Chapter Sixty One
A/n: Yehey! 200k+ reads na po ang ILWTSJ ❤ maraming salamat po!
Pasensya na kung matagal ang Update busy po kasi sa pag -aaral char haha. Enjoy! Hihi.
***
CHAPTER SIXTY ONE
KELLIE’s POV
ISANG araw na ang lumipas at sa isang araw na 'yon hindi na rito dumadalaw ang magkapatid marahil sa takot kay Madame Aliah, speaking of madame aliah, isang araw na rin syang hindi nakakadalaw rito dahil may Business Trip nanaman ito sa Canada. Hindi ako nito nakausap dahil nagmamadali, ng araw na malaman nya ang katotohanan ay syang pag-alis nya.
Sana hindi na tutol si Madame sa relasyon namin kahit pa alam kong pwede parin syang tumutol saamin, baka kasi iniisip nyang hindi parin ako ang babae para kay Bakulaw.
Sino ba naman ako? Isa lang naman akong hamak na tao, hindi ako mayaman hindi kagaya ni Xedrick, baka hindi kagaya ko ang matatanggap ni Madame para sa anak nya, baka mayaman at lalong hindi ako 'yon. Kaya abot langit parin ang kaba ko kay Madame.
Hindi ko nga alam kung welcome parin ako sa mansion, pero sana, sana matanggap nya kami.
Samantalang si Xedrick naman ay medyo maayos na ang kalagayan, hindi na sya dumadaing sa totoo lang banat ng banat, ang lakas na ng trip ng loko.
Gusto nga nyang lumabas sa Hospital at sa Mansion na lang tuluyan mag-pagaling, kaya maya maya lang uuwi na kami sa mansion mabuti na nga lang at pinayagan sya ng Doctor.
“Pleaseee! gusto naming makita si Xedrick!”
“Huhu, nag-aalala na kami, kuyang guard,”
“Oo nga! pagbigyan nyo naman kami,”
Bahagya kong sinilip ang bintana dahil ang iingay ng mga fans ni Xedrick, kanina pa silang umaga sa labas at kanina pa nagtitimpi ang Guard sa Kanila na paulit ulit na yata ang sinasabi.
Mahigit limang oras na silang nag-hihintay pero kahit isang sulyap kay Xedrick hindi nila nagawa ang mga regalo nila hindi pa nila naiibigay, mahigpit kasing pinagbabawal ni Madame na wag tumanggap ng kahit ano sa mga ito.
Nung unang araw ay isa lang ang guard samantalang ngayon ay tatlo na.
“Hindi nga pwede ang gusto ninyo, kung ako sa inyo magsi-uwi na kayo nagsasayang lang kayo ng oras dito,”Inis na sabi ng guard kaya napasimangot nanaman ang mga fans ni Xedrick.
Mukhang kakagaling lang nila sa School dahil narin sa mga suot nilang uniporme ng Sau, baka nga yung iba hindi na nagsipasok para lang bumisita.
Lumayo ako sa bintana at napabuntong hininga bago harapin silang lahat, nagtaka naman sila at parang minumukhaan pa kung sino ako.
Ngumiti ako.“Kung tinatanong nyo kung maayos lang si Xedrick, wag kayong mag-alala maayos naman sya, at alam kong gantong oras ay may pasok pa kaya sige na magsipasok na kayo, iwan nyo na ang mga regalo nyo dahil ako mismo ang magbibigay nyan kay Xedrick, makakaasa kayo,”
Nagkatinginan sila at nagbulungan.
“Ineng bawal tumanggap ng kahit ano si Sir Xedrick, utos iyon ni Madame,”
Binalingan ko ng tingin ang Guard at nginitian. “Wag po kayong mag-alala alam naman ni Madame kaya ayos lang,”
Muli kong binalingan ang mga fans ni Xedrick.
“Gusto naming makita si Xedrick!”
