Fourteen: Celebration

Huling hirit
di ko alam kung bakit
At pano mo napapawi
ang kalungkutan ko

- Mahika

⚛-⚛-⚛-⚛-⚛-⚛

Lianna

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong nangyari yung bugbugan ni Kendric at ng anim na lalaki. At ito pa rin kami hanggang ngayon, ayos naman... hindi siguro.

Bakit? Sobrang hyper niya at para siyang walang sakit sa katawan. Habang ako madalas napapasabunot nalang sa sarili ko dahil para akong nag aalaga ng isang pasaway na batang ayaw sumunod sa utos.

Sinabi ko na ngang huwag na siyang masyadong magulo at hindi pa magaling ang mga sugat niya pero ayun, nakakita ng bike. Noong una maayos ang pagkakasakay niya pero natumba siya nung magulungan niya yung isang bato. Edi nagalusan na naman siya. Ganito set up namin, kumbaga siya nagdadala ng sarili niyang kapahamakan, ako naman ang nurse niya. Pwera nalang doon sa nacorner ako nung anim na gangster. Aminado akong ako ang may kasalanan noon.

So ayun nga, nag bakasyon kami sa France para lang ma-master ko ang pagtreat ng sugat at paglagay ng band aid.

I decided to get up on my bed after a few minutes dahil sa biglaang pagkagutom. I walked out and as I shut the door of my room ay napansin ko ang kakaibang katahimikan. Nasaan si Kendric? Nasanay kasi akong pagkagising palang nasa tabi ko na agad siya. O kaya naman nanonood ng tv sa baba. Or nasa kwarto niya lang, naglalaro ng games.

I slowly walked towards his door and knocked. Walang sumagot. Kumatok ulit ako, wala pa rin. I opened the door at linibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Wala din siya dito. Maayos rin ang higaan niya. Nasaan siya?

Bumaba ako ng hagdan at linibot ang buong bahay. Napatigil ako saglit sa paglalakad habang nasa dining room. I tilted my head slightly because of a sudden thought.

"Iniwan na ba niya ako?" Curious kong tanong. But as if on cue biglang may dumaang lalaki sa labas ng malaking bintana.

Oh. He didn't leave.

Napangiti ako at dali-daling lumabas ng bahay. Actually, maganda ang panahon ngayon. Cause spring day already came. It started three days ago.

I walked around the garden. Ang ganda ng maluwang na pwestong ito ng bahay. Binuksan na namin ang fountain simula pa noong first day ng spring at malaya nang umaagos ang tubig. Rinig ko rin nga ang tunog nito. The gentle morning breeze touched my face every time I take a step.

I can even hear birds chirping. I always loved to see spring day. Yung katulad ng sa mga palabas na biglang bubuka yung mga bulaklak ng sabay sabay tapos iba't iba pa ang kulay nila?

May rose garden nga pala dito na nakapaligid sa buong gilid ng garden. Ang alam ko, red and pink ang mga kulay nila at excited na akong makita silang mag bloom. Hindi pa kasi namumunga eh. Pipitas ako ng konti tapos ilalagay ko sa loob ng kwarto, saktong sakto may magandang vase sa kwarto ko na walang laman.

Hindi ko na nasubaybayan ang paligid dahil busy akong mag isip isip. Kaya naman napatigil ako sa paglalakad ng makita ang seryosong lalaking tahimik na nakatayo sa harap ko. Nakapamulsa siya at diretso ang tingin sa akin. Parang tumatagos ang titig niya sa kaluluwa ko, hindi ko nga alam kung dahil ba sa malamig na hangin o dahil sa tingin niya cause I shivered all of a sudden without a plain specific reason.

Nakipagtitigan rin ako sa kanya. I sighed and crossed my arms.

Pero agad ko ring tinigil ang pagbato pabalik sa kanya ng mga seryosong tingin. I gave him a smile.

What shall I do for you today, Kendric Milan?

Tinalikuran ko na siya ng hindi manlang siya iniimik at nagsimulang maglakad pabalik ng bahay. Tutal naman nakita ko na ang hinahanap ko, I can go inside now. I've got business to be done.

Umakyat ako pabalik ng kwarto at tumambay sa balcony. Umupo ako at cinontact si Tita Kerstine. Swerte dahil sumagot naman siya agad.

[Lianna! How are you, beautiful?]

