Chapter Sixty Nine
A/N; Sooo ayuuun! malapit na pong matapos ang BOOK ONE, thank youuu, sana ay abangan nyo rin ang BOOK TWO sooon! Hehezzz.
***
CHAPTER SIXTY NINE
NARRATOR's POV
"Kellie! Anak!"
Kaagad namang nagtungo ang dalawa sa main door kung saan nakatayo ang mama ni Kellie, seryoso ang expression ng mukha nito. Nasa likod naman n'ya si Hazel na hawak ang balikat ng ginang para pakalmahin ito pero hindi s'ya nito pinapakinggan.
"Sino po ba ka'yo? Miss hindi n'yo po kailangang sumigaw,"
"Kumalma po ka'yo,"
Inaawat ito ng tatlong kasambahay pero hindi parin ito tumitigil kasisigaw sa pangalan ng anak.
Maski ang siyam ay bumaba ng marinig ang malakas na sigaw ng ginang na nasa mini bar lang na hindi ganoon kalayo sa main door, pati si Johann na nasa kusina. halos mag-echo rin kasi ang boses nito sa mansion.
Ng makarating si Kellie at Xedrick ay nagtataka ang mga hitsura nito.
"Who's she?"bulong na tanong ni Xedrick kay kellie, hindi naman nag-atubiling tignan ng dalaga ang binata at sinagot lamang.
"Si mama,"nagtataka ito kung bakit nandito ang mama n'ya e hindi naman nito alam ang address ng mansion hindi naman n'ya binanggit rito. Nag-aalalang nakatingin sa kanyang ang kanyang Ina at nagmamakaawang sumama na sa kanya.
"Ma, Sel bakit nandito ka'yo?"muntik na s'yang mautal, kinakabahan s'ya at hindi n'ya alam kung bakit, nanlalamig ang mga palad n'yang hawak ni Xedrick na saglit s'yang tinignan at diniinan ang pagkakahawak sa palad nito para kahit papaano mawala ang panlalamig nito.
"S-Sel?"
Lahat ng tingin ay nabaling ang tingin kay Toppher na nakatitig kay Hazel pinagmamasdang mabuti kung ito ang batang nakilala n'ya at ang matagal na n'yang gustong makita, hindi s'ya makapaniwala. nananaginip lang ka'ya s'ya?
"Eh? sino ka? Kilala mo ako?"napakamot ito sa ulo at inaalala kung nakita o kilala n'ya ba ang binata. sino ka'ya ang gwapong ito? bakit n'ya ako kilala kilala ko ka'ya s'ya? Isip ni Hazel.
"It's me, Tuktok, can't you remember me?"nagagalak na sabi ni Toppher. Bukol bukol na ang pawis ng binata sa kaba, at ang bilis ng tibok ng puso n'ya kakaiba. ngayon n'ya lang naramdaman ang ganto.
Ilang minuto pang nag-isip ang dalaga hanggang sa..."Oh my g! ikaw na ba 'yan tuktok?! Hehe ang laki ng pinagbago mo ang gwapo mo!"
Lumaki ang ngiti ng binata tuwang tuwa, sa wakas ay nakita na n'ya muli ang kalaro na matagal na n'yang gustong makita, nabaliw s'ya nito kung kaya't hinanap n'ya ito pinahanap subalit hindi n'ya nahanap kaya sumuko s'ya, hindi nya ineexpect ang araw na 'to ang araw na makikita n'ya ang minahal at nagpabaliw sa kanya.
"Pero teka lang! Hmm hindi ko nalaman kung bakit nagpunta ka'yo sa lugar namen---- Omo! oo nga pala kila aling katreng pala ka'yo nagpunta n'on,"nakangiting sabi nito at saglit napakamot sa ulo.
Naguguluhan ang lahat napapaisip kung anong meron.
"Ma, bakit ba ka'yo nandito?"kunot noong tanong ni Kellie.
