Nineteen: Glass Church
It's undeniable
That we should be together
It's unbelievable
How I used to say that I'd fall never
- Back At One
⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛
Lianna
Hinampas ko ang kamay ng kung sino mang satanas ang tumutusok tusok sa pisngi ko ngayon.
My sleep has been disturbed. What the freaking hell.
"Psst."
"Ugh stop it!" Angal ko habang nakapikit pa din. I turned around.
Akala ko titigil na pero maya-maya ay nakaramdam ako ng bigat.
Oh my god hindi ako makahinga! Shit naiipit ako!
"Araaaay!"
Pinilit kong lingunin kung sino man itong taong ito and I found Kendric laughing his ass out. Wow! Enjoy na enjoy siyang gawin akong higaan!
Hinampas ko ang balikat niya. "Kendric alis!"
"HAHAHAHAHA!"
"Stand up! Argh ano ba hindi ako makahinga!"
"Ayaw mong gumising eh— ow! Teka laang!"
Sinabunutan ko lang naman siya. Ako naman ang tumatawa ngayon.
"Tumayo ka na! Gising na ako! Ang bigat bigat mo anong feeling mo baby ka??"
"Oo!"
"No you're not! You're a 300 kilo psychopath!"
Dali-dali siyang napatayo at tiningnan ako ng masama. Wala sa sarili nalang akong napatawa dahil sa reaksiyon niya.
Nag inat ako at tumayo na rin. Tutal naman mukhang konting konti nalang sasakalin na ako nitong kasama ko. Bakit ba ang hilig niyang manggising? Pinaka ayaw ko pa man din yung ginugulo ang tulog ko.
Kung hindi lang siya si Kendric baka pinagkasya ko na siya sa oven ngayon.
"Bakit ba ang hyper mo? Anong meron?" I asked while arranging the sheets.
"May sinabi kasi si Janine sa akin kanina. Kung wala daw tayong gagawin, samahan daw natin siya sa simbahan."
"Oh. Really? Saan daw?"
Nagkibit balikat siya. "Ewan. Sabi lang niya, made of glass daw yung simbahang iyon."
"Hm. Okay, wala naman tayong puountahan ngayon eh." I nodded. Naglakad ako papuntang banyo para sana mag hugas ng mukha nang biglang may marinig akong bumagsak. I turned around, only to find Kendric— lying on the bed freely.
Sa higaang kakatapos ko lang ayusin.
Bastusan eh noh?
Pinamewangan ko siya. "Excited ka na ba talaga?"
"Yap!" Nakangiti niyang sagot habang diretso ang tingin sa kisame.
"Kung ganon eh ayusin mo yang higaan. Ang hilig mo talagang manggulo."
"Kung nanggugulo ako ano nalang tawag sa'yo?"
Ha? Anong sabi niya? Sinasabi niya bang nanggugulo ako? So ano 'to, babalikan namin yung past?
Pinanliitan ko siya ng mata. Tumayo naman siya agad at binigyan ako ng isang napakalawak na ngiti. "Joke lang! Huwag kang pikon haha! Yakap nalang."
He ran towards me and spread his arms. Tumakbo din ako palayo at mabilis na ni-lock ang pintuan ng banyo.
Anong balak noon? Yakapin ako? Ang aga aga!
Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Buti nalang maayos ang itsura ko kahit bagong gising, except nalang sa buhok kong... err, gulo gulo.
I immediately fixed myself, bago pa ulit manggulo ng kwarto si Kendric. After that ay lumabas na ako. Nakita ko siyang nakasalampak sa rug na nakapa-ilalim sa higaan at busy mag cellphone.
"Bakit ka nakaupo diyan sa sahig? Doon ka nga sa upuan. Malamig yung floor."
He looked up to me with an innocent expression.
Bigla siyang humiga.
"Hindi naman 'to sahig. Rug kaya ito. Ang lambot kasi ng rug dito sa kwarto mo kaya gustong gusto ko dito."
"Nako Kendric tigil tigilan mo ako. May rug din yung kwarto mo. Magkaiba lang tayo ng kulay, akin lavender sa'yo brown..." Napatigil ako sa pagsusuklay.
