Special Chapter: Revelation

A/n: HAPPY NEW YEAR! ❤

****

1991

“Aish! Bakit kasi napakakulot ng buhok mo Katrina, hirap tuloy suklayin, look masisira na 'tong comb ko,”

“Bakit dimo sisihin sila inay at tatay? Kasalanan nila hmp!”bumuntong hininga ang trese anyos na si Katrina at lumayo kay Aliyah na mabilis namang tinabihan si Claudia na nasa malalim nanaman ang iniisip hindi na nito namamalayan na napupunit na n'ya ang papel na hawak n'ya.

“Si Claudia lalim nanaman ng iniisip, nahihirapan ka ba sa asignatura mo?”mahinhing tanong ni Katrina pagkatabi kay Claudia, mabilis syang binalingan ng tingin ng kaibigan pilit ang mga ngiti.

“Si Mama kasi...”

“Bakit?”

“Kasi... Ginagawa nanaman n'ya ang bagay na ikakapahamak n'ya, namin”Alam ni Katrina ang lahat. Ang trabaho ng mga magulang ng kaibigan na mas masahol pa sa pag-patay sa mga taong walang atraso sa kanila. Pinamumunuan ng mga magulang ni Claudia ang Donovan Organization o kilala ang mga magulang nito bilang Mafia Boss.

Ilang tao na ba ang napatay nila? ang pamilyang nasira nila? Mga taong walang ginawa sa kanila at ang mga Ilegal na mga gawin na hindi na mabilang sa mga daliri maski sa isip. Sa kabila n'on ay hindi parin nito iniiwan ang kaibigan marahil narin na ang kanyang Ina ay nanunungkulan bilang kasambahay sa mga Donovan at kaibigan n'ya ito at walang kasalanan ang kaibigan sa kasalanan ng mga magulang nito.

Ng naging usap usapan ang tungkol sa pamilya ni Claudia sa kanilang lugar ay wala ng gaanong kumakausap sa kanya subalit ang limang kaibigan ay patuloy paring nasa tabi nya at pinagtatanggol sa mga nang-aapi sa kanya, kahit papaano ay maswerte parin sya. Subalit malungkot parin para sa kanyang ang malas nya sa kanyang mga magulang, o maski sa angkang pinanggalingan.

Niyakap ni Katrina ang kaibigan upang pagaanin ang loob nito kahit papaano.

“Katrina... Kayo ng inay at tatay mo? hindi ba ka'yo natatakot saamin? bakit nananatili parin kayo saamin?”napapikit si Katrina hinarap ang kaibigan at ilang beses na umiling.

“Bakit naman ako matatakot sa'iyo? wala ka namang ginagawang kasalanan, ha?”napayuko ang ulo ng dalaga at tuluyang napaluha.

“Pano kung may nagawa pala akong mabigat na kasalanan?”

“Ano ba iyang pinagsasasabi mo Claudia? kilala kita hindi mo kayang gumawa ng mabigat na kasalanan, napakatahimik at mahinhin ka kaya,”tinanggal ni Claudia ang kamay ng kaibigan na nasa balikat nya.

“Hindi mo pa ako ganoon kakilala Katrina,”walang emosyong saad nito at dahan dahang tumayo at walang sabi sabing umalis.

Nagkatinginan si Aliyah at Katrina dahil sa inasta ng kaibigan, nagtatanong ang mga mata ni aliyah subalit nagkibit balikat lamang si Katrina at malungkot na muling binalingan ng tingin ang pintong dinaanan ng kaibigan.



**



1993

“Katrina naalala mo pa ba 'to?”inabot ni Leandro ang litrato nilang dalawa sa dalaga, mga bata pa lang sila sa litrato, kuha iyon ng mga panahong mga paslit pa lamang sila. Magkaibigan ang ina ng dalawa dahilan naman iyon para maging malapit sila sa isa't isa.

“Saan 'to galing? grabe ang pula mo oh ang puti pa, nakuu ang sarap pisilin ng matatambok na pisngi!”nanggigigil na saad ni Katrina dahilan para mapangiti si Leandro habang nakatingin sa dalaga na halos mapunit ang labi nito sa pagkakangiti.

Napabangon ang dalawa mula sa pagkakahiga sa damuhan ng dumating ang tatlong kaibigan na sina Claudia, Dante, Richard at Aliyah. nakasimangot ang dalawang binata habang si Claudia ay tahimik lang samtalang si Aliyah ay napakalaki ng ngiti habang may itinatagong kung ano sa likod n'ya.

“I can't wait to marry you Katrina, hindi narin ako makapaghintay na magkaanak ta'yo,”mas lalo pinamulahan si Katrina. subalit mas matimbang parin ang pagmamahal na nararamdaman nya para kay Dante, itinago na lang nito ang totoon nararamdaman para sa ikabubuti ng lahat, para isalba ang kanilang pagkaka-ibigan. Ayaw nyang malungkot si Aliyah kung patuloy nyang mamahalin si Dante.

