Jerks Chapter Twenty Eight: Busted Or Not?


Pambawi! So here's the awaited update na hope you'll enjoy! Muah! ❤

--

JERKS CHAPTER TWENTY EIGHT : BUSTED OR NOT?

KELLIE's POV

Kinabukasan ganun parin maaga akong gumigising para paghandaan ang anim na bakulaw isama pa yung tatlo nilang kaibigan na halos araw araw na atang nandito, dito na nakikikain dito na nakikiligo at nakikitulog, feel at home ang mga kumag, ako pa nga naglalaba ng mga damit nila at sino ba naman ako para magreklamo.

Si Ashe naman panay ang asar saakin, at baka si xedrick inaasar na nya din pano nalaman nya nga diba? At may pa 'I got defenses' pang nalalaman pamburaot o panakot siguro, kaya mga kinakabahan ako e dahil nga wala namang pakealam si xedrick, eh ako? Malaki ang pakealam ko dun malaki!

"Hi Kellie Bad Morning!"Ngiting ngiting bati saakin ni sir Brent nang-aasar na nakangiti saakin ang kumag, may kailangan nanaman ata ito.

OH WAIT!

ako ata ang may kailangan sa kaniya! Na kailangan niyang ibalik saakin! Mabuti't naalala ko! Pinanliitan ko siya ng mata at tinuro.

"Ikaw! May kasalanan ka saaken! Nasaan ang clip ko?"mataray na tanong ko at pinanlakihan na siya ng mata. Pero nagcross arms lang siya at ngumisi ng mapang-asar. Nakakagigil talaga tong bwisit na to! Nagsisimula pa lang araw ko sinisira na niya grrrr!

"e pano kung ayaw ko?... Anong gagawin mo? Hah? Kulot."kahit yung boses nang-aasar! Nakakaasar! Pasalamat siya't nagpipigil ako dahil kung hindi mangyayari sa kaniya yung ginawa ko Kay xedrick nuon.

"Diba sinabi ko sa'yo pag hindi mo binalik yon babalian kita ng buto kahit- *nihead to toe ko siya* matangkad ka."tumingin naman ako ulit sa kaniya at nakangisi parin. Mas lalo naman akong nainis sa ginawa niya.

"pfffft HAHAHAHAHA!"

Nakafist ang kamay ko ng lapitan ko siya at mabilis siyang sinapak sa ilong dahilan para mapaatras siya't mapapikit, napahawak pa siya sa Ilong niyang nagdudugo na. Sobrang sama ko siyang tinignan, rinig na rinig ko ang malakas na pagdaing niya.

"arghhhh! Ahhh!"sigaw niya dahilan para makarinig ako ng yabag, nagulantang naman siya ng makita ang dugo sa kamay niya at gulat akong tinignan pero mabilis nabago ang tingin niya na naging masama. Susugurin na sana niya ako ng may pumigil sa kaniya.

"how-how dare you!!"sigaw niya at kumakalas sa hawak ng dalawa niyang kapatid, pinandilatan ko siya ng mata. Mas lalo namang dumiin ang hawak saakin ni xedrick habang nasa gilid ko si xander yung tatlo naman nasa gilid at ang unaawat Kay sir brent ay sila sir jei, sir Xavier at sir toppher.

"nakakainis ka na kase eh!! Ayaw mo saken ibalik yung clip ko!"sigaw ko dahilan para mapatingin silang lahat saakin.

"parang yun lang?! Sasapakin mo na ko kaagad?!"bumaling naman ang tingin nila Kay sir brent.

"Oo dahil mahalaga yun saaken!"Bumaling naman ang tingin nila saakin. At huli na ng narealize ko yung sinabi ko.

"yung- yung clip na bigay ko sayo?"Mabilis akong humarap Kay xander na nakahalf smile. "O- Oo dahil mahalaga ka saakin..."biglang lumuwag ang pagkakahawak saakin no xedrick dahilan para makaramdam ako ng kakaiba at hindi ko maipaliwanag.

"what do you mean?"isip Kellie isip! Kailangan ko ng dahilan kundi lagot! Hindi niya pwedeng malaman na gusto ko siya!

"Bilang- hindi na ako nakapagsalita ng maramdaman ko ang pagalis ni sir xedrick.

"Uh-Oh.."

Pumikit ako bago nap at resist in an magsalita.

