Jerks Chapter Eleven: Freaking Day!
*****
JERKS CHAPTER ELEVEN: FREAKING DAY.
KELLIE's POV
Kasalukuyan akong naglalakad para hanapin si manang. Weekends kasi ngayong araw ka'ya kailangan kong kumilos kasama ni Manang. Sinasabi nalang kasi n'ya saakin ang mga gagawin hanggang sa matuto nalang ako, hindi kasi pupwedeng basta na lang ako kumikilos.
Naririnig ko ang agos ng tubig mula sa dirty kitchen ka'ya mukhang nandoon si Manang. "Manang natapos ko na po yung sa mga labahin ako na po sanang bahala sa pagdidilig ng mga halaman at–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nagsalita si Bakulaw, bigla na lamang itong sumulpot sa harapan ko.
"Wala kang gagawin ngayon kundi ang gumawa ng project natin." seryosong sinabi n'ya, at inilabas ang dalawang palad mula sa bulsa ng suot n'yang khaki shorts. Ang simple ng suot n'ya isang gray T-shirt pero napakagwapo n'ya paring tignan.
Pinalis ko ang paghanga para sakanya at tinaasan s'ya ng kilay. Kumunot ang noo n'ya.
“Sir, hindi naman halatang namimiss mo ko ‘no? Hmm." sarkastikong ngiti at nanliliit ang aking mga mata. .
"Sinong makakamiss sa'yo, we'll obviously not me, siguro si Kokey?" Halakhak n'ya, nawala ang ngisi ko. Sininamgutan ko s'ya.
"Ilang araw pa ang deadline ng pasahan, masyado kang atat, sipag mong mag-aral, hah? baka mauna ka ng gumraduate n'yan o baka naman... Hmm namiss mo lang ako." Halakhak ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng kapal ng mukha para sabihing namimiss n'ya lang ako.
Humakbang s'ya palapit saakin ka'ya nagtatakang napaatras ako. Hindi ko napigilang mapalunok.
Matigas ang ekpresyong pinapakita n'ya. Ang pag-igting ng panga n'ya halatang halata.
"Namiss kita? wag ka ngang nagpapatawa. lakas din ng sense of humor mo, hah." seryosong sinabi n'ya at unti unting umangat ang gilid ng kanyang labi.
Kumuyom ang kamao ko at tumaas ang sulok ng labi ko sa inis. "Waaaaah!!!" sigaw ko dahilan para mapaatras s'ya, sinadya ko 'yon para inisin s'ya at mapalayo s'ya saakin dahil ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang lapit n'ya.
"Damn girl! You're too loud." bulyaw nya ka'ya piningot ko ang tenga nya. Hindi naging mahirap ang pagiging matangkad n'ya para mapingot ko s'ya.
Hinila ko s'ya palabas habang pinipingot ang tenga n'ya.
"Hey! let go of my ears, Damnit!" Ilang beses s'yang nagmura ng mahina habang walang awa kong idinidiina ang daliri ko sa tenga n'ya. Binitawan ko lang ang pulang pula n'yang tenga ng makalabas na kami. Nakangiwi s'ya't iniinda ang sakit mula sa tenga n'ya. Masama n'ya akong tinignan pero hindi ako nagpatalo.
"Hello! hindi ba sa'yo uso salitang Bukas na? kailan pa ba ang Deadline n'yan? sa Biyernes pa, e ano pa lang ngayon? Saturday, nako sir! ako mismo hahanap ng psychiatrist mo ng matukoy 'yang sakit mo!" Halos isigaw ko na lahat ng sinabi ko.
"Fuck, ang sakit! You don't have to do that, damn. My ears!" namumula narin ang mukha n'ya. Sinadya ko talagang masaktan s'ya ng husto, pero pasalamat nga s'ya 'yan lang napala n'ya.
