Jerks Chapter Ten: Whimsical Feelings
**
JERKS CHAPTER TEN: WHIMSICAL FEELINGS
KELLIE's POV
“Tapos ka na ba– hays! mali nanaman 'yang sagot mo e, paano napunta ang Scientific skills sa Right brain function? ang dali lang ka'ya nyan.” hindi ko na mapigilang mapasigaw dahil kanina pa s'ya namamali sa ina-sign kong gagawin n'ya.
"Madali kasi alam mo." napailing na lang ako.
"Ang sabihin mo hindi ka kasi nakikinig pag ito yung lesson."
Hindi na s'ya nakapagsalita nang kuhain ko ang scientific skills at idikit sa visual aids. Ito ang punishment namin at ire-report sa harap ni Prof Bernabe. Pinagawa ko na sa kanya ang alam kong pinakamadali.
"Art awareness sa Right 'yan."
"Sa pagkakaalam ko sa Left 'yan e."
"Sa Right brain yan, psh. Hindi ka kasi nakikinig sa lesson e, puro pagpapapansin sa mga babae..." hininaan ko na ang huli kong sinabi pero mukhang hindi nakatakas sa pandinig n'ya.
Palibhasa hindi nakikinig sa General psychology itong Bakulaw na 'to e.
"What did you say? paano mo naman nasabing nagpapansin ako sa mga babae?" sa totoo lang hindi naman na n'ya kailangang magpapansin sa girls kasi kapansin pansin naman na s'ya.
Sila pa nga ang nagpapapansin sakanya.
"Nevermind... Kailangan nating matapos na 'to." I released a deep sighs, sana matapos na 'to nang hindi kami nagbabangayan pero mukhang mali ako.
Kinuha ang Art awareness at nilagay sa Right brain at kinuha ko naman ang Reasoning pero tinampal nya lang ang kamay ko ka'ya pinanlakihan ko s'ya nang mata.
“Ano bang problema mong Bakulaw ka!” hindi ko na napigilang mapasigaw sa lakas nang pagkakahampas n'ya.
“Hoy kulot na panget saan mo Ilalagay 'yan hah?!” maangas na tanong n'ya ng kuhain ko ang Reasoning, aba walang tiwala saakin ang bakulaw na 'to.
“Malamang kung saan dapat na ilagay gusto mo sa utak mo! para magkalaman naman."
“Are you belittling me?”
“Oh? nafefeel mo naman?” grabe ang hirap magtimpi.
“Tss! bilisan na nga natin 'to may apat pa tayong gagawin e!”
“Oh? baka magkamali kapa sa Hand control ah.” nakangising sagot nya. I looked at him with whatever-look sabay irap.
Nakangising nang-aasar ang hitsura n'ya tila nage-enjoy sa pang-iinis saakin.
Mas gwapo pala sya kapag ngumingiti... Tsk! kanina ko pa s'ya hinahangaan siguro kung maririnig n'ya mas lalong lalaki ang ulo n'ya.
“Anong tinitiningin tingin mo dyan?” tanong nya biglaan, napaiwas ako nang tingin. Hala! ang bilis naman n'yang makaramdam. medyo napatagal yata ang pagtitig ko sa kanya.
“A-anong tinitingin tingin?” sheeet! Bakit ngayon pa nautal. Nakakahiya, paniguradong namumula na ang mukha ko sa hiya. Napakagat labi ako.
“Nakita kita, wag ka ng mag maang maangan dyan, anong meron?” tanong n'ya ng seryoso. Bigla akong may naisip na kalokohan.
“Ah– yung mukha mo kasi...” kunot noo n'ya akong tinignan tyaka hinimas ang mukha. Medyo nakikitaan ko hiya sa mukha n'ya, nahihiyang baka may kung anong kahiya hiyang dumidikit sa mukha.
