Chapter Sixty Six
A/N: Oo. Corny ng MAGICAL NINE, basta 'yan ang pumasok sa utak ko ng pinagbubuntis ko 'tong ILWTSJ. (Pinagbubuntis?! Hansabe?! Hahaha you know what I mean naman diba? Haha lol) sa simula pa lang talaga nasa isip ko ng may grupo ang storya. At kakornihan ko ang umiral ng mabuo ang salitang magical nine sa utak ko. pasensya na po kung ang tagal ng UD huhu bear with me po.
Anyway enjoy!
***
CHAPTER SIXTY SIX
KELLIE’s POV
Lumipas na ang ilang araw naging maayos ang takbo ng Buhay namin ni Xedrick. Hindi na nanggugulo si Catie o maski sila Jackie at Oira. si Chandra naman wala na kaming balita. yung tatlo ay hindi na namin sila nakikita kahit pa nasa iisang School lang kami maski ang mga anino nila, si Catie ay umiiwas tuwing parehas kami ng class subject.
Si Lyra at Xander naman ay hindi na tuluyang nag-uusap, wala silang kibuan pag magkakasama kami pero tinitignan nila ang isa't isa ng palihim at alam kong mahal pa nila ang isa't isa pinangungunahan lang sila ng pride at alam kong ang nangyayari sa kanila ay pagsubok lang at malalampasan rin nila kagaya ng nangyari saamin ni Bakulaw kailangan lang nila ng Oras. Sinusubok lang sila at alam kong mao-overcome rin nila ang pagsubok.
Eto kami ni Bakulaw Malaya na kaming nakakapaglakad ni Xedrick ng magkasama kahit pa holding hands o sweet kami sa isa't-isa kagaya ngayon, papunta kami sa Canteen para mag-lunch. May mga napapatingin saamin hindi na nakakapagtaka kung bakit, e si Xedrick ang kasama ko.
“Bakulaw,”Nakangiting binalingan nya ako ng tingin, iwinawasiwas nya ang holding hands naming dalawa sa gilid namin.
“Balak kong bumisita sa next weekend kila mama,”sagot ko at saglit syang tinignan, hinihintay ang sagot nya. Namimiss ko narin sila. Gusto ko naring malaman kung maayos na ba ang kapatid ko, sana ay okay lang sila. Kinakabahan ako dahil may gustong pumatay saamin na paniguradong pinaghahanap na kami.
“Can I come with you?”Nakangiting tumango ako.
“Uy! Saan ka'yo pupunta?!”Biglang sulpot ni Brent kaya nagulat kami, nanggaling sya sa likod namin at hindi namin naramdamang nasa likod na pala namin sya.
Para syang bata na nasa harapan namin habang malaki ang pagkakangiti na hinihintay ang sagot naming dalawa.
“Damn you Brat!”napahalakhak naman si Brent.
“Wahaha! Magugulatin parin putek haha,”Napabuntong hininga na lang si Xedrick na masamang nakatingin kay Brent na natatawa parin.
“Hindi ka titigil?”Seryosong tanong ni Xedrick na nakaamba ang kamao kay Brent, tumigil naman si Brent na halata mong nagpipigil.
“Pfft, Oo na Oo na. chill out okay? Anyway san n'yo ba balak pumunta? Sama rin kami,”nagkatinginan kami ni Xedrick.
“No!”
Napanguso si Brent na parang bata dahil gusto nyang sumama.
“Why?!”
“Manggugulo lang ka'yo!”Bulyaw ni Xedrick kay Brent.
“Tsss, Baka nga? Isama n'yo na kami the more the merrier nga di'ba?”nakanguso paring pagmamakaawa ni Brent, nakabusangot naman si Xedrick.
“Tsk, tumigil ka nga kakanguso mo paduguin ko 'yan,”Hindi ko naman mapigilang matawa ng mahina at mapailing, ang harsh nya grabe haha.
“Bakit ako titigil cute kaya! Di'ba Kellie?”Sabi ni Brent na saakin na nakatingin.
“Hindi ka talaga titigil?”Nakatingin na si Brent kay Xedrick na nakabusangot na at nakanguso pa.
