Chapter Fourty Three: Tayo Na?!

**

CHAPTER FOURTHY THREE: TAYO NA?!

KELLIE's POV

GRABE napagod ako sa buong araw na ginawa ko, nagtrabaho lang naman ako magsusunday na marami nanamang Gawain, hindi ko na napansin ang oras gabi na pala.

Umupo ako sa Higaan ko at napakamot sa ulo kaya nakapa ko ang clip ko, teka! Speaking of clip.

Hala! May nakalimutan ako, nakalimutan kong kuhain yung clip na regalo ni xander! Nagmadali akong Pumunta sa kwarto nya para kuhain yon baka nagtatampo na sya.

Ng nakapasok na ako sa loob ay naabutan kong nakapatay ang ilaw, wala sigurong Tao, Ini-On ko ang ilaw, nakita ko naman ang Box ng clip sa king size bed ni xander, napangiti naman ako.

Kinuha ko naman yon, at lalabas na sana ako ng biglang-

"Waaaah!"

Napatili ako ng malakas at napatakip ako sa mata dahil kitang kita ko yung katawan ni xander, six pack abs! Waah! Ang laki ng katawan nyaaa!

"Sh!t."mahinang mura nya nanginginig ang boses nya habang paulit ulit na napapamura, Huhu! Dapat pala kumatok muna ako bago ako pumasok! Nakakahiya! Masyado kase akong atat akala ko naman kase wala sya rito!

"So-sorry.."

Naglakad na ako papalabas, naririnig ko naman ang footsteps nya sinusundan nya ako kaya mas binilisan ko, grabee! Feeling ko pulang pula na pisngi ko.

Nakatungo ang ulo ko nakapikit ang mata at nakatapal ang kamay ko sa mukha ko habang naglalakad palabas, kaya hindi ko namalayan na bumunggo na pala ako sa pader sa gilid ng pinto.

"Araaay!"

Nilapitan naman nya ako hinawakan nya ang kamay ko at kunot noong tinignan ang ulo ko nag-aalala ang hitsura nya, hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya at hinimas ang ulo ko kase masakit.

Nakadamit na sya kaya hindi ko na tinatakip ang kamay ko sa Mukha ko, kakaligo lang pala nya.

"So-sorry, are you okay?!"

Mukha ba akong okay? Hindi ko na lang sya sinagot grabe ang tanga ko, sakit hutek!

"Dapat pala ibinigay ko na yung clip sayo kanina, sorry."Dapat nga eh! Huhu.

Nagthumbs up na lang ako sa kanya, habang nahawak parin ang isa kong kamay sa ulo ko, napakasakit talaga.
"Sorry din, hindi kase ako kumatok eh."Medyo nauutal kong sagot sa kanya, Hinawakan naman nya ang kamay ko at medyo inilayo sa ulo ko, kaya nangunot ang noo ko.

Inilapit nya ang mukha nya sa ulo ko kung swan masakit at marahang inihipan yon, ilang beses nyang ginawa yon, napatingin ako sa Hitsura nya, Ang gwapo nya.

Ang swerte ni Lyra...

Pero sa isang iglap lang, namalayan ko na lang si xander na nakahiga sa sahig na pinagsasasapak ni xedrick, bigla naman akong nataranta.

Hala!

Aawatin ko na sana silang dalawa pero mabuti na lang nandito ang apat nilang kapatid na pilit unaawat sa kanilang dalawa- este Kay xedrick, hindi lumalaban si xander, iniilagan lang nya ang sapak ni xedrick pero hindi sya nakakawala.

"Xed! Stop it!"si toppher na umaawat Kay xedrick kasama ni Brent at Xavier, inilayo naman ni jei si xander baka kasi manlaban ito.

"WTF!"sigaw ni xander ng magkalayo sila, nag-aalab ang mga mata ni xedrick na nakatingin Kay xander.

"What the hell are you doing huh!?"sigaw ni xedrick nakakunot ang noo nito at halata ang galit, salit salit ko silang tinitignan.

Pumutok ang labi ni xander, may black eye sya sa kaliwang mata nagdugo rin ang ilong nya, si xedrick walang bangas sa mukha.

Pinunasan ni xander ang labi nya at umubo, naaawa tuloy ako Kay xander, wala naman syang kasalanan nabugbog pa sya.

"You misinterpret-"

Bago pa makapagsalita si xander ay nagsalita na kaagad si xedrick.

