Jerks Chapter Twenty One: Nag-alala?
EDITED!
JERKS CHAPTER TWENTY ONE: NAG-ALALA?
KELLIE's POV
Nagising ako na puro puti ang nasisinagan ko, patay na ba ako? Nabagok ang ulo ko kaganina baka nga patay na ako, may nasinagan akong bulto ng tao sa kaliwa ko naka kulay puti blurr ang paningin ko kaya hindi ko makita, sya kaya ang sundo ko? Buti naman hindi si kamatayan, mukhang anghel e, hindi malinaw ang hitsura nya sa paningin ko.
"Kulot?!"
Ba't parang si xedrick yon? Don't tell me si kamatayan 'to?!
"Waaaah! Wag po, hindi ako sasama!"
Luminaw na ang paligid Nandito ako sa clinic kasama si bakulaw, buhay pa pala ako? Akala ko tigok na ko.
"Anong pinagsasasabi mo?"
"Akala ko sinusundo na ako ni kamatayan,"nilingon ko ang gawi nya sa gilid ko. "So ako si kamatayan?"Marahan akong tumango, parang may umiipit sa ulo ko benda ata.
"Gwapong kamatayan I mean,"inis na bumuga ako ng hininga, ang yabang talaga tsss.
Nabaling ang tingin namin sa walong mukhang nag-aalala na kadarating lang kaya halos hindi ko na maramdaman ang air con, teka nag-aalala sila saakin? Nag-aalala? Nahihibang na yata ako.
"Kulot! Asan si kulot?"si Brent. Hindi ako inform hindi na pala sya nakakakita, tss.
"Okay lang ba s'ya?"isa rin tong si toppher e, invisible na ba ko? Urgh sakit nila sa ulo.
"Oh, gising na pala sya e,"mabuti naman mukhang okay pa paningin nitong si Jei.
Nangunot noo naman ako dahil nandito ang limang magkakapatid kasama ang tatlo, wow huh nag-abala pa talaga silang puntahan ako rito.
"BFF, okay ka lang?"lumapit saakin si xander, lumapit naman si Xavier saamin nagtataka.
"What? BFF? ganon na ka'yo ka close?"si Xavier, sumisipsip sa yogurt nya.
"Kilala mo ba ko Kellie? Sino nga ko?"sinimangutan ko naman yung lalaking gwapo na nakita ko sa practice room nila. Hindi ko sya kilala hindi naman sya nagpakilala bakit nya ko tinatanong? Si ashe lang ang kilala ko e dahil sa ID nya.
"Hindi,"
Nanlaki naman ang mata ni Clyde. "Hala, baka nagka amnesia sya, diba nabagok sya Ashe?"napairap ako sa sinabi nya.
"We should take her to hospital!"paranoid na sabi ni xander.
"Oo nga! Baka hindi ko na matikman ulit yung kare kare nya!"si Jei. so? Paborito nya pala ang kare kare ko? E todo reklamo nga sya na matamis masyado ayun si Xavier ang umuubos ang mahilig sa matamis.
"Sabi na nga ba! Gusto mo ang kare kare ko e!"nakangising sabi ko Kay Jei, nanlaki ang mga mata nila pero napangisi rin.
"Oh? Bakit ngingisi ngisi ka'yo?"mga baliw tss.
"Mabuti naman hindi ka nagka-amnesia, wala ng gagawa ng gawaing bahay, kaawa si manang,"nakangusong sabi ni Brent.
"Pero hindi mo talaga ako kilala?"tinuro turo pa nung hindi ko kilala ang sarili nya.
"Hindi nga,"iritableng sagot ko.
"Hala, pano nangyari yon?"napaisip pa sya saglit, ang gwapo sana nya kaso mukhang walang isip. Tss, nakakapagtaka namang nagpunta sila rito, nag-alala sila saakin? Parang hindi yata kapani paniwala yon.
"Pero teka, ano bang pangalan mo?"
"I'm Kennedy, ken for short, most handsome among them all,"at kinindatan pa nya ako.
"Bakit ba ang OOA nyo?! Nabagok lang yan hindi yan mamamatay, matagal mamatay ang masamang damo,"binalingan ko ng masamang tingin si xedrick. Bwisit talaga sya.