"Nandito ako para sunduin ka! Kailangan mong sumama saakin!"sigaw n'ya at mabilis na nilapitan ang anak at hinawakan sa kanang pulso nito at saglit na binalingan ng seryosong tingin si Xedrick.
Bago pa mahatak ng ginang ang anak ay nagsalita na ito. "Ma naman! napag-usapan na po natin 'to, hanggang dito ba naman pagtatalunan natin 'yan?!"maiiyak na s'ya sa inaasta ng ina ayaw n'yang sumama rito dahil ayaw n'yang iwan ang mga kaibigan mga naging malapit sa kanya lalo na ang Nobyo.
"What's happening in here?"
Lahat kami nabaling ang tingin kay Madame Aliah na pababa na sa grand staircase na inaalalayan ng isa sa mga kasambahay. Binabalot ng sophistikasyon si Madame Aliah kahit namamahinga ito ay aakalain mong mamamasyal sa ayos ng damit nito.
Nagkatinginan si Aliah at Katrina, nagulat si Katrina ngunit si Aliah ay walang ekpresyon ang maamong mukha.
"A-aliah!"
"It's nice to see you again my dearest friend,"Fake smile formed on Aliah's lips, si Katrina naman ay naging seryoso ang mukhang nakatingin parin kay Aliah.
Nagulat ang lahat at mas lalong naguluhan sa nangyayari, ano daw? Dearest friend?
"What brought you here?"tanong nito pagkababa.
"I don't get this, can someone tell me what's going on?"tanong ni Brent, subalit walang pumansin sa kanya, salit salit ang tingin nila kay Aliah at Katrina na seryosong nagpapalitan ng tingin.
"Nandito ako para sunduin ang anak ko,"seryosong sagot dito ng ginang.
Binalingan ni Aliah ng tingin si Kellie na naguguluhan rin, nginitian pa nito ang dalaga, subalit sa loob n'ya ay galit ang nararamdaman n'ya para rito sa kanila ng kanyang ina. Dahil alam na n'ya ang lahat.
"It's nice to finally meet and lived with the only daughter of Dante, I didn't see this day coming,"Napasinghap sa gulat at namilog ang mata ng lahat, hindi makapaniwala sa sinabi ng ginang.
Si Xedrick ay nangunot ang noo si Kellie ay parang nanghihina ang mga tuhod at ilang beses umaling, hindi s'ya naniniwala mali lang ang akala nito hindi 'yon pwedeng mangyari. hindi.
"Mom! ano ba ang sinasabi mo?! That can't be happen!"mabilis n'yang binalingan ng tingin ang anak, this time seryoso na ito. Malamig na ang mga tingin nito.
"Yes it can!"sagot nito. Ilang beses napailing ang binata at napalunok tila nanuyot ang lalamunan nito.
"They plan it all! Plinano nilang pumasok sa buhay natin para kuhain ang perang ipapamana ng ama mo para sa anak n'ya sa labas!--- bago pa nito matuloy ang sasabihin ay pinutol na ito ni Katrina ang pambibintang nito laban sa kanilang mag-ina.
"Magdahan dahan ka sa pananalita mo Aliah! Kahit kailan ay hindi ako o maski ang anak ko naghabol sa pera ninyo! At saating dalawa ikaw ang kabit! Dahil kasal na kami ni Dante ng mabuntis ka n'ya!"
Napangisi nanaman si Aliah hanggang sa napuno ng sarkastikong tawa ang paligid.
"Pinagbubuntis ko na ang pang-apat naming anak pero ikaw parin ang pinili n'ya dahil ikaw ang mahal n'ya!"
Kumirot ang bandang dibdib ni
Katrina, 'yon ang dahilan ng paghihiwalay nila tinago nito ang tungkol sa mga anak nito at kung nalaman n'ya lamang ng mas maaga ay wala sanang gulo. Samantalang ang magkakapatid ay nakaramdam ng poot sa ama, hindi sila makapaniwalang nagawa ito ng ama sa kanila. mas pinili parin nito ang minamahal kesa sa sarili n'yang dugo't laman.
