Jerks Chapter Thirty Seven: Roller Coaster Feelings
JERKS CHAPTER THIRTY SEVEN: ROLLER COASTER FEELINGS
KELLIE's POV
NAGPUNTA ang dalawa sa kabilang direksyon Dahil sa kakaisip sa kanila Hindi ko na namalayan na hinahatak na pala ako ni Lila pababa, ano bang nangyare?
“Anong nangyare?”
“Totoo raw pala yung issue na may Iisang babae si Xedrick at Xander.”
“nag-away sila sa iisang babae?”
“Yup!”
“Kyaaah swerte naman!”
So? Ako ba ang tinutukoy nila? Kung ako man eh? May gusto pala saakin si Xander? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko nararamdaman? akala ko si Lyra ang gusto ni xander kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sya ngumiti Kay Lyra ng magkita sila.
Paanong ako ang gusto ni xander? Naguguluhan rin kaya sya kagaya ko? Susundan ko ba sila? Sino sa kanila? Naguguluhan ako kung sino ba sa kanilang dalawa ang pupuntahan ko.
Akala ko madali yung ganitong sitwasyon Hindi pala, Hindi dahil napakahirap lalo na kung parehas mo silang pinahahalagahan at Hindi mo matimbang kung sino ba talaga.
Nararamdaman Kong Hindi lang ito pagkakagusto kundi pagmamahal, pero sino nga ba sa kanilang dalawa ang mahal ko?
Hindi sinasadyang napasulyap ako Kay Lyra malungkot itong nakatingin saakin, hindi ko alam kung anong irereact ko, haist ang gusto ko lang naman makapagtrabaho Hindi magkalovelife at maguluhan ng ganito jusko naman!
Sinundan ko sya ng tingin papunta sa Dinaanan ni xander, pupuntahan nya ba si xander? Pero ako gusto ko rin, ang kaso parang mas wala yata akong karapatan dahil ex nya iyon at alam kong marami silang napagdaanan kitang kita yon ng dalawa kong mata.
Hinanap ng mata ko si catie patakbo na ito papunta sa Pinuntahan ni xedrick hindi ko alam parang nainis ako sa ginawa nya, Hindi ko rin alam kung bakit feeling ko dapat ako ang dapat pupunta Kay xedrick.
“Lila aalis muna ako saglit kita na lang tayo.”paalam ko sa katabi ko at mabilis na tumakbo tinawag pa ako nito pero hindi ko na stya nilingon pa.
**
“Hey! What the hell! Don't tell me pupunta ka rin Kay xedrick?”tanong nya ng naiinis tumigil kami sa hallway halos walang tao rito kundi kame lang, nasense nyang Tumatakbo ako para hanapin si xedrick kaya tumigil sya, parehas kaming hinihingal.
“Pano kung yon nga?”
“then stop!”
“Bakit?”
Tumayo ito ng maayos at Tinaasan ako ng kilay Tumayo rin ako ng maayos hindi ako magpapatalo sa kanya wala akong balak, wala, disidido na akong kausapin si xedrixk kahit medyo nahihiya pa ako, gusto ko syang kausapin.
“ikaw ang dahilan kung bakit nagkasira silang nagkapatid!”halos manlumo ako sa narinig ko napaatras ako sa gulat anong sinasabi nya?! Ako ang dahilan ng pagkasira ng magkapatid? Bakit naman?
“talagang nagulat ka huh? Kapal ng mukha mo?! And now? Pupuntahan mo sya? Hindi mo ba naisip na baka galit sya sayo?”
“Hindi sya magagalit saakin dahil gusto nya ako wala rin syang dahilan para magalit saakin!”Bigla na lang lumabas ang mga salitang yon sa bibig ko na hindi ko alam kung saan nanggaling.
“Ilusyunada! Magkaiba ang gusto ka nya sa mahal ka nya!”
Para akong sinaksak ng ilang kutsilyo sa sinabi nya, bakit ba hindi ko naisip ang bagay na yon? Magkaiba nga pala yon.
“alam ko ang lahat! He's courting you! Because of the deal! Their deal dahil sa pera! alam ko lahat ng nangyayare! Ang sakit nuh? Na pinagkakakitaan ka nila.”napatungo ako at bigla na lamang tumulo ang Luha ko sa sinabi nya.
“nagsisinungaling ka lang dahil hindi ikaw ang gusto nya! Wala ka ring patunay!”sigaw ko, hindi! Hindi ako naniniwalang deal lang yon Hindi!
“Hindi? Totoo yon then ask xedrick O kahit sino sa kanila, yan ang hirap sa'yo eh asa ka ng asa nagmumukha ka na palang tanga!”