“Darating rin ta'yo dun mahal,”kalahating ngiting saad nito.

“Katrina! Leandro! wow huh ang sweet nyo naman, nagawa nyo na ba ang assignments ninyo?”

Dahan dahang bumangon ang dalawa sa damuhan ng dumating si Aliyah na nakaangkla ang mga palad sa braso ni Dante na saglit na pinasadahan ng malungkot na tingin ni Katrina, saglit pang lumingon si Dante sa dalaga subalit ng mahuli nyang nakatingin ito sa kanya ay mabilis syang naglihis ng tingin.

“Ofcourse Aliyah, kayo ba?”si Leandro at hinawakan ang kamay ni Katrina na pinasadahan naman ng lungkot na tingin ni Dante saglit.

“Yes actually kahapon pa kami tapos ni Dante, right love?”masaya ang tinig ni Aliyah na nakatingin kay Dante, ngunit ang binata ay kay Katrina nakatingin, tumango lang sya at mapait na ngumiti.

“Love? ka'yo na?”si Leandro.

“Oo, kahapon pa. Si Claudia na lang ang single saating magka-kaibigan, Hanap kaya naten ka-labing labing n'ya?”si Aliyah.

“Haha, pati si Richard,”

“Nope! may girlfriend 'yon well bago nanaman nya, babaero talaga iyon buti na lang itong si Dante ko hindi,”

“Co–congrats, masaya ako para sa inyo,”hindi makatinging saad ni Katrina na halata ang pait sa tinig.

“Mahal, atos ka lang?”nakangiting binalingan nya ng tingin ang kasintahan at kiming ngumiti.

“Oo, ayos lang ako,”

“Anyway, may engagement party na magaganap sa monday, engagement namin ni Dante. Sana makapunta kayo,”

“Syempre pupunta kami di namin palalampasin 'yon, right mahal?”si Leandro at binalingan ng tingin si Katrina habang masayang nakangiti. Dahan dahang ngumiti si Katrina.

“Tara punta ta'yo sa canteen lunch break na. don't worry guys treat ko ka'yo,”masayang yaya ni Aliyah na sinang-ayunan naman ng lahat.

“Ahm, pupunta muna ako ng CR saglit, mauna na ka'yo,”si Katrina na mabilis na binalingan ng tingin ng lahat.

“Hmm sige, alam mo naman na yung spot natin diba?”tango lang ang isinagot ng Dalaga.

“Gusto mo ba na samahan na kita?”magsasalita na sana si Leandro ng magsalita si Dante na kanina pa tahimik at pinagmamasdan si Katrina.

“Hindi na niya kailangan ng kasama Leandro, she can take care of herself. She's not a kid anymore,”kunot noong binalingan ng tingin ni Leandro si Dante na seryosong nakatingin kay Katrina na nakatungo ang ulo.

Magsasalita na sana si Leandro ng magsalita si Katrina. “Sige na leandro hindi ko na 'to kaya,”saad nito na nakatingin sa hawak kamay na nila Dante na mabilis namang binaklas ni Dante dahil naintindihan nya ang sinabi ng dalaga.

Ng makarating sya ng banyo ay tuluyan ng tumulo ang mga luha nyang kanina pa gustong kumawala mabuti na lamang at sya lang ang tao sa CR kaya nagkaroon sya ng lakas loob na humagulhol habang nakatakip ang mukha ng dalawang palad. Napasandal sya sa gilid at dahan dahang napaupo habang ang hagulhol ay ume-echo sa buong banyo.

Akala nya kaya na nyang bitawan si Dante pero hindi pa pala ito parin talaga ang tinitibok ng puso n'ya.

Pero mas pinapahalagahan nya ang pagkakaibigan nila ni Aliyah kaya wala syang magagawa kundi ang palihim na lamang mahalin ang binata. Isa pa ay ayaw nyang masaktan si Leandro.

“Katrina,”

Natigilan sya ng napagtanto kung kaninong boses iyon, boses ng taong sobra sobra nyang minamahal, gulat na gulat syang tumayo para harapin ang binata.

Ang mga mata nitong walang emosyon kanina ay punong puno ng awa at pagmamahal para sa kanya.

Hindi na nagdalawang isip ang binata, pinutol ang pagitan nila at sinugod sya ng mahigpit at punong puno ng pagmamahal na yakap. tila hindi nagkita ng ilang taon. Yumakap pabalik ang dalaga at nagsimula nanamang napaiyak.

“Ako na lang ulit, mahal ko,”

Napabitaw sa yakap si Katrina nakatungo at maluha luhang umiling. “H-hindi na ma-maaari Dante,”ilang beses itong umiling at napahawak sa mukha.

