Chapter Sixty Three





**


CHAPTER SIXTY THREE

KELLIE’s POV


SATURDAY ngayon means walang pasok pero kahit walang pasok gumigising parin ako ng maaga para mag-trabaho, excited na akong mag weekends sa susunod dahil makakauwi ako sa amin pumayag narin si Madame e hindi nya matanggihan si Brent ang kulit pa naman no'n, nahihiya pa nga ako e.

6:30 AM pa lang, nagmadali na akong kumuha ng kakailanganin ko para maligo, at ng makuha ko na ang kailangan ko ay lalabas na sana ako ng tumunog ang cellphone ko na nasa side table mabilis ko namang kinuha yon at binasa ang Txt baka kasi importante.


From: Lyra

Hai kells! Susunduin ka namin ni Lila, 10 am sharp.


Nagtaka naman ako, at saan naman kaya kami pupunta? Walang sinabi.

“Wow, IPhone cp mo, pinag-ipunan mo?”Biglang sabi naman ni Ate Ella, manghang nakatingin pa sya sa cellphone ko, nginitian ko sya.

“Hindi, may nag-bigay,”Sagot ko. Nagulat naman sya. Sino ba namang hindi magugulat, IPhone 'to mamahalin, kaunti nga lang yata ang meron nito sa sobrang mahal, tsaka mukhang hindi ko 'to afford.

“We? Sino naman? ang swerte mo naman,”

“Yung Boyfriend ko ang nagbigay nito saakin,”Tumango tango lang sya.

“Sabi na nga ba, regalo nya? Ang swerte mo naman,”Nakangusong sabi nya dahilan para mapakamot ako sa ulo ko.

“Ah, hindi bigla na lang nyang ibinigay saakin kasi ang Luma na raw ng dati kong cp,”sagot ko, naalala ko tuloy yung mga araw na nag-aaway pa kami ni Bakulaw na parang kailan lang, hindi ko aakalaing magiging kami sa sobrang ayaw ko sa kanya no'n.

“Wow, ang sweet naman nya, sana yung asawa ko kagaya nya, galante. Ang kaso hindi,”Inis na sabi nya at inayos na ang higaan nya.

“E bakit kasi yon yung inasawa mo kung galante ang gusto mo?”Gatong naman ni Ate Lilet na kakapasok lang, bagong ligo ito.

“Mahal ko e, anong magagawa ko?”Ngusong sagot naman ni Ate Ella na nginisian ko na lang.

“Oh mahal mo naman pala, alam mo kasi hindi mahalaga kung mayaman o mahirap yung tao kung mahal mo, e mahal mo nga ba? At naiinggit ka kay Kellie? Na gusto mong ibigay ng asawa mo ang mga mamahaling bagay?”Napaisip si Ate Ella saglit.

“Ah basta mahal ko sya at gusto kong ibigay nya saakin ang mga gusto ko,”Sagot ni Ate Ella.

“Nako, ewan ko sa'yo Ella paghirapan mo kung gusto mong makuha e anong magagawa mo kung hindi kayang ibigay ng asawa mo ang gusto mo? Makuntento ka na lang sa pagmamahal na ibinibigay ng asawa mo,”Mahabang litanya ni Ate Myla.

Sa pagmamahal hindi mahalaga kung mayaman o mahirap dahil ang mahalaga ay kuntento Kayo sa kayang ibigay ng isa't isa.

“Oh hija? Bakit nakatayo ka lang riyan?”Nabaling naman ko Kay manang Edna na kakapasok lang, may dala syang basket ng damit na sa tingin ko ay damitan nya, at dahil mukhang mabigat 'yon ay kinuha ko na para tulungan sya.

“Ah paalis na po talaga ako.. Ahm tulungan ko na po ka'yo,”

Binitawan narin ni manang ang Basket na may kabigatan, naaawa tuloy ako sa kanya, e dapat umuupo na lang si Manang dahil matanda na sya madali na syang hingalin kaya naman kailangan na nyang umalis sa Trabaho nyang 'to.

Ng mapansin ko namang parang hinihingal si Manang at Hinahawakan ang bandang likuran nya ay nilapitan ko sya at pinaupo sa Kama nya.