"Bilang kaibigan ko.."Hindi ako pwedeng umamin dahil- dahil ayaw Kong madissapoint si xedrick, at hindi ko alam king bakit ganun, ang alam ko lang hindi kasing lalim ng nararamdaman ko ang para Kay xander Kay xedrick.

XANDER's POV

Akala ko yung inaasahan ko sasabihin na niya akala ko ito na yung tamang oras para umamin kami sa isat isa. Pero Mali pala, ako lang yata ang umaasa saaming dalawa, malalim lalim na ang nararamdaman ko para Kay Kellie at inaasahan Kong ganun rin siya saakin. But I'm wrong, probably this is not the right time to confess.

I can wait but I'm hoping that there is hope to win her heart. At pagnangyari yun hindi ko na siya pakakawalan pa. Xedrick is my antagonist and I will never let him win.

I'm currently at 'Heavenly Bar' naglalasing ganto naman ako twing may problema umiinom alcohol ang ginagamit ko para pansamantalang pangalis ng nararamdaman, I don't really prefer to have affection for her.
Pero ganun nga talaga ang buhay May Inaasahan ka at may hindi inaasahan.
Simula ng napalapit na ako Kay Kellie bigla na lang akong nahulog sa kaniya, I find her beautiful, strong and benevolent, she's also fun to be with.

She makes me smile, kaya niya akong pangitiin sa simpleng pagtawa niya.
nakakabkla mang pakinggan pero eto talaga, napapangiti Na lang ako maisip ko lang siya the way she laugh it makes my heart melts. At napasiya niya rin ako ng kaunti ng malamang pinahahalagahan niya ang clip na binigay ko sa kaniya, may flower pala gusto niya, bibilihan ko siya ng marami.

Call me idiot, crazy and anything else wala akong pakealam basta ang alam ko mahal ko si Kellie at baliw na baliw ako sa kaniya. Oo nuong una ayaw ko itong nararamdaman ko we're not compatible for each other I know.. She's nobody I'm famous, she's simple while I'm not, I'm wealthy and she's

Ayan ang dahilan ko para lang hindi siya magustuhan nuon, pero narealize ko na hindi mahalaga ang mga iyan para hindi ko siya mahalin, hindi yan basehan para hindi ko siya kayang mahalin, everything doesn't matter pagmahal mo mahal mo don't doubt what she or he have mahalin mo lang kung ano siya hindi yung kung ano meron sya.

Corny? I don't care basta masabi ko lang ang side ko masaya na ako at syempre umamin Kay Kellie that I know I didn't regret. Never.

I was about to drink my fourth Wine when someone else took it, nagulat na lang ako ng isang lagukan lang naubos na yun.

"what the!!- Lyra?!"Nihead to toe ko ito at halos ilabas na niya ang kaluluwa niya sa suot niyang miniskirt and tube top. Mabilis ko siyang hinaltak dahilan para kumalas siya.

"Xander! Let me go! You're hurting me! Ouch!"ng nakarating kami sa parking lot, marahas ko siyang binitawan, hinimas niya ang namumula niyang balikat. Damn! Maraming mata ang nahahakot niya at nakakabwisit yun!

"why you're like that ba?!"sigaw niya at mangiyak ngiyak sa paghimas sa Balikat, I brushed my hair by my Fingers because of frustration.

"I'm- I'm just concern! At bakit ba nandito ka?! Huh?! What if marape ka?! Paano kung wala ako?!"I yelled so she started to cries damn!

"what do you think in me?! Innocent?! Oh c'mon! Nagbago na ako! What did you expect?! Yung isip batang kilala mo nuon?! Don't treat me as if you're concern when your not! Leave me alone!! Ikaw na tong nireject ako kaya umalis kana!"Hunagulgol na siya pagkatapos niyang sumigaw.

"yeah you're right, Ok fine if that's what you want. Hahayaan kitang bastusin dun hahayaan na lang kita duon bahala ka!"then mabilis ko siyang iniwan..

Huh! Kung nagbago na siya hindi narin ako ang taong nandiyan para sa kaniya, But I can't deny that I still have concern for her even though she leave me back then without explanation, but I'm one hundred percent sure hindi ko na siya mahal.

--

KELLIE's POV

Isang araw na ang nakalipas ng mangyari ang araw na yun nakuha ko ang clip dahil pinilit Kong kinukuha sa kaniya.

FLASHBACK

"ano?! Hindi mo pa ba ibabalik ang clip ko?!"nakatayo ako habang siya nakaupo kasama ang kapatid pati yung tatlo may hawak siyang ice pack para sa bangas niya nawala narin ang pagdurugo.