“Bukod sa makinis anong meron sa mukha ko?” napairap ako, he's so full of himself, pero tama naman s'ya napakakinis nga naman ng mukha n'ya tinalo pa ako, oh diba nakakainis. Minsan nga tatanungin ko s'ya kung may skin care routine s'ya.
"Alikabok at muta..." biglang namula ang mukha n'ya sa hiya at tinalikuran ako then panay na ang punas sa mukha n'ya. Grabe yung reaction n'ya. so priceless!
“Pfft, HAHAHAHAHAHA..." Nahampas ko ang lamesa at napahawak sa tiyan ko sa sobrang tawa, halos naluluha na nga ako e, kasi naman yung hitsura n'ya. Para namang kaharap n'ya crush n'ya sa sobrang pula't hiya ng reaction n'ya!
"HAHAHAHAHA, grabe uto uto." Pinupunasan ko ang luha sa ilalim ng mata ko sa sobrang pagkakatawa.
“Sige tumawa ka pa, ewan ko na lang kung hindi ka mamatay." bulyaw nya saakin at nagsimula na ulit sa pangalawang gagawin namin, napatikhim s'ya at medyo namumula't nahihiya parin.
Pero ako tawa parin ako ng tawa mapupuno talaga 'tong Library nang tawa ko. Sarap n'yang asarin!
“HAHAHAHAHAHA...”
"If you don't stop laughing, then the door is open, you can fucking go, and I will tell prof Bernabe your Misbehavior." napakaseryosong sabi nya kaya napaupo ako ng maayos ng wala sa oras kagat kagat ko ang labi ko at pinipigilan ang hagikgik Inayos ko rin ang pagkakatali ng buhok ko halos pawis na pawis na kasi ako kakatawa.
Medyo nahirapan akong mag-ipit ka'ya naiirita't inuulit ko kaya napapaungol at napakagat labi ako.
Pero ang mas lalong nagpakuha ng atensyon ko ay itong bakulaw na nakatingin na pala saakin.
Napanguso ako't nagtataka.
“Oh sir... Bakit tulala ka?” Medyo natatawang sabi ko, ano ka'yang nangyari dito at natulala saakin baka na-realize n'yang maganda ako... Okay libre mangarap.
Nagwave ako sa harap nya kaya napabalik s'ya sa wisyo.
"W-wag ka ng mag ayos pangit ka parin..." aniya seryoso't napatikhim. Tinignan na ang libro, nanginginig ang daliri n'ya kaya napakuyom s'ya. Halata parin ang pamumula.
Napasimangot ako. Nakaamba akong susuntukin s'ya pero syempre hindi ko naman itinuloy.
"Manlalait pa! nakikitingin na nga lang sa mukha ko e..."
"I can't help it, masyado kasing panget... Anyways welcome." he said and winked. nako sasapakin ko talaga 'to sabihin n'yang gawa!
Nawala ang atensyon ko sa kanya nang may vase na kumalansing na tuluyang nabasag. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat, medyo madilim yung part na pinaglalagyan ng vase. Tuluyan akong napatayo ka'ya nakuha ko ang atensyon ni Xedrick.
"Baka nabangga ng pusakal lang 'yan, seat down..." seryoso s'ya sa sa pagsusulat. Hindi manlang s'ya nagulat o maski nag-alala sa nabasag na vase e mukha pa namang mamahalin. Oo nga pala mayaman sila, so ang isang vase ay baka piso lang sakanila.
Tinignan ko nang maigi ang likod nang lalagyan ng vase. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ito ganoon kalayo kaya hinding hindi ako magkakamaling may anino ng tao.
"E, bakit parang may anino ng tao?!"
"Baka may nagmumulto..." Kalmadong sinabi n'ya. Takot ko s'yang inirapan.
"Wag mo nga akong tinatakot! Seryoso ako." he chuckled and looked at me, he covered a half smile, namumula parin.
"Seryoso kasi ako! Alis na ta'yo dito." hindi s'ya nakatingin saakin kundi sa notebook sa harap n'ya. Nangunot ang noo ko ng binalingan ko s'ya ng tingin.