“Oo nga! Hindi kami aalis hangga't hindi namin sya makikita!”
Napakamot ako sa ulo, haist ang hirap pala talaga nilang pakiusapan ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga guard lalo na sa mga makukulit.
“Nagpapahinga pa si Xedrick, ayaw nyo naman sigurong ma-istorbo sya diba? Kaya ganto na lang ako na mismo ang mag-aabot ng mga dala nyo na para sa kanya, alam kong aware kayo na na-operahan sya at wala pang linggo ng mangyari iyon kaya kailangan nya ng pahinga,”Mahabang paliwanag ko kaya naman parang nagdadalawang isip sila na aalis ba o pipirmi parin rito, nagkatinginan pa nga sila at nag-usap.
“Alam ko namang concerned kayo kay Xedrick pero sa ngayon kasi ay kailangan nya muna ng pahinga isa pa natutulog sya ngayon kaya hindi nyo sya makakausap, pero wag kayong mag-alala makikita nyo pa naman sya sa school pero hindi sa ngayon,”
Sana naman makinig na sila, sayang ang matututunan nila kung nandito lang sila, kahit pa sabihing mayayaman ang karamihan sa kanila hindi parin sapat na dahilan iyon para hindi sila magsipasok, sayang ang tuition fee ang laki kaya.
Tsaka nakakaabala narin sila sa dinadaanan nasa hallway pa naman sila kanina pa, kahit nga ang guard ng hospital pinapalabas na sila pero sa dami nilang lumalaban hindi sila napalabas. Naiintidihan ko namang mahal nila si Xedrick pero sana maintindihan nila na kailangan rin nitong magpahinga at hindi nila kailangang ipagpilitan ang gusto nila.
“Are you Xedrick's girlfriend?”Kunot noong tanong ng isa sa kanila na mabilis kong tinanguhan na may kasamang ngiti, hindi narin ako tatanggi para saan pa? Alam narin ni Madame at isa pa gusto ko naring malaman ng lahat na nagmamahalan kami ni Xedrick At natutunan kong hindi dapat namin sinikreto ni Xedrick una pa lang dahil mahal namin ang isa't isa at hindi namin kailangang magtago.
Wala na akong pakialam kahit ano pang sabihin ng iba tungkol saamin basta mahal namin ang isa't isa yon ang mahalaga.
“Really?!”
Lahat sila hindi makapaniwala, sino nga ba naman ang mag-aakalang magkaka girlfriend ang heartthrob ng campus ng isang ordinaryong babae? Syempre magtataka ka, pero hindi naman mahalaga kung hindi kayo parehas ng antas ng buhay o kahit mga imperfections mo, dahil iyon ang taong alam mong mahal mo, ang nagpatibok ng puso mo.
“Kyaaah! yung ibang member ng Magical 9 paparating gosh!”
“Maganda na ba ako?!”
“Wow! Ang gagwapo nila!”
Lahat sila nabaling ang tingin sa walo na kadarating lang mula sa school, may pasimpleng pa-cute pa sa mga girls kaya ayun mas lalong umingay sa hallway na parang may Concert.
Kinindatan ako ni Toppher sign na tinulungan nila akong makatakas sa mga tanong. ng wala ng ni isang nakatingin ay pumasok na ako sa loob ng dahan dahan.
Pagpasok ko ay gising na si Xedrick nakaupo na nakatagilid sa gawi ko at ngingiwing hinihimas ang likod ng ulo nya, ng makita nya ako ay kaagad nyang ibinaba ang kamay nya.
“Masama pa ba pakiramdam mo?”
Nagtungo ako sa table at binalatan ang mansanas para sa kanya.
“Hindi naman,”
Parang kanina lang ang himbing pa ng tulog nya, naingayan siguro sa mga fans nya na kanina pa nagmamakaawang makita sya.
“Oo nga pala, mamaya lang pwede ka ng lumabas aayusin ko na mga gamit mo,”Tumayo ako para iimpake na ang mga gamit nya.