"At bakit ko ibibigay sa'yo?! After you did! Huh! You did!"tinuro pa niya ang Ilong niya, dahilan para mapairap nanaman ako. "kasalanan mo kase! Hindi naman kita susuntukin kung hindi mo kinuha yung clip ko tsee!"susugurin na sana niya ako ng pinigilan siya ng mga kapatid niya.

"wait nga! Pwede kumalma kayo?! Ang ingay niyo!"napakamot pa sa tenga si Ken habang nakabusangot.

"palibhasa nakursunudahan yung clip ko kaya kinuha! Bakla kase!"bulong ko pero sa tingin ko hindi yun nakalusot sa Pandinig niya dahilan para mapatayo siya, napaatras naman ako nakakatakot rin pala to! Tinagilid at tinaas ko braso ko sa mukha ko kaya hindi ko siya nakikita. Pero ilang segundo lang ng maramdaman Kong tumahimik kaya nilingon ko na sya.

May kinuha siyang something sa bulsa niya at binato yun sa harap ko."

"Oh yan! Sa'yo na Yang clip mo pakain ko pa sayo!"

END OF FLASHBACK

Tss! Kailangan lang palang asarin para ibalik yung hinihingi ko. Ang mga Magaling talagang mang-asar asar talk HAHA! On the way na ako papasok sa room ng biglang!

"WAAAAAH!"may nagtakip na lang bigla sa buong mukha ko may nalanghap naman akong nakakahilo dahilan para Himatayin ako sa sobrang pagkahilo.

-

Halos ilang oras na atang may blindfold ang mga mata ko, kaya ng tinanggal yun sa mata ko halos hindi ako makakita, pinikit mulat ko ang mata ko para makakita at mawala ang blur ilang minuto yun ng malinaw ko na silang nakita at ang paligid, at nakita Kong nandito kami sa lumang room kung hindi ako nagkakamali.

Napabaling ang tingin ko sa apat na babaeng may hawak ng baseball bat na sobrang tangkad. At yung dalawa rin na mataba payat. Naman yung nasa Um-oo

lahat sila masamang nakatingin saakin.

"Kellie andrade right?"Mataray na tanong nung payat, nagmamakawa akong Um-oo

"aminin mo nga! Anong meron sa Inyo ni Xedrick, Brent at kay xander O Isa sa grupo nila?!"

"Malilintikan ka saamin pag hindi ka umamin!"

"A-ano bang Pinupunto nyo? Meron?"Hala! Hindi ko pwedeng sabihin na maid nila Ako o maski Nililigawan ako ni Xedrick dahil Baka Patayin ako ng mga to! Huhuhu! Paano ba kasi nila nalaman?!

"bakit nyo ba natanong?!"pasigaw na tanong ko ulit Huhuhu!

"nakita ka namen sa mansion nila Catie! Naguusap kayo ni xedrick Anderson!"pinanlakihan ko sya ng mata oh no! Akala ko walang tao! Bakit ba kasi nakalimutan Kong sikat nga pala yung mga kumag na yun!

"ah ehh ka-kasi para sa thesis yun oo yun nga! Hehe promise hindi ako nagsisinungaling bawal magsinungaling *tango tango* turo yun ng mama ko hehehe, pwede na ba Kong makaalis? Please?"

"Hindi!"

+_+

Halos dumoble ang kaba ko sa sinabi nila, juskooooo! Paano na ako neto?! Mamamatay na ba ako?! Wag muna! Huhuhu! Base kasi sa mukha nila parang papatayin na nila ako sa sobrang obsessed nila!

"Umamin ka muna, gaano ba kahirap umamin huh? Gusto mo pa ata mabugbog kesa umamin."sabi ng mataba na nakataas noo napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"unahin ko na ba yung kamay?"mas lalo akong napangiwi dahil sa sinabi ng isa pang mataba at itinaas ang baseball bat na ipinatong sa balikat nya huhuhuhuhu! Wag yung kamay koooo! Nooooo! Mangiyak ngiyak akong napatingin sa kamay Kong nakatali sa patungan ng upuan sa magkabilang side.

Hahampasin na sana ng mataba yung kamay ko pero mabilis akong sumigaw. "wait lang naman huhuhu! Talaga bang seryoso ba kayo sa tanong nyo?!"

"Oo! Kaya umamin ka na!"

