Chapter Sixty Four
**
CHAPTER SIXTY FOUR
KELLIE's POV
BUONG Biyahe ay tahimik si Lyra, tuwing kakausapin namin sya ay ngingiti at tatango lang sya. Hindi talaga sya OA at alam kong mahal na mahal nya parin si Xander, hindi biro ang pinagsamahan nila kaya hindi sya makaka-move on ng ganoon kadali.
“Lyra, ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?”Tanong ko pagkababa namin sa Kotse nya pagka-park nya.
“Nope, I'm fine,”Pilit syang ngumiti. Hayst naninibago tuloy ako sa kanya, e hindi naman sya ganto, kilala ko sya alam ko ugali nya at masiyahin syang tao. Kung bakit kasi dinala pa ni Xander yung Girlfriend nya sa mansion, pero wala naman akong magagawa desisyon ni Xander 'yon.
“Sigurado ka?”Mas lumaki ang ngiti nya pero alam kong peke 'yon.
“Yes ofcourse, date natin 'tong tatlo, don't you worry about me okay na okay ako,”Pilit nyang pinapakita ang totoong ngiti na madalas nyang pinapakita saamin pero hindi umabot.
“Okay, pero the best way to revenge is to move on, nandito lang kami ni Lila kung kailangan mo ng kausap”Ngumiti lang sya at tumango.
“Thank you, Hmm let's not talk about him please?”Kunyari kong zinip ang labi ko at ngumiti sa kanya.
“Hmm, anyway saan nyo ba gustong pumunta muna?”Tanong ni Lyra nagkatinginan kami ni Lila at nag-isip kung s'an pwede.
“Ah! Alam ko na sa Time zone kaya?”Suggest ko.
“Lyra, may plan ta'yo right?”Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Lila, anong ibig nyang sabihin? Bakit hindi ko alam, nakakatampo naman 'tong dalawang 'to.
“Anong Plano nyo? Bakit hindi ko alam?”
Nagkatinginan silang dalawa habang nakangiti at mabilis naman akong binalingan ng tingin hindi parin nawawala ang malaking ngiti sa mga labi nila kaya mas lalo akong nagtataka sa mga ngiti nila.
Inangkla nila ang Braso nila saakin at mahinang natatawa tawa pa.“Teka? Hindi nyo pa nasasabi saakin ano bang plano nyo? Daya ah, baka naman? Baka naman gusto nyong sabihin saakin?”Nakangusong sabi ko.
“Shut up kells! You still owe us right?”Sabi naman ni Lyra.
“Sige na nga, pero san ba—“
Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na si Lyra, hawak parin nila ako sa braso papasok sa mall, kailangan ba talaga hawak hawak ang braso ko? para namang preso ako neto e.
“Hep! No buts na okay?”
“Can't wait huh? Hehe,”si Lila.
Nakarating naman kami sa tapat ng Hair and Make up parlor kaya nanlaki ang mata ko. Wag nila sabihing ako ang ipapa make over nila?!
“Teka?! Ba't nandito ta'yo?”
“Isn't it obvious? Ofcourse magma-make over ta'yo! Lalo ka na,”Umiling ako at tinanggal ang pagkaka hawak nila saakin kaya naman nagtaka sila.
“A-ano kase, ahm kulang pera ko pasensya na ka'yo na lang siguro,”Napakamot ako sa ulo ko, wala akong dalang pera pang pamasahe ko nga lang 'to e, hindi naman kasi nila sinabing mamamasyal pala kami e'di sana nakapaghanda naman ako ng pera.
“Don't worry sagot kita ako ng bahala sa pera, all you have to do ay mag-enjoy okay?”
Eh? May utang pa nga ako sa kanila baka madagdagan pa nakakahiya naman. Magsasalita pa sana ako pero bago ako makapag react ay hinatak na nila ako papasok sa loob kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatianod na lang sa kanilang dalawa. Bumungad naman saamin ang mga Baklang Parlorista.
