Jerks Chapter Six: Catie Donovan
Catie Donovan
**
JERKS CHAPTER SIX: CATIE DONOVAN
KELLIE's POV
"Bakit nandito 'yang babaeng yan?!" kunot noo at mariing bwelta ni Xedrick pagkakita saakin. Nakaupo ito sa sofa mukhang inaantok pa. Tsk parang kanina lang ay mukhang concern pa s'ya saakin at ngayon sinisigaw sigawan n'ya naman ako.
"Kalma pre, nag-imbita lang." nakangiting sagot ni Clyde sa gilid ko na nakapamulsa at umupo sa malaking table. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, well ang linis ng paligid kulay white ang wall at ang tiles, may dalawang aircon sa paligid at dalawang room. Kulay black ang dalawang sliding glass window malaki ang silid. May mga instruments sa paligid, mukhang kumpleto ang gamit nila.
"Wait dude kaaway mo ba siya?" tanong ng lalaking hindi ko naman kilala. Nabaling ang tingin ko dito, pinaghalong cute at gwapo ang hitsura n'ya, matangkad at maputi. Napatingin ako kay Xedrick na salit salit ang tingin saamin nung lalaking tinitignan ko, napasimangot ito ng tignan ko at nag-iwas ng tingin.
"I just don't want her here, sisirain n'ya lang ang araw ko. Dapat ay ta'yo lang ang narito," mariing sigaw ni Xedrick. Itinaas ko ang kilay at gilid ng labi ko sa inis.
"Bro get a head of yourself, we just invited her here-" bago pa matapos ni Clyde ang sasabihin ay nagsalita na ako, Hindi na napigilan ang sarili.
"Gusto mo akong umalis!? Oo sige aalis talaga ako! Tutal ay sisirain mo rin ang araw ko!" Isaksak ko pa sakanyang 'yang mga instruments, sabihin n'yang gawa. Napanganga naman yung iba sa gulat sa pagkakasigaw ko. ang akala siguro nila tatahimik lamang ako dito.
"No, Kellie you stay here, inaantok lang 'yan, ka'ya nagtatantrums." si Clyde na nakangiti saakin at binalingan si Xedrick. "Come on dude, don't be too harsh to her." mariin ngunit mahinang anito.
"Do you like that girl?" Taas kilay na tanong ni Xedrick na salit salit ang tingin saamin ni Clyde. Aba! binigyan pa ng malisya yung pagtatanggol saakin.
Hindi kaagad nakapagsalita si Clyde, napanganga hindi makapaniwala sa tanong. Napahinga ako ng malalim sa inis, ako ang nahihiya para sa inaasta n'yang 'to.
"Have you met each other before?"
"I don't like her, I just– before he could finish his sentence Xedrick cut him off.
"Then get her out of here." Kalmanteng sinabi ni Xedrick at nakapikit na, antok na antok. "I don't want her here!" pag-uulit n'ya na tila wala ng ibang masabi. Inaantok na nga't lahat ang yabang yabang parin!
"Binigyan na nga kita ng map para sa ibang lugar ka pumunta, and you fucking end up here." Kalmado parin ang boses n'ya. Napakuyom ako ng kamao, nagtitimpi sa inaasta n'ya. So ka'ya pala n'ya ako binigyan ng mapa para hindi ako mapadpad sa silid na ito, wala siguro ito sa mapa. Isa lang ang ibig sabihin n'yan, hindi talaga s'ya concern saakin, pinapalayo n'ya talaga ako.
"Then why you don't like her here? Is there something wrong? Ta'yo ta'yo lang naman ang narito." si Clyde ulit. Mukhang s'ya lang ang gustong nandito ako dahil s'ya lang naman ang umaalma.
"Okay lang ako Clyde, aalis na lang ako para tumahimik na s'ya." mariing sabi ko habang masamang nakatingin kay Xedrick, may nagbabadyang ngisi sa mga labi n'ya, tila nanalo sa isang kompetisyon.
