Jerks Chapter Thirty Four : Pain Reliever
JERKS CHAPTER THIRTY FOUR : PAIN RELIEVER
“ang boring talaga pagka-saturday..”I said with my bearest whisper, walang practice ng basketball ngayon, nasali nga pala ako sa try out medyo wala akong gana dahil wala si Kellie, even though maraming nagcheer saakin that day, kulang parin, wala si kellie hindi buo ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita.
Sinilip ko ang phone ko bumungad saakin ang mukha ni Kellie na natutulog, suddenly the smile formed in my lips, maganda pala talaga si Kellie.
Ten misscalls, Eight messages mula Kay lyra ang bumungad saakin, hindi talaga nya ako titigilan gumawa rin sya ng paraan para makuha ang phone number ko, netong mga nakaraang araw panay ang pagsunod at pagyaya nya saakin, yon rin yung mga araw na may Plano akong yayain si Kellie lumabas or makausap, hindi nangyayari iyon dahil sa pagyaya nya saakin, hindi naman ako makatanggi kasi umiiyak sya.
Akala ko talaga seryoso sya sa sinabi nyang lalayuan at okay lang na nireject ko sya sa napakaimposibleng gusto nyang mangyari, she's just wasted that time, hindi nya alam ang sinabi nya, bakit ba hindi ko naisip yon?
Inilapag ko ulit ang phone ko sa side table, nagring ulit yon pero hinayaan ko na lang, I won't let my day annoy again, not this time.
Ng nainip ako ay bumaba na lang ako habang nakapamulsa ang mga kamay, ano kayang magandang gawin ngayon, gusto ko sanang magpractice ngayon kaso kulang kame.
Napatigil ako ng maramdaman kong Tinatawag ako ng kalikasan, I need to go to Comfort room, so dali dali akong nagtungo sa cr, pero napatigil ako ng makita si catie sa gilid ng cr may hawak na malaking book sinisilip ang cr.
Teka? Anong ginagawa neto rito?
Gumilid ako para Hindi nya ako makita, Maya Maya lang ay inihampas nya ang libro sa dingding dahilan para kumalabog iyon, she immediately runaway holding the book.
Naglakad ako patungo sana sa dun kaso biglang lumabas si xedrick What's his doing here? Wait! Don't tell me sinisilipan ni catie si Xedrick? Ganon na ba talaga sya kabaliw sa lakaking toh na hanggang cr ba naman susundan?
“Xander? What are you doing here?”he asked, may lumabas ulit sa cr kaya nagulat ako, Kellie?
Nabaling ang tingin ko Kay kellie, ngumiti ako ng pilit at nilingon na si xander
“nothing, ano nga palang ginagawa nyo dyan?”inginuso ko ang cr.
“ah! Wala ka— kadarating lang ni Xedrick magccr sana sya kaso nasa loob ako naglalaba”pagdadahilan ni Kellie, hindi parin nawawala ang pilit na ngiti sa mga labi ko.
“diba xedrick?”ilang minutong hindi nakasagot si xedrick kaya tinignan sya ni Kellie at nakatingin lang ito sa kanya kaya siniko nya dahilan para mapabalik si xedrick sa wisyo.
“uhm, yeah she's right.”
I just nod and turn my back on them, I know they were lying, Hindi ko kailangan maging kasing talino ni Albert Einstein para Hindi maramdaman yon, Hindi ako pinanganak lang kahapon.
I released a heavy sigh, napakuyom ako ng kamao, may malalim kaya silang nililihim kaya iwas sila ng iwas?
--
KELLIE's POV
“Bakit kailangan nating magtago? For what?”inis na tanong ni xedrick habang naglalakad kami napatigil ako at hinarap sya nakakunot noo nanaman sya.
“makatanong ka naman parang tayo! Ayusin mo nga mga tinatanong mo napakanonsense!”bulyaw ko kaya napakamot sya sa ulo nya.
“that's not what I am pointing! Ano naman kung ligawan kita? Bakit ba parang takot na takot kang malaman ng tao yon?”napapikit ako at naghand gesture pa na pinapakalma sya.
“sandali nga! Bakit ba ang dami mong tanong? Eh sa ayaw ko pakealam mo ba? Kabwisit toh!”sabi ko’t inirapan sya, kaya napapikit nanaman sya.
“so gusto mo Unti lang kase marami? Gusto mo unti untiin ko?”Napasinghap ako sa pamimilosopo nya aba’y walanghiya toh ah! Nakuha pang mamilosopo!
“bwisit ka!”
“napakagulo mo talagang kausap! Ayun yung gusto mo diba?!”
“wala! Wala! Wala!”
“haist!”