Nasa pinto ako at yung dalawa naman nilapitan yung isang bakla, habang kinakausap nilang dalawa 'yon e inilibot ko ang paningin ko sa Paligid, as usual maraming mga posters malalaking salamin at mga ginagamit pang-make up, hindi ko alam kung kailan ang huling beses na nagpunta ako sa gantong lugar. Matagal narin e wala naman akong balak pumunta sa gantong lugar isa pa wala akong time magpa-ganda.
Lumapit naman sila saakin pinaupo na ako ng Bakla sa upuan. Habang yung dalawa nasa tabi ko na inaayusan narin ng ibang bakla.
“Ahm pwede mag request?”Ngumiti naman yung bakla habang hirap na sinusuklay ang buhok ko.
“Sure! No problem,”
“Pwede wag yung rebond?”
“Don't worry knows ko na 'yon,”Tumango tango lang ako at kinuha ang Magazine sa Isang rack na malapit saakin, ganoon rin si Lila at Lyra kaya ginaya ko na lang.
Kung ano anong gamot na ang nilalagay sa buhok ko na hinahayaan ko lang. Actually kaya ayaw kong ipa-straight ang buhok ko dahil kay Xedrick kasi Baka magalit 'yon e kulot pa naman ang Tawag nya saakin. Para san pa kung straight na ang buhok ko di'ba?
Natapos na ang bakla sa kalalagay ng kung ano ano sa buhok ko ka'ya umalis na ito. Bali nakabalot ang buhok ko dahil sa gamot na hindi ko maipaliwanag ang amoy.
Sumandal naman ako sa upuan habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, nakaka boring. Isang oras pa akong maghihintay nito para raw effective ang gamot.
Hindi ko nga alam kung bakit magpapakulot pa ako e kulot na nga ako e, pero siguro kailangan ko nga talaga 'to para lumambot ang buhok ko at mas kumulot.
Maya maya'y may lalaki namang umupo sa kabilang parang pa-swivel chair naka sombrero ito at naka salamin. May kumikinang pang relo sa kabilang palapulsuhan nito. Naka Grey jacket at naka maong. Kahit nakasalamin sya ay mukha parin syang gwapo kung titignan ng mabuti. matangos ang ilong nya maputi, may maninipis na labi at makapal na kilay, medyo mabalbas ito.
Hindi ko naman mapigilang titigan sya ng matagal, ewan ko ba kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sa lalaking 'to, o siguro gusto ko lang syang titigan dahil naboboring na ako.
Tinanggal naman nya ang sombrero nya at tumambad ang medyo kulot at Blonde nitong buhok, may pagkakahawig kami ng Buhok pero mas kulot ang buhok ko.
Ng tignan ko sya sa salamin ay parang nakatingin ito saakin. Naglihis na lang ako ng tingin baka kasi kung anong isipin nya e kanina ko pa sya pinagmamasdan.
“Libre na lang ngayon fafa, suki ka naman namin e,”Sabi nung bakla na kinikilig pa, hindi naman umimik yung lalaki.
Ng matapos itong gupitan ng kaunti ng Bakla na kinikilig parin ay mabilis na itong umalis, pero hindi pa sya tuluyang umaalis at saglit pang tumingin sa salaming katapat ko habang nakatayo sa pinto, napalunok ako ng napagtanto kong ako ang tinitignan nito mula sa malaking salamin dahil ibinaba nya ng kaunti ang Itim na salamin nya. Brown ang mga mata nito at kagaya rin ng saakin at hindi lang 'yon parehas kami ng hugis ng Mata.
Ilang minuto akong napaisip at natigilan. Sino kaya 'yon?
Bahala na nga. Umiling lang ako at Ibinalik ko na ang Magazine sa Rack sa baba, kaya naman napansin ko ang wallet sa Sahig na sa tingin ko ay galing sa lalaki, pinulot ko 'yon para sana ibigay sa lalaki pero nakaalis na kanina pa pala.