Hindi na nakapagsalita si Clyde ng dahan dahan na akong tumalikod para lumabas na paalis.
Napabuntong hininga ako pagkalabas, ibinuga ko na lang sa ere ang inis, ayokong mas masira ang araw ko lalo na't first day of school ko pa sa pinapangarap kong school na pasukan. Magtitimpi na lamang ako hangga't nakakaya ko pa naman.
Hindi pa ako tuluyang nakakaalis ng tawagin ako ni Clyde, bumaling ako sa gawing likod, nagtaas ako ng dalawang kilay sign ng pagtatanong at hindi isinantinig, mukhang nagets naman n'ya. Nakangiti s'ya ngiting humihingi ng pasensya, napakamot ito sa sentido at mas lumapit saakin.
"Kellie, I'm sorry about what happened, kilala mo naman na siguro s'ya since you're their maid. Pagpasensyahan mo na, next time na lang siguro?" Hilaw ko itong nginitian.
"Okay lang, don't be sorry. Wala kang ginagawa." He smiled. Ang bait n'ya isama pang ang charming n'ya, para s'yang prince charming sa isang magandang fairytale.
"Okay, see you then..." tumango lamang ako, tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad paalis.
Halos thirty minutes na akong naglalakad lakad, hindi ko mapigilang mapanganga sa ganda at laki ng school na 'to, mas malaki pa ito sa inaasahan ko. Kulang ang dalawang araw kung lilibutin ko ang buong campus. Ang bawat building ay may mga elevators at kulay brown na hinaluan ng something black, parehas ang kulay ng mga building sa uniform.
Apat hanggang tatlo ang palapag ng bawat building na nakikita ko, may mga malalaking puno sa paligid na may mga longues at mukhang name-maintain ang kalinisan.
Nagtungo na ako sa tahimik na corridor patungong room for first subject ko, malayo layo pa dahil sa dulo iyon ng second floor, wala pang mga students kaunti pa lang, halos ang iba'y paniguradong nasa gymnasium parin.
Inilibot ko ulit ang paningin sa paligid hanggang sa hindi ko namalayan ang babaeng nagmamadaling nakabangga ko, malakas ang impact ka'ya napaupo ito sa brown tiled floor.
"Sorry miss, sorry!" Paulit ulit na paumanhin ko at hindi magkamayaw kung saan s'ya hahawakan, nakababa ang ulo n'ya at nakalugay ang mahahaba at blonde na buhok. Ang librong hawak ay nasa sahig.
Nagtaas s'ya ng ulo at nakangiti na saakin, parehas kaming natigilan. S'ya yung Girlfriend yata ni sir Xedrick na nasa mansion nung nakaraan.
Nag offer ako ng kamay pero tumayo na s'ya mukhang hindi napansin. Tinignan ako nito at sinuri ako ng mabuti. siguro'y inaalala ako. Kinuha ko ang books n'ya na kinuha naman na n'ya.
"Sorry ulit..." Ngumiti ito saakin, hindi pinansin ang paumahin ko. Nakangiti na s'ya ngayon kumpara sa kaninang nakakunot ang noo.
"Oh, you? it's you again!" sabi niya at parang inaalala pa ako.
"By the way, I'm Catie Donovan." anito, malambing ang boses n'ya at mahinhin. naglahad ito kamay para sa shakehands. Hindi kami nakapagpakilala sa isa't isa nung unang pagkikita namin.
"Kellie Andrade," inabot ko ang kamay n'ya.
"Can you accompany me? May pupuntahan ka pa ba?" umaasa ang boses nito para sa pagsang ayon ko.
"Wala naman, papunta lang sa first subject ko." Nagliwanag ang hitsura nito.
"Great! we still have one hour before the classes starts, I'm going to library to see my professor, may kailangan lang." so ka'ya pala ito nagmamadali.
