Jerks Chapter Thirty One : He Won't Let It Happen
JERKS CHAPTER THIRTY ONE : HE WON'T LET IT HAPPEN
KELLIE's POV
"isunod Mo ng iluto yung pancake pagkatapos ng Hotdog."utos ni manang matapos kong ilagay ang tubig sa pitsel at dalhin sa hapagkainan kung saan nandun ang magkakapatid pati yung tatlong ilang araw ng nandito..
"opo manang."
Ilang minuto lang ay natapos ko rin ang pagluluto kailangan kong paspasan baka mainip pa yung mga yun.
"good morning manang, good morning kellie."saglit kong nilingon si Xander na nakasandal sa pader habang nakapamulsa ang dalawang kamay, syet! Ang ganda naman ng view, ang aga aga mas lalong gumanda ang mood ko.
"oh ijo Magandang umaga rin."bati ni manang rito pabalik.
"good morning."bati ko rin rito na nginitian nya lang, kaya lumabas nanaman ang dimples nyang malalalim, nakakaiinggit talaga yung dimples nya.
"sabay na kayo saamin mag-breakfast after nyo magprepare."Sabi pa nya kaya nilingon ko sya saglit lang, busy kase ako sa lagay ng hotdog at pancake sa Plato.
"Okay lang?"
"ofcourse, at para mapabilis na kayo dyan tulungan ko na kayo."sabi nya na nginitian ko lang, mabait na gwapo na gentlemen pa saan kapa?
Dala dala namin ang mga pagkain ng magpunta kami sa hapagkainan, nagkakasiyahan sila ng madatnan namin, lagi naman silang ganyan parang mga bata minsan kung mag-asaran, pero ang cute rin nilang tignan tuwing ganito sila.
"Sabay na kayo saamin."sabi naman ni Xander.
"ay Ijo, mamaya na ako at marami pa akong gagawin."Tumango tango si xander rito, mabilis namang umalis si manang.
Hinatak ko ang upuan para upuan ko pero laking gulat ko ng biglang may dalawang lalaking magkabilaan ang hahatak sana duon.
Si Xander at Xedrick.
Tumahimik naman ang paligid, salit salitan ko silang dalawa na tinignan at parang nagsusukatan sila ng masamang tingin, nilingon ko yung mga lalaking nakaupo nakanganga at parang hindi makapaniwala sa nakikita.
"ehem!"pagtikhim ko kaya mabilis silang dalawa na naglihis ng masasamang tingin sa isa't isa, ano bang problema nitong mga ito? Hahatakin pa yung upuang uupuan ko, eh meron namang bakante pa, baka gusto nilang upuan itong spot na ito.
Eh bakit kung kailan uupo na ako?
Kahit kelan talaga itong dalawang ito Oo!
--
"bakit nawala Yang pasa mo kahapon? Diba meron ka sa mukha? Ang laki pa nga eh."hindi ko ata napansin yun kahapon, palibhasa busy ako sa pag-aalaga sa kaniya kaya hindi ko na alintana yun.
"Gumamit ako ng Cream."nagulat naman ako sa sinagot nya, wag nyang sabihing pambabae yung ginamit nya?
"pfffft! Gumagamit ka pala nun?"
"Pakealam mo? Gusto ko mawala yung Pasa kaya nangealam ako ng gamit ni mommy."
"pakealamero ka pala."then nagpigil ako ng tawa nilingon ko ito at sya naman inirapan ako.
Nandito kameng dalawa sa kotse nyang walang license, Yup wala syang lisensya kaya kinakabahan talaga ako, pero no choice naman ako kase malalate kame, hindi naman ako makasabay kila xander kase flat yung gulong ng van nila kaya sa Isang kotse yung iba eh hindi na ako kasya kaya Kay xedrick na lang ako nakisabay isa pa hindi naman flat ang gulong.
"the hell you care?!"Nagtataray nanaman tong bakulaw na ito parang kailangan lang nuong ang bait bait saakin, nagkasakit lang nagbago nanaman ang ugali.
"yabang mong bakulaw ka! Tsaka nakakapagtaka namang ang yabang mo na naman! Parang nung nakaraan lang para kang santo!"inis na sabi ko rito at tinarayan ng hindi sya nililingon.
"Tss! Mayabang talaga ako."
"sus! Ang bait mo na kaya nung nakaraan.. Ah! Alam ko na, dahil ba Basted ka saaken?"Kapal ng Feslak ko! Oo pero gusto ko lang talaga syang asarin, ang taray eh mas mataray pa saken!
