Jerks Chapter Thirty Three: Reasons




****

JERKS CHAPTER THIRTY THREE: REASONS

XEDRICK's POV

KINABUKASAN hindi kami umuwi at alam kong nagtataka si kulot at manang kung bakit hindi kami umuwi kagabi. Dumeretso kami sa condo unit ni Ken. Ayaw muna naming umuwi baka tadtarin pa kami ng tanong nilang dalawa. I felt like I don't want Kellie to worry more, oo mag-aalala na sya ngayon, pero mageexplain na lang ako, ayaw kong makita n'yang bangas ang mukha ko.

Isa pa ayaw rin muna nilang tumuloy sa mansion baka umuwi si Mom. Hndi nagsasabi kung uuwi o, isa iyon sa kinakatakot namin, swerte lang talaga kami nuong time na naglasing at nakipagbasag mukha kami.

Siksikan kami sa isang malaking kwarto sa guest room, gusto nga sana namin sa isang deluxe suite ang kaso ayaw ni Ken, lumusot lang daw sya sa parents nya kaya eto sa condo lang nya kami imbis sana sa mas magara pang room.

Ken's parents owned this hotel building, consisting of 50 floors, we're on Ken's penthouse.

"I'm hungry ken, order ka nga ng pagkain," ungot ni Ashe na kanina pa pinagtatyagaan ang dessert.

"Wait tatawag ako ng service crew," aalis na sana si Ken ng magsalita ulit si Ashe.

"Please another dessert, nakakaumay ang peach pie. " reklamo nito.

"Oo na,"

Wala akong magawa kaya palinga linga lang ako sa paligid, ang boring wala akong maasar mamaya ko pa makikita yung kulot na iyon.

Mula sa pagkakahiga umupo ako at una kong napansin ang ice pack, bigla akong napangiti naalala ko si kulot sa ice pack na yon, tinapalan n'ya kasi ng ice pack ang pasa ko ilang beses na.

"Hey, Xedrick! anong kabaliwan nanaman yan!" I snapped out when Ashe shout my name, damn!

"Iniisip mo nanaman ba si Kellie? kayo na, hindi ba?"

"What?!" they chorused.

Huling napaupo si Jei na tingin ko naingayan sa lima dahil sa napakalas na sigaw nila.

"What the hell! ang ingay" sigaw n' ya at napahawak sa ulo saglit, kung saan may galos.

"Are you hungry ashe?" si Brent.

"What's you're talking about?" si Xander.

"Seriously?" says Xavier.

"Are ashe okay?" Clyde.

"I'm not fond at jokes, men," Toppher.

"Umamin ka Xedrick, natalo ka sa pustahan?" tanong naman ni jei, i don't know if i should own up. One thousand lang naman ang pusta, hindi naman ako manghihinayang.

I just don't wanna hurt my alter ego, knowing i lost to a deal. Just because of a girl.

Naghihintay sila ng isasagot ko, pero hindi ako makapagsalita ewan parang may tinik sa lalamunan ko, masama kong tinignan ang madaldal na si ashe.

I release a heavy sigh.

"Yes.. I seriously courted Kellie but sadly I
i can't get her yes, panalo na ang nagsabi ng no." sagot ko kaya humiyaw si Jei at Brent sa sinabi ko, si Xander naman ay may nagbabadyang ngisi

"Nligawan mo si Kellie ng seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ni xander.

"Yes, so finally the game is over, the next thing I would do is getting Kellie's yes. And i knew I was serious about this,"

Speechless naman silang lahat sa sinabi ko.

"Is he sick?" tanong ng kadarating lang na si Ken, narinig ang pinaguusapan.

"Yes he is!" they chorused.

**


KELLIE's POV

"Manang, bakit wala pa po yung anim? umaga na po pero wala pa sila sa kwarto nila, " sabado ngayon at dinalaw ko ang kwarto nilang lahat pero wala akong nadatdanan, kaya kinuha ko nalang ang mga laundry baskets nila.

"Kahit yung tatlo nilang kaibigan?"

