Jerks Chapter Five: First Day Of School
A/N; for more info, please like this Facebook page po: SanchiLen
I will plug new stories, news of updates there too. Message n'yo ako d'on or dito sa watty, chikahan ta'yo mga babies♡. Please share your votes comment your thoughts.
Feedbacks are highly appreciated.
Thank you!
***
JERKS CHAPTER FIVE: FIRST DAY OF SCHOOL
KELLIE's POV
"Hija, sumabay ka na lang sa kanilang pumasok." napatingin ako kay Madame na nakaupo sa dulo nitong rectangular long table.
"Nako ma'am, mamamasahe na lang po ako."
"Male-late ka, hassle pa." simpleng sinabi lang ni sir Xander ng hindi ako tinitignan at nakaupo sa katapat kong upuan. tumahimik na lang ako bilang pag-sang ayon. Pinangungunahan kasi talaga ako ng hiya.
Pagkatapos kong tulungan si Manang sa paghahanda ng breakfast ay pinasabay na ako ni Madame kumain nung una ay nahiya pa ako kaso kumalam na ang sikmura ko, hindi ako nakakain kagabi at nakatulog dahil excited akong nag-ayos ng mga gamit ko para sa first day of school.
Tatlo pa lang kami na kumakain dahil yung lima ay mukhang tulog pa habang kaming dalawa ni sir Xander ay bihis na bihis na para pumasok.
Napadaan naman si Manang kaya inutusan ni Madame na gisingin yung lima dahil mala-late sila. Hindi pa nakakaalis si manang sa Dinning room ay siyang pagpunta dito ni sir Xedrick na kaagad ibinaling ang tingin saakin kaya nagkatinginan kami. Mabilis akong naglihis ng tingin. Hindi pa ito naka uniporme nakasuot parin ng pang tulog.
"Good morning, son."
"Morning." nakipag beso ito sa Ina at umupo sa tabi ko. Ang usual seat n'ya. mukhang antok na antok pa ito.
KANINA pa kami tahimik ni sir Xander rito sa loob ng van hinihintay ang iba na nahuli ng gising, medyo naiilang ako kay sir Xander dahil nang umurong ako ay pasimple rin s'yang umurong dahilan para magkadikit nanaman kami. Hindi ko alam kung sinasady n'ya ba o ayaw lang n'ya ng space? ay ewan! Bahala s'ya kung ano ang gusto n'yang gawin as long as wala pa naman s'yang ginagawa ay hindi ko na dapat bini-big deal.
"You shouldn't have worked for us, dapat umalis kana, kahit papaano naawa ako sa'yo." bulong ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
"May sinasabi ka sir?" tanong ko, hala! Baka nakakakita sya ng multo ng hindi ko nakikita? Ang creepy naman neto! e, pano ba naman, nagsasalita mag-isa straight pa ang tingin so imposibleng ako ang kinakausap nito.
"Hindi mo narinig?" kunot noong tanong nya habang nakapamulsa, kami lang ang dalawa dito kaya Imposibleng may kausap 'tong iba, tyaka kung gusto n'ya akong kausapin dapat sabihin n'ya saakin, Hindi yung basta bastang nagsasalita.
“Hndi ko naman itatanong kung narinig ko.” i answered sarcastically, I heard his manly chuckles.
“Haha, hindi mo narinig? You should clean your ears." nakangusong napairap na lang ako sakanya.
Kung pwede lang na maglakad na lang ako papasok ay 'yun na lang ang gagawin ko kaysa makasama ang magkakapatid, nag-insist kasi si Madame na makisabay na lamang raw ako kesa mamasahe sayang naman, e, may masasakyan narin naman. In short no choice talaga, tiis tiis na lang.
Ay oo nga pala ngayon ang first day of school, excited na ako kasi Freshmen ako sa College, nuon pa man ay excited na ako sa magiging buhay ko bilang kolehiyala, at alam kong darating ang mahihirap na challenges saakin sa huling apat na taong pag-aaral, kinakabahan ako. Sobra.
"By the way can we be friends If you want to." Itinaas nya ang kamay para sa shakehands pero mabilis din naibaba.
"Hindi ko kailangan n'yan." sagot ko ng hindi s'ya tinitignan. Para saan ang pakikipagkaibigang gusto n'ya? Hindi ba s'ya kuntento na araw araw kaming nagkikita at kailangan pa ng ganyan?
"Okay," nakangiting sagot nya. Lumabas ang napakalalim n'yang dimples.