Omg. Mas gusto niya yung rug ko?? Hindi kaya... Bakla siya?
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Teka. Mas gusto mo ang lavender kaysa sa brown?"
Okay. Parang wala siyang narinig. Ngumisi lang siya at nagpatuloy sa pagce-cellphone.
We heard Janine from downstairs calling us, kakain na daw. Agad na rin kaming bumaba ni Kendric.
"Wow adobo. Sinong nagluto?" Tanong ko pagkalapit sa mesa.
"Ako ate. Enjoy!" Masiglang sagot ni Janine. Sabay sabay kaming naupo at nagsimula nang kumain.
"So, ano yung sinasabi ni Kendric na pupuntahan natin?"
"Yung sikat na simbahan sa France ate. Malapit lang iyon dito."
Kinalabit ako ni Kendric at inilahad sakin ang phone niya. I scrolled through it, seeing pictures of a glass church. Wow may dalawang giant fountains at mga fir trees na nakalinya sa magkabilang side ng simbahan. It somehow looked like a palace.
"Wow."
"Ang ganda po di'ba?
Tumango ako. "Anong oras tayo pupunta?"
"Kayo pong bahala."
"Ngayon nalang Lianna, pagkatapos kumain."
"Nice."
So it's final, after breakfast pupunta kami doon. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling bumisita ng simbahan, ngayon nalang ulit.
We chatted a little more while eating, kinuha na rin namin itong opportunity ni Kendric para maipaliwanag pa ng mas maayos kay Janine ang lahat ng kailangan niyang gawin tungkol sa trabaho niya. I'm kinda surprised, she got everything very well.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Janine
"Here we are, the glass church of France." Pagpapakilala ng driver nila ate Lianna na si Flint sa lugar pagkatapos mag park.
Liningon ko sila ate Lianna para malaman kung ano ang magiging reaksiyon nila. Napangiti ako ng makita silang napa-wow sa paligid. Teka, ibig sabihin nagandahan sila. Yehey! Akala ko hindi nila magugustuhan eh.
"It looked fantastic." Ani ate Lianna at bumaba ng sasakyan. Sumunod na rin kami.
Saktong sakto na pagbaba ko ay tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bag at binasa ang caller ID, si mama.
"Uhm ate, sasagutin ko lang po saglit." Pamamaalam ko. Sabi niya magkita nalang daw kami sa loob ng simbahan kasi gusto na daw nilang maglibot agad. Haha!
Ngayon pa lang din ako makakakuha ng opportunity na sabihin kay mama na may trabaho na ako. Alam nga ni mama yung nangyari sa akin sa shop eh at lungkot na lungkot siya. Pati na din noong nalaman niyang nawalan ako ng trabaho. Kaya sigurado ako magugulat iyon kapag sinabi ko ngayong assistant na ako ni Lianna Xanders at Kendric Milan.
"Hello ma." Nakangiti kong sabi.
[Anak. Kamusta na, nakahanap ka na ba ng trabaho? Okay ka lang ba?]
"Opo mama!" Tili ko at napatalon sabay sabing "May trabaho na po ako!"
Ramdam ko ang saya at gulat niya mula sa kabilang linya. Ngayon nalang ulit natuwa si mama ng katulad ng ganyan. [Talaga anak? Saan? Anong trabaho?]
"Mama, mahabang kwento po kung paano nangyari. Pero ang trabaho ko ngayon, assistant. Assistant ni Lianna Xanders at Kendric Milan!"
Kumabog ang puso ko. Kapag talaga naaalala ko iyon, hindi pa rin ako makapaniwala.
"Akalain niyo yun mama? Sa lahat ng makukuha kong trabaho, assistant pa! At si Lianna Xanders at Kendric Milan ang mga boss ko! Ang galing di'ba?"
[A-ano?] Hindi makapaniwalang tanong niya. [L-Lianna Xanders? Kendric Milan?]
"Opo!"
[K-kung hindi ba ako nagkakamali anak... S-sila ba yung may ari ng—]
"Opo mama! Vind clothing line at Illian Hotels!"