"And about the marriage, peke ang kasal ninyo ni Dante! tingin mo ba hahayaan ni Papa na makasal si Dante sa ibang babae?! Lalo pa't buntis ako at may tatlo na kaming anak?!"Saglit na tumigil sa pagsasalita ang ginang."Peke ang paring nagkasal sa inyo pati ang papel na pinirmahan ninyo, and thanks to papa who handle all of it para hindi mawala ang lalaking mahal na mahal ko at ang lalaking itinakdang ikasal para saakin,"mala-demonyong itong ngumiti dahilan para kumulo ang dugo at mamula si Katrina sa galit. Siguro kung hindi lamang n'ya iniwan si Dante ay silang dalawa sana ang masaya ngayon, subalit ang mga magulang nito ay tutol sa Relasyon nila. pero sapat narin sa kanyang nakasama n'ya ito ng mahigit dalawang Buwan bago ito mamatay.
Napatingin si Xedrick kay Kellie ng dahan dahan nitong kalasin ang magkahawak nilang kamay, lumuluha na ang dalaga maski s'ya.
Hindi nila matanggap ang nalaman hindi matanggap ng sistema nila.
Bakit ba kung kailan malalim na ang kanilang pagmamahalan saka naman pumutok ang katotohanan? Napakalupit talaga ng tadhana.
"Oh God... I can't believe dad can do that,"malungkot na bulong ni Xavier na nabitawan ang yogurt na hawak.
"No no no..."natatawa si Xedrick habang hindi makapaniwalang umiiling. Hindi s'ya makapaniwala, para itong hihimatayin ano mang oras.
"Hindi ka na nakuntento kay Leandro! sinira mo pa ang kasal namin ni Dante!"
Ang kaninang nakatungo ang ulong si Kellie ay kaagad na nagtaas ng ulo at nagtatakang binalingan ng tingin si Aliah na taas noo at seryoso ang tingin.
"Leandro?"
"Si Leandro Salazar! Ang malandi mong ina ay may relasyon kay Leandro dahil malandi s'ya pati si Dante ay gusto n'yang makuha!"Gulat, galit at mga katanungan ang nararamdaman n'ya sa mga oras na 'yon.
Leandro Salazar? Hindi kaya?- napaka imposibleng s'ya yon. Oo tama baka coincidence lang 'yon. E pano kung ang.... Tatay pala nito ang tinutukoy? Naalala n'ya ang Jr sa dulo ng pangalan nito. kailangan n'ya sigurong makausap ito para masagot ang tanong n'ya. pero wala ng magagawa 'yon kahit pa malaman na n'ya. pero wala nga ba?
"You and Leandro have son!"sigaw nito. nanlaki ang mata ni Kellie.
Hindi ka'ya...
"Papaano mo-"
"Papaano ko nalaman? sinabi n'ya saakin! He want you back lalo pang buntis ka at s'ya ang ama, pero dineny mo at sinabi mong na-rape ka, hindi ako naniniwala because leandro got you first I saw both of you naked in one of our Guest room. Lasing ka'yo that time,"
"Nabuntis ka ng mga panahong nag-aaral pa lang ta'yo at hindi mo ka'ya ang kahihiyan at palakihin ang bata ka'ya tumigil ka ng pag-aaral at tumira ka sa magulang mo ng limang taon, ng mga panahong 'yon kasal na kami ni Dante at pinilit n'yang ipeke ang kasal namin but he can't, he can't against papa, tuwing gabi ay laging pangalan mo ang naririnig ko sa kanya at araw araw rin halos pinapatay ang buong pagkatao ko,"
"Isang araw nalaman kong limang taon ka na n'yang pinapahanap ay mas lalo akong naging miserable at para akong pinapatay Literally , pero ang mas malala ay ng makita ka n'ya ay sumama s'ya sa'yo kaysa saaming pamilya n'ya,"Halos maiyak ang ginang habang kinukwento ang lahat.