"Good morning tita. We're fine here. How about you po?"

[We're doing well here in the Philippines. Kahit papaano ay nakakuha kami ng kaunting pahinga ng tito mo. We're actually staying in Tagaytay for this whole week.]

I pursed my lips together. She sounds so innocent to the point that I'm already concluding that she really does not remember anything.

[Why did you call, anyway? May problema ba diyan? Did you both have had conflicts again? Matigas na naman ba ang ulo niya sayo?]

I laughed a bit. "We're getting along well, tita..." I paused and hesitated to continue.

[Oh, really? That's very great then. Pero kung okay naman pala kayo edi anong nangyari? I'm not saying that I don't wanna talk to you but, well, is there anything you wanted t-

"Tita wala po ba kayong naaalala ngayon?"

Ilang segundo pa ang nakalipas bago siya makasagot dahil parang nag isip muna siya. [Oh. I'm sorry, dear. Nothing, are there any occasions for today? I'm so sorry kung sakali man, stressed out kasi kami these days eh.]

Napapikit ako sa narinig. Yes there is one special occasion for today. At kahit busy sila wala akong makitang magandang punto sa rason na yun para makalimot sila.

"Ah. Ganun po ba? Sige po. Magpahinga muna kayo, tita. Enjoy your vacation."

Natawa siya. [Same to the both of you. Take care, beautiful.] Pamamaalam niya at pinutol na ang linya. I just sighed and looked from afar.

How could you not remember? Today's his birthday.

Pagkagising ko palang alam ko na. I looked around the whole house trying to find him just to greet him. Aside from worrying na baka iniwan niya na ako, gusto ko rin siyang batiin. Isa pa, ito ang unang birthday niya na magkasama't magkaayos kami. Dati kasi, nakiki-party nga kami sa kanya, pero parang hindi naman kami magkakilala. At yung mga party na yun ni Kendric, wala lagi ang parents niya.

I closed my eyes tightly. Alam ko ang pakiramdam na parang hindi ka pinahahalagahan ng mga magulang mo. Bakit ba ganito kami? Bakit sa lahat naman ng bagay na pwedeng mawala sa amin, bakit ang parents pa namin? Bakit hindi nila kami maalala? Bakit kahit birthday lang niya hindi nila maalala? Yun ang araw na tumakbo sila sa ospital para mabuhay ang anak nila and that is a special day. But how could they not remember... how could they forget? There's no way they're damn serious.

He just stared at me silently earlier. That expression was the same just like the day when he came into my place and told me he broke up with Celine. Ang sarap niyang yakapin at ipagmalaking kahit papaano ay may isang taong nagising ngayong umaga at ang unang pumasok sa isip ng taong yun ay batiin siya. Ang sarap sabihin sa kanyang may nakaalala ng kaarawan niya. At ako yun.

I opened my eyes and saw the soft mixture colors of pastel pink and blue on the sky. This day is eventually a beautiful day and I don't want to waste it. I will make this day as his day.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

"Saan ka ba kasi pupunta?" Nagtataka niyang tanong na ilang beses na rin niyang inulit. Kumunot na naman ang noo ko habang nagkikilay sa harap ng salamin.

"Sinabing mag sh-shopping eh."

"Saan nga? Bakit hindi ako pwedeng isama? Bakit mo ba ako pinags-stay dito sa bahay?" I accidentally glanced at him through the mirror and saw him pouted. "Iiwan mo kong mag isa?"

I sighed in a frustrated way. "Oo. So leave me alone. Pwede ba? Huwag mo muna nga akong ginugulo. Gusto kong lumabas mag isa, okay?" Tinuloy ko ang pagkikilay.

"Pero... hindi mo ba muna gagamutin yung mga sugat ko?"

Umikot ang mga mata ko at hinarap siya. "Kendric you're actually too old for that! Realtalk lang ha? Kaya mo na yan mag isa, bakit ba ang kulit kulit mo?"

"Teka anong ginawa ko?" Nagpapanic niyang tanong. "Bakit galit ka na naman?"

"Kasi ang ingay mo. Dikit ka ng dikit sinabing gusto kong mapag isa eh. My god you're acting like a child! Aalis ako. Mag isa. Bakit? Kasi trip ko lang! Ayaw kitang kasama. That's it shut up no more questions."

Tumikom bigla ang bibig ko.