“Bakit? dahil ba kay Aliah? mahal naman, bakit mo ba ako pinipilit sa taong kahit kailan ay hindi ko mamahalin? Ikaw lang ang mahal ko Katrina,”marahan itong humakbang para lapitan ang dalaga pero mabilis syang humakbang paatras kaya natigilan ang binata at nasaktan sa inaasta nito.

“Bu–buntis,”hindi nya masabi ang gustong sabihin dahil sa kakaiyak.

Nagtataka, kinakabahan at natatakot si Dante sa pwedeng sabihin ng dalaga. “Buntis? Ikaw? ibig sabihin magkakaaanak na ta'yo? A–ako ang una mo—“

Bago pa nya matapos ang sasabihin ay kaagad na napasigaw si Katrina dahilan para matigilan sya.

“Si Leandro ang ama nito Dante! hindi ikaw, Oo ikaw ang nakauna saakin pero hindi tayo nakabuo, tatlong buwan na nakalipas iyon, kaya sigurado akong kay Leandro ito,”napahawak sya sa puson nyang wala pang bakas ng pagbubuntis nya. Ngunit ang sinasabi nyang pinagbubuntis ay hindi totoo, sinabi nya lamang iyon para layuan sya nito.

Natigilan si Dante pawang nanghina ang buong katawan sa nalaman. Walang ibang nagawa si Dante kundi ang malungkot na lumabas.

Pagkalabas ng binata ay isang malakas na sampal ang bumungad sa kanya galing sa mapapangasawa. Iniwan sya nitong tulala at hindi makapaniwala.




**



“WHAT?! c’mon aliyah be serious. Hindi 'yon magagawa ni Katrina,”

“Yes they did! she did! matagal na nila tayong niloloko, may relasyon sila noon and they didn't even bother to tell us, at alam mo ba? sinabi ng babaeng 'yon na Buntis sya at ikaw ang ama, at alam kong hindi totoo 'yon, at hindi sya buntis”inis na sabi ni Aliyah habang palakad lakad sa harap ni Leandro.

“So anong plano?”walang emosyong tanong ng binata.

“Make it real Leandro, buntisin mo s'ya,”nangunot ang Noo ng binata.

“I can't aliyah, malaki ang respeto ko sa kanya, nangako akong gagawin namin ang bagay nayon once we married, hindi ko kukuhain ang virginity nya ng ganon na lang,”

“Virgin? she's not virgin anymore, si Dante na ang nakakuha n'on three months ago,”nanlaki ang mata ng Binata sa gulat.

“What?!”napairap si Aliyah.

“Damn! Do I have to repeat myself, dumb?”inis na bulyaw sa kanya ng dalaga.

“Ano? Manhid?”

“Yes! sino pa ba? Ikaw lang naman kausap ko. Napakamanhid mo hindi mo manlang napapansin yung napapansin ko,”pagtukoy nito sa dalawa.

“Okay fine, kelan ba naten gagawin ang plano?”napangiti si Aliyah, madali lang pala itong pasunurin, akala nya talaga napakabait ng kanong ito.

“Sa engagement party, make sure na mabubuntis mo s'ya Leandro para hindi na makawala pa, ako naman I'll do the same. Sisiguraduhin kong hindi na makakawala si Dante, gawin mo rin you understand?”

“Oo na, gagawin ko,”

“Good,”



***



Engagement party (After)

SINAG ng araw ang nagpagising sa mahimbing na tulog ni Katrina, pero ang mas nagpagising sa kanya ay ang lamig na nararamdaman nya sa kanyang katawan mula sa makapal na kumot. Dahan dahan nyang sinilip ang katawan at ganon na lang ang gulat nya sa nasaksihan.

Mahapdi ang nasa pagitan ng hita nya at ang balakang nya ay parang nangangalay at masakit.

Sunod nyang pinasadahan ng tingin si Leandro na mahimbing ang tulog sa tabi nya. ilang beses syang napailing at tuluyang napaluha. Hindi nya alam kung bakit pero ayaw nya ang kung ano mang nangyari, pakiramdam nya ay nagtaksil sya ng sobra kahit pa kasintahan naman nya ang binata.

Mabilis n'yang kinuha ang mga nakakalat n'yang mga damit habang naluluha at mabilis na nagbihis para makaalis na, ng tapos na ay kaunti lang ang paglakabukas nito sa pinto hindi nito natuloy ng may marinig syang dalawang lalaking nag-uusap.

“May binaril raw kagabi sampung tao,”

“Oo balita ko pa mga taong matataas ang pwesto ng mga 'yon sa kumpanya ni Don Crisostomo.”