"Opo,"

Nagisip naman si manang at nakakunot ang kanyang noo, hindi n'ya rin alam kung nasaan ang siyam. Nakakapagtaka namang hindi sila umuwi. saan kaya nagpunta mga yon? Baka biglaan ang pag uwi ni Madame Aaliyah at hindi pa sila madatnan.

Kaya naghahanda ako sa pwedeng sasabihin.

"saan nanaman kaya nagpunta mga yon? 'yang mga iyan talaga kung saan saan na lang nagpupunta, wala manlang pasabi. Hindi inaalala kung may mag-aalala sakanila," ani Manang at pinagpapatuloy ang paghuhugas ng pinggan.

"Akala ko po alam n'yo. May ideya po ba kayo kung saan sila pwedeng nagpubta?" tanong ko naman.

"Nako, wala akong ideya kung saan sila nagsisipunta pero sa tingin ko nakipagbugbugan nanaman ang mga iyon o nagtungo sa inuman,"

"Saan kaya nagpunta yong mga hinayupak na mga yon." bulong ko.

"Ha?"si manang.

"wala po hehe. Maglalaba na po ako." sabi ko at dali daling umalis.

Patungo na ako sa sala ng makita ko si Catie na nakaupo sa one seater-sofa akala ko kung sinong blonde s'ya lang pala.

"Catie?" gulat na bigkas ko sa pangalan nya napatayo sya at sarkastiko akong nginitian.

"Why so shocked? Anyways, where's Xedrick? hindi ko sya nakita sa room nya," hindi pa rin nawawala ang sarkastiko n'yang ngiti at tumaas pa ang isang kilay.

"Wala s'ya dito...."

Hindi na ako nakapagsalita ng bigla na lang s'yang nagsalita.

"Don't lie! i know he's here!" sigaw nya kaya nagecho ang boses nya sa buong sala, grabe hah! Ang layo layo ko naman yata ng kausap nito kung makasigaw s'ya. Nakalimutan ata nitong nandito ako sa harap n'ya.

"Hindi naman sya mahalaga saakin, hindi ko rin naman inaalam ko nasaan s'ya pumupunta." ngumiti pa ako na halos mapunit na ang labi ko.

Hindi ko alam kung nagsisinungaling na ako sa sa sarili dahil sa pinagsasabi ko.

"Hindi mahalaga? really? then why suddenly he liked you? surely ginayuma mo s'ya! you take him from me,"

"Wala namang sa'yo, este.... wala akong kinukuha wala naman akong pakealam duon, isaksak mo sa baga mo," medyo binulong ko huli kong sinabi.

"What?!"

"Sabi ko, kung iniisip mong inagaw ko si Xedrick mula sa'yo wag ka mag-alala hindi ko yon gagawin, yung ginawa kong pag-aalaga sa kaniya nung nagkasakit sya trabaho ko talaga,"

"You should have told me na he got sick, sana ako ang nag alaga sa kanya at hindi ikaw," aniya sa maarte at iritableng boses.

"Nasaan ba kasi s'ya? even his brothers aren't here,"

"Pasensya ka na Catie, pero... "

"Ma'am, call me ma'am. Magiging wife rin naman ako ni Xedrick, you're just kasambahay lang naman," pangmamaliit n'ya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa isang ito.

"Feeling! a if namang mangyayare." hindi ko alam kung bakit ako haghihimutok sa inis sa sinasabi nyang magiging asawa s'ya ni Xedrick.

At sa pangmamaliit n'ya sa trabaho ko.

Hindi nya lang deserving si Xedrick, parehas silang evil walang mangyayari sa kanila baka mag-away lang sila pag mag-asawa na sila. Kawawa mga magiging anak nila.

Hindi ko alam kung nagseselos ako o niloloko ko ang sarili ko

"What?!"

"Kung gusto mo ba ng halo-halo ang init kasi ng ulo n'yo, ma'am," medyo napilitan pa ako sa pagtawag sa kanya ng ma'am.

