka sakin.
[Hahaha okay fine. Gusto ko lang sabihin sa'yong simula ngayon dapat mag update ka na sakin oras oras tungkol sa mga nangyayari sa'yo diyan.]
I'm not surprised. Typically my kuya being a bodyguard. Goodluck nalang sa makakatuluyan niya, walang takas.
Gustuhin ko mang humindi ay wala akong magagawa. Hindi naman sa ayokong magkwento, pero mas gusto ko sanang ako lang at si Kendric ang makakaalam ng lahat. But if it's my kuya, sige na nga. Pipiliin ko nalang kung ano ang mga ikekwento ko sa kanya sa hindi.
"Mga galawang chismoso nga naman."
[Ano yon?]
"Ang rare lang kako. Kasi you know, a pretty girl having a conversation with a big, fat, ugly gorilla. Rare."
[Ano kamo? Sinong fat? Ugly? Ako?]
I shrugged kahit hindi naman niya nakikita. "Dunno. I'm not saying any name though."
[Ay may kwento ako sa'yo. Alam mo ba kung bakit Lianna ang pangalan mo?]
Napakunot ang noo ko. "Bakit?"
[Lianna daw kasi yung pangalan ng alagang unggoy ni mom noong bata pa siya. HAHAHAHA!]
Aba't-! First of all walang alagang unggoy si mom noong maliit pa siya! Nakakainis!
"Tse!" Sigaw ko.
[Oy teka huwag mong papatayin haha! Joke lang yun.]
"Alam ko!" Napaka mapang asar ng taong 'to. Siya lang tumatawag sakin ng cheetah at unggoy!
Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan lang ang tawa niyang parang tuluyan nang nababaliw.
"Oh ano, okay ka na?" Sarkastiko kong tanong nang matapos na siya. Feeling ko hindi ko siya totoong kuya. Ewan ko lang kung ako ba yung ampon, or siya.
[Hahahaha- pwede na din.] Sagot niya saka suminghap. [Ano... May tanong nga pala ako sa'yo.]
"Come on just tell me already. Kanina ka pa!"
[Ano kasi...] He stammered through the phone.
Stammered? Oohh a confused Zian Xanders. Bago yan ah.
[Ano... Um... Ano ang regalong gusto ng mga babae?]
Teka. Babae? Why is he talking about a girl now?
Napatakip ako ng bibig.
No way. Is he dating someone?
[Hello?]
"You're dating? Who?"
Awkward siyang tumawa. Alam kong awkward at pilit yun, I know him more than anyone else. [Hindi ako ano ka ba. Yung kaibigan ko.]
"Tse! Huwag kang sinungaling! Sino nga?? You better tell me who it is kuya!"
[Wala nga! Huwag kang makulit.]
"Oh come on! Sabihin mo nalang! Kung gusto mong mag update ako sa'yo tungkol sa mga nangyayari sakin araw araw kailangan ikaw di-
[I told you wala.]
What?
I'm not being oa or anything. I just know him, that's it. Nararamdaman ko kapag nagsisinungaling siya o hindi. Siya ang pinaka unang taong kilalang kilala ko higit pa kay Kendric o sa mga kaibigan ko. And I swear to god he is lying right now.
What the hell is wrong with him? Ang daya daya niya.
"Magsearch ka sa google ng mga regalo tapos pumili ka ng isa sa mga doon. Goodbye."
I ended the call. Nakakainis. Ang daya daya niyang tao. He's being unfair dahil sa ginagawa niya. Pero sige, kung ayaw niyang magkwento then hindi ko siya pipilitin.
I'm sure he is lying to me though.
I facepalmed habang pinapadyak ang dalawa kong paa ng paulit ulit.
Pinulot ko ulit ang phone ni Kendric. Haay, mangingielam nalang muna ako ng cellphone ng iba.
I scrolled through his phone.
Una kong tiningnan ang messages niya. Nothing much, mga kaibigan niya at mga taong kilala niya sa business world lang ang laman ng inbox niya.
But there's also Celine.
I clicked her name. Sorry Kendric.
Ang pinakauna kong nakitang message niya ay yung happy birthday greeting niya for Kendric. But he didn't reply.
I read their other messages. Kitang kita ang pagiging sweet nila sa isa't isa dito.
