Jerks Chapter Twenty Two: Second Kiss
CHAPTER TWENTY TWO : SECOND KISS
KELLIE's POV
Crush ko si Xanderrrrr! Ahehehe Tama kayo ng basa! Crush ko na talaga sya! Ang bait nya kasi e. Agegegege! Basta Kinikilig ako sa kaniya! Ang bait nya gwapo, Gwapo at gwapo. "Sa susunod Magreview ka na kasi. Baka sa susunod na Pre-Test Natin wala kang masagot."Concern na sabi nya.
"Hehehe Salamat sure ba! Gusto mo sabay tayo."Napanod na lang sya at Ngumiti. Yung dimples nya! At cute ang lalim. "Ah by The way Gamitin mo tong Ribbon Para sa Buhok mo."Sabi nya tsaka Inayos ang Buhok ko At Inipit ng Clip ang Buhok ko sa gilid.
"Ah salamat."Sagot ko lang tsaka Hinimas Himas Yung Ribbon saglit. "Masanay ka ng ma-conscious next time."napa-oo na lang ako. Pawis na pawis ako dun ah? Ewan ko ba Galing yata sa Araw o Sa Intense ng lapit nya?
"Puyat ka?"
"Ah Oo Kaya medyo Inaantok pa ako kaganina."Sagot ko sabay kamot sa Ulo, tumango lang sya sabay ngiti at yun nakita lo nanaman ang Mga Mapuputi nyabg Ngipin at Ang Malalalim nyang Biloy.
"Ah By the way I'll Go ahead May try Out kasi sa Basketball so paano? Una na ko."Madali ko naman syang Pinigilan kaya Tumigil Muna sya.
"Wow! Ah goodLuck sa Try out! Ichecheeer kita! Kaso Hindi Kita masasamahan ngayon Alam mo na."Tinutukoy Ko Yung mga Gawain sa mansion, tumango na lang sya Ulit at Slight na Ngumiti.
"it's ok maybe Next time."Sabi nya at Umalis na Pagtango Ko, ang talented naman! May banda na Magaling pa ata sa Basketball Sa susunod talaga! Ichecheer ko sya! Naiwan akong Hindi parin nawawala ang ngiti sa labi Pero napawi Yun Ng nakita ko si Sir toppher nakatingin saakin sa malayo. Kaya dinungaw ko ang paligid at ako lang ang tao rito sa corridor. Sinilip ko sya Ulit pero wala na sya! Nasaan yun?!
--
"Psst! Bakla! Psst!"Tawag ko kay sir Brent na nag-go-golf rito sa Garden saktong naglilinis ako rito sa garden ng Makita ko sya sa Tagong part netong garden. Asarin ko nga Hindi pa kami tapos neto aba! Kahit pa Binigyan nya ako ng Uniform Kulang!
"Sh*t!"Sigaw nya ng Hindi Pumasok ang Bola sa Butas. "Bakla! Bakla!"Bigla akong nagtago ng Lumingon sya.
"Who's that?!"Matigas na tanong nya.
Grabe nakakatakot naman toh magalit Sa susunod ko na nga iinisin may gagawin pa pala ako sa Loob.
Dahan dahan akong naglakad Papaalis Habang nakatungo ng may matigas na nabangga ko. "Who's gay?"Oh no! Paano nya nalaman?! Takte ang lakas ng Pakiramdam nya ah! Mabilis akong Tumayo ng maayos Nagulat pa ako ng hinatak nya Yung clip sa Ulo ko.
"H-hoy! Ibalik mo saakin yan! Bakla!"Napatigil naman ako ng Biglang Dumilim ang Mukha nya. "Ako bakla? Gusto mo Halikan kita?"Ngising ngising Tanong nya dahilan Para mapatigil ako.