“Bakit ako matatakot?”Susuntukin na sana ni Xedrick si Brent pero nagpipigil ako ng tawang pinigilan ko s'ya, haist para talaga silang mga bata.
“Tama na nga 'yan para ka'yong mga bata, ah Brent Oo ang sagot pwedeng pwede ka'yong sumama,”Napakalaki na ng pagkakangiti ni Brent, nanlalaki pa ang mga matang nakatingin saakin. Nginitian ko lang sya.
“Really?!”sigaw nya.
“Oo nga,”tumango ako.
“We dinga?!”Sinimangutan ko sya.
“Ah sige wag na pala,”Pagbibiro ko.
“Uy joke lang hehe, bye lovers! I gotta go,”Tumatakbo sya paatras habang nag wawave saamin paalis. Ganoon rin ang ginawa ko ng paalis na sya. Ng mawala na sa paningin ko si Brent ay Binalingan ko ng tingin si Xedrick ng may maalala ako.
Yung wallet ng lalaki. Kailangan kong mahanap ang may-ari n'on, ako na mismo ang hahanap. Hindi naman sa wala akong tiwala sa nga pulis pero pakiramdam ko ay may nagtutulak saakin na ako na mismo ang mag-bigay kaya napagpasyahan kong ako na mismo ang hahanap sa may-ari ng wallet. Ngayon mismo.
“Bakulaw.”
“Hmm?”
“May pupuntahan ako, okay lang?”Nakagat ko ang dalawang labi ko. Baka kasi hindi nya ako payagan. Tinignan nya ako. Nagtatanong ang mga mata nya kung saan ako pupunta.
“Ah kase—
“Okay. You don't have to explain, may tiwala naman ako sa'yo. Sige na kung urgent yan puntahan mo na,”Napangiti ako at mabilisan syang niyakap.
“Gusto mo ba na ihatid kita?”tanong nya na inilingan ko. May practice pa sila ngayon para sa gig nila mamayang gabi ayaw ko namang hindi nanaman sya makapag practice. Basta kasi talaga saakin magii-skip sya sa practice o mismong gig nila.
“Wag na. ako na lang,”
“You sure?”
“Oo naman. Hindi na ako bata 'no,”ngumiti naman sya.
“Okay just call me if anything happen,”
***
Nasa istasyon ako ng Jeep habang hinahanap ang pwedeng address o calling card ng may ari nitong wallet, hindi naman ako nabigo at may calling card nga d'on na mabilis kong hinugot. Tinawagan ko ang number at isang ring lang ay may sumagot na. Wow ang bilis huh.
“Hi! Who's this?”Boses ng babae. Baka girlfriend nya?
“Uhm, ako po si Kellie Andrade, nandyan po ba si—“ tinignan ko ang calling card bago magsalita.
“Leandro Salazar?”
“Do you have appointment to Mr. Leandro Salazar ma'am?”nangunot ang noo ko. Mr? Ibig sabihin ba hindi nya 'yon girlfriend?! At ano appointment? Hindi kaya isang CEO yung Leandro Salazar? Kung gayon sabi na nga ba at mayaman 'yon, paniguradon barya lang sa taong 'yon ang laman ng wallet na ito pero kahit ganon ay kailangan ko parin itong ibalik sa kanya.
“Ma'am?”napabalik ako sa aking wisyo ng magsalita yung babae na sa tingin ko ay Secretary.
“Ah wala po, pero may kailangan po akong ibalik sa kanya, san ko po ba sya mahahanap?”Matagal bago nakasagot yung nasa kabilang linya.
“Ma'am, I'm sorry pero wala si sir Salazar sa office nya, if important po ang kailangan nyong isauli, kindly go to his Penthouse sa 50th floor, sa Salazar's Luxury Condominium thank you!”
Hindi pa ako nakakapagpasalamat ng binabaan na ako ng Babae kaya wala na akong nagawa. Malapit lang ang condominium na sinasabi ng Babae kaya wala pang ilang minuto akong nakarating.
Nasa tapat na ako ng Salazar's Luxury Condominium, nilingon ko pa ang buong building kaya napangiwi ako, grabe sya ba ang may-ari nito? Ang yaman naman nya talaga. Hindi lang condominium ang pag mamay-ari nya kundi kumpanya.