Binuksan ko ang wallet para malaman kung anong pangalan ng lalaki para maisauli ko sa kanya tong wallet nya. Nawindang naman ako sa Dami ng pera at Iba't ibang klase ng Cards na sa pagkakaalam ko ay para sa mayayaman lang. Grabe kung aangkinin ko 'tong wallet ay Instant Rich na ako ngayon. Pero hindi ko gagawin 'yon syempre. Hindi ako pinalaki para magnakaw o gumawa ng masama sa kapwa.
Napansin ko naman ang picture ng dalawang Batang magkaakbay sa isa't isa, isang batang babae at batang lalaki na malaki ang pagkakangiti siguro mga anak ito nung lalaki kanina, medyo familiar saakin ang batang Babae kaya nangunot ang noo ko, siguro namiss ko lang ang mga kapatid kong babae kaya nagiging familiar ang batang babaeng 'to saakin.
Kinuha ko naman ang ATM card para tignan ang pangalan nitong may-ari ng wallet.
“Leandro Salazar Sr.”Bigkas ko sa pangalan, hindi ko alam kung sa'n ko sya hahanapin pero bahala na si Batman. Kung hindi ko talaga sya mahanap akin na lang 'to Joke--- irereport ko sa pulis syempre.
Tinignan ko naman 'yung picture ng lalaki, mukha itong American at parang model ng isang mamahaling Brand.
“Sis ano 'yan?”Tanong ni Lyra na nakatingin sa wallet. Nagulat pa sya sa kapal ng laman n'on.
“Wallet ng lalaki kanina nahulog,”
“So ano ng gagawin mo d'yan?”
“Hmm. Hahanapin ko yung may-ari,”
“Sa'n mo naman 'yon hahanapin? Kilala mo ba?”Umiling ako.
“Baka may address sya rito o calling card,”Tumango tango sya. Imposibleng walang calling card rito
E mukha naman syan Business man o Model na malaki ang kinikita, pero paano kaya napadpad ang ganoong klase ng tao rito? Hayst ewan basta hahanapin ko ang may-ari nito.
Matapos ang buhol ko ay make-up naman pero light lang. Saan kaya kami pupunta at kailangan pa naming mag make-over?
Mas gumanda ang pagkakakulot ng buhok ko na permanent na at ang kulay naman ng buhok ko hindi nag-bago.
Hindi naman na nag pa make-up si Lila si Lyra naman kanina pa may light make-up.
Natapos kami sa parlor shop nagpa manicure, pedicure at sunod naman sa sa women's apparel. Nakakalula ang presyo kaya wala akong mapili kaya bumalik na lang ako sa kinauupuan nila Lila, naiilang rin kasi ako sa saleslady sunod ng sunod para namang magnanakaw ako kung makasunod, hindi naman ako magnanakaw kahit wala akong pambayad. E dinala lang naman ako rito nung dalawa e.
“Oh? May napili ka na ba?”Napakamot ako sa ulo ko. Halos lahat maganda pero nakakakula naman yung presyo.
“Wala, ang mahal e,”
“Don't mind the price I can take care of it, pumili ka kung san ka kumportable at gusto mo,”nakangiting sabi ni Lyra na parang barya lang ang twenty thousand sa kanya.
“Hmm okay, pero babayaran—“
“No, you don't have to pay, ano ka ba? Para ka namang others e!”Hinawakan naman nya ako sa Braso ko at naglakad kami papunta sa mga damit.
Nagbuklat buklat ako pero hindi ko matipuhan.
“Kells! Try this one,”Ipinakita nya saakin ang Red Wrap dress, na Below the knee at labas ang dalawang balikat, tinulak naman nya ako papunta sa Fitting room na mabilis ko namang sinukat.
Bakit kaya kailangan ko ng gantong damit? E pang party 'to e sa pagkakaalam ko naman wala kaming party o okasyon na pupuntahan.
**
Lumabas na ako matapos kong maisuot ang damit, hindi na masama bagay naman saakin. Nagulat naman silang dalawa ng lumabas ako.
“Wow! That dress really fit for you!”si Lyra na gulat na gulat.
“Mas gumanda ka!”si Lila na nag thumbs up pa. Nginitian ko lang silang dalawa at tinignan ang dress ko.
