Jerks Chapter One: Little Brats Needs Yaya



CHAPTER ONE 

BRENT'S POINT OF VIEW



"This is the fourth time na may nagpasa nanaman ng resignation letter, they're all rushing to leave," mom hastily hissed.

''Mom, that's coincidence.''

''Really Jei? how can you tell this is coincidence, It's fourth time now!'' I winced, her voice thundered.

"Mom, I think they can't do their work, hindi naman sila aalis kung hindi. Hindi naman namin kasalanan kung hindi nila kaya trabaho nila.'' She looked at me angrily. Kinagat ko ang aking labi, I shouldn't add up her mood, Damn.




''Don't you go smart on me, Brent Anderson!'' as usual, her voice Thundered again. Kitang kita din ang sama ng tingin saakin ng Lima kong kapatid.



''Gusto ninyo ba na dalhin ko ka'yo sa Cagayan, huh? You'll have your detention in there for a month!'' ni isa ay wala ng kumontra sa bantang iyon, We all hate that kind of punishment! We better not get caught this time.




The very reason why we're making fun of our maids is just out of boredom, yeah. Magmula ng mamatay ang dad namin.



''Please, i want you all to behave, i hope this will be the last time na may matatakot umalis ng dahil sainyo, it's fourth time now.''



She just got home after four consecutive months working Abroad, handling the Businesses of Anderson-Salvador clan, our Family.




The sermon have passed, finally ay nakalabas na kami sa office ni Mom. They all vent their anger at me.




''Bakit ka pa sumagot, Brent! You shouldn't have said that!''

''Yeah, you shouldn't, kung hindi lagot ta'yo,''

''My precious life is in here in Manila, hindi ko kakayanin umalis dito.'' Kanya kanya silang hinaing.

''Whatever, stop being so dramatic guys, pull yourselves together, as if that'll happen.''

''Pag ta'yo natuloy sa punishment, humanda ka saakin.'' Banta ni Xedrick. As If I got scared, Ilang gangsters na ba ang nilabanan ko? I can't count. Hindi na ako nagsalita at umalis na lang bigla.








KELLIE'S POINT OF VIEW


"Kellie! gumising kana at mahuhuli ka sa trabaho mo." Ang sarap talaga sa pakiramdam ng temperatura kapag alasingko ng umaga, ayoko pa tumayo, gusto ko pa matulog. May maganda pang princess na bida sa isang fairytale ang nagpapatulog saakin, hanggang...



"WITCH!"



Napadilat ako ng malaki ng may maramdaman akong malakas na kiliti sa tagiliran ko. Ay si mama pala gumigising saakin akala ko witch.





"Anong witch ang pinagsasasabi mo?"

"Opo ma may witch... witch na gumising saakin."

"Ano?! sinong witch ako?" tumaas ang kilay ni Mama saakin kasabay ng paghangin ng kulot na kulot n'yang buhok, Mukha tuloy witch, Joke lang maganda naman ang Nanay ko, ang Nanay ko na si Katrina Andrade.





"Hindi naman mabiro ma? syempre panaginip lang 'yon.''

Maganda naman si Mama, sige isama nadin natin yung buhok n'ya, baka magtampo pa.





''S'ya nga pala ay 5th Death Anniversary ng Papa Andres mo, sasama ka ba mamaya?'' napangiti ako, time flies really fast, ang Papa ko matagal na palang wala sa piling namin, Andres Andrade My beloved step-father, para n'ya akong sariling anak kung alagaan noon. Pinunan n'ya ang lahat ng pagkukulang ng Biological Father ko, wholeheartedly.




''Ma, babawi nalang po ako sa ibang araw,''

''Hindi ka pa pumalya sa pagbisita sa anibersaryo ng Papa mo.''

''Maaga po kasi ako ngayon, Ma. Hayaan mo hindi naman magtatampo si Papa.''

''O'sya ayusin mo na ang mga gamit mo, huwag mong kalimutang dumalaw sa ibang araw, Magdala ka ng isaw paborito iyon ng Ama mo.'' Malaki ang ngiti saakin ni Mama para sa huling sinabi.






May naging tatlong anak si Mama at Papa Andres, iniwan kami ni Papa ng maliliit pa kaming apat, Dahilan iyon para mag sideline ako ng hindi nalalaman ni Mama dahil alam ko namang hindi din s'ya papayag.




