Jerks Chapter Thirty Two : Magical9-Boys In Trouble

First Of all, I apologize :'( alam ko po na napakatagal Kong mag-update pasensya na po talaga, pero pinapangako ko na kahit napakaslow ng update ng story ay Itutuloy ko parin po, salamat po sa mga nag-aantay parin, and for those who give up reading this story, i understand you :'(

Btw, Enjoy! ♥

---

JERKS CHAPTER THIRTY TWO : MAGICAL9-BOYS IN TROUBLE

XEDRICK's POV

"Ashe, did you brought beers?"I asked He just nod, nilabas nya ang dalawang beer in can at ibinigay saakin ang isa, I licked my lips because it's dry before took the beer.

"Problemado ka nanaman Bakulaw?"I look at him confuse, what did he say?

"what?"

"ah sorry nacarried away lang Kay Kellie."

Bigla nanaman akong nakaramdam ng kakaiba ng marinig ko ang pangalang iyon, damn! I really wanted to see her and talk with her, scold her and fight with her, ang lakas na nga talaga ng tama ko sa babaeng iyon.

"Wag mo nga akong tawaging bakulaw."I said and tsked.

"Okay fine smooth down dude, nacarried away nga lang, by the way what about the deal? Tapos mo na bang pasagutin si Kellie?"napabuntong hininga ako bago nagsalita.

"ayaw ko talagang magsinungaling dahil for sure bubugbugin ako ng mga Kumag."

"The F man! Ano? Nahulog kana? As in?"

"yes as in."

Napasimangot na sya. "you owed Jei."

"Wala naman tiwala saakin yung Gunggong na yon, Oo Alam ko hindi ako tatakas."

Isang tungga na lang ang beer at matapos Kong maubos iyon ay tinapon ko lang sa sulok, pero napatingin rin ako sa tinapon Kong iyon, parang nakukunsensya ako na basta lang ako nagtapon ganto na ba talaga ang impact saakin ng kulot na iyon? Umiling lang ako hindi ko pupulutin iyon.

Nababaliw na ata ako..

"Leandre, Nix.."

Natigilan ako sa sinabi ni ashe at parang nabingi sa pinagsasasabi nya, pero mabilis kong nilingon ang nagkukumpulang tao sa pintuan kasama ang pinakaleader nila at ang pumapangalawa Pati narin ang mga alagad nila.

Ang Lethal gang Isa sa pinakamapanganib na grupo ng fraternity sa kabilang school sa Roosevelt university, sila rin ang grupong kinaiinisan at kaisa isang mortal na kalaban namin, kalaban namin sa Bakbakan at kalaban rin namin sa kahit anong larangan ng sports twing may Laban.

They we're dangerous as hell dahil sa dami nila, pero hindi kami magpapatalo sa kanila.

"Ohh, sabi na nga ba dito lang namin kayo mahahanap."Nakangising sabi ni Nixx ang leader nila, mahina naman talaga tong botchog na toh marami lang alagad kaya tumatapang.

"Boss dalawa lang sila pano ba iyan."si leandre ang Pangalawang kamay ni nixx ang payatot, na ilang beses ko ng nabalian ng buto, may hawak syang baseball bat na lagi nyang dala dala.

"alam nyo? Gusto ko tong tambayan niyo malamig.."Napadura ako dahil sa sinabi ni nixx, at talagang may Plano pang kuhain itong kubong tambayan namin bata pa lang kame, at hindi ako papayag na makuha nya tong matagal na naming tinatambayan.

"Oo alam ko."sigang sagot ko rito kaya nabaling ang tingin nito saakin ang kaganinang nakangisi nakakunot noo na I know he didn't want how I said that, well wala syang pakealam.

"hindi kami papayag na kuhain nyo tong Tambayan namin mga Bulok!"Sigaw ko rito kaya nawala ang nakakainis nyang ngisi, hindi ako makakapayag na makuha nya Tong lugar namin, wala syang lugar rito, dadaan muna sya saamin bago nya magawa ang Plano nya.

"Gusto nyo ng Laban? Sige pagbibigyan namin kayo."Taas noong sabi ko rito, nilingon ko si ashe ngumisi ito saakin, mabuti't hindi nya nakalimutan ang Plano.

1...2...3...

"GO!"

Mabilis naming tinakbo ang labas, tumakbo kame palabas hindi dahil tatakasan namin sila, kundi pupuntahan lang namin ang battlefield na nakahanda Para paglabanan namin, hindi pwedeng masira ang tambayan namin.

"Habulin nyo!"

Wala pang ilang minuto ng makarating kami sa battlefield na tagong tago, napapaligiran ng matataas na Metal, ang mga dingding ay gawa sa metal, dati itong pabrika ni mommy at daddy ng mga bakal, hindi na nagamit kaya Kinuha namin.

"Mabuti nandito kayo!"Hingal na hingal na sabi ni ashe, and I am. Tinignan ko silang lahat anim lang sila napansin Kong wala si xander rito, tsk! Panigurado kasama nya si Kulot ngayon.

"Malapit na ba?"Jei.

"I think so.."Sagot ko lang na tinanguhan nila.