"Hindi ko ginustong manira ng pamilya Aliah! wala akong inagaw sa'yo! parehas lang ta'yong niloko ni Dante, kagaya mo naloko lang ako. Hindi mo saakin dapat sinisisi ang galit na para kay Dante!"sigaw nito ngunit hindi 'yon pinaniwalaan ni Aliah.
"Sinungaling! it's beyond impossible for you to know about it! Kilala ang Pamilya ko sa buong pilipinas! Binalita ang kasal at ang tungkol sa nabuo naming pamilya ni Dante na kailan lang nabunyag, paanong hindi mo alam? Oh talagang natural na sayo ang pagiging mang-aagaw! Malandi ka!"
Napakuyom ang mga kamao ni Kellie sa sobrang galit habang nakatungo, hindi nito nagustuhan ang tabas ng dila ni Aliah, habang si Katrina naman ay parang gustong sugurin si Aliah ngunit pinipigilan ang sarili.
"Mawalang galang na po, aalis na kami,"akmang tatalikod na s'ya subalit humabol pa ng sasabihin si Aliah na lalong nagpainit ng ulo n'ya.
"For sure you'll come here again for your inheritance, sayang rin 'yon kalahati ng mamanahin ng mga anak ko, 50% for my sons and 50% for you, so see you again? Maybe in court?"sarkastikong ngumiti si Aliah at nakataas pa ang isang kilay.
Muli namang nagulat ang magkakapatid sa sinabi ng kanilang Ina, ganto nito kamahal ang anak sa ibang Babae kesa sa kanila at husto silang nasaktan dahil d'on.
"Sapat na saaking malaman ang katotohanan, wag ho ka'yong mag-alala hinding hindi n'yo na ho kami makikita,"pigil sa galit nitong saad, hindi na n'ya binalingan ng tingin si Xedrick na tahimik na nasa tabi n'ya. Gustong gusto n'ya itong lingunin pero hindi n'ya ginawa dahil mas mahihirapan lang s'yang iwan ang Binata.
Nagsimula na s'yang maglakad patalikod na sinundan ni Sel at ni Katrina, ayaw pa sanang umalis nitong si Sel pero wala s'yang nagawa kundi ang umalis narin at malungkot na nginitian si Toppher na kimi lamang s'yang nginitian. isa pa siguradong hindi ito ang huling pagkikita nila.
Si Xedrick naman ay mabilis na naglakad palabas para sundan ang dalaga, damn! hindi n'ya ka'yang wala ang dalaga sa buhay n'ya. Hindi n'ya pinakinggan ang pag tawag sa kanya ng ina bagkus ay mas binilisan n'ya pa ang takbo para sundan ito.
Palabas na sana ng gate ang mga ito ng pumwesto s'ya sa harapan ng mga ito upang pigilan at lumuhod, hinawakan n'ya ang dalawang palad ni Kellie nagmamakaawa na wag itong umalis. kaagad naglihis ng tingin ang dalaga dahil ayaw n'yang bumigay rito na kung magpapatuloy ito ay baka bumigay s'ya at hindi tuluyang iwan ang binata kahit na bawal.
"Please don't leave..."Halos pumiyok ang binata.
"Hindi na natin maaaring ituloy 'to Xedrick, hindi na pwede, at alam nating sa simula't sapul ay hindi dapat, tama na parang awa mo na,"Hinigit n'ya ang palad n'ya pabalik.
"Please just for us... Kahit hindi na para saakin. manatili ka rito, kahit papaano magka-... Damn,"hindi n'ya matuloy ang sasabihin dahil hindi n'ya parin natatanggap. at alam n'yang kahit kailan ay hindi n'ya matatanggap.
"Kahit pa mag---magkapatid ta'yo ay hindi parin ako maaaring tumira sa isang bubong kasama ninyo, siguro sapat narin ang ilang buwan na pagsasama natin,"Her mouth says she's leaving but her eyes speaks of staying.
Hindi nila alam kung ilang kutsilyo ang tumatarak sa puso nila sa sobrang sakit. mahihirapan silang mamuhay na wala ang isa't isa pero kailangan.