I placed my index finger on the top of my lips habang patuloy sa pagbabasa. Good morning, kamusta na, sorry.... I love you. Maraming ganyan sa convos nila, okay aaminin ko na, medyo masakit. Ang swerte swerte ni Celine.
Bago pa ako tuluyang magselos ay nag exit na ako sa messages niya. Sunod kong tiningnan ang gallery.
Wait...
What the freaking hell??
Sandali, ako 'to ah? Mukha ko 'to. I mean... seryoso? Bakit ako nandito? At ang dami kong pictures. Aba't!
Ang dami kong pictures na natutulog. Hah! What a bastard! Ilang beses na pala niya akong pinicturan habang nasa dreamland ako??
Wow! Wow talaga! Pero infairness, ang ganda ganda ko pa din.
I just rolled my eyes as I kept on scrolling. Nakuha ng isang image ang atensyon ko, and so I clicked it.
Kamay ito ni Kendric at nakapatong ang dalawang necklace namin sa palad niya. Pinagdikit niya ang dalawa naming necklace dito, revealing a whole, small piece of Eiffel tower.
Kailan niya 'to kinuhanan ng picture? Bago niya ibigay sakin?
Wait, I think I noticed something earlier...
Napailing iling ako. Could it be? Parang nakita ko na itong picture na 'to ngayon ngayon lang.
I pressed the home button. Oh my gosh, tama nga ako. This picture is also his home screen wallpaper.
Bakit? Gandang ganda ba siya sa necklace na yan?
"Tsk tsk tsk." Napabalikwas ako at tinago ang phone sa ilalim ng unan. Shit baka nahuli niya akong pinapakielaman ang phone niya. I hope not...
"Ano nang nakita mo sa phone ko?"
I closed my eyes tightly. Aish! Magmumukha pa akong pakielamera nito.
Naramdaman ko siyang pumasok ng tent. Hindi nagtagal ay nakatabi na siya sakin, he sat beside me saka ako sinimangutan.
"Wala naman." I smiled sheepishly. Alam niyo yung huling huli na pero hindi pa rin umaamin? Ako yun eh.
Inilahad niya ang kanyang palad. "Give it back."
I smirked at him. Oo nga pala, may atraso din siya sakin. "Not until you tell me why you took images of me while sleeping."
"Later I'll tell you. Ibigay mo muna."
"No. Tell me now. Ang sama mo! Kaya pala lagi mo kong tinatabihan sa umaga, pinagtitripan mo na pala ako!"
Natawa siya. "Ipopost ko pa yun."
My eyes widened. What did he say?? No I won't let him!
"As if papayag ako. Hindi ko yun ibabalik sa'yo."
"Give it back."
"Nope."
"Now."
"Nope."
"Ah ayaw mo talaga ha?"
Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinawakan ang mga iyon gamit lang ang isa niyang kamay. Saka siya nagstart kapain ang comforter.
"Bitawan mo ko! Madaya! Physical abuse ka!" Nagpumiglas ako para makaalis sa hawak niya pero ang lakas niya. Dapat pala binura ko na yung mga pictures na yun kanina pa!
"Huwag kang magulo!" Utos niya pero siyempre hindi ako sumunod. I pulled my hands up to my mouth habang hawak hawak pa rin niya ang mga ito. Nang nakalapit na ito sa bibig ko ay kinagat ko ang kamay niya.
"Aaah!" Sigaw niya and as expected, nabitawan na din niya ako. Hinimas himas niya ang parteng kinagat ko. Yan, buti nga! Bwahaha! Very good Lianna!
Ay oo nga pala, yung phone! Nasaan na ba yun?
Nagkatinginan kami ni Kendric nang biglang may tumunog.
We stayed still for a moment.
Then nag unahan kami sa pagkuha. Parehas kasi naming alam kung saan nanggaling yung tunog.
Where is it? Where is it?
Aha!
"Gotcha!" I squealed and picked up his phone. Yeah, finally!
"Hey!" Sigaw niya sakin sabay kunot noo. Binelatan ko siya saka ako tumawa tawa. Yaay mabubura ko na!
Buti nalang walang password ang phone niya kaya madali ko itong nabuksan. I immediately clicked his gallery at pinindot ang mga pictures ko na natutulog.
Woohoo party party!