Pumasok na ako sa loob at napahanga ako sa ganda ng loob, pang mayaman talaga ang dating, hindi ko mapigilang mapanganga at libutin ang buong condo ang lawak at ganda, mukhang namamaintain ang kalinisan. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar kaya ganito na lang ka OA ang reaction ko.
Medyo nahiya ako ng may nga mayayamang pinagtitinginan ako kung kaya't mabilis na akong nagtungo sa Front Desk para tanungin kung naka-in ba si Mr. Salazar.
“Hi! Nandyan po ba si Mr. Leandro Salazar?”tanong ko kaagad sa Babaeng nasa Front Desk.
“Sino po sila?”napakamot ako sa ulo.
“Kellie Andrade po,”sagot ko na lang. Kailangan pa ba talagang tanungin ang pangalan ko? Hindi ba pwedeng Oo o Hindi na lang? May tinawagan sya sa Landline na sa tingin ko ay si Leandro Salazar, hindi ko gaanong naririnig ang pinag-uusapan nila kaya binaling ko na lang ang tingin ko sa paligid. Hindi ko mapigilang mamangha.
Itinuon ko na ang tingin ko sa Receptionist ng magsalita ito.
“Mr. Salazar is on his Penthouse, kanina ka pa po nya hinihintay,”Malaki ang pagkakangiting sabi ng Receptionist, kaya nagtaka ako. Bakit naman kaya ako hihintayin n'on? Panigurado namang dahil sa wallet. Lumabas naman yung babae sa Front desk matapos tumawag ng saglit na papalit sa kanya.
“This way ma'am,”Bago pa makapaglakad yung babae ay pinigilan ko na sya. Kaya ko namang pumunta d'on hindi na nya ako kailangang samahan.
“Ah miss, ako na lang kaya ko,”Kimi ko itong nginitian.
“Hindi ka po sasakay sa Elevator dito ma'am, sa Private Elevator po pinabasabi ni Sir Leandro,”tumango na lamang ako at sinundan yung receptionist papunta sa Private elevator.
Hindi nagtagal ay nasa tapat na kami ng Penthouse ng iwan na ako ng receptionist ay pinindot ko na ang Doorbell at wala pang ilang segundo ay bumukas kaagad ang pinto. Bumungad saakin yung lalaking nakita ko sa Parlor na nag mamay-ari ng wallet. Ngumiti ito at parang may kung anong ningning sa mga mata nya o nagha-hallucinate lang ako? Parang tuwang tuwa kasi ang mga mata nya ng nakita ako.
“Come in,”
Mas binuksan nya pa ang pinto kaya pumasok na ako, pagkapasok ko ay nilibot ko ang paningin ko sa kwarto, grabe nakakamangha naman ang kintab ng paligid mga expensive vases, makinang na parang araw na Chandelier. Halos lahat yata ng nandito ay hindi biro ang halaga.
Umupo sya sa One sitter sofa at nag dekwatro may isang goblet sa glass table. Nakatayo lang ako sa gilid na parang nahihiya at nililibot parin ang paningin sa paligid. Ng magsalita yung lalaki ay sa kanya ko na binaling ang tingin ko.
“Take a seat,”Tumango ako at umupo sa tapat nya na isahan rin.
“What's your name?”Seryosong tanong nya matapos ay sumimsim ng Wine, lalaking lalaki ang Boses nya lalo tuloy syang nagiging gwapo. Lalo na sa suot nyang Tuxedo, mukha talaga syang CEO sa suot nya paniguradong papunta na sya sa trabaho.
“Kellie Andrade po,”Ganoon parin ang reaksyon nya. Wala. hindi ko tuloy sya mabasa.
“Andrade? Hmm. your surname rings a bell,”Saglit pa syang napaisip.
“Po?”
Umupo na sya ng maayos at binaba ang hawak. “Anyway where's my wallet?”
Mabilis kong kinuha ang wallet nya sa sling bag ko at pinunasan iyon ng panyo ko bago ibigay sa kanya.