Mabuti na lang at napansin ko kaagad ang flyer para sa trabaho, bukod sa malaki ang sweldo Monthly, kung Estudyante ka ay mabibigyan ka pa ng Scholarship hindi ko lang alam kung saang school since ilang weeks pang a pasukan sa college. Hindi ako makakauwi dahil sa manila iyon, kailangan ko mag stay in kahit weekends.





Maswerte na ako sa lagay na ito, ang gagawin ko na lang ay papasok sa school at matiwasay na gagawin ang trabaho. Pangarap kong magkaroon ng sariling Business kaya Business related course ang dapat kong kuhain.




Binisita ko ang tatlo kong kapatid sa tabi ng aking Kwarto, mahimbing pa ang tulog ng Tatlo dahil ay Vacation break na ng school year. Isa isa kong hinalikan ang noo nila Budang, Andrea, Kira at Kev. Surely ay mamimiss ko ang mga ito, pati ang mga kapilyuhan at kakulitan.




Nilapitan naman ako ni mama, kinuha ang palad ko at may nilagay na isang daan.




"Pamasahe mo iyan, wag mo pati kakalimutan ang kumain bago magtrabaho," inabot saakin ni mama ang isang daan. Kinuha ko na dahil baka ay kailangan.




''Ma, hindi ninyo na kailangan kumuha ng iba't ibang klase ng trabaho, palagi akong magpapadala,''




Paglabas ko sa aming munting tirahan ay bumungad saakin ang mga usok, ang mga batang maiingay na naglalaro mga naglalasing kahit maaga pa at ang mga lalaking nagkukumpulan sa gilid, may mga matatanda namang nag-uusap sa tabim





Habang naglalakad ay tiningnan ko ang papel na may address kung saan ako magtatrabaho mabuti na lang at alam ko papunta sa lugar na 'to. medyo malayo layo ang lugar kaya duon na ako titira sa pagtatrabauhan ko, actually bagong lipat ang mga amo ko sa bagong mansion kaya tag hanap ako ngayon ulit.






As usual dito sa maynila bubungad kaagad sa'yo ang polusyon ang mainit na paligid kahit napaka aga pa lang at sa mga taong nagsisiksikan. Kailangan nga ba uunlad ang Pilipinas? magbabago? hindi imposible yun.





"Kuya sa kanto nga po." kaagad akong pumasok sa trycicle na overloaded na ang pasahero, like usual, Traffic na traffic, kahit nga 7pm pa lang ay siksikan na.




"Oh kuya? bakit fifty lang sukli mo saakin?" Nagtatakang tanong ko, one hundred ang binigay ko tapos fifty ang sukli? ang daya naman.





"Pasalamat ka nga at lima lang ang bawas yung iba nga sampung piso.''






"Wala pa nga yatang ten minutes bago ka nagmaneho papunta rito!" Ang dami talagang mandurugas ngayon! Tiningnan lang ako ng masama ng lalaki kaya wala akong nagawa. yung ibang pasahero e, ang sama narin ng sinasabi at tingin saakin.




"Aba, at di pa pinatawad ang limang piso!"




"Malalate kami miss! wag ka ng magreklamo.''




Naglakad na lang ako papunta sa istasyon ng jeep para madali akong makarating sa pupuntahan ko, Trycicle pa lang kalahati na kaagad isang daan ko, bahala na nga ang mahalaga makarating ako sa pupuntahan ko.





Natapos ang biyahe at naglalakad na ako papunta sa tapat ng isang mansion rito sa Exclusive subdivision. Tiningnan ko ang papel na hawak ko, ito na nga, nakatayo ako sa isang malaking gate ng Mansion ng bago kong pagtatrabauhan.





Oo magandang Mansion pero pagpasok mo sa loob para ka na ring nasa impyerno. Napabuntong hininga ako, Isang linggo na ako nagtatrabaho sa pamilya ng may ari ng mansyong 'to at alam nyo ba ang dinaranas ko? puro kamalasan kasama ang anim na magkakapatid na walang ibang ginawa kundi ang pagtripan ako sa araw araw.






XEDRICK'S POINT OF VIEW


"I am quite surprised, you're back.'' She really has the guts to come here, Neverthless this might be full of suprises, this is Exciting. I guess what we have done for her isn't enough. Mukhang may maid na sa hall of Fame of Bravery.