"But I can't,"
Malungkot s'yang ngumiti at pinantayan ang binata na nakatungo ang ulo, marahan n'yang tinapik ang balikat ng binata.
"Alam kong makakaya mo, tandaan mo hindi ito ang unang beses na nasaktan ka, nakaya mo nga ng una ngayon pa ka'ya? Kayanin mo ha? ingatan mo ang sarili mo, la--lagi kang mag-iingat ha? wag laging mainitin ang ulo mo, wag kang magpapalipas ng gutom, wag kang magpapapawis ng husto tsaka lagi mong galingan sa mga gig ninyo."Halos pumiyok ang tinig n'ya.
"Sayang at hindi manlang ako nagkaroon ng chance na mapanood kang magperform, pero hindi pa naman ito ang huling pagkikita natin pangako 'yan,"mapait s'yang napangiti. Hindi na n'ya napigilan ang nagbabadya nanamang mga luha. Tila hindi maubos ubos ang luha sa tearglands n'ya.
Nag-angat s'ya ng mukha kapwa nila sinalubong ang puno ng lungkot nilang mga mata.
Hindi naman na nakapagtimpi si Katrina at hinatak sa braso si Kellie patayo, maski ito ay nasasaktang nakikitang nasasaktan ang anak. kung pwede lamang sanang akuin n'ya ang sakit na nararamdaman ng anak ay kanina n'ya pa ginawa.
"Halika na anak,"
"Ma, hi--hintayin n'yo na lang po muna ako sa labas,"pakiusap nito sa ina, napabuntong hininga na lamang ang ginang at sinama palabas si Sel.
"Tumayo ka na, hindi ka manlang ba magsasalita?"malungkot na saad ng dalaga rito na nakaluhod parin habang nakatungo ang ulo.
Dahan dahan itong tumayo at niyakap s'ya, siniksik ni Xedrick ang ulo sa leeg ni Kellie. umalog ang balikat ng binata. humagahulhol na humihigpit ang yakap sa kanya na parang ayaw na nyang bitawan ang dalaga.
"Nalaman ko man ang totoo hindi parin nabawasan ang pagmamahal ko sa'yo, I still loving you, even until my last breath. I can't afford to lose you but I have to let you go,"Hindi parin tumitigil sa paghagulhol ang binata kaya marahan nyang hinimas ang likod nito para kahit papaano'y maibsan ang sakit na nararamdaman nito.
Naputol lamang ang kanilang yakapan ng may babaeng umeksena sa dramahan nila.
"How sweet! Ano maghihiwalay na nga lang may nalalaman pang ganitong eksena? ano 'to incest? patuloy mamahalin ang isa't isa?"Malademonyo pa itong ngumiti
na ilang hakbang lamang ang layo sa kanila.
"At last! nalaman n'yo rin ang katotohanan, ang katotohanang nagkukumahog na malaman ninyo, another successful plan of mine!"Tuwang tuwa ito na tila ba nanalo sa lotto.
"Ka--kailan mo pa alam?"
"Actually matagal narin Hmm, I think three months? Maybe four?"para itong baliw na natutuwa pa. Namilog ang mata ng dalaga sa sinagot nito habang ang binata ay nakatayo lamang, pinaghihinalaan n'yang ito ang gumawa ng lahat ng ito kanina pa.
"Bakit hindi mo sinabi noon pa?!"Hindi na nito mapigilan mapasigaw. Dahilan naman iyon para muling pumasok ang dalawa para lapitan s'ya.
"That's all the consequences for staying in Xedrick's life, and I want both of you be miserable, Bakit? dahil hindi ko na matiis na makitang masaya ka'yo!"nagiba ang aura nito naging parang mabangis na leon na animo'y hindi pinakain ng ilang taon, subalit nagkukubli ang pighati, pait at kalungkutan sa likod na galit nitong aura.
"You know what? This was the dumbest thing you've ever done,"seryosong sabi ni Xedrick na gustong saktan si Chandra subalit piniligilan ang sarili.