"Wag na! Yuuuck!"Sigaw ko Sa kaniya tsaka nagcross arms at Umiwas. "You're Unbelievable! Ako Bakla? Mukha ba kong bakla?! Look ni umiwas ka nga saakin kase natetense ka! Now Who's gay? Halikan kita gusto mo?"
Halatang nang-aasar na sya! Grr Nakahanap nanaman sya ng alas para asarin ako! Tigas rin kasi Ng Ulo ko e!
"Wag na! No thanks!"Sabi ko saba'y talikod nakita ko ang nakakaasar na Ngisi nya Ok fine! Panalo sya bwisit sya! Pero bigla akong naguilty dahil sa Pagbigay nya saakin Ng Uniform ng wala akong magamit. Huh! Hindi ko naman sya Pinipilit na Bilhan ako!
Pagpasok na pagpasok ko sa Loob sumalubong saakin ang Mukha ni sir Toppher nakangisi, ano nanaman kayang nginingisingisi ng isang ito? Weird! Maglalakad na sana ako paakyat kaso Humarang sya kaya Ang lapit na namin sa isat isa.
Lakad sa Kanan Humarang ulit sya Lakad sa Kaliwa Humarang nanaman sya humarap ako sa kaniya at nakangisi ang epal!
"Ano bang problema mo?!"Mahina pero madiing! Tanong ko sa kaniya.
Nakangisi parin sya habang nakatingin sa Ulo ko.
"oow! Nasaan yung clip mo? Di'ba Bigay ni Xander Yun I am right?"Bigla kong narealize wala pala yun sa Ulo ko! Bwisit naman oh! Hindi ko pa nga pala nakukuha, tatalikod na sana ako ng nagsalita sya.
"may gusto kaba sa kapatid ko?"
Saglit akong natigilan, hala! Paano nya nalaman Yun?! Teka? Ng nakaraan nakita ko sya sa malayo! Tama sa corridor stalker ba sya?
"s.. Stalker ka ba?"
"stalker ako ng Kuya ko So Umamin ka nga May gusto ka ba sa kapatid ko?"Paglingon ko sumalubong saakin ang seryoso nyang pagmumukha! Bakit ba mas lalo ata syang Gumagwapo pagseryoso sya?!
"M... Malisyoso!"
"Sa katunayan Malisyoso talaga ako. Eh ako? Umaamin e ikaw? Hindi so umamin ka? Crush mo si kuya nu?!"Tinuro pa nya sarili nya pagkatapos ako. Hindi lang pala maarte to! Chismoso na malisyoso pa! Wow! Talented! Talented sa Kaepalan!
"Manahimik ka nga! Pwede ba?!"Pero tumawa lang ang Loko! Huehue pagnalaman to ni Xander Tigok na Huehuehue! Epal kasi to e! "AHAHAHA Ayaw ko nga!"Aba't! Pagako napuno rito! Bigyan nyo ko ng pasensya please!
"A.. Ano bang masama sa Humanga Huh!? Ikaw rin naman ah! Halatang may gusto ka Kay Kay catie!"Huh! Kung pagtawanan nya ako akala nya sya lang pwedeng Magkagusto sa isang tao!
"Hah! Hindi ako ang may gusto Kay catie!... Nakuu! Mga pangCheerleader Na katawan ang Gusto Nun lalo Yung sexy?"Pumiltik pa sya sa hangin na lalong kinainis ko Oo nga pala! Si sir Brent nga pala may gusto dun.
"Hoy! Hindi ako Umaasa Timang!"Sigaw ko.
"Nah! Halata namang Umaasa ka, Tsaka hindi ako Hoy Hot ako."Yabang neto! Sarap batuhin ng Vase! Tsaka hindi na ako aasang Magugustuhan ako ni xander, may Gusto na syang Iba e.
"Pakealam ko ba Kung Hot ka nga?!... Gusto mo Ibigay ko pa sayo Buong sun!"Binulong ko lang yung huling sinabi ko Pero mukhang narinig nya.