She looked at me with fullness of herself, smilling saracasticaly, She's determined, I must give her that.




"Yes, bumalik nga ako, may trabaho kasi akong kailangang asikasuhin dito.''


''As far as I remembered, you're complaining,''


''Ganon n'yo ba dapat itrato ang kasambahay? Pagtripan?'' she spat raising an eyebrow.


''You know nothing.''




Tinalikuran na n'ya ako at pinagpatuloy na ang paghuhugas, I looked at her from head to toe while leaning against the wall, crossing my arms.




''I guarantee you, you won't last any longer in here.''



''Pwede ba? wag mo akong binabantaan? Hindi ako nandito para matakot sainyo, Nandito ako kasi as far as I remember kailangan ko. I'm not intimidated any of you,'' She said that without looking at me. What a brave lady she is.





''Sa tingin ko nga dapat ka ng matakot ngayon pa lang, o kung hindi na madadala ng takot lang, you better get pack and resign.'' I can hear her frustration from here, Napatigil s'ya sa ginagawa at seryoso akong pinakatitigan.



''Sinasabi ko sa'yo, paninindigan ko ang pananatili dito.''



''Submit a resignation letter, if Mom accepts it, same day you'll leave.''





"Pero sino na lang ang maglalaba kung aalis ako? sino ang magluluto? sino ang maglilinis? sino ang lahat ng gagawa ng gawaing bahay rito? kayo? kung makautos nga kayo minuminuto ay mali! Segu segundo ni hindi n'yo nga kaya gumawa ng gawaing bahay, ngayon? Sinong gagawa rito kung umalis ako? kayo?" She laughed sarcastically.




''Yeah, you can say that, Pero sinasabi ko sa'yo, you'll resign in no time.''





"Maniwala ka sakin, mas magtatagal pa ako dito kaysa sa sungay ninyong Anim.'' And with that I lose my cool, Ever in my life never heard those from a maid, this is the first time I've heard those at sa kasambahay pa namin.










KELLIE'S POINT OF VIEW

"Matanda na si manang, s'ya palaging mag-isa ang naiiwanan kapag ang kasambahay ninyo ay nag re-resign, maawa naman ka'yo kay Manang nandito ako para tulungan s'ya lalong lalo na ka'yo, after all naman It's a win-win situation ito.''



Hindi ko alam kung pang ilan na ako sa muntikan ng makakain ng ipis na itinago sa ilalim ng kanin, o pang ilan na sa tumiwarik para sa kaligayahan lang nila. Umagang umaga napapabalik tuloy ako sa pinaggagawa nila, nakakasira ng Umaga.





''Sinong kausap mo diyan? at nagsasalita ka?" mabilis kong nilingon si Manang Edna na may hawak hawak na basket na puno na ng mga labahan. Nagtataka s'yang nakatingin saakin sumunod sa paligid, ang lalaki na 'yon pala wala na sa puwesto n'ya.




''Wala po manang.''




''Nako, akala ko naman kung ano, naririnig ko yatang tinatawag mo ako,'' Binabalot tuloy ako ng kahihiyan.




"Ah, manang, maglalaba po ba ka'yo? Patapos na 'din po ako dito tulungan ko na po ka'yo.'' Pagiiba ko ng usapan.




''H'wag na, ako ng bahala dito isasampay na lang ito, maghanda ka ng ng Almusal ng Anderson, mamaya ay ililibot kita dito pagkatapos.'' Sumang-ayon na lamang ako, huminga ako ng maluwag pagkaalis ni Manang.




''Manang, ang aga po yata ng gising nila ngayon.''




''May habilin si Aaliyah na gisingin ang anim.''


''Bumibisita sila sa mansion ng Grandparents nila sa Mother side.'' tumango na lamang ako.




Maya maya ay ang pagdating ni Madame Aaliyah, silk night gown pa din suot nito, kahit nasa 40s na ang edad ay litaw na litaw pa din ang inaalagaang Ganda. Hindi ko mapigilang mapahanga.





Sabay namin s'yang binati ni Manang ng Magandang umaga. ''Papa's rushing us to go in Cagayan manang, Umuwi nadin ang father ni Dante sa Cagayan galing Germany, so I guess we really have to go in there.''