"No, this was the best thing I've ever done, di'ba pinangarap mong magkaroon ng kapatid? A sister you promise that you'll protect at all costs na kahit lalaking lamok ay hindi s'ya madadapuan, pero dahil wala kang kapatid na babae ay ako ang pinangakuan mo noon, so now that both of you have to leave each other, can you fulfill your promise now?"para itong batang nagsusumamo sa kanya, hindi na nya ito kilala. Nagbago na ito na parang nababaliw na.
"You don't need me,"
Umiling si Chandra ng ilang beses. "No I need you and you need me!"
"You don't need me, you need psychiatrist Chandra,"kahit papaano ay naaawa s'ya sa dalaga, don't get him wrong awa na lang ang nararamdaman nito sa dalaga at hindi na pagmamahal.
"What?! do you think I'm crazy?! No!"
"Yes you are!"
She raised her hands to her ears. she was trying to shut it out. "No!"
"Ayyy parang nababaliw na,"Bulong ni Sel sa gilid.
Maya maya'y may puting Van namang pumarada sa tapat ng mansion na hindi nila namamalayan, pinasok ng mga nakaunipormeng kalalakihan ang mansion ng walang kahirap hirap.
"Kellie! sumama na ka'yo saakin!"Nanlaki ang mga mata ni Kellie ng napagtanto kung sino ang lalaki. Ang pinaghihinalaan n'yang kapatid n'yang si Leandro! na kasama ang sa tingin n'yang mga tauhan nito.
Nagtama naman ang tingin ni Katrina sa binata ng sandaling 'yon ay parang may humahaplos sa kanyang puso hindi nito maalis ang tingin sa Binata. bahagya pa itong nag-bow at si Kellie na ulit ang binalingan ng tingin.
Nagtataka si Xedrick kung bakit may mga unipormadong lalaki na may hawak na malalaking dekalidad ng baril ang pinasok sila, bigla s'yang natakot para kay Kellie ka'ya hinatak n'ya ang Dalaga patungo sa likod n'ya.
"Anong kailangan ninyo?!"Mariing tanong nito.
"Le-leandro, bakit nandito ka'yo?"
"Kellie we have to get out of here now!"Mabilis nitong hinawakan ang dalaga sa palapulsuhan pero hindi hinayaan ni Xedrick na mahatak ang dalaga paalis.
"We we're running out of time! Kung hindi pa ta'yo aalis ay paniguradong lahat ta'yo ay mamamatay!"sigaw nito kaya naguluhan ang mga ito.
"Xedrick right? your uncle and grandfather will be here any moment, and could you please let go of my sister?"namilog ang mga matang binalingan ni Kellie ng tingin si Leandro, ano daw?! sister?
"May limang bomba ang nakatanim sa paligid ng mansion na 'to! we can't defused it dahil huli na ng malaman namin!"paliwanag nito dahilan iyon para wala sa sariling nabitawan ni Xedrick si Kellie.
"Please take care of her, I swear pag may nangyaring masama sa kanya ay hindi lang bugbog ang abutin mo sakin, she's also my- damn!"
Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng biglang may sumabog na nanggaling sa pinakalikod ng mansion.
Mabilis namang nakapasok si Kellie sa loob ng van kasama si Sel at si Katrina na natataranta at natatakot, halos matumba sila sa kinauupuan ng bigla nanamang may sumabog.
"Pa-papaano sila Xedrick?"natatarantang sigaw nito at hindi maalis ang tingin sa Tinted na salamin ng Van sa likod.
"Don't worry, may tutulong sa kanila, they'll be fine,"pagpapakalma sa kanya ni Leandro, medyo humupa ang kabang nararamdaman n'ya. Napahilamos na lamang s'ya at tuluyang napaluha, hindi n'ya aakalaing dito na matatapos ang pag-iibigan nila.
Ipinagdarasal n'yang sana ay nasa maayos na itong kalagayan. na sana ay hindi pa ito ang huling pagkikita nila.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top