"I am not asking for your explanation."sigaw ni xedrick at tsaka tinanggal ang pagkakahawak sa kanya ng mga kapatid nya.

"Don't you wait me to forget you as my brother !"Huling sabi nito bago Umalis, nataranta naman ako at parang gusto kong habulin si xedrick para magpaliwanag.

"Go, follow him."Tinanguhan ko lang si xander, bago sundan si xedrick.

Blagg!

Kaagad kong tinungo ang pinto ng kwarto ni xedrick at Kinatok iyon ng malakas.

"Xedrick! Buksan mo tong pinto please! Mag-usap tayo."

Gusto ko lang ipaliwanag sa kanya na wala namang nangyari, walang malisya kung gusto lang namang pagaanin ni xander ang Loob ko, aish! Yung bakulaw na yon talaga.

Ilang beses kong Kinatok ng malakas ang pinto, hanggang sa napagod ako napaupo naman ako dahil sa pagod.

Hanggang sa namalayan ko na lang na binuksan na pala ni xedrick ang pinto, napatayo ako wala syang Emosyon.

"What?"Malamig ang boses na tanong nya.

"Mali ang iniisip mo xed, wala ka bang tiwala saakin? Nag-usap kami ni xander kaganina tungkol-"

Gulat na gulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"I am afraid, afraid that he might get you from me."Niyakap ko sya pabalik, mas lalo namang dumiin ang yakap nya sa leeg ko, Hmp napakaseloso nya talaga.

"Hindi mangyayari yon, alam mo naman yon diba?"Kumalas sya sa yakap at hinarap ako, Malungkot ang hitsura nya.

"Ng nakita ko kayo kanina na sobrang lapit sa isa't-isa alam mo kung ano ang naramdaman ko? Sobra akong natakot, naparanoid dahil mahal kita, I can't lose the girl I love again, I lose once."Feeling ko pulang pula na naman ako sa sinabi nya, ang puso ko ang lakas ng tibok.

"Mahal rin kita Xedrick, alam mo naman yon eh, magtiwala ka saaken okay? Wala akong ibang nararamdaman para Kay xander kundi paghanga lang, yun lang."Mahinhin kong sagot sa kanya, napangiti na sya, grabe ang Obsess nya.

Naiintindihan ko naman sya, Masakit ang naging karanasan nya sa pag-ibig, at ayaw na nyang maranasan iyon saakin at ayaw ko namang maranasan nya ulit iyon.

"I trust you."napangiti ako.

"Oh yun naman pala eh."

"But I don't trust xander, Malay ko ba baka lumala nararamdaman mo sa kanya, He likes you."Napanguso sya kaya natawa ako, Hinawakan nya ang dalawang bewang ko.

"Hindi naman nya ako mahal na ako rin, kaya pwede? Wag ka ng matakot, kilala ko na kung sino ang mahal ko xedrick ikaw yon, isa pa mahal nya si Lyra."Sagot ko sa kanya.

"I won't pressure you, hihintayin ko ang Oo mo kahit gaano katagal."napangiti namanako.

Napawi ang ngiti ko ng maalala ko si Madame, Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nito, mahirap lang ako at Paniguradong hindi ito boto sa katulad ko para sa anak nya.

Hinawakan ni xedrick ang Baba ko, may pag-aalala sa mga mata nya, at nagtatanong kung bakit bigla na lang nagbago ang mood ko.

"Why? What's the matter?"

"Kinakabahan ako, baka hindi ito magustuhan ni madame aliah."

"wala akong pakealam, walang may pakealam, pag mahal ko walang pwedeng mangealam, even mom she's out of what we have."napangiti ako pero, hindi lang dahil sa masaya ako, natatakot ako na baka pagdating ng panahon hindi na nya mapanindigan ang pangako nya.

"e pano kung isang araw..."

"ipaglalaban kita kung dumating man ang araw na kinakatakutan mo, remember this... I will take every risk just to be with you."

Thump Thump.. Yung puso ko kumakabog nanaman!

Niyakap nya ako at Hinalikan ang Noo ko, tapos ay hinarap nya ako ng may ngiti sa mga labi, nginitian ko rin sya. Panigurado nararamdaman nya ang tibok ng puso ko.

Ng sandaling nagyakap kami ay naramdaman ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso nya, nag-hahalo ang tibok ng puso namin.