Hinintay ko ang magiging reaksiyon niya. Naghihintay ako ng malakas na pagtili, pagcheer at masayang pagtawa. Pero ilang segundo na ang lumipas pero wala manlang akong narinig na kahit ano.
"Hello ma?"
Napakunot ang noo ko sabay tingin sa phone, hindi naman naputol ang tawag. Anong nangyari kay mama? Hindi ba siya masaya sa nakuha kong trabaho? Tapos yung reaksyon niya gulat na gulat. Dahil ba sobrang matataas na tao ang mga boss ko?
Nakarinig ako bigla ng boses ng isang bata. Ay sandali, si Ivan ito! Yung batang inaalagaan ni mama.
[Heyoow?]
I giggled. Ang cute cute talaga niya! Paano niya nakuha yung phone kay mama? Haha!
"Hello baby Ivan? How are you?" Tanong ko.
At dahil hindi pa naman siya nakakapag salita ng maayos ay puro alien language lang ang narinig ko sa kanya. Awww pero ang cute pa rin! A one year old little boy na ganyan ka-cute, ang swerte ni mama.
Kahit wala naman akong masyadong naintindihan sa mga kinekwento ni Ivan ay naki-ride pa rin ako. Hindi nagtagal ay kinuha rin ni mama ang phone.
[Oh anak, kailan ka uuwi sa atin?]
"Mamaya po mama uuwi ako sa bahay."
[Sige ha. Mag ingat ka diyan. At tiyaka... B-bantayan mo sila.]
"Ha?" Napakunot ang noo ko. "Sino po?"
[A-ano... Sila, yung mga boss mo. Ayusin mo ang trabaho. Tama, iyon ang ibig kong sabihin.]
"Ah ganun po ba? Siyempre naman mama. Para sa atin 'to. Sige po ha? Mamaya nalang ulit byee!"
Pinutol ko na ang tawag at naglakad papunta sa simbahan.
Wala sila dito sa loob, siguro busy pa silang maglakad lakad sa paligid.
Umupo ako malapit dito sa harap at nagdasal. Hindi man halata pero... madasalin akong tao.
Pagkatapos magdasal at tumayo ay nakita ko si ate Lianna na naglalakad mag isa papasok mula sa pinaka entrance ng simbahan.
Tahimik ko siyang pinagmasdan.
Sa totoo lang, noong unang beses ko palang siyang nakita ay hinangaan ko na agad siya. Sobrang ganda niya kasi. At yung charisma niya, makikita agad ng kahit na sinong titingin sa kanya na isa siyang eleganteng tao, may pinag aralan, may dating.
Alam ko na importante ang pasensya pagdating sa customers. Inaway ko siya noon kasi ubos na ang pasensya ko noong mga oras na iyon. Wala nang natira para maibigay ko sa kanya. Kaya imbis na umintindi, nakipagsagutan nalang ako.
Ang sarap maging katulad niya, yung parang walang pinoproblema. Yung malaya siya, may pangalan, rinerespeto.
Kung kayang hindi kami nagkaaway noon sa shop, hindi ako natanggalan ng trabaho, hindi ako hinimatay sa daan... may ganito pa rin kaya ngayon?
"Ang ganda niya noh?"
Napalingon ako sa gilid ko at nakita si kuya Kendric. Ang laki ng ngiti niya habang pinapanood din si ate Lianna.
((Now playing: Back at one by Brian McKnight))
Saktong sakto nandito kami sa harap mismo ng altar, mukhang alam ko kung ano ang iniisip niya. Halatang wala siyang ibang nakikita ngayon kundi si ate. Bakit? Kasi nakatingala na ako sa kanya at lahat, katabi ko na nga siya, pero hindi niya pa rin ako napapansin. Tapos ang aliwalas pa ng mukha niya ngayon.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti. Bakit ba kilig na kilig ako sa kanilang dalawa? Ako yata ang number one supporter nila eh.
Hindi ko na napigilang magtanong.
"Gusto mo ba siyang pakasalan kuya?" Tanong ko sabay tingin ulit kay ate Lianna.