Hindi na s'ya ang Catie na nakilala ko nagbago na talaga sya. Ibang iba na ang kaharap ng dahi lang sa lalaki ang sama na ng ugali nya.

"What's halo halo?"

"Dessert po, may ice at sangkap pampasarap," inirapan lamang n'ya ulit ako.

"Aren't you embarrassed, huh?" aniya hindi pinapansin ang suggestion ko.

Pinapaikot n'ya talaga eyeballs ko.

Maling ideya yata ang sinabi kong makipagbati ulit sa kaniya dahil base sa nakikita ko wala ng pag-asa para duon.

"May ginawa ba ako?" seryosong tanong ko itinuro ko pa ang sarili ko kaya tumili sya sa inis.

"Nothing! just make me a haro-haro,'' pilit kong pinipigilan ang pag tawa ka'ya lalo s'yang nainis.

"What are you laughing at?"

Nakakaawa naman ang isang ito, hindi pa pala nakakatikim ng napakasarap na halo-halo.




***


Humehele ako habang naglalaba ng mga damit ng mga kumag. Hindi ko alam kanina kung dapat ko bang labhan pa ang mga ito sa sobrang bango. Hindi naman ito yung amoy na powder na ginagamit ko mas mabango pa ata ito pagkatapos nilang suutin. Sabagay napaka manly ng natural body scents nila. Mabango.

Umuwi na pala si Catie kanina pa, hindi naman nakatagal dahil nainip, hindi pa rin kasi umuuwi ang anim.

"Kellie.."

"Ay! Xedrick na bakulaw!"

Sigaw ko ng may tumawag saakin, napatayo ako at tumingin sa taong nasa pinto, si Xedrick nakangisi s'ya.

"Ako ba yung lagi mong iniisip?"

Nagulat naman ako sa tanong nya, lakas mag assume. Saka mabuti naman at nakauwi na s'ya.

"Bakit naman mo natanong?"

"Binanggit mo pangalan ko ng nagulat ka, so it means ako ang iniisip mo," pagyayabang pa n'ya sabay kindat saakin. Ito namang puso ko kumabog ng pagkalakas lakas parang gustong kumawala sa pinaglalagyan. Feeling ko lahat ng dugo ko nagpunta sa mukha ko.

"Anong kailangan mo? buti naman at umuwi kana. Nag aalala si manang," medyo nauutal na sabi ko.

Mas lalo s'yang napangisi hindi ko alam kung bakit.

Kaagad naman s'yang naglakad patungo saakin at niyakap ako ng sobrang higpit. Nagulat ako sa biglaan n'yang pagyakap.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"I miss you, kulot,"

Unti unti na akong napayakap sa kanya at marahang tinapik ang likod nya. Miss n'ya daw ako. kagabi lang naman sya nawala, pati pala yung walo, siguro namiss lang n'ya akong asarin, pero namiss ko rin talaga tong dambuhalang ito.

Ilang minuto kaming nasa ganoon at medyo nangalay na ako kaya. Dahan dahan akong nagpupumiglas pero mas hinigpitan n'ya naman ang yakap saakin. Medyo napangiwi ako sa ginawa n'ya.

"Xedrick tama na.. Nasasakal na ako." busog na rin ako sa abs mo.

Sasabihin ko sana yung huli kong sinabi kaso wag na baka mas lalong lumaki ulo n'ya. Mabilis naman s'yang pumiglas sa yakap at nag-aalalang tiningnan ako. Hinawakan pa nga nya ako sa dalawa kong balikat ang OA naman nito.

"Teka nga! saan ka galing kagabi?" nagcross arms ako at inoobserbahan s'ya. Kaya siguro ang sweet sweet nya kase may ginawa nanaman silang kalokohan, nag aalala siguro na maisumbong.

"Kasi... "

Sabi na nga ba! Bwisit talaga ang bakulaw na ito. Kilig na kilig na ako tapos dahil lang pala sa paglusot n'ya iyon!