“Manang pahinga na po muna kayo, mukhang pagod po kayo oh hinihingal kayo,”

Iwinasiwas ni manang ang kamay nya at ngumiti saakin, pero yung mga ngiti nya, ngiting nahihirapan dahil sa pagod at karamdaman.

“Nako Hija wag mo na akong alalahanin ayos lang ako, o'sya sige na marami ka pang dapat gawin,”Ngumiti lang ako Kay manang at mabilis ng lumabas.

Pagkalabas ko naman ay naabutan ko si Xedrick na nakasandal sa malamig na pader sa gilid ng pinto, nakapamulsa ito sa pajama nya maglabilaan at nakasando pa kaya ayon nakikita ko ang malalapad nyang Biceps na akala mo na over work out, at kitang kita ko rin ang six packs nya na nagtatago sa manipis nyang sando, Ito na ba ang almusal ko? Syete! Nakakabusog naman--- peste! Ang landi ko talaga.

“Done watching the good view?”

Napabalik ako sa wisyo ng magsalita sya, pakshet! Nakakahiya ano nanaman bang nangyayari saakin?! Ganto talaga ako tuwing sya ang nakikita ko lalo na kung ganyan ang Style nya!

Nag-iwas naman ako ng tingin pero nililingon lingon ko sya minsan, nakangisi pa e. Paniguradong natutuwa na sya mukha kasing pinagpapantasyahan ko katawan nya! Nakakahiya!

“Ka-kanina pa ba d'yan?”

“Nope, siguro mga 1 hour,”

Pinanlakihan ko naman sya ng mata.
“E'di ibig sabihin kanina pa nga,”Natawa naman sya.

“Kidding.”sabi nya at nag killer smile! Ang swerte ko naman ngayong umaga, hihi.

“Bakit nandito ka? Masyado pang maaga,”Pero imbis na sagutin nya ay hinawakan nya lang ako sa palapulsuhan ko at nagsimulang maglakad, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pero sana naman wag sa kwarto nya! mukhang ready sya e!

Letche talaga napaka dumi ng utak ko.

Nakarating naman kami sa Veranda at ng makarating kami ay niyakap nya ako, mahigpit pero sapat lang para hindi ako masaktan. Niyakap ko naman sya pabalik.

Nakakapagtaka naman. Ang aga nyang maglambing, o di kaya may problema sya? Ewan ko pero bigla akong kinabahan may problema nga kaya 'to?

“May problema ba?”Matagal tagal bago sya nakasagot kaya nagtaka na ako sa inaasal nya, kasi baka kailangan nya ng yakap kasi may problema sya. kung ano ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko.

Umiling naman sya at mas lalo isiniksik ang ulo nya sa leeg ko. Nakakahiya tuloy baka mabahuan sya saakin e hindi pa kaya ako naliligo.

“E ano? ang aga namang lambing n'yan Bakulaw?”Nakangiting sabi ko kahit na hindi naman nya makikita.

“Nothing. I just missed you.”

“Miss? e ilang oras pa lang tayong hindi nagkikita tsaka nasa iisang bubong lang tayo nakatira,”Sabi ko pa. Ewan ko ba sa kanya lagi naman nya akong niyayakap hindi ko alam kung ilang beses sa isang araw nya ako niyayakap walang araw na hindi nya yon gagawin tsaka baka mabahuan at magsawa sya sa pagyakap saakin na ayaw ko namang mangyari.

“Hayaan mo muna ako. Don't tell me ayaw mo?”Hinarap naman nya ako habang nakanguso, nagtatampo, natawa na lang ako sa inasta nya

“Syempre hindi 'no. Baka kasi mag-sawa ka.”Sabi ko. Umiling naman sya at niyakap ako ulit.

“No never, so don't you ever think that again okay? Hindi ako magsasawang yakapin ka”Tumango lang ako. Pinisil naman nya ng mahina ang ilong ko.

“Kahit mabaho ako?”Muli nanaman nya akong hinarap habang nakapaskil ang malalaking ngiti sa labi nya. Tutok na tutok saakin ang Mala Tsokolate nyang mga mata.