“Hindi mo na kailangan punasan.”ngayon ay nakangiti na sya. para syang bipolar kanina walang emosyon ngayon naman nakangiti. perk sa totoo lang gwapo nya lalo pag nakangiti pero mas gwapo ang Xedrick ko hihi.
Ng makuha nya ang picture ay inilapag nya sa glass table ang wallet at inurong yon sa tapat ko. Nagtatakang tinignan ko sya hawak ang lumang litrato.
“Pa-para san po 'tong wallet?”Ngumiti s'ya bago nagsalita.
“Importante saakin ang picture na nandito, and I am thankful that you give my wallet back, wala na akong copy nito. So as a Token of Appreciation, sayo na lang ang laman ng wallet at sabihin mo lang saakin kung anong pa ang gusto mo. Anything you want, I'll kindly give it to you, just name it,”
Kimi ko itong nginitian at iwinagayway ang mga palad ko sign na wag na.
“Nako hindi na po, okay na po saaking nakatulong ako,”Inusog ko ang wallet papunta sa harap nya, pero pinigilan nya ang kamay ko, ng maghawak ang mga kamay namin ay dumapo ang tingin ko sa yellow Bracelet na Manipis may naka engrave na L.
Teka? parang parehas kami ng Bracelet pero yung akin walang L e kasi K yun abbreviation ng Kellie sabi ni mama gawa nya raw yon o Binili nya? e kasi may kaparehas ako ng Bracelet.
Tinignan ko pa ng mabuti ang Bracelet nya at inaalala kung parehas nga ba talaga kami. matagal na kasing nakatago yung ganyan ko sa Cabinet ko sa bahay. maya maya'y kinuha nya ang kamay ko para ilagay ang wallet, gulat parin ako ng lingunin ko sya. walang kurap.
“Just take this, I know you need it, no buts I insist,”Umiling ako at binalik sa kanya ang wallet.
“Hindi ko po talaga kailangan 'yan stable po ang trabaho ko at sapat lang yon para sa pangangailangan namin, salamat na lang po,”Nakangiting sabi ko. wala naman syang nagawa at kinuha na lang ang wallet.
“I see.”May kinuha naman s'yang maliit na papel na galing sa bagong wallet nya, inilapag nya 'yon sa glass table at inurong ang papel papunta sa harap ko.
“That's my personal number, if you need anything or a friend just call me, count me in,”Tumango ako at isinilid ang papel sa bag ko.
“Anyway kumain ka na ba?”
“Opo sir kumain na po,”Napangisi naman sya.
“I am just nineteen drop too much formality, just call me Leandro, or Kuya Leandro? Will do”nanlaki ang mata ko sa gulat. Seryoso?! Nineteen?! kaya nyang mag manage ng kumpanya sa Edad na nineteen?! Akala ko mga nasa twenty plus na sya.
“Seryoso?! Nineteen ka palang? Dinga?”mahina syang natawa.
“Yes, at the age of fifteen dad trained me to manage companies, businesses. Because I am his only successor, and only son, nakapag-accelerate ako kaya naka graduate ako kaagad,”Tumango tango ako. Sa hitsura nya halata namang nineteen
Pa lang sya. pero sa edad nya na nag mamanage ng mga negosyo hindi halata sa edad nya.
“Kuyaaa! I am hungry! i want pizza”Sigaw ng batang babae habang tumatakbo yakap ang Teddy bear nyang panda. tantya ko ay Eleven years old na ang bata.
“Later baby,”napanguso ang bata at mas lalong lumapit, magkamukha silang dalawa na parang pinagbiyak na bunga. anak nya yata, pero masyado pa syang bata para mag-kaanak pero baka chickboy sya malay ko.
“I'm not baby anymore!”
Nabaling naman ang tingin saakin ng bata.“Who're you? we have the same eyes like kuya Leo!”
Kuya? Eh?
“Kellie si Lillian my little half sister,”Magiliw namang ngumiti si Lillian saakin, napangiti narin ako nakakahawa kasi ang mga ngiti nya.
Magkapatid pala akala ko mag-ama.
“Hi ate Kellie! i have no ate pwede ba you na lang? Hihi”pa-conyong sabi ng bata, saglit nabaling ang tingin ko kay Leandro na malaki ang pagkakangiting nakatingin saamin. Hindi ko maipaliwanag kung anong saya ang nakikita ko sa mga mata nya.
