Jerks Chapter Two: More Patience



*****





Toppher Anderson



Jei Anderson


Xavier Anderson

Xander Anderson



Brent Anderson

Xedrick Anderson





***

JERKS CHAPTER TWO

KELLIE's POINT OF VIEW

"Jusko! At anong nangyari sa iyo?! At bakit punong puno ka ng pintura saan iyan nanggaling.'' Hindi kona sinagot ang pa hysteryang sigaw ni manang oras na Nakita ako.

After hours of cleaning, hindi ako tinitigilan ni Manang sa mga tanong. ''Naglinis po ako sa attic, may nahatak po akong pintura sa itaas.''

''Susmaryosep! Mag iingat ka sa susunod, aatakihin ako nito, nak.'' Ngumiti na lamang ako ng pilit.

"She has all the guts to pissed me off, so I came up with a plan." Ani sir Xedrick.

"Really, Xed just a words from a girl pissed you off."si sir Brent.

''Shut the hell up, Brent.''

"Bakit ba malapit pa sa room ko."si Xavier.

"She can clean all her mess." Pagkatapos sabihin iyon ay tiningnan n'ya ako na parang nanalo sa kung anong laban sa pagitan namin. As if they got the highest score for what they did to me. Dumating ako sa hapag at obviously ako ang pinag uusapan nila.



''If mom finds that one out, Hindi ko na alam.'' Si sir Toppher.

''You should've sugarcoated that a little, green paint sounds cliché.'' Si sir Jei.

''Next time malagkit na melted candies naman,'' nagtawanan sila sa sinabing iyon ni sir Xander.

Bakit ba ayaw na ayaw nila saakin?! Inaayos ko naman ang trabaho ko. Naglakad ako papunta sa kanila na parang walang nangyari, medyo hindi pa nawawala ang ilang pintura sa buhok ko. Napansin kong hindi pa nababawasan ang pagkaing inihain namin ni Manang, ano nanaman kaya ang problema nila.

Nagtatakip naman sila ng ilong at nagpipigil ng tawang nakatingin sa noo ko kaya hinawi ko ang noo ko at lalo akong nanggigil ng may pintura akong nahawakan. Bumuntong hininga na lamang ako.


"Bakit walang lasa itong hot chocolate ko? nilagyan mo ba 'to ng asukal?"ani sir Xavier na mahilig lang naman sa matamis.



"Sorry, naglalaba kasi si manang kanina nalagyan ko siguro ng powder kaya ganyan ang lasa, akala ko kasi asukal." Sarkastiko akong ngumiti, bigla s'yang natigilan at napaduwal.

''Hey! what the hell, murderer!'' biglang napatayo si sir Brent, habang si sir Xavier ubo ng ubo. Nanlaki ang mata ko sa galit.

''Grabe naman, murderer agad? Biro lang naman, e.'' ang sakit naman nito magsalita.

"Kung masama akong tao, baka lason nga ang laman ng mga kape ninyo." mabuti na lang at wala si madame ngayon, nasa office ng Mansion.



''Bakit kasi hindi ka nalang umalis dito?!" sigaw ni sir Xedrick saakin.


"May deal ta'yo hindi ba? sorry pero hindi ako magbibigay ng Resignation letter.''


"May deal ka'yong dalawa? We didn't know that.'' Si sir Brent, obviously nagtataka.


''Between you two?'' dagdag naman ni sir Jei.

''Hey! We don't have a deal, inuutusan kita.''


''Wait, anong inuutos mo? We didn't knew that too.'' Dagdag naman ni sir Toppher.


''I am not obliged to tell you that.'' Seryosong sagot ni sir Xedrick. Tiningnan n'ya ulit ako.


''Anong naririnig kong resignation Letter?'' natahimik ang lahat at nabaling ang atensyon at tingin kay manang. Walang umimik.


''Ano ba ang pinag aalitan ninyo?" dagdag na tanong ni Manang. Napakagat labi ako at mabilis na tumungo sa likod ni Manang.


''Manang Edna, buti po dumating ka'yo-''


''Wala po, we just have a little misunderstanding here manang, Brent pissing around again.'' Pagputol ni Xedrick sa hinanaing ko, natatakot ata ang isang ito masumbong, humanda ka'yo saakin at isusumbong ko ka'yo.


''Huh, bakit ako?'' reklamo ni Brent pero hindi iyon pinansin.


''Umalis si Aaliyah, hindi na nakapag paalam dahil nagmamadali, hindi na din ka'yo tutuloy dahil umalis ang lolo at lola ninyo papuntang baguio para sa conference meeting.''

Heto ako ngayon pagkatapos kong maligo ay nililinis ko ang natitirang pintura at kailangan pang mawala ang amoy nito, wala naman akong magagawa kundi ang gawin 'to, sino lang naman ako rito? Kasamabahay lang naman pero wala silang karapatang gawin akong katatawanan, pero kasi naman ang ganda ng offer dito saakin, nakatadhana nga talagang pagtiisan ko ang anim na magkakapatid.