"Hey guys! Am I late?"Nilingon naming lahat si xander na palapit sa kinatatayuan namin, nakauniform pa sya at nakalagay ang mga kamay sa Bulsa, tsk! Feeling cool, kaya siguro wala pa sya kaganina binobola pa nya si kulot, uto uto pa naman yon. But even she's jackass I still like her.

"By the way Xed mag-uusap tayo mamaya."seryosong sabi ni jei saakin kaya napaisip ako pero tinanguhan ko lang.

"Hoy!"

Lahat kami napalingon sa Malaking gate, hingal na hingal silang napatigil sa harap namin, si nixx tabachoy naman halos maglumpasay na sa sobrang pagod, palibhasa mataba madaling mapagod.

"maligayang pagkikita magical9-boys.."sabi ng payatot na si nixx itinaas pa nya ang sleeve ng uniform nya kaya tawa kami ng tawa dahil sobrang payat ng mga brasong ipinagmamayabang nya.

"Hoy! Anong tinatawa tawa nyo-

"Tama na yan! Atat na atat na akong matalo kayo!"pagputol nya aa sasabihin ng Walis tingting.

"Wag kang masyadong ata damulag! madidismaya ka lang.."Sigaw rito ni jei kaya tawang tawa nanaman kami.

"Oo nga! Hindi nyo kame matatalo!"Gatong naman ni ken.

"Tsk! Ganto na lang, pag natalo namin kayo saamin na ang bulok nyong tambayan ano? Deal?"Tatawa tawa naman kami sa sinabi ni damulag.

"may pa-deal deal ka pang nalalaman alam mo naman na yung sagot! Useless rin!"sigaw ko naman habang iiling iling na tumatawa, binato ko sa gilid yung bag ko.

"ang yabang mo! Ano?! Bakit hindi pa natin ito simulan?! Puro kayo Dada! Pwe!"

Nagsign naman si jei ng go kaya nagsisugod kami sa kanila, ganun rin ang ginawa nila, Marami Laban sa siyam, well kahit kaunti lang kami may tiwala akong mananalo kami sa kanila, hindi na ata mabilang ng Daliri ko sa paa't kamay kung Ilang beses namin silang natalo.

Sinugod ko yung isang may hawak ng tubo, ihahampas nya sana saakin yon pero dahil mabilis ako nasalo ko yun gamit ang dalawang kamay ko, pinakiramdaman ko rin kung may parating sa likod ko, meron at hindi ako nagkamaling meron nga Patalikod ay dalawang paa ko tong sinipa sabay nun ang paghatak ko sa tubo.

Napapalibutan na ako ng ilang kalaban kaya ginamit ko ang tubo at pinaikot yon sa kanila kaya nagsitauban sila, dahil sa medyong pagod ay naibaba ko ang tubo, medyo nakakapagod pero exciting..

May nakakatayo pa sa kanila pero napapataob rin, kaya umalis na ako, sabi na eh wala nanaman silang kwenta wala parin silang binatbat.

Busy si ashe sa sampung katao at bawat may susugod tatalon sya at sisipain iyon yung iba naman sinasapak nya sa mukha, ganun rin yung iba tig iisa kame, napalingon ako Kay Clyde at hahampasin na sana sya ni Nixx ng baseball bat sa ulo ng Sipain ko iyon sa hangin kaya tumalsik iyon sa kung saan, nilingon ako ni Clyde.

"Oh! Thanks man!"

Tinanguhan ko lang sya, nanlaki ang mata ko ng makitang sasapakin na sya sa mukha. "Sa harap mo!"Ayun nadali sa mukha! Aww..

At ako naman ganun rin ang ginawa ni nixx at saktong lumanding ang Kamao nya sa Labi ko, sheeet naman! Ayaw ko ngang mabangasan ang gwapo Kong mukha! Pero lagot sya saakin, at sisiguraduhin kong manghihiram sya ng mukha sa aso.

Sinapak ko sya sa mukha kaya Plakda sya sa sahig, umupo ako sa Tiyan nya at pinagsasapak sya sa mukha, kaya halos hindi na sya nakilala. Lalo syang pumangit, tumayo ako hindi dahil kuntento na ako kundi may gagawin pa ako sa kanya.

Hinawakan ko ang isang kamay nya at ipinatong sya sa Balikat ko, ibinalibag ko sya gamit ang katawan ko, Tumaob sya sa sahig at namimilipit na sya ngayon sa sahig.

"Ano? Bali na ba? Kung ganon, Good.."nginisian ko ito bago iniwanang nakalumpasay sa sahig. Hinanap ko silang walo at sa tingin ko Tapos narin sila, halos nakahiga na lahat ng kalaban kahit na si Leandre at nixx, tinungo ko Kung saan sila nagtitipon.

sinilip ko ang pinagkukumpulan nila nakahiga si jei at may galos ang mukha nagdudugo rin ang Ulo nya pero nakangisi parin. Kung sabagay wala lang saamin ang nagiging Laban namin dahil...

"Hindi lang kami basta gwapo, may ibubuga rin kami.. And yeah We're magical."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top