“O-oo naman,”
**
XEDRICK’s POV
(Practice Room)
“Xander, wala ka nanaman sa sarili mo, you can't strum properly, is this about between you and lyra?”Inis na sabi ni Jei. Napangiwi ito at napahimas sa batok. napailing ako sa inaasta nya these past few days.
Every time na may practice kami lagi syang lutang at wala sa tono mag-gitara na kayang kaya naman nya. Mastered na nya ang iba't ibang klase ng gitara since I can't remember, mabilis syang matuto. Tss nauulol kase pagdating sa babae. Well hindi ko naman sya masisisi parehas lang kami.
Xander can't answer, so Jei heaved a sigh.
“Xander, kung mahal mo habulin mo e gago ka kasi, por que tinulak ka palayo ginawa mo naman you shouldn't let her go ng ganun kadali e kaso tanga ka, ginamit mo pa ang ibang tao sinasaktan mo lang si Maureen pare. Shinota mo si Maureen para isalba yang pride mo,”saglit tumigil si Jei.
“You can't still move on? Then don't use other people. Nananakit ka ng Tao. you still love her right? Then do everything to get her back, mahal ka pa nung tao Believe me,”seryosong sabi ni Jei.
“Tama si Jei pare, hiwalayan mo si Maureen magpaka-totoo ka wag puro pride,”Gatong naman ni Ashe. walang sagot na nakuha yung dalawa kaya nagsalita na ako. nasasayang ang oras kailangan naming mag-practice. Narinig na ni Xander ang dapat nyang gawin.
“We have to practice, mamaya na ang gig,”saglit kong binalingan ng tingin si Xander.
“Okay back to start,”si Jei.
Bago pa kami makapag simulang mag practice ay may hindi inaasahan at hindi imbitadong bisita.
Si Chandra. what the heck is she doing here? Ano nanaman kayang plano nya. Bigla akong kinutuban sa mga ngising ipinupukol nya saakin.
“Chandra? what brought you here?”Clyde asked.
“Well, I am here to give Xedrick a Heartbreaking and Terrible news,”My forehead crinckled, saglit akong tinignan ng lahat.
“Kung paninira nanaman yan makakaalis ka na,”seryosong sabi ko.
“Then see these yourself, hindi ako naninira,”Ibinato nya ang mga pictures sa sahig, hindi ko alam kung ilang litrato iyon sa dami, pinulot ko ang isa. Nangunot ang noo ko ng mapagtantong si Kellie ang nasa picture kasama ang lalaking pamilyar saakin.
Kapwa sila nakangiti. She's smiling while looking at the guy as if she's in love with him. Fvck!
Biglang parang nanlamig ang paligid, nanginig ang mga kamay ko.
“W-what if edited lang 'to? Madali lang naman gumawa ng ganto e, kayang kaya ko nga tong gawin e!”si Ken na nilulukot ang picture at pilit na natatawa.
“Hindi yan edited, why don't you ask her later right? absent sya sa lahat ng classes at possible na kinikita nya ang ibang lalaki at sa condo pa talaga”Wala ng nagsalita ni isa saamin. Because she has a point.
Pero kung ide-deny 'to ni Kulot maniniwala ako.
“She can't do this to me,”Iiling iling ako at pinunit ang picture. pinagsisipa ko ang iba pang litrato.
"Yes she can! hindi mo pa ba nakikita ang evidences na binigay ko?! gosh! Don't tell me bibigyan mo sya ng second chance? Gosh you're so marupok you know?!"
Naiinis na binalingan ko sya ng tingin. Nagbabanta to be exact. namutla ang buong mukha nya at hindi makapagsalita.
“Umalis ka!”
“Xed–”
“Sabi ko umalis ka na!”
She immediately turned her back on me.
Binalingan ko lahat ng litrato.
Please kulot deny those fvcking pictures.
Pero Tangin@ anong ginagawa n'ya sa condo kasama ang lalaki?! It hurts imagining her with another man. hindi ko alam kung gaano kasakit basta sobrang sakit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top