Dahil sa lungkot na biglang nagpakita sa mukha niya. Hindi na siya nakasagot sa akin at matamlay nalang na tumango saka bumaba ang tingin sa sahig. "Ingat." Nakapamulsa siyang tumalikod at lumabas ng kwarto.

I bit my lower lip harshly and ran my fingers through my hair.

Shit shit shit.

Sumobra yata ako. Pakiramdam ko nasaktan ko siya at nadagdagan ko ang lungkot na meron siya ngayon. Akala niya siguro wala na talagang nakaalala ng birthday niya, kahit ako man. Eh si Celine kaya? Sana manlang gumawa siya ng paraan para makapag greet kay Kendric diba? Wala akong pakielam kahit ex pa niya si Celine at karibal ko siya kasi sigurado ako kapag nag message siya kay Kendric sasaya agad yun. Hay nako, ano na bang pinagsasabi ko? I'm getting too confused and unorganized. This is so not me.

"My god. Bahala na." Ginulo ko ang buhok ko at tumingin sa salamin. Okay na yang kilay kong yan. Pakielam ko ba sa ibang taong makakakita sa akin? Ang mahalaga makapaghanda ako para sa kanya.

Sigh. I'm so sorry Kendric. Ang sakit makitang ako mismo ang nagd-down sa'yo. Pero babawi talaga ako. Please don't do anything stupid. Even though I know you're already one.

Nawalan na ako ng ganang ayusin ang buhok ko. Ano nga ba ang itsura ko ngayon? Slight messy hair. Black eyeliner at naka-wing pa ang mata ko. Naka ayos din ang kilay ko. Foundation at fresh light pink lipstick. Plain black loose shirt and ripped jeans tapos black cylinder high heel boots. I grabbed my shades and pouch at lumabas na ng kwarto.

Pagkasarang pagkasara ko ng pinto ay napatalon ako sa boses na biglang nagsalita. "Magrerebelde ka ba? Bakit ka naka all black?"

Umikot ako at nakita siyang nakapamulsa at nakasandal sa pinto ng kwarto niya. Magkaharap na kami ngayon. "Tsk. Tinatamad akong magbihis."

Kumurap kurap siya. "Ano? Paki ulit mo nga, tinatamad kang mag ayos?" Tumango ako at nagsimula nang maglakad palayo. Linampasan ko lang siya at bumaba na ng hagdan.

"Ingat ka." Pahabol niya. "Magpasama ka kay Flint. Huwag kang padalos dalos ng pupuntahan tiyaka kung may kailangan ka tumawag ka agad sakin."

I stopped walking down the stairs. Isang hakbang nalang at sahig na.

Nakakakonsensya naman kasi siya masyado. Does he still have time to worry about me? Pinalabas ko na ngang nakalimutan ko siya eh, pinalabas ko na ngang wala akong pakielam sa kanya at kahit mismo ako hindi nakaalala sa birthday niya. I promise to take back everything I'm doing right now later. Mamaya, pasasayahin ko siya. Babawiin ko lahat ng pagmamaldita na pinapakita ko ngayon at siyempre, magsosorry din ako.

"Ok." Tipid kong sagot at lumabas na ng bahay. Naglakad pa rin ako ng matino sa garden papunta sa gate kahit kating kati na akong tumakbo para maka alis kaso kasi baka mamaya nakadungaw pala si Kendric sa bintana. Siyempre act normal. Kunwari nagsusungit ako ng walang dahilan.

Nasa labas na ng bahay ang sasakyan kanina pa, kaya agad akong sumakay sa passenger seat. I inhaled deeply pagpasok sa loob dala ng excitement na tinawanan naman ni Flint.

"Let's go?" Tumango ako.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa daan hanggang sa magsalita siya. "Do you have a gift?"

"I'll buy him a watch. He wanted to buy it a few weeks ago but we ended up in the wrong place... places."

"Oh. I remember that day."

Oo. Yung araw na napaaway ako doon sa isang babae sa shop, at yung araw din na tatanga tanga ako at sinundan yung itim na butterfly kaya muntik akong mapahamak.

Sandali, itim?

Dahan dahang bumaba ang paningin ko sa suot ko. This is.... all-black.

"Wish you luck for later." I was slightly surprised by his voice. Ikaw ba naman kamalasan ang tumatakbo sa utak mo hindi ka kakabahan? But no way. I need to make this day special. Not to ruin it! And Flint's encouragement just made me more nervous.