"Anong meron?" Napatingin kaagad kami sa bagong dating na si sir Xander. Salit salit ang tingin n'ya saamin. kagaya ni Xedrick pambahay lang rin ang suot nito. Mukhang pormal pero nasanay nalang ako na simple lang ito... Para sa mayayaman nga lang.
"It's none of your fucking business." matigas na sagot ni Xedrick na mariing nakatingin sa maamong mukha ni Xander.
"Hinahanap kita kellie nandito ka lang pala." hindi n'ya pinansin ang sinabi ng kapatid kundi ay tinignan lang n'ya ako ng nakangiti, lumabas tuloy ang malalim n'yang dimples.
"Bakit Xander?"Nakangiting tanong ko.
"Wow? first terms name." sarkastikong sinabi ni Xedrick. masama ko lang s'yang tinignan saglit.
"Anong maitutulong ko sa'yo?" medyo nakangiti kong tanong.
"Better if just the two of us." aniya at sumulyap saglit kay Bakulaw. Tumango ako at nagsimula ng humakbang papunta kay Xander para sumunod na sakanya. Hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng hawakan ni Bakulaw ang braso ko.
"Teka ano nanaman–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil mabilis kaming nakaalis, hinatak n'ya ako ng walang sinasabi, walang ginawa si Xander kundi ang panuorin kami paalis dahil sa gulat.
Hindi ako nagsalita at nagpatianod na lang sa medyo mariing hatak n'ya saakin. Tumigil kami sa salas walang katao tao dito. Naiinis ko s'yang hinarap. Pumikit ako ng mariin at ibinuga na lang sa ere ang pagkayamot.
"Ano nanaman ba?" mahinhing tanong ko, pagod na akong magtaray baka samain nanaman 'to saakin e.
"Nothing... I just want our project done." Kunot noo ko syang tinignan.
Okay self kalma.
"Sir, may bukas pa naman. kung ayaw mo akong makasama. Wag ka mag alala parehas lang naman ta'yo, pagtiisan na lang natin ang isa't isa kahit ngayon lang." mahinahon kong sagot.
He caressed his nape.
"Damn, that's not what I mean– I mean. Ano, may date ako bukas! that's why I want our project done by now, ayoko ng maraming iniisip." parang hindi pa s'ya sigurado sa sinasabi n'ya.
Hindi n'ya pwedeng tanggihan si Catie baka mag-away lang sila. Sigurado naman akong si Catie ang ide-date n'ya, sino pa ba?
"Ganoon ba? kung gusto mo ako na lang ang gumawa mag isa–" Hindi n'ya ako pinatapos.
"No! gagawin natin 'yon ng dalawa ta'yo... Buong araw." Bigla nanamang nag-init ang ulo ko, so gusto n'yang steady ako sa gusto n'ya buong araw? aba! May trabaho akong kailangang tapusin. Kailangn ko ring tulungan si Manang. Hindi ata 'to naawa kay Manang!
"Ako na nga gagawa mag isa–"
"No! That's final no buts!" sigaw n'ya ka'ya natigilan ako. Aangal na sana ako ng magsalita nanaman s'ya.
"Sino bang boss mo dito!?"
"Pwede ba, hah!? For your information anak ka lang ng boss ko. Hindi ikaw ang nagpapasweldo saakin. Ka'ya ko lang naman ginagawa 'tong project natin ay dahil kailangan ko rin para saakin." pinipilit kong kinakalma ang sarili pero pinupush n'ya ang button para magalit ako.
"We'll. do. it. now." Matigas na sinabi n'ya nagdidilim ang mga Mata. Napanguso na lang ako at tinalikuran s'ya para pumunta sa library kung saan namin ginagawa ang punishment.
**
XEDRICK's POV
I folded my arms while intently looking at her turned her back on me. Mali ang sinabi kong may date ako. Magmula ng magkaroon kami ng deal si Kulot na lang ang pinag-tutuunan ko ng pansin. Hindi ko pa alam kung paano ko mapapaikot ang isang 'to sa mga palad ko. She'll give me a hard times, kagaya ni Catie. Tss.