Wala naman akong magawa kundi ang umiyak na lang dahil sa pinaggagagawa nila saakin.



Kasi kung aalis ako sayang ang opportunity na makapag aral ako at makapagtapos kaya wala akong magawa kundi pagtiisan sila at pagsilbihan sa kabila ng ginagawa nila saakin.



"Manang ako na po d'yan," nagdidilig ng mga halaman sa malaking Garden si Manang. nilingon niya ako saglit.


"O'sya sige ng matapos na ako sa paglalaba." nilapitan ko s'ya para abutin ang hose na mahina lang ang binubugang tubig.


Nagsimula na akong magdilig ng halaman, Iba't ibang klase ang mga Bulaklak ang ganda, mabukadkad at halos walang bulok, paniguradong alagang alaga ni Manang Edna ang mga halaman. Relaxing ang paligid, ang ganda kasing pagmasdan, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.



Naalala ko pang maghahain pa pala ako ng Tanghalian nila at marami rami pa akong lilinisin, mahina ang agos ng tubig matatagalan ako nito kung mahina ang buga ng hose kaya kaagad akong nagtungo kung nasaan ang faucet at medyo nilakasan kaya medyo malakas ang agos ng tubig. sinimulan ko ng diligan ang formations ng flowers sa upper part.



Nakangiti akong diniligan ang mga halaman habang humehele. "Ayan mas gaganda kayo at kapag mas gumanda kayo baka mawala ang inis ko tuwing makikita ko ka'yo," Kausap ko sa mga halaman. wala naman akong nakakausap rito kaya sila na lang kakausapin ko, isa pa nakakausap ko lang si Manang Edna kung may ipapautos s'ya saakin.



"Padaan!"

Kaagad akong napalingon sa gawing gilid ko at nakita kong tumatakbo si sir Xedrick patungo sa kinatatayuan ko, at ano nanamang kayang kalokohan nito?! ng dahil sa gulat naitapat ko sa kaniya ang hose ng malapit lapit na s'ya saakin, ang ending nabasa siya. pero hindi parin siya tumitigil sa pagtakbo habang naka Hand gesture na pinapaalis ako sa daanan pero huli na para umalis ako dahil hindi ko naman s'ya kaagad naintindihan, nabunggo n'ya ako pero mabuti na lamang at hindi kami tumaob.




KELLIE's POINT OF VIEW

Ang kapal naman ng mukha ng isang ito na banggain ako, alam naman ata n'yang nakatayo ako dito bubungguin pa ako, ano nanaman ka'ya ang balak n'ya. Iniinis nanaman n'ya ako.


Tiningnan n'ya ang black T-shirt n'yang lumilitaw ang bakas ng basang basang parte at masama din akong tiningnan, Aba! At hindi naman ako nagpatalo.


"Bakit kasi hindi ka pa tumabi?! bingi kaba ha? Look what happened!"


"Kasalanan ko pa pala? E, bakit hindi ka nalang tumakbo sa gilid ko.'' Huli na ng makita ko s'ya ginulat n'ya ako ka'ya kasalanan n'ya.


"Tsk! tandaan mo hindi pa ta'yo tapos!" sigaw nya at mabilis akong tinalikuran, ang Kapal kapal talaga ng isang iyon.


Aalis na sana siya ng biglang may sumigaw na Babae. Kaagad ko iyong nilingon, Ang bilis n'ya nasa harapan agad naming s'ya, Hindi na nakaalis pa si sir Xedrick ng hatakin s'ya sa Braso.


"Xedrick, babe!" Isang buwan na akong nagtatrabaho sa kanila, pero ngayon ko pa lang nakita ang Girlfriend n'ya. Ang ganda n'ya, Wavy hair at light brown ang kulay, maliit ang mukha at medyo chinita ang Mata, napakaputi din n'ya, overall Napakaganda n'ya. Mukhang hindi pa n'ya ako papansin.


Hahalikan sana si sir Xedrick sa lips pero bahagya itong naglihis ng mukha ka'ya sa pisngi dumampi ang labi ng Girlfriend n'ya, Pero bakit parang ayaw nya at naiilang pa sya.


Gwapo naman si sir Xedrick, pero wala s'yang taste! Ang pangit ng ugali! Oo pangit talaga.

"Why are you in here?"


"Because, I miss you even more. I've heard postponed ang visit n'yo sa Laguna, so..."


Binalingan naman ako nung babae kaya medyo namilog ang mga mata ko.

"And... Who are you?"

Hindi naman ako nakapagsalita kaagad. Nakataas ang right eyebrow n'ya at tiningnan ako from head to toe.

"Ah, ako? ako si Kellie... Andrade, Kasambahay ako dito.'' Nauutal ko pang sagot sakanya.


XEDRICK's POINT OF VIEW

Do you know what I hate the most? being chased by an impulsive girl, Catie hugged me so tight, kahit basang basa ako ay niyayakap parin n'ya ako.