“Isa raw sa pinatay yung asawa ni Don Crisostomo na malapit na kaibigan ni Madame Rebecca,”(A/N: Rebecca Anderson, Aliyah's Mother :>)

“Hindi ko alam pero tingin ko ang Mag-amang Donovan yung gumawa n'on,”

“At sino naman?”

“Si Don Crisostomo at yung anak nyang Babae na dalaga, pero sa tingin ko lang,”

“Ano ba iyang pinagsasasabi mo, hindi mangyayari 'yon,”

Natutop ni Katrina ang labi sa sobrang gulat, ilang beses itong umiling, hindi iyon magagawa ng kaibigan n'ya. mas inilapit nya pa ang tenga sa pinto para pakinggan ang ano pang pag-uusapan ng mga ito.

“Pero ang testigo na lang ang makakapag-sabi kung sino ang gumawa ng krimen”

Ng mawala na ang boses ay dahan dahan nyang isinara ang pinto at tinungo ang kama at umupo sa gilid. nandon parin ang binata at mahimbing na natutulog.

Maya maya'y napansin n'ya ang video tape na nasa side table, kunot noo n'ya iyong kinuha at nagtaka ng makita ang nakasulat.
“Evidence?”nagtatakang basa n'ya rito. hindi nya rin namalayang napalakas ang boses nya.



Halos mabitawan nya ang hawak sa sobrang gulat dahil sa kalansing ng Vase na nahulog.

Mabilis nyang tinungo ang papuntang pinto, nakabukas iyon at ng lumabas sya ay nakita nya ang babaeng pamilyar na nagmamadaling tumatakbo palayo.

“Claudia?”

Hindi nya alam na nandito rin ang kaibigan alam nyang nasa ibang bansa ito at doon mamamalagi ng Isang taon para mag-aral, hindi kaya totoo ang narinig nya kanina? pero hindi. Hindi iyon magagawa ng kaibigan nya.


***



Two weeks later...

“Leandro?”

Tumigil si Katrina sa ginagawang pagdidilig ng umakyat si Leandro sa bakal na nagsisilbing harang, kaagad nitong niyakap at nilapitan ang dalaga at niyakap patalikod.

“I miss you,”

Dahan dahan namang bumitaw si Katrina at pilit itong nginitian.

“A–ako din Leandro,”Itinungo nya ang ulo, marahil ay nahihiya sya rito.

Marahan namang hinawakan ni Leandro ang baba ng dalaga para iangat.

“Okay ka lang ba?”Lumihis ng tingin ang dalaga.

“O–oo ayos lang ako,”kinagat nito ang labi.

“Katrina!”kapwa natigilan ang dalawa ng umalingawngaw ang boses ng Ina ni Katrina, gulat itong nakatingin sa dalawa na mabilis na naglayo.

“I–inay,”Mabilis na lumapit ang ginang at hinawakan si Katrina sa palapulsuhan, saglit nitong nilingon si Leandro.

“Layuan mo na ang anak ko Leandro,”hindi na nakapagsalita pa ang binata ng mabilis na umalis ang dalawa.

Ng mabilis na nakarating ang mag-ina sa maid's quarter ay kaagad nagsalita ang ginang parang wala pa ito sa sarili.

“A–anak, layaun mo si Leandro,”mabilis na nilingon ni Katrina ang ginang nagtataka sa inaasta nito.

“Inay, bakit po?”

“Alam mo naman siguro yung pagkamatay ng sampung matataas na tao sa Engagement party ng kaibigan mo, testigo si Leandro nasa kanya ang ebidensya at kapag nalaman ni Don 'yon parehas kayong mapapahamak,”naitungo ni Katrina ang ulo, napaluha at ilang beses napatango.

Natatakot sya sa pwedeng mangyari kay Leandro kahit pa hindi nito mahal ang binata ay sobra parin itong nag-aalala dito.

“Si–sino po ang gumawa n'on?”

“Si Don Crisostomo at si Ma'am Claudia,”natigilan ang dalaga at tila nanlumo sa narinig, halos bumagsak ang katawan nya dahil sa panghihina ng buong katawan n'ya.

“Pinautos ni Don Crisostomo na ipapatay ang asawa sa mismo nitong anak para saakin,”

Mas lalo syang nagulat sa narinig. “Gusto ako ni Don Crisostomo at kapag hindi ako nagpakasal sa kanya ay papatayin ka n'ya,”naiiyak na niyakap sya ng ginang maski sya ay napaluha narin.

“Si tatay, nay papano s'ya?”Umiling ang ginang at mas lalong napaluha, natatakot si Katrina sa naiisip nyang maaaring maging sagot ng Ina.

“Patay na ang tatay mo anak, pinapatay sya ni Don Crisostomo”

At doon ay pawang tuluyang gumuho ang mundo ng dalaga. Na parang gusto narin nyang mamatay.