"Nagsalita yung hindi masamang damo dyan,"pagpaparinig ko sa kanya.
"Tama na yan, we should take you to hospital Bff what if hindi lang basta bleeding yan? baka magka internal hemorrhage ka?!"napahawak ako sa Noo ko sa pinagsasasabi ni xander, mas lalong sumasakit ulo ko sa pinagsasasabi nya e.
"Kung ayaw mong lumala 'to pwede manahimik ka na lang po?"napakamot sya sa ulo.
"Nabagok na nga nagtataray parin, tsss,"hindi ko na lang pinansin si xedrick, baka magdilim ang paningin ko't pumalit sya rito sa kinahihigaan ko.
"May klase pa diba? Dapat umalis na ka'yo hindi ko kayo kailangan rito,"simangot ko, magkakaaway kami tas ngayon lilitaw litaw sila rito na parang may pakealam? Gusto nga nila akong mapaalis sa mansion e, yang anim na magkakapatid tsss, plastic.
"Harsh mo naman,"Aniya ni Xavier.
"Ganyan ka ba magpasalamat? yabang mo hah,"Bulyaw ni xedrick at masamang nakatingin saakin.
"Bakit? may sinabi ba akong tulungan mo ko?"susugurin nya sana ako ng pigilan sya ng walo kaya wala syang nagawa kundi tignan ako ng masama.
"Walang utang na loob!"nag make face ako sa sinabi nya.
"Mas lalo ata syang tumapang ng mabagok sya,"si Brent.
"Grabe ang sama talaga nya, ibang klase!"inis na sabi ni xedrick at kumalas sa hawak ng walo na napagtagumpayan naman nya, bago sya lumabas ay masama nya muna akong tinignan.
"Mas masama ugali mo 'no!"sigaw ko. wala akong pakealam sa kanya.
"Ako nagdala sa'yo rito!"sigaw nya at padabog na lumabas kumalabog pa nga ang glass door na parang mababasag na.
"Wala akong pakealam letche ka!"sigaw ko kahit alam Kong hindi na nya ako maririnig pa, binalingan ko ng tingin ang natitirang kampon ng bwisit na yon.
"Ka'yo? Ba't nandito pa ka'yo? May klase pa ka'yo diba?"Baka sisihin pa ko ng mga 'to kung bakit absent sila sa mga klase nila.
Isa isa silang nagsilabas hanggang si Xavier na lang ang naiwan kinunutan ko ito ng Noo, may kinuha sya sa bulsa nya iniabot nya saakin ang yogurt nya, tinignan ko lang iyon.
"Kuhain mo na, wag kang mag-alala walang lason yan sealed pa yan,"kinuha ko naman yon syempre hindi na ako choosy nagugutom narin kase ako e, binuksan ko yon pero naalala ko kailangan pala ng kutsara.
"Walang kutsara?"
"Wala straw lang,"sinimangutan ko sya.
"Straw? Diba dapat kutsara?"napakamot sya sa ulo nya.
"Nilalanggam kase sa bulsa ko e hehe,"Napasimangot ako sa sinabi nya, bwisit talaga wala na bang matino sa kanila?
"Lumayas ka na nga!"
"Nasan yung thank you ko?"
"Hanapin mo sa mapa! Humanap ka narin ng kutsara! Letche!"sumimangot lang sya at inilapag ang Straw sa gilid ko at dali Dali syang lumabas.
Napasimangot Naman ako at walang nagawa kundi ang sipsipin ang yogurt.
"Psst, Kellie right?"nabaling ang tingin ko sa pintuan.
"Uy! Ikaw?"nagliwanag ang mood ko ng pumasok rito yung mataba na hindi ko alam ang pangalan.
"How are you?"tanong nya at pumunta sa harap ko, napahawak ako sa ulo ko na may benda.
"Eto hindi ganoon ka-okay may mga bwisit kase kanina e,"nangunot ang matabang noo nya.
"Huh?"
"Ah wala, wala ka bang klase? diba dapat nasa room ka ngayon?"sabi ko rito, ngumiti lang sya kaya mas lalong lumapad ang mukha nya.