Nakarinig ako ng isang mahinang pagtawa. Saka ito nadugtungan ng buntong hininga.
"Sa totoo lang... Hindi ko pa alam."
Tiningnan ko siya na nakakunot ang noo.
"Huh? Bakit kuya? Hindi mo ba siya gusto?"
Imposible iyon. Hindi ko alam kung paano, pero imposible.
"Hindi ko rin alam Janine..."
"...Pero masaya ako kapag kasama siya. Kapag siya ang kaharap ko, kahit mag mukha akong tanga hindi ako matatakot... Kasi alam ko, tanggap niya ako."
"Ah. Ibig sabihin, malaki ang tiwala mo sa kanya?"
"Yes."
"Sa kanya lang? Sa kanya ka lang ganyan kakomportable?"
"Oo eh. Hindi sa mga kaibigan ko, o sa ate ko, o sa parents ko. Um... hindi din sa naging ex ko. Sa kanya lang."
"Kapag wala siya?"
"Babalik ako sa pagiging isang... cool na lalaki. Yung cool lang na Kendric. Hindi yung totoong Kendric Milan."
"So kapag wala siya...
"Hindi ako nakangiti ngayon." Dugtong niya sa sinabi ko. Binigyan niya din ako ng isang napakalawak na ngiti. Wow, oo nga, masaya siya. Pfft.
Pwedeng naguguluhan pa siya sa sarili niyang nararamdaman, pero ako, alam ko na kung ano ang sagot sa tanong ko kanina.
Sa tono palang ng boses niya at sa titig niya, gusto nga niya si ate Lianna.
"Kapag nawawala siya sa paningin mo kuya, anong nangyayari sa'yo?"
"Noong huling nangyari iyon... nagstay ako sa kwarto niya at halos minu-minuto kong tinitingnan ang phone ko. Paulit-ulit ko din siyang tinawagan. Hindi ko ma-explain ng maayos eh. Basta yung pakiramdam na para kang nababaliw."
Tama ang hinala ko.
Missing someone is normal. But if missing someone drives you insane, that's a different story. You see, hindi na sila normal na magkaibigan lang.
Kailan ko lang sila nakasama sa iisang bahay. Kailan ko lang nakita kung paano nila tratuhin ang isa't isa. Pero nahalata ko na agad, may something na namamagitan sa kanilang dalawa.
"Hindi naman po kayo tatayo diyan, ngingiti, at tititigan si ate... kung wala kang nararamdaman sa kanya kuya."
Tiningnan ko siya at nginitian.
"Tama ba?"
Kitang-kita ko kung paano namula ang dalawa niyang tenga at kung paano siya napako sa kinatatayuan niya. Isa lang naman kasi ang gusto kong iparating, parang kasal na nila ang nangyayari ngayon.
Tinakpan ko ang bibig ko pero nangibabaw pa rin ang halakhak ko. Napaupo na ako dahil baka mainis na sa akin yung ibang nagdadasal, si kuya nagpipigil na din ng tawa. Pero yung tenga niya... Hala namumula na talaga!
Nanlaki ang mata ko ng makita si ate Lianna na nakatayo na sa tabi ko. Nilapitan niya si kuya Kendric at tinuro ang tenga nito.
"N-napano ka?" Alalang-alala niyang tanong.
Pfft! Haaaay nakooo. Kung alam mo lang ate. Hahaha!
"A-ano... W-wala ito. Umm..."
Tiningnan niya si ate. Tapos umiwas siya. Tiningnan ulit niya si ate, tapos iwas ulit. Tingin, iwas, tingin, iwas. Bigla niyang tinakpan ang dalawa niyang tenga gamit ang mga kamay niya. Mas lalo akong natawa. Dahil doon ay ako naman ang tinanong ni ate.
"Janine, ano bang nangyayari?" Nakakunot noo niya nang tanong. "B-bakit... Bakit...?"
Hindi niya ma-explain ang gusto niyang itanong. Pero ewan ko din eh. Ang alam ko lang...
Kinikilig si kuya Kendric.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
"Ma?" Tawag ko habang kumakatok. Maya-maya lang ay bumukas na din ang pinto.