Hindi ko alam kung pakitang tao ba ito o ano pero okay lang, kaysa naman inisin n'ya ko ng inisin. It's better this way. Tamang usap na lang.
"Anyways, Goodluck as a freshmen."
"Okay. Goodluck din." mabilis kong sagot sakanya ka'ya natawa s'ya. Napasimangot ako. Anong problema nito?
"Para ka namang robot, come on be open kahit saakin lang. Hmm hindi mo ba ako tatanungin?" sa sobrang pagkakangiti n'ya ay litaw na litaw ang mapuputi at pantay n'yang mga ngipin, at ang malalim n'yang dimples. Mukha s'yang maamong tupa at kapag ngumingiti ay mukhang mas mabait pa sa anghel, napakakinis at napakaputi pa ng mukha n'ya lalo na sa malapitan.
For sure many girls will be drooled over him. His smiles is panty dropping, pero hindi s'ya ang type ko, pag tinitignan ko s'ya ay para lang akong tumitingin sa gwapong celebrity then wala na sa iba na ulit.
Pero tingin ko magugustuhan ko rin s'ya dahil narin sa ugali n'ya.
"Hey! I'm asking you."
"Ha?"
Nagsidatingan na ang nag-uusap na magkakapatid ka'ya nabaling ang atensyon namin sa mga ito na kanya kanya nang nagsisiupo.
"What took you so long?" tanong ni Xander. Nagkatinginan kami ni Xedrick nakasimangot ito saakin.
"Tsk, bat nandito 'tong kasambahay na 'to?" Xedrick the jerk empasized the word 'Kasambahay' bwisit 'to ah! May rules ba na bawal? kaartehan naman ng isang 'to.
"E, baka sasabay?" Sarkastiko kong sagot, ka'ya nangunot ang noo n'ya at kalaunan ay napasimangot.
"Tapang naman pala talaga netong kasambahay natin."
"Aba'y mukhang may ibubuga na saatin."
"This is new, huh."
Nakatayo pa s'ya sa gilid hawak hawak ang bag n'yang mukhang walang laman at mabilis na ibinato saakin, nanlaki ang mga mata ko pagkasalo ng pag n'ya na mukhang malambot na unan ang laman! So matutulog lang pala s'ya sa klase at unang araw pa talaga?
"Ihahatid mo ako sa room ko dala 'yan. Tapang mo, e." may bahid ng panunuya ang kanyang boses.
Umupo na s'ya sa tabi ni Xander at nakataas pa ang mga paa. Nagulat pa ako sa malakas n'yang pag-sara ng pinto.
Maya maya lang ay isa isa na nilang ibinato ang mga bag saakin, ah! mga bwisit talaga sila, kahit kailan!
"Pakidala na muna, medyo mabigat, may mga books, e."
"Me too,"
"Pakiingatan, atapang."
Kinalma ko ang sarili at napabuntong hininga na lamang, Hindi ako mapakali kung anong bag ang aayusin kong hawakan.
Ilang minuto lang ang durasyon ng biyahe patungo sa napakalaking school ng Saint Anthony University, napakalaki ng gate entrance, at ang open field nito, may malaking fountain statue sa gilid ng daanan.
Pangarap ko noon na makapasok sa gantong school nagkatotoo ang akala kong imposibleng mangyari. Hindi kasi namin afford ang tuition fee kahit mag sideline pa ako ng sampu o higit pa araw araw.
Ang mga students mukhang mayayaman!
Yung lima ay may kanya kanya ng pinuntahan, kaya kaming dalawa na lang ni sir Xedrick ang magkasama.
“Helloooo! Saint Anthony Univerity!" sigaw ko pagkapasok namin, nakalagay ang dalawang kamay ko sa side ng labi ko nang sumigaw ako.
Napatingin saakin ang iilang students at mukhang nawirduhan saakin, nginitian ko na lamang sila.
“Ouch!" Natigilan at napadaing ako sa batok na nanggaling sa likod ko, galing lang naman iyon sa kay sir Xedrick!
"Kaunting hiya naman sa katawan ano?" sabi niya at nilagpasan ako, hinabol ko s'ya at pinantayan yakap yakap ang malambot n'yang bag.
"May flag ceremony pa, di'ba? Tara na male-late ta'yo."
"Hindi ako umaattend d'yan." seryosong sagot n'ya na nakapamulsa, hindi pinapansin ang mga babaeng nakatingin sakanya. Tumango na lamang ako at sinundan s'ya.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapatingin sa bawat sulok ng school, may kumpulan ng mga lalaking players at may mga nagchecheerdance pa! Ang galing naman nila, maski ako ay napapalakpak sa galing nila sa ginagawa.