"Yup, I heard na nabagok ka so I pass by here I supposed to go to dean's office pinapatawag ako,"
"Ano nga palang pangalan mo?"inayos nya ang salamin nya.
"I'm Lila Alfonso,"
Nabaling ang tingin ko sa pintuan.
"Oh my! How are you Kellie?"Catie.
"Are you okay?!"Oira.
"Gosh, what happened?"Jackie.
Humahangos ang tatlo na lumapit saakin. "Wag kayong mag-alala okay na ko,"ngumiti naman ako.
"Good to hear that,"relief na sabi ni catie.
"Hey nerd! What are you doing here?!"pagtataray ni oira Kay Lila, halatang kinakabahan na si Lila.
"Kaibigan ko sya oira,"
Nabaling ang gulat na gulat na tingin ng tatlo saakin, ang big deal naman ata non sa kanila? Ano namang nakakagulat kaya don.
"What?!"
"Oo,"prenteng sagot ko lang, binalingan nila ng tingin si Lila hindi makapaniwala.
"May problema ba d'on?"Binalingan naman nila ako ng tingin, tinignan ko si Lila saglit at sinenyasan na umalis na, baka kase mapano pa sya, siguro may kasalanan si Lila sa kanila kaya ganto sia kagalit don.
Sinunod ni Lila ang sinabi ko.
"Where's the pig?!"naghanap hanap sila sa paligid, as if namang may matataguan si lila rito sa taba nya.
**
(Fast Forward)
Medyo sumasakit parin ang ulo ko at may benda pa rin sabi ng doctor sa school ay mag stay muna ako pero nagpumilit akong umuwi na, ayaw kong magtagal don nakakahilo.
Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig, hindi ako makatulog ng maayos medyo sumasakit pa ang ulo ko, nakakainis kase yang si xedrick, bakit kase ang gwapo nya sikat pa sya kaya dinumog yan tuloy napahamak ako bwisit talaga, pero hindi ko naman sya pwedeng sisihin ng dahil lang sa gwapo sya baka pumalakpak pa dalawang tenga nya sa tuwa e.
Naabutan ko si xedrick sa kusina sa counter umiinom ng beer, tsk lasenggero, nilapitan ko naman sya matapos kumuha ng tubig sa ref.
"Ano napasa Mo na ba Yung project?"Tanong ko kay Xedrick na nakaupo sa Isang stool rito sa Kitchen nakatukod ang mga siko nya sa Counter. Lumingon naman sya saakin na nakakunot noo."ako pa ba? Nakakahiya naman sa'yo e."ungot nya.
"Tingin mo saken tamad? Tsss, you should get some eye-shut,"napangisi naman ako sa sinabi nya. Concern e.
"Why you're grinning?"
"Wala, hindi lang talaga ako makatulog, isa pa duty ko rin 'to ang hintayin kayong matulog,"sagot ko, tama naman kasambahay ako e.
"Ang tigas ng ulo mo, ang sabihin mo nagfefeeling kang malakas,"
"Pakealam mo ba? Hindi naman ikaw ang nabagok ha? Tsaka hindi ka naman kasambahay,"nakangusong sabi ko sa kanya.
"Okay fine? Ikaw na nagsabi, I don't care anyway,"at tinungga nya ang beer, lasing na talaga sya.
"Wala kang pakealam pero dinala mo ko sa clinic kaganina, alam mo lasing kana matulog ka na,"napangisi sya ng sarkastiko.
"You don't have indulgence, ikaw na nga tong tinulungan ikaw pa may ganang mag-taray,"tinuro turo nya pa ako, mukhang hindi pa sya lasing isang beer pa lang ang nasa harapan nya.
"Is that how you say thank you huh?"heto nanaman sya paulit ulit.
"Hindi ka rin ba makatulog kakaisip kung paano ako ma papa thank you? Grabe ang babaw mo,"hindi makapaniwalang sabi ko rito, tinawanan nya lang ako.