“Yes kahit mabaho ka pa, kahit may body odor ka pa kahit hindi ka pa naliligo, I don't care about your flaws. I love you and that's all matter,”Abot galaxy na siguro ang kilig na nararamdaman ko! O baka nga nasa kailaliman na ng sun! At paniguradong pulang pula na ako sa kilig.

“Hmm? Talaga ba?”Pang-aasar ko sa kanya.

“Don't dare me kulot,”Nakangising sabi nya kaya medyo kinabahan ako. Alam ko na yang mga ngising pinapakita nya.

Bigla naman nya akong hinalik halikan sa leeg kaya napuno ng tawa ko ang buong veranda, ang lakas pa naman ng kiliti ko sa leeg! Halos maiyak na ako. Sabi na nga ba e gagawin nya 'to!

“Dito pa talaga sa Veranda, men Walang pinto rito!”

Bigla kong naitulak si Bakulaw ng magsalita si Xavier kasama yung walo, mukhang kakagising lang nilang lahat mga nakasando pa sila at mga naka pajama pwera kay Brent na naka boxer na ngayon ay tinatakpan ang kaligayahan nya nanlaki ang mata ko at nagtakip ng mga mata, Hindi manlang nag-pajama!

Para akong nasa Paradise, Paradise of Pandesal! Ang lalaki ng mga katawan nila, kulang na lang magdala ako ng kape e.

“Gag0 ka talaga Brent! Nag-pajama ka manlang sana!”Inis na sabi ni Xedrick at niyakap ako paharap sa kanya.

“Tatambay dapat kami rito, hindi ko naman alam na dito nyo balak mag-withdraw.”Anong ibig nyang sabihin?! Hindi naman kami mag-aano rito ni Xedrick o Kahit saan pa! Haist napakadumi talaga ng utak nya.

Nakapikit ko syang hinarap.

“A-ano bang pinagsasabi mo Brent? kung buhusan ko kaya ng Holy water yang bibig mo?!”Inis na sabi ko rito.

“Damn, aalis na nga ako!”Nagmadali syang tumakbo paalis, ng buksan ko ang mata ko nakita ko pang umalog ang puwetan nya.

“So salagay nyo kanina wala pang mangyayari n'on?”Nakangising sabi ni Xavier na umupo pa sa Sofa. Tsss napaka green minded talaga nila. Palibhasa ang hihilig nila e.

“Nako. Mga da moves talaga ng isang Xedrick walang kupas!”Si Toppher na kinindatan pa talaga si Xedrick.

“Nagagawa nga naman ng pag-ibig o! Ay teka Lust pala”Nakangising sabi ni Jei na parang kinikilig kilig pa.

“Pre, hindi namin intensyon na pasakitin 'yang puson mo ah,”Dagdag pa ni Toppher na nakangisi.

Argh! Ano ba yang pinagsasasabi nila?! naglalambingan lang naman kami ni Xedrick tsaka masyado pa kaming bata para sa ganoong bagay, ni hindi pa nga kami kinakasal e. Haist ewan ko ba sa kanila ang dudumi ng utak nila.

“Tsss mga istorbo! Magsi-alis na nga kayo shooo!”lahat sila nagsitayuan sa sofa ng paalisin sila ni Xedrick na ginawa naman nila.

“Pre! Next time sa may pinto dapat, lock n'yo narin para hindi bitin!”Nagsitawanan sila sa sinabi ni Xavier kaya pinagsisipa nya yung mga puwet nila.

Napahilamos na lang ako sa pinagsasasabi nila.

“Tol! Hinahanap ta'yo ni Manager Munro, back to gig na raw sharp 11,”Pahabol ni Jei. Ng tuluyan na silang makaalis ay nilapitan ako ni Xedrick.

“Gig? Kumakanta pala kayo sa Bar?”Bakit hindi ko 'yon alam? Wala naman silang sinasabi saakin ang alam ko lang sa school events lang sila nagpe-perform.

“Yes. Pero ng next year pa ng huli kaming kumanta sa Bar, dahil kay mom punishment namin sa kagaguhan namin,”Kaya pala. Hindi na ako magtataka kung may punishments na ibinibigay si Madame sa kanila.

“Kelan? Gusto ko kayong mapanood,”Ngumiti naman sya kaya ayon kitang kita ko ang cute at malalalim nyang Dimples.