**


Lumipas ang mahigit dalawang buwan at tuluyan ng lumayo si Dante kay Katrina dahilan iyon para mas lalong ikalungkot ni Katrina ngunit wala naman syang magagawa, iniisip pa nga nya na mas mabuti na 'yon.

“Katrina!”

Napabalik sa wisyo ang dalaga mula sa malalim na pag-iisip ng sumigaw na si Aliyah na malaki ang ngiti kanina lang ngunit ngayon ay nagtataka na.

“Bakit namumutla ka? may sakit ka ba? tsaka ano ba ang iniisip mo at tulala ka?”mabilis namang umiling si Katrina na hindi naman pinaniwalaan ng kaibigan.

“Bakit namumutla ka? wag mo sabihing—“

“Hindi pwede!”kapwa sila natigilan.
“A–anong hindi? wala pa akong sinasabi Katrina,”nagtatakang sabi ni Aliyah ngunit sa loob loob nya ay sobra ang tuwa nito dahil sa tingin nya ay umayon ang plano.

“Hindi ako buntis Aliyah, kung iyan ang iniisip mo,”Bulyaw nito sa kaibigan at mabilis na tumakbo palayo ngunit hindi pa ito nakakalayo ay bigla na lamang itong natumba na mabilis namang tinungo ni Aliyah na malaki ang ngiti.

Mahigit dalawang oras ng mahimbing na natutulog si Katrina habang si Aliyah ay nakangiting nakaupo sa silya na malapit sa hinihigaan ni Katrina. Hinimas nito ang bandang tyan.

“Parehas na ta'yong buntis Katrina... biyaya ang magkaroon ng supling, pero sa ating dalawa ako ang mas biniyayaan at maswerte,”ani Aliyah habang hinihimas parin ang maliit pang tiyan habang masayang nakatingin roon.

Ng malakas na bumukas ang pinto ay nawala ang kakaibang ngiti sa mga labi ng dalaga at napalitan ng sobrang pag-aalala.

“A–anong nangyari kay Katrina?”si Leandro na sobrang kinakabahan na mabilis namang nilapitan si Katrina.
Kasunod nito si Dante na sobra rin ang pag-aalala kaya naman ay napasimangot si Aliyah subalit saglit lamang dahil kailangan.

“Buntis sya Leandro, magiging tatay ka na,”mabilis namang nagtaka si Dante.

“She's four months pregnant right?”

“Hon no, she's two months pregnant, at ako rin Dante mahal magkaka-anak narin ta’yo,”masayang balita ni Aliyah dahilan iyon para matigilan si Dante na hindi alam kung anong mararamdaman. ganon rin si Leandro subalit napakasaya nito dahilan iyon para mapaluha ito at marahang halikan sa noo at hawakan ang isang kamay.

“A–ano Aliyah? pakiulit?”

“Buntis ako Dante! remember? nung engagement party natin? you got me first,”masayang masayang ulit nito, si Dante naman ay hindi makatingin at napapahimas sa noo.

“Are you sure? na–nag second opinion ka na ba?”nawala ang ngiti ni Aliyah, inaasahan nya na ganito ang magiging reaksyon ng Binata at hindi nya inaasahang magiging ganto kasakit.

“Gusto mo ba? sige mamaya,”malungkot na sagot nya, napabuntong hininga si Dante at niyakap si Aliyah.

“I–I'm sorry nabigla lang ako, a–ayaw ko lang na baka false hope ‘yan. Don't be sad please,”hindi alam ng binata kung saan nanggaling ang sinabi pero masaya syang magkakaroon ng anak subalit malungkot rin dahil hindi sa taong pinakamamahal nya.

Napayakap ang dalaga sa kasintahan at ngumiti ng pagkalaki laki na halos ikapunit na ng labi nito.

“Le–leandro? A–anong meron? may sakit ba ako?”si Katrina na kagigising lang at aligagang umupo pero pinigilan sya ni Leandro.

“Kumalma ka Katrina, makakasama sa'yo at sa bata kung—“

“Ano ba ang pinagsasasabi mo Leandro? Anong bata? hindi ako buntis,”Ilang beses syang umiling at tuluyan ng napahagulhol.

“Hi–hindi ito pwede!”mabilis na niyakap ni Leandro ang kasintahan at pilit na pinalakalma.

“Shhh, Katrina please tahan na, akong bahala sa’yo pananagutan kita, kaya kong ibigay ang pangangailangan mo at ng anak natin,”ilang beses umiling si Katrina.

“Hindi, hindi ikaw ang ama nito Leandro! na–nagahasa ako! oo tama hindi ikaw, lasing tayo ng araw na 'yon, at sigurado ako d'on!”sigaw nito at mabilis na tumayo para sana tumakbo subalit hindi pa ito nakakaalis ng marahang hatakin ni Leandro para yakapin.