"Hindi naman ako immature kagaya mo at walang utang na loob,"Naiinis na napahimas ako sa ulo ko, "wow? Ako pa talaga ang immature saaten? Sino kaya yung gusto akong mapaalis rito ng walang dahilan? Sino?"
"Mag tha-thank you ka na nga lang ikaw pa ang galit, kakaiba ka talaga grabe,"umiling iling pa sya.
"Okay, thank you! Ano okay ka na ba? Magaan na ba ang loob mo?!"nagkukunyari syang hindi nya narinig ang sinabi ko.
"What? I can't hear you?"inirapan ko sya.
"Hindi naman siguro nakakabingi ang alak ano?"paniguradong nagsisimula nanaman syang asarin ako dyan naman sya magaling e sila ng kampon nyang bwisit sya.
"Gaano ba kahirap mag-thank you?"Aniya na naiirita.
"Nag-thank you na ko diba?"
"Thank you? E labas sa ilong yon e,"nangunot ang makinis nyang Noo, nag crossed arms ako, ang gulo talaga ng bakulaw na'to nag thank you na nga ako ayaw pa nya.
"Atlis nag-thank you na ako diba? Hindi pa ba sapat yon? Ano ba talagang gusto mo? gusto mo halikan ko pa ang talampakan mo't lumuhod sa harap mo?"
"Ang swerte mo naman kung mahahalikan mo ang paa ko?"napakuyom ako sa galit, imuubos talaga nitong bakulaw na 'to ang patience ko.
"Swerte? baka magka bacteria lang ang labi ko at kumalat pa yon sa buong katawan ko, pag namatay naman ako kunsensya mo pa diba? Hindi rin magandang suggestion yon"
"hindi ka na nga kagandahan ang sama pa ng ugali mo,"susugurin ko na sana sya pero dahil nagtitimpi ako hindi ko nagawa.
"Ako nagluluto ng pagkain mo tandaan mo!"Anas ko rito at tumayo na para umalis kainis ayaw ko na rito baka magdilim pa ang paningin ko sa bakulaw na' to.
"At saan ka naman pupunta? Balik,"maglalakad na sana ako paalis.
"Balik,"nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"I said get back here!"
Hindi ko namalayan na bumalik na pala ako sa harap nya, hindi ko alam kung bakit natakot ako sa pagsigaw nya at bigla na lang akong bumalik.
"Wag kang bastos!"napairap na lang ako, bahala sya dyan.
"Ano Po?!"masama nya akong tinignan.
"Mag-toast ka na nga lang tinapay,"sinunod ko naman ang inutos nya, hindi ko naman namalayan na natutong na pala ang tinapay, inilagay ko iyon sa platito at inilapag sa harap nya sa glass counter.
"What the hell?! Bakit kulay black?"napairap ako.
"Malamang natutong nga diba? Common sense!"pabalang nyang tinulak ang platito pabalik sa harapan ko.
"Sa tingin mo kakainin ko yan? Hell no!"
"Pinagawa mo yan kaya kainin mo,"nagtitimping anas ko at itinulak iyon sa harapan nya.
"Ako boss mo diba?!"hindi ka lang boss, bossabos! Letche.
"Ba't ko kakainin yan pinagawa mo yan, don't worry walang lason yan naubos na ata kaya hindi ko nalagyan,"at ngumisi pa ako kaya napahimas sya sa sentido nya.
"Kakainin mo yan o hahalikan kita?"
Nagulat naman ako sa sinabi nya, ano ba ang pinagsasasabi ng bakulaw na'to? Palibhasa ayaw nyang magpahalik ako sa kanya kaya ginawa nyang choices, kainis!
"Wala bang third choice?"
"One!"
"Uy dali na, third choice,"
"Two!"
"Third choice-- Oo na! Kakainin ko na!"napasimangot ako habang masama ang loob na kinain ang tutong na tinapay, aish pwede na nga 'to laman tiyan rin 'to.
Pero kakainin ko na sana ng may umawag non saakin, nabaling ang tingin ko sa kumuha.
"Ashe?! What are you doing here?"
"Hindi ba Obvious? Overnight,"napasimangot na lang si xedrick sa sinagot ni Ken Haha Goodboy Ken. Kinagat pa nya ang tutong na tinapay.