Maglalakad na sana ako ng biglang napansin ko ang apat, looking from afar. Hell yeah, they're Eavesdropping again, bagay silang maging detective.
"Hoy hoy hoy!" napansin ko na nakatingin sila kay Xander na nasa labas mukhang hinihintay si Kellie well she's not coming bro, poor you.
Nakuha ko ang atensyon ng limang kumag kaya nagsilapit sila kasama ang pinsan naming si Johann Delavin.
"What are you looking at?" My brows furrowed.
"Is that really your plan?" Brent asked.
"Ang paglayuin yung dalawa? Hindi ang deal?" si Jei. A ghost of a smile plastered on their lips, teasing me.
"Parehas, what if gold digger s'ya right? We don't even know her, pangalan n'ya lang, what if padala nanaman to assassinate us like before isa pa may pustahan tayo right?" May malalim kaming rason ka'ya namin ginaganto ang bagong kasamabahay namin, ofcourse Manang Edna is exception, matagal na itong katiwala ng pamilya namin.
Kung si Mom madaling nagtitiwala sa mga kasambahay well we're not.
Ang kalaban nila Mom na negosyante na ang iba ay mula sa underground ay matagal ng banta sa buhay namin, dahil din sa kasambahay namin ay namatay si Dad, at muntikan pa kami.
"Teka? gusto mo bang paghiwalayin silang dalawa?" Tanong ni Johann na hindi ko alam kung saan nasagap, sa mga feeling Paparazzi nanaman siguro, tss.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko sasagot na sana siya, but Brent Cut him off.
"Sinabi namin," Tangina! kailangan pa ba sabihin kay Johann 'yon?
"Sure kaba sa plano mo? baka naman ikaw ang bumigay? Be careful bro, you might fall on your own trap." Napangisi ako sa sinabi ni Xavier.
"You guys know my type really well, I hate ugly loud girls."
"Oo nga pala type mo lang 'yung mga mas matatanda sa'yo." napuno ng tawanan ang salas.
"Atlis not pangit." They chuckled.
Maglalakad na sana ako pero nakita ko si kulot na masamang nakatitig saakin at may hawak na malaking libro.
She darkly looked at me as if she wanted me dead right now.
**
KELLIE's POV
Pangit pangit pangit at pangit!!!
Ayan lang naman ang mga narinig ko sa mga panlalait n'ya saakin letche s'ya! Pasalamat nga s'ya at gwapo sya, Hindi na lang nakuntento! nanlalait pa ng ibang tao. Sasamain talaga saakin 'tong lalaking 'to!
Humakbang ako ng dalawang beses palapit sakanya.
Walang pag-aalinlangang binato ko kay Xedrick ang librong binabasa ko kanina para sa project namin headshot pa nga e, the. habang lumulutang sa taas dahil nagtatransform at umuusok ang dalawang ilong sa sobrang galit, pero syempre joke lang.
Napaatras s'ya sa sobrang gulat at ang ulo nya may tumulong dugo papunta sa noo n'ya.
Hinimas nya ang noo n'yang may dugo. Namumutla. Nagdidilim ang mga mata n'ya sa galit.
Dahan dahan n'yang binababa ang kamay para tignan at may dugo iyon. Masamang masama n'ya akong tinignan, Bigla akong kinabahan, napangiwi at parang hindi makagalaw, Oh my gosh! Bigla kong pinagsisihan. Teka!? Bakit naman ako magsisisi? I shouldn't!
Nagsitakbo ang mga kapatid n'ya at yung mukhang bisita na hindi ko kilala para icheck s'ya. May mga hawak pa silang panyo para Punasan ang sugat sa ulo n'ya.
Napangiwi ako.
Okay, I'm dead...
"Kellieeeeee!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top