"Anyway. Are you sure that place is safe?" I shook my negative feelings off and changed the topic.

Tumango tango siya na parang siguradong sigurado. "Yep. No wild animals in there, madam."

"Okay good." I sighed. "And please stop calling me madam. You're just two years older than us, let's speak casually."

"Hm, sure. Hi Lianna." Ngumiti siya ng nakalabas ang ipin. "Pfft. Hello." I paused and thought of something. "Will he like my surprise? What would he be doing right now?"

Flint shrugged his shoulders. "I think he'll like it. A night forest adventure is great, you know."

What I'm saying is yung malinis na forest naman. Nagresearch kasi ako ng magagandang lugar dito sa France at may nakita akong isang kilalang forest place. Pwedeng mag camping, pwedeng mag party doon at kung anu-ano pa. Yung images na nakita ko, may short pathway sa gitna ng mga puno tapos kapag lumiko ka sa dulo ng pathway na yun may malaking space kung saan pwede kayong magtakbo takbo. Hindi naman ganun kalawak pero sapat na para magparty.

That area is already reserved for us. Pwede kasing bayaran ang forest na yun para masolo niyo yung buong lugar, mabuti naman at safe daw talaga doon.

Si Flint naman, oo alam niya na. Tinawagan ko kasi siya kanina at sinabi yung plano ko ngayon. Natuwa nga ako eh, kasi alam niyang birthday ni Kendric ngayon kaya hindi na rin ako masyadong nahirapan mag explain. Ang sabi ko lang maghahanda ako para kay Kendric.

"Tch." I said out of the blue. "I feel bad. I treated him badly earlier before I left. I just wanted to not make anything obvious but I think... why am I so good at dissing people?"

Natawa si Flint sa huling sinabi ko. "Don't you think it's way better? Cause he will really end up thinking everyone forgot his birthday. Gonna say that you nailed it."

Nakaabot na kami sa parking lot at tinanggal ko agad ang seatbelt ko. Here we go. Let the hunger games, begin.

"We're here."

Kendric

I glanced to my phone again. No texts, no calls.

Bakit ganun? Hindi manlang nila naalala ang birthday ko. I'm talking about mom and dad. Yung mga kaibigan ko nag greet na. Nagpromise pa ng video call ang mga ugok. Para talagang mga bading.

Buti pa sila na mga kaibigan ko lang, nakaalala at kahit nakakabakla, um-oo na rin ako doon sa video call na gusto nilang gawin. Sila nag effort pang tumawag, pero yung mismong parents ko hindi makapag send kahit party emoji na text manlang.

Sa facebook maraming nag greet sakin, siyempre yung mga schoolmates ko sa Leone Academy. Sobrang dami to the point na kailangan ko nang mag log out. Nag la-lag na yung phone ko sa sunod sunod na notifications. Umabot na ng 5,000 plus. Tapos yung mga ka-business pa namin. Kaya hindi lang yung fb account ko ang naf-flood ngayon.

Kaso hindi naman kasi yun yung kailangan ko. Kumpara sa dami nilang lahat, sobrang mas hinahanap ko yung greetings ng pamilya ko. Tangina kung nandito lang si ate malamang nasa harap ko na siya ngayon kahit galing pa siya ng pilipinas.

I ran my fingers through my hair. Hinagis ko ang phone sa tabi at humiga nalang. I stared at the ceiling.

Nakakasakal namang mag isa. Namimiss ko yung boses niya.

Isa rin yung sungit na yun. Bakit ba ayaw niya akong isama? Hindi manlang niya ako naalala. Tapos sumakto namang ngayon pa dumating yung I-want-to-be-alone side niya. Yan tuloy ako yung naiwan mag isa. Samantalang kailangan-ko-ng-kasama-ngayon yung mood ko.

Nalungkot ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Para kasing bigla akong nangulila pero hindi ko alam kung dahil saan o dahil kanino.

Siya ba?

Tangina seryoso?

Pero bakit biglang gumaan yung pakiramdam ko nung naisip ko siyang nakangiti? Nababaliw na yata ako.

I shook my head. This is unbelievable.

I decided to sleep. Tama, itutulog ko nalang ito. Let us celebrate my birthday by sleeping. What a great day! Pinikit ko na ang mga mata ko. It took me minutes until I already felt asleep.