"Oo bakulaw."Sagot ko kaya naguluhan naman sya.

Maya maya ng marealize nya ay napangiti sya na halos umabot sa Tenga nya, hinawakan nya ang dalawang balikat ko.

"Tayo na?!"Hindi naman sya makapaniwala. Mahal naman namin ang isa't isa ayaw ko lang patagalin pa.

Tumango ako, niyakap naman nya ako.

"Thank you! I promise You won't regret this! I love you kulot."

"aba! Dapat lang 'no!"sagot ko naman na tatawa tawa, saglit lang nya akong hinalikan at niyakap ulit.

"Be ready, Liligawan kita araw-araw."

Hahalikan na sana nya ako ulit kaso biglang may nagsalita sobra namang nairita si bakulaw, adik talaga sya sa kiss haha.

"Ka'yo na?"Si Brent na hindi makapaniwala, binatukan naman sya ng mga kapatid kaya natawa kami ni xedrick.

"what the! Aray! Ano ba!"

"Hindi ba obvious?!"si Xavier.

"Tanga lang men!"Si Jei.

"mga ulul! Aray."Si Brent.

Nagkatinginan naman kami ni xedrick nagkibit balikat kami habang tumatawa, lumapit naman saamin si Clyde, ken at ashe.

"You're the man bro!"si Ken at nakipag fist bomb Kay xedrick, ganun din naman si ashe at ken.

"may favor lang ako guys."lahat sila nakuha ko ang attention, halos lahat sila saakin nakatingin, napakamot ako sa ulo.

"Kung maaari sana tayo lang ang makakaalam? Uhm pwede? Lalo na si Madame."nagkatinginan silang lahat bago nagkatinginan.

"pwedeng pwede!"

**

MONDAY...

"Time flies, Exam nanaman."Sabi naman ni Lila habang naglalakad kami papunta sa kanya kanya naming room, Malapit na ang midterm.

"Oo nga eh hindi ko namalayan, malapit na midterm."sagot ko naman, so kailangan na namin magreview.

"wanna test-prep together?"Nginitian ko naman sya.

"Oo naman!"sya lang naman ang pwede kong makasama, matalino sya at panigurado malaki ang maitutulong nya saakin sa pagrereview.

"Oo nga pala, bakit nasa mansion ka ng mga Anderson ng nakaraan?"tanong ko kay Lila, inayos naman nya ang salamin nya.

"That time hinahanap kita the midterm's approaching so naisip kong yayain ka magreview nagpunta ako sa mansion ng mga andersons, The maid said you're not there I am about to leave when jei invite me to come in, may celebration raw hindi ako makatanggi."napatango naman ako kaya pala.

"Ah kaya pala, May ibabalita pala ako."ngiting ngiting sabi ko.

"Looks like it is a good news I am I right?"Tumango ako ng ilang beses.

"Kami Na ni xedrick! Hehe."nanlaki naman ang mata nya na parang hindi makapaniwala gulat na gulat.

"eh? Bakit hindi mo sya kasama?"

"Iniwan ko! Haha."tulog na tulog pa kase sya, siguro hindi makatulog kase kilig na kilig haha.

"Kellie!"

Napalingon naman kami ni lila sa pinanggalingan ng boses si Xavier yon at lumapit pa saamin kasama nya mga kagrupo nya except Kay Xedrick, ngitin ngiti sya, tss feeling close tong jerk na toh, sinimangutan ko naman sya.

"Ang sama ng Hitsura mo ha, para namang wala akong pag-asang maging friends tayo?"Kinunutan ko sya ng Noo, wow hah totoo ba naririnig ko?

"nabibingi ba ako?"

"I think so."Bulong ni Lila saakin.

Napakamot naman sa ulo si Xavier, Maya maya lang parang may Light bulb na nasa taas ng ulo nya kase may naisip sya, as if namang meron? Haha.

"tutal friends na tayo ano kaya kung-

Hindi pa nya natapos ang sasabihin ng nagsalita na ako. "Friends na ba tayo?!"sagot ko, napakamot sya sa ulo nya.

"Oo naman! Boyfriend mo na si Xedrick e."ngingisi naman sya napairap na lang ako.

"kulit mo sige na nga."Napangiti at napa-yes naman silang lahat, napailing ako parang hindi sila mabiro? Haha.