“Please Katrina, wag kang ganto. nasasaktan ako,”halos pumiyok ang binata at ang pakiramdam nito ay parang sinasaksak ng ilang kutsilyo.

Ilang beses umiling at pilit kumakawala si Katrina sa makikisig na braso at dibdib ng kasintahan pero hindi nito hinayaang makawala ang dalaga.

“Hon let's go, Hayaan na lang muna natin sila,”si Aliyah.

“Pero—“

“Walang pero, pero tara na,”

Ng mawala na ang dalawa ay tuluyang napahagulhol si Katrina.

“Mas mabuting maghiwalay ta'yo Leandro! parang awa mo na para sa bata!”Umiiyak na bulong nito dahilan iyon para magtaka ang binata.

Natigilan sila parehas ng gumaralgal ang Radyo at nilingon iyon mula sa kanilang gilid.

“Kasalukuyan ngayong iniimbestigahan si Don Crisostomo Donovan sa kadahilanang umano'y pagbebenta ng iba't ibang klase ng ilegal na Droga at pagpatay umano sa mahigit isang daang ka–tao. sa ngayon ay wala pang matibay na ebidensya.”

Nagkatinginan ang dalawa ngunit saglit lamang 'yon dahil tuluyan nanamang napahagulhol si Katrina.

“Dahil testigo ka sa pag patay sa sampung matataas na tao nuong Engagement party! at hindi magtatagal malalaman nila 'yon!”nanlaki ang mga mata ni Leandro at napaatras.

“Papaanong—“

Hindi alam ng dalawa ay nasa paligid lamang si Claudia at seryosong nakikinig sa kanila.

“Si Claudia! nakita ko s'ya sa kwarto kung saan may nangyari saatin! alam na nya ang tungkol sa Ebidensyang hawak mo!”

“Pe–pero dalawang buwan na ang nakalipas Katrina, wala akong natatanggap na banta mula sa kanila,”

“Sa ngayon wala, Dahil 'yon wala pa silang sapat na ebidensya laban sa'yo, maniwala ka saakin Leandro kaunting panahon pa kahaharapin mo ang kamatayan mo, nagmamakaawa ako Leandro, Hayaan mo nalang kami. Magtago ka na lang!”umiiyak na sigaw nito.

Napaluha narin ang binata at nabaling ang tingin sa tiyan ng dalaga na wala pang sign na buntis ito.

“Mahal na mahal kita Katrina, sa–sana pag nagkita ta'yo ulit ay hayaan mo akong makita at makasama s'ya,”umiiyak na tumango ang dalaga.

Ng tuluyan na itong umalis ay napaluhod ang dalaga, hindi nya alam kung ano ang gagawin sa sarili at sa bata, masyado pa syang bata para mabuntis ano na lamang ang sasabihin ng mga kaklase n'ya? at ayaw rin nyang maging pabigat sa mga magulang.

Kaya naisip nyang ibigay ang bata sa mayamang angkan ng ama nito pagkatapos ng isang buwan pagkapanganak nito.

“Oh Claudia Donovan? Anong ginagawa mo rito? may masakit ba sa’yo?”

Natigilan si Katrina at tila nanlamig ang buong katawan sa narinig ang puso nito ay parang tumigil sa pagtibok.

“Wa–wala, mauna na po ako,”mabilis na tumakbo ang dalaga palayo.

Mukhang kailan narin nyang magpakalayo layo kundi ay mamamatay sya, o ang mas masaklap madadamay ang batang dinadala nya.



**



Years later...

Mahigit ilang taong nagtago si Katrina malayo sa malalapit sa kanya, para narin sa kaligtasan nya ng Ina at ng anak, pupuntahan sana Sana nito ang Lola at Lolo nya subalit pinapatay na pala ito ni Don Crisostomo sa kadahilanang sya ay pinaghahanap na ng mga ito. Hindi narin sya nakibalita sa Inay nya na paniguradong naikasal na kay Don Crisostomo.

Lumipas man ang ilang taon ay hnanggang ngayon ay naaalala parin nya ang anak at sinisisi ang sarili kung bakit hindi nya ito kasama na dapat ay nasa piling nya, pero iniwan nya ito sa mga magulang ni Leandro dahil hindi ito ligtas sa kanya maaari syang mamatay ano mang oras at ayaw nyang madamay ang walang kamuwang muwang na anak.

Araw araw nyan pinagdadasal na sana ay makita nya muli ang anak at sana ay nasa maayos itong kalagayan. At naniniwala syang darating ang araw na makikita nya ito at makakasama.

Tuwing naaalala nya ang kanyang anak ay bigla na lamang syang natutulala iniisip kung anong hitsura nito, lumaki ba itong maayos at malusog? at paniguradong gwapo ang anak at hindi nya maitatanggi 'yon. at sa isiping 'yon ay hindi nya mapigilang mapangiti.