"Namumula ka..." simpleng sabi ko. Natahimik naman s'ya at napalunok ng ilang beses, Hindi ko na lang pinansin ang anino baka guni guni ko lang, since hindi naman ako nag-iisa nandito naman si Bakulaw, e.
"Tsk, wag mo na n-ngang pansinin hitsura ko, you have to focus..." Ilang minuto akong natigilan at nakatayo parin na mabilis naman n'yang napansin, akala n'ya siguro natatakot parin ako, medyo lang naman.
"There's nothing to be scared about, walang multo dito, mga gago madami..." I just released a deep sighed.
"I'm here so don't be scared..."
**
XEDRICK's POV
Hirap talaga kasama netong panget na 'to, akala mo kung sinong napakatalino kung makaasta. Oo magaling s'ya pero hindi n'ya ako kailangang maliitin, matalino naman ako e... Tamad lang!
Kanina ng inaayos n'ya ang buhok n'ya hindi ko maiwasang titigan sya, nakakadala ang ungol at pag lipbite n'ya, damn!
"Let's go to the next top ng matapos na to.” aniya seryoso at kinuha ang book, narealize ko hindi naman pala sya pangit... I mean ganoon kapangit, hindi masama ang chinky eyes n'ya, medyo mataas ang bridge ng ilong, she has kissable thin red lips, With her korean looks and high cheek bones it was all too simple. I must say she's pretty, hindi lang talaga palaayos.
Overall she's simple... Simple yet pretty.
Sinigurado kong tinignan ko s'ya ng hindi n'ya napapansin... Hindi ko rin alam kung bakit ko pinapansin ang features nang hitsura n'ya at mukhang ine-enjoy kopa. Nang akma na s'yang titingin ay mabilis akong tumungo at inabala ang sarili.
“So sa Multiple intelligences na tayo— sir? anong nangyayari sayo?” napansin n'ya siguro ang pamumula ko, aish oo aware ako. Pakiramdam ko kasi ay lahat ng dugo ko ay nagpunta sa mukha ko, damn! My face heated so bad.
“Kanina ka pa namumula sir, may sakit kaba?” she asked concern, huh concern? tsk.
Hahawakan na sana nya ang noo ko pero pinigilan ko sya. Pakiramdam ko mapaaso ang buong katawan ko once na magdikit ang mga balat namin.
When our eyes met again my heart beated loudly, I deviated my gaze.
"This is no–nothing, mainit lang talaga dito sa library," sagot ko. I forgot to turn on the airconditioner here.
Sino ba 'tong babaeng to? s'ya lang ang nakakagawa nito saakin. Ang matulala sa kaniya, at kumakabog ang puso ko sa tuwing nandyan s'ya hindi ko lang pinapahalata. And I am enjoying her company. Why am I feeling this way?
I don't know what the hell happening to me, kaunting galaw lang nya nadadala ako, Damn! ewan ko kung anong meron sa kanya, kakaiba hindi ko maipaliwanag
My heart pounded more when our skin touched, magaan lang ang palad n'ya saaking noo. Nang nailang s'ya ay ibinaba na n'ya ang kamay at mahinang tumikhim.
The awkward atmosphere filled the library. Pero mabilis n'ya ring pinutol ang katahimikan.
"Ituloy na lang natin 'tong iba bukas tyaka marami pa akong gagawin.
at mukhang lalagnatin ka ang pula mo." Damn! ganon ba ako kapula para mag-alala s'ya?!
"Gusto mo ba ng meryenda?" tanong n'ya habang nag-aayos. Tinignan ko lang s'ya pero hindi kaagad ako sumagot.
"Nope, I'm good."
"Okay, una na ako..." I just nodded without looking at her, she picked her stuffs and turned her back on me.
Hindi ko na maalala yung huling matinong pag-uusap namin, ngayon na lang, at pakiramdam ko ay masarap sa pakiramdam.