**

Naglalakad kaming magkakasama papunta sa Library ang dami pa ngang tumitingin saamin nagbubulungan pa yung iba nagtataka lang naman kung bakit kami kasama ng 'to, sino nga ba naman ang hindi magtataka?

"this is so awkward!"Bulong saakin ni lila na nakatungo ang ulo.

"Pakisamahan na lang natin."Bulong ko sa kanya pabalik, tinignan nya ako at tumango, nginitian namin ang isa't-isa.

"Oh! Xed bro."napukaw naman ng atensyon ko ang sinabing iyon ni Xavier, Sinalubong naman sya ng mga kapatid nya at yung tatlo, nagkatinginan lang kami ni Lila.

"you should give your boyfriend a hug."sabi naman ni Lila, napakamot ako sa ulo.

"e, kasi baka may makaalam rito, secret kasi namin muna, alam mo na."Sagot ko naman, napatango naman sya at inayos ang salamin nya, nanlaki naman ang mata nyang nakatingin sa likod ko, kaya nangunot ang noo ko.

Bago pa ako makapagsalita ay may humatak na saakin sa kung saan, nakarating kami sa old building kung hindi ako nagkakamali wala ng gunagamit ng room na ito.

"We don't have to keep our relationship as a secret, kinakahiya mo ba ako?"ramdam ko ang malamig na dingding sa aking likuran.

Tinrap nya ako sa isang Braso nya, halos ang lapit namin sa isa't-isa Hindi na ako makahinga sa sobrang lapit nya, hiyang hiya kase ako sa hininga nya napakabango amoy menthol nakaka-adik, baka kase mabaho hininga ko e, nakakahiya naman.

"Uhm-

"what?"

Medyo nahihirapan akong ngumisi sa kanya, at marahan syang tinulak pero hindi sya nagpatinag kaya napakamot ako sa ulo, tinagilid ko ang pisngi ko.

"Pede lemeye ke mene?"Napakagat labi ako, umakyat na siguro lahat ng dugo ko sa mukha ko for sure.

Ang bilis rin ng tibok ng puso ko na lagi kong nararamdaman tuwing malapit sya, at kahit malayo man, hindi sya naaalis sa isipan at puso ko.

"Uhm okay."parang ayaw pa nya pero no choice naman sya kase ako ang humiling.

"Hindi naman sa ganoon, natatakot lang talaga kase ako na baka... Baka paglayuin tayo ni Madame aliah, kilala mo ako, alam kong hindi mo nakalimutan ang sinabi ko... saka na lang natin ibunyag please?"nagpuppy-eyes pa ako para mas effective.

"Tss! Nagpacute ka pa, wala na, wala na talo na ko."Nagkibit balikat pa sya at nagtaas ng dalawang kamay, napangiti naman ako ng sobra.

Binigyan ko naman sya ng smack, kaya na-shock sya, maya Maya lang bigla na lang syang lumapit at tinrap nanaman ako jusko!

"eto na lang! Pagnakagraduate na tayo ng college saka natin sabihin sa mga magulang natin ano deal?"Ngumiti lang sya, pahiwatig na pag-sangayon nya saakin.

"Basta ikaw."Hinawakan ko naman ang kamay nya.

"so ano? Tara na kailangan pa nating magreview."Hinatak ko naman sya para umalis na kami pero napansin kong hindi sya nagpapadala sa hatak ko kaya nilingon ko sya.

"oh wait! May kasalanan ka nga pala saakin."At ngumisi sya, kaya napakagat labi ako sa sobrang kilig.

"H-huh?"pa-inosente kong tanong kaya mas lalo syang napangisi, hinawakan nya ang baba ko at inangat, kaya nagkatinginan nanaman kami, mas bumilis pa ng Triple ang tibok ng puso ko kesa kaganina.

"oh playing innocent baby."Sheeeeet! Baby, gosh! Enebe nemen e! Kenekeleg ne telege eke!

"Nagustuhan mo ng tawagin kitang baby, mas lalo kang namula, you like baby huh? Baby, want more? Babyyyyyy."inaasar nya na talaga ako e! Eto na ba ang ganti nya dahil kaganina? Grabe naman yata!

Okay! Haharapin ko ang punishment ko... Idinako ko ang aking dalawang kamay sa kanyang pisngi sya naman ay idinako nya anh kanyang mga kamay sa aking bewang.

Matapos ang masidhing tinginan ay natapos kami sa isang maalab at uhaw na halik sa isa't isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top