"ikaw Jerk ka! Ang sweet sweet mo kase gusto mong magpalusot!" pinaghahampas ko sya sa matitipuno nyang dibdib mabilis nyang hinuli ang dalawa kong palapulsuhan. Pipiglas sana ako kaso pero parang bakal ang hawak n'ya saakin.

"No, i mean my sweetness for you, kulot. Kaya lang naman kame wala kagabi dahil sa gangsters, i mean napalaban kami," hinatak ko pabalik ang kamay ko't inirapan sya.

"Oo na, pero sana naman kung aalis kayo magpapaalam kayo, nag-aalala kamj ni manang,"

Ngumiti s'ya ear to ear at halos mapunit na ang labi nya sa pagkakangiti.

Mahuhulog pa yata panty ko sa mga ngiti n'ya. Panty dropping, ang cute at gwapo n'ya kapag nakangisi.

Masyado ng compliment iyon.

"Liligawan ulit kita Kellie, seryoso na ako,"

Naging seryoso na ulit ang kanyang mukha kaya bigla na lang kumabog ang dibdib ko sa sinabi nya.

Dahil sa kakaisip hindi ko na napansin ang pagatras ko at naramdaman ko na lang ang matigas at malamig na pader. Ang lapit na n'ya saakin, one inches na lang at maglalapat na ang mga labi namin. Na trapped n'ya ako sa mga braso n'ya at pati ang katawan nya dikit na saakin kaya nag-iinit na ako.

Ang mga ngisi nya nakakabaliw, ani mang hihimatayin talaga ako sa sobrang pag palpitate ng puso ko.

Ibinaba ko ang ulo ko pero mabilis n'yang hinuli ang baba ko at iniangat iyon dahilan para maglandas ulit ang mga mata namin.

"Hou're mine Kellie, mine alone. Hindi ko hahayaang may umagaw sayo saakin, dahil una pa lang akin kana,"

Napakagat at napapikit ako ng mata ng sabihin n'ya iyon, sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko na alam ang gagawin. Ang mainit n'yang paghinga nararamdaman ko. Hindi ako makapagsalita.

"I..."

Kaagad kaming napalayo sa isat-isa ng may kumakabog. Medyo malayo na sya saakin. Kunot noo kaming nagkatinginan.

Nang ma realize ko ang lahat ay bigla akong napahawak sa aking pisngi na piling ko pulang pula na sa sobrang hiya.

"May nakakita kaya saatin? hindi pwede!" baka bumalik si Catie o kaya naman si Xander.

Naunang lumabas si Cedrick at sinundan ko naman s'ya. Gulat na gulat ako sa nakikita ko, isang bulto ng lalaki nakapamulsa ang mga kamay. Nagtataka ang mukha nya.

"Xander? what are you doing here?"

Nabaling ang tingin saakin ni Xander. Nakangiti, sumulyap naman sya kay xedrick nakangiti parin s'ya.

May kaunting bangas ang mukha nya kagaya kay Xedrick.

"Nothing, ano nga palang ginagawa n'yo d'yan?"

"Wala kadarating lang ni Xedrick magba banyo sana sya kaso nasa loob ako naglalaba," pagdadahilan ko, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nya.

"Hindi ba, Xedrick?" ilang minutong hindi nakasagot si Xedrick kaya tinignan ko ito at saakin nakatingin kaya siniko ko sya, napabalik sya sa wisyo nya at tinignan Xander.

"Yeah, she's indeed right,"

Tumango lang si Xander at mabilis na tinalikuran kami't umalis na.

Napabuntong hininga ako, mabuti na lang at nakaisip ako ng isasagot ko kundi maghihinala talaga sya, sa totoo lang kaya ayaw kong malaman nya ang kanina kasi gusto ko sya, gusto kong magkaroon ng pag-asa sa kanya, at ganun rin ang nararamdaman ko para kay Xedrick.

Ang gulo, pero alam ko sa sarili kong bawal. Hngga't maaari pinipigilan ko. Alam ko namang paghanga lang itong nararamdaman ko, maling mahalin ko ang isa sa kanila..

Dahil mahirap lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top