''Oh, ganoon ba, Ikamusta mo ako kina kina Raymundo at Felicia pati narin sa amo mo, kay Don Alejandro, nabalitaan kona tutungo din s'ya sa cagayan.''




''Yes, para makita ang farms namin duon.''






May sticky note sa cupboard, schedule ito ng pagluluto at ano ang dapat ihanda sa tatlong beses nilang kakainin within a day, inihanda ko na ang lulutuin ko para sa Breakfast nila.






Dahan dahan kong inaapak ang paa ko sa posibleng pwedeng apakan sa loob at labas ng Mansion na ito. Well past experiences taught you to be careful and wise next time, nakadadala pinaggagagawa nila.





Napakatahimik ng hallway sa pangalawang palapag.







"Sir, Toppher! gising na handa na ang breakfast!" with matching malalakas na katok.




Bumukas ang pinto at bumungad saakin ang bagong ligong si sir Toppher, nakalagay ang black towel sa kabilang balikat, umaagos pa ang tubig sa Malaki n'yang katawan.




"Are you checking me out?" malisyosong tanong n'ya. Hindi ko alam kung sasapakin ko ba o ano.




Kellie! kumalma ka!





"Huh? hi-hindi bakit naman? Mas marami paring abs si Vin Diesel kesa sa'yo mayabang!" tinalikuran ko na s'ya at nagsimula ng maglakad papunta sa kabilang kwarto sampung hakbang ang pagitan.




"Hindi, kaya pala napanganga ka, oh anyways mas hot pala ako sa Vin Diesel mo."





Nang makaalis s'ya ay naglakad na ako sa tapat ng kwarto ni sir Jei ang panganay. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at tumambad saakin ang ayos na ayos na ito.




"I hate noisy." seryosong sabi niya at nilampasan ako.




"Sir Xander? gising na po" malambing na sabi ko pero ilang segundo akong naghihintay ng response n'ya ngunit wala.




Binuksan ko ang pinto, bumungad saakin ang topless na si sir Xander na magdadamit palang, Ilang araw ko na silang nakikitang madalas walanng pang itaas bakit ba hindi ako masanay sanay?!





"Hi! you're really in here again, huh?'' nakangising aniya.



"Ay hindi multo 'to, hindi na daw babalik si kellie patay na sa konsumisyon." Bulong ko pagkaalis n' ya.







"Sir Brent-'' hindi ko pa naitutuloy ang sasabihin ay bumukas ang pinto at kaagad din isinara ng malakas, Napapikit ako sa gulat. Okay calm down Kellie, move forward.






"Sir Xavier gising na!" wala pang ilang minuto ng tumambad si sir Xavier na may hawak na walang lamang cup ng yogurt at inabot saakin.



"Goodluck." sabi nya matapos akong lagpasan at tuluyan ng umalis. Napatingin ako sa inabot nya saakin, ipapatapon lang naman nya 'to saakin.





Maglalakad na sana ako paalis ng nagsalita yung isa sa mga salot sa mansyong 'to, si sir Xedrick.





"Goodmorning." Nakasandal ito sa gilid ng pinto, nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa ng Khaki shorts. sarkastiko itong nakangiti saakin, kaya inirapan ko s'ya matapos kong harapin.





"You come here." Ofcourse! Nakatayo parin ako while on my second guessing thoughts whether susundin ko ang utos ng isang ito.




"Bakit ayaw mo?"





Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano may pakulo nanaman kayo?"




"Bakit meron ba? may nakikita kaba? wala naman di'ba?"sagot niya.



"Anong sasabihin mo? gagawin mo? magsosorry ka? okay na saakin wag n'yo na lang Uulitin."




"Asa!"

"Ano?"




Bumubulong kasi, e! hindi ko tuloy nakuha ang clue. "Ang sabi ko tara, I just want to give you a friendly hug, since napatawad mo na kami so, come here.'' Mukha namang sincere s'ya kaya dahan dahan akong lumapit, pero hindi ko inaasahang-




"I'm sorry not sorry, apologizing isn't my thing." Lumapit s'ya saakin ng kaunti at pumantay sa mukha ko, tiningnan pa n'ya ang green paint sa ulo ko, pababa sa katawan.






''Where that smell came from-''




Dahan dahan akong umalis habang pinagtatawanan nila, nakakainis naman 'to ang dami kong lilinisin nito.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top