Pero natigilan ako ng mag-ring ang phone ko na nasa bag ko kaya dali dali ko iyong kinuha, nangunot ang noo ko dahil unregistered number ang tumatawag, hindi ko alam kung bakit bigla na lang kumabog ang dibdib ko.
“Kulot, who's that?”ngusong tanong ni Xedrick. Nagkibit balikat ako dahil hindi ko alam.
Pero sinagot ko parin baka kasi importante.
“A spam?”
“Baka,”
Ng sagutin ko ay walang nagsasalita sa kabilang linya tanging garalgal lang.
“Hello? sino 'to?”kahit isang salita ay wala akong narinig hanggang sa nag call ended na lang.
“Weird. walang nagsalita,”Bulong ko. Mabilis ko ng binulsa ang phone ko at isinilid ang mga gamit ni Xedrick sa maleta.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok yung walo na mga nakasimangot, paniguradong pinagkaguluhan lang naman sila.
“Aish! yung buhok ko kaka-wax lang nito e,”Si Jei na inaayos ang buhok nya.
“Wooh ang hot talaga ni Xavier,”As usual ang hari ng mga Yogurt.
Mukhang kakagaling lang nila sa school, pero mukhang wala namang laman mga bag nila.
“Himala yatang hindi na nagpupunta rito yung magkapatid?”Ani Brent nagtataka.
“Bakit pre miss mo?”Pang-aasar ni Toppher kaya napasimangot si Brent.
“Hell no!”
“Mama mo Hell no,”Sabat ni Ashe.
“Manahimik na nga kayo parang mga bata,”Sabi ko iiling iling dahil sa ka-childish-an nila.
“Nga pala bakit mo iniimpake mga gamit ni Xedrick? Magtatanan na kayo?”Si Clyde na tinawanan ko na lang.
“Hindi ‘no, uuwi na si Xedrick ngayon mas gusto nyang magpagaling sa mansion, pinayagan naman sya ng Doctor nya,”Paliwanag ko.
Hindi na ako magtataka kung hindi nila alam e wala namang balak mag-kwento 'tong si Xedrick sa kanila na sa Mansion na lang sya tuluyang magpapagaling.
“Bakit hindi namin alam?!”Nakangusong tanong ni Brent.
“Bakit nagtanong ba kayo?”Aroganteng sagot ni Xedrick.
“By the way, si Mommy nag hire na ng maraming guards at maids kadarating lang nila kanina,”
Mabilis ko namang binalingan ng tingin si Xander, habang malaki na ang pagkakangiti ko, masya ako kasi marami na kaming maid na kikilos sa mansion, naaawa kasi ako kay manang, sya ang gumagawa sa gawaing bahay mag-isa tuwing papasok ako.
Pero hanggang ngayon curious parin ako kung bakit halos walang kasambahay ang mga Andersons.
**
HOURS LATER (at mansion)
Pagkapasok sa mansion ay kaagad na bumungad ang malaking tarpaulin na may 'Welcome Back Xedrick!' Sumalubong saamin si Madame, Manang, Lyra at Lila.
Napangiti't napakamot si Xedrick, paniguradong na-touch sya sa effort namin, Oo namin. pinag-usapan naming lahat 'to tuwing natutulog si Xedrick, actually Idea ko 'to at tinulungan na nila ako.
“Kakakilig naman,”
Natawa naman kami sa sinabi ni Xedrick ngingisi ngisi at kumakamot pa sa ulo nya.
“Oh? Ano pang hinihintay natin? Kainan naaaa!”si Xavier na saglit pang humigop sa yogurt nanaman nya, inakbayan naman sya ni Jei na ngingisi ngisi.
“Basta talaga pagkain e ‘no?”
“Hindi, yung yogurt na nirequest na ihanda lang inaabangan ko hehe,”Ani Xedrick kaya natawa kaming lahat, ang adik nya talaga sa yogurt parang drugs nya na yan e haha.