“Hmmm, kulang pa! Heels and accessories pa, let's go,”
**
Natapos naman kami sa pamimili at kasalukuyan na kaming nasa kotse may pupuntahan raw kami hindi ko alam kung saan. Tinatanong ko sila kung saan hindi naman nila sinasabi maghintay na lang raw ako.
Dahil sa mga mamahalin kong suot nagmumukha akong anak mayaman halos ubusin na ni Lyra ang allowance nya para lang saakin kaya nahihiya ako, hindi ko alam kung magkano lahat 'tong suot ko pero paniguradong malaki ang ginastos nya.
“Lyra, paano ba ako makakabayad?”Tinignan nya ako sa rear mirror saglit.
Imbis na sagutin ay may ibinigay lang sya saaking Blindfold na nagtatakang kinuha ko.
“Para san 'to?”
“Basta, suutin mo na lang, tsaka you don't have to pay me kaya wag mo ng itanong,”Sabi nya na tinanguhan ko na lang.
Ng tumigil ang kotse ay sinuot ko na ang blindfold, inalalayan nila ako pababa dahil medyo nahihirapan ako sa high heels na seven inches ang taas nanginginig nga ang mga paa ko dahil hindi talaga ako sanay.
Muntik pa akong matapilok pero dahil inaalalayan ako nila Lila at Lyra ay hindi ako natuluyan.
Tumigil naman kami sa hindi ko alam kung saan, tuluyan na nila akong binitawan at binulungan pa ako.
“Enjoy! Hihi,”si Lila na humagikgik pa.
“Kwento ka bukas okay? You have to tell us what happened,”si Lyra.
Matapos ay wala ng nagsalita, paniguradong umalis na sila. Tinanggal ko naman ang Blindfold at tumambad saakin si Xedrick na naka Blue polo long sleeve at Black jeans.
Nakangiting lumapit sya saakin at ibinigay ang tatlong red flowers na kinuha ko naman.
“You look quite elegant and Beautiful today, Beautiful Today? Nope araw araw pala,”Naglihis naman ako ng tingin at kinakagat ang labi ko dahil sa kilig, pinamumulahan na ako ng pisngi nito.
“A-anong pakulo 'to?”Tanong ko ka'ya napasimangot sya.
“Nakalimutan mo? This day was our Seventh Monthsarry,”Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya, Hala! Bakit nakalimutan ko 'yon?! napangiwi ako.
“Pa-pasensya na,”Ngumiti naman na sya at hinawakan ako sa Palapulsuhan ko.
“It's okay,”
Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid, isa itong Amusement park na walang katao tao bukod sa mga Vendor na nakangiti.
“Bakit ta'yo lang ang nandito?”Kunot noong tanong ko, ngumiti naman sya bago sumagot na kinagulat ko.
“I rent this whole amusement park for us,”napanganga ako sa sinagot nya.
“Hala! Ginawa mo talaga 'yon?!”
“Isn't this obvious?”Napairap ako.
“Anyway, san mo gustong sumakay?”Tanong nya, tinignan ko ang paligid at tinuro ko ang space shuttle na nilingon nya at nakangisi syang binalingan ulit ako ng tingin.
“You like extreme rides huh?”Bakit iba yata ang pagkakasabi nya?! Yung may laman. nakaka green tuloy.
“Tara! Sakyan natin 'yon,”Hinatak ko naman sya papunta d'on.
Hindi ko na alam kung kailan ang huling punta ko rito, bata pa ako n'on. Ngayong araw na-realize ko na may mga pasyalan pala akong na-miss, mga bagay na hindi ko magawa n'on dahil puro pag-aaral at trabaho ang inaatupag ko.
So ayun panay ang tili ko ng sumakay kami d'on napapapikit na ako sa takot, halos magsusuka ako pagkababa namin. Inalalayan nya ako sa Rest area at binigyan ako ng Candy at Tubig.
Nagsusuka ako sa Trash can hinihimas ni Xedrick ang likod ko.