"Anak! Oh, kamusta? Ginabi ka ng uwi ah." Bungad ni mama at sinabayan ako sa pagpasok.
"Opo, kasi lumabas pa kami eh. Pagkatapos naming pumunta sa simbahan, naglibot libot pa kami at kumain sa labas."
Hindi siya sumagot o nagsalita manlang. Sa totoo lang, kanina pa ako nagtataka kay mama. Hindi naman kasi siya ganyan eh. Mapatawag man o kapag kaharap ko siya, madami siyang sinasabi. Madaming kwento at tanong. Pero sobrang tahimik niya ngayon kumpara sa dati.
Pumasok muna ako sa kwarto at nag ayos. Nang nakapagpalit na ako ng pambahay ay umupo na kami ni mama para kumain.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
Tahimik siyang nagsalok ng pagkain, hindi niya nga napansin ang panonood ko sa kanya.
"Ma, may problema ba?" Tanong ko pagkaraan ng ilang minuto.
Para siyang natauhan bigla. Umiwas siya ng tingin.
"Mama." Tawag ko ulit ng hindi pa rin siya sumagot.
Magsasalita na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang contact at nakita ko siyang nagulat.
Kumunot ang noo ko, ano ba kasi ang nangyayari?
"E-excuse me anak. Mauna ka nang kumain, sasagutin ko lang 'to."
Tumango tango nalang ako. Pinanood ko siyang lumabas ng bahay. Noong okay na ay saka pa lang ako tumayo at sumunod.
Nakatayo si mama sa labas lang ng pintuan at kausap yung kung sino man ang tumawag sa kanya. Lumapit ako habang nakatago sa pader.
"Oo sir. Sigurado ako."
Sir? Yung amo niya yata ang kausap niya ngayon. Actually hindi ko kilala ang pinagsisilbihang pamilya ni mama. Ang alam ko lang ay may isa silang anak. Si Ivan.
Buti nalang at malakas ang speaker ng phone ni mama, naririnig ko din yung boses ng kausap niya. Narinig ko siyang bumuntong-hininga mula sa kabilang linya.
[Ang liit naman ng mundo mama. Hayaan niyo na po, ayos lang.]
"Ano? Sir Zian sigurado po ba kayo?"
Ah. So Zian ang pangalan ng amo niyang lalaki?
[Opo mama. Salamat po sa pagbalita ha. Ipapaliwanag ko po kay Dristine lahat ng ito.]
"Sige sir."
Tapos, Dristine naman ang pangalan ng asawa niya? Tama ba? Haay ang hirap talaga kapag wala kang alam.
[Mama, bukas na nga po pala ang uwi ko. Eight am ang alis ko dito kaya paki-agahan po ang punta niyo bukas.]
"Ah sige sir, walang problema."
[At kung pwede po, huwag niyo po munang babanggitin kay Janine ang tungkol sa lahat ng ito.]
Ako? Bakit ako?
Teka, may tinatago ba sila?
"Oo sir, hindi ako magsasalita."
[Sige mama, salamat po.]
At dahil rinig kong tapos na silang mag usap, tumakbo ako pabalik ng kusina, nagsalok ng pagkain at lumamon. Para... kunwari kanina pa ako kumakain.
Hindi nagtagal ay pumasok na din si mama at naupo. Nginitian ko siya. "Kain na po, mama."
Nagpatuloy kami sa pagkain. Nagsalita na rin naman siya, nagtanong tanong.
Hahayaan ko nalang muna yung mga narinig ko kanina, hindi na muna ako magtatanong kung tungkol saan ang lahat ng iyon dahil base nga sa narinig ko, wala silang balak na sabihin sa akin ang kung ano man iyon.
Ang tanong ko lang, bakit kailangan nilang itago?
וווווווווווווווווו×
Hi! I just want to thank the readers na nagbabasa pa rin hanggang ngayon mapa-silent reader man yan o hindi. Stay updated to this story since summer na, so mas mabilis akong mag u-update.
I hope for your support and love, lalo na sa mga Liandric shippers diyan.
Don't forget to vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top