“Maybe mga 11 am,”biglang nawala ang ngiti ko, hindi ako makakapunta susunduin ako nila Lila.

“Sa susunod na lang.”Nangunot ang makinis nyang noo.

“Why?”

“Aalis pala kami nila Lila,”Malungkot na sabi ko, ngumiti naman sya at hinawakan ako sa baba.

“Wag ka ng malungkot, hindi pa naman ngayon ang last gig namin,”Tama sya pero gusto ko talaga syang mapanood pero hindi ko naman matanggihan sila Lyra e may utang pa nga ako sa kanila e.

Bigla naman nya akong niyakap.“May gagawin pa ako.”

Mas dumiin lang ang yakap nya kaya mas lalo kong naramdaman ang init ng katawan namin, pati yung, ano nya yung basta!--- bird!

“One hours pa,”

“Five minutes lang, namimihasa kana e,”

“Ten?”

“Five,”

“Nine?”

“Three minutes!”

“Fine! Five minutes!”

Napangiti na lang ako at niyakap sya pabalik. Hmm napakabango talaga ng mahal ko. yung amoy nya natural na mabango talaga kahit pinagpapawisan sya hindi ko pa sya naamoy na mabaho.

“I love you kulot ko,”Mas lalo akong napangiti, yung kilig tuwing sinasabi nya 'yan hindi ko na alam kung gaano kalayo aabot yung pakiramdam. Tsaka parang palaging first time nya yan sinasabi, Hindi nakakasawa.

“Mahal rin kita, Bakulaw ko.”





**





9 AM pa lang nag-ayos na ako, kupas na Jeans, Black Rubber shoes at simpleng White T-shirt lang ang suot ko at ang style naman ng buhok ko naka messy bun. Wala na akong ibang makuha sa damitan ko, yung ibang bigay kasi ni Catie hindi ko type yung style halos parang mauubusan kasi ng tela ang dating. Tsaka hindi ako sanay sa mga ganoong klaseng damit hindi bagay saakin, pang-mayaman kasi e.

“Ayos na ayos ah? May lakad ka?”Ani Ate Lilet, na tinignan pa ako mula paa hanggang Ulo, pero natigilan at nangunot ang noo nyang nakatingin sa Ulo ko.

“Bakit Ate Lilet?”

“Yung buhok mo, bakit ang gulo? Tignan mo sa salamin napakagulo tsaka may nagtatayuan tsk tsk,”Iiling iling na sabi nya at nilapitan pa ako papasok sa Kwarto namin, itinapat nya pa ako sa Human Size Mirror.

Tama sya ang dami ngang nagsisitayuan sa buhok ko parang binagyo, parang hindi ako nagsusuklay.

“Anong oras ka ba aalis?”Tanong nya at tinanggal ang pagkakatali sa buhok ko.

“Mamayang 10,”Saglit nyang tinignan ang Wall clock.

“Oh 9:25 am pa lang pala e, sino bang pupuntahan mo at nagmamadali ka?”Pinaupo naman nya ako sa Kahoy na upuan, at sinuklay nya ang buhok ko. Para kaming magkapatid tinatalian ng ate nya ang tamad nyang kapatid, nakakahiya tuloy kay ate Lilet.

“Mga kaibigan ko.”Simpleng sagot ko lang.

“Alam mo ba, magtatampo tong buhok mo kung hindi mo susuklayin, dapat mine-maintain mo sa suklay 'tong buhok mo, Ang ganda pa naman ng pagkakakulot ng buhok mo tsaka Blonde pa, nagpakulay ka ba?”

Umiling ako. “Nung una kitang nakita akala ko Nagpakulay at nagpakulot ka,”

Patuloy lang sya sa pagsuklay sa buhok ko, ng matapos nya ay maayos na ang pagkakaipit ng buhok ko kumpara sa kaninang parang hindi nagsusuklay.

“Salamat ate Lilet, hindi kasi talaga ako nagsusuklay ng madalas,”Ngumiti naman sya.

“Basta suklayin mo na palagi yang buhok mo,”Ngumiti ako at tumango.

Ang saya siguro kung sya ang Ate ko, feeling ko tuloy nagkaroon ako ng ate kahit ngayon lang.