"Oo naman." nakangiting sagot ko, medyo nahihiya pa. Kinuha n'ya ang braso ko at hinatak ako patungo sa likod naming hallway kung saan ako naglalakad kanina. Mas matangkad ako ng kaunti sa kanya, nakapumps s'ya ka'ya medyo matatangkaran na n'ya ako.
Ang bango n'ya ka'ya bigla akong na-self conscious. Ang ganda pa ng kutis n'ya mapapaisip ka kung anong flaws n'ya physically.
"Anyways, I saw you on Anderson's, what are you doing there?" tanong n'ya, tinutukoy ang Mansion ng mga Andersons.
"Uhm... wag ka maingay hah, secret lang natin ito." Kahit nagtataka ay tumango na lamang s'ya at hindi na nagsasalita.
"Kasambahay nila ako." Hindi s'ya gaanong nagulat, tila iyon din ang iniisip.
"Ohh?" tumango lamang ako.
"Oo."
Nag usap usap kami ng kung ano anong mga bagay, kinilala ang isa't-isa, halos kalahating oras na yata kaming naglilibot libot sa paligid, natapos kasi s'ya sa pagpunta sa Faculty room at may binigay na portfolio ng kung ano.
Masaya s'yang kasama sa totoo lang, never s'yang na out of topic, Freshmen rin siya kagaya ko. si Xedrick lang ang Freshmen sa magkakapatid dito sa College ng Saint Anthony. si Brent na bunso ay nasa Senior high grade Twelve and the rests is Seniors namin. si Jei ay tumigil ng ilang taon ganoon rin si Xavier at Toppher ka'ya nasa college parin hanggang ngayon, magkakaiba ng courses at Departments pero hindi nalalayo. Tumigil raw silang lahat hindi lamang alam ni Catie ang dahilan.
Yung tatlo namang kaibigan ng anim na magkakapatid ay pareparehong sophomores.
kahit nasa Senior high building ang bunsong si Brent ay nakikisama parin ito sa mga kapatid, since malapit lang naman ang Senior high sa College department. Hindi nalalayo dahil narin sa nakasanayan at may banda silang isang taon pa lamang.
Nakwento n'ya rin saaking sa buong middle school nila ni Xedrick ay classmates sila. At mukha namang close ang dalawa.
"August 15, pala anniversary ng Banda nilang magical nine, so sad they have stopped their gigs, sa katigasan ng ulo nila, pinatigil sila ni Tita Aliyah." Malungkot na sabi ni Catie Pero kaagad din namang sumaya ang mood. Hindi naman ako gaanong interesado sa sinasabi n'ya, pero okay lang.
So nung nakaraang buwan pa pala sila nag celebrate, first day of class kasi ay ngayong September.
"Anyways, what's your course?" tanong nya at umupo sa may wooden bench kaya umupo rin ako.
"HR Ang course ko, balang araw kasi ay gusto kong mag tayo ng sarili kong business." gusto ni mama ng sariling flower shop at gusto kong iyon ang kauna unahang magiging business na itatayo ko balang araw.
"What a coincidence! I take HR too, may big businesses kasi kami, I have to be interested about businesses, you know..." sagot n'ya. mabait pala s'ya, akala ko kasi dati maarte. Madalas talaga malayo ang first impression ko sa totoong ugali ng mga tao. My bad.
Nag-usap usap kami tungkol sa mga bagay bagay, well she's fun to be with, hindi ako nabored sakanya, may sense lahat ng sinasabi n'ya, at madalas ang tanong n'ya. Hindi ko inaasahang may makikilala kaagad ako sa unang araw ko dito, mababait pa.
"By the way friends na tayo?" Anito at hinarap ako, nginitian ko ito at tumango, bago nya ako hilain papunta sa room namin para ihatid hindi na ako nakatanggi, magsisimula na ang first subject ko Twenty minutes na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top