Nang makarating kami sa kung saang building na pinuntahan ni sir Xedrick ay ibinigay ko na ang bag n'ya sakanya, dito na siguro ang first sub n'ya at mukhang matutulog muna. Parehas kami ng Department pero magkaiba lang ng schedule ng time of subjects.
Seryoso ang hitsura n'ya at may kinuhang kung anong magazine sa bulsa n'ya at iniabot saakin, kinuha ko naman.
"Map 'yan, baka tatanga tanga ka e, marami pa namang building of departments dito." Hindi na ako nagreklamo sa panlalait n'ya, natuwa ako kasi concern s'ya saakin.
Palakad lakad lang ako sa kabilang open field, napakatahimik dito at kaunti lang ang mga tao, dahil narin sa flag ceremony at general Assembly.
Nag ring ang nokia phone ko mula sa bulsa ng skirt ko. Si mama.
"Ma!"
"Oh? nak wala ka bang balak umuwi? Aba akala ko ba t'wing linggo ang uwi mo? nag-asawa kana ba? nako sinasabi ko sa‘yo! Malilintikan ka talaga."
“Ma! Hindi po, stay in na ako dito."
"Ah, ganoon ba? Mabuti naman para hindi ka mahirapan."
“Ma, nagaaral na ako sa Saint Anthony." Ilang minutong natahimik si Mama sa kabilang linya.
"Saan?"
"Sa Saint Anthony University po!" tuwang tuwang sagot ko.
“ANO?!” nailayo ko ang phone sa tenga ko saglit. Naiintindihan ko si mama nakakagulat naman talaga.
"Paano!?" napahawak ako sa noo ko. Hindi ganoon kataas ang expectations ni mama saakin kaya ganto ang reaction n'ya.
"Ma naman hindi po yung amo ko Binigyan ako ng scholarship kaya eto nandito na ako, nga pala ma sa susunod na sabado pala Ipapadala ko ang sweldo ko."
"Oh sige anak basta pag-igihan mo ang pag aaral ah Once in a lifetime lang yan."
"Oh sige po, ingat kayo dyan palagi, I love you po."
"Love you too, nak."
Pinatay ko na kaagad ang tawag at binulsa ang phone ko, Nakatanaw lang ako sa paligid, pero paglingon ko sa gilid ko, isang gwapong lalaki ang bumungad saakin, napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.
"Hi I’m Clyde De Vera nice to meet you miss?" ang weird naman n'ya. Nagpapakilala nalang bigla e, hindi pa nga kami nagkakausap.
Omg! Type ka'ya ako nito!?
Saglit akong napatingin sa malaki n'yang kamay sa harap ko. Kalauna'y tinanggap ko rin at sinuklian ang ngiti n'ya, Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano ano, nakakahiya!
Baka gusto lang makipagkaibigan ka'ya kinakausap ako, oo tama, friendly lang talaga s'ya at hindi ko dapat bigyan ng malisya 'yon.
"Kellie Andrade."
"Nice name."
"Thank you!"
Kinwento nito saaking nasa Department of political science s'ya medyo malayo layo sa department ko at isa s'yang sophomore. May banda sila na Magical nine at nine ang members.
"Feel free to ask me lalo na't naga-adjust ka sa bago mong school, at since freshmen ka pa lang." tumango ako at nagpasalamat.
"Clyde!" Parehas kaming napalingon sa gawing likod ng may familiar na boses ang sumigaw, si sir Xander.
"Oh! Kellie."
"Magkakilala ka'yo?" Kunot noong tanong ni Clyde.
"Oo, maid namin s'ya." Nakangiting sagot ni sir Xander kaya gulat na gulat si Clyde. Mukhang magkaibigan silang dalawa.
"Ka-member ko pala s'ya sa Banda Kellie and the rest is his Brothers, then may dalawa pa na ka-blockmates ko." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero kaagad din na nakabawi.
"Anyways kanina pa kita hinahanap, tara sa Practice room." si sir Xander.
Tumango ang huli at nakangiting binalingan ako ng tingin. "Sama ka Kellie, pampalipas lang ng oras, we still have one hour and thirty minutes pa naman, you'll surely enjoy." wala naman akong nagawa kundi ang sumama na lamang sa kanila.
**
Other Characters:
Jeon Jung Kook as Kennedy Williams
Park Ji min as Ashe Klein
Xi Lu Han As Clyde De Vera
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top