"wow! Kapal mo kulot!"Nginisian ko ito pero sya hindi makapaniwalang tinignan ako saglit, talagang nagdeny pa ah, pero sa tingin ko naman dahil duon ba sa pagpainom ko sa kaniya ng gamot? Kung ganoon napakachildish naman ata nya.
"wow! Deny pa ah, kahit halata na."
"gusto mo bang ligawan kita ulit? Ang yabang mo eh!"as usual iritadong sagot nya.
"Aish! Talagang gagawin mo Yang ligaw ligaw kuno mo? As If namang seryoso ka sa ginagawa mo, eh pinagtitripan mo lang ako eh!"dahil hindi ko napigilan ang sarili ko ay Hinampas ko ito sa braso nya.
"Oy!- Kulot tigilan mo yan! Gusto mo bang maaksidente tayo!?"At dahil duon tinigilan ko ang pananapak sa kaniya, inirapan ko ito.
"wag mo na akong kausapin!"
"Tss!"
--
Naging payapa at tahimik ang Buong biyahe namin papunta sa school, lumabas na kaagad ako sa Kotse sa labas pa lang malayo layo sa school dahil baka maissue pa kami delikado, mahirap na, baka mamatay na ako pagnagkataon ulit.
"Hey Kulot."Sigaw nya pero hindi ko sya pinansin, nagmadali na ako sa paglalakad pero mukhang naabutan nya ako sa haba ng biyas nya eh kase naman yung isang hakbang nya halos dalawang hakbang ko! Bakulaw talaga.
"diba sabi ko wag mo akong kakausapin?!"tumigil ako kaya tumigil rin sya, nakaharap na kame ngayon sa isa't-isa may mangilan ngilan pang estudyante ang tinitignan kame.
"Then wag kang magsalita kung ayaw mo."Pamimilosopo nya at sumipol pa, nang-aasar nanaman sya, tinalikuran ko na sya at patakbong pumasok na sa Campus habang sya Tinatawag ako argh! Nakakainis talaga yung tawag nya saken! Kahit anong tawag nya hindi ko na sya papansin eh sya na nagsabi eh.
Ng nasa hallway na ako, bigla akong nagulat at kinabahan dahil narinig ko ang bulungan ng iba sa kanila, tinatarayan pa nila ako, at alam ko ang dahilan kung bakit.
"sya yun! Yung babaeng kausap ni Xedrick Anderson kaganina."
"nag-aalitan pa nga sila eh."
"gosh! I hate that girl na!
Hate kaagad?! Porket nakausap ko si xedrick hate na? Mainis sya kung may relasyon kami, pero as if namang magiging kame, pero sabagay maiinis pala talaga sila saaken kung yung idol na idol nila nakakausap at nakakasama ko.
Nabigla lang sa narinig ^O^
Nakarating ako sa room mga sampung minuto ng hindi pinapatulan ang bulungan sa paligid, at halos tungkol saakin lahat, hindi na ako magtataka kung Ganyan sila eh sikat na sikat pa naman yun rito.
"Kellie!"
Napalingon ako sa tumawag saakin si catie nakaupo na nag-iisa lang, tinap nya yung Upuan katabi nya sign na gusto nya akong umupo sa tabi nya, umupo naman ako.
"I am expecting a news kells."ngiting ngiti nyang sabi, kaya nakakunot noo ako ngayon, teka? Hindi ko maalala anong ineexpect nya? Bigla syang napapout.
"kinalimutan mo."Nakangusong sabi nya, kahit nakasimangot sya mukha parin syang dyosa.
Inalala ko naman yung usapan namin, hanggang sa naalala ko na, ah yung usapan pala na sasabihin ko sa kaniya kung may bibisita Kay xedrick na babae, napakamot ako sa ulo.
"ah sorry nakalimutan ko, pero naalala ko narin naman na."napangiti naman na sya.
"good, so may bumisita na ba sa kaniyang girl?"
"wala pa naman."
Tumango tango lang sya, talagang gusto- oh sabihin na lang natin na mahal na mahal nya si xedrick kaya ginagawa nya ito, iniisip ko nga na perfect couple talaga sila sa isat-isa maganda at gwapo tsaka mayaman sila parehas, same rin na sikat rito sa Buong campus.
"And by the way, absent ka kahapon pati si xedrick? Why?"
"nagkasakit kasi sya, hindi ko naman sya pwedeng pabayaan, inalagaan ko siya."nanlaki ang mga mata nyang hindi makapaniwala.
"why you didn't tell me yesterday?"
Magsasalita na sana ako ng may Sumingiti..
"Because I want her to look after me."
O______O
Gulat na gulat kaming dalawa ng nilingon si Xedrick seryoso ang mukha nya at parang walang pakealam sa sinasabi, ghad! Ano ba tong sinasabi nya?! Nilingon ko ito at masamang Tignan saglit, grrrr! Ipapahamak pa talaga ako!