Kinuha ko ang wallet ko.
I took the picture of my love si Chandra Donovan I don't care If she's seven years older than me, I think I am falling out love with her, naibagsak ko ang wallet ko sa table.
Siguro kung makikita ko sya ulit babalik ang feelings ko para sa kanya. We haven't seen each other for almost a decades.
Pinanghahawakan ko parin ang pangako n'ya saakin noon, we promised to each other, pero nakakawala na ng gana. Maraming usap usapan tungkol sa lovelife n'ya. Na nalilink s'ya sa kung sino sino, everytime I heard the news about her getting link with someone, it doesn't makes me mad anymore, kung dati oo ngayon hindi na.
Napabalik ako sa wisyo nang lumabas sila Jei, Brent, Xavier, at Toppher sa pinagtataguan nila kanina pa. Sabi na nga ba't sila lang ang nasa likod ng vase.
“Wala kang sinabi naguusap na pala kayo ni Kellie?” sabi ni Jei.
"May ginagawa kaming punishment," sagot ko, kaya nagkatinginan sila.
“Gumagawa ka na pala ng punishment ngayon? Anong nangyari? woah tiklop...” natatawang sabi ni Brent.
“May plano ako, may deal tayo right?” natauhan naman sila at natigilan sa kakatawa nila.
“Ah oo nga pala, pero ano? mahirap ba?” at tinapik tapik pa ni Xavier ang balikat ko.
“Pakipot lang yon, mahahanap ko rin ang kiliti ng babaeng yon trust me, hindi ‘to aabot ng one week.” pero aminado akong mahihirapan nga talaga ako sa babaeng 'yon.
“One week? akala ko pa naman bukas na bukas rin pfft.” si Brent.
Napailing na lang ako sa inis at umalis, bwisit tong mga toxic na ‘to, hindi ko rin alam kung bakit hindi manlang sakin kinikilig yung kulot na yon, Baka nga alien yon o kaya Kakaibang creature na hindi maipaliwanag tss.
**
JEI's POV
“Did you guys see that? ano kayang meaning nun?” tanong ko. He's being weird lately lalo na pag nasa paligid si Kellie, o kaya naman nasasangkot.
"Is he falling Inlove again?" Xavier asked, we all looked at him.
“Imposible hindi kagaya ni Kellie ang tipo ni Xedrick mga kagaya ni Chandra pwede pa.” sagot ni Brent at sumipsip ng milk tea nya. Type n'ya yung mas matatanda sa kanya, mga Victoria's secret model.
“Kakaiba kasi kung kumilos si Xedrick these past few days, nung una ayaw nya mapalapit si Kellie kay Xander tapos nong nagpapractice tayo wala siyang gana at pulala pati kanina napansin nyo? kanina? Matalino naman sa general Psychology 'tong si xed pero nabobobo nang nandyan si kellie, at natulala pa kay kellie napangiti pa nga saglit e." paliwanag ni toppher.
“Hindi kaya inlove sya? Pero hindi natin alam kung totoo talaga.”Si Xavier.
“Ayan na nga ang totoo e.” I hissed.
“Kilala natin si Xedrick kung gusto nya ang isang babae gagawin nya ang lahat mahalin rin sya nito." pwede nyang itanan si Kellie kung totoo man kagaya ng ginawa nya Noon Kay Chandra, gusto nyang itanan dahil na-arranged marriage si chandra dati sa ibang lalaki.
“Well, hayaan na lang natin sya kung ganoon nga, Hindi naman pwedeng aasa lang sya kay Chandra ni wala ngang kasiguraduhan na babalik pa yon e, who knows baka nga kasal na yon." Sumang-ayon kami sa sinabi ni Brent.
"Wow brent, may utak ka pala ano?" sabi ko at hinimas sya sa ulo, hinampas nya ang kamay ko paalis sa buhok nya.
“Ulol, mas matalino pa ko sa sampung utak." sagot nya kaya natawa nalang kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top