Napabalik lamang sya sa wisyo ng may malakas na kumatok sa pintuan nyang matatanggal na sa pagkakakabit, wala kasi syang sapat na pera para ipagawa ang bahay. Sapat lang ang kinikita nya sa paglalabada para sa upa at sa pang-araw araw na pangangailangan.

“Sandali!”sigaw nya at nahirapan pang buksan ang pinto.

Ng buksan ang pinto ay gulat ang bumalatay sa mukha ni Katrina, at bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso nito.

“Dante? A–Anong ginagawa mo rito?”hindi sumagot si Dante at mabilis lamang syang niyakap, sobra n’yang namiss ang minamahal kaya ganto na lang ang ginawa nito sa muli nilang pagkikita, hindi sya makapagsalita sa sobrang saya.

“Katrina sumama ka na saakin nagmamakaawa ako sa’yo,”ani Dante ng matapos ang yakap.

“Dante, hi–hindi maaari,”

“Katrina mahal ko, ilang taon kitang pinahanap at ngayong nahanap na kita ay hindi ko hahayaang mawala ka nanaman,”Hindi sang-ayon si Katrina sa sinabi nito kaya kunti syang lumayo mula rito.

“Pamilyado ka ng tao Dante, hindi ko kayang manira ng pamilya—“ bago pa nito matapos ang sasabihin ay kaagad ng nagsalita si Dante na umiiling.

“Wa–wala akong pamilya Katrina, nalaglag ang anak namin ni Aliyah. Katrina handa kitang pakasalan,”Nagulat naman si Katrina sa narinig.

“Ikinasal kami ni Aliyah, pero nawala na ang bisa ng namatay ang anak namin, gusto ko lang syang pakasalan dahil sa bata Katrina, hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko Katrina hindi ako tumigil sa pagpapahanap sa’yo,”

Hindi na namalayan ni Katrina ang luhang kanina pa nya pinipigilan, hindi dahil sa lungkot dahil sa sobrang saya, saya dahil hindi nya inaasahang darating ang araw na malaya silang magmamahalan muli.

Isang buwan ay naging maayos ang pagsasama nila, kasalukuyan silang nakatira sa Mamahaling apartment pansamantala na malapit lang sa dating tinitirhan ni Katrina, isang buwan narin silang kasal at inaasahan nilang darating ang biyayang pinakahihintay nila.

Subalit dalawang buwan na ang nakakalipas ay wala paring sign na buntis si Katrina.

Hanggang sa lumipas ang isang linggo panay ang pag luwas ni Dante sa maynila marahil sa Trabaho at kay Aliyah. Kahit pa naghiwalay na sila ay piunupuntahan parin ni Dante si Aliyah dahil sa tatlo nilang anak.

Nakipaghiwalay si Dante kay Aliyah ng malamang anak ni Richard ang dalawang anak na akala nya ay sa kanya. Nagkaroon lihim na relasyon ang dalawa ng mga panahong kasal pa sila kaya ng malamang may relasyon ang dalawa ay nagkaroon sya ng mas malalim na dahilan para makipaghiwalay rito. Ginawa ni Dante ang mga plano subalit hindi 'yon naisakaturapan dahil sa malakas na koneksyon ni Don Crisostomo.

Lumipas ang ilang buwan at hindi na nagparamdam si Dante ngunit inaasahan parin nyang darating ang asawa.

Ngunit lumipas na ang ilang taon ay hindi na nga ito bumalik. Isang araw ay hindi nya inaasahang dumating si Leandro sa kanyang tinirhan, puro sugat sa katawan at animo’y naghihingalo na kaya naman ay hinayaan nitong tumuloy muna ang lalaki sa kanyang tinitirhan at tinulungang gumaling.

“A–ano ang nangyari sa iyo Leandro?”hindi sumagot si Leandro ngunit itinaas lang ang palad patungo sa patungo sa pisngi ni Katrina na mabilis namang ikinagulat ng huli.

Marahang tumayo si Leandro at hinalikan ang dalaga, hinayaan nya ito kaya naman ay palihim syang nagalit sa sarili at inilihis ang tingin.
“Katrina, hiwalayan mo si Dante,”

Mapait na ngumiti si Katrina.

“Iniwan na nya ako Leandro, ilang taon na at hindi ko manlang alam kung anong dahilan n’ya,”hindi na nya napigilang mapaluha.

“Wala ka namang balak na puntahan sya hindi ba?”

“Meron, gusto ko syang tanungin kung bakit hindi na s'ya bumalik, kahit‘yon lang, kahit masaktan pa ako sa sasabihing dahilan n’ya”Marahang pinunasan ni Leandro ang pisngi ni Katrina.