Hindi parin nagsisink-in sa akin lahat ng sinabi nya, kahit kelan talaga Jerk sila, Hindi narin ako aasang magbabago sila baka nga si xander niloloko rin ako eh na baka pinaplastik lang nya ako! Mas gusto ko pang maging tindera o labandera na lang kesa maging kasambahay nila!
“move on girl! Ni isa sa Anderson Hindi magkakagusto sa’yo! You were just a low class girl so paano ka nila magugustuhan?”nakangising sabi nya, pinunasan ko ang Pisngi ko dahil sa luha, kaganina pa ako singhot ng singhot, tss! Hindi dapat sila pinagaaksayahan ng Luha!
“tama ka hindi nila ako magugustuhan sino nga ba ako? Isa lang naman akong mababang uri ng babae.”
“stand where you belong, so means wala kang puwang sa mga Andersons kahit sa school na ito!”
Tinalikuran ko ito at mabilis na tumakbo hindi ko alam kung saan ako pupunta hindi narin namalayan na umiiyak nanaman ako, Hindi ko na napigilan kaya napahagulhol na ako.
Dahil sa pagod ay napakapit ako sa isang puno at pinunasan ang luha ko.
“wag kang umiyak Kellie, sabi na kaseng masanay ka eh, masasama talaga ugali nila wag ka ng magexpect, na babait sila sayo.”kausap ko sa sarili habang pinupunasan ang pisngi ko na may luha.
**
NEXT DAY.
“Manang Handa na po ang pagkain!”sigaw ko habang nilalagyan ng kutsara at tinidor ang bawat gilid ng Plato, parating na si manang na may dalawang Plato na pagkain ng magkakapatid.
“ako na po.”prisinta ko na ibinigay nya naman.
“Oo nga pala anak, bakit hindi ka umuwi kagabi? Nag-aalala tuloy sayo yung magkakapatid.”kung wala lang si manang baka napairap na ako, wow huh talagang nag-alala sila, sino nga ba ako para mag-alala sila? Hindi naman kame close sa pagkakaalam ko mag-kakaaway kame, panigurado may bagong deal nanaman ata sila.
“Nandun po kase ako sa bahay ng kaibigan ko, gumawa po kame ng project.”ayaw ko naman talagang magsinungaling ang kaso kailangan para hindi mag-alala si manang, dinala ako ni lila sa mansion nila Oo mansion Mayaman nga sya.
Nadatnan nya akong umiiyak sa gilid ng puno alam naman nyang hindi ako makakauwi ay dinala nya muna ako sa mansion nila, dun ako nagpalipas ng gabi at pagsapit ng alas kwatro umuwi na ako dahil may tungkulin ako.
Nagtaka pa nga ako kung bakit Natutulog yung siyam sa sofa sa sala pero wala akong pakealam sa kanila bahala sila.
“Namumula ang mata mo, umiyak kaba?”
Naglihis ako tingin, halata parin pala ang pamamaga ng mata ko.
“ah wala po napuwing naglinis po kase ako eh ang alikabok.”
“sigurado ka? Nilinis mo ba yung attic?”
“Opo.”
Bumuntong hininga naman si manang umiling ito at tinignan ako ng hindi kapani paniwalang tingin, akala ko talaga nakatakas na ako mukhang trinapp ako ni manang.
“kakalinis ko lang sa attic kahapon anak, at alam ko rin ang nangyayare rito sa mansion na ito hinihintay lang kita na sabihin mo saakin, na hirap na hirap ka na sa kanila.”
Hindi ko alam kung maiiyak ako sa sinabi ni manang, so alam nya palang nahihirapan ako sa pambabadtrip at kaepalan ng magkakapatid saakin, sabagay magkasama kami rito ni manang na halos ilang buwan na eh kaya hindi imposibleng hindi nya maramdaman ang pagod ko.
May dumagdag sa pagod Kong iyon— ang maniwala sa panguuto ng dalawa at pansamantalang kilig na alam kong plastik lang.
“magmula ng mag-trabaho ako sa mansiong ito parang naging roller coaster ang nararamdaman ko manang, nakakapagod rin nakakasura, nakakasuka.”
Napakauto-uto ko talaga nakalimutan Ko yung lagi kong sinasabi sa sarili ko na mga jerks sila means mga nakakainis na Tao, bakit ba hindi ko naalala yon? Gusto nga pala nila akong umalis rito kaya nila ito ginagawa.
“sabihin mo lang kung pagod kana anak, ako ng bahala na makiusap Kay madame na aalis ka, pero pag-iisipan mo yan.”