Teka lang, bakit walang pumipigil sakin?
Okay whatever, ang priority ko lang ngayon ay burahin ang mga nakakahiyang pictures kong ito.
Nung sigurado na akong naka click na lahat ng images ko na natutulog, I pressed the 'delete' button.
Delete.
I grinned widely. I looked up to him and saw... oh my.
Nawala ang ngiti ko. Why is he smirking like that?
Ilang segundo kaming nagtitigan. I froze on ny seat while he slowly... crawled towards me.
What the freaking hell?!
Anong ginagawa niya? Cino-corner ako??
Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, at dahil sa todo ngisi niyang mukha.
"D-diyan ka lang." I tried demanding.
"Ayaw na ayaw kong pinapakielaman ang phone ko, alam mo ba iyon?"
I gasped. Wow, siya pang galit?
"O eh ano ngayon? Bakit mo kasi ako pinipicturan habang tulog?"
"At dahil pinakielaman mo ang phone ko at nagbura ka ng pictures, siyempre dapat malagot ka."
Kumabog ang puso ko. Siraulo 'to ah! Bugbugan you want?? Ano ang ibig sabihin niya doon?
Kinuha niya ang phone mula sa kamay ko saka siya may hinanap. "Dinelete mo nga." Nginisian na naman niya ako.
"H-hoy Kendric Milan. Diyan ka lang. Don't you dare move closer."
"Oh yes I will." Mas lalong lumawak ang ngisi niya. Shit shit shit! I need. To escape. Immediately!
"B-bakit... ha? Ano ang gagawin mo?" Panghahamon ko sa kanya. Lagi nalang niya akong tinatakot, ako naman itong nadadala. Kagaya ngayon, kahit hinahamon ko siya gamit ang boses kong nagtatapang tapangan, sa loob ko kinakabahan na ako ng sobra.
I squealed as he pulled me by the wrist. I collapsed on his chest. Tiningala ko siya na may nanlalaking mata while he, again, smirked.
He touched my chin gently and then... he kissed me- again.
My heart started to beat faster.
My second kiss...
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko naiihi na ako. I flickered my eyes open, trying to see through my blurry sight.
Bakit ba ang sikip? Tapos ang init? At ang bigat?
I glanced to my right side to see what is going on.
I gasped. Kendric??
Dali-dali akong lumingon sa bewang ko. What the freaking hell! Why is his arm wrapped around me? At wow, masyado niyang in-enjoy ha. Talagang pinatong niya pa ang paa niya sakin? Ginawa niya akong unan!
I felt butterflies in my stomach. I can't believe the fact that he's hugging me.
Pero naiinis pa din ako. Wala akong sinabing pwede niya akong yakapin kahit kailan niya gusto!
I turned my head to him. Nawala ang kunot ng noo ko nang marealize na ang lapit na namin masyado sa isa't isa.
We're just inches away. Which gives me temptation to do it.
Okay. Gagawin ko na.
"Ow!" Komento niya sabay haplos sa noo.
Pinitik ko kasi siya. Hehe.
He pouted. "Para saan yun?" He asked with his sleepy, husky voice.
"Para sa pagyakap mo sakin." I rolled my eyes. "Now get your filthy hands off me because I wanted to pee."
"Grabe. Filthy talaga?"
Umayos kaming dalawa ng upo. Haay ang sarap ng tulog ko. Siya kasi eh, pagkatapos niya akong halikan kanina, pinilit niya akong matulog daw ulit.
Halikan.
I suddenly realized it.
He took my first kiss. He took my second kiss again.
"Huy. Kausap kita."
"Oh, what's that?"
He just sighed at ginulo gulo ang buhok niya. Damn he looks good with those messy hair.
"Nothing." Nginitian niya ako. "Mag banyo ka nalang muna."
I nodded. Saktong sakto ay napadpad ang paningin ko sa labas ng tent. Aksidente kong nakita ang itim na gitara ni Kendric.
I tapped Kendric continuously habang diretso pa rin ang tingin ko doon sa gitara.
"Hm?" He asked.
"I want one too."
"Huh?"
I smiled at him happily. "I want one too."
Nagtataka niyang sinilip ang labas ng tent. "A guitar?"
"Yep!"