"Yabang mo ah?! Kaya mo ba?! Eh kung yun kaya iutos ko sayo Kaya mo?"Pinanlakihan pa nya ako ng mata pero tinarayan ko lang sya. "Ay hindi mabiro sir?! Dyan ka na nga!"Sagot ko sabay lakad ng mabilis pabalik sa Garden Kung nasaan si sir Brent pero wala na sya! Napahawak ako sa ulo na Parang nababaliw.
"Heeeey! Yuhooooo."Napalingon ako sa Terrace kung nasaan si sir Brent nakaupo sa railings at nangaasar na winawagayway ang clip ko. "Hooy! Brat Balik mo saakin yan! Malilintikan ka talaga saakin! Pagnaabutan kita pagpipirasuhin Talaga kita tandaan mo!"Pero Imbis na matakot Tumawa lang sya! Grrr Lagot talaga saakin to eh! Mamaya ka saakin!
"Kung kaya mo! The question is Kaya mo ba?"Ginagalit talaga ako ah?! Sige lang! Naglakad ako papasok sa Loob Nagiinit ang ulo Umuusok ang Ilong at Nakakuyom ang kamao.
Napatigil lang ako sa paglalakad ng Banggain ako ni Sir Xedrick walanjo! Sobrang liit ko ba para hindi nya mapansin?! Nakuu! Puro talaga katangahan pinapairal! Lalagpasan ko na sana sya ng Bigla nya akong Higitin tsaka Iharap sa kaniya.
"Wait."Mahinang Utos nya tsaka Nakipagtitigan saakin! Biglang naginit ang Buong sistema ko sa Mga Tinging pinupukol nya saakin! Teka?! Ano bang-
"Ano bang meron sa'yo hah?!"Ano raw?! Iiwas na sana ako ng tingin ng Hawakan nya ako sa pisngi Ng mabilisan kaya mas Kitang kita namin ang isat isa.
"B-bakit ba?!"Grabe na'to! Bakit sobrang lapit na nya?! Ano bang balak nya?!
"Ano bang Ginawa mo? Bakit mo ba ko Ginugulo?"Bulong nya dahilan para Bumilis ang Pagtibok ng Puso ko! Parang gustong kumawala sa Kinaroroonan nito. Ano bang Ibig nyang sabihin?!
Bigla na lang nya akong hinalikan Kaya Nanlaki ang mga mata ko ang Bilis ng Pagtakbo ng Puso ko Naging triple! Nakapikit na sya At dinadama ang Labi Namin. Hanggang sa Hindi ko na namalayan Kusa ng bumuka ang Labi ko Dahilan para Mas lalo Kong maramdaman ang Dila nya.
Hindi ko na namalayan Napapikit narin ako at nakikisabay sa Halik nya kahit hindi Ako expert Mas lalo nyang Idiniin ang sarili At ako Inilagay ko ang Mga braso ko sa balikat nya.
Ilang minuto ang Lumipas ng maglayo ang mga labi namin. Walanjo! Ano ba tong ginagawa nya?! Wag nyang sabihing-
"ahm.."Mabilis kaming naglayo sa Isat Isa mabilis akong lumihis Ng tingin dahil natetense parin ako! At ang tibok ng Puso ko! Ang bilis bilis parin. Napahawak pa ako sa dalawang pisngi ko ang init!
"I-im sorry.."Humarap ako sa kaniya Na ngayon ay Nakaharap narin. "S-sorry?! Walang hiya ka ah! Magnanakaw ka!"Pinaghahampas ko sya sa balikat. Panay naman ang iwas nya pero hindi ako tumigil.
"A-aray! S-sorry na nga diba?!"
"Ang kapal mong halikan ako! Sino ka bang bwisit ka?! Huhuhu!"Tumayo ako Tsaka parang batang Umiiyak Na Tumakbo Huehue! Ninakaw nanaman nya Second kiss ko!
"Kellie!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top