"SANA MAGING KAMI!"

Napaupo ako ng wala sa oras at nanlalaki ang mga mata. Then I just realized where I was staring at.

My own reflection through the mirror in front of me. At the necklace I'm wearing. That's where I'm looking right now.

Posible nga kayang tama ang hinala ko? That it is her I'm missing today?

"Celine."

I stared at my reflection as I said those words. Celine?

No.

"Celine." Ulit ko.

I ran my fingers through my hair. Let's try again.

"Lianna."

Then there goes her image in my mind. Naramdaman ko rin ang pagkawala ng pangungulila ko.

"Lianna." I repeated.

I let out a laugh and grinned widely. Bakit? Anong nangyayari? Anong klaseng epekto itong ginagawa niya sakin ngayon kahit sa pagbanggit ko palang ng pangalan niya? No way- yes. Yes way.

"Lianna." Ulit ko na naman saka humiga. Ihiniga ko ang ulo ko sa kamay ko at tumitig ulit sa ceiling. Mukha akong tangang nakangiti ng mag isa.

At huwag niyo kong tanungin kung bakit kasi hindi ko din alam.

"Lianna." I wisphered. But somehow parang hindi pa rin ako ganun ka-okay.

I breathed and...

"LIANNA!" Mahaba kong sigaw habang nasa gilid pa ng bibig ko ang dalawa kong kamay. Para akong naghahanap ng tao mula sa malayo. Kaso ano pa nga ba ang pinagkaiba ko sa ganun? Hindi ko din alam.

Pero kung hindi nga talaga ako nagkakamali tungkol sa totoong nararamdaman ko ngayon, sa tingin ko...hinahanap ko nga talaga siya.

"Fuck where are you right now?" I heavily sighed. Tangina naguguluhan ako sa sarili ko. Bakit ko ba siya hinahanap ng ganito? Eh babalik din naman siya mamaya.

Tumunog bigla ang phone ko at gulat akong napaupo. I reached for the phone and read the caller ID. Siya ang inaasahan kong tatawag. Oo yung taong namimiss ko ngayon, kaso iba yung nagpakitang pangalan sa phone. Nabadtrip tuloy ako.

Walang gana ko itong sinagot.

Mumurahin ko pa lang dapat si Zack pero naunahan na niya ako sa pagsasalita. [HAPPY BIRTHDAY TOL PAKYU!]

Gago 'to ah. Ginantihan ko din siya. "Salamat tol pakyu ka din. Pakyu ka ng dalawang beses kasi ginugulo mo ang tulog ko."

[Huh? Tulog? Bakit ka natutulog?] Tanong niya na may tonong parang sinasabing nasisiraan na ako ng ulo. [Nasaan baby mo?]

"Ha? Sino?"

[Si Lianna. Hahaha.]

"Ah. Umalis saglit. Mamaya pa daw uuwi. Gusto mag window shopping mag isa eh. Ewan ko ba sa kanya."

Kumunot ang noo ko ng marinig si Zack na mag 'wow' "Bakit?" Tanong ko. Anong wow sa taong naiwang mag isa sa bahay?

[Hindi ka umangal nung sinabi kong baby mo siya?] Di niya makapaniwalang tanong sakin na ikinatigil ng paghinga ko. Tangina oo nga noh? [Dati nga marinig mo palang yung pangalan niya umaasim na yung mukha mo. Bakit ngayon nag iba yata? Hoy baka naman may nangyari nang kakaiba diyan ha?]

"Tarantado ka ibababa ko na 'tong phone sa pinagsasabi mo eh. Wala noh! Huwag mo kong itulad sayo na makakita lang ng maganda agad agad susunggaban mo na."

[So sinabi mo ring maganda si Lianna?]

Napatigil ulit ako. "Ha?"

[Bakit Dric, maganda ba siya?] Lumakas ang tibok ng puso ko sa 'di malamang dahilan. Tangina talaga. Ano ba ito? "H-ha? Ano..." 'Di ko rin alam ang isasagot ko. Ano na bang nangyayari sakin?

[Bakit nauutal kang munggago ka? Ano nga? Maganda ba siya?]

Kumurap kurap ako. "A-ano... uhm... oo. Oo naman." Kusa kong sinabi. "Maganda naman siya."

Sumigaw si Zack. [Baka naman pag uwi mo dito kayo na ha?]