Natatawa niyang ginulo gulo ang buhok ko. "Okay fine. We'll buy later."
"Yes!" Sigaw ko at nag rock n' roll sign. Sa tingin ko kasi cool ang gitara. Kaya kahit hindi ako marunong, kayang kaya ko yang pag aralan. Duh I am Lianna Xanders. I can do anything.
"Hahaha. Sige na pare mag banyo ka na. Ay teka samahan na pala kita."
Sabay kaming lumabas ng tent. "Hindi na tol hintayin mo nalang ako dito."
"Huwag kang makulit Lianna."
Natahimik ako. Yung tono niya kasi parang sinasabing hindi ako pwedeng humindi.
"Tch. Sige na nga." Naglakad na kami papunta sa cr na malapit lang dito sa forest.
Nng makaabot kami sa banyo ay mabilis lang akong nag cr. I found Kendric standing near the bathroom's entrance. Linapitan ko siya at sabay na ulit kaming naglakad pabalik.
We walked silently- which is very rare. Madalas kasi, kung hindi kami nagdadaldalan, nag iinisan naman kami kapag magkasama.
"Belated happy birthday." Pagbasag ko sa katahimikan. Nilingon niya ako at tinawanan.
"Thank you." Nakangiti niyang sagot sakin.
Patuloy lang kami sa paglalakad. We just walked slowly, parang naglilibot lang. Pero ang ipinagtataka ko lang talaga, bakit parang ang tahimik ni Kendric ngayon?
"What's wrong?" I asked worried.
"Ha? Wala naman ah."
"Eh bakit ang tahimik mo?"
Walang sumagot. Diretso lang ang tingin naming dalawa sa harap. I crossed my arms and when I was about to turn to his direction, bigla niya akong inakbayan.
I looked at him with shock all over my face.
"Nothing's wrong. Kaya huwag ka nang mag alala." He sighed. "Nanghihinayang lang talaga ako. Kasi lumipas na ang birthday ko, hindi pa rin nagpaparamdam sila mom and dad."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. There is no way he's serious. Paano nila nagagawa iyon?
"Really??"
He nodded. Nginitian niya ako pero half smile lang siya, halatang medyo pilit.
I sighed too. Alam ko ang pakiramdam na parang hindi ka naaalala ng mga magulang mo. And it hurts like hell.
"It's okay Kendric. Huwag mo nalang muna silang alalahanin. Nandiyan naman ang mga kaibigan mo eh. Marami pang mga taong nakaka alala sa'yo at hindi ka kakalimutan."
He chuckled. "Kasama ka ba doon?"
I smiled. I held his waist saka ako tumango tango. "Oo naman!"
"Weeh? Sige nga, patunayan mo."
Kumalas ako mula sa pagkaka akbay niya sakin at pumunta ako sa harap niya. He stopped walking too. Nakapamulsa siya sa harap ko ngayon habang tipid na nakangiti.
"Look. I'm here."
I'm always here. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo.
"I'm here by your side. And this, is a proof." I told him sabay turo sa kinatatayuan ko. Binigyan ko siya ng isang pilyang ngiti. "Oh ano, naniniwala ka na?"
He just happily nodded.
I want him to remember that. Ako, ang pinaka huling taong kakalimutan siya. I'll be staying by his side always. I want to let him know that.
I was about to walk back to his side when someone suddenly pushed me from behind.
I tripped over, buti nalang hindi ako bumagsak sa sahig. Liningon ko ang likod ko para malaman kung sino yung naglakas loob na yun para itulak ako.
Pero nagulat ako ng makita ang isang babaeng nakatayo sa harap ko ngayon, halatang pagod na pagod siya, at medyo namumula din ang pisngi niya. Sa unang tingin pa lang makikita mo nang nakainom siya.
"Oh my god, hey!" I shouted nang mag collapse siya sa sahig. Buti nalang nasalo siya ni Kendric.
Kendric carried her. "What's with her?"
"I don't know." I removed the strands of her hair covering her face para makita ko ng maayos ang mukha niya. "Let's just go back in the fore-
"Why?" Naguguluhang tanong ni Kendric sabay tingin din sa mukha ng babae. "Huh? She looks familiar."
I covered my mouth because of shock.
No way.
She's the girl from the watch shop!
וווווווווווווווווו×
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top