“Huwag, masyado pang delikado para sa’yo ang puntahan s'ya hanggang ngayon ay malapit parin ang Andersons sa mga Donovan, one more thing he's still living with Aliyah, at tatlo na ang anak nila,”

Ng malaman ay tila nawarak ang dibdib nya at sinuntok ng napakaraming beses, ibig sabihin ay peke ang kanilang kasal, pinatikim lamang pala sya ng saglit na kasiyahan. pero naalala nya ang anak at parang nagkaroon ng lakas ng loob kahit papaano.

“A-ang anak natin Leandro nasaan sya?”nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa lalaki hinihintay ang sagot nito.

“Nasa maayos na kalagayan ang anak natin Katrina wag kang mag-alala makakasama at makikita mo na sya bukas rin,”tuluyan nanamang napaluha ang dalaga napangiti at napayakap sa matitipunong dibdib ng Lalaki.

“Shh, I'm here Katrina, hindi kita iiwan,”niyakap nya saglit ang babae at iniangat ang ulo para siilin ng nakakalasing na halik. Ang halik ay nauwi sa maalab na gabi na sila lamang ang nakakaalam.

Kinabukasan ay nakangiting iginaya nya ang paningin sa pwesto ni Leandro ngunit nawala ang ngiti nya ng makitang wala ang lalaki sa tabi. Mabilis syang napaupo ng napagtantong ang gulo ng kwarto, nabasag ang Lampshade at ang glass table ay sira rin.

Dalawang araw na ang nakakalipas subalit wala parin si Leandro, nalulungkot sya na baka iniwan narin sya nito. Hindi mapakaling nagpalakad lakad sya at malalim ang iniisip, gustong gusto na nyang makita ang anak.

Lumipas nanaman ang maraming taon ay hindi na talaga dumating si Leandro, maski sulat ay wala kaya wala syang nagawa subalit hinihintay parin nitong dumating ang lalaki. Umaasang isang araw dala nito ang anak nila.

Pinagbuntis nito ang pangalawa nilang anak na babae na pinangalanang ‘Kellie’ mas kahawig ng bata si Leandro halos ang kutis lamang yata nya ang nakuha ng bata, ang kulot ang mata at ilong ay sa ama.

At pinangako n’ya sa anak na hindi nya ito hahayaang mawalay sa kanya.

“Leandro— A–anong ginagawa mo rito. Aliyah?”

“Gusto ko lang malaman mo na tatlo na ang anak namin ni Dante kaya tigilan mo na kame,”naggagalaiting sabi nito.

“Ano ba ang pinagsasasabi mo Aliyah?”

Inis na kinuha ni Aliyah ang wallet at kumuha ng makapal na libo at inihagis iyon sa mukha ni Aliyah dahilan iyon para mapapikit si Katrina sa galit.

“Hindi naman na siguro kulang iyan, tutal isa ka na rin namang Donovan. Balita ko ay ikinasal ang Ina mo kay Don Crisostomo na dating kasambahay ng mga Donovan! Magpakalayo layo ka na para hindi ka na guluhin pa ng ‘Asawa’ ko!”pinagdiinan pa nito ang salitang Asawa dahilan para kumirot ang dibdib ni Katrina at sa kadahilanan naring may anak na pala ito. Hanggang ngayon ay tagos parin sa buto ang sakit isiping nagsinungaling ang minamahal makasama lamang s’ya.

“Huwag kang mag-alala. kahit kailan ay hindi ko ka’yo guguluhin, maski ang anak ko ay hindi ko hahayaang pumasok sa buhay ninyo,”

Tumaas naman ang kilay ni Aliyah.

“Mabuti at nagkakaintindihan ta’yo,”

Maya maya’y pumasok ang dalawang bata kasama ang mga Bodyguard nito.

“Where's Toppher? Jei, Xavier?”nagkatinginan ang dalawang bata at sabay na nagkibit balikat.

“A–anak ni Richard ang dalawang anak mo, kanino ang kay Dante?”Nanlaki naman ang mga mata ni Aliyah at mabilis na nilingon ang dalawang bata saglit.

“A-ano ba ang pinagsasasabi mo?! si Dante ang ama ng mga anak ko,”pagdidiinan nito hindi na lang umimik si Katrina. panigurado sya na ang batang nag-ngangalang Jei ay ang anak ni Dante, hindi iyon maipagkakaila dahil kamukhang kamukha nito ang bata at ang isa naman ay ka-mukha ni Richard.

Ang pinagtataka lamang nya ay mahal na mahal ni Aliyah si Dante kaya hindi nya maintindihan kung bakit nya ito pinagtaksilan.

“Makakaalis na ka’yo, huwag kang mag-alala Aliyah tutuparin ko ang sinabi ko, makakaasa ka”


**


A/N: sana nasagot ang maraming tanong :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top