Napansin ko namang saglit na binalingan ng tingin ni Madame ang Holding hands namin ni Xedrick kaya mas lalo akong kinabahan sa kanya, saglit lang 'yon at iba naman ang binalingan nya ng tingin habang nakangiti.
“So? Ano pang hinihintay natin? Let's eat,”Ani Madame kaya nagsitungo na sila sa malaking hapag na punong puno ng iba't ibang klase ng masasarap na pagkain.
Kaming tatlo ang naiwan habang ang iba ay nagsisimula ng magsi-kain, kinabahan naman ako sa anumang negatibong sasabihin ni Madame, na baka sabihin nya nanaman ulit na kailangan naming mag-hiwalay, hindi ko kaya 'yon. Mahal ko si Xedrick at hindi ko sya kayang iwanan.
“Kellie, we have to talk,”Nagulat naman ako, saglit kaming nagkatinginan ni Xedrick, ngumiti sya saakin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko bago iyon bitawan, pero bago pa nya bitawan ang kamay ko ay hinawakan ko ulit sya dala ng kaba, ayaw kong umalis sya, gusto ko dito lang sya sa tabi ko kahit hindi pwede dahil ako lang ang gustong makusap ni Madame.
Tuluyan ng umalis si Xedrick at nakisalo na sa kainan, kaya naiwan kami ni Madame, naitungo ko ang ulo ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.
“Thank you hija,”
Gulat kong nilingon si Madame na nakangiti, alam kong sincere si Madame ng sabihin nya iyon, pakiramdam ko nawala ang pangamba ko ng sabihin nya iyon.
“Po?”
“Sorry kung pinilit ko kayong paglayuin ni Xedrick, now I know who deserve him and that's you, napagtanto kong hindi mahalaga ang pera kundi ang tunay na pagmamahal,”Gulat parin ako at speechless, hindi ko aakalaing darating sa ganto. Ang sarap sa pakiramdam na hindi na tutol si Madame saamin.
Kaagad naman nyang kinuha ang kamay ko.“Please don't leave my son, minsan na syang nasaktan ng dahil sa pag-ibig at dahil d'on nagbago sya, pero ng dumating ka sa buhay nya unti unti syang nagbabago na kaya nyang i-sacrifice ang sarili nya para sayo and because of that I realized he loves you more than anything, please stay with him even in the hardest of times,”Ngumiti ako at hinawakan pabalik ang kamay ni Madame.
“Wag po kayong mag-alala aalagaan ko po si Xedrick, hindi ko po sya iiwan, wala man po ako ng kahit anong materyal na bagay na kayang ibigay ni Catie, ibibigay ko po ang pagmamahal ko para kay Xedrick ng Buo,”
“Kung hindi mo pa sinabing yung babaeng 'yon ang dahilan ng muntik na pagkabulag ng anak ko ay baka hanggang ngayon ay bulag parin ako sa pinagsasasabi nya, at kahit pa ipagyabang ng magulang nya kung gaano kalula ang kayamanan nila para lang pumayag ako sa Kasal ay hindi na ako kailanman papayag ulit,”
Gustong ipakasal ni Madame si Xedrick kay Catie para sa pera at dahil narin na magkaibigan ang mga magulang nila. Naiintindihan ko namang para sa Business ang iniisip ni Madame at ang paraan para don ay ipakasal si Catie kay Xedrick, pero hindi nya dapat ipinilit kay Xedrick ang gusto nya, pero ngayon maayos na ang lahat hindi na namin kailangang magsikreto sa iba tungkol sa relasyon namin.
“Kahit pa walang wala ka the money or anything that doesn't matter to me anymore ang gusto ko lang mahalin mo sya ng Totoo at huwag syang iwan, I don't want to see my son in pain again,”
“Makakaasa po kayo, hinding hindi ko po iiwan si Xedrick,”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top