Nakakainis talaga tong taong toh kahit kailan, ang aga aga pinapainit nanaman nya ang ulo ko, may araw ba na Hindi ako iinisin nitong bwisit na toh! Ang sweet tapos ilang minuto lang nangiinis nanaman, haist! Nakakabwisit talaga! Mababaliw talaga ako nito!
“bahala ka dyan! Wag mo kong ligawan! Hindi kita sasagutin, nimal ka talaga!”
“nimal?”
“hayop ka!”
“ano?!”
“Hayop bingi!”
“teka! Kelan pa naging hayop ang bakulaw? Napakagulo mo talaga kahit kailan kulot.”
Ngingisi pa sya sa sinabi nya, napahawak ako sa ulo ko dahil sa inis.
“letche ka!”
Mabilis akong naglakad palayo delikado baka tuluyang magdilim ang paningin ko’t may madala sa morgue ngayon.
--
Patungo ako sa kwarto ko ng masalubong ko si xander nakapamulsa ang mga kamay nakatungo ito pero nagtaas rin ng ulo ng masense nyang Dumating ako.
“ah ikaw pala..”
Simpleng sabi ko lang at napakagat labi pa naiilang kase ako sa mga ngiti at tingin nya nakakatunaw. Kahit sino naman atang babae mafafall sa mga ngiti nya.
“can we talk?”
--
Nandito na kami sa terrace nakatungtong sa railings halos ilang minuto na kaming nakatingin lang sa kawalan ni walang nag-sasalita medyo ang awkward tuloy ng atmosphere, pasimple ko syang nilingon napakaseryoso nya Kesa kaganinang nakangiti sya.
“may mga bagay tayong hindi inaasahan at may mga bagay na inaasahan natin hindi nagkakatotoo.”bumuntong hininga ako sa sinabi nya Muli Kong nilingon ang kapaligiran.
“tama ka, hindi ko lang maintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay na hindi natin ginugusto.”pagsabay ko sa sinasabi nya kahit na wala naman akong pinagdadaanang malala medyo lang naman.
“pero may dahilan naman ang lahat, hindi man natin alam sa ngayon tiyak malalaman rin natin sa tamang araw.”dagdag ko kasi wala na syang sinabi base sa nakikita ko sa mukha nya may malalim syang iniisip may bumabagabag sa kanya.
“Yeah, but I can't wait for that day happen, napakagulo ng mundong ginagalawan natin.”bigla na lang syang tumingin saakin, at sa totoo lang hindi ko pa sya nakikitang ganto kaseryoso.
“tama ka, magulo man pero masaya naman, may mga bagay lang talagang napakakomplikado lalo pa kung walang sagot, teka? Parehas ba ang Problema mong walang kang sagot sa katanungan mo at ang mga bagay na Hindi mo makuha?”sabi ko, pilit lang syang ngumiti pinapahiwatig nyang tama ang tinanong ko.
“why so unbelievable?”
“nako, wag kang mawalan ng pag-asa, bakit sa tingin mo ba nahuli kana sa bagay na Gusto mo?”Dahan dahan syang tumango at saglit akong nilingon.
Ngumiti ako rito at naglakad patungo sa Kanya bigla syang humarap saakin dahil nakaharap na ako sa kaniya, niyakap ko sya matapos ang ilang segundong Pakikipagtinginan.
“wag mong masyadong dibdibin ang mga bagay na alam mong makakapag-pasama ng Loob mo, sige ka baka magkadepression ka, mabait kang tao alam ko makukuha mo kung ano man ang gusto mong mapasa’iyo.”
Marahan kong tinapik ang likod nya, ramdam ko ang pagyakap nya pabalik saakin.
“thank you, for being my pain reliever, please don't leave me okay?”hinarap ko na sya ng nakakunot ang noo.
“bakit naman kita iiwan? Hindi ah.”umiling iling pa ako ng dalawang beses, nakanguso pa ako dahilan para ngumiti sya ulit.
“I am just assuring, my pain reliever, and from now on I will call you my pain reliever.”
Medyo natawa pa ako sa huli nyang sinabi kaya mas lalo syang napangiti I know this time Hindi na pilit ang mga ngiti nya, tumingkayad ako at hinawakan ko ang Pisngi nya at binanat yon.
“ayan mas bagay kung nakangiti ka, nagwoworry ako kapag may problema ka.”
Hinawakan nya ang palapulsuhan ko at Binaba ko na ang mga paa ko, Hindi ko akalaing magiging ganito kami kalapit sa isat isa.
“thank you, I will as you wish.”
At muli ko nanamang nasilayan ang mga magaganda nyang ngiti, mas gaganahan akong mabuhay araw araw kung nakikita ko syang nakangiti ng ganto..
--
Rest in peace Jonghyun of SHINee :'( I am imagining shawols and shinee in this scene, Shawols and Shinee comforting Jonghyun from his Problems :'( for Shawols out there stay strong..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top