"tingin mo mageeffort kaming nakawin tong mga gamit kung nagbibiro kami huh?!"napasandal ako sa upuan ko ng malakas na sumigaw yung payat na tingin ko leader nila. Hahampasin na sana ulit ng mataba yung kamay ko ng sumigaw ulit ako.

"wait lang ulet! Oo na! Aamin na ako! Huhuhu!"Sigaw ko dahilan para ngumisi silang lahat ibinaba naman ng mataba yung hawak niyang baseball bat.

"Go!"

"A-ano ahm- ah Hindi- napatigil ako sa pagsasalita ng hahampasin na sana Yung kamay ko pero sumigaw ulit ako. "Hindi pa nga ko tapos eh!"sigaw ko naman dahilan para magtimpi sila ulit.

"hindi alam nyo kung bakit?! Kase wala naman talaga! Una sikat sila at alam nyong hindi nila ako papansinin! Pangalawa! Ni hindi mga namen kilala isat isa huhuhu! At isa pa! Freshmen lang ako rito so agad agad ba nila akong makikilala hindi naman diba?! Diba?!"mahabang sagot ko sakanila at halos magtaas baba na ang dibdib ko sa sobrang bilis magsalita, Ang sinungaling ko! Huhuhu!

"Talaga bang nakita mo siya huh?! Malilintikan ka talaga saaken!"

"Oo nga! Siya yun! Promise hindi ako nagjojoke!"

"sigurado ka ah!"

"Oo!"

Mabilis silang tumingin saakin pero yung payat tumingin dun sa matabang kinatatakutan ko kasi may baseball bat.
"alam mo na gagawin mo, balian mo ng buto sa daliri!"mas lalo akong nagulantang sa sinabi ng payatot! Waaaah! Talagang seryoso sila! >,<

"Tumigil kayo!"lahat kami natigilan sa sobrang lakas ng sumigaw na iyon na nagmula sa pinto. Napanatag naman ako ang kaso bigla na lang akong kinabahan ng dahil sa kaniya!

"wha-what?!"Hindi makapaniwalang tanong ng payatot maski ako hindi makapaniwala sa na nandito siya!

"are you deaf?! Ang sabi ko tumigil ka'yo!"Maangas na sabi niya sabay lingon saakin.

"anong ginagawa nyo sa kaniya huh? Hindi niyo ba alam na masamang mambully?! At ako lang ang pwede gumawa non!"sigaw niya dahilan para mapaatras yung tatlo dahil humakbang si xedrick palapit.

"hoy! Malnourished! At kayo naman mga tabachoy!..."Tinuro niya yung mga yun ng may ngisi bago muling nagsalita. "natatandaan ko yang mga panget nyong pagmumukha! At pagka may news na nagkalat about saakin Piprituhin ko kayo!"Tumingin naman siya sa payatot at halos maihi na yun sa sobrang nerbyos.

"kahit payatot kapa ipiprito kita! Now get lost! Before I changed my mind."banta niya kaya ilang segundo lang wala na yung apat, lumuwag naman ang bigat ng nararamdaman ko wooo! Akala ko talaga katapusan na ng mga daliri ko! Napangiti pa ako ng pagkalaki laki pero biglang nawala yun ng Nakita Kong palabas na si bakulaw.

"Bakulaw!- este xedrick! Pakawalan mo na ako please!"sabi ko with pout paawat effect syempre! Sana effective.

"tss! Kaya mo na yan!"maglalakad na sana siya ulit pero sumigaw ako.

"pag hindi mo ko pinakawalan babastedin kita!"sigaw ko dahilan para mapatigil siya, ilang segundo siyang natameme pero nagsalita rin kaagad.

"Pakealam ko ba?! At bakit? Niligtas na nga kita e bahala kanang kumalas diyan sa tali mo!"Ouch ah!

"dapat lang na pakawalan mo ako! Dahil kaya sa'yo, Sainyong magkakagrupo muntik na akong maputulan ng daliri! Palibhasa kasi masyado kayong sikat!"sigaw ko dahilan para mapakamot siya sa ulo at walang nagawa kundi ang kalasan ako ng tali, nakangiti naman akong tumayo.

"salamat hehehe!"malaking smile ang binigay ko sa kaniya at kinuha ang bag ko sa tabi pero natigilan ako dahil sa tanong niya.

"may gusto ka Kay xander?"uh-oh.. seryosong tanong niya dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko dahan dahan akong tumayo at matagal bago hindi nakasagot.

"so you're really have affection for him huh? Balewala na lang pala kung ligawan kita, so don't need to busted me, I'm busted already.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top