Napalunok ako sa sinabi niya. Ano daw?

"Puta." I cussed out of nowhere. Pakiramdam ko biglang uminit ang paligid. "Ibababa ko na 'tong phone wala ka namang kwenta eh."

[Huy teka teka lang ito naman masyadong defensive. Sasabihin ko na kung bakit talaga ako tumawag.]

"Ano nga kasi?"

[Magbukas ka na ng laptop mo naka-ready na kaming lahat mag video call.]

"Tangina dude." Napakamot ako ng ulo. "Ano ba tayo, mga babae? Bakit tayo mag vivideo c-

[Yesh fafa Kendric, we're girls and you are our fafa. So let's go video chat nyem!]

"EW KADIRI TANGINA MO!" Tuluyan na kong napasigaw at binato ang cellphone sa unan. Napabalikwas ako ng marinig ko ulit yung malanding boses ni Zack mula sa phone kahit pa malayo na ito sakin.

[Come on fafa Kendric let's go video call or else I'll bite you. Hihihihi!]

Sinabunutan ko ang sarili ko at bumulong. "Tangina namaaaan!"

Tumayo ako at kinuha ang laptop ko. Liningon ko ang phone ko na nasa tabi na ng unan saka sumigaw. "Ito na mag o-online na gago ka tigilan mo na ko!"

Tumawa ng tumawa si Zack. [Okay bilisan mo! Kundi mas lalo kitang guguluhin! Kahit pa i-block mo ko maghahanap ako ng paraan para mainis ka! BWAHAHAHA! BYE BABY! MWAH!]

End call.

Shit! I suddenly got goosebumps. Who the hell is that person? Paano ko ba naging kaibigan yung psychotic na yun??! Nakakabakla talaga siya shit!

Nilapag ko ang laptop sa kama at nagbanyo muna saglit dito sa loob ng kwarto. Nung okay na at uupo na sana ulit ako sa higaan, I thought of something... that is somehow stupid.

Dahan dahan akong umiling. But the next thing I know I already found myself outside my door. Staring at her door.

Tangina nababaliw na yata talaga ako. Why the hell do I suddenly have the urge to go to her room?

Pumasok agad ako ng kwarto. Shit I didn't know you could become a lunatic from missing someone so bad??

Bumalik na agad ako sa higaan. Nag online sa skype at nakitang online nga talaga yung apat na mokong. Okay. Makikipag video chat nalang ako sa kanila. itutuon ko nalang ang pansin ko sa kanila para makalimutan ko itong pagkabagot na 'to.

Kaya kong hindi pansinin ito. I can ignore this. Nababaliw lang ako pero hindi ako nababaliw. Tama. Ganun nga. Hindi ako nababaliw. I'm not crazy. I'm not a lunatic I'm-I mean I'm not crazy about her presence it's just-

Punyeta.

Tumayo ako at nagmamadaling kinuha ang phone, laptop, charger at headphones ko and then bursted out of my own room and headed towards Lianna's door and entered the room.

Pucha. Sinong santo ang nagtulak sakin papunta dito? Bakit ako nandito sa kwarto niya?

Umiling iling nalang ako at isinantabi na ang pagkagulo sa utak ko. Inilapag ko ang mga gamit ko sa kama niya at umupo din ako doon. Puta pakiramdam ko nandito siya ngayon dahil sa amoy ng higaan at ng buong kwarto niya. Just what the hell is happening?

Umayos ako ng upo at habang nakatutok na ako sa laptop ay biglang tumunog ang phone ko. Bumuga ako ng hangin. Imbis na tingnan kung sino ang nag text ay minessage ko si Zack sa skype.

Hoy gago nakakapikon ka na ah!

[Ha? Bakit anong ginawa ko?]

Tangina online na ako bakit nagtetext ka pa rin! Upakan kaya kita?

[Lul. Unang una sa lahat ang gwapo ko, pangalawa hindi na ako nag text sayo. Tiningnan mo na ba kung sino yung nagtext?]

Hindi pa.

[Haha! Bobo.]

Yan natawag pa akong bobo. Inabot ko nalang ang phone ko at binasa ang pangalan ng nag text. Napalunok ako at pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko.

Dammit.

This is fuckin' unexpected.

[Sender: Celine

Happy birthday]

ווווווווווווווווווו×

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top