Mukhang nasarapan pa nga sya. "Hmm sarap,"napairap si xedrick.
"Sa sobrang patay gutom mo pati tutong kinain mo,"bulong nya pero hindi iyon nakawala sa pandinig ko, ewan ko na lang Kay Ashe, pero mukhang may point naman si xedrick.
Hindi pa nakuntento kinuha pa ang dalawang tinapay na hindi sobrang tutong. "Kuhain ko na 'to,"kung kelan nakuha na saka pa nag-paalam.
"Sige alis na ko Goodnight Guys,"sabi nito at umalis na.
"Ba't Karamihan sa Inyong mga babae ang Bilis maturn-off saming mga lalaki?"Nabaling naman ang Tingin Ko kay xedrick Na kunot noo ng nakatingin saakin.
"Simple lang Ayaw Naming mga Lalaki sa mga naninigarilyo dahil Concern kami alam mo na nakakamatay talaga ang Sigarilyo ang pag-iinom, Medyo Umiitim ang Ilalim ng Labi Mo Pero Slight Lang naman,"nag-hand Gesture ako, tinutukoy nya siguro yung nasa terrace kame.
"So concern ka saakin? Bago yun ah?"Kitang Kita ng dalawang mata ko ang Kaunting panggiti nya.
"Malamang may concern naman ako sa'yo kahit papaano, totoo yon kung gusto mong magustuhan ka ng isang babae dapat hindi mo gawin ang magpapaturn-off sa kaniya Mula sa'yo,"Tingin Ko talaga May napupusuan to e Paano Tutok na tutok saakin, inoobserbaha ang sinasabi ko base sa reaksyon nya.
"Paano ko malalaman?"
"Oh edi maghokage moves ka Lapitan mo sya at Tanungin Teka? Inlobabo Kana ba? Oyyyy!"
"Tss Oo matagal na kong Inlove tsaka Ngayon lang talaga ako nagkainteres Sa ganyang bagay malay Ko ba,"Nakangusong sabi nya at nagkibit balikat. "E bakit Hindi mo ba Tinatanong mga Kapatid, o kabarkada mo?"Tanong ko sa kaniya.
"Mga chickboy yung mga yon so how they can Advice me Kung Puro Kalokohan lang sila?"Napatango naman ako Tama naman sya Pero may chickboy namang matino mag-isip hindi nga lang Ginagawa ang tama.
"Haaay! Inaantok na ko Sir! Ge Tulog na ko,"Aalis na sana ako ng Magsalita sya. "Tss Hindi pa nga Ko tulog e,"
"Oh ano naman?"Tinignan lang nya ako Hanggang sa Maalala ko Yung kakasabi Ko lang kaganina Oo nga pala."Sorry ka Hindi pa ako Matutulog Magpupuyatan Tayo rito."sabi nya sabay Kindat, Grr! Nangaasar nanaman tong Bakulaw na to!
***
1:24 AM
"Psst! Hi- hikab hindi ka pa ba Ma- hikab Matutulog?"Antok na antok na antok na Antok na tanong ko sa kaniya. Ni hindi sya Inaantok At nakatingin lang saakin Tao pa ba to?! Parang robot! Ni hindi halatang Inaantok.
Natatawang Umiling sya. "Aheheheh Hende e."Bwisit to! Nagsisimula nanamang pagtripan ako, napatungo na ako sa malamig na counter.
"Inaantok na ko,"Bulong ko.
"Bakit kasi hindi ka pa matulog?"Halos mapatulala ako sa kaniya Na ngayon nagpipigil ng tawa.
"Ano?!"
"Ayaw kong umulit,"Pang-aasar pa nya.
"Talaga bang Inaasar mo ko?! Kanina lang nambablackmail ka tapos ngayon! Sasabihin mo yan?! Grrr!"nawala yung antok ko sa sinabi nya, Ang sama talaga nya, Nginisihan nya lang ako Susuntukin ko sana Sya ng Lumutang lang ang Kamao ko sa ere kalma Kellie! Kalma!
"sige ha? Matutulog na ako,"
"Oo Matulog ka na sana Forever! Hinayupak ka!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top