Ng makarating ako sa sala ay naabutan ko yung magkakapatid kasama yung tatlo, naglalaro sila ng Video games sa malaking Flat screen, madalas na yatang wala rito yung tatlo nakakapagtaka naman.

“Pew pew! Booom!”

“Fvck! Humihina yata baby ko!”

Ang ingay nila. Ang sakit nila sa Tenga yung mga sigawan nila isama pa yung speaker.

“Oh hey kells! San punta mo?”Tanong saakin ni Xavier habang naglalaro.

“Oo nga, bihis na bihis ka huh?”si Jei na naglalaro rin.

“San lakad naten?”Si Ken na hawak ang Cellphone nya.

“Bakit ken sasama ka?”Tanong ni Xedrick rito na nakikipaglaro rin kila Xavier.

“Baka magalit ka e,”Pang-aasar ni ken.

“GagO,”Binato pa nya ng unan si Ken. Si Ken naman natatawang umilag.

“Kailangan mo ng umalis manonood pa kami ng Rated X videos hehe,”Napangiwi ako sa pinagsasasabi ni Brent, bwisit 'to kadiri e.

“Kulot ingat ka.”At kumindat pa saakin si Bakulaw, so ayun pinag-aasar na nila kami.

“Ayiiieut! nagagawa nga naman ng pag-ibig witwitiw!”

“Yun oh! Hokage moves!”

“Love is in the air! Wohoo! Kasalan na 'yan!”

Napangiti't napailing na lang ako sa pinagsasasabi nila. Paniguradong pinamumulahan na ako ng mukha ngayon dahil sa kilig. Napansin ko namang wala si Xander madalas na yatang nag-iisa 'yon bakit kaya? Lagi namang kasama nila 'yon.

“Nasaan si Xander?”Bigla namang napasimangot si Xedrick. Seloso talaga tsss.

“Bakit mo hinahanap?”Tanong ni Clyde.

“Hmm, nakakapanibago lang na hindi nyo sya kasama, nasan sya?”

“Kausap nya yung Girlfriend nyang Freelance Model yata 'yon, si Maureen,”Sagot ni Xavier habang naglalaro parin.

Haist. Nalulungkot ako sa nangyayari sa kanila ni Lyra, akala ko pa naman maayos na sila.

“Wala na ba sila ni Lyra?”si Ken.

“For sure hindi natiis ni Lyra ang taas ng pride nong gunggong na 'yon pano hindi gumagawa ng first move e mahal pa naman nya, dahil sa kasalanang nagawa ni Lyra,”Mahabang litanya ni Jei na naglalaro parin.

“Kasalanan ko naman kung bakit naghanap sya ng Iba e,”

“Lyra?!”

Gulat naman kaming lahat ng magsalita si Lyra, mabilis ko syang hinarap na kasama si Lila, nakangiti ito pero bakas ang lungkot na nagkukubli ro'n.

“I pushed him away from me, Hindi nya mahanap ang kapatawaran para saakin ang hirap namang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw ako, so that I gave up chasing after him,”Nilapitan ko naman sya at niyakap matapos ay nakangiting hinarap. Ngiting dinadamayan ang lungkot na nararamdaman nya na pilit nyang tinatago.

“Baby, I have to go na, may photoshoots pa ako today,”

“Okay then I'll drop you off,”.

“Sure!”

Lahat kami natahimik ng lumitaw si Xander kasama yung babaeng sa tingin ko ay yung Maureen, masaya silang magkasama nakaangkla pa yung Babae kay Xander na parang linta. Hindi maipagkakailang maganda si Maureen.

Hindi ko sya napansing pumasok kanina! Ibig sabihin kagabi pa sya nandito?!

Ang tahimik kaya ang awkward tuloy ng atmosphere tanging tunog lang ng speaker ang naririnig, parang walang balak mag-salita ang isa saamin. Ngumiti naman yung Babae saamin habang si Xander ay nakatingin kay Lyra.

“Ahm guys, Una na kami ha, may lakad pa kami tara na Lyra, Lila,”Pagputol ko sa awkwardness, hinawakan ko ang Braso ni Lyra at pinapatalikod sya.

Hindi na kasi maganda ang nangyayari rito e.





***




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top