“Hindi po manang itutuloy ko parin po itong trabaho ko, sayang rin po kase ang tuition fee ko.”at tsaka naaawa rin ako sa taong papalit saakin at baka hindi matiis ang sama ng ugali nila. Matitiis ko pa naman eh kahit papaano, pagbibigyan ko na lang sila sa ginawa nila, hindi ko na lang dapat sila pansinin dapat gawin ko ang trabaho ko.
“Oh! Nandito na pala si kulot eh!”sigaw ni Sir Brent.
Lima silang bumungad saamin ni manang at sumunod narin yung tatlo mga bagong gising silang lahat, bago pa sila makapagsalita ay nagsalita na ako.
“Manang Alis na po ako.”ngumiti lang ako Kay manang at pilit na ngiti naman para sa kanilang siyam, tatalikod na sana ako ng may nagsalita sa kanila.
“Hindi ka ba magpapaliwanang? Alalang alala kameng lahat sa’yo.”si sir Jei.
Wow? Tama nga si manang pero hindi parin ako makapaniwala na sinabi nya iyon, parang gusto ko tuloy isampal sa kanila yung bwisit nilang deal, bakit hindi nila ginawa yan bago nila ako pinagpustahan, okay lang sana kung hindi ako kinaibigan ni xander at pinakilig ni xedrick! Ay Oo nga pala fake yon.
Panigurado inutusan nilang pito tong dalawa na pagtripan ako, kaya kataka takang bigla silang dalawa naging ganito saakin, lalo na si xander.
Nawala ang pagkagusto ko Kay xander naging galit, galit dahil kinaibigan nya ako para sa pera Ang kakapal talaga ng mukha nilang sabihin saaking nag-alala sila saakin kagabi.
“Lumabas lang kami ni Lila kahapon.”pagsisinungaling ko.
“tsaka mga sir Hindi nyo na po kailangang mag-alala saakin dahil kasambahay lang naman po ako rito, ako nga dapat ang mag-alala sa inyo eh.”sinikap kong maging Hindi sarkastiko ang sinabi ko pero sa tingin ko hindi ko nagawa.
“I'll drop you off.”prisinta ni xander.
“nope, kaya ko na may pera naman ako pamasahe.”mahinang sagot ko lang tinatago ang galit ko.
“But—
“sige aalis na ako.”ngumiti lang ako Kay manang, at sa kanilang lahat na naguguluhan sa inaasta ko sinusuri pa nga yata kung galit ako.
“Sige anak mag-iingat ka.”
Aalis na sana ako ng biglang magsalita si Xedrick. “Ah Kellie.”
Wow narinig ko ba yon? Tinawag nya akong Kellie? So maybe may bago nanaman silang deal saakin, ano nanaman kaya yon? Nakangiting hinarap ko ito.
“ano?”
“pwede— pwede ba tayong mag-usap? Saglit?”
Gusto ko sanang tumanggi pero sino nga ba ako para tumanggi? Baka mamaya bawasan nila sweldo ko.
“Saan?”hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
“Sa Garden.”
***
Kaganina pa kami nakaupo rito sa swing sa garden ni walang umiimik saamin kaya ang awkward ng paligid tss malalate ako nito eh!
“are you mad?”Oo!
“Hindi ah, bakit naman?”
Tss nasense nya palang naiinis ako bakit pa nya ako kakausapin?! Ayaw ko sanang makausap pa sya ang kaso kailangan, kasambahay lang naman ako.
“By the way narinig mo ba yung sinabi ko kahapon?”umiling ako.
Panigurado nagtalo sila sa pera kung sino panalo tsk! Wala narin akong pakealam bahala sila pakasaya sila! Pero hindi ko makakalimutan ang panloloko’t pang-uuto na ginawa nila saakin.
“Hindi bakit ano ba yon?”I asked.
“akala ko narinig mo sayang!”ano kaya yon at bakit nasayang? Aamin na ba dapat sila sa ginawa nila?
“ano ba kase yon?”medyo iritang sabi ko rito.
“na Hindi ka talaga gusto ni xander dahil si Lyra parin ang mahal nya, he's as*hole for making you like a fool.”hindi lang naman si xander ang tinutukoy mo eh! Lahat kayo!
Gusto ko sanang sabihin ang kaso wag na lang. Tsaka hindi narin nya kailangang sabihin ang mga yan dahil kahapon ko pa yon alam. Tumayo na ako at hinarap sya tumayo narin sya.
“sige una na ako.”
Pilit ko itong nginitian at tsaka tumalikod na, maglalakad na sana ako paalis ng bigla nya akong yakapin patalikod hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko parang kinokontrol ako ng sarili ko dahil hindi ako makapalag at bigla ko na lang naramdaman ang pagtibok ng puso ko sa ginawa nya.
“Take care my Kulot.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top