"I miss you so much Babyyyy!"what the.

Ngumiwi lang ako sa inasal niya, she kissed me at my left cheek.

Catie is the daughter of my mother's bestfriend tita Claudia Donovan and a sister of highschool sweetheart, Chandra Donovan nine years older than me.


"Let's go inside, you have to change your clothes you'll catch cold,"Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at hinarap saakin.



Psh! acting concerned huh? she's smiling while looking at me, peke akong ngumiti pabalik, oh damn I can't stand this sh!t anymore.



"Let's go,"nauna na siyang pumasok sa loob para matapos na ang pangnungulit at pagiging aggressive n'ya saakin ngayong araw.


Bakit nga ba ayaw ko sa kanya? Because she's so clingy, not like her sister, ang arte arte rin nya, one time nahuli ko syang nakikipag-make out sa ibang lalaki at hindi lang 'yon ang unang beses, at kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya dati pa.


And the most reason why I hate her, muntik na nyang mapatay ang older sister nya, ang taong mahal na mahal ko.

They're both into me, nagkasagutan silang magkapatid sa rooftop sa school, mas pinili ko ang ate ni catie dahil magkaibang magkaiba sila, so sinadyang itulak ni catie ang ate nya sa rooftop, mabuti na lang naagapan ko kundi mawawala ang babaeng pinahahalagahan at nirerespeto ko all my life.





XAVIER's POINT OF VIEW

Nagtatawanan kami magkakapatid nang nadaanan namin si Xedrick rito sa sala na pang biyernes santo ang hitsura, at isang tao lang naman ang dahilan kung bakit nagkakaganyan sya.


"Oh? bakit parang problemado ka nanaman? what's the matter?"I asked and sit beside him.

"Oo nga? dumating ba si catie? Kaya ganyan yang mukha mo?"biglang nag-light ng sobra ang mood ni Brent ng itanong niya yon. paniguradong nagkita na si Catie at Xedrick kanina pa. she always look for Xedrick.


"Yeah, you should be the first one talking to her right now."he really hate Catie that much huh? sya na mismo hinahabol ni catie ayaw niya pa, well, kahit gaano pa kaganda ang magkagusto sakanya hindi naman n'ya magugustuhan, I know my brothers very well.


"Lqgi ka namang wala sa mood tuwing nakikita sya, hindi lang yan ngayon,"Natatawang sabi naman ni Toppher.


"Catie cutie! you visiting me do you?" Nakangiting salubong ni Brent kay catie, pag talaga pagdating kay catie nawawala ang pagkabrat neto, at nagli-light ng sobra ang mood, but Catie hates Brent the way Xedrick hates her.


"Trying hard pfft, haha."

"Yes Brent, you all boys, pero si Xedrick ang madalas ko talagang hanapin,"at nakangiting nilapitan si Xedrick na tahimik lang na nakatayo. pfft busted nanaman.



"Okay lang yan bro may likod ka pa wag mong dibdibin,"natatawang sabi ko and tapped his shoulder but he just spat may hands at nag back out.



KELLIE's POINT OF VIEW


Teka? ano ba ang ingay na yun? naglalaba ako ng natirang damit ng may narinig akong dagundong sa pader, teka?! may lindol kaya?! jusko wag naman sana.


Mabilis akong lumabas ng comfort room kung saan ako naglalaba at nakita ko si sir Brent na sinusuntok ang pader ano nanaman kayang problema nito? parang may balak syang sirain ang pader kung makasuntok sya, hindi ko mapigilang mapangiwi. Medyo may dugo na rin ang knuckles nya.

Dahan dahan naman akong naglakad papunta sa gilid nya, mahirap na kung malapit lapit ako baka ako naman ang pag-initan.

"S-sir bakit ninyo naman sinusuntok yang pader? Baka naman tuluyang masira ang ganda pa naman ng kulay color pink,"Talaga naman e ang cute kaya ng kulay tapos sisirain niya lang? tsaka baka mabagsakan ako habang naglalaba e'di konsensya nya pa di'ba? ay mali wala pala syang konsensya.


Napakasama tuloy nya akong binalingan ng tingin, kaya bahagya kong binaba ang ulo ko ang nag peace sign.


"Leave! I don't fvcking care,"mahina ngunit mariing sabi nya. Gusto ko na sanang umalis kaso 'tong bunganga ko humirit pa ng sasabihin.

"Concern lang naman ako sir,"

Muli nanaman tuloy nya ako binalingan ng napakasamang tingin parang ako naman yung gusto nyang sapakin.


"You'll leave or I'll punch your fvcking face?!"sigaw nya na nag-echo kaya napangiwi ako.

Mabilis akong tumakbo palayo, delikado baka totohanin nya banta nya na posibleng mangyari, kung di ba naman ako monggoloid pinakealaman ko pa sya sa ginagawa nya, hais bahala ng masira ang pader magagawa pa naman 'yan tutal mayaman sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top