“Tsansing ka kanina hah,”Sinimangutan ko sya.
“Hoy! Hindi ka'ya!”Natatawa naman sya.
“Hinahawakan mo abs ko kanina,”
“Hoy hindi! Natatakot kaya ako kanina, tsaka gusto mo kaya!”Nagtaas sya ng dalawang kamay habang tumatawa pa.
“Okay fine, defeated,”
Idinantay ko ang ulo ko sa malapad nyang braso. Nahihilo pa kasi ako haist nag-carousel na lang sana ako.
“Let's try the anchor Watt,”Natatanaw ko rito ang anchor Watt, napasimangot ako baka magsuka nanaman ako.
“Yoko baka magsuka nanaman ako, tsaka masaya ka nanaman kasi makaka tsansing ka,”
“Atlis ikaw lang,”
“Ewan ko sa'yo! Tara carousel na lang ta'yo,”Tumayo ako at hinatak sya sa kamay nya.
Tuwang tuwa akong naka sakay sa kabayo na para akong bata, hindi ko narin maalala kung kailan ang huli ng sumakay ako sa carousel. Nakakamiss.
Naalala ko tuloy si Papa Albert, sya yung kasama ko ng sumakay kami sa carousel, sya ang nagpuna ng pagkukulang ng tunay kong ama, pinapasyal nya ako sa gantong lugar n'on.
Ng mag-gabi naman ay isa isang umilaw ang mala street lights na iba't iba ang kulay, ang ganda, makulay. Maski ang mga rides may iba't ibang kulay ng ilaw.
Halos lahat na yata sinakyan namin maski ang mga pambata kaya memorable ang araw na 'to.
Papunta na kami sa Ferris wheel dahil d'on na raw ang huling sasakyan namin since gabi narin.
“Open you're eyes”
Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak ako sa braso nya, takot sa matataas, jusko! Etong ferris wheel na yata ang rides na pinaka ayaw ko.
“Baby open you're eyes. I'm here wag ka matakot.”Dahan dahan ko namang binuksan ang mga mata ko. Pero mas lalo akong sumiksik sa kanya para mawala ang takot ko.
Ipinikit ko nanaman ang mga mata ko ng tumigil kami sa Pinakang dulo.
Pero dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko ng umalingawngaw ang fireworks, kitang kita ko mula rito ang magandang fireworks tutok na tutok ako d'on kaya nawala ang takot ko, ang gandang pagmasdan.
Nagulat naman ako ng may “I Love you, kulot ko” sa pangalawang fireworks, natutop ko ang labi ko at hindi ko mapigilang mapaluha.
Ngayon lang ako na surpresa ng ganto sa buong buhay ko na akala ko imposible ng mangyari, feeling ko napaka espesyal kong babae para masurpresa ng ganito.
“Aren't you happy?”Pinunasan nya ang pisngi ko. Mabilis naman akong umiling.
“Sobrang sa'ya ko Bakukaw ko. Salamat,”
Siniil naman nya ako ng dahan dahang halik na mabilis kong tinugunan, tuluyan na akong napapikit dahil nadadala ako sa nakalalasing na halik nya.
Matapos ang halik ay nagtama ang nag-aapoy naming mga mata, uhaw sa isa't-isa.
May kinuha syang Box sa bulsa nya at kinuha nya ang kwintas na mukhang mamahalin, isinuot nya 'yon saakin habang tinitignan ko.
Heart shaped iyon at may naka engraved na K ❤ X.
“Do you like it?”
“Sobra. Ang ganda...”Niyakap nya ako at bumulong sa tenga ko.
“I love you My Queen, my kulot”
“Mahal na Mahal rin kita Bakulaw ko,”
Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko para swertehin ako ng ganto, kasama ko ang lalaking mahal na mahal ko, at mahal na mahal ako sa pinaka espesyal na araw namin, hindi lang 'yon dahil pinaramdam nya saakin kung gaano ako ka-espesyal at kahalaga, hindi ko makakalimutan ang araw na'to.
**
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top