"are you two have something?"kunot noong tanong ni catie at parang kinakabahan pa sa magiging sagot namin, napapikit ako at pagmulat ko parang naiiyak si catie kaya nagulat ako.
"wa-wala ah, promise peksman! Mamatay man si xedrick ngayon-este ako."Nagkandautal utal naman ako dahilan para mas lalo syang napaiyak.
Pinilit ko syang pinapatahan pero hindi parin sya tumitigil, anong gagawin ko?! T_T, tumayo sya kaya tumayo narin ako, masama nito akong tinignan pati si xedrick.
"you cheated on me xedrick! How dare you?!"humahagulhol na sya at umalingawngaw pa ang pagsigaw nya kaya lahat ng Kaklase namin saamin na nakatingin Maski ang mga Tao sa labas nakatingin na sa room namin.
"ma-Mali ang iniisip mo catie, please makinig ka muna-
"shut up! Whor*! I don't need your explanation!"nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya, parang hindi ako makapaniwala na sinabi nya ang mga salitang iyon.
"a- ako? Whor*?"
Galit na galit ako nitong tinignan, tuluyan na akong napaluha.
"Are you deaf?! Yes! You're a- Hindi na nya natapos ang sasabihin ng napahagulhol na ako, of all people bakit yung taong tinuring ko pang kaibigan? Hindi ako makapaniwalang sinabi nya yun, hindi nya alam kung anong nangyayari kaya nakakainis at nakakalungkot lang na nasabi nya iyon ng hindi inaalam ang katotohanan.
Tumungo ako bago tumakbo palabas ng room, samutsari na ang pangungutya ng mga estudyanteng naririnig ko na alam Kong tungkol saakin.
Pero hindi ko na yun pinatulan wala namang mababago kung papatulan ko pa sila, wala na akong magagawa kung iyon ang tingin nila saakin kahit na alam Kong hindi totoo.
Takbo lang ako ng takbo sa kung saan saan ng mabunggo na lang ako sa matigas at medyo malambot na bagay.
--
XEDRICK's POV
"Hindi mo ba ipapaliwanag saakin Xedrick ang lahat huh?!"Masama ko itong tinignan, hinead to foot ko ito.
"and why? As far as I know wala namang tayo para ipaliwanag ko sa iyo ang meron saamin ni Kellie.."Walang emosyon ko itong tinignan, kung hindi ko napigilan ang sarili ko kahit pa babae sya kaganina ko pa sya nasapak.
"so may relasyon nga pala kayo?! She's really a snake, she's taking my owned behind my back."nainis ako sa sinabi nito kaya Sobrang sama ko itong Tinignan, and now horror visible in her pale face.
"you don't care of what we have, hindi porket naguusap tayo at hinahayaan kita sa pasweet sweet mo saakin eh tayo na."mapanguyam Kong sabi rito dahilan para mapasinghap ito.
Tinalikuran ko na ito pero nilingon ko rin kaagad.
"oh by the way, don't you dare to mess up with you have not completely known, and that's me, don't you even dare to hurt Kellie... You know what I mean."
-
"Nasaan ka na ba Kulot?!"kaganina pa ako hanap ng hanap sa buong paligid ng campus para hanapin sya, I want to comfort her para naman mabawasan ang bigat na nararamdaman nya.
I want to tell to her also that I am willing to protect her from anyone who dare to harm her.
Mula ngayon wala na akong pakealam sa sasabihin ng tao saakin, wala na akong pakealam sa popularity ko ang gusto ko na ngayon ay malaman ng lahat ang taong mahal ko, ang taong nagpabago sa kung anong ugali ang meron ako nuon.
"hindi ako makapaniwalang sinabi nya iyon, at talagang kaibigan ko pa."
"shhh.. Basta ang mahalaga alam mong hindi iyon totoo, I know you're not, wag mo na lang pansinin, masyado lang talagang obsess si catie Kay xedrick nuon pa."
Pinakinggan ko ng mabuti kung saan nanggaling ang boses na iyon na galing Kay xander at kellie, hinanap ko sila sa bleachers sa loob ng Mini garden at hindi nga ako nagkamali nandon silang dalawa.
Kellie's head resting on xander's shoulder while tapping her back, damn! Ako dapat ang nasa posisyon ni xander, ako dapat..
"Tinuturing ko na ngang kapatid si Catie, kaya naisipan Kong.. Layuan muna si xedrick para maayos ulit ang pagkakaibigan naming dalawa